Undo – Episode 7: Ctrl + X
By ereimondb
Two Months and Seven Hours Ago
Private Conversation with Boy Abunda
Boy Abunda (BA): Magandang gabi mga kapamilya. Naririto tayo ngayon upang himayin ang bawat detalye sa buhay ng ating kaibigan na si Dennis. Aalamin natin mismo sa kanya ang mga kasagutan sa mga issue na ibinabato sa kanya o dili naman kaya’y mga pinagdadaanan niya sa ngayon. Dennis, magandang gabi sayo at welcome sa Private Conversation.
Dennis Mercado (DM): Magandang gabi din po sa inyo at sa lahat ng mga nanonood. Salamat po sa pag- imbita sa akin.
BA: Diretsahang tanong, kamusta na si Dennis sa mga nakalipas na araw? How are you coping up?
DM: Ayos naman po ako ngayon tito Boy. Balik sa normal ang lahat-lahat. Normal routine. Paggising ng umaga magshoshower, tapos tatakbo sa Ynares Center, tapos uwi, breakfast ng kaunti, tapos ligo, tapos pasok na sa opisina. Well, siguro tito Boy, unti-unti na ulit akong nakakapag-adjust.
BA: That’s good to know. May mga araw ba na inaasahan mong may nakahanda nang agahan sa lamesa o kaya naman ay may gigising sayo para sabay kayong magpunta ng Ynares Center para mag-jogging.
DM: Of course tito Boy. Minsan pa nga naaalala ko kung paano niya ako kinukulit na tikman yung niluto niya. At sa tingin ko mula nang day 1 na tumira siya bahay ko, unti-unting sumasarap at nakukuha niya ang tamang timpla. Nalalaman niya na ang nilaga ay dapat masabaw at hindi ang adobo. Minsan kasi napagbabaliktad niya iyon tito Boy… Hehehe… (Sabay tawa ni tito Boy: Ahahahaha) Tsaka siyempre naiimagine ko pa rin kung paano niya ako ginigising tuwing umaga. Kung sino mauunang magsha-shower o sabay ba kami… Hehehe…
BA: Talagang hindi mo maitatanggi na na-inlove ka talaga diyan kay Martha.
DM: Oo naman po. Alam kong nararamdaman niya rin kahit papaano kung gaano siya kahalaga sa akin. BA: Pero alam mo na hindi iyon pang-matagalan, right?
DM: Opo.
BA: What I’m trying to say is yung kasunduan ninyo na titira siya sa bahay ninyo sa Antipolo for a month, habang si Kat naman ay may seminar abroad, particularly in India. Paano mo inihanda ang sarili mo sa huling araw ng pagtira niya sa bahay mo?
DM: Actually tito Boy, hindi ko pinaghandaan o iniisip ang last day niya sa bahay ko. But of course aware naman po ako na one month lang siya doon. Ang sa akin lang po, eh I’m optimistic na nagawa ko lahat
ng gusto kong gawin with her sa isang buwan na iyon. I am very positive na maglelevel-up kahit papaano
yung pagtingin niya sa akin.
BA: Naniniwala ka ba talaga na may nararamdaman din siya sa iyo? Sorry sa tanong ko ha, pero handa ka ba sa kung anong mangyayari?
DM: Opo tito Boy… Pero hoping pa rin ako sa magandang kakalabasan. Doon na lang po siguro ako sa positibo…
BA: But you know, napakadami nang istorya ng ating mga kapamilya na dumaan sa ganyang uri ng relasyon. Sa isang relasyon na tinatawag nilang “It’s Complicated” o kaya naman ay “Open Relationship”. Ang dating kasi sa akin niya ay para kayong sumasakay sa isang roller coaster na walang seat belt. It’s a very dangerous kind of relationship. Walang label-label. Walang pinupuhan na love. Do you still believe na may love ang relationship ninyo?
DM: I still believe na may love tito Boy. Siguro sa una, inaamin ko na physical attraction at sobrang babaw ng pagkagusto namin sa isa’t isa. Crush ko siya, type niya rin daw ako. So we just clicked. But after that, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Mahal ko siya to the point na handa akong maghintay for her. For me, that’s enough evidence na may love talaga sa relasyon namin.
BA: At ayon sa mga researchers namin, eh mukhang makukuha mo na ang matamis niyang “oo” dahil na
rin sa pakikipag-usap niya kay Kat. Anong napag-usapan ninyong dalawa about this?
DM: Ahhh… Opo tito Boy. For the nth time, I gave her space and time to think and fix things with Kat. Walang assurance or whatsoever, pero sabi ko nga po, optimistic ako na may magandang mangyayari. I gave her an ultimatum, na kung sisiputin niya ako sa concert ni Bruno Mars this coming April 8, that means na ako ang pinipili niya.
BA: Okay, that sounds good to me. It’s kind of romantic, but at the same time, suicidal. And I believe,
after this, eh you will start moving on with your life with or without her, right?
DM: That’s right tito Boy. Pero siyempre, I’m hoping for the best. That’s the least I can do.
BA: Let’s talk about Kat. Her name is Catherine Masangkay. Siya po ang kasalukuyang karelasiyon ni
Martha. Dennis, deretsahan na… May guilt ka bang nararamdaman everytime na nakikita mo siya?
(Sandaling mapapayuko si Dennis at mapapangiti)
DM: Of course tito Boy. May guilt din akong nararamdaman. But it feels weird dahil for the very first time eh babae ang kaagaw ko. Babae ang kalaban ko. Lalo pa’t maayos naman kami sa opisina, we are not friends, but we get along well. Inuwian niya pa nga ako ng pasalubong galing India. She even delivered it to my office. Hindi ba? Sino ba naman ang hindi magiguilty doon?
BA: Ano ang panalangin ng isang Dennis Mercado?
DM: Na bumilis ang araw, at dumating yung pagkakataon kong malaman kung ako ba ang pipiliin ni Martha o hindi. Yung time na gagraduate na ako sa ganitong komplikadong relasyon. Gusto ko lang din naman magmahal eh. Gusto ko lang naman na makuha ko yung atensiyon at pagmamahal ng isang babae, 100%. Gusto ko rin ng peace of mind, kaya sana, sana dumating na rin yung araw na yon.
BA: That’s a very nice prayer. We all need to have a peace of mind.
DM: Yes tito Boy.
BA: You know Dennis, minsan ko na lang itong ginagawa… Bihira ko na itong inilalabas para sa mga guest ko. But since you are special, I will do this tonight… Ilalabas ko ang aking mahiwagang salamin. Kaharap mo ang mahiwagang salamin, Dennis, ano ang sasabihin mo sa sarili mo?
(Napatingin si Dennis sa imaginary mirror. Tila tagos ang paningin nito at pamaya-maya ang kanyang pagyuko. Sinusungkit sa pinakadulo ng kanyang isipan ang mga salitang nais niyang sabihin sa kanyang sarili. Ngunit walang lumalabas. Nganga.)
