Undo – Episode 6: F1 (Help)

Undo

Undo – Episode 6: F1 (Help)

By ereimondb

 

Nagpatuloy ang mga araw na kasama ko si Martha sa aking bahay sa Antipolo. Sabay naming ginagawa ang mga bagay na dati-rati’y mag-isa kong ginagawa.

Sabay kaming gumising ng maaga.

Sabay kaming magjogging sa Ynares Center. Sabay kaming kumain ng agahan.
Sabay kaming maligo… at siyempre may kaunting romansahan.

Sabay kaming magbihis.

At sabay kaming pumapasok sa trabaho.

Lagi akong good mood habang nagmamaneho. Hindi na ako katulad ng dati na galit na galit sa mga motoristang sinisingatan ako sa highway.

Ngayon?

Pakanta-kanta pa ako…

Sinasabayan si pareng Ely Buendia habang binabagtas ang matrapik na daanan sa Rosario Pasig.

Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko? Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko? Tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo
Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko

Kinakantahan ko pa siya at napapaindak pa ako habang nagmamaneho.

Hindi rin naman nakakahiya ang boses ko dahil may talento din naman akong puwedeng ipagyabang.

Sagutin mo lang ako, aking sinta’y walang humpay, na ligaya
At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko’y walang pangamba
Lahat tayo’y mabubuhay na tahimika’at buong ligaya

Paminsan-minsan ay sinasabayan niya pa ako at pasigaw naming kinanta ang national anthem ng mga lalaking abangerz.

Ligaya…

At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko’y walang pangamba
Lahat tayo’y mabubuhay na tahimika’at buong ligaya…

Ito na yata ang pinakamasayang mga araw ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng may taning ang buhay mo.

Wala ka nang ibang choice kundi ang inejoy ang bawat minuto na mayroon ka. Ang bawat sandaling kasama mo ang taong mahal na mahal mo.

Wala nang room para mabadtrip ka. Wala nang pagkakataong isipin pa ang mga susunod na mangyayari. Basta heto kami’t nag-eenjoy sa mga natitirang araw na magakasama kami mula umaga, tanghali at gabi. Mag-enjoy bago dumating ang expiry date o best before date.
Katulad ng nakagawian, ay naghihiwalay lang kami pagdating sa parking area. Hindi na ako tumatabi sa
sasakyan ni kupal Arnold. Naghahanap ako ng lugar na kakaunti lang ang nakapark at mula pa sa ibang opisina ang naroroon.

Siyempre patago pa ang aming relasyon, sa ngayon.

At ayaw ko namang mapahamak siya at malagay sa alanganin.

Pagdating naman ng tanghalian, ay pumupunta kami sa pantry ng ibang floor o department. Yung tipong kaunti lang ang nakakakita sa amin.
Trip na trip din kasi niya magluto ng tanghalian namin.

Mahilig siyang magluto…

“Oh ano? Anong masasabi mo? Masarap ba? Masarap di ba?” Tanong niya sa akin na may ningning pa
ang kanyang mga mata.

“Ah eh… Oo naman… sarap sarap… hmmm.. sarap… sobra…” Sagot ko naman sa kanya kahit parang
nasobrahan sa alat ang luto niyang sinigang adobo. Masabaw.

“Great! Bukas ibang ulam naman… Hihihi…”

Holy Shit!

“Sure… salamat at ipinagluluto mo ako.” “Hihihi… only for you Dennis…”

Wala na akong pakialam kung masarap ba o hindi ang luto niya. Wala na akong pakialam kung lasang sapal ang binake niya.
Wala akong pakialam kung lasang binabad na medyas ang nilagang baka niya. Basta ang mahalaga, kinikilig ako sa ginagawa niya. Hahahaha!
Dati kasi tuwing umiihi lang ako kinikilig.

Ang isa pang bagay na kinakatuwa ko, ay ang paghuhugas ng pinagkainan naming dalawa. Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa niya iyon.

Para ko na talaga siyang misis.

Ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki, kung sakaling pumayag siyang magpakasal sa akin.

