Undo – Episode 12: Ctrl + End

Undo

Undo – Episode 12: Ctrl + End

By ereimondb


 

“Pahinga ka muna diyan… Maupo ka muna. Alam ko namang hirap ka diyan sa suot mong sapatos eh…
hehehehe”

“Oo nga eh… Kanina pa masakit ang mga daliri ko sa paa, tinitiis ko lang…”

Nakita ko siyang tinatanggal ang kanyang sapatos.

Ngayon ko lang din siyang nakitang nagsuot ng ganoong kataas na takong.

Tinanggal ko naman ang suot kong polo shirt dahil hindi ko na rin kaya ang init sa loob ng tinutuluyan kong bahay. Iba talaga ang alinsangan sa lugar na ito.

Mainit. Sobrang init.
Pagkatapos kong isinukbit ang polo ko sa may upuan, ay napalingon ako sa kanya. Hindi ko namalayan na napapatitig pa rin ako sa kagandahan niya.
Hanggang sa namayani nanaman ang awkward silence. Wala na rin akong maisip na puwedeng ikuwento
sa kanya para lang maging kumportable siya sa akin.

Wala na rin akong ibang maisip na gawin para lang hindi siya mailing.

Alangang namang bigla akong sumayaw sa harapan niya para ma-entertain siya kahit papaano. Pero siyempre, hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko ang itsura niya kanina sa sayawan. Napakaganda…
Gustong-gusto ko na talaga siyang sunggaban.

Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko dahil sa maraming tao kanina sa plaza.
Pero ngayon, kaming dalawa na lang ang naandito.

Nasa harapan ko ang isang babae na tila hindi niya alam kung gaano siya kaganda. Walang kaarte-arte. May pagka-masungit, pero yun talaga ang mga trip ko. Yung tipong hinahabol-habol ko at nagpapakipot.

Ngayon…

Hindi na talaga ako papaawat pa.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, pero talagang wala nang makakapigil sa akin.

Mabibigat ang aking bawat paghinga. Nadidinig ko ang bawat pagtibok ng puso ko.
Napapalunok ako sa namuong laway sa aking bibig at sinusubukan kong basain ang aking nanunuyot na
labi.

Pero ang mga mata ko ay diretsong nakatitig lamang sa kanya. Dahan-dahan…
Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanya…

Puwede siyang umiwas.

Puwede niya akong sampalin o saktan.

Pero talagang walang kahit sino ang makakapigil sa akin. Inabot ko ang kanyang labi.
Naramdaman ko ang hanging lumalabas sa kanyang ilong at ang mabangong hininga mula sa bahagyang
nakabukas niyang bibig.

Ngunit… sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ay nanaig sa aking isipan ang magpaka-gentleman. Napayuko ako.
Natakot ako baka magalit nanaman siya sa akin, at ayaw ko nang mangyari ulit sa aming dalawa iyon.

“Sorry…” Mahina kong saad sa kanya sabay iwas ng aking mukha sa kanya. Desidido na akong huwag nang ituloy ang aking binabalak.
Ayokong ilagay sa alanganin ang kung anumang mayroon sa amin ngayon.
Magpipigil na lamang ako kahit na gigil na gigil ako sa kanya.

Akmang papalayo na ang aking mukha at ibinaling ko na lamang ito papakaliwa, nang madama ko ang kanyang malamig na kamay.

Mabilis ang lahat…

Mabili ang mga sumunod na nangyari…

Napalingon muli ako sa kanya at sumalubong sa kanyang napakaamong mukha.

Dumampi sa aking mga labi ang kanyang napakalambot at mapupulang labi… Sa una’y dampi lamang.
Nakadilat ang aking mga mata at diretso itong nakatingin sa kanya. Dala siguro ng matinding gulat kung
kaya’t para akong na-istroke ng ilang segundo.

Ang bango niya…

Amoy na amoy ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

Gusto niya… Gusto niya pala… Mali ako…
Gusto niya rin pala ako…

Kaagad kong sinunggaban ng halik ang kanyang malambot na labi at napasandal siya sa may pintuan ng bahay, na tuluyan namang nagsara at tinakpan ang kababalaghang aming ginagawa ni Kat.

Nag-iba ang isip ko. Wala na talagang makakapigil sa akin sa pagkakataong ito. Marahas na sinugod ng aking bibig ang kanyang mga labi. Dinadama ang kalambutan nito at ang init ng kanyang hininga.

Sa sobrang excitement, at kalibugan, ay bigla ko na lamang siyang binuhat. Umalalay naman ang
kanyang hita na yumakap sa aking bandang baywang. Ramdam ko ang bigat ng kanyang buong katawan, pero hindi ako nahirapn. Kahit papaano ay sanay naman ako sa ganitong uri ng pagkakataon.

Iginala ko ang aking labi pababa sa kanyang makinis na leeg. Ang kanyang mga daliri naman ay tila may hinahalukay sa pagitan ng aking mga buhok, napapahapit sa aking bandang ulunan. Lalo siyang napapasandal sa dingding ng bahay na aking tinutuluyan at bahagyang napapatingala. Ramdam na ramdam kong nasasarapan siya sa aking ginagawang pagromansa sa kanya.

Maya-maya ay sandali ko siyang ibinaba at ipinatalikod sa akin. Habang hinahalikan at inaamoy ko ang bango ng kanyang buhok, ay dahan-dahan kong binubuksan sa pagkaka-zipper ang kanyang suot na bestida. Unti-unting tumatambad sa akin ang maputi niyang likuran. Pinaghahalikan ko ang kanyang
batok pababa sa kanyang makinis na balat, hanggang sa naipasok ko na ang aking mga kamay papunta
sa kanyang dibdib. Dumampi ang aking mga palad sa kanyang suso na siya namang nagpaigtad sa kanya. Kitang-kita ko ang kanya reaksiyon na parang may kuryenteng pumalibot dumampi sa kanyang katawan.

Napakislot. Kinilig. Nakiliti.
Tuluyan ko nang naibaba ang kanyang suot na kulay dilaw na bestida, at tanging panty na lamang niya
ang kanyang suot. Humarap siya sa akin.
Sandali akong tumitig sa kanyang mga mata. Unti-unting ibinababa ang aking paningin patungo sa
kanyang matangos na ilong, mapupulang labi, may kahabaang leeg, patungo sa kanyang balikat, pababa sa kanyang may kalakihang suso. Tinitigan ko rin ang parang candy niyang utong, sarap papakin at sarap dilaan.

Tinanggal ko ang aking suot na sando at maging ang suot kong maong pants. Itinira ko lang ang aking suot na boxers.

Muli ko siyang nilapitan.

Hindi na ako nag-atubili sa pagkakataong ito. Muli ko siyang binuhat.
Hindi na ako magpapaawat.