Naalimpungatan ako…
Unang bumungad sa akin ang nakabukas kong telebisyon. Nakatulugan ko nanaman ito at inabutan ng pagsign-off.
Hindi ko nanaman namalayan na nakatulog ako sa sofa sa may sala namin. Bukas ang telebisyon.
Nakakalat ang mga bote ng San Mig Light sa may sahig.
At nakatiwang-wang lang ang inorder kong pizza kanina pagkauwi ko galing opisina. Sandali kong iminulat ang aking mga mata.
Nakatingin lamang sa kisame habang tinititigan ang butiking animo’y nakadikit doon.
Ilang araw na rin akong ganito.
Ilang araw na rin akong natutulog dito sa sala ng bahay.
At kahit pa na mayroon akong sariling telebisyon sa aking kuwarto, ay mas pinipili ko pa ring dito sa ibaba manood.
Ano bang mayroon?
Bakit ba ako nagiging-emo?
Ahh…
Siguro dahil sa tuwing nasa kuwarto ako ay naaalala ko pa si Martha na naroroon at nagtatanggal ng kangyang damit, ngingitian ako habang papasok siya sa banyo upang magshower, at ilalaglag niya ang kanyang bra at panty sa may pintuan ng banyo.
Siguro dahil sa tuwing nasa kuwarto ako ay naaamoy ko pa rin ang pabango ni Martha, at maging ang mga inilalagay niyang lotion sa kanyang katawan bago kami matulog. Kabisado ko na rin ang amoy niya pagkatapos niyang maligo at lalambingin ako agad sa kama.
Siguro dahil sa tuwing nasa kuwarto ako ay nadidinig ko ang napakasarap niyang pagtawa. Na sa tuwing mayroon akong bibitiwang joke, eh sobrang lakas ng halakhak niya. Napapakunot pa ang bandang taas na bahagi ng kanyang ilong at lumalabas ang kanyang dimple.
Siguro dahil sa tuwing nasa kuwarto ako ay naiimagine ko kung papaano naming ineenjoy ang isa’t isa. Kung ilang rounds kami at kung ano-ano ang mga sexual positions na nagawa namin. Halos nakikita ko pa sa bawat sulok ng aking kuwarto kung papaano ko siya inaangkin at kung papaano siya napapaungol
sa sobrang sarap ng aming ginagawa. Lalo na ang pinakahuli naming pagtatalik bago siya tuluyang umalis ng aking bahay. Sobrang init, sobrang sarap at higit sa lahat sobrang naging kuntento ako kahit isang round lang iyon. Dahil alam kong may nararamdaman na kaming pagmamahal para sa isa’t isa. Hindi na lang siya basta sex. Sigurado ako doon.
Kasalanan ko.
Kasalanan ko kung bakit mas pinipili ko ngayon ang matulog dito sa sala.
Hindi dahil sa ayaw ko na siyang maalala, kundi baka hindi ako makatiis at kung ano pa ang magawa ko. Nangako kasi ako sa kanya na ibibigay ko ang natitirang mga araw sa kasunduan namin para siya ay makapag-isip at ayusin ang gusot na mayroon sila ni Kat.
Kasalanan ko kasi gumawa ako ng napakaraming magagandang alaala namin doon sa aking kuwarto. Kuwentuhan, tawanan, tuksuhan, kilitian, sundutan. Mas maraming oras kaming napagsaluhan sa kuwarto ko.
Siguro nga ang tangi ko na lamang magagawa ay ang maghintay.
Hintayin dumating ang araw ng paghuhukom. Ang araw kung sino ang pipiliin niya sa amin ni Kat. Panay ang tingin ko sa concert ticket ni Bruno Mars.
Iniimagine ko na rin kung ano ang mga gagawin ko kung sakaling sumipot siya sa aming kasunduan. Basta ang sigurado lang doon, ay gagawin ko ang lahat para maiparamdam sa kanya kung gaano ako kasaya at kasuwerte dahil ako ang pinili niya.
Ipapadama ko sa kanya ang pagmamahal na matagal na niyang pinipilit alamin. Hindi ako perpektong boyfriend, pero alam kong kayo kong pagbutihin at gawin ang nararapat para sa aming dalawa.
Shit!
Pinipilit ko na lang ipikit ang aking mga mata para hindi maramdaman ang may katagalang paghihintay na ito.
Sana kayanin ko pa. Sana nga kayanin ko pa. Kaunting tiis na lang Dennis.
Kaunting tiis pa.
~~~
Pause, then Press Play
Lumipas ang mga araw, at siyempre, balik nanaman ako sa dating gawi. Gising sa umaga.
Magsha-shower.
Takbo patungo sa Ynares Center.
Takbo mag-isa habang naka-earphones. Balik sa bahay, handa ng almusal.
Kakain ng oatmeal.
Ligo ulit.
Bihis at bitbit ng polo shirt at isasabit sa likuran.
Check ng oil, brake fluid, at Automatic Transmission Fluid. Punas ng kotse.
Pasok sa loob.
Paandarin.
Ayusin sa pagkakapaling ng side mirror at reat view mirror. Buksan ang aircon.
Buksan ang car radio.
Lakasan ng kaunti ang volume. Pihit muna sa break.
Ilagay ang kambyo sa Drive.
Nang biglang…
Tumugtog ang isang classic song ni Rey Valera.
Kung tayo’y magkakalayo Ang tanging iisipin ko
Walang masayang na sandali
Habang kita’y kasama
Naknamputsa!
Kung tayo’y magkakalayo Maging tapat ka pa kaya
Ibigin mo pa kaya ako Kahit ako’y malayo na
Aking nadarama pagsasama nati’y `di magtatagal
Kay laki ng hadlang sa ating pag-ibig
Ang malupit pa doon ay hindi ko inililipat ang istayon ng radio. Hinahayaan ko lang na magpaka-senti habang nagdadrive patungo sa opisina.
Kung tayo’y magkakalayo Mapapatawad mo ba ako
Sa paghihirap na dulot ko sa buhay mo
Aking nadarama pagsasama nati’y `di magtatagal
Kay laki ng hadlang sa ating pagibig
Kung tayo’y magkakalayo
At kahit mayroon ka nang iba
Ikaw pa rin ang buhay ko Kahit ika’y malayo na
Ikaw pa rin ang buhay ko Kahit ika’y malayo na
Ganito pala ang pakiramdam ng naghihintay ng resulta, na sa tingin mo ay may 50/50 na tsansa. Alam kong 50/50 yun. Atleast iyon ang ipanapaniwala ko sa aking sarili.
Tsk! Tsk!
Pagdating ko sa opisina ay halatang malungkot ang aking mukha. Pero sinisikap ko pa ring ngitian ang mga empleyadong nakakasalubong ko.
Sinisikap ko pa ring magpakabuti sa harap ng mga associates ko, kahit na kulang nanaman kami ng dalawa.