Gagawa kami ng maraming maraming babies. Hehehe…

~~~

“Siguardo ka ba diyan sa napili mo?”
“Oo… Bagay sayo yan promise! Hihihihi…” “Parang hindi eh… Huwag na lang kaya?”
“Bagay sa iyo… Tsaka ako naman pumili niyan eh… Kaya babagay talaga sayo yan…” “Kinakabahan kasi ako Martha… Baka magmukha akong engot.”
“Hindi… Hindi naman… Gagawin ba naman kitang engot? Relax ka lang… Tsaka nakausap ko naman sila na galingan yung gagawin sa iyo eh… Heto pa nga gumupit pa ako sa magazine para kopyahin nila…” “Yan?! Eh tignan mo nga mukhang engot! Huwag na lang kaya… Iba na lang, iba na lang…”
“Ayy… Wala na… Kill joy na… Gagawa-gawa ka ng listahan tapos di mo naman susundin…”
“Eh mayroon pa naman diyan sa listahan puwede natin gawin eh… Joke-joke ko lang yang number 2.” “Wala… Bawi-bawi na… Bilis mo pala umatras eh… Hmp!”
“Kasi naman, magmumukhang engot ako diyan…” “Nasa pagdadala yan… Alam kong kaya mo yan…” “Tsk…”
“Ganito na lang… Payag na ako dito sa number 5 sa Bucket fucking List mo… Ano, game?”
“Roadtrip?”
“Yap. Basta gawin mo itong number 2, at itong nasa magazine.” “Shit… Sige. Titiisin ko…”
“Yehey… Wala nang atrasan yan ha… Tatawagin ko na siya at baka magbago pa isip mo.. Hihihi…” “Okay…”

Sobrang dali kong kausap di ba?

Wala rin naman akong kawala dahil isinali ko sa listahan ang gagawin ko ngayon. Puta! Ewan ko kung bakit ko pa inilagay yun.
“Ayan… Heto po gagayahin ninyo na hairstyle sa friend ko… Basta po ayusin ninyo ha at pantayin niyo? Okay po ba?” Saad ni Martha sa barberong gugupit sa akin.
Kahit wala akong tiwala sa manong na ito, eh pikit-mata ko na lang tinanggap ang magiging kapalaran ng hitsura ko.

Nagsimula na siyang paganahin ang razor at binasa ang aking buhok. Nakita ko si Martha na nakatingin lang sa akin.
Unti-unting naglalaglagan ang buhok ko sa aking bandang tagiliran.

Ngayon ko lang talaga nakita ang anit ko sa buong buhay ko. Hinding-hindi ko kasi nagawa ang ganitong klase ng hairstyle dahil sa totoo lang, ayaw na ayaw ko ng ganitong hitsura.

Dahil lang sa gusto kong bumagay kahit papaano kay Martha.

Dahil sa tingin ko eh game na game si Martha sa ganito dahil kulay pula ang kanyang buhok. At dahil sa palagay ko ay cool kay Martha ang ganitong trip.
Mukhang siya lang at mag-eenjoy nito.

Pero siyempre, kung saan siya masaya, doon ako. Tiis-tiis nanaman.
Medyo sandali lang ginawa ni manong sa buhok ko. Maya-maya ay inukaan na niya ang bandang gilid ng ulo ko at inisprayan ng tubig.

Hanggang sa pinuno niya ng baby powder ang isang malaking brush at pinagpag sa ulo ko.

Halos mamuti ang leeg ko nang dahil dito.

“Ayan okay na… See… Bagay na bagay sa iyo… Hihihi…” “Talaga?”
“Oo… I like it! Hihihi…”
“Okay… sabi mo eh…”

Eh kayo? Sa tingin ninyo? Okay ba hitsura ko?

My Awesome Bucket fucking List – Checklist[/b]
2. Have cornrows or Mohawk. – Completed

~~~

Fourth Weekend

Kinabukasan, ay kinuha ko na ang aking premyo dahil sa hairstyle ko na ang tawag nila ay Mohawk. Wala itong kaplano-plano.
Basta’t pinaandar ko na lang ang aking sasakyan, nagpa-full tank, at nagdrive patungo sa South Luzon
Expressway.
“Saan tayo papunta?” Tanong sa akin ni Martha saka isinuot ang kanyang shades. “Hmmm… Trip kong kumain ng bulalo… Hehehe…”
“Bulalo? Eh di ba ipinagluto na kita nun?”
“Oo… Pero siyempre iba naman ang sarap ng niluto mo. The best yung gawa mo! Best bulalo ever…” “Oh?! Eh bakit pa tayo pupunta dun sa may gawaan ng bulalo?”
“Kasi… doon sa gawaan ng bulalo eh maganda din ang view dun… Paborito kong magpunta doon… Hehehe…”
“Eh saan nga? Bakit parang wala kang papupuntahan? Wala kang direksyon?”
“Mayroon naman… Gusto ko lang isurprise ka…”
“I don’t like surprises… Ayokong sinusurpresa ako…” “Eh bakit noong isang araw?”
“Noong isang araw yun… Ayokong masurpresa ngayon… okay?” “Eh bakit galit ka? Sorry na po…”
“Hindi naman ako galit. Nagtatanong lang ako kung saan tayo papunta… Hmp!” “Sorry… Sa Calaruega tayo pupunta…”
“Saan yun?”
“Sa Nasugbu, Batangas… Pero dadaan muna tayo sa Tagaytay para sa bulalo.” “Okay….”
“Sorry… Sorry na…”
“Okay lang nga… Basta siguraduhin mong mas masarap ang bulalo sa Batangas kaysa sa bulalo ko ha…”
“Opo bossing…”