Muli ko siyang pinupog ng halik.

Binalot niya ako ng kanyang may kapayatang braso, at ikinawit sa akin ang kanyang mga binti.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang pagsabayin ang paghalik at paglakad patungo sa may hagdanan. Siyempre, nagpaimpress ako na kayang-kaya ko siyang buhatin.
Pero muli nanaman akong nagpatalo sa kalibugan ko. Hindi na ako makapaghintay.
Sandali ko siyang ibinaba at pianupo sa may baitang ng hagdan.

Pinapak ko nanaman ang kanyang makinis na balat at dire-diretso sa kanyang maputi’t malambot na suso. Habang nakadampi ang aking mainit na palad sa kanyang kaliwang dibdib, ay marahan ko naman itong dinidilaan at sinusupsop. Tuwang-tuwa akong panoorin ang kanyang reaksiyon. Napakasarap. Mas
nakakalibog, sa tuwing nakikita kong nagugustuhan niya ang aking ginagawa. Nagpalipat-lipat ako sa kanyang mga suso. Pinagsawaan. Dinila-dilaan. Nilaro ko ito ng parang dumidila ng matamis na candy.

Nadidinig ko ang kanyang mahinang pag-ungol.

“Ooooooooooooohhh…”

Muli kong binalikan ang kanyang mga labi. Sarap na sarap din akong halikan si Kat dahil sa malambot nitong labi at mabangong hininga. Nakakadagdag sa aking libog.

Maya-maya ay nagninja-moves na ako papunta sa kanyang panty.

Itinapat ko ang aking hintuturo’t panggitnang daliri sa kanyang harapan at marahang sinungkit iyon.
Ipinaikot ko ang aking dalawang daliri na parang sumasalat ng pitsa sa mahjong.

Dinig na dinig ko ang kanyang paghinga at pagsinghap nang dahil sa aking ginawa. Hudyat na iyon para sa akin upang ituloy-tuloy ko na ang aking mga binabalaka. Muli kong binabaan ang kanyang katawan. Mula sa kanyang dibdib, sa kanyang pusod, sa kanyang kasingit-singtian at binti. Marahan kong idinampi ang aking mga labi sa mga iyon.

Hanggang sa inalalayan ko siya upang tuluyan nang matanggal ang kanyang suot na panty. Hindi na ako tumingin sa kanya. Dali-dali ko na itong tinanggal. Tila pumapayag naman siya.
Nang tuluyan ko nang maialis ang kanyang suot na panty, ay bahagya niyang tinakpan ang kanyang puke.

Doon ako napatingin sa kanya. Alam kong naiilang at nahihiya pa siya sa akin.

Napangiti ako’t kinindatan siya. Hinalakin ko ang kanyang mga kamay at dahan-dahang inaalis iyon mula sa pagtakip ng kanyang hiyas.

Nang maiangat ko na ang kanyang mga kamay saka ko pa lamang napagmasadan ang kanyang tinatagong paraiso. Muli ko itong sinalat-salat at sinusungkit-sungkit. May hinahanap ako, at nang aking makita ay sumubsob na ako sa kanyang harapan.

Naramdaman ko nanaman ang reaksiyon mula sa kanyang katawan. Napakislot.
Napaliyad. Nakiliti. Napasinghap.
Hindi ko na tinigilan ang pagkain sa tahong. Hindi ko ito pagsasawaan.
Gamit ang aking dila ay mabilis kong pinapak ang kanyang puke, habang minamasahe ng aking daliri ang kanyang kuntil. Nararamdaman ko naman ang ginagawa niyang pagsabunot sa aking buhok. Noong
una’y hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang kanyang mga kamay. Hanggang sa naglaon ay buhok ko
na lamang ang kanyang pinagbuntungan. Hindi ko iyong tinigilan.
Wala akong balak itigil.

Hanggang sa kumakatas na ito. Namamasa. Nanginginig ang kanyang kalamnan.
Lalo siyang napapakapit sa aking buhok.

“Uuuuuuhmmmm… aaaaaaaaaaahhhh…” Napapalakas na rin ang kanyang pag-ungol.

Sige pa rin ako sa pagdila. Gusto kong ipadama sa kanya ang sarap ng pakikipagtalik sa katulad naming
“barako”. Hehehe… Hanggang sa…
Naramdaman ko ang bahagyang pagngisay ng kanyang katawan. Hindi na nito napigilan ang matinding
kiliting naramdaman at pinalabas na ang katas na aking pinaghirapan at pinaghusayan.

Isa siya sa mga babaeng nag-oorgasmo nang dahil sa pagdila-dila’t pagsungkit sa kanyang kuntil.

Ninamnam ko ang katas na lumalabas sa kanya. Lalo siyang napahapit sa aking bandang ulunan. Ang isang kamay niya ay naipatong pa niya sa may hawakan ng hagdan. Tuwang-tuwa ako dahil na rin sa alam akong nasarapan siya sa aking ginawa.

Parehas na kaming pawisan. Tagaktak na ang pawis na tumutulo pa mula sa aking katawan. Bumalik ako sa paghalik sa kanyang bandang leeg.
Isinasagi ko ang aking burat na nagwawala na sa loob ng aking boxers. Alam kong may ideya na siya sa
kung ano ang hitsura ng aking pitoytoy dahil nakita na naman niya ito. Iyon nga lang, hindi pa niya ito nakikitang galit na galit.

Muli ko siyang inalalayan at binuhat papaakyat sa aking kuwarto. Doon ko siya titirahin sa kama.
Inihiga ko siya at nang makita kong kumportable na siya, ay saka ko ibinaba ang aking underwear.
Napatingin siya sa aking tayung-tayo na sandata. Bahagya pang napapatango ang aking alaga dahil na rin sa sobrang sarap ng putaheng nakahain sa aking harapan.
Pumatong ako sa kanya at napapakiskis ang aking burat habang inaabot ko ng halik ang kanyang mga labi. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan dahil sa nakita niyang galit kong manoy.

Kaya naman ay muli ko siyang niromansa at pinainit.

Sinasalat-salat ko muli ang kanyang puke, at naramdaman kong naglalawa pa rin ito at kumakatas. Pumuwesto na ako sa kanyang bandang gitna.
Hindi ko inaalis ang aking mga labi sa kanya, habang itunututok ang aking burat sa kanyang puke. Sinubukan ko ipasok ang ulo nito, at napaigik si Kat.
“Aaaahhh… Aray!” Saad nito.

“Sorry…” Mahina kong bulong sa kanyang.

“Dahan-dahan lang… please?” Pakiusap nito.