Kinuha kong oportunidad iyon para ako na lang gumawa ng mga tickets mula sa Manila.
Ako ang nagresolba sa mga problema ng mga ahente sa kanilang workstation. At nagakyat-panaog ako
sa iba’t ibang floors ng kumpanya.
Nakikita ko din sina Kat at Martha.
Panay pa rin ang iwas sa akin ni Martha. Maliban sa hindi na kami nagkikita sa fire exit, eh hindi ko na rin siya naaabutan sa smoking area.
Pinagmamasdan ko rin ang ikinikilos ni Kat. Bakas din sa mukha niya ang sobrang lungkot at pag-aalala…
o iniisip ko lang yun, dahil gusto kong isipin na ako talaga pipiliin ni Martha? Hehehe…
Panay ang sulyap ko kay Martha. Paminsan-minsan ay naghihintay ako sa fire exit, pero wala talagang dumadating.
Isang araw, bigla akong nagulat nang sumalubong sa akin mula sa fire exit si Kat.
“Oh! Kat! Ikaw pala…”
“Dennis, kailangan ko kasi ng IT para doon sa access na kailangan namin for the task migration.”
“Ahh ganun ba? Anong access ang kailangan?”
“Citrix access, tsaka yung sa Outlook… Marami ba kayong tickets?”
“Ahh… Oo eh… Pero sige, kung gusto mo ako na lang ang tutulong sa team ninyo.” “Sure ka ba? Okay lang sayo?”
“Oo naman… Trabaho ko din naman yun eh…” “Okay… Salamat ha… Maaasahan talaga kita. Hihi…”
“Wala yun. Bayad ako, kaya huwag kang mag-thank you. Hehehe…”
“Hihihi… O sige, isesend ko na lang sayo yung list para magawan na mamaya ng access ha.” “Sure. Abangan ko na lang sa mail.”
“Okay, salamat ulit.” Saad sa akin ni Kat sabay kindat.
Hindi ko alam pero hindi ko talaga kayang magalit sa karibal ko.
Maliban kasi sa unang pagkakataon eh nagkaroon ako ng karibal na tomboy, eh nagagandahan din ako sa kanya. Hindi kasi siya nag-aastang lalaki at babae pa rin siya kung manamit. Hindi naman sa hinuhusgahan ko ang pagkatao niya, pero bakit nga kaya mas pinipili niya ang babae kaysa sa aming mga lalaki?
Maganda naman siya.
May kapayatan, pero sexy din naman.
Maputi.
At higit sa lahat, maganda ang mga mata. May pagka-intsik din kasi siya. Ah ewan!
Basta ang tingin ko pa rin sa kanya eh isang malaking tinik para sa pag-iibigan naming ni Martha. May the best man win na lang.
~~~
Fast Forward, then Press Play
April 08, 2011
06:25AM – Ynares Center Antipolo City
Sumapit na ang araw na pinakahihintay ko.
Hindi ko alam kung excited ba ako o natatakot sa kung ano ang magiging desisyon ni Martha. Kahit na inihanda ko ang aking sarili sa kung ano ang mangyayari mamaya, ay sadyang umaasa pa rin ako na magiging maayos ang kakalabasan.
Sabi nga ni Robin Padilla sa komersiyal, eh “Think Positive, Walang Aayaw”.
Kaya naman ay idinaan ko na lang sa pagja-jogging ang simula ng araw ko.
Naka-Vacation Leave naman ako ngayon kaya wala akong pakialam kung hanggang anong oras ako tatagal sa pagtakbo ngayon.
Game na game din naman ako at nasa mood para magpakapagod at sa tingin ko pa nga ay nalagpasan ko na yung target kong distansya sa pagtakbo.
Nakailang ikot ang playlist sa aking iPod at halos mamemorya ko na kung ilang tao ang tumatakbo ngayon dito sa Ynares Center.
Madaming naglalaro sa isipan ko.
Paano kung hindi sumipot si Martha? Anong gagawin ko?
Siyemrpre, manonood akong mag-isa sa concert ng idol ko na si Bruno Mars sa Araneta. Mag-isa akong sasabay sa pagkanta ni pareng Bruno sa mga hit songs niya.
At siyempre, iinom ako, dahil nasupalpal ako at nabasted. Magpapakalasing at magpapakalunod sa alak. Tapos uuwi ng bahay. Matutulog. Tapos… Hmmm… Hindi ko na alam kung ano pa ang puwedeng mangyari sa akin pagkatapos ng mga yun.
Basta ang sigurado diyan, hindi niya ako sinipot, hindi na niya ako gusto sa buhay niya, at hindi ako ang pinipili niyang makasama.
Kaya oras na para mag-move on. Move forward.
Napakadaling sabihin, pero parang napakahirap gawin. Tsk! Tsk! Tsk!
Kaya naman ang itinatanim ko sa aking isipan, ay yung pagbabakasakaling dumating siya mamaya.
Yun bang sispot siya, tatawigin niya ako, tapos tatanawin ko siya sa malayo, tapos isisigaw ko rin yung pangalan niya, tapos slow-motion kaming tatakbo, magmi-meet kami sa gitna at bubuhatin ko siya, habang nagpaikot-ikot na kami. Tapos may closing credits. End of story.
Ayos na ayos sana kung ganun. Parang dating pelikula lang nina Rene Requestas at Kris Aquino sa Regal
Films.
Korni na kung korni, pero hindi ko masisisi ang sarili ko kung magagawa ko iyon kapag sinipot ako
mamaya ni Martha. Baka nga mas malala pa dun… Hehehe…
Pag-uwi ko ay dumiretso naman ako sa may bandang likuran ng aking bahay. Halos isang linggo na rin ang nakakalipas nang bilhin ko itong dumbbell set na tig 25lbs. Dito ko muna inaksaya ang oras ko habang panay ang tingin ko sa aking cellphone.
Shit!
Pawis na pawis na ako pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na kahit text manlang mula kay Martha. Lalo tuloy akong ginanahan sa aking ginagawang pagbubuhat.
Maya-maya ay nagpush-ups pa ako. Tapos nagsit-ups. Halatang hindi ko na alam kung ano pa ang aking gagawin para lang malibang at matanggal sa isipan ko ang mga bagay na ayaw kong isipin.
Hingal na hingal akong napahiga sa sahig habang nakatingin muli sa kisame ng bahay namin. Konting tiis pa, pareng Dennis. Kaunting tiis pa.
2:25 PM – Maia Alta, Antipolo City
Habang naghihintay, ay minabuti ko na lamang na libangin ang aking sarili.
Nag-marathon na lang ako ng isa sa mga paborito kong US TV Series – ang Prison Break. Nalibang naman ako at halos hindi ko namalayan ang bilis ng pagtakbo ng oras, at siyempre, sa sala nanaman ako tumambay.
Maya-maya…
…ay nakatanggap ako ng text message.
“Saan ka? Meet naman tayo bago yung concert?” – Martha
Wadapak?!