Tangina! Tiklop ako eh. Hehehe…

Tama nga naman siya.

Pangit naman yung tipong hindi mo alam kung saan kayo patungo.

Binitbit mo siya sa isang roadtrip na ikaw lang ang may alam kung saan kayo papunta.

Siyempre natakot siya na wala kaming patutunguhan…

Wala kaming patutunguhan. Walang plano.
Walang direksyon.

Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako marunong mag-isip.

O sinasadya ko lang na iwasan ang mga bagay na magpapabalik sa akin sa reyalidad na hindi ko girlfriend ang kasama ko ngayon.

Na matatapos din ang lahat ng ito.

Actually… patapos na nga.

Huling linggo na ito na makakasama siya.

Kaya gusto ko lang magwork ang lahat ng pinaplano ko.

May papupuntahan naman, at sigurado ako doon. Yun nga lang gusto ko sanang isurpresa siya. Kalahati ng biyahe namin ay tahimik siya.
Kahit nang dumaan kami sa isang gasoline station sa SLEX eh hindi niya ako kinikibo.

Binilhan ko na lang siya ng makakain niya habang papunta kami sa Tagaytay. Maya-maya ay lumitaw na sa harapan namin si Maria Makiling.
Namangha siya sa kanyang nakita. Para siyang bata na tuwang-tuwa sa aparisyong nakita niya. Hanggang sa napakuwento na siya ng mga nangyari sa kanya noong kabataan niya.
Kung saan sila nagpupunta ng mommy niya. Na panay din daw ang outing nila. At higit sa lahat ay
mahilig silang magpiknik at magswimming.
Ngunit isang araw daw ay nagbago ang lahat para sa kanilang mag-ina.

Nang bigla siyang isinakay ng daddy niya at hindi ipinaalam kung saan sila pupunta.
Tanong daw ng tanong si Martha kung saan sila pupunta, at ang sagot lang daw ng daddy niya ay
“basta”.

Kinabahan noon si Martha dahil hindi nila kasama ang kanyang mommy. Ang alam lang nito ay papasyal sila kung saan.

At nang makarating na sila sa isang lugar, ay lumantad ang isang babaeng nagdadalan-tao at may hawak pang sanggol.

“Martha… this is your tita Jenny… ito naman si baby Kyle your younger brother. Tapos hindi pa lumalabas ang bunso natin… Hehehe…”

Pakiramdam daw ni Martha na para siyang nasaksak sa likuran dahil sa isang napakapangit na surpresa ng kanyang ama. Doon lang niya naintindihan kung bakit panay ang paglalasing ng kanyang mommy. Dahil may iba nang pamilya ang kanyang daddy.

Gusto niyang umalis. Gusto niyang layasan ang daddy niya, pero ang masama, hindi niya alam kung nasaan siya.

Pakiramdam niya ay wala siyang kawala. Wala siyang choice kundi hintayin ang oras na ihahatid siya ng kanyang ama pabalik ng bahay nila.

Kaya daw mula noon, ayaw na ayaw niyang sinusurpresa siya’t dinadala sa isang lugar na wala siyang
kaalam-alam tungkol doon.

Dahil bumabalik lang ang mga araw ng ginawang pantatraydor sa kanila ng kanyang ama. Naintindihan ko naman.
Alam kong hindi naging madali para kay Martha ang lumaking wala ang kanyang ama.

Lalo na’t naging dependent pa ang kanyang mommy, at patuloy na naghahanap ng lalaking susuporta sa
kanila.