Hindi na ako sumagot at muli kong sinubukan ang pagpasok ng ulo ng aking burat. Ulo pa lamang ito, pero parang nahihirapan na siya.
Nararamdaman kong nahihirapan talaga siya habang ipinapasok ko ito sa kanya. Makipot, pero may kadulasan.
Inabot ko muli ang kanyang dila at pinaghahalikan ang kanyang bandang leeg.

Bumabaon ang kanyang mga kuko sa aking badang likuran, habang ibinabaon ko naman sa kanyang loob ang aking matigas sa kargada.

Dahan-dahan kong ipinapapasok sa langit ang aking burat. Kalahati na ang naipapasok ko, ay napapaigik pa rin si Kat.
Muli kong hinugot ang aking karagada, at marahang ipinasok ulit.

Marahan akong kumakadyot papasok sa kanya. Sinasanay ang kanyang puke sa aking kargada.

Hindi ako nagsasawa sa paghalik-halik sa kanya. Gusto kong maiwaglit nito ang sakit na nararamdaman niya sa pagpasok ng aking ari.

Ang mararahan na pag-ulos at unti-unting bumibilis. Ang kanyang pagdaing ay napalitan ng pag-ungol.
Naramdaman ko na ang kanyang binti na nakakawit sa aking bandang puwetan. At ang ang kanyang mga
yakap ay napapahigpit na sa akin.
Magkasalo na ang aming mga basang katawan. Magkahalo ang aming mga pawis.
Magkahinang ang aming mga labi.

Kahit na napapaigik pa rin siya ay hindi na ako nagpaawat sa pagbaon ng aking burat sa kanya. Malalakas na kantot.
Binibilisan ko na ang bawat pag-ulos. “Aaaaaaaahhh… sh*t! Aaaaaaaaahhhh…” “Ansarap mo… Saraaaaaapp….”
Nauulol na ako sa aking nararamdaman.

Napakasikip. Napakakipot.
Parang sinasakal ang aking burat.

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh… sh*t… ito nanaman… ayan nanaman…. Aaaaaaaahhhh…” Saad sa akin ni Kat.

Naunawaan ko ang ibig niyang sabihin.

Napangiti ako at lalong binilisan ang ginagawa kong pagkantot upang mas masarapan siya sa pagpapalabas ng kanyang katas.

Hanggang sa lumukod na ang maiinit na katas ni Kat sa aking nakapasak na burat. Lalo akong ginanahan.
Lalo akong naulol.

Hindi na rin siya nahihiya sa akin na iparating ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Samantalang ang manoy ko’y lalong tumitigas, tila lalo pang lumalaki.

Ayoko munang pagpasabog ng aking tamod. Not just yet.
Marahan ko siyang binuhat.

Ibinalot niya ang kanyang mga binti sa akin.
Standing position.

Taas baba siya sa aking burat habang buhat-buhat ko siya.

Inaabot ko ang kanyang malulusog na suso. Sinisipsip ang kanyang kulay pink na utong. Idinadampi ko
ang aking mga nguso sa kanyang maputi’t malambot na dibdib.

Heaven pre!

Hanggang sa naramdaman kong medyo nangangalay na ako, kaya naman ay marahan ko siyang isinandal sa pader ng kuwarto.

Muli kaming naghalikan habang ang aking burat ay nasa kaloob-looban niya pa. Tigas na tigas. Dahan-dahan muli ako umulos.
Nakatingin sa kanyang napakaamong mukha. Napapanganga ako sa magkahalong hingal at sarap.
Dumampi ang kanyang labi sa aking bandang noo habang pabilis nanaman ako ng pabilis sa pagkantot sa kanya.

Nakapuwesto ang aking mga kamay sa kanyang magkabilang suso.

Muli kaming naglakad patungo sa aking kama at marahan siyang inihiga. Mabibigat at malalakas na pagkadyot ang aking pinapakawalan sa kanya. Baon na baon.
Alam kong malapit na rin ako sa aking sukdulan. Alam kong malapit na rin akong labasan.
Inalalayan ko ang aking sariling bigat sa pamamagitan ng aking mga kamay na nakapatong sa malambot
na kama.

Ang kanyang mga kamay naman ay nakabalot sa aking bandang leeg habang ang kanyang mga binti naman ay nakakawit sa aking balakang.

Pabilis na ng pabilis. Palakas na ng palakas.
Narararamdaman kong malapit nang sumabog ang bulkan.

“Aaaaaahh… F*ck! F*ck!”
“Aaah! Aaah! Aaah!”

“Hayan na ako… Hayan na ako… Tang*na! Hayan na ako… P*tang… Ina… Put*ng ina… aaaaaaahhhh…”

Hinugot ko ang aking burat at sandali itong dyinakol.

Hanggang sa sumambulat sa kanyang puke at puson ang aking masaganang tamod.

Nanginig ang aking buong katawan. Hingal na hingal ako. Sarap na sarap habang pinapakawalan ang naipon kong katas.

Tigas na tigas pa rin kargada ko, at marahan ko muling ipinasok sa kanyang puke. Doon ko dineposito ang natitirang tamod sa aking burat.

Inabot ko ang kanyang mga labi at saka siya hinalikan. Idinampi niya ang kanyang kaliwang kamay sa aking batok at lalong hinahapit ang aking mukha papalapit sa kanya.

Ilang segundo pa’y tuluyan nang lumambot si manoy at napabagsak ako sa kama.

Tahimik na ang paligid.

Sa tingin ko’y wala nang bisita sina Aling Milagros.

Ilang mintuto din kaming tahimik ni Kat. Parehas lang kaming nakatingala sa kisame ng kuwarto. Hindi namin inaasahan na pareho pala ang aming nararamdaman nang gabing iyon.
Maya-maya ay naramdaman ko ang kanyang pagyakap sa aking bandang dibdib. Para siya batang paslit
na nakangiti sa akin.

Napatawa ako. Hinalikan ko ang kanyang matangos na ilong. Sandali niyang ipinatong ang kanyang ulunan sa aking braso. “Okay ka lang ba?” Tanong ko.
“Oo…” Maikli niyang tugon sa akin.

Hanggang sa bumangon na siya sa kama at kinuha ang aking tuwalya na nakalapag sa may upuan.

“Tara linis na tayo…” Saad niya sa akin.

Kaagad akong sumunod sa kanyang sa banyo. Siyempre hindi ko na pakakawalan pa ang oportunidad na makasama pa siya ng matagal.

Nang makapaghugas ay hubo’t hubad kaming bumaba ng hagdan. Sinamahan ko siyang damputin ang kanyang mga damit sa may hagdanan at sa maya sala.
Pinapanood ko lang siyang nagbibihis habang ako namang ay preskong-presko dahil sa wala pa rin akong saplot.

“Ako na lang ang lalabas ha…” Saad niya sa akin sabay ngiti. Alam kong mag-iingat siyang huwag mahuli ng kanyang mga magulang na inumaga ito sa aking tinutuluyang bahay.