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matutuwa talaga ako?! Mukhang may chance nga na magiging maganda ang ending ng love story namin ni Martha babes.
“Bahay pa ako. Saan mo tayo gusto mag-meet?” – Yan naman ang reply ko. (Pinaabot ko muna ng humigit-kumulang na dalawang minuto para hindi niya mahalata na nag-aabang ako ng text mula sa kanya.)
“Gloria Jean’s Coffee? Starbucks? Krispy Kreme? You choose.” – Martha
“Krispy Kreme?” – Text back ko sa kanya. “Ok. See you @ 4pm. ” – Martha Yun oh!
May smiley?! Hehehe…
Ibig sabihin nun talagang sisiputin niya ako para sa concert ni pareng Bruno.
Mabilis pa sa alas-kuwatro akong naligo at nagbihis. Siyempre nagpapogi pa ako at halos maubos ko ang pabango ko para lang sa muling pagkikita namin ni Martha.
Bumalik ulit ang good mood ko. Pakanta-kanta pa ako habang nagda-drive at kinikilig-kilig dahil ako ang pinili ng babaeng mahal na mahal ko.
Saktong alas-kuwatro akong nakadating sa may Araneta Center. Agad kong ipinark ang aking kotse at halos tumakbo ako papunta sa may Krispy Kreme.
Nang makalapit na ako sa tagpuan ay inayos ko pa ang pagkakatupi ng aking polo at nagtanggal ng muta
(kung mayroon man).
Hindi naman ganun kalaki ang tagpuan kaya alam kong makikita ko rin siya agad.
Tingin sa kanan… Tingin sa kaliwa… Parang walang Martha akong nakikita. Ahh baka late. Baka late lang.
Tinignan ko ang aking relo at 4:15 na. Alam kong hindi basta-basta nale-late iyong si Martha eh.
Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag sa akin mula sa isang unknown contact.
Sino ito?
Sasagutin ko sana pero biglang na-drop yung call.
Napakunot-noo ako sabay paling sa aking bandang likuran. Pagtingin ko’y nagtama ang mga mata
naming ni Kat. Si Kat? Tangina!
Bakit siya naandito? Anong ginagawa niya dito.
Nakita ko siyang hawak-hawak ang kanyang cellphone, alam kong may idinial siya dito at biglang tumunog nanaman ang cellphone ko.
Doon ko na lang nakunekta na siya pala yung kanina pang tumatawag sa akin. Boom! Busted!
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, at patay malisya pa ako kahit halatang nagsisinungaling.
“Kat?! Anong ginagawa mo dito? Manonood ka rin ba ng concert ni Bruno Mars?”
Hindi naman siya kumibo at napangisi lang. Umupo siya at gayundin ako. Hindi ko maintidihan kung bakit pa ako lumapit sa kanya. Sobrang awkward.
“So ikaw pala?”
“Huh? Anong ako pala?” “Galing… Best actor…”
“Hindi ko maintindihan yang sinasabi mo…”
“Nagmamaang-maangan ka pa? Hindi ako makapaniwala na ikaw pa ang gagawa nito sa akin? Tinuring kitang kaibigan, hiningan pa kita ng advice, tapos ngayon ganito pa ang gagawin mo sa akin?” Sunod- sunod na saad sa akin ni Kat.
Sino pa ba ang makakasingit diyan? Siyempre tameme nanaman ako. Hindi na ako nakakibo men!
Kung sakaling nakamamatay ang matalim na pagtitig sa isang tao, malamang ngayon ay patay na ako’t
duguan. Gustuhin ko man o hindi, alam kong darating at darating din ang araw na ito, kung saan
magkakaalaman na ng katotohanan. Alam ko ring nasurpresa siya sa kanyang nalaman at nang makita niyang ako pala ang lalaking sisipot.
Hindi ko alam kung paano nangyari. Siguro’y inadya na rin na mangyari ang araw na ito. Pero…
Bakit ngayon pa?
Bakit sa araw pa na itinuturing kong napakahalaga para sa akin, para sa aming dalawa?
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa araw na ito sa pagitan naming dalawa ni Martha, pero hindi ko namang inaasahan ang ganitong harapan.
Natutunaw na ako sa kanyang pagkakatitig sa akin. Tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa. Malamang ay hinuhusgahan na niya ang kung anong uri ng pagkatao mayroon ako.
Paksyet!
“Gaano na ito katagal?” Mahina niyang saad sa akin. Nararamdaman ko ang matinding galit sa kanyang mga mata, pero naanduon pa rin ang kanyang pagpipigil dahil nasa isang pampublikong lugar kami.
“Ang alin?” Maang-maangan kong sagot.
“Huwag na tayong magtatanga-tangahan Dennis. Alam kong alam mo sinasabi ko.”
“Wala naman talaga akong isasagot sayo dahil… dahil… dahil hindi ko alam kung anong mayroon kami.”
“So ano? sex lang? Pangkamot ka lang?” Buwelta niya sa aking pagmumukha.
Hindi ko matanggap na ganoon lang ako kay Martha, dahil parang ganoon na nga ang nangyayari. Pero ayokong bastusin ang pagkatao ng babaeng mahalaga para sa akin.
“Look, sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Isipin mo na ang gusto mong isipin sa akin. Mahalaga sa akin si Martha. Mahal ko na nga eh. Ngayon kung puwede, sa ibang araw na lang natin ito gawin dahil may concert pa akong pupuntahan.”
“Bakit? Away mong sinasabihan kang panakip-butas? Remedyo sa panandaliang sarap? Napakadami na naming pinagdaanan ni Martha. Nakita ko na ang katulad na sitwasyong mayroon kayo. Gaano mo ba siya kakilala?” Sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Sa totoo lang, na-ulol ang utak ko.
Tinamaan ako sa bawat salitang inilalabas ng kanyang labi.
Unti-unting gumuguho ang pag-asa ng isang abangerz na katulad ko.
“Bahala ka na diyan. Aalis na ako.” Saad ko sabay tayo. Akamang maglakad na ako papalayo sa aking kinauupuan nang bigla niyang pinigilan at hinawakan ang aking kamay. Napatingin ako sa kanya dahil sa aking pagkabigla.
“Maupo ka.” Maikling saad nito.
Gusto kong magmatigas.
Ayaw kong sumunod sa inuutos niya sa akin.
Ayaw ko nang makadinig pa ng kung anong mga salita galing sa kanya.
Maya-maya ay nakita ko namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Sinusubukan niya pa ring pigilan ang emosyon niya at maging ang pagtulo ng kanyang mga naipong luha. Panay ang tingin paitaas at para bang gusto niyang kusang matuyo ang kanyang mga luha sa hangin.
Ang ayoko sa lahat ay ang makakita ng babaeng umiiyak, lalo na nang dahil sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Nadama ko din ang panlalamig ng kanyang mga kamay.
“Maupo ka.” Ulit niyang saad sa akin at bahagya na niya akong hinihila papalapit sa aking kinauupuan kanina.
