Undo – Episode 13: Ctrl + End Part 2
By ereimondb
1 Corinthians 13:4-10
Love is patient
Love is kind And is not jealous Love does not brag And is not arrogant
Does not act unbecomingly
It does not seek its own
Is not provoked
Does not take into account a wrong suffered
Does not rejoice in unrighteousness
But rejoices with the truth Bears all things Believes all things Hopes all things
Endures all things
Love never fails
But if there are gifts of prophecy
They will be done away If there are tongues They will cease
If there is knowledge It will be done away For we know in part
And we prophesy in part But when the perfect comes The partial will be done away
~~~
Parang tumigil ang oras nang mga sandaling iyon. Pakiramdam ko pa nga ay tumigil ang pagtibok ng puso ko. Ibang-iba ang hitsura niya…
Ang dating kakaibang babae, kulay pula ang buhok, at sunod sa uso pa ang pagkakaayos, ngayo’y tila
mas seryoso na ang kanyang hitsura. Bumalik na sa dating kulay itim ang buhok, mahaba ito at higit sa lahat ay medyo nagkalaman ito.
Ngunit kahit medyo bumigat ang timbang, ay bakas pa rin dito ang kagandahan ng kanyang mukha. Balido naman ito dahil sa kanyang kalagayan.
Buntis siya. Buntis si Martha.
“Hi…” Bungad niya sa akin sabay ngumiti. Hi?
Iyan lang ba ang kaya niyang sabihin?
Hindi ba puwedeng simulan na niyang magpaliwanag kung bakit siya nawala at nang-iwan?
Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit ko pa inaasahang hingiin ang ibibigay niyang dahil sa mga nagawa niya.
At lalong hindi ko rin maintindihan kung bakit pa ako nakatayo sa harapan niya ngayon. Paksh*t!
“Oh?! Bakit ka pa nakatayo diyan? Maupo ka Martha… Heto uminom ka muna. Baka napagod ka sa
biyahe, mamaya makasama pa yan sa baby…” Saad ni Kat. Kitang-kita ko kung paano niya ineestima ang bisita namin. Napakunot pa ang noo ko.
Nalilito ako.
Ako ba ang binisita ni Martha o siya?
Alam ba niyang pupunta dito ang babaeng iyan? O siya mismo ang nagdala sa pamamahay ko?
Wala akong kaalam-alam dahil kasalukuyan akong nananaginip mula sa aking pagkakahimbing sa mga oras na bumibiyahe si Martha papuntang Antipolo.
Gusto kong magalit. Gusto kong magtanong.
Nagulat din ako sa aking sarili, dahil ang alam ko, ay nakapag move-on na ako. Dapat hindi na ako nasasaktan ngayon.
Dapat hindi na ganito ang reaksiyon ko.
Dapat… tangina!
Tanga mo talaga Dennis!
Kaya naman nagdesisyon na akong iwan silang dalawa sa sala. Wala akong ganang harapin si Martha.
Akmang tatalikod na ako’t magsisimulang maglakad papalayo sa kanila nang biglang hinawakan ni Kat
ang aking kamay upang ako’y pigilan.
What the f*ck!? Napatingin ako sa kanya.
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha.
Basang-basa ko ang kanyang mga mata, na tila nagsusumamo sa akin na harapin na ang babaeng nagkokonekta sa aming dalawa.
Ang hindi ko lang maintindihan, ay kung bakit niya ginagawa sa akin ito ngayon?
Bakit?
Ibinaling ko ulit ang aking paningin sa kinaroroonan ni Martha. Nakaupo ito sa mahabang sofa at nakatalikod sa aming dalawa ni Kat. Ininom niya ang juice na inihanda sa kanya ng aking girlfriend, halatang nauhaw at napagod siya sa biyahe papunta dito sa aming bahay.
Binalikan ko ng tingin si Kat, pero napayuko na lang siya at saka umalis, umakyat papunta sa aming kuwarto.
Iniwan niya kami ni Martha sa sala. Iniwan niya kami upang makapag-usap. Napabuntong hininga ako.
Pinilit kong irelax ang aking panga at itinigil ko ang malakas na pagkagat ng aking mga ngipin.
Galit ako… Pero sige, susubukan kong magpakatino.
Naglakad ako papalapit kay Martha.
Naupo ako sa isang silya na nakaharap sa kanya.
Sinundan niya ako ng tingin at alam kong hinihintay niya akong tumingin din sa kanya. Hindi naman siya nabigo dahil mabilis ko siyang sinulyapan.
Sinalubong niya ako kaagad ng ngiti. Ang ngiting dati-rati ay nagpapahina ng aking mga tuhod. Ang
ngiting gustong-gusto kong titigan habang magkatabi kami sa kama, nakahiga o magkayakap. Ang ngiting nagpalakas ng loob ko na mang-agaw at magtampisaw sa kasalanan.
Napayuko na lang ako.
Dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung sakaling makuha niya muli ang kahinaan ko.
“Kamusta ka?” Panimula niyang tanong sa akin.
Hindi naman ako nakasagot at pilit na iniiwasan ang kanyang pagtingin sa akin. Ibinabaling ko sa iba ang aking paningin at paminsan-minan pa’y yumuyuko na lamang ako.
“Mukha namang okay ka… Mukha ka namang masaya…” Muli niyang saad.
“Anong kailangan mo?” Seryoso at diretsahan kong tanong sa kanya.
“Hindi ko alam na naging kayo pala… tignan mo nga naman ang tadhana…” Tugon nito sa akin.
“Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa… just tell me what you want…”
Saglit siyang hindi sumagot sa akin at uminom ng kaunti sa kanyang baso. Tila ay pangal na pangal pa rin ito mula sa halos isang oras na biyahe paakyat ng Antipolo.
“Dennis… I want to talk to you… Sana bigyan mo ako ng pagkakataong na…”
“Bullsh*t! Pagkakataon? Naririnig mo ba yang sarili mo? Okay na ako eh… Okay na kami… Kahit nga siguro hindi ka na bumalik pa para kausapin ako, magiging masaya pa rin kaming dalawa… Pero hindi… Siyempre, nagpakita ka ngayon, naandito ka ngayon para ano? Para alisin nanaman yung kaligayahan na pinaghirapan naming buuhin noong mga panahon na nagdecide ka na iwan kami?! So… tell me, anong pagkakataon pa ang gusto mo?”
Hindi na siya sumagot.
Hindi niya sinalubong ang buwelta ko sa kanya.
Alam kong kailangan kong maghinay-hinay sa mga sasabihin ko sa kanya dahil buntis siya. Pero hindi ko makontrol ang sarili ko.
Unti-unti nanaman akong nagiging halimaw.
“Dennis… nagpunta ako dito para ipaalam sa iyo na ikaw talaga ang pinili ko… Noong araw na iyon, eight weeks na akong buntis… Ginawa ko iyong sign na talagang ikaw na nga ang gusto kong makasama… ang dapat kong piliin… Gusto kong sabihin sayo right after the concert, o kung kailan puwede tayo mag-usap at magkasarilinan… I decided to leave Kat… Nag-usap kami, pero hindi ko sinabi sa kanya ang totoo… Hiningi ko sa kanya yung kalayaan ko, hiniling ko sa kanya na pakawalan na ako since halos isang taon nang madalas na nauuwi sa pag-aaway at tampuhan ang relasiyon namin… And I didn’t expect na gagawa siya ng isang bagay na nagpahina ng kalooban ko. I didn’t know what to do… Sobrang na-confuse ako… Naduwag ako… Inaamin ko… Naduwag ako… Natakot ako dahil sa kagagahang ginawa ko… Kaya pinili kong lumayo… mawala… Akala ko kaya ko… Akala ko kaya ko…”
Kahit papaano ay naapektuhan ako sa mga paliwanag niya. Natameme ako.
Napapatahimik ako lalo na’t may babaeng umiiyak sa harapan ko.
Parte ako ng kasalanang iyon. Parte ako sa isang desisyong nagawa niya, at kung bakit kailangang maiwan si Kat na mag-isa dahil ako ang napili niya.
“Pero naandoon ako… Nandoon ako Martha… Kung sinabi mo sa akin yang dahilan mo, sigurado akong hindi kita iiwan at pananagutan ko yang lahat… Pero hindi eh… pinili mong solohin ang mga problema. Mas pinili mong saktan ako at magmukhang tanga… at ngayon, mas lalong gumulo ang sitwasiyon natin…”
“I know… kasalanan ko… isang malaking katangahan yung ginawa ko sayo… kung puwede ko lang ibalik
ang lahat ng mga nangyari, kung puwede ko lang ayusin lahat ng nagawa ko, gagawin ko…”
“Hindi mo na maibabalik yun… Kahit ako rin Martha, kung puwede ko lang ibalik lahat ng nagawa kong pagkakamali at ulitin ang buhay ko gagawin ko… Kung may rewind button o undo button pipindutin ko yon kaagad para hindi ako nagsayang ng pagkakataon at makapanakit ng ibang tao.”
“Pero… Baka puwede naman tayong magsimula ulet… Baka puwedeng bigyan mo ako ng pagkakataong makabawi sa iyo… Baka puwedeng ako naman ang piliin mo…” Saad sa akin Martha.
What the f*ck?!
“Alam mo ba yang sinasabi mo? Naririnig mo ba yang sarili mo?”
“Dennis aaminin ko… naandito ako ngayon sa harap mo dahil nagbabakasakali akong makabalik diyan sa puso mo… Gusto kong makabalik… Gusto ko talagang makabalik…” Paliwanag sa akin ni Martha sabay takip sa kanyang mukha.
Pilit kong dina-digest ang lahat ng mga sinasabi niya sa akin. Parang bumalik lahat sa akin ang mga sinabi ko noon kay Kat. Yung paghingi ng pagkakataon.
Yung gusto kong makabawi.
Parang kinain ko lahat ng naisuka ko na.
Ang pagkakaiba lang, gusto niyang makipagbalikan sa akin. Ewan.
Hindi ko alam kung tama ang pagkakaintindi ko. Pero parang doon na papunta ang pag-uusap na ito.
“Bakit ba parang napakadali lang ng lahat sayo? Samantalang hirap na hirap akong sabihin kung ano
ang nararamdaman ko? Tapos nakapadali lang para sayo sabihin ang lahat na para bang wala kang pakialam sa akin o sa kung anong pinagdaanan ko noong bigla mo akong iniwan sa ere? Anong karapatan mong gawin sa akin ito? Aalis at babalik ka sa buhay ko ng ganun-ganun lang?”
Hindi ko na rin makontrol ang sarili ko dahil sa sobrang galit na bigla kong naramdaman.
Galit hindi lang nang dahil sa kanya, kundi para na rin sa akin dahil hanggang ngayon ay naroroon pa rin ang pakiramdam ko kay Martha.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang napatunayan sa sarili ko na hindi pa pala tuluyang naghihilom ang sugat ng kahapon.
Lumapit siya sa akin, umiiyak at hinawakan niya ang aking kaliwang kamay. Marahan niyang idinampi sa kanyang napakakinis na mukha.
“I’m sorry… I’m really sorry… Alam kong iba na ang tingin mo sa akin at ang nararamdaman mo, pero
mula nang nangyari iyon, talagang pinagsisihan ko… Nagsisisi ako Dennis… Nagsisisi ako…” “Nagbago na ang lahat Martha… Hindi na ito katulad ng dati…”
“Alam ko… Alam ko… Nagbabakasakali lang talaga ako… Kahit sabihin mong maramot ako at
makasarili, gusto ko lang ilaban sa iyo ang nararamdaman ko… Mahal pa rin kita at ikaw pa rin ang pinipili ko…” Saad niya sa akin.
Pakiramdam ko’y lalabas ang utak ko kasama ng mga luha mula sa aking mga mata.