“Sige… Hehehe…”

Nang makaalis na siya sa bahay ay nanatili akong nakaupo sa may sofa. Inaalala ang mga nangyari sa amin ni Kat kani-kanina lamang.

Hindi ko inasahan na may mangyayari sa aming dalawa.

Ang alam ko lang noon ay gusto kong makabawi sa kanya at ituwid ang gusot sa pagitan naming dalawa. Napapangiti ako at sigurado akong hindi ko pa nadarama ang ganitong uri ng kaligayahan.

Parang nabura ang lahat ng problema’t pagkalumbay ko.

Para bang may magic slate na bigla na lang nawala ang mga nakasulat na pag-aalinlangan na may katagalan na ring bumabagabag sa akin.

Hindi ko alam kung saan kami patungo pagkatapos nito.

Ang alam ko lang, ay nagsisimula na kaming mahulog sa isa’t isa, at kahit pa na hindi maganda ang mga naunang pangyayari sa aming dalawa, ay mukhang patungo kami sa isang pagkakaibigan na hindi namin inaasahan… o higit pa sa pagkakaibigan?

Bahala na.

Basta ang alam ko masarap ang tulog ko ngayong gabi.

~~~

Kinabukasan, ay nag-aya ang pamilya ni Kat na magpunta kami sa isang sikat na kuweba sa kanilang probinsya; ang Callao Cave.

Siyempre, dahil gusto kong sulitin ang pagbabakasyon ko kasama sila, ay hindi na rin akong nag-atubiling sumama. Sinakyan naman ang kanilang Toyota HiAce at may kanya-kanya na silang lugar doon. Kanya- kanya din sila ng bitbit ng girlfriend. Kasama ni Carlo ang kanyang syota na si Jasmine. May katangkaran ang kanyang girlfriend at maypagka morena. Si Angelo naman ay kasama ang kanyang girlfriend na
Loida. Maputi ang syota ni Gelo at mukhang galing sa isang mayamang pamilya.

Samantalang si Joseph naman, ay tanging ang kanyang gitara ang dala. Wala itong naisamang girlfriend. Nahihiya naman akong magtanong kaya naman ay hinayaan ko na lamang siya.
Bale, sa may kaliwang bintana, sa likuran ng driver seat, nakaupo si Kat. Dahil nakapuwesto na sa may likuran ng sasakyan sina Gelo at Carlo, kasama ang kanilang girlfriends, eh tumabi na lang at pinagitnaan nina Kat at Joseph.

Katabi ko si Kat sa gawing kaliwa ko, at si Joseph naman sa gawing kanan, malapit sa pintuan ng HiAce.

Excited ako, lalo na’t katabi ko pa si Kat.

Wala namang ilangan sa aming dalawa, pero naroroon pa rin ang ngiting hanggang tenga na naka pinta sa mukha ko. At halatang ninanamnam ko pa sa aking gunita ang mga nangyari sa pagitan namin kagabi.

Nginingitian naman niya ako at tinanong kung ayos daw ba ang tulog ko. “Siyempre naman!” ang nasagot ko sa kanya.

Nagkukuwentuhan naman ang mga love birds na nasa likuran namin, habang si Joseph naman ay panay
ang tipa sa kanyang bitbit na gitara. Inaayos pa’t itinotono niya ito.

Maya-maya ay napatahimik kami nang tumugtog sa kanyang gitara si Joseph. Isang pamilyar na kanta.
Isa sa mga paborito kong kanta. Accoustic version dre!
Halaga ng Parokya ni Edgar.

“Umiiyak ka na naman…”

Naks! Ganda pala ng boses nitong si pareng Joseph.

Langya talaga wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa

Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan

Nagmumuni-muni ako habang pinapakinggan ang pagkanta niya. Napapasabay pa ako kung minsan dahil gustong-gusto ko talaga ang awiting ito.

Sa libu-libong pagkakataon na tayo’y nagkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga

Habang kumakanta si Joseph, ay naramdaman ko ang kamay ni Kat na dumadampi sa aking kamay.
Napatingin ako sa kanya, pero nakabaling sa iba ng kanyang tingin. Tila patay-malisya pa siya habang magkalapit ang aming mga kamay.

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo Malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko

Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga

Hinawakan ko na ang kanyang kamay at bahagya ko itong ibinaba sa bandang ilalim ng aking binti. Nakikita kong nakangiti siya dahil medyo umumbok ang kanyang pisngi.

Napangiti din ako (dahil sa kilig… hehehe…) at nagkunwari na lamang na tumitingin din sa magandang view na aming dinadaanan.

Pareho na kaming patay-malisya, at nakabaling sa labas ang aming paningin. Ngunit alam naming iisa lang ang tumatakbo sa aming isipan at damdamin.

Hinayaan lang namin si Joseph na magpakitang gilas sa kanyang pagkanta at pagtipa sa kanyang gitara. Hanggang sa nakipagkulitan na rin ang kanyang mga kapatid at sumabay sa bawat kantang kanyang ipanapadinig sa amin.

Kahit papaano ay nawawala sa amin ang atensiyon ng magkakapatid. Lingid sa kanilang kaalaman, na patagong magkaholding hands kami ng kanilang nag-iisang kapatid na babae.

Hindi boring ang aming biyahe, kahit na halos isang oras naming tinahak ang tila walang katapusan na kalsada. Hanggang sa tuluyan na naming narating ang Callao Cave.

Woah! Speechless.
Sobrang ganda pala dito at sobrang lamig.

Sulit na sulit ang aming pag-akyat sa di ko mabilang na baitang ng hagdan papunta sa kuweba. Dahil ang inabutan namin doon ay tila isang paraiso.

[insert picture]

Mayroong isang maliit na dasalan ang tumambad sa amin. Nakakamangha.
Sandali kaming nanatili doon upang magbigay respeto at manalangin. Tahimik lang kaming naroroon at nawala ang kakulitan nina Carlo at Gelo.

“Ang ganda pala dito…” Bulong ko kay Kat.

“Oo naman… Kulang ang bisita mo dito sa Cagayan kung hindi ka dadaan dito sa Callao Cave.” Sagot niya sa akin.

Maya-maya ay dumiretso na kami sa iba pang chambers ng kuweba. Kuwento nila sa akin na may seven
(7) chambers daw ito at papakipot ng papakipot ang dadaanan. Pero hanggang ika-limang chamber lang ang aming napuntahan.
Kahit papaano ay sulit na sulit na rin ito para sa akin. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakapasok sa