Napapikit ako’t pinig ko na rin ang inis ko nang mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung kanino ako mas galit…
Kung kay Kat?
O di kaya naman ay kay Martha?
O ang pag-amin ko sa mga pagkakamaling ginawa ko? Tangina!
Napailing na lang ako sabay upo muli sa kanyang harapan.
“Alam kong ineexpect mong si Martha ang darating ngayon at alam kong may usapan na kayo. Kagabi pa kami magkasama, dahil nagmamakaawa ako sa kanya na sana huwag niyang sayangin ang limang taon naming pagsasama. Limang taon yon, at hindi biro yon. Pero kita ko sa mga mata niya na buo na ang desisyon niyang makipag-hiwalay sa akin. Nakiusap ako na kahit sa huling sandali eh kahit papaano makasama ko pa rin siya… At pinayagan naman niya ako… Chineck ko yung cellphone niya… May nakita akong mga lumang messages galing sa iisang number. Hindi siya nagbubura at alam ko kung gaano ka- sentimental si Martha. Kaya kanina, nang mabigyan ako ng pagkakataon eh tinext ko yung number na iyon. Gusto kong malaman kung sino ba ang taong ipinalit niya sa akin? Gusto kong malaman kung
talaga bang decided na siyang iwan ako….” Paliwanag sa akin ni Kat.
Bakas sa kanyang mukha na sobrang nalulungkot din siya sa sinapit ng kanilang relasyon. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Kung magiging masaya ba ako dahil sisiputin ako ni Martha o habang buhay ko nang dadalhin itong guilt feeling na nararamdaman ko?
“At hindi nga ako makapaniwala na ikaw yung papalit sa akin… Na ikaw pala yung dahilan kung bakit lagi na lang sa akin humihingi si Martha ng space. Na bigyan ko pa daw siya ng time para hanapin ang sarili niya… Sa loob ng limang taon, aware ako nangkakaroon si Martha ng mga karelasyon behind my back. Dahil siguro sa katangahan ko at dahil sobrang mahal ko siya, eh hinahayaan ko na lang at pinapalipas ang ganoong mga bagay… Dahil alam ko rin, na babalik at babalik din siya sa akin… Kusa din naman siyang bumabalik sa akin… At umabot pa kami ng ganun katagal…” Dagdag na paliwanag ni Kat habang pinupunasan niya ang kanyang mga luha.
“Sa totoo lang… Hindi ko alam ang sasabihin ko sa iyo… Pero maniwala ka man o hindi, mahal ko si
Martha.” Nakayuko kong saad kay Kat.
“Bakit siya pa? Bakit yung taong alam mong taken na?” Tanong niya sa akin.
Napahinto ulit ako at parang naghahagilap ng kung anong paliwanag ang maaari kong isagot sa kanya.
“Kung ano ang nakita mo sa kanya, yung din malamang ang nakita ko kaya nagustuhan ko kaagad si
Martha… Hindi madali sa akin, at lalong hindi naging madali para sa kanya… Naghintay ako…” “Kaya mo ba ipinayo sa akin na iwan ko na lang siya? Ganun ba?”
“Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin na nahihirapan ka na? Bakit kailangan mo pang pahirapan ang sarili
mo lalo na kung ayaw na sa iyo ng tao?”
“Hindi ganun kadali. Alam mo yan.”
“Alam ko. Hindi nga ganun kadaling makalimutan si Martha. At hindi ko kayang tumagal pa na hindi ko siya nakakasama. Dalawang buwan. Binigyan ko siya ng dalawang buwan para mag-isip at para ayusin ang namamagitan sa inyong dalawa. At ngayong alam na natin pareho ang desisyon niya, sana hayaan na lang natin yun… Hayaan na lang natin maganap ang dapat na maganap.”
“Alam mo naman sigurong hindi ko isusuko si Martha, hindi ba? Hindi ko siya isusuko…”
“Kung ako ang pinili niya at nagkausap na kami… Alam mo naman siguro magiging isang malaking problema yan… Magkakaproblema tayong dalawa…” Diin kong saad sa kanya.
Tumahimik siya. Alam niyang may puntos ang sinabi ko sa kanya.
Alam ko rin na sobrang kapal ng mukha kong hilingin na distansiyahan niya kami ni Martha kapag naging pormal na ang aming relasiyon.
Maya-maya ay tumayo na siya at akmang maglalakad palayo sa akin.
“Alam kong magkakaproblema tayong dalawa Dennis. Malaking problema. Lalo na’t wala akong balak sumuko. Babalik din siya sa akin tulad ng dati…” Pahabol na saad sa akin ni Kat hanggang sa tuluyan na niya akong iniwan sa tagpuan.
Medyo nabadtrip ako doon.
Alam kong ganoon din ang inis niya sa akin nang malaman niyang may kaagaw siya sa pag-ibig ni Martha. Pero inisip ko naman yung mga panahong hiniling ko at pinangarap si Martha na maging akin. Ilang araw din akong umasa at naghintay para maangkin siya ng tuluyan. At ngayong abot-kamay ko na ito,
mukhang hindi pa rin maisasara ang kabanata nila ni Kat. Tangina!
Ano ba itong pinasok ko? Isang komplikadong relasyon.
Pero… kahit alam kong galit na galit sa akin si Kat, nagawa pa rin niyang maging kalmado at hindi
gumawa ng eksena. Alam kong naiinis siyang makita ang pagmumukha ko, ang karibal niya.
Ganun talaga, walang lihim na hindi nabubunyag, ika nga nila. At kailangan ko na ding harapin ang katotohanang ito sa pagitan naming tatlo.
Umaasa pa rin naman akong sisipot pa rin si Martha. Kahit medyo napaaga ang punta ko sa concert, eh tahimik na lamang akong naghintay sa kanya.
Nagpunta na lang ako sa isang coffee shop sa gilid ng Araneta. Para tuloy akong nagninilay-nilay sa kung anong naganap sa amin kanina ni Kat. Parang unti-unti akong pinapatay ng aking konsensiya, pero ganun talaga, si Martha naman na ang namili at nagdesisyon.
Sa halos tatlong oras kong paghigop ng aking kape ay bigla nanaman akong nakatanggap ng text message.
“Den, dito na ako sa may entrance ng Araneta… Saan ka na?” – Martha.
Bigla nanaman akong nabuhayan at napatayo ako kaagad upang puntahan siya. Halos liparin ko pa nga ito hanggang umabot sa entrance ng Big Dome.
Nakita ko ang kanyang likuran. Naka-kulay green siyang dress na kita ang kanyang mapupiting legs. Stand-out din kasi ang kulay ng kanyang buhok kaya madali ko rin naman siyang makilala.
“Martha…” Bulong ko sa kanya nang makatabi ko na siya. “Den! Hihihi…” Gulat na gulat niyang saad sa akin.
“Sorry, nagulat ba kita?”