Bakit niya ba ginagawa sa akin ito?
Bakit niya ipinapadama sa akin ang lahat ng ito?
Wala akong maisagot. Parang tuluyan nang naglaho ang sama ng loob ko sa kanya, ngunit napapalitan ito ng poot para sa sarili ko.
Para bang napakasama kong tao kung hindi ko pakikinggan ang lahat ng mga sinsasabi niya sa akin.
Ang tanging nasa isipan ko, ay ayaw kong iwan si Kat, pero ayaw ko ring masaktan si Martha, lalo pa’t
dala-dala niya ang magiging anak namin. Tangina!
Ano ba itong napasok ko?
~~~
Matapos naming makapag-usap ni Martha ay kaagad naman siyang umalis ng bahay. Hindi na rin siya nakapagpaalam kay Kat dahil ako naman talaga ang sadya niya.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman para sa babaeng pinag-agawan namin noon ng nobya ko ngayon. Hindi ko inakala na magiging ganito kakomplikado ang pagpasok sa matagal nang komplikadong relasiyon.
Umakyat ako patungo sa aming kuwarto at pagkabukas ko ng pinto ay nadatnan kong nakaupo sa kama si Kat at nakadungaw sa may bintana.
Pumasok ako at umupo sa kabilang dulong bahagai ng kama. Saglit na walang kibuan.
Saglit na walang imikan.
Tila parehas kaming naghahagilap ng mga katanungan at kasagutan sa kung ano ang nangyari kani- kanina lamang.
“Nakauwi na siya?” Bigla niyang tanong sa akin.
“Oo.” Mahina kong tugon sa kanya.
Napayuko ako at hinawakan ang aking bandang ulunan. Pakiramdam ko ay mabibiyak ito dahil sa lahat ng mga nalaman ko mula sa aming bisita. Dagdag na rin diyan ang biglaan kong pagkakagising mula sa aking mahimbing na pagkakatulog.
“Kailan mo balak sabihin sa akin ang lahat Kat? Bakit mo itinago iyon sa akin?” Tanong ko sa kanya. Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin.
Saglit itong tumahimik at napayuko.
“Naalala mo yung araw na hindi mo ako sinipot sa mall dahil nag overtime ka sa work two weeks ago? Hindi ko alam kung inadya ng pagkakataon na mangyari iyon o talagang pinaglalaruan lang tayo ng tadhana… Nakita ko siya… Nagkasalubong kami… Noong una, hindi pa ako makapaniwala at halos hindi ko siya namukhaan dahil sa medyo naging chubby siya… Hindi ko alam kung bakit, pero noong araw
ding iyon, eh hindi ko magawang magalit sa kanya at sumbatan siya sa kanyang ginawa sa akin. Siguro dahil masaya na ako sa buhay ko ngayon… Siguro dahil ako ang kasama mo ngayon at hindi siya… Pero kinabahan talaga ako noong nakita ko siyang buntis. Hanggang sa nakumpirma ko mula sa kanya na tama nga ang hinala ko… Doon ako nagsimulang matakot… Doon ako nagsimulang mag-isip ng kung anu-ano… Ano nga bang laban ko kay Martha? Ano na nga ba ang ilalaban ko sa iyo?”
“Sana sinabi mo na lang sa akin at hindi na itinago… Sana nalaman ko na lang ang lahat bago pa kami nagkaharap para napaghandaan ko…”
“Sorry…” Maikli niyang tugon sa akin. Bakas sa kanyang mga mata ang matinding lungkot at pagkalito. Gusto ko pa sanang magalit sa kanya dahil sa ginawa nitong paglilihim sa akin, ngunit mas minabuti ko
na lang na pigilan ang aking sarili.
Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay halatang balisa siya. Hindi niya ako madalas kinakausap at madalang niya ako kung ngitian.
Iyon pala’y mayroon siyang tinatago sa akin.
“Sa totoo lang… wala talaga akong balak sabihin sa iyo ang tungkol sa kalagayan ni Martha… Ilang araw kong pinag-isipan ang lahat… Gusto kong ipagdamot ka. Gusto kong ipaalam sa kanya na wala na siyang babalikan pa. Sobrang hirap ng pinagdaanan ko, at sinikap kong huwag iparamdam sa iyo…”
Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi ko rin magawang magalit sa kanya dahil naunawaan ko naman siya.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa sinabi niya o maiinis.
Hindi ko alam… Parang wala na akong maramdaman…
“Magkarelasiyon tayo Kat… Dapat sabay natin hinaharap lahat ng mga problemang dumarating sa ating dalawa… Hindi dapat tayo naglilihiman… Hindi na dapat tayo nagtataguan…”
“Pero iba ang sitwasiyon ko… Iba ang pakiramdam ko… Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng isang tulad ko?! Pakiramdam ko ako ang humahadlang sa inyong dalawa. Pakiramdam ko ako ang kontrabida sa relasiyon ninyo. At ikaw… ikaw at si Martha… Kayong dalawa ang para sa isa’t isa…”
“Hindi ikaw ang magsasabi sa akin kung sino ang nararapat at kung sino ang hindi. Kat naman! Ano ba
namang kalokohan yun?”
“Please… Unuwain mo naman ako Dennis… Intindihin mo naman ako…”
“Iniintindi kita Kat… Kung alam mo lang kung paano kita inuunawa ngayon… Pero ako ba naunawaan mo? Inintindi niyo ba ako? Kung ano ang mararamdaman ko? Tangina naman! Ano pa bang gusto ninyong pagdaanan ko? Kulang pa ba lahat ng paghihirap ko bilang kabayaran sa nagawa kong lintek na pagkakamaling iyon?!” Hindi ko na naitago ang galit ko.
Kahit anong pilit ko sa pagtatago ng aking mabigat na kalooban sa kanya, ay hindi ko pa rin ito naikubli.
Dala na rin siguro ng samu’t saring gulo sa aking isipan, kung kaya’t hindi na rin ako makapag-isip ng tama.
Hindi na. Malabo na ang lahat. Sandali kaming nanahimik.
Tila sandaling naging payapa ang paligid matapos ang isang matinding bugso ng ulan. Ngunit naroroon
pa rin ang kulimlim… naroroon pa rin ang malalakas na hangin… At alam naming dalawa na simula pa
lang ito ng nagbabadyang unos sa aming relasiyon.
“Kasalanan ko ito eh… Dahil sa natakot akong mag-isa at tuluyan niya akong iwan… sinabihan ko siya na kung ipagpapalit niya ako sa iba, magpapakamatay ako… hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ko noong mga panahong iyon, pero alam ko sa sarili ko na mali ang nagawa ko… lalo kong ginawang magulo ang lahat… naging maramot ako… pinagpilitan ko pa ang sarili ko sa isang relasiyong hindi na namin kayang isalba… Kung tutuusin ako ang naging dahilan kung bakit tayo nagkaganito…
May kasalanan din ako sa inyong dalawa…” Paliwanag sa akin ni Kat. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasiyon namin ngayon.
Dama ko kung ano ang nasa puso niya sa mga oras na ito.
Mahirap tanggapin, pero nararamdaman ko rin kung saan ito patungo.
Nilapitan ko si Kat.
Niyakap ko siya ng mahigpit Nararamdaman ko ang katawan niya. Mainit, ngunit bahagyang nanginginig.
Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap sa kanya. Hinahalik-halikan ko pa ang kanyang balikat. Ayoko siyang mawala sa akin.
Ayoko…
Pero kalahati ng utak ko ang sumisigaw na huwag na siyang pahirapan pa. Na iligtas ko siya sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
“Kaya natin ito Kat… Malalagpasan din natin ito… Please, kumapit ka lang sa akin… Huwag mo akong
susukuan… nagmamakaawa ako sa iyo…” Mangiyak-ngiyak kong saad sa kanya. Nakayuko lang siya habang nakayakap ako ng mahigpit sa kanya.
Tila hindi niya sinusuklian ang bawat yakap at halik ko sa kanya.
Tila ay ipinaparamdam niya sa akin na handa na siyang bumitiw… magparaya.
“Dennis… Noong araw na pumayag akong makipagkita si Martha sa iyo at ipaalam ang kundisyon niya, kalakip noon ang ginawa kong paghahanda sa sarili ko… At kahit ano palang gawin mong paghahanda sa mga ganitong uri ng sitwasiyon, bigla pa ring bubulaga sa iyo ang sakit at insecurities… Higit ka niyang kailangan… lalo na sa mga panahon na ito…”
“Hindi… Kat… Please… Pakinggan mo ako… Tignan mo ako… Pangako ko sayo malalagpasan natin ito… Haharapin natin ito…”
“Nakapagdesisyon na ako…” “Kat… Ano ba yang sinasabi mo?”
“Siguro kailangan muna nating ayusin nag buhay natin… Siguro kailangan muna nating harapin ang
dapat nating harapin…”
“Kat haharapin ko naman eh… Pananagutan ko… Pero please… huwag mo akong iwan?!”
“Alam kong responsable kang tao. Alam kong hindi mo siya tatakbuhan. Pero, Dennis hindi ko alam kung
kakaynin ko… Hindi ko yata kaya…”
“Kat… makinig ka… makinig ka sa akin please? Walang aalis… Hindi ka aalis… Sabay nating haharapin ang problemang ito… Kumapit ka lang sa akin…”
Hindi ko na siya kayang yakapin pa, dahil alam kong nagpupumiglas na ang kalooban niya upang makalaya.
Alam kong hindi rin niya kayang panindigan ang mga sinasabi niya ngayon sa akin. Alam kong nabibigla rin siya sa bagong sitwasiyon namin.
Alam kong bugso lang ito ng aming damdaming tuliro at lito. Hindi niya ako magawang tignan.
Hindi niya ako kayang harapin.
Basta ang alam ko lang sa ngayon ay nagmamakaawa ako sa harapan niya upang hindi niya ako iwanan at mapanindigan namin ang kabubuo naming relasyon.
“Please Kat… Please… Please… Makinig ka sa akin… Maniwala ka sa akin…”
Tinatanguan niya lang ako habang panay lamang ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Sa ikalawang pagkakataon, ay ako nanaman ang naging dahilan ng kanyang paghinagpis at pagluha.
Sino ba namang lalaki ang hindi naghahangad na sana ay puro kaligayahan na lamang ang maidala natin sa ating mga nagiging nobya. Na sana ay araw-araw natin silang mapapatawa at iwasang saktan ang damdamin nila.
Pero ako? Gago ako eh! Tangina eh!
Lahat na yata ng kasalimuotan sa mundo ay puwede kong maibigay sa mga babaeng minahal ko. Dahil sa
katarantaduhan ko, ay unti-unting bumabalik sa akin sa mga pagkakataong hindi ko inaasahan. Ano pa ba ang hindi ko nararanasan?
Kulang pa ba?
Tangina! Kulang pa ba?!
“Please Kat… Huwag ka na munang mag-isip ng kung ano-ano… Take a rest… Matulog ka… Gustuhin ko mang umabsent ngayon sa trabaho, pero alam mo naman siguro na hindi pupuwede… Pero please… please keep your promise?! Dito ka lang… Huwag mo akong iwan… Please?”
Para akong batang nagsusumamo sa kanya.
Ganito rin ang naramdaman ko noong bata pa ako at humihiling ng regalo mula kay Santa Clause…
Ang nakakatakot lang… kahit kailan ay hindi natupad ang hinihiling ko sa kanya.
Sana.
Sana sa pagkakataong ito, ay tuparin ni Kat ang hinihiling ko sa kanya.
Dahil baka mawala na nang tuluyan ang paniniwala ko sa pag-ibig o sa kung ano mang magpapanatili sa akin para maging matino. Mababaliw yata ako kung may mangyari pang ganoon sa akin. Hindi ko na kakayanin.