kuweba…pero siyempre, ibang kuweba naman ang madalas kong napapasok… hehehe…

Lumabas na kami dito at pababa naman naming tinahak papunta sa may ilog. Ang Pinacanauan River.
[insert picture]

Siyempre, namangha nanaman ako’t nabato-balani sa aking nasaksihang kagandahan. Piktyuran ng piktyuran.
Gusto ko itong i-save sa utak ko. Gusto ko itong manatili sa aking alaala. Gusto ko ito ang iisipin ko sa
tuwing nabubuwisit ako sa mga associates ko. Gusto ko ito ang unang papasok sa isipan ko sa tuwing
naghahagilap ako ng “happy thoughts”.

Sumakay kami sa bangka.

Medyo naghiwa-hiwalay nga lang kami dahil hindi kami kakayanin ng bangkang iyon. Kakaibang experience nanaman ito dre.
Matagal ko na sana itong ginawa. Matagal ko na sanang naisipan ang mamasyal.

Iba ang galak na nadarama ko sa tuwing nakakakita ako ng tubig… ng dagat… ng ilog… ng magandang view…

Nakakarelax. Nawawala lahat ng pagod at stress na dala-dala ko mula Maynila.

Inenjoy ko na lang ang bawat pagkakataon na nararanasan ko dito sa probinsya… At siyempre, kasama
na doon si Kat.

Umupo muna kami sa may batuhan sa tabi ng ilog. Nagkasarilinan kami, habang hinihintay pa ang
kanyang mga kapatid na namamasyal pa’t nakasakay sa bangka.
Sa hindi kalayuan ay naroroon naman si Joseph, na patuloy pa ring tumutugtog sa kanyang gitara. Para kaming may soundtrack habang nag-usap kami ni Kat.
“Sarap talaga ng buhay dito ano?” Saad ko sa kanya.

“Oo nga eh…” Maikli niyang tugon sa akin.

Napasulyap ako sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti.

“Yung kagabi…” Mahina niyang saad sa akin.

“Nagsisisi ka ba?” Tanong ko sa kanya.

Napayuko siya. Tila nag-iisip ng kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.

“Gusto ko lang malaman mo… na natutuwa ako sa kung anong mayroon sa atin ngayo Kat…” Seryoso kong saad sa kanya habang nakatanaw sa napakagandang ilog.

“Gusto ko din malaman mo na masaya ako…” Sagot niya sa akin.

“Good… That’s good… Hehe…”

Napalingon ako sa kanya. Gusto ko sanang hawakan ang kamay niya, pero baka matanaw kami ni Joseph mula sa malayo.

“Liligawan kita…” Muli kong saad sa kanya.

“Hah?!”

“Sabi ko… liligawan kita… manliligaw ako… okay lang ba sayo?”

“Ewan… bakit ako? Huwag na lang kaya?” Nahihiya niyang sagot sa akin.

“Okay… sige hindi na ako manliligaw… so tayo na?” “Hah?! Adik ka ba?” Gulat niyang saad sa akin. Napatawa ako sa expression ng kanyang mukha.
“Hahaha! Joke lang. Sabi mo kasi, huwag na lang kaya… Hehehe…”

Napangiti siya sa akin at sabay yumuko.

“Kidding aside… I really do like you…” Balik sa seryoso ang aking mukha.

“Hmmm…”

“Alam kong, medyo mabilis pa itong nangyayari sa atin… Pero iyon talaga ang nararamdaman ko
ngayon. Hindi pa ako naging ganito kasaya, Kat. Yung pagtanggap sa akin ng pamilya mo, yung
pakikitungo sa akin ng mga magulang at kapatid mo, pati yung espesiyaln na nangyari sa atin kagabi. Gusto ko lahat ng iyon eh manatili sa akin, sa buhay ko, sa puso ko. Wala akong pamilya, wala akong mga kapatid, kaunti lang mga kaibigan ko… Siguro nga isa ako sa mahirap mahalin, pero isa lang masisigurado ko sayo… na iba ako. Iba akong magmahal.” Saad ko sa kanya.

“Pero… paano? Alam mo naman di ba? Alam mo naman kung ano ako…” “Gusto mo ba ako?” Diretsahan kong tanong sa kanya.
“Oo…” Halos pabulong niyang saad sa akin.

“Eh di walang problema… Yun lang naman ang alam ko sa kung ano ka… Puwede naman tayong magsimula di ba? Hindi naman natin puwede i-rewind ang lahat sa buhay natin, hindi naman natin puwedng i-undo ang lahat ng nagawa nating mali, pero may pagkakataon naman tayong magbago, magsimula ulit…” Paliwanag ko sa kanya.

Hindi ko alam kung nakumbinsi ko siya sa kung ano ang gusto kong ipahiwatig sa kanya. Pero bakas sa kanyang mukha na gusto rin naman niya ang nasa isipan ko.

Inayos niya ang kanyang buhok na nililipad ng hangin at inilagay niya ito sa kaliwang bahagi ng kanyang balikat.

“Hindi kita babaguhin sa kung sino at ano ka… dahil iyon ang babaeng nagustuhan ko at hinangaan ko…” Muli kong saad sa kanya.

“Sinasabi mo lang yan…” Bara niya sa akin.

“Kaya nga bigyan mo ako ng pagkakataon para manligaw sa iyo… To prove myself… Okay ba yun?” “Hmmm… sige na nga…”
“Napilitan ka ba? Hehehe…”

“Hihihi… hindi ko kasi alam kung anong isasagot sa totoo lang…” “I understand… Hehehe…”
“Pero huwag kang umasang sasagutin kita… bleh!” Saad niya sa akin sabay labas ng kanyang dila.

“Hah! Tignan natin… Wala pa akong napapa-hindi… Hehehe…” “There’s always a first time… remember? Hihihi….”
“We’ll see… hehehe…”

Maya-maya ay papalapit ng papalapit ang tunog ng gitara ni Joseph. Gulat ko na lang eh nasa likuran na namin siya at kumakanta pa rin.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa’yong tingin akoy nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana’y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo

Hindi pa pala siya tapos sa Parokya ni Edgar Songbook niya. Pero oks na din kasi paborito ko rin namang banda iyon.
Kaya lang… hindi kaya siya kabagin sa lakas ng hangin na nanggagaling sa ilog habang non-stop siya sa
kanyang pagkanta?

Naku… Lagot kami mamaya sa loob ng sasakyan kapag napakawalan na niya ang kamandag ng kanyang
kabag.

~~~

Sumapit na ang araw ng katapusan. Sumapit na ang endo ng aking bakasyon.
Hindi ko alam kung papaano ba ako uuwi ng Maynila at iwan lahat ng magagandang alaala dito sa
probinsya.

Alam kong kahit kailan ay hindi ko pa naranasan ang ganitong uri ng kaligayahan. Magaan sa pakiramdam.
Pero napakabigat naman ng aking nararamdaman habang nag-eempake.

