Dagz Revenge: The One
By makoylopez
I. Ang Kwento
“dali dito yun, bilisan mo naman Anne” nagmamadali ang binata na tila hinahabol ang oras, bitbit ang kamay ng dalaga na halos hilain na nya ito sa pagmamadaling pagtakbo.
“teka lang naman, nasasaktan naman ako Dagz” ika ni Anne, totoong nasasaktan xa pero wala xang magawa, makulit talaga ang bestfriend nya kaya wala xang magawa kundi pagbigyan ang gusto nito.
Sa labas ng basketball court ng paaralan nahantong ang dalawa, sa bench, umupo sila saglit.
“Act Natural bhes, parating na yun” bulong ni Dagz,tila espiya ang dalawa sa pagmamasid.
Gulong gulo naman si Anne sa nangyayari, wala xang ideya kung bakit sila nandito at kung sino hinihintay nila dito.
Luminga linga si Dagz,maya maya pa. .
“oh my fuckin god!” bulalas ng binata, nandilat ang singkit na mata at napatakip sa mga bibig na parang beki.
“what,?” naguguluhan pa din si Anne ng tingnan ang reaksyon ni Dagz, lumingon xa sa gawi ng tinititigan ng binata at nangiti.
“oh what a small world, si Aly oh, your EX!” sadyang diniin ni Anne ang salitang EX.
Di pa din nagbabago ang reaksyon ni Dagz. Lumingon muli si Anne kay Alyssa.
“oh my god, si Vincent” napangiti pa xa ng makita ang heartrob ng campus ngunit unti unting napangiwi ng makitang nakayapos sa braso nito si Alyssa. Ganun na lang ang awa ng dalaga ng paglingon nya kay Dagz ay nakita nyang namumugto ang luha sa mga mata nito.
“dagz. .bhes. Are you okay?” agad pumunta sa tabi ng binata si Anne at hinimas ang likod nito para icomfort.
Di umimik si Dagz.
“what a stupid question,of course your not ok,” ika muli ni Anne, wala pa din imik si Dagz.
“kaya ba tayo nandito bhes? Sila ba yung hinihintay mo?” tanong ni Anne.
“sabi nya sakin ayaw ng magulang nya na magka boypren xa, 3 days later nadiscover ko, sila na ng heartrob ng campus natin” tuluyan ng lumuha si Dagz.
“bhes, di mo kelangan gawin to, lalo mo lang sinasaktan sarili mo e” pag aalo ng dalaga.
“ano nga ba mapapala nya sakin, mayaman si Vincent, gwapo, at mvp ng school,e ako?” sagot ng binata.
“hay naku, bhes, magkakaiba tayo, kalimutan mo na lahat,mas makakabuti yun, naku andaming chix jan, gusto mo ilakad pa kita e” sabi ni Anne.
Napaisip si Dagz, si Alyssa, ang every man’s dream ika nga, perpekto ang katawan na tila dalagang dalaga na kahit 4th yr pa lang ito, mahaba ang buhok, morena, pala ngiti pa, at xempre ibang magmahal base na din sa karanasan nya sa 1 buwan nilang relasyon. Pano nya mapapalitan ang near to perfection type na babaeng to.
“malabo bhes” sagot ni Dagz.
“talaga? Bakit, xa lang ba maganda sayo bhes” tanong ni Anne kasabay ng paglugay nito ng buhok nyang hanggang balikat.
Napatitig si Dagz sa dalaga.
Maganda naman si Anne, di conservative manamit, simpleng simple at xempre sobrang bait.
Napangiti si Dagz.
“xempre maganda ka din bhes” sagot ni Dagz.
Katahimikan nasundan ng tawanan sa pagitan ng dalawa.
“sineryoso?” tanong ni Anne.
“yeah i mean it, pero sus,kunwari ka pa. E kilig na kilig ka din kay Mr MVP Vincent yabang na un” ika ni Dagz.
Napatili naman si Anne pagkarinig pa lang ng pangalan ni Vincent.
“sabi na e, hay. .iiwan mo din ako panigurado” ika ng binata at muling yumuko. Kinabhan naman agad si Anne sa naisip na baka umiyak muli ito.
“hoy. Wag ka nga jan, di mangyayari yun bhes noh” sagot nya at agad niyakap ang kaibigan.
“salamat bhes” sagot ni Dagz.
Matagal na nagyakap ang dalawa, maya maya pa ay may narinig na silang pagtalbog ng bola, nag uumpisa na ang praktis ng basketball.
“wow, simula na ng praktis, i can’t wait NOT to see it” ika ni Dagz at agad tumayo.
“huy,saglit naman, kahit 5mins lang” ika ni Anne na nakatitig kay Vincent.
“oh sige maiwan ka na jan” ika ni Dagz at nagumpisa ng lumakad palayo.
“grrr. .ang KJ mo ,emo pa maxado” inis na sabi ni Anne.
Sa paglalakad ay walang imikan ang dalawa, inis pa din si Anne sa pagiging KJ ng binata,lalo’t para kay Vincent yun. Tahimik ,maya maya’y nagsalita si Dagz.
“bili tayo itlog na orange” ika ng binata.
Napatingin sa binata si Anne sa narinig, nagkatitigan ang dalawa, kasabay ng pagdungaw ng ngiti.
“tara” sagot ni Anne at agad sila nag unahan palapit sa bilihan ng toknene.
- Dagz Revenge: The One - November 19, 2024