Nilutuan ko siya ng makakaing hapunan habang nagpapahinga siya sa aming kuwarto.
Sinulatan ko pa siya ng note na magpakabusog siya at balik ulit siya sa pagtulog pagkatapos niyang kumain.
Nagdadalawang isip ako kung dapat pa ba akong pumasok o hindi. Pero alam kong may obligasiyon din ako sa aking trabaho. Kahit ano pa man ang nangyayari sa akin o sa kung anumang pinagdadaanan ko, ay kailangan kong ihiwalay ang personal na problema sa aking trabaho.
Maaga akong pumasok sa opisina para maiwasan ang overtime. Yun nga lang, lutang ang isipan ko.
Dahil nga siguro sa inaantok pa ako at kulang ang aking tulog.
Dahil nga siguro sa iniisip ko kung ano na ang ginagawa ni Kat ngayon sa bahay? Kumakain na ba siya? Natutulog na? o Nanonood ng tv?
Dahil nga siguro sa iniisip ko rin… ang kalagayan ni Martha.
Kaya kong ikubli sa lahat ng mga tao kung ano ang nararamdaman ko ngayon patungkol kay Martha, pero hindi ko kayang dayain ang sarili ko.
May bahagi sa akin na kahit papaano ay masaya ako dahil may anak na ako. Hindi ko iyon ililihim sa inyo. Responsable akong tao.
Alam kong kailangan kong mapanagutan ang lahat ng mga nagawa ko, at isa doon ang pagbuo ko ng
bata sa loob ng tiyan ni Martha. Ilang buwan na ba?
Alam na niya kaya kung babae o lalaki? Sana naman healthy siya at ang bata.
Alam kong hindi naman niya pinababayaan ang sarili niya… Pero… sino kaya ang nag-aalaga sa kanya ngayon?
“Sir?”
Kumpleto kaya siya sa vitamins? Kumpleto kaya siya sa checkup? “Sir Den?”
Ano pa kayang kailangan niya?
Nakabili na kaya siya ng gamit ng bata? Manganganak na ba siya?
“Sir Den!!!” “Putang!!!”
Nagulat ako. Pasensya.
“Sorry po sir Dennis… Kanina pa po kasi ako tumatawag eh…” Saad ng associate ko.
“Ah eh… medyo busy kasi ako… Anong kailangan mo?”
“Sir Den, magpapaalam lang po sana ako kasi may kailangan po akong ayusin sa 17th floor…” “Okay… sige sige…”
“Okay po.”
Langhiya.
Naaapektuhan na din ang pagtatrabaho ko sa mga personal kong dinadala.
Ito ang hirap kapag marami kang iniisip at pumapasok sa trabaho. Mahirap magconcentrate at maging productive.
Pero marami pa akong kailangang tapusing reports. Kailangan ko nang madaliin ito para makauwi ng maaga.
Tangina kasi itong graveyard shift na ito eh!
Bukod pa sa puyat ka’t inaantok, eh dala-dala mo pa pati ang problemang nadatnan mo sa buong araw. Kailangan kong pagsabayin. Kailangan kong balansehin.
Ito ang reyalidad. At walang ibang tutulong sa aking makaahon kundi ang sarili ko lang.
Kaya naman ay pinilit ko ang aking sarili na pansamantalang tanggalin sa aking isipan ang lahat ng mga problema ko sa buhay.
Isa-isa. Paunti-unti.
Hanggang sa natapos ko rin ang dapat kong tapusin. Nabuo ko rin ang dapat kong buuhin.
Wala nang yosi break.
Dalawang beses lang yata ako jumingle at tanging lunok lang ang pahinga ko.
Nakapag-conference call pa ako sa bagong imamigrate na proseso sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Dito ko nagamit at nasaid ang multi-tasking skills ko.
Tangina! Umaga na pala!
Tatlompung minuto na lang uwian na namin. Kaya ay mas lalo ko pang binilisan ang pagresolba ng ilang tickets/request bilang tulong ko naman sa susunod na shift.
At siyempre, pagpatak ng alas-sais ng umaga, nag-honda ako. On-the-dot.
Nagmadali akong nagpunta sa parking lot at mabilis na pinatakbo ang sasakyan ko. Naisip ko rin na baka
wala pang almusal na naihanda, kaya naman ay dumaan pa ako sa drive-thru sa may Cainta. Pakanta-kanta pa ako habang nagdadrive paakyat ng Antipolo.
Kahit papaano ay natatanggal ang stress na nararamdaman ko habang nagpapatakbo ng sasakyan
papauwi sa aming bahay.
Hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano. Basta laging think positive ako.
Pagkapark ko ng aking sasakyan sa labas ng aming bahay, ay kaagad akong tumakbo papasok, buhat-
buhat ang binili kong foods mula sa Mcdo.
Kaagad akong nagpunta sa kusina, at napansin kong hindi nagalaw ang pagkaing niluto ko pa kagabi. Naroroon pa rin yung note na sinulat ko sa taas ng takip ng mga pagkain.
Marahan kong inilapag ang dala-dala kong foods at umakyat ako papunta sa aming kuwarto. Sandali akong tumigil sa tapat ng pinto.
Ipinikit ko ang aking mga mata saka hinawakan ang door knob.
“Kalma lang… Okay pa ang lahat… Nariyan pa siya… Kalma ka lang…” Bulong ko sa aking sarili. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at tuluyan ko nang binuksan ang pintuan.
— Wala.
Walang laman. Walang tao.
Walang nakahiga sa kama.
Ayos na ayos ang pagkakatiklop ng bed sheets at pagkakapatong ng mga unan. Teka.
Baka nasa banyo. Kalma lang Dennis. Pagbukas ko ng banyo. Wala.
Walang laman. Walang tao.
Walang naliligo o tumatae o umiihi sa banyo. Tangina!
“Putan ina!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Sabay tadyak ko sa pintuan ng banyo. Malakas ko itong sinipa sa tindi ng galit ko. Eh nakalimutan kong may stopper nga pala yung pintuan.
Kaya naman mabilis din itong humampas pabalik sa mukha ko. Tug!
Napaatras ako at napaupo sa sahig ng aking kuwarto.
“Ang sakit… Ang sakit-sakit…”
Napaka L-O-S-E-R ko talaga. Weak.
Ano ba itong nangyayari sa akin? Dalawang beses na akong iniwan ng babae at hindi nila inisip ang lahat
ng kabutihan at pagmamahal na inalay ko sa kanila?
“Ang sakit… Ang sakit-sakit…”
Nararamdaman kong pumipintig ang ugat sa may noo ko. Alam kong maya-maya ay bubukol na ang parteng nauntog sa may pintuan ng banyo.
Putang ina!
Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganito.
Hindi ko akalain na puwede rin pala sa tunay na buhay. Napakasakit. Hindi ko maexpress kung gaano kasakit.
Parang pinipiga yung tiyan mo, at parang nilagyan ng kalamansi ang nasugatan mong puso.
Marahan kong hinihilot ang noo ko. Pinakikiramdam ang nakaumbok na bukol dito. Habang pinipisa-pisa ko eh nararamdaman ko ang dala nitong sakit.
Pero wala pa ring tatalo sa sakit na nararamdaman ko sa ginawa sa akin ni Kat.
Kailangan ko na lang ba tanggapin na iyon ang mangyayari? Kailangan ko na lang ba talaga siyang pakawalan para hindi na siya masaktan pa? Kung ako ba nasa kalagayan niya ay iyon din ang dapat kong ginawa?
Napakaraming tanong na gumugulo sa isipan ko. Kailangan ko ng agarang kasagutan, kundi mababaliw ako.
Kinuha ko ang aking cellphone. Sinubukan ko siyang itext, pero walang response.
Tinawagan ko siya. Pero hindi siya sinasagot ang tawag ko. Makailang-ulit ko itong ginawa at hindi ko talaga siya tinatantanan.
Hanggang sa ika-pitong beses, ay nadinig kong nakapasok ang aking tawag at sa wakas ay sinagot na rin ni Kat.
“Kat? Hello?! Kat?! Kat naman… Bakit mo naman ginawa sa akin ito? Bakit mo naman ako iniwan? Hindi ba sabi ko sayo sabay nating haharapin ang mga problema? Hindi ba dapat pinanindigan mo rin ako?
Kat naman… Yun lang naman ang hinihiling ko sa iyo eh… Yung naandito ka lang sa tabi ko, sapat na iyon sa akin… Makakahugot na ako ng lakas ng loob para harapin ang mabigat na pagsubok na ito sa ating dalawa… Ipaglaban mo naman ako… Mahal na mahal pa naman kita Kat… Kat naman… Please… Huwag mo na akong iwan…”
“Huh?! Tange! Wala na ako diyan kasi pumasok na ako sa opisina. Hindi ba morning shift ako? Alangan
namang hintayin pa kita eh malelate na ako?! Anong pinagsasabi mo diyan my labs?”
Bigla akong natahimik. Para akong naging bato.
Oo nga pala… Morning shift nga pala si Kat ngayon kaya medyo maaga siya.
“Hehehe… Praktis lang… galing ba ako umarte? Hehehe…”
“Adik?! Kaya pala andami mong text at tawag. Nasa fx pa ako kaya hindi kita masagot. Praning?” “Hehehe… Lab you….”
“Hmmp! Yung promise mo ha…”
“Oo may labs… ako na bahala doon… basta ba okay sa iyo, eh okay na sa akin yon…”
“Sige. Yung niluto mo pala kagabi hindi ko na nakain. Iinit mo na lang, pero check mo muna baka panis na.”
“Okay may labs… Kain ka din diyan marami at ingat ka… lab you…” “Tigilan mo ng ako diyan… Sige pasok na ako sa loob. Bye…”
“Bye my labs…”
Whew!
Muntikan na yon.
Tangina! Iba pala talaga kung emo ka.
Akala ko tototohanin na ni Kat yung desisyon niya. Mabuti na lang at pinagbigyan niya pa ako.
Ngayon ko na talaga napatunayang mahal na mahal din ako ni Kat, at hindi niya rin ako kayang iwan. At siyempre, kailangan ko rin yun suklian ng pagmamahal at pagiging responsable sa panibagong tungkulin ko.
Muli nanaman akong napatahimik.
Alam kong nagsisimula pa lang ang bagyo. Alam kong mas marami pa kaming pagdadaanan ni Kat. Pero hanggat nariyan siya at nagtitiwala sa akin, kumakapit ng mahigpit at patuloy akong iniintindi at minamahal, sigurado akong malalampasan namin ito.
Tama!
Panahon na para ako naman ang kumilos. Panahon na para ako naman ang humarap sa sarili kong suliranin.
Kaya ko ‘to! Kaya namin ni Kat ito.
~~~ FADE IN:
EXT. Martha’s Condominium Unit – Night
Bandang alas-otso ng gabi. Dahan-dahang maglalakad si Dennis papalabas ng isang elevator, papunta sa condo unit ng babae. At nang nasa harapan na ito ng pintuan ay sandali siya hihinto, hihinga ng malalim, saka pipindutin ang doorbell.
Ding! Dong!
Maghihintay ang lalaki. Lilingon sa kanyang kanan at kaliwa. Bahagyang aayusin ang butones malapit sa kanyang kuwelyo, kung tama lang ba ang pagkakasakal nito sa kanyang leeg.
Bubukas ang pintuan. Lalabas si Martha. Sandaling magtatama ang kanilang mga mata. Mauunang ngumiti ang babae, at maiiwang naka-nganga ang lalaki.
Martha Halika, Pasok ka… Dennis
Ah… eh… okay.
Pagkapasok ng lalaki ay agad nitong titignan ang paligid ng kuwarto ng babae. Makikita nitong medyo maayos naman ang pagkakasalansan ng mga gamit at malinis din ang sahig.
Martha
Coffee? Juice? Water?
Dennis
Water. Thanks.