“Hindi naman… Konti lang… Isusurpresa sana kita eh… Kaso wala naman tayong naiset na meeting place… Hihihi…”
Kung alam lang niyang akala ko sa Krispy Kreme kami magkikita kanina.
“Ahh oo nga eh… di na bale… Ang mahalaga naman eh nakarating ka… Sinipot mo ako…” “Hihihi… Happy ka?”
“Sobra… Sobrang sobrang sobra… Kung alam mo lang…” “Okay… happy ako dahil happy ka rin… Hihihi…”
“I miss you…”
“hmmm… okay… Hihihi…”
“Okay lang? Hindi mo ako namiss?” “Siyempre na-miss din kita… Hihihi…” “hehehe… Good… Tara pasok na tayo sa loob.”
This is it.
Hindi nga lang tulad ng naimagine ko na bubuhatin ko siya at magpapaikot-ikot kami sa ere, pero iba pa rin pala ang kilig kapag sinipot ka ng date mo.
Siyempre kahit na gusto ko na siyang sunggaban doon pa lang sa big dome, eh nagpaka-gentleman pa rin ako.
Tuluyan nang natanggal sa isip at dibdib ko ang pag-aalinlangan na baka indianin niya ako sa date naming at hindi ako ang piliin niya, lalo na yung kaninang pagtatagpo namin ni Kat. Paninindigan ko na lang itong nagawa ko, at sa halip na ma-guilty ay pagbubutihan ko na lang ang maging best boyfriend para kay Martha.
Habang kumakanta si pareng Bruno Mars ng kanyang kanta na “Just The Way You Are” ay sinisimplehan kong hawakan ang kanyang kamay. Tutok na tutok kasi siya sa nagpeperform sa stage at sinasabayan niya pa sa pag-awit ang idolo namin.
Maya-maya ay naramdaman niya siguro ang mainit kong palad na tuluyan nang nakakapit sa kanyang makinis at malambot na kamay. Napatinging siya sa akin, ngumiti at hindi na rin niya akong pinigilan.
“I love you…” Bulong ko sa kanya. Hindi ko naman alam kung nadinig niya ako o naintindihan dahil ngiti lang ang sinagot niya sa akin at balik ang kanyang atensiyon sa pagkanta ni pareng Bruno.
Epic Fail ng bahagya, pero baka mamaya may pagkakataon pa. Tamang timing lang siguro Dennis?! Nang matapos ang concert ay mabilis kaming nakalabas sa big Dome. Inaya ko pa siyang kumain at
malugod naman siyang sumama para bumili kami ng foods.
Hinayaan ko na lang muna siyang umupo at ako na ang umorder sa counter. Maya’t maya ko siyang nililingon dahil na rin siguro sa sobrang kaligayahan na aking nadarama. Hindi ako makapaniwala na akin na si Martha.
Yes! Success!
Mabuhay ang mga abangers!
Nang ako na ang sumunod na kinuhanan ng order, ay pinili ko na ang pinakapaborito ni Martha sa fast food na iyon. Ayoko nang bigyan siya ng choice, dahil kilalang-kilala ko na siya at alam ko na sa wakas ang gusto niya.
Ang yabang ko pang sumagot sa service crew at dami ko pang demands para maging maayos ang pagprepare nila ng kakainin namin. Inabot ko ang bayad at sinabihan akong tumabi sa gilid para makuhanan naman ng order ang susunod sa akin.
Maya-maya ay may kumalabit sa aking likuran.
Lumingon ako at nakita ko si Martha na tila naiiyak. Bigla akong kinabahan dahil ngayon ko lang nakitang ganoon si Martha.
“Bakit? Anong nangyari? Okay ka lang?” Saad ko sa kanya at iniwan ang pila.
Hindi makapagsalita si Martha. Nanginginig siya at parang mayroong kinakatakutan. “Martha? What’s happening?” tanong ko sa kanya habang niyayakap ko siya. Hanggang sa ipinakita niya sa akin ang isang text message mula sa kanyang cellphone.
Makailang beses ko pa itong binasa dahil parang hindi pumapasok sa utak ko. At parang binuhusan ako ng isang malamig na tubig nang naunawaan ko na ang konteksto ng mensahe.
Galing daw ito sa kaibagan nila ni Kat.
At ayon dito, sinugod daw nila si Kat sa ospital dahil nagtangka itong mag-suicide. Hindi pa raw nila alam ang kalagayan nito o kung ligtas na sa anumang kapahamakan.
Napalunok ako. At parang natanggal ang laman-loob ko sa aking nabasa.
“I need to go… Kailangan kong puntahan si Kat.”
“Sasama ako… Hintayin mo lang ako… Kukunin ko lang itong inorder ko…” “No… Ako na lang… Kaya ko ito…” Saad niya sa akin.
“Hindi Martha, sasama ako sa iyo…”
“Please… Magiging komplikado lang ang lahat kung sasama ka pa… Hayaan mo muna ako… Aalis na ako.” Dagdag na saad sa akin ng bago kong girlfriend. Kaagad siyang tumakbo papalabas ng fast food at di ko malaman kung ano ang gagawin ko.
Panay naman ang kulit ng service crew sa akin dahil nakahanda na raw ang inorder ko. Saglit akong napalingon sa babaeng ito at medyo nasigawan ko pa ito ng “teka lang.”
Sinundan ko si Martha pero kaagad itong nakakuha ng taxi.
Gusto ko pa sana siyang habulin pero hindi ko na din nagawa. Tangina!
Hindi ko maisip kung tama ba na iniwan ako ni Martha o dapat lang na ibigay ko sa kanya ang pagkakataong puntahan ang dati niyang karelasyon?
fuck!
Badtrip na badtrip ako.
Dahil sa sobrang pagkalito ay dumiretso agad ako sa parking lot. Hindi ko na din nabitbit ang inorder kong pagkain naming dalawa ni Martha. Hindi ko na rin alam kung ano ang nangyari sa foods na yon.
Para akong natulala. Tuliro.
Hindi ko magets kung bakit sa dinami-dami ng araw, ngayon pa lahat nangyari ito? Tangina!
Badtrip! Badtrip! Badtrip!
Inis na inis ako at halos sirain ko pa ang manibela ng aking sasakyan. Tinetext ko si Martha, pero hindi siya nagrereply.
Sinusubukan ko pa siyang tawagan, pero hindi rin niya sinasagot. Minsan nagbi-busy tone pa. Bullshit!
Napak-walang kuwenta ko!
Unti-unti nanamang gumuguho ang pangarap ko para sa maging maayos ang pagsasama naming dalawa.
Perfect date ever na eh… bakit biglang bumaliktad pa ang sitwasyon?
~~~
04:30 AM – April 09, 2011
Naghintay nanaman ako.
Pakiramdam ko ay doon lang ako magaling. Sa paghihintay.
Hindi ako nakatulog dahil binabantayan ko ang mga taong labas-maso sa condominium. Nag-stay lang ako sa may lobby at naupo sa isang sofa.