Ngunit ang maganda lang doon, ay ipinagkatiwala sa akin nina Aling Milagros na isama pabalik ng
Maynila ang kanilang nag-iisang anak na babae.

Kahit papaano ay naiibsan ang kalungkutang nadarama ko sa pag-iwan sa isang munting paraiso nabuo ko.

Malungkot.

Pero alam kong babalik-balikan ko ito. Ipinapangako ko iyan sa aking sarili.

Habang tinitiklop ang mga bagong laba kong damit at isinisilid sa aking bag, ay biglang kumatok sina
Aling Milagros at ang tatay ni Kat.
Dali-dali akong bumaba upang sila ay pagbuksan. Sinalubong naman nila ako at iniabot ang isang baunan na naglalaman ng paborito kong adobo.

Sinadya pa ni Aling Milagros na ipagluto ako nito at ibaong papauwi ng Maynila.

“Naku… Maraming salamat po talaga dito… Paborito ko po ito… Hinding hindi po ako magsasawa… Salamat po…”

“Hehehe… Mabuti naman at nagustuhan mo ang luto ng asawa ko… Yan din ang nagpabaliw sa akin kaya pinakasalan ko siya at sinagot… Hehehe…” Biro ng tatay ni Kat.

Agad naman siyang siniko ni Aling Milagros at inirapan.

Pinigilan ko ang aking tawa dahil baka ihampas niya sa aking bumbunan ang hawak niyang baunan.

“Ayan, pagsawaan mo yan ha… Dinagdagan ko pa yan at hindi naman agad iyan napapanis.”

“Opo. Salamt po nanay… Maraming salamat po…” Kinuha ko na ang baunan na naglalalaman ng adobo at inilapag ito sa may lamesa.

“Hmmm… Puwede ba muna tayo mag-usap? Sandali lang naman…” Saad ng tatay ni Kat.

“Sige po… Maupo po tayo dito…” Sagot ko sa kanila.

Nakita kong biglang naging seryoso ang mukha nilang mag-asawa. Bahagya akong kinabahan pero siyempre, hindi ako nagpahalata.

“Ano po bang atin? Ano po ang pag-uusapan natin?” Nakangiti kong tanong sa kanila.

“Gusto lang namin magpasalamat sa iyo dahil maging kami eh nag-enjoy na kasama ka dito sa aming munting tahanan… Mabilis ka naman naming nakagaanan ng loob at talagang nabura lahat ng kung anong nasa isipan ko…” Saad ng tatay ni Kat.

Napayuko naman si Aling Milagro.

“Naisipan niyo po? Ano po iyong nasa isipan ninyo?” Tanong ko.

“Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, iho… Kasi, alam naman namin kung bakit naandito ka…” Muling saad ng tatay ni Kat.

Bigla akong nanlamig at tumayo ang balahibo ko sa may bandang batok.

“Ho?”

“Alam namin na isa ka sa naging dahilan kung bakit nagawa’t naisipan ni Kat na wakasan ang kanyang buhay… Alam namin na matindi ang pagkakasala mo sa aming anak…” Saad ni Aling Milagros.

Sh*T man!
Napayuko ako.

Para akong tinirador sa bayag. Parang umurong ang dila ko.
“Pasensya na kung inilihim namin sayo. Nalaman din kasi ng asawa ko ang tungkol sa inyong tatlo…
Alam mo naman siguro kung ano ang sinasabi ko… Naikuwento kasi ng mga kaibigan ni Kat sa aking asawa ang lahat ng pangyayari. Hanggang sa isang araw eh may bumisita daw sa ospital, na isang lalaki na parang aligaga… Naramdaman agad iyon ng aking asawa at talagang nagsiyasat na siya tungkol sa iyo….” Kuwento ng tatay ni Kat.

“Pasensiya na po… Hiyang-hiya po ako… Hiyang-hiya po ako sa inyo at kay Kat… Hiyang-hiya ako sa
kung anong nagawa kong pagkakasala…” Maluha-luha kong saad sa kanya. Nakayuko na lamang ako at hindi ko na sila matignan pa.
“Tapos, sabi naman ng asawa ko, na parang mabuti ka naman tao. At parang hindi mo naman kayang gawin iyon sa anak namin. At nakikita niya sa mga mata mo yung matinding lungkot, hanggang sa nalaman niya nga mula sa iyo na ulila ka na sa magulang. Noong una, aaminin ko sayo iho, na galit nag alit ako. Gusto kitang balikan. Gusto kitang ipabugbog. Pero pinigilan ako ng asawa ko, sabi niya na bigyan ka namin ng pagkakataon na makilala kung ano at sino ka talaga. At tamang-tama itong nakaraang piyesta. Nagulat din kami dahil pumayag kang pumunta dito mag-isa. Nabigla kami dahil tinutohanan mo na gusto mong ma-experience na magkaroon ng malaking pamilya. Doon pa lang eh nakita ko na sa iyo na porsigido ka talagang bumawi sa anak ko. Lingid sa kaalaman ni Kat, na alam namin ang kung anong namagitan sa inyong dalawa. Nakikita namin na sinusungitan ka ng anak namin, at hindi mo naman siya pinatulan… Hanggang sa unti-unti, nakikita namin ang isang taong parang naliligaw sa landas at buhay niya… Nakita namin sa iyo na parang may hinanap ka. At hindi namin namamalayan na napapalapit ka na rin sa amin na parang tunay na anak. Doon ko naintindihan ang lahat iho… Doon ko natutunan ang magpatawad nang dahil sa ipinakita mo sa amin, sa akin at sa mga kapatid ni Kat. Doon ko nalaman na may mga tao ding handang magbago. Doon ko rin nakita na lahat naman tayo ay may kabutihan sa ating puso. At salamat dahil naipakita mo iyon sa aming mag-asawa, at matanggal lahat ng galit at lungkot na naramdaman namin dahil sa ginawa ni Kat. Mahal na mahal namin iyon, at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung may masamang kinahantungan ang nag-iisa kong prinsesa.” Saad ng tatay ni Kat.

Tuloy-tuloy lamang na umagos ang aking mga luha.

Hindi ko alam kung hihinto pa ba ako sa aking pag-iyak o hanggang bukas na ito? Nilapitan ako ni Aling Milagros at marahang hinagod ang aking likuran.
Tinamaan ako sa lahat ng sinabi sa akin ng tatay ni Kat. Tama sila.
Para akong naliligaw noong mga panahong nahanap ko ang kanilang tahanan.

Para akong naliligaw noong mga oras na hindi ko alam kung tama ba o mali na naandito ako ngayon sa bahay nina Kat?

Para akong naliligaw noong mga sandali na iniisip ko kung papaano ko maitutuwid ang baluktot kong pag-iisip at buhay.