Saglit na aalis ang babae habang hawak-hawak nito ang kanyang malaking tiyan. Kukuha ng tubig sa refrigerator at isasalin sa isang babasaging baso. Samantalang ang lalaki naman ay patuloy pa rin sa kanyang ginagawang pagiinspeksiyon sa buong lugar. Babalik ang babae sa may sala at iaabot ang baso na may lamang malamig na tubig sa lalaki. Aanyayahan niya itong maupo sa may sofa at aalukin ng makakakin.
Dennis
Hindi. Busag pa naman ako. Actually, papasok pa lang ako sa work. Dumaan lang ako dito.
Martha Ah… Okay… Dennis
Sorry din sa short notice.
Martha
Wala yun. Okay lang yun.
Sandaling mapapalibutan ang buong condo unit ng nakakabinging katahimikan o awkward silence. Kahit naman hindi nauuhaw ang lalaki, ay pilit niyang uubusin ang malamig na tubig para kunwari ay busy siya.
Martha
Kamusta nga pala si Kat? I mean… okay lang ba siya…dito?
Dennis
Oo naman. In fact, idea niya nga iyon. Hindi naman ako gagawa ng desisyon kung hindi siya kasama doon.
Martha Okay. Tubig pa? Dennis
Hindi na. Okay na ako. Huwag ka nang mag-abala.
Martha Okay. Dennis
Wala ka pa rin bang kasama dito? Hindi pa ba makakauwi sina mommy at stepdad mo?
Martha
Hindi pa eh. Nakakontrata pa sila… Pero this Christmas uuwi naman sila so may makakasama na ako.
Dennis
Ahh okay… Ahmm… Gusto ko nga pala magsorry sayo noong isang araw. Medyo napagtaasan kita ng
boses.
Martha
Okay lang yun. I understand. I deserved it.
Dennis
And… gusto ko lang din ipaalam sa iyo na… Pananagutan ko yung bata. Lahat ng kailangan niya, ako na bahala. Kung may mga checkup ka, just let me know the schedule, para masamahan kita. Kung may kailangan kang bilhin na gamit ni baby, puwede rin kitang samahan o kaya naman puwede rin kami na ang bibili… Well, kung ano ang best na way para magawa nating balanse ang lahat…
Martha Okay… Thank you… Dennis
Alam kong nahirapan ka sa first trimester niyang pagbubuntis mo. Hindi ko alam kung may kasama ka
ba noong mga panahong iyon, pero hindi ko rin maimagine kung paano mo nagawa iyon. And since, napag-usapan na rin namin ni Kat ang tungkol dito… You can stay in our place. Susunduin kita bukas ng umaga pagkatapos ng shift ko.
Martha
Sigurado bang okay lang sa kanya? I mean… kaya ko naman eh…
Dennis
Yes. Okay lang sa kanya. And mas okay din sa akin para atleast may kasama ka. Mababantayan ka o kung may kailangan ka, we can attend to it.
Sandaling tatahimik ang babae. Mapapayuko ito at pasimpleng pupunasan ang kanyang mga luha. Mananatili namang nakaupo ang lalaki habang pinagmamasdan niya ang babae mula sa kinauupuan nito.
Martha
Thank you… Thank you…
Dennis
You’re welcome.
Martha
Hindi ko naisip na mangyayari pa ito. Kaya ko nga, pero inaamin ko na nahihirapan din talaga ako. Kaya salamat sa iyo. Sa inyong dalawa ni Kat.
Dennis
Okay. No problem. At sana, simula ngayon, huwag ka nang mag-iisip ng kung anu-ano. Baka makasama
pa iyan sa baby natin… sa baby mo…
Tumango na lamang ang babae. Panay pa rin ang punas ng luha sa kanyang mga mata. Iaabot ni Dennis ang kanyang panyo sa babae upang ipamunas niya ito sa luha at sipong tumutulo sa kanyang maamong mukha.
Dennis
Papasok na ako sa work. Just be ready at around 8 AM?
Martha
Okay.
Sabay na tatayo ang lalaki at babae. Ihahatid ng babae ang lalaki sa tapat ng kanyang pintuan. Maya- maya ay hindi mapipigilan ng babae na mapayakap sa kanyang dating kasintahan. Mananatili namang nakatayo ang lalaki at hahayaan niyang nakayakap sa kanya ang babae.
Martha
Thank you… Thank you…
FADE OUT
Tatlo, Magkasalo
Siguro nga ay magtataka ka kung bakit ako pumayag sa ganito. Anong magagawa ko?
Mahal na mahal ko talaga si Dennis.
Kung tanga ako… Kung mapagparaya ang tingin sa akin ng iba…
Aaminin ko. Guilty ako doon.
Pero sa tingin ko naman ay hindi ko pagsisisihan ang desisyong nagawa ko. Sakripisyo.
Iyon lang ang tanging paraan para hindi na namin pagtalunan ni Dennis ang lahat ng mga bagay
patungkol kay Martha.
Nakakatawa nga siguro dahil dati kong karelasyon si Martha, at ngayon ay naghahati kami sa oras at atensiyon ng isang lalaki.
Suporta.
Iyon ang pinakamahalagang maibibigay ko kay Dennis.
Alam kong kakailanganin niya ang isang banig ng suporta na magmumula sa akin.
Nakakabilib nga din itong si Dennis eh. Feeling superman. Dapat nga siguro maging commercial model si Dennis ng isang multi-vitamins. Laging may energy. Hindi ko lang alam kung hanggang saan at hanggang kailan siya tatagal sa ganito, pero siyempre naririto pa rin ako para suportahan siya.
“Good morning Kat…”
Nagulat ako nang biglang sumulpot sa aking likuran si Martha.
“Good morning… Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?”
“Oo naman… Kumportable naman ako… Tsaka sa isang linggo kong pananatili dito, eh nakakapag-adjust
na rin naman ako…” “Okay… That’s good.”
Hindi ko maintindihan kung papaano ko ito nagagawa.
Kahit sobrang naiilang ako sa setup namin, eh nagagawa ko pa rin siyang ngitian at pakitaan ng magandang pag-uugali. Ang tanging iniisip ko na lamang, ay si Dennis.
“Heto oh… magbreakfast ka muna.”
“thanks…”
“Kung may gusto ka pang iba, puwede kitang ipagluto.” “Okay na ako dito. Salamat.”
Ganoon pa rin naman si Martha. Matamis pa rin siya kung ngumiti. Mababakas mo pa rin sa kanya ang
isang imahe ng isang napaka-sweet na babae.
“Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalmat sa iyo Kat… Alam kong sobrang laki ng sakripisyo ginawa mo sa pagdedesisyon para tumira ako dito kasama ninyo… Thank you ha…”
“Ah eh… Wala yun… Siyempre, iniisip din naman namin ang kapakanan mo… at ng baby.” “Hihihi… Kaya nga eh. Salamat sa inyong dalawa ha…”
“Okay… Basta lagi ka na lang mag-iingat.”
“Oo nga eh… Pero medyo OA na kung minsan itong si Dennis. Hihihi… Biro mo, lahat nang pag-aalalay ginawa na niya sa akin. Kulang na lang buhatin niya ako na parang bagong kasal. Hahaha….” Buong giliw niyang ikinuwento sa akin.
Ibuhos ko kaya itong mainit na kape sa maamo mong mukha?
“Ahh… ganun ba? Sana nagpabuhat ka na…” “Huh?”
“I mean… Ganun lang talaga yon… Lahat gagawin nun para sa baby…”
“Ahh… Kaya nga eh… Hindi pa rin siya nagbabago. Todo effort pa rin siya sa akin katulad ng dati…”
Bago pa bumingo sa akin si Martha, ay minabuti ko na lang bilisan ang pagkain ng aking agahan, at baka hindi na rin ako makapagtimpi.
“Mauna na ako Martha ha… Papasok na ako sa trabaho…” “Okay sige, ingat ka.”
“Ikaw rin… Mag-iingat ka…”
Mukhang mapapadalas ang ganitong eksena sa pagitan namin ni Martha.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko eh sinasadya niya ang mga sinasabi niya sa akin. O napapraning lang ba talaga ako?
Tinatatagan ko na lang ang loob ko at inaalis ang kung anu-anong di kanais-nais na pag-iisip alang-alang
kay Dennis.
Ganun ko kamahal yung mokong na iyon. Dalawang buwan pa bago ang due date ni Martha.
Dalawang buwan pa ang kakailanganin kong pagtiisan. Kahit hindi ko pa rin sigurado kung ano ang lugar
ko sa bahay na ito kung sakaling makapanganak na si Martha, pero alam ko namang naririyan pa rin si
Dennis para sa akin.
Lumipas ang mga araw, siyempre, iba’t ibang uri ng sakripisyo ang dinadanas ko.
Naroroon ang mga araw na hindi kami nakakalabas ni Dennis tuwing weekend na kaming dalawa lang, kasi bumibili sila ng gamit ng baby sa mall. Sumasama naman ako, pero madalas eh nagmumukha akong kasambahay.
Siyempre, technically, si Martha ang nanay at si Dennis ang tatay. Ano naman kaya ako? Yaya?
Pero sige… Tiis pa rin. Tiis lang… Naniniwala ako sa pangakong binitiwan sa akin ni Dennis na kailangan niya ako at mahal na mahal niya raw ako, kaya kapit lang daw.
To be fair, nararamdaman ko naman ang pagmamahal sa akin ng boyfriend ko.
“Aahhh… Ughh! Ughhh! Ughhh! Ughh! Ang sikip sikip mo pa rin my labs… Ugh!! Ughhh!” Sarap na sarap na saad ni Dennis.
“My labs… hinaan mo lang ang boses mo… nasa kabilang kuwarto lang si Martha… Aaaaahh…
sh*t…saraaaapp…aaahhh…oooohhhh…”
“OO nga pala my labs… aaaaahhhh aaaaaaaaahhhhh tangina…nakalimutan ko sa sobrang sarap at sikip ng puke mo…aaaaahh ughhh! Uuughhh!!!”
“Malapit na ako my labs… ibubulong ko na lang sayoooo… ooohhhh…oooohhh….” “Sabay tayo… ibubulong ko din sayo….tangina… tanginaaa…..”
“Sige… sige… sige pa… aaaahhh aaaahhhhh….”
Hanggang sa…
Tok! Tok! Tok!
“Den? Tulog na ba kayo?! Dennis?”
Sandali kaming huminto habang patuloy pa ring kumakadyot si Dennis sa kaloob-looban ko. Nagkatinginan kami. Gusto sana niyang magkunwaring tulog na dahil malapit na kaming labasan at tiyak
na mabibitin nanaman kami katulad kahapon.
“Sige na…” Bulong ko sa kanya.
“Sh*t! Malapit na ako my labs…”
“Baka may kailangan siya eh… sige na… labas ka na…”
Napakamot na lang si Dennis hanggang sa tuluyan nang lumambot at hinugot ang kanyang burat. Isinuot niya ang kanyang boxer shorts at pinunasan ang kanyang pawis. Bahagyang binuksan ang pinto upang alamin kung ano ang kailangan ni Martha.
“Sorry… Nakatulog ka na ba?” “Aahh… hindi pa naman… Bakit?”
“Kasi… hmmm… nagugutom kasi ako eh…” “Nagugutom ka?”
“Oo eh… okay lang ba magpaluto ng Pancit Canton?”
“S-s-sure… wait lang…”
“Thank you… at pasensya na talaga… Kat… pasensya na Kat ha…”
Ngayon…
Sabihin mo sa akin kung hindi niya sinasadya?!
Pancit Canton? Kahit nga yata limang taong gulang na bata kayang lutuin iyon eh.
Pero sige… Timpi lang… Kaya pa… Mahaba pa naman ang pisi ko eh… Go lang ng Go… Sagad mo pa.