Pagod na pagod na ang katawan ko pero hindi ko magawang antukin dahil na rin sa dami ng naglalaro sa aking isipan.
Wadapak?!
Ano ba itong nangyayari? Sobrang hassle men!
Maya-maya ay nakita kong pumasok sa condo si Martha. Para pa nga itong nagmamadaling naglalakad
papunta sa elevator. Kaagad naman akong tumayo para mahabol siya at maabutan.
“Martha…” tawag ko sa kanya.
Napalingon siya, ngunit hindi ngumiti. Namumugto pa rin ang kanyang mga mata. Hindi niya ako niyakap o kinausap, sa halip ay pumasok agad siya sa elevator nang magbukas ang pintuan nito.
“Ano na? Okay lang ba siya? Ano nang nangyari?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Hindi pa rin siya kumikibo.
“Siguro naman hindi ganun kalala si Kat di ba? Magiging okay din naman siya di ba?” Muli kong tanong
kay Martha, pero hindi pa rin siya sumagot sa akin.
Hanggang sa nakarating kami sa floor ng kanyang inuupahang condo unit. “Martha… Sagutin mo naman ako… Ano ba?!” Pagmamakaawa ko sa kanya. Huminto siya at nilingon ako.
“I’m sorry… I’m really sorry…” Paiyak niyang saad sa akin.
Shit!
“Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang dapat ika-sorry eh…” “I’m sorry… I think we should end this…”
“End? Eh di ba kasisimula lang natin? Bakit kailangan humantong agad sa end?”
“I just can’t take this… It’s too much… Ako ang sinisisi nila kung bakit nagkaganon si Kat… I know it’s my fucking fault… I just can’t take it anymore… Nagiguilty ako…”
“Ako ang maykasalanan… Please Martha, hindi ito ang sagot para diyan… We can face this together… Naandito ako…”
“No… hindi mo maiintindihan… Iba ang pakiramdam ko… I just don’t want to do this anymore… Gusto ko
nang lumayo…”
“Look… Martha please huwag ka magdesisyon ng biglaan… Naandito ako, at naiintindihan kita. I’m part of this, we are in a relationship…”
“No… you just can’t understand kung ano ang nararamdaman ko… I really hate this feeling… You should let me go…”
“Tangina naman Martha! Eh ako? Naiintindihan mo ba ang nararamdaman ko? Yung mga pinagdaanan ko? Yung paghihintay ko? Martha sinipot mo ako… At ang pagkakaintindi ko doon, eh ako ang pinili mo…”
“I’m sorry… I’m so sorry…”
“Panindigan mo naman ako… Ipinaglaban ko ang nararamdaman ko sayo… pagkakataon mo namang
ipakita sa akin na mahal mo rin ako…”
“I’m sorry… I’m sorry hindi ko kayang panindigan ang desisyon ko… Kailangan ko nang umalis at lumayo… I just can’t do this anymore.”
“So paano? Iiwan mo na lang ako? Iiwan mo na lang kaming dalawa ni Kat? Nagdesisyon ka… Namili ka…
at sa paniniwala ko, ako ang pinili mo sa aming dalawa… Huwag mo naman itong gawin sa akin.” “I’m sorry… I’m sorry…” Huling saad ni Martha sa akin sabay pasok sa condo unit niya. Samantalang hindi naman niya ako pinapasok sa loob at nanatili lamang ako sa may pintuan niya.
“Martha… Buksan mo ito… Mag-usap tayo… Alam kong gulong-gulo ka ngayon… Pero hindi ito ang solusiyon… Martha mahal kita… Mahal na mahal kita… Please open the door… Let’s talk…”
“Hayaan mo na ako Dennis… I am not worthy… Please go away…” Sagot nito sa akin. “Huwag mo namang gawin sa akin ito… Martha please…”
“Just go home… Don’t come back… Let’s all start to move on…” Saad ni Martha.
“Martha buksan mo itong pinto… Papasukin mo ako… Please….”
Paulit-ulit akong nagmakaawa sa kanya upang patuluyin niya ako sa condo unit niya.
Pero walang nangyari. Hindi ko naman namamalayan na napapalakas na pala ang aking boses at nabubulabog na rin ang ibang tenant.
“Please!!! Martha!!! Mag-usap tayo!!! Please….” “Just go away… Stay away from me…”
Tangina!
Nagmumukha na akong tanga pero hindi pa rin ako natitinag sa aking ginagawa. Hanggang sa may nakita akong mga guwardiya na papalapit sa akin.
Hindi ko alam kung sino ang tumawag sa dalawang lalaking ito para paalisin ako sa condominium.
“Sir may problema po ba tayo dito?” tanong ng isang security guard.
“Sorry boss, kailangan lang naming mag-usap ng girlfriend ko… Pasensya na…” Sagot ko dito.
“Pasensya na rin po sir pero nakakabulahaw na po kayo dito… Doon na lang po kayo sa lobby maghintay
kung gusto pa kayo kausapin ng tenant.”
“Hindi… Hindi niya ako naiintindihan… Girlfriend ko yung naandito… Kaya walang problema… Mag-uusap
lang kami…” Muli kong sagot sa kanila.
“Just go home Dennis… Just go home…” Nadinig kong saad ni Martha mula sa loob ng kanyang unit.
“Martha please… Mag-usap tayo… Please buksan mo itong pinto…”
“Sir pasensya na kailangan niyo na pong umalis dahil mukha pong walang balak yung tenant na papasukin kayo sa unit niya… Pasensiya na po at mahigpit po naming ipinagbabawala ang ganitong sitwasiyon… Nakakagulo na po kayo…”
Tangina!
“Martha… Please! Please open this door! Please?!!!”
“Sir tama na po… eeskortan na po namin kayo papalabas ng condo.”
Tuluyan na akong hinawakan ng dalawang guwardiya.
“Bitiwan ninyo ako… Huwag niyo akong hawakan…”
“Sir kailangan niyo na pong sumama sa amin bago pa po kayo magkaroon ng malaking problema.” “Hindi niyo ba naiintindihan? May nireresolba din akong problema dito… Mas lalaki ito kung hindi maaayos ngayon. Kaya Martha papasukin mo na ako! Please!!!”
“Sir pasensya na po… Kailangan niyo na pong sumama sa amin…”
Hinila na ako ng dalawang security guards papunta sa tapat ng elevator. Madulas-dulas pa ako habang nagpupumiglas at isinisigaw ang pangalan ni Martha.
Bullshit!
Hindi ko akalaing kaya akong tiisin ng ganito ng babaeng pinakamamahal ko.
Hindi ako makapaniwala na talagang hindi niya ako ipinapasok sa loob ng kanyang unit at nagmukha akong kriminal sa pag-aresto sa akin ng dalawang security guards.
Tangina!
Ano bang nagawa ko? Ano bang nangyayari? Bakit nagkaganito?