Hindi ko alam, na sa pagtatago ko sa kung ano ang tunay kong pagkatao, ay mayroon din palang sikretong nakamasid sa akin.

Hindi nila ako hinusgahan agad, bagkus, ay ibinigay nila ang kanilang tiwala at pinatira’t pinakain pa nila
ako sa kanilang tahanan.

“Patawarin niyo po sana ako… Sa totoo lang po, hindi ko po alam kung ano pa ang sasabihin sa inyo dahil hindi ko inamin kung ano talaga ako sa buhay ni Kat. Kung ano ang relasiyong mayroon ako Kat. Gustong-gusto ko pong humingi ng paumanhin, lalo po sa inyo, dahil sa matinding kalungkutang naidala ko sa pamilya ninyo. Parte po ako ng isang kasalanan, nang dahil sa baluktot kong pag-iisip. Patawarin niyo po ako…”

“Wala na iyon, Dennis. Napatawad ka na namin. Kaya nga naikukuwento na naming mag-asawa ito sa iyo ngayon dahil magaan na ang pakiramdam namin at tuluyan na kaming bumitiw sag alit.”

“Inaamin ko po… Sobrang napamahal at napalapit na po ako sa inyo… sa pamilya ninyo… Kaya nga po panay ang tanong ko sa aking sarili kung bakit at papaano ko na-deserve ang ganitong uri ng pakikitungo mula sa pamilya ng babaeng nasaktan ko… Nangulila ako sa pagmamahal na nanggagaling sa isang magulang… mapagmahal na magulang… Natutuwa po ako sa pagiging malapit ninyo sa inyong mga anak at kung papaano ninyo sila sinusuportahan… Wala po akong naranasang ganoon… Hindi ko
po naranasn iyon, kaya naman eh sobrang naenjoy ko po talaga itong bakasyong ko.”

“Hehehe… Iyon naman talaga dapat hindi ba? Yan ang pinaka-huling rule ko, ang mag-enjoy ka sa
piyesta dito sa amin… hehehe…” Patawa-tawang saad ng tatay ni Kat.

Napapunas na lamang ako ng aking luha’t uhog.

Napapangiti na rin ako at sobrang gumaan din ang dala-dala kong pasanin sa aking dibdib.

Ayoko na rin namang maglihim sa kanilang mag-asawa dahil sa kabutihang ipinakita nila sa akin.

“Salamat po… Salamat po talaga… Hinding hindi ko po ito makakalimutan…” Saad ko sa kanila.

“Okay na yun… Ang mahalaga eh naging maayos ang lahat sa atin… Hehehe…” Saad ni Aling Milagros.

“Opo… Salamat po nanay…”

“Tsaka, ingatan mo ang anak ko… Iyon lang ang pakiusap namin sa iyo…”
“Opo… tatay…”

“Huwag mo nang sasaktan ang anak ko ha… Sinasabi ko sayo… nakup!”

“Hoy! Ayos na nga di ba?” Saad ni Aling Milagros sabay siko muli sa kanyang asawa.

“Joke lang… ito naman… Hehehe…”

Ewan.

Pero talagang masayang-masaya ako sa mga naranasan at napagdaan ko dito sa lugar na ito.

Wala akong ibang maisip na salitang puwede kong ihambing para lang mapaniwala kayo sa kasiyahang nadarama ko ngayon.

Unti-unting nakakalas ang mga tali sa aking mga kamay at paa, buhat ng isang kasinungalingang naidulot ko sa kanila.

Unti-unting nababasag ang yelong bumabalot sa aking puso, dahil sa matinding galit at pighating naranasan ko mula nang iwan ako ni Martha.

Unti-unting natatanggal ang mga tinik sa aking dibdib at tuluyan ko nang napapakawalan ang mga hindi kanais-nais na pasanin at magpatuloy sa aking buhay.