May mga araw naman na silang dalawa lang ang umaalis ng bahay.
Dahil naman iyon sa monthly checkup ni Martha. Siyempre, nasa bahay lang ako habang nagmamarathon ng paborito kong TV Series.
Napansin ko pa ngang one time eh late silang umuwi ng bahay. Halos mag aalas-nuwebe na ng gabi nang nadinig kong nagpapark ng kanyang sasakyan si Dennis.
Dali-dali akong umakyat sa kuwarto at nagpanggap na kanina pang tulog.
“My labs?”
Papungas-pungas pa ako sa aking mata, at pulang-pula ang mga ito dahil sa kanina pa akong nakapikit ng madiin.
“My labs? Tagal niyo yata nakauwi??”
“Ahh… Pasensiya na my labs, kasi nag-aya si Martha manood ng sine… Matagal-tagal na rin daw kasi
siyang hindi nakakanood ng sine eh…”
“Buntis? Nanood pa ng sine? Eh kung magka-stampede doon? Eh kung magkaroon ng sunog? Paano siya
makakatakbo? Paano yung bata?”
“OA ka naman my labs?! Hehehe… Siyempre naandoon naman ako kaya safe na safe siya…”
“Ahh okay… Naandoon ka naman pala eh no? Superman nga pala ang dating mo… Superhero… Bakit di pa kayo nagdinner out? O kaya ng Padi’s Point o Blue Wave sa Marikina? Dapat sinubukan niyang mag Off The Grill sa Timog, bukas pa iyon hanggang alas-tres ng umaga.”
“My labs?”
Hindi na ako makasagot. Nanginginig na kasi buong kalamnan ko. Hindi ko alam kung sobra kong naabsorb ang lahat ng episode na minarathon ko sa isang tv series kaya biglang lumabas ang lahat ng mga salitang iyon sa bibig ko.
“Bakit di ka nagtext?”
“Sorry my labs… Itetext sana kita kaso biglang inabot sa akin yung popcorn na inorder ko… ayun nawala na sa isip ko hanggang sa natapos yung pinapanood namin…”
“Ahhh… galiiing… so in short, nakalimutan mo?” “My labs…”
“Huwag mo akong ma-my labs, my labs!”
“Ano nanaman ba ito? Sinasama naman kita di ba? Ikaw naman itong may ayaw… Kesyo pagod ka… kesyo may inaabangan kang tv series… ayaw mo naman di ba? Nagkamali ako… I’m sorry… Hindi ko na uulitin… Magtetext na ako kaagad…”
“Dennis naman… alam mo naman kung bakit hindi ako sumasama di ba?”
“Hindi ko nga alam! Honestly… hindi ko alam. Bakit nga ba hindi ka sumasama sa amin tuwing checkup? Ang pagkakaalam ko kasi ay pareho nating pinagdesisyunan ito Kat… Hindi ba?”
“Sinusuportahan naman kita ah! Payag naman ako sa mga ginagawa mo, pero sana naman isipin mo naman ang nararamdaman ko paminsan-minsan… Naandito rin ako sa bahay… Pareho kaming naandito sa bahay… Pero pakiramdam kong unti-unti na akong nawawala sa paningin mo… Kahit nga yung simpleng pagtext hindi mo na rin naalala di ba?”
Ayoko sanang isumbat sa kanya ang lahat ng mga paghihirap ko.
Ayoko sanang ipamukha sa kanya ang mga sakripisyong kinakaharap ko.
Pero talagang minsan, ay hindi ko na rin kaya ang magkunwaring okay lang sa akin ang lahat.
“Sorry na… Sorry na Kat… Ako ang may mali doon… Hindi na ako uulit… Pramis.”
Kaagad din naman siyang sumusuko sa akin. Kaagad naman siyang humihingi ng kapatawaran sa mga nagagawa niyang pagkakamali.
Lumalambot din naman ang puso ko kahit papaano…
Pero hindi ko na rin alam kung hanggang saan at hanggang kailan ako mapapalambot ng ganitong uri ng paglalambing niya sa akin sa tuwing nagtatampo ako sa ginagawa niya para kay Martha.
Dito na unti-unting natitibag ang seguridad na nararamdaman ko’t ipinangako niya sa akin.
Mas lumalaki na ako takot at insecurity sa puso ko dahil sa pakiramdam ko ay araw-araw akong nakikipagkumpitesiya kay Martha.
Ano nga bang laban ko?
Sa totoo lang, wala naman akong laban sa kanya eh… ang tanging pinanghahawakan ko lang, ay ang
ipinangako sa akin ni Dennis. Kakapit lang ako.
Malalagpasan din namin ang lahat ng ito. Susubukan ko. Pipilitin ko.
Pero siyempre, tao lang din naman ako… At ang lahat ng sakripisyo at pagpaparaya ay may hangganan…
Nagising ako isang gabi, na wala si Dennis sa tabi ko. Sandali akong napaisip kung nasaan ba siya, at siyempre, hindi nawala sa isipan ko na malamang ay may inutos nanaman sa kanya si Martha.
Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto namin at binuksan ko naman ang pintuan ng kuwarto ni
Martha. Sinilip ko ito, kaso walang tao sa loob.
Kaya naman ay nagbakasakali akong nasa kusina silang dalawa sa ganitong oras ng gabi. Pagbaba ko ng hagdanan ay nakita kong bukas ang TV na nasa may sala.
Dumiretso muna ako doon upang tignan kung sino ang nanonood, pero naabutan ko sina Martha at
Dennis na tulog na tulog, at nakahiga sa may sofa bed.
Nakaunan si Martha sa braso ni Dennis samantalang bahagya namang nakayakap ang boyfriend ko sa kanya.
Para akong napako sa aking pagkakatayo, habang pinapanood silang dalawa na mahimbing na natutulog.
Kahit pinipilit ko ang aking sarili na huwag magselos sa aking nakikita , ay tila hindi ko magawa. Para akong unti-unting nababasag, nalulusaw at nadudurog.
Nagsimula akong magtanong sa aking sarili kung ano pa ba ang ginagawa ko dito? Pakiramdam ko ay pinipilit ko pang manatili, at hinahadlangan ang posibleng masayang kakahantungan nina Martha at Dennis, kasama ng kanilang magiging anak.
Alam kong kahit wala silang ginagawang masama sa aking likuran, ay hindi ko maiwasang mag-isip ng
iba’t-ibang posibilidad na puwede pang maganap. Masasaktan lang ako kung magpapatuloy ito.
Nag-ingat ako na huwag makalikha ng ingay. Ayaw ko silang magising, at lalong ayoko ring mahuli nila akong nanonood habang sila ay nahihimbing sa pagkakatulog.
Umakyat na lang ako pabalik sa aming kuwarto. Naupo sa dulo ng kama.
Ang sakit. Ang sakit pala ng ganito.
Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking mga luha. Inilabas ko ang lahat ng hinanakit at sama ng loob na namuo na sa aking damdamin.
Bakit ako nalulungkot ng ganito? Hindi ba’t ginusto ko rin ang nangyayari?
Nanindigan ako. Pinanindigan ko ang naging desisyon kong huwag iwan ang lalaking muling nagpatibok ng puso ko.
At ngayon ay humahalo sa aking puso at isipan ang sakit at galit na nararamdaman sa tuwing sobrang malapit sila ng babaeng minahal ko.
Diretsong tumutulo ang mga luha ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa aking bibig.
Tulad ng mga luha ko ngayon… Gusto ko na rin kumawala…
Something always brings me back to you.
It never takes too long.
No matter what I say or do, I still feel you here ’till the moment I’m gone.
You hold me without touch. You keep me without chains.
I never wanted anything so much than to drown in your love and not feel your reign.
Hindi ko na nagawang ibalik pa ang tulog ko, marahil sa dami ng tumatakbo sa isipan ko. Kailangan ko nang muli magdesisyon at manindigan.
Ano ba ang tama? Ano ba ang dapat?
Dahil alam ko sa kahit anong desisyong tatahakin ko, ay may isang taong masasaktan.
Siya o Ako. Yun lang iyon.
Nagmuni-muni ako habang humihikbi, nang hindi ko namalayang papasikat na pala ang araw. Naramdaman kong marahang bumukas ang aming pintuan. Hindi na ako tumingin pa dahil alam ko
namang si Dennis ang pumasok sa kuwarto.
Dahan-dahan din siyang tumabi at humiga sa tabi ko. Parang gusto pa sana niyang ikubli sa akin na sinamahan niya si Martha sa ibaba. Sa kung anong hindi ko alam na kadahilanan.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at mabilis akong bumangon sa kama at pumunta sa isang upuang nakaharap dito.
“My labs? Gising ka na pala?” Tanong niya sa akin.
Hindi ako kumibo. Dahil sa sobrang nerbiyos ay sinimulan kong kagat-kagatin ang dulo ng aking daliri. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Bumangon siya’t naupo sa kama papaharap sa akin. Alam niyang may dinadamdam ako.
“My labs… Pasensya na ha… Kasi hindi mo na yata namalayan kagabi, pero ginising ako ni Martha kasi hindi daw siya makatulog eh… Sinamahan ko siya sa baba… Ipinagluto ko, baka kasi gutom… tapos nanood kami ng TV, hindi ko na rin namalayan na ako pala ang nakatulog… Pasensya na ha…”
Hindi ako mapakali. Inayos ko pa ang aking pagkakaupo, at patuloy pa rin ako sa pagkukutkot ng aking mga daliri.
“My labs…?” Mahina niyang tugon sa akin. Tumingin ako sa kanya.
Tumitig ako sa kanya.
At kusang bumaksak ang luha ko.
“My labs… hindi ko na yata kaya…” Mahina kong saad sa kanya.
Napayuko siya nang madinig niya ang mga salitang lumabas sa aking bibig.
“Sinubukan ko naman eh… Nagpakatatag ako para sa iyo… Pero ang sakit sakit pala…” Dagdag kong paliwanag sa kanya.
“Kat… Malapit na tayo sa finish line… Bakit ngayon ka pa susuko?” Tanong nito sa akin.
“Yun na nga ang kinakatakutan ko eh… Yung finish line… Pagkatapos nito… Pagkalabas ng baby ninyo… Madaming posibleng mangyari di ba.”
“My labs naman… Ano ba yang pinag-iisip mo? Please huwag ka namang ganyan…”
“Kanina… noong nakita ko kayong magkatabi… Napatunayan ko talaga sa sarili ko na napakalaki kong hadlang sa inyo… Puwede akong mawala… Puwede akong umalis… Para mabuo kung anong mayroon sa inyong dalawa… Para sa magiging anak ninyo… Madami akong naiisip at hindi mo naman maiaalis iyon sa akin di ba? At alam mo ba kung ano pa ang nagpapasakit ng damdamin ko? Yung pakiramdam na parang ako yung kabit… ako yung third party…”
Saglit siyang nanahimik. Bakas sa kanyang mukha ang matinding lungkot dahil nararamdaman na rin niya na unti-unti na akong kumakalas.
“Kat naman… Hindi ba sabay natin itong pinagdesisyunan? Kaunting tiis pa… Please?”
Nilapitan niya ako at lumuhod sa aking harapan. Nakatingala siya sa akin at nakita ko ang kanyang mga mata. Iniiwasan kong mapatingin dito dahil alam kong lalambot nanaman ang napagdesisyunan ko nang gawin sa aming relasyon.
“Nagtiis naman ako di ba? Lumaban ako… Tahimik akong nakikipaglaban, araw-araw… Dennis… sana intindihin mo rin ako… Intindihin mo rin sana kung ano ang nararamdaman ko ngayon, at kung ano pa ang mararamdaman ko sa susunod na mga linggo…”
“Huwag kang bibitiw… Kumapit ka lang sa akin Kat… Please…”
Hinawakan niya ang dalawa kong binti, na tila ayaw niya akong pakawalan. Nagsimula na ring tumulo ang kanyang mga luha dahil sa takot na iwanan ko siya.
Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi. Iniharap ko siya sa akin at pilit na ipinapaunawa ang sitwasiyon namin.
“Dennis… Baka kailangan nating bigyan ng pagkakataon ang isa’t isa kung dapat pa ba nating ipaglaban ang relasyon natin… Baka kailangan nating mag-isip, unuwain ang sitwasyon at ang nararamdaman natin… Dahil ako… sigurado ako… na kailangan ko munang mapag-isa…”
“Ayoko my labs… Ayoko…” Saad sa akin Dennis at lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa aking mga binti.
“Please Dennis… Sana maintindihan mo… Na baka nga ito ang makakabuti para sa atin… I think it is time
for you to let go of me… and the time for me to set you free…”
“Kat… ayoko… ayoko… please huwag mo akong iwanan… Hindi ko kaya kapag nawala ka… Please…” “I’m sorry Dennis… I am sorry…”
Kahit alam kong napakasakit nang naging desisyon ko para sa aming dalawa, sa palagay ko ay ito ang
mas makakabuti sa aming relasiyon.
Mabibigyan namin ng panahon ang isa’t isa, at mabibigyan niya rin ako ng oras para mag-isip.
Kailangan din naman niyang pag-isipan kung ano ang makakabuti para sa kanila ni Martha, dahil kahit ikubli ko sa aking sarili ang nakikita ko mula sa kanilang dalawa, ay ramdam ko na isa sa kanila ay may tinatago pa ring pagmamahal at umaasa.
Masakit. Siguro nga.
Kahit nga ako ay hindi inaasahan na ganito ang kahahantungan naming dalawa ni Dennis.
Akala ko kaya ko. Akala ko malakas ako para harapin si Martha. Akala ko hindi ako magseselos. Hanggang sa sumambulat sa akin ang katotohanan na tao lang din ako. Mahina. Madaling magselos.
Alam kong makakayanan din niya ang aking pagkawala, sa katulad nang paraan na magagawa ko ring
kalimutan ang isang taon nagbukas muli ng aking puso.
Set me free, leave me be.
I don’t want to fall another moment into your gravity.
Here I am, and I stand so tall. Just the way I’m supposed to be. But you’re on to me,
And all over me…
(Gravity by Sara Bareilles)
~~~
Labor Day
Pagkaalis ni Kat, akala ko ay panalo na ako.
Akala ko ay magagawa ko nang mapabalik sa akin ang loob ni Dennis.
Oo. Inaamin ko. Sinusubukan ko ulit siyang bawiin, hindi lang para sa akin, kundi para sa anak namin. Kahit pa siguro sabihin pang masama akong tao, o napaka-selfish. Pero iyon lang talaga ang tanging
paraan para tuluyan akong makabawi sa isang lalaking pinagsisihan kong pakawalan. Tama nga sila, laging nasa huli ang pagsisisi.
Nagsisisi ako kung bakit ko siya tinalikuran, at kung bakit hindi pinanindigan.
Kagaya nga lang ng sinabi niya sa akin, hindi ko na puwedeng i-press ang rewind button. Wala na.
Tapos na. Nangyari na.
Kaya naman matindi ang pagsisisi ko nang nawala sa akin si Dennis.
Lalo pa ngayon at nakita ko at naramdaman ko kung gaano siya kabuting tao.
Well, of course, dapat din naman ako magpasalamat sa pagintindi at pag-unawa ni Kat. Dahil kung ako ang nasa lugar niya, ay baka hindi ko rin ito nagawa.
Alam kong naging isang malaking dagok para kay Dennis ang araw nang nagpasiyang umalis si Kat sa bahay. May mga oras na nagkukulong siya sa kuwarto at nagdadala lang ng beer-in-can para doon magpakalasing.
Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan sa malayo, at pinapanood kung paano biglang bumaliktad ang mundo niya.
Pikit-mata ko na lamang tinatanggap ang lahat, dahil alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit siya umalis, kung bakit siya naglaho, at kung bakit siya sumuko.
Ayoko din namang umalis sa tabi ni Dennis. Hindi lang dahil sa malapit na akong manganak, kundi dahil gusto ko rin siyang alagaan kahit papaano.
May mga araw naman na okay na siya. May mga araw na muli itong magkukulong.
Sinusubukan kong gampanan ang lahat ng ginagawa ni Kat sa kanya noon, pero parang wala lang din kay
Dennis ang lahat ng ginagawa ko.
Hindi lang siguro siya sanay, o kulang lang sa timpla ang mga effort ko.
“Naka leave na ako ng isang linggo para mapaghandaan natin yung panganganak mo.” Saad niya sa akin nang minsang nakasabay siya sa akin sa agahan.
“Okay… Mas mabuti nga siguro yon para at least naandiyan ka na kaagad.” Tugon ko naman sa kanya.
“Ihanda na natin lahat sa isang bag ang kakailanganin mo, tapos ipasok na natin sa kotse. Para wala na
tayong problemahin kung biglang sumakit yang tiyan mo.” “Okay… Sige, ihahanda ko na mamaya lahat…”
Pinipilit pa rin namang ipakita sa akin ni Dennis na okay ang lahat sa kanya, at responsable pa rin siya sa
pag-aalaga sa akin at sa aming baby.
Iyon nga lang, hindi tulad ng dati, ay malimit na siyang ngumiti sa akin at magkuwento ng kung anu-ano. Alam ko naman kasing iniiwasan lagi ni Dennis ang awkward silence.
“Dennis…” “Hmm..”
“Salamat ha… Maraming salamat sa iyo.”
Hindi na siya sumagot sa mga pasasalamat ko, bagkus ay nginitian na lamang niya ako at tumuloy sa kanyang pagkain.
Hanggang sa maya-maya ay tumayo na ito at nagpaalam na dahil papasok pa siya sa trabaho.
Binilinan niya pa ako na huwag na raw muna ako magkikikilos at baka kung mapaano pa ako. Siyempre, tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa mga bilin niya sa akin. Ayaw ko na rin namang mag-alala pa siya.
Nakakamiss lang din talaga si Dennis.
Sobrang ibang-iba na ang lalaking nakakausap at nakakasama ko ngayon. Hindi na katulad noong dating isang buwan kaming nagbahay-bahayan dito sa Antipolo.
Masigla siya noon. Palangiti, palabiro at madalas niya pa akong ipinagluluto ng kung anu-ano.
Hindi ko rin makakalimutan yung bawat umaga pagkagising namin, ay lalapitan niya ako at paghahalik- halikan kahit hindi pa ako nagtutoothbrush.
Madalas pa kaming nagkakasamang magjogging bago kami pumasok sa opisina.
Hindi tulad ngayon na pagkagising niya ay diretso ligo at almusal na lang siya, at kaagad na pumapasok sa trabaho.
Nawala na nga rin siguro yung Dennis na nakilala ko. Nawala at nagbago nang dahil siguro sa kagagawan ko.
Kung mabibigyan pa ako ng pagkakataon, ay susubukan ko talagang maibalik sa dati si Dennis at maging
okay na ulit kaming dalawa. Wishful Thinking. Nagbabakasakali lang naman. Umaasa.
Pero sa ngayon, ay kailangan ko munang unahin ang baby na nasa loob ng tiyan ko. Puro happy thoughts
na lang muna.
Excited na excited na rin naman akong makita siya, at alam kong pati rin naman si Dennis. Hanggang sa isang araw ay dumating na ang pinakahihintay namin.
Ang aking labor day.
Siyempre, lagi din naman kaming handa para dito, kaya naman ay madali kaming nakapunta ng ospital. Halos ilang oras din akong naglabor at talagang napakasakit ng tiyan ko.
Naalala ko nga yung mga napapanood ko sa sinehan, dahil halos murahin ko rin si Dennis dahil sa
sobrang sakit ng pinagdadaanan ko.
Pero siyempre, sakripisyo lang din dahil sa pagmamahal ko para sa aking baby.
Hanggang sa tuluyan na rin siyang lumabas sa tiyan ko, mula sa siyam na buwang pangangalaga ko sa kanya sa aking sinapupunan.
“Nasaan ang baby ko?”
“Nandoon sa kabilang room, mamaya-maya dadalhin na rin siya dito…” “Kamusta siya? Normal ba lahat? Pogi ba?”
“Siyempre… poging pogi mana sa daddy eh… Hehehe…”
Doon ko na lang muling nasilayan ang magandang ngiti ni Dennis. Bakas sa mukha niya ang sobrang kasiyahan at abot hanggang tenga ang kanyang ngiti.
Nagkaroon ako ng katiting na pag-asa. Alam kong unti-unti ay magbabago din ang lahat sa pagitan naming dalawa.
Hanggang sa bumukas na kuwarto ko at ipinasok na si baby.
“Ayan na si baby… Ayan na si baby…” Saad ni Dennis.
“Asan na? Patingin… Pahawak… Payakap…”
Ipinatong sa aking bandang dibdib si baby.
Napaluha pa nga ako dahil sa sobrang saya na makita siyang maayos at kumpleto.
Hinawakan ni Dennis ang kamay ko at muli niya akong nginitian. Parang sinasabi ng mga ngiti nito na magiging okay din ang lahat.
Masaya ako. Masayang-masaya.
Kahit papaano ay nararamdaman kong pareho naming mahal ni Dennis ang aming anak.
At sana… sana’y siya rin ang maging dahilan para kami ay magkabalikan na.
Sana.
Iyon lang ang tangi kong dasal.
Hindi rin naman kami nagtagal sa ospital, dahil sa normal delivery naman ako, at okay na okay na si baby iuwi sa bahay.
Tumuloy pa rin kami sa bahay ni Dennis sa Antipolo.
At sa aking palagay, sa mahigit isang buwan naming pananatili ni baby Ivan kasama si Dennis, ay kitang- kita ko ang malaking pagbabago sa kanya.
Bumalik yung dating masayahin.
Bumalik yung pala-ngiting lalaki na nakilala ko.
Madalas niya ako tulungan sa paglilinis ng poo-poo ni baby, pati na rin sa pagpapaligo. Dumadalas na rin ang pagkain namin ng sabay at nagagawa na niya ulit akong ipagluto.
Kaya naman ay sobrang natuwa ako sa lahat ng mga nakikita kong pagbabago mula kay Dennis.
Malamang siguro nga nang dahil kay baby Ivan. Pero okay lang, hindi rin naman ako titigil hangga’t hindi
ko siya muling nakukuha.
Hanggang sa isang araw, ay umuwi nanaman ng lasing si Dennis. Kinabahan ako.
Natakot ako kasi baka bumalik nanaman kami sa dati, noong mga panahong bago pa umalis si Kat. Halos dalawang buwan lamang ang nakakalipas, kaya posibleng naaalala niya si Kat.
“Oh?! Nakainom ka nanaman yata?!”
“Hehehe… Nagkayayaan kasi eh… Eh nagpapalibre ang team ko dahil nga tatay na raw ako. Hehehehe… (hik!)”
“Ahh okay… Gusto mo ba kumain? Ipaghahanda kita?” “Sige sige sige… Nasaan si baby? Tulog na ba?”
“Nasa taas tulog na siya…”
“Sandali lang at pupuntahan ko muna…(hik!)”
Kahit papaano ay gumaan ang aking loob dahil mukhang masaya naman si Dennis kaya siya nakipaginuman sa mga kaopisina niya.
Dali-dali akong naghanda ng makakain niya, at siyempre, espesiyal ang niluto ko para sa kanya. Niresearch ko pa yan sa internet para masiguradong tama ang measurement at timpla.
Nang matapos kong iinit at inihanda ang mga pagkain sa lamesa, ay umakyat ako kaagad para tawagin siyang kumain.