Host: Good morning mga misis! Ano excited na ba kayo sa ating lulutuin ngayong umaga? At dahil espesyal na edisyon nanaman ito ng ating programang Panlasang Pinoy, siyempre isa nanamang espesyal na putahe ang aming ihahandog para lamang sa inyo. Handa na ba kayo?
Ngayong umaga ay tuturuan ko kayong magluto ng isang putaheng napakaraming benepisyong pangkalusugan. Hindi lamang ito para sa mga vegetarian, kundi para rin ito sa mga manunuod nating mayroong diabetes. Epektibo din itong pamuksa sa hypertension, constipation at mainam din ang katas nito bilang blood purifier.
May ideya na ba kayo kung ano ang ating ihahanda mga misis? Ang ating lulutuing putahe ngayong umaga ay Ampalaya Guisado.
Tuturuan namin kayo kung paano magluto ng Ampalaya Guisado na masarap i-partner sa mga piniritong ulam tulad ng isda at baboy. Kaya naman ilista na ang mga kakailanganin natin sa pagluluto at sabayan ninyo akong lutuin itong napaka-sustansyang ulam.
Ang mga rikado sa pagluluto ng Ampalaya Guisado:
– Dalawang pirasong ampalaya, hatiin sa gitna, alisin ang mga buto at hatiin ng pahaba.
– Dalawang pirasong kamatis, hatiin din ng pahaba.
– Isa’t kalahating kilo ng giniling na baboy.
– Dalawang pirasong itlog, batihin.
– Dalawang pirasong dinikdik na bawang
– Isa’t kalahating pirasong sibuyas, tadtarin.
– Isang kutsaritang patis.
– Isang kutsaritang pamintang durog
– Isang kutsarang mantika, panggisa.
Ngayon naman lulutuin na natin ang mga naihandang sahog.
1. Igisa sa mantika ang bawang, sibuyas at kamatis. Idagdag ang isa’t kalahating kilo ng giniling na
baboy at hayaang maluto ng isang minuto.
2. Idagdag ang ampalaya at patis.
Tip lang mga misis, upang matanggal ang kapaitan ng ampalaya ay puwede ninyo ito budburan ng asin, pigain at alisin ang katas nito. Ngunit kung gusto niyo naman ng mas masustansyang ulam, isama ang pinagpigaang katas ng ampalaya sa inyong putahe. Mas mapait, mas masarap at mas masustansiya.
3. Magdagdag ng isa’t kalahating tubig at hayaang kumulo. Bawasan ang apay at pakuluan ng
lima o hanggang sampung minuto hanggang sa maluto at lumambot ang ating gulay.
4. Budburan ng pamintang durog.
5. Ipatong ang binating itlog at huwag itong haluin. Muli itong hayaan ng isang minuto hanggang sa maluto.
6. Ihanda ng may kasamang mainit na kanin.
Oh ayan mga misis, handang-handa na ang ating napakasarap at napaka-sustansiyang ulam para sa araw na ito.
Tiyak akong aaraw-arawin ninyo itong putahe na ito.
Mula agahan, tanghalian, hapunan dahil sa sobrang sarap at pait ng ating inihain ngayong umaga. Nagpapasalamat din kami kay Dennis Mercado na nagrequest ng putaheng ito. Katulad ni Dennis ay maaari din kayong magrequest ng inyong putahe sa panlasangpinoy@momol.com.
Hanggang sa muli mga misis, and happy eating!!!
Ay naku kasi ano
Ang hihilig kasi sa magagandang lalaki
Ang hilig sa magagandang babae O anong napala n’yo e ‘di wala Kaya kung ako sa inyo
Makinig na lang kayo sa sasabihin ko
Humanahap ka ng pangit at ibigin mong tunay
‘Yan ang dapat mong gawin
Kaya makinig ka sa akin
And it goes a little something like this
Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay Isang pangit na talagang ‘di mo matanggap At h’wag ang lalaki na iyong pangarap
Ngunit handang-handang iwanan ka naman sa sandali
Na ikaw ay wala nang ibigay, ‘di ba ?
Kaya pangit na lalaki ang hanapin mo ‘day Kung hindi, sige ka puso mo’y mabibiyak Mawalay man ang pangit hindi ka iiyak
CHORUS:
Humanap ka ng pangit
(H’wag na oy!) Humanap ka ng pangit (H’wag na oy!) Humanap ka ng pangit (H’wag na oy!)
Ibigin mong tunay (H’wag na oy!) (H’wag na oy!)
Isang pangit na babae na mayroong pagtingin
Mangaliwa ka man ah sige lang
Andiyan pa rin
Pagka’t ikaw talaga ang kanyang pag-aari
Pag-isipan kang iwanan hindi na maaari
At kung malingat ka man h’wag mag-alala
Sigurado ka naman walang makikipag-kilala
Kung kasama mo siya ‘di bale na katakutan okey lang
Kung ikaw naman ay paglilingkuran
CODA:
Kaya’t para lumigaya ang iyong buhay Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay At kung hindi, sige ka puso mo’y mabibiyak
Mahiwalay man ang pangit hindi ka iiyak ‘di ba ?
Sasabihin ko sa inyo kung ano ang nangyari Na may na-date akong isang pangit na babae Manliligaw daw niya ay talagang ang dami Nguni’t nang siya’y nakita ko mukha siyang lalaki At sa akin ay matatawa ka talaga
Pagka’t kahawig na kahawig niya si Zorayda
Maniwala kayo’t ako’y napaibig niya Lahat ng aking hilingin ‘di tumatanggi Palagi siyang nakahalik sa aking pisngi
Ako’y “shock” hah!
Araw-araw na t’wing kasama ko siya gusto kong sumigaw
Gusto kong iwanan siya
Nguni’t ako’y nag-isip
Ito ba’y totoo o isang panaginip
‘Di siya maganda nguni’t ako ang kanyang hari
‘Yan bang dahilan kaya’t kasama ko palagi
Sabihin man nila na ako’y mangmang
Para sa akin kagandahan ay hanggang balat lamang
At sa inyo mayroon akong ibubulong
Second anniversary na namin ito t’song
CODA:
Kaya’t para lumigaya ang iyong buhay Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay At kung hindi, sige ka puso mo’y mabibiyak
Mahiwalay man ang pangit hindi ka iiyak ‘di ba ?
CHORUS 2:
Humanap ka ng pangit
(Sige na nga)
Humanap ka ng pangit
(Sige na nga)
Humanap ka ng pangit
(Sige na nga) Ibigin mong tunay Ibigin mong tunay
So you better watch out you better not cry You better not pout, I’m telling you why Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
‘Coz the girls and the guys did tell you alright You have to find out who’s naughty who’s nice Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
Break it down…
(Humanap ka ng Pangit by Andrew E.)
- Undo – Episode 8: Ctrl + Z - November 22, 2024
- Undo – Episode 7: Ctrl + X - November 22, 2024
- Undo – Episode 6: F1 (Help) - November 15, 2024