Iiwan ko na ang mga ito at hahayaang lumipad patungo sa kawalan. [insert picture]

~~~

Nag-iba ang lahat. Lumipas ang mga araw… Lumipas ang ilang linggo…
Pakiramdam ko ay iba na akong tao. I’m a changed man.

Siyempre, naroroon at kaagapay ko na si Kat sa bawat araw na lumilipas sa aking buhay. Sa una ay medyo naiilang pa kami na ipakita ang pagiging sweet sa opisina. Hanggang sa unti-unti na nilang nalalaman ang namamagitan sa amin.

May mga natuwa, at siyempre may mga taong nagtaka. Pero ano bang pakialam nila?
Hindi naman kami sasaya kung mapi-please namin silang lahat.

Masaya kaming dalawa… tapos ang usapan.

Magkasabay kaming kumain.

Siyempre, lagi akong nagpapapogi sa kanya at nagpapaimpress.

Sinusuportahan ang mga activities and projects niya sa opisina. Ako na mismo ang nagte-take charge sa mga usapang kompyuter at sistema.

Hinahatid ko siya sa inuupahan niyang bahay.

At siyempre hindi nawawala ang aming… alam mo na. hehehe…

Halos tatlong buwan akong nanligaw sa kanya, hanggang sa nakamtan ko na ang matamis niyang “oo”.

Iminungkahi ko sa kanya na samahan na lang niya ako sa Antipolo at doon na manirahan. Para na rin makabawas sa gastos niya, makatipid kami sa oras ng biyahe, at siyempre, para mas masolo ko pa siya.

Naging okay naman ang takbo ng buhay naming magkasama. Kasabay ko na siyang gumising tuwing umaga.
Kasabay ko na siyang magjogging.

Kasabay ko na siyang pumapasok sa opisina. Kasabay ko na siyang magtime-in.
Kung papalarin pa ay, kasabay ko rin siyang magtime-out, yun ay kung hindi ako nag-oovertime.

Buhay mag-asawa na ang datingan namin, at ineenjoy naman namin ang mga oras na magkasama kaming dalawa.

Kuntento na ako sa buhay.

Hindi na rin ako madalas magalit sa aking mga tatamad-tamad na associates. Madalas ko na ring pinapansin si kupal Arnold.
Minsanan na lang kaming gumimik.

Dahil ang mahalaga sa akin, eh ang mag-work ang relationship namin ni Kat. Chill lang.
Cool lang.

Hanggang sa…
Hanggang sa sumunod na mga araw, ay parang may iba akong nararamdaman sa kanya. Halos isang linggo siyang naging mailap at malamig sa akin.
Ang tangi ko lang naiisip ay yung hindi ko siya nasamahan sa mall noong Sunday, dahil nagkaroon ako ng
rest day overtime. Alam kong nabadtrip siya noon at mag-isang nagpunta sa mall. Simula noon, Monday hanggang Friday eh tumatahimik na lamang siya.
Naisip ko, ang babaw namang dahilan iyon para siya manlamig sa akin o magalit ng sobra-sobra.

Hanggang sa sinubukan ko siyang kausapin isang araw…

“Okay ka lang ba?” “Oo…”
“Parang hindi ah…” “Okay nga lang ako…” “Okay… Sabi mo eh…”
Hindi na niya ako sinagot at nagpatuloy pa rin siya sa pagbabasa ng kanyang libro.

“Honey, magpapanggabi nga pala ako ng isang linggo… Okay lang naman sayo iyon di ba?” Paalam ko sa kanya.

“Oo…” Sagot niya sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya habang isinusuot ang aking boxer shorts.

Nag-iisip ako ng magandang topic na puwede kong ibahagi sa kanya, para magkaroon naman kami ng maayos na pag-uusap, at maiwasan ang puro “oo” o “okay naman” na sagot.

Ngunit marahan niyang ibinaba ang kanyang libro at tumingin sa akin. Nakatingin din ako sa kanya at hinihintay ko siyang magsalita.
“May sasabihin ka?” Tanong k okay Kat.

“Hmmm… kasi…” “Kasi?…”
“May tanong ako…” “Ano yun?”
“Para sa iyo… Paano mo masasabi kung ang dalawang tao eh “meant to be for each other”? Seryoso niyang tanong sa akin.

Mind f*ck.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya.

“Hmmm… Siguro kung yung dalawang tao eh nagkakasama at nagtatagpo pa rin kahit na lumipas ang maraming araw o kahit dinaanan ng malaking problema yung relationship… Yung parang kahit anong mangyari eh sila at sila pa rin ang magkasama…” Sagot ko naman sa kanya.

Iniisip ko pa rin kung bakit out-of-the-blue eh tinanong niya sa akin iyon.

“Ahhh… yung parang kahit akala mong wala na, eh biglang bumabalik? Yung parang nangyayari na lang basta na nagkakatagpo sila ulit at may naguugnay pa rin sa kanilang dalawa? Ganun ba?” Saad niya sa akin.

“Hmmm… oo… parang ganun… Bakit mo naman naitanong?” Diretsahan kong tanong sa kanya. “Ahhh okay… Wala naman… May binabasa lang akong bagong novel…” Sagot niya sa akin. Okay.
Gustong kong paniwalain ang aking sarili sa mga sinasabi niyang paliwanag. Pero parang gumugulo iyon sa aking isipan.
Parang pantal na gusto mong kamutin sa sobrang kati.

May ibig sabihin nga kaya si Kat sa itinanong niya sa akin? O dala lang iyon ng pagbabasa niya ng kanyang mga libro?

Ewan.

Hangga’t alam ko sa sarili kong okay kami… eh okay pa rin kami…

Ayoko nang maging negative sa relasiyon.

Muli nanamang lumipas ang Sabado at Linggo ay tila matamlay pa rin si Kat. Kinakausap naman niya ako pero ibang-iba pa rin talaga ang ikinikilos niya.

Hindi kaya may iba sa pakiramdam niya? Hindi naman siguro siya buntis? Kailangan ko bang tanungin iyon? Tang*na!
Hindi ako manghuhula. Ang hirap hulaan at magspeculate. Hanggang sa sumapit ang Martes, nag leave si Kat.
Ako naman ay kararating lang galing sa trabaho mula sa isang graveyard shift.
Antok na antok na ako, at saka siya nagpaalam sa akin na may pupuntahan lang daw siya saglit. Siyempre, may magagawa pa ba ako? Pinayagan ko na lang siya at diretso na akong nahimbing sa aking
kama.

Para akong lumulutang sa sobrang antok, at hindi na yata kaya ng aking katawan ang night shift. Tulog sa araw.
Gising sa gabi.

Di bale, isang linggo lang naman ito. Kaunting tiis na lang.

Himbing na himbing ako sa aking pagkakatulog at nadidinig ko pa yata ang aking paghilik nang inuuga at ginigising ako ni Kat.

“Honey… Gising ka…”

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata sabay tingin sa aking relo. Ala-una y media pa lang ng tanghali.
Gusto ko pang matulog.

“Bakit? Inaantok pa ako…” Saad ko sa kanya.

“Gising ka na… May bisita…” “Bisita? Sino?”
Medyo masungit pa ako dahil sa naantala ang aking pagtulog.

“Basta, bumaba ka na…” Saad niya sa akin sabay labas ng aming kuwarto.

Ayoko naman siyang awayin dahil sa nasira ang aking tulog, at minabuting puntahan na lang ang aming
buwisita… este bisita.

Papungas-pungas pa ako at gulo-gulo ang aking buhok.

Alam kong medyo bad breath pa ako dahil hindi na ako nagmugmog. Pakialam ko kung maamoy ng bisita namin.

Medyo bakat pa nga ang pitotoy ko dahil sa suot kong shorts.
Ewan.

Wala lang talaga akong pakialam sa bisita namin para mag-ayos pa.

Pagkababa ko ng hagdan ay dumiretso agad ako sa aming sala. Nasulyapan ko pa si Kat na hinahandaan ng maiinom at makakain ang aming bisita.

Pagtingin ko naman sa aming sala, ay may nakita akong babae. Nakatalikod ito sa akin at tinitignan isa-isa ang mga larawang nasa frame.
Dahil sa medyo hilo-hilo pa ako, ay hindi ko talaga makilala kung sino ang aming bisita. Basta alam ko, babae siya.
Itim at may kahabaan ang kanyang buhok. Nakasuot ito ng bestida.
Napansin ko rin ang kanyang katawan na medyo may katabaan, at dahil nga sa ito ay nagdadalang-tao. Hinid ako umiimik, hanggang sa napalingon siya sa akin at dahan-dahang humarap.

Bigla akong napatulala.

Kahit na may pagka-chubby na ang kanyang mukha, ay talagang kilalalang-kilala ko siya. Nakanganga lang ako sa isang malaking sorpresa.

“Hi…” Saad niya sa akin, sabay ngumiti. Hinawakan pa niya ang kanya nang malaking tiyan.

Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya.

Nakatingin lang ako sa kanyang maganda pa ring mukha. Bakit?
Bakit naririto sa aming harapan si Martha?
Twenty seconds on the back time
I feel you’re on the run
Never lived too long to make right
I see you’re doing fine

And when I get that feeling
I can no longer slide I can no longer run Ah no no

And when I get that feeling
I can no longer hide For it’s no longer fun Ah no no

Yeah, you can say what you want
But it won’t change my mind
I’ll feel the same about you
And you can tell me your reasons But it won’t change my feelings I’ll feel the same about you

(Say What You Want by Texas)

ereimondb
Latest posts by ereimondb (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x