Pagpunta ko sa kuwarto ko, ay naabutan ko siyang nakahiga sa aking kama. Nakadapa at tulog na tulog.
Nilingon ko naman si baby Ivan, at himbing na himbing rin itong natutulog.
Kahit medyo nadisappoint ako dahil tinulugan lang ni Dennis ang inihanda ko’t pinagpagurang ilutong
pagkain, ay minabuti ko na lamang kumuha ng bimpo at palangganang may tubig para siya ay linisan.
Sinumulan kong tanggalin ang kanyang sapatos at medyas, saka ko siya sinubukang ayusin sa kanyang pagkakahiga.
Nagulat siya at biglang nagising.
“Huwag na Martha, ayos lang ako… Ako na bahala…”
“Sige na, magpahinga ka lang diyan habang pinupunasan kita ng basang bimpo…” “Hindi na… okay lang ako Martha…”
Nagpumilit pa rin ako at sinimulang tanggalin ang butones ng kanyang long-sleeved polo.
Natanggal ko naman ito at napapayag ko siyang sumandal na lang sa may headboard para mapunasan ko siya.
Nakatingin lang siya sa akin habang pinupunasan ko ng basang bimpo ang kanyang mukha.
“Hindi mo naman kailangang gawin yan eh…” Saad ni Dennis sa akin.
Tuloy-tuloy pa rin akong nagpunas sa kanyang bandang mukha at leeg at hindi ko na lamang pinapakinggan ang kanyang sinasabi sa akin.
Maya-maya ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay.
Alam kong gusto pa rin niya akong pigilan sa aking ginagawang pag-aalaga sa kanya.
“Okay na ako… hindi mo na kailangang gawin ito sa akin… Pupunta na ako sa kuwarto ko…” Seryosong saad sa akin ni Dennis.
Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Hindi ko naramdamang tumutugon siya sa aking ginagawa kaya naman ay sinubukan kong ilapit ang
aking labi sa kanya.
Hindi siya gumagalawa. Hinahayaan niya lang ako sa aking ginagawa hanggang sa tuluyan kong naidampi ang aking mga labi.
Hindi pa rin siya kumikilos. Wala siyang reaction.
Hanggang sa dahan-dahan akong kumalas sa kanya, at napayuko sa sobrang kahihiyan.
Ganito na ba ako kadesperada?
Dahil sa gustong-gusto ko na mabawi siya, na makuha ulit ang loob niya, ay handa akong gawin ang lahat para lang sa kanya.
Gusto kong ipadama sa kanya na hanggang ngayon ay minamahal ko pa rin siya. Na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin ako para sa kanya, at hindi nawala iyon.
“Sorry…” Mahina niyang tugon sa akin.
“Ano pa bang kailangan kong gawin Dennis? Ano pa bang kailangan kong gawin para mapansin mo lahat ng ginagawa kong effort para sa iyo?” Tanong ko sa kanya.
“Wala… Wala kang kailangang gawin…”
“Pero bakit hindi mo pa rin ako maramdaman? Manhid ka na ba sa akin? Hindi mo na ba talga ako
tatanggapin ulit?”
Saglit na tumahimik ang paligid.
Parehas kaming nag-iisip sa kung ano bang dapat naming gawin para sa isa’t isa.
“Martha… Maipapangako ko sa iyo na magiging mabuting ama ako para sa anak natin. Lahat ng kailangan niya, ibibigay ko. Lahat ng hilingin niya, materyal na bagay, o kahit oras ko, ibibigay ko para sa kanya. Handa akong ibigay ang lahat lahat para sa anak natin… Iyan ang maipapangako ko sa iyo…” Mangiyak-ngiyak na saad sa akin ni Dennis.
Nanginginig ang kalamnan ko.
Natatakot ako sa kung anong susunod na madidinig ko mula sa lalaking minamahal ko. Hindi ko na ring napigilang mapaluha, kahit anong pigil ko dito.
“Pero… Martha… Hindi ko maipapangako na magiging isang mapagmahal at tapat akong asawa para sa
iyo. Hindi ko alam kung maibibigay ko ang lahat lahat para sa iyo. Hindi ko rin alam kung magiging mabuting tao o lalaki pa ako para sa iyo… Martha… Patawarin mo sana ako kung hindi ko kayang ibigay ang lahat ng hinihingi mo sa akin… Dahil siguro naman alam mo kung sino ang nagmamay-ari ng puso ko… Kalimutan na natin yung nakaraan… Kalimutan na natin yung masaklap na pangyayari sa buhay natin at sa mga maling desisyong nagawa nating dalawa noon… Ang importante, ay yung ngayon…
Yung kung anong mayroon tayong dalawa… Naandiyan si baby Ivan para sa ating dalawa… Naririto ako para sa iyo, sa tuwing kakailanganin ako ng anak natin… Hanggang doon lang ang makakaya ko. Hanggang doon lang ang magagawa ko. Hanggang doon lang ang maipapangako ko…” Dagdag na paliwanag sa akin ni Dennis.
Hindi naman ako makatingin sa kanya. Ang sakit sakit pala ng ganito?
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong paraan ng pamamaalam mula sa isang taong minamahal mo.
Na kailangan ko na siyang pakawalan. Na hindi niya ako kayang mahalin ulit. Na may nagmamaya-ari na ng kanyang puso.
Dali-dali kong inilapag ang hawak kong bimpo sa palanggana, at binitbit ko ito papunta sa loob ng banyo. Hinugasan ko ang aking mga kamay.
At kahit sa sarili kong repleksiyon mula sa salamin ay hindi ko kayang tignan ang aking sarili. Hiyang-hiya ako.
Nanginginig ako sa kapipigil ng aking pag-iyak.
Pinunasan ko ang aking mga basang kamay sa isang tuwalyang nakasabit sa banyo.
Hanggang sa muli kong naalala ang bawat salitang binitiwan sa akin ni Dennis. Paulit-ulit itong tumatakbo sa aking isipan, tagos sa aking buto at kaluluwa.
Wala na.
Wala na talaga. Tapos na.
The end na.
At doon ko na ibinuhos ang lahat ng aking mga luha at ilang oras akong nagkulong sa banyo. Tama siya.
Hindi na niya talagang kaya maipangako sa akin ang pagmamahal na inalay niya sa akin noong mga
panahong hinabol-habol niya ako.
Hindi na niya talagang kaya maipangako ang katapatang nawala, noong mga panahong pinagtaksilan ko rin si Kat para sa kanya.
Mali ako.
Ang tanga ko.
Umasa din ako sa para sa pangalawang pagkakataon.
Gumawa din ako ng mga bagay para tuluyang mawala si Kat sa buhay naming dalawa. Ako ang umalis.
Ako ang nangaliwa.
Ako ang nanggago ng kapwa.
Tapos ako pa ngayon ang umaasa para sa pangalawang pagkakataon? Mali. Mali ako.
Parang isinampal sa aking mukha ang mga pagkakamali ko at ginising ako sa isang katotohanang may
nagawa ako kasalanan sa kanilang dalawa ni Kat.
Wala akong karapatang maging selfish. Wala akong karapatang ipagdamot ang isang lalaking hindi na ako ang nasa loob ng kanyang puso at isipan.
Hanggang dito na lang ako, at kailangan ko itong tanggapin. Masakit. Pero kailangan ko pa ring tanggapin.
Ilang araw pa kaming nanatili ni baby Ivan sa bahay ni Dennis. Hanggang sa dumating at umuwi na sina
mommy at daddy mula sa Canada.
Doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na tuluyan nang umalis sa pangangalaga ni Dennis. Nagpasalamat ako sa kanya, at nagsorry ako sa lahat ng mga nagawa kong pagkakamali.
Tinanggap din naman niya ito kaagad, at pati nga siya ay humihingi rin ng kapatawaran sa mga nasabi niya sa akin.
Quits na raw kami, biro niya.
Ipinangako ko naman sa kanya na kahit anong araw o oras na gusto niyang dalawin si Ivan, ay okay lang sa akin. Iniwan ko sa kanya lahat ng numerong puwede akong makontak at ang address ng tirahan namin sa Cavite.
Hindi ko alam, pero napakarami kong natutunan sa pagkakataong ibinigay sa akin ng Diyos nang makilala ko si Dennis.
Hindi ko alam kung ano dati ang pagmamahal, pero ngayon ay naunawaan ko na rin ito sa wakas. At sana nga’y pagdating panahon ay makatagpo pa ako ng isang katulad niya, which is very impossible, pero malay natin may natitira pa ngang mabait, responsable at mapagmahal na tao, tulad ni Dennis.
At siguro, bilang kabayaran sa lahat ng mga nagawa kong pagkakamali, ay yung makabawi ako ng good deed para kay Dennis.
Ako ang gumulo, ako rin ang dapat gumawa ng paraan para maisaayos ito.
Alam ko namang mahal pa rin nila ang isa’t isa, at sa tingin ko rin naman ay mapagtatagumpayan ko ang
aking binabalak. Sana.
Sana this time makabawi na ako sa iyo Dennis.
Epilogue
/- Alarm clock sound -/
Ilang araw na nga ba akong nauunang magising bago pa tumunog ang pesteng alarm clock na ito? Minsan pa nga ay gusto ko na itong basagin at pagpira-pirasuhin sa sahig dahil parang wala rin naman
itong kuwenta.
Siyempre, umaga nanaman…
Nararamdaman kong isa nanaman itong ordinaryong araw. Malungkot.
Nakakabugnot.
Pero wala naman akong ibang magagawa kundi ang harapin ang putang inang araw na ito. Ligo.
Sipilyo. Bihis. Takbo. Takbo pa.
Takbo pa ulit. Uwi.
Kain. Ligo. Bihis.
Linis ng kotse. Sakay.
Alis. Trabaho. Trabaho pa.
Trabaho pa ulit. Uwi.
Kain. Ligo. Tulog.
Madalas ay iyan lang ang daily routine ko ngayon. Walang kabuhay-buhay. Walang kalatuy-latuy.
Mabuti pa nga noong naandito si baby Ivan eh, may pagkakataon pa akong makipaglaro sa kaniya. Pero
ngayon, wala na rin. Balik sa pagiging nganga.
Pero sige okay lang, bibisitahin ko naman siya this coming weekend.
Pero sa ngayon, kailangan ko munang magsipag para may panggatas siya at pang-pampers.
Sa tuwing iniisip ko ang aking anak eh nabubuhayan din naman kaagad ako. Siya na lang kasi ang naiisip ko para magpatuloy pa sa buhay.
Dahil kung iba nanaman ang tatakbo sa isipan ko, ay malamay si pareng Johnnie at pareng Jack D. nanaman ang ka-session ko.
Wala. Kailangan kong ituloy ang buhay ko dahil hindi naman ito hihinto para sa akin, at parang wala din siyang balak akong hintayin.
Kaya sige. Bangon at bihis papasok ng trabaho.
Katulad ng dati ay binitbit ko nanaman ang aking polo para hindi magusot at may baon nanaman akong isang matamis na mansanas.
Kinuha ko ang aking susi at saka lumabas ng bahay papunta sa aking kotse.
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o ano, pero parang pamilyar iyong isang HiAce na kulay puti na nakaparke sa tapat ng bahay ko.
Panay ang tingin ko dito, pero bahagya din ako natatakot dahil bakay sila yung nangingidnap ng tao para ibenta ang laman-loob nito.
Dali-dali kong binuksan ang aking kotse at hindi ko pa maishoot ang susi sa butas nito. Maya-maya ay napansin kong bumukas ang pintuan ng puting van at ako’y napalingon.
Tama nga!
Pamilyar nga sa akin ang Toyota HiAce na ito.
Dahil bumaba mula roon si Kat.
Kaagad naman akong napangiti nang muli ko siyang masilayan dito sa tapat ng aming bahay.
