Dead of Time 37 – Deep Trouble 3 Desperate Move to Stay Alive!

Dead of Time

Dead of Time 37 – Deep Trouble 3 Desperate Move to Stay Alive!

By hunter


 

matapos ang pag sabog ay nag pahinga ang dalawa ng ilang minuto bago bumangon sa pag kakaupo sa sahig.

“babalik na ba tayo” tanong ni erich kay irvine pag tapos nilang tumayo.

“oo gusto ko ng umalis sa lugar na eto” sagot ni irvine kay erich.

dahan dahan binuksan ni irvine ang pintuan at nilingon ang pinang yarihan ng pag sabog.

wasak ang nasa paligid ng pag sabog walang natira sa halimaw na kanina lang ay malaki pa sa kaninalang dalawa ni erich.

“tara na ayoko ng tumagal sa lugar na eto” sinabi ni erich kay irvine.

kaya mabilis na tumakbo ang dalawa gaya ng kanina kada zombie na humarang ay patay sa dalawa.

walang nakakaligtas na zombies sa dalawa basta abot nila ay madali nilang pinapatay.

nag lalakad na bumalik sa helicopter ang dalawa nakita nila si fade leonard at art na naka bantay sa labas ng helicopter.

sinalubong ni leonard si erich at irvine na halatang pagod na pagod dahil sa ginawang pag takbo at pag patay sa mga zombies.

“buti buhay kayo nasan na ung tatlo” tanong ni leonard kay irvine.

“hindi ko pa alam” sagot ni irvine kay leonard.

“nanjan na ba si mephisto” tanong ni erich kay leonard.

hindi maka sagot si erich dahil wala pa si mephisto sa lood at hindi pa nila eto nakikita.

“takbo bilis” sinabi ni zychelle kay francine.

“saan tayo pupunta” tanong ni francine kay zychelle .

hindi sumagot si zychelle tumakbo lang sila ng tumakbo.

paminsan minsan ay pumapatay sila ng zombies gamit ang sandata ng dala dala nila.

mabilis ang pag takbo ni zychelle at francine kaya mabilis silang nakalayo sa mga zombies.

nasira ang ligtas na pag takbo ni zychelle at fracine ng makita nila sa harap nila ay isang dead end.

pader ang nasa harap ng lugar na pinili nilang takbuhan.

“bakit bakit bakit!” sigaw na tanong ni zychelle ng makita ang malaking pader na nasa harap ng tinatakbuhan nilang daan.

“dead end ano bang kamalasan to” sinabi ni francine sa sarili.

malapit na ang mga zombies sa lugar kung nasaan si zychelle at francine.

“zychelle dito tayo” sigaw ni francine habang binubuksan ang limang pintuan.

mabilis pumasok ang dalawa sa lumang pintuan.

ng makapasok silang dalawa ay agad nila etong sinara dito nila nakita na isang lumang budega ang pinasok nilang kwarto.

kahoy ang pintuan at maalikabok ang buong kwarto puno eto ng lumang gamit na mukang hindi na ginagamit.

“wala tayong dadaanan dito” sinabi ni zychelle kay francine ng makita ang kwartong pinasok nila.

hindi sumagot si francine sa sinabi ni zychelle dahil alam nyang dala eto ng takot mamatay.

ilang minuto pa ang lumipas at nakaupo na silang parehas sa sahig nag papahinga.

“makakaligtas kaya tayo” tanong ni zychelle kay francine.

“oo makakaligtas tayo dito” sagot ni francine kay zychelle.

ang akala nilang matibay pang pintuang kahoy ay nag karoon ng butas dahil sa dami ng zombies na pilit na pumapasok.

“eto na ang katapusan natin” sigaw ni zychelle na mangiyak ngayak na sa takot na mamatay na sila sa oras na iyon.

nag isip si francine sa puwede nyang gawin dahil alam nyang hindi sya puweding bumalik sa helicopter ng wala si zychelle.

“hindi tayo mamatay dito” sagot ni francine kay zychelle.

nabutas ang pintuan ng mga zombies na nasa labas na nag pupumilit pumasok kung nasaan silang dalawa.

isa nalang nag paraan na naisip ni francine na paraan at yun ay ang patayin nya ang lahat ng zombies na nasa labas.

pero paano nya gagawin ang bagay na iyon kung hindi nya puweding ipaalam sa iba ang tunay nyang pag katao.

“gusto mo ba talagang mabuhay” tanong ni francine kay zychelle.

tango lang ang tanging naisagot ni zychelle kay francine na nag dadalawang isip parin kung gagawin nya ang bagay na iniisip nya.

“pumikit ka kung gusto mong mabuhay” utos ni francine kay zychelle.

“pero anong magagawa ng pag pikit” tanong ni zychelle kay francine.

“pumikit ka nalang at kahit anong marinig mo wag kang didilat kung gusto mo talagang mabuhay” sagot ni francine kay zychelle.

hindi alam ni zychelle kung para saan ang pag papapikit sa kanya ni francine.

pero kitang kita sa mukha ni francine na hindi eto papayag na masugat sya at sinisigurado nito na makakabalik sila ng buhay sa helicopter.

“sigurado ka makakabalik tayo pag pumikit ako” tanong ni zychelle na paninigurado na makakabalik sila ng buhay sa mga kasama nila.