Nagulat naman ako nang sumunod na lumabas ang mga kapatid ni Kat na sina kuya Joseph, kuya Gelo at
Carlo. Hindi kaya ipapabugbog ako ni Kat sa mga ito dahil sa nasaktan ko ang kapatid nila?
Hindi naman siguro… Dahil ako pa nga ang iniwan ni Kat eh… Dapat pa nga ako ang galit sa kanya dahil iniwan niya ako sa ere. Hmp!
Pero…
Iba ang pakiramdam ko…
Papalapit sila ng papalapit sa akin habang bitbit naman ni Joseph ang kanyang gitara. Halatang pinagplanuhan nila ito.
Oplan Harana?
Maya-maya ay nagsimula nang patugtugin ni Joseph ang kanyang gitara at kaagad kong nakilala ang tono ng kantang ito.
Ikaw Lang Ang Aking Mahal by VST & Co. Ngumingiti lang sa akin si Kat.
Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata. Hanggang sa nagsimula na siyang kumanta.
For the very first time, nadinig ko na rin sa wakas ang singing voice ni Kat.
Kat: Itanong mo sa akin, kung sino’ng aking mahal… Carlo at Gelo: Aaaahhhh aaaaaahhhhh aaaaahhhhhhh Kat: Itanong mo sa akin, sagot ko’y di magtatagal… Carlo at Gelo: Aaaahhhh aaaaaahhhhh aaaaahhhhhhh
Kat: Ikaw lang ang aking mahal… Ang pag-ibig mo’y aking kailangan. Pag-ibig na walang hangganan,
ang aking tunay na nararamdaman…
Carlo at Gelo: Aaaahhhh aaaaaahhhhh aaaaahhhhhhh
Kat: Ikaw lang ang aking mahal…
Carlo at Gelo: Mahaaaalllll… aaaaahhhllll…. Aaaaaahhhhllll…
Kat: Ikaw lang ang aking mahal…
Carlo at Gelo: Mahaaaalllll… aaaaahhhllll…. Aaaaaahhhhllll…
Kat: Ang nais ko sana’y inyong malaman… Sa hilaga, o sa timog, o kanluran…
Carlo at Gelo: at sa silangan…
Kat: Kahit saan pa man ang aking isisigaw… Ikaw ang aking mahal… Ikaw ang aking mahal… Ikaw ang aking mahal…
Carlo at Gelo: Mahaaaalllll… aaaaahhhllll…. Aaaaaahhhhllll…
Kat: Ikaw ang aking mahal…
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa hitsura ng backup singers ni Kat na sina Carlo at Gelo, pero sobrang napasaya talaga ako.
Hindi ko akalain na may gagawa nito sa akin.
Kaagad kong pinuntahan si Kat at niyakap ito ng mahigpit..
Mahigpit na mahigpit…
Na parang hindi ko na talaga siya pakakawalan pa ulit…
“I’m sorry… I’m sorry…”
“Kalimutan na natin iyon… Magsisimula tayo ulit okay… I love you Kat… Mahal na mahal talaga kita…” “I love you too…”
“Sorry din sa mga pagkukulang ko sa iyo… Sorry kung may mga nagawa akong mali at kapalpakan… I’m
sorry…”
“Wala… Wala kang nagawang mali… Napakabuti mo nga eh… Ako ang may kasalanan sa iyo… Sorry… Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko Dennis…”
“Ako rin naman ehh… Mahal na mahal kita my labs…”
Hindi ko maipaliwanag ang sobrang tuwang nadarama ko.
Once in a lifetime chance. At siguro naman ay may nagawa akong kabutihan sa buhay ko kaya ko nararanasan ito ngayon.
Sobra-sobra pa sa mga dinadasal ko gabi-gabi.
Sapat na nga para sa akin na bumalik siya at kumatok sa pintuan ko eh. Dahil kahit ano pa ang mangyayari, ay tatanggapin at tatanggapin ko pa rin siya.
“Nakapag-usap na kami ni Martha… Ikinuwento niya sa akin ang lahat ng mga nangyari noong nawala ako. Pati yung mga sinabi mo sa kanya… Nagkapaliwanagan kami at nagkapatawaran na rin… Siya pa nga nagsabi sa akin, na dapat ako naman daw ang gumawa ng effort para sa iyo… At huwag na huwag na raw kitang pakakawalan pa… Kung hindi daw, ay babalik siya at babawiin ka raw niya sa akin…” Saad sa akin ni Kat.
“Hehehe… sinabi niya iyon? Kaya dapat lagi mo na akong love… dapat hindi mo na ako sinusungitan…
hehehe…”
“Kaya huwag ka ring magpapasaway! Para hindi kita laging sungitan…”
“Okay my labs… Basta pag may trip kang babae, sabihan mo lang ako ha… saka lang ako titingin kung
sexy at maganda talaga… hehehe…” Biro ko kay Kat.
“Tse!”
Niyakap ko muli siya ng mahigpit.
Parang isang tagpo sa ending ng isang pinoy film o teleserye. Ganito pala ang pakiramdam.
“Oi! Tol… Baka naman puwede kaming makapasok sa bahay mo? Heheheh…” Biglang saad ni Carlo. Nalimutan kong naroroon nga din pala ang mga kapatid ni Kat.
“Naku! Pasensiya na mga bayaw… Sige tara, pasok tayong lahat sa bahay…” Saad ko sa kanila.
“Ano ba kayo! Baka sobrang ma-late na itong si Dennis… Sige na pasok ka na muna sa trabaho…” Tugon naman ni Kat sabay hampas niya sa braso ni Carlo.
“Naku, hindi na my labs, pasok na muna tayo sa bahay para makapag-pahinga sina bayaw… Tsaka,
huwag mong problemahin kung male-late ako… Ako ang boss sa opisina… hehehehe…” “Hindi ka pa rin nagbabago sa kayabangan mo pareng Dennis…” Saad sa akin ni Joseph. “Joke lang… Hehehe… Tara pasok na tayo…”
Kaya kong ipagpalit ang trabaho ko para sa pamilyang mayroon ako ngayon.
Dahil alam kong makakahanap pa ako ng mas magandang trabaho, ngunit hindi na ako makakahanap ng tulad nitong one of a kind family ni Kat.
Masaya ako.
Masayang-masaya.
Kuntento na ako sa kung anong mayroon sa buhay ko ngayon.
Isang tunay na kasiyahan na kahit kailan ay hinding-hindi ko pababayaang mawala at hindi ko ipagpapalit sa kahit anong halaga.
Si Kat.
Si baby Ivan.
Si Nanay Milagros. Si Tatay.
Sina Joseph, Gelo at Carlo.
Mga bagong miyembro ng pamilya Mercado.
At alam kong masayang masaya sina mommy at daddy habang pinapanood nila kami mula sa langit.
Epilogue
I feel the salty waves come in
I feel them crash against my skin
And I smile as I respire because I know they’ll never win
There’s a haze above my TV That changes everything I see
And maybe if I continue watching
I’ll lose the traits that worry me
Oo na.
Alam kong marami akong mga bagay na hindi nagawa ng tama at tila puro sablay.
May mga desisyon akong nakaapekto ng malaki sa akin at sa mga taong kasangkot nito. Nakapanakit.
Naging sanhi ng pagluha at pagkalungkot.
Muntikan pang maging dahilan ng pagkawala ng isang buhay.
Kahit pa nga siguro magmukmok ako sa isang tabi o mag patuloy sa aking pagiging emo at magself pitty, ay walang magagawa iyon para maitama ko ang lahat ng aking pagkakamali.
Hindi ko na ito mababalikan pa.
Wala akong remote control para irewind ang mga masasamang pangyayari sa aking buhay o kaya naman ay ifast-forward para malagpasan ko kaagad ang mga problemang aking kinakaharap.
Walang undo button, at kung minsan ay mare-redo mo pa ang mga pagkakamali mo. Paulit-ulit at naka infinite loop.
That sucks right?
Pero siyempre, binigyan naman tayo ng talino para makapag-isip ng paraan kung paano tayo makakaahon at makakabawi sa ating pagkakalugmok.
Katulad na lang ginagawa ko ngayon…
Sinimulan ko sa mga associates ko.
Siguro nga medyo naging maluwag ako sa kanila at madalas ay wala akong oras para kausapin sila isa’t
isa upang tanungin kung may mga problema ba sila sa trabaho o wala.
Kulang nga siguro kami sa team work, kaya madalas ay nawawala sila isa-isa at nag-aabsent sa mga oras na mataas ang volume ng mga requests.
Kaya naman ay sinimulan kong gawin ng tama ang trabaho ko. Pinagtulungan naming ayus ang mga wirings na nagkabuholbuhol, gumawa kami ng break schedules, at siyempre binibigyan ko ng extra credit ang mga associates na laging pumapasok sa trabaho.
At pag may extra time pa ako, eh sumasaglit ako sa mga gimik nila para naman kahit papaano ay mas makilala ko pa sila.
Sinunod ko naman ayusin ang relasiyon namin ni Kat.
Siyempre, bawal na sa amin ang magtago ng kahit anong sikreto. Kahit pa pag-awayan namin o pagtalunan namin ang isang mabigat na katotohanan, kaysa namang ilihim niya sa akin ang isang bagay para makaiwas sa gulo o bangayan.
Naging matured na rin ako harapin ang relationship namin. At kita ko namang hiyang na hiyang si Kat sa pag-aalaga ko dahil na rin sa medyo nagkakalaman na rin siya ng kaunti.
At ang mahalaga sa lahat ay nabibigyan ko rin ng tamang oras ang pamilya niya, dahil nga naging close din kami ng mga kapatid at magulang ni Kat.
Sumunod naman, ay ang oras ko para sa aking panganay na anak na si baby Jacob.
Madalas din kaming nagkakasamang tatlo sa mall nina Martha at Kat. Okay na ang lahat. Wala nang awkward moments at minsan pa nga ay nagagawa na naming pagbiruan ang nangyari sa amin noon. Ganoon na kami naka-move on sa masaklap na pangyayaring iyon.
Siyempre mahal na mahal namin ang munting anghel na nag-uugnay sa aming tatlo. Hindi ko lang alam kung papaano ipapaliwanag sa kanya ang kakaibang family tree. Na ang nanay niya ay dating girlfriend ng asawa ng tatay niya.
Hmmm… Baka naman siguro huwag na lang ding ipaalam? Hehehe…
Samantalang si Martha naman ay nakahanap na rin ng bagong boyfriend. Siyempre, supportive naman kami ni Kat sa kanya, pero medyo naging protective na rin kami para na rin sa kapakanan at safety ni baby Ivan.
Weird it may seem, pero aaminin ko, masaya ako dahil naging parte silang lahat ng buhay ko. Masaya ako.
Masayang-masaya.
Kuntento na ako sa kung anong mayroon sa buhay ko ngayon.
Isang tunay na kasiyahan na kahit kailan ay hinding-hindi ko pababayaang mawala at hindi ko ipagpapalit sa kahit anong halaga.
Si Kat.
Si baby Ivan.
Si Nanay Milagros. Si Tatay.
Sina Joseph, Gelo at Carlo.
Mga bagong miyembro ng pamilya Mercado.
At alam kong masayang masaya sina mommy at daddy habang pinapanood nila kami mula sa langit.
Can we fast-forward to go down on me? Stop there and let me correct it
I wanna live a life from a new perspective
You come along because I love your face
And I’ll admire your expensive taste
And who cares divine intervention
I wanna be praised from a new perspective
But leaving now would be a good idea
So catch me up on getting out of here
(New Perspective – Panic! At The Disco)
- Undo – Episode 13: Ctrl + End Part 2 - December 24, 2024
- Undo – Episode 12: Ctrl + End - December 17, 2024
- Undo – Episode 11: Page Up - December 10, 2024