“oo pangako” sagot ni fracine kay zychelle.

kaya pumikit si zychelle at ibinigay ang buong tiwala nya sa kasamang na ngangakong makakabalik sila kung nasaan ang mga kasama nila.

tinakpan rin ni zychelle ang tinga nya para maiwasan ang dumilat kung sakaling may marinig syang kakaiba.

tinignan ni francine ang kasamang si zychelle nag masigurado nyang wala na etong makikita at maririnig ay muling humarap sa mga zombies na nasa pintuan.

“patay kayong lahat” nakangising sinabi ni francine ng harapin nya ang mga zombies na nag pupumilit pumasok sa pintuan.

nag palit si francine ng anyo mula sa normal na pagiging tao ay inilabas nya ang tunay na katauhan ang halimaw na si bloody princess.

hindi magawang sumigaw ng bloody princess dahil alam nyang pag sumigaw sya any didilat si zychelle at makikita ang anyo nyang eto na iniiwasan ng bloody princess.

lumapit ang bloody princess sa pintuan at pinatay nya ang lahat ng zombies na nag pupumilit makapasok.

limang minuto ang tinigal ng pag patay ni bloody princess para maubos ang mga zombies na humahabol sa kanilang dalawa ni zychelle.

ng masigurado na ng bloody princess na walang natitirang zombies ay bumalik na sya sa pagiging tao at sinuot nya ang kanyang damit na hinubad bago mag palit ng anyo.

ng makabihis na ay tinapik na nya ang umiiyak at pilit na dinadaan sa kanta ang takot na kasama.

“zychelle ok na tayo ligtas na tayong dalawa” mahinahong sinabi ni francine kay zychelle.

na dahan dahang dumilat mula sa pag kakapikit nito.

nagulat si zychelle ng makitang patay lahat ng zombies na kanina lang ay muntik ng masira ang pintuan.

“anong ng yari” tanong ni zychelle kay francine.

“hindi ko rin alam pinapatay ko ung mga zombies na sumisira ng pintuan ng biglang may dalawang taong naka itim ang lumabas at inubos nila ang lahat ng zombies” pag sisinungaling ni francine kay zychelle.

“pero hindi na importante yun tara na bumalik na tayo sa mga kasama natin” dagdag na sinabi ni francine kay zychelle.

“sige tara na” pag sang ayon ni zychelle sa pag aaya ni francine na bumalik na sila sa helicopter.

tumayo si zychelle mula sa pag kakaupo nya at nag simula silang tumakbo pabalik sa helicopter.

walang hirap na nakabalik ang dalawa sa helicopter na sinalubong naman agad sila ni art at fade ng makita silang palabas sa isang gilid ng extraction point.

“aalis naba tayo” ang agad na tanong ni zychelle kay irvine ng makaupo eto sa helicopter.

“hindi pa kulang pa tayo ng isang tao” sagot ni irvine kay zychelle.

dito lang napansin ni zychelle na wala pa nga si mephisto sa helicopter.

“buti okay ka lang zychelle” sinabi ni erich sa kay zychelle sabay yakap ng mahigpit.

“salamat erich” sagot ni zychelle kay erich.

“si mephisto” tanong ni zychelle kay erich.

“wag kang mag alala babalik un” nakangiting sagot ni erich sa kanya kampanting makakabalik ang kasintahan kung saan mang eto nag punta.

nag aantay ang lahat sa pag babalik ng nag iisang kulang sa grupo nila na walang iba kung hindi si mephisto.

at habang tumatagal ang pananatili nila sa lugar na un ay mas lalong nagiging delikado para sa kanilang lahat ang ginagawang pag aantay.

pero walang gustong umalis lahat ay matapang na nag aantay sa pag babalik ni mephisto na kung nasaan hindi nila alam.

ilang minuto pa silang nag antay ng may marinig silang nabasag na salamin na nag palabas sa kanilang lahat.

nakita nila ang isang halimaw na nakatayo at naka tingala sa isang lalaking naka yoko naman at tinitignan ang bumagsak na halimaw.

dito napansin ng lahat na ang lalaking eto ay si mephisto ang kanina pa nilang inaantay na bumalik.

ngayon alam na ng lahat kung bakit hindi pinuntahan ng halimaw ang helicopter dahil pala eto kay mephisto.

“mephisto” sigaw ni erich kay mephisto na nakatayo sa itaas ng bintana kung saan nahulog ang halimaw.

“anong ginagawa nya sa itaas” tanong ni irvine sa sarili at nag simula na etong ihanda ang mga sandata para tulungan ang kaibigan.

napasigaw ang lahat ng makitang tumalon si mephisto mula sa mataas na bintana at bumagsak eto sakto sa halimaw.

sumaksak ang katana sa halimaw at dahil sa pag kakasaksak ng katana ay nasalo ng halimaw si mephisto mula sa mataas na pag kakahulog.

walang may alam kung anong ng yari ang tanging alam lang nila ay buhay si mephisto at mukang wala na eto sa katinuan.

lumabas si irivine sa helicopter kasunod nya si lord at ace dala dala ang mga sandata nila handa na para tulungan si mephisto.

walang may alam kung anong kahihinatnan ng pag laban nila sa halimaw na eto ang tanging alam lang nilang lahat ay kailangan nilang lumaban para sa dalawang bagay.

para tulungan ang kasama at para makaalis na sila sa impyernong lugar na eto kaya naman sama sama silang lalaban.

itutuloy…

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x