Mali iyon sa paningin ni Martha. Nag-iba ang pananaw niya tungkol sa paghahanap ng pag-ibig. Tuluyan nang tumigas ang puso niya at nagpalipat-lipat siya ng relasyon.

Pakiramdam ko’y sinusubukan niya ang lahat upang hanapin lamang ang pag-ibig at kaligayahan.

Ang hindi niya alam, ay siya mismo ang makakagawa’t makakahanap nito sa sarili niya.
At tutulungan ko siyang makaahon dito.

Tutulungan ko siya hangga’t may pagkakataon ako.
Napasarap naman ang aming kuwentuhan at hindi namin naramdaman na nasa Tagaytay na pala kami. Saktong-sakto na lunch na rin kaya dumiretso kami sa paborito kong restaurant.

Ang Josephine Restaurant.

Siyempre, umorder ako ng bulalo, at kung anu-ano pa para lang mabusog at mapasaya si Martha.

Sa tingin ko naman ay nag-enjoy siya dahil naging mas masaya pa ang aming ginawang kuwentuhan. Nang matapos kaming kumain ay lumabas kami ng restaurant upang tanawin ang Taal Volcano.

Badtrip nga lang, dahil naging mailap sa amin ang maliit na bulking ito.

Pero ayos lang, ang mahalaga ay nakuhanan ko ang napakagandang babaeng nakilala ko. Nakangiti.
Kita sa kanyang mata ang kasiyahan.

Lumabas ang kanyang dimple sa ibaba ng kanyang labi. At naka-kunot pa ang bandang itaas ng kanyang ilong. Perfect shot.
Picture perfect.

Nang bumaba na ang aming kinain ay dumiretso na kami sa Caleruega.

Medyo malayu-layo pa ito mula sa Tagaytay kaya naman ay nagsoundtrip naman kami. Siyempre, pinakanta ko nanaman si pareng Ely Buendia sa aking kotse.
At ang isa sa pinakapaborito kong kanta nila ang pinatugtog ko. Alapaap.
hanggang sa dulo ng mundo
hanggang maubos ang ubo hanggang gumulong ang luha hanggang mahulog ang tala

Sinasabayan namin ang bawat salita at wala na kaming pakialam kung nasa tono man o wala.

masdan mo ang aking mata di mo ba nakikita
ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na
gusto mo ba’ng sumama?
Ang mahalaga masaya kami.

Ang mahalaga ay magiging perfect ang date na ito para sa aming dalawa.

Ang mahalaga masaya ang magiging alaala nito sa akin… sa aming dalawa.

~~~

Transfiguration Chapel
Caleruega, Batulao, Nasugbu

Maya-maya ay dumating na kami sa aming pupuntahan.

May kahirapan ang parking dahil medyo matarik ang lugar na ito. Pero alam kong mag-eenjoy siya dito.
Pagkababa namin ay bigla siyang tumahimik.

Pinagmamasdan ko lang siya at nagdarasal na sana nga’y magustuhan niya dito.
Ito kasi ang sanktuwaryo ko.

Sa tuwing naririto ako eh gumagaan ang pakiramdam ko. Nakakahanap ako ng peace of mind.
At gusto kong tapusin ang isang buwan naming pag-sasama sa pamamagitan ng pagdalaw sa
Transfiguration Chapel.

Nagsimula kaming umakyat ng hadanan

Marami kaming bulaklak na dinaanan at bakas sa mukha niya ang ngiting hindi niya makukuha sa kahit kaninong babae o lalaki.

Kinukuhanan ko siya ng mga litrato. Mga candid shots.
Mas lumalabas ang kagandahan ng babaeng mahal ko.

Maya-maya ay nahuli niya akong kinukuhanan siya ng mga litrato. Ngumiti siya at nilapitan ako. Kinuha niya ang aking kamay at sabay na naming inakyat ang hagdanan patungo sa simbahan. Ang sarap sa pakiramdam na makita siyang ganito.
Ibang-iba lang talaga sa pakiramdam na may nagpapahalag din sayo.

Sana…

Sana huwag na ito matapos.

Ngunit tulad ng anumang kalsada at daanan, mayroon at mayroon ding dead-end. Nakarating na kami sa Transfiguration Chapel.
Tahimik kaming pumasok sa loob.

Naupo ako saglit at habang siya nama’y lumuhod. Nakita ko siyang nakapikit at taimtim na nagdarasal. Gumaya na rin ako sa kanya.
Lumuhod na din ako at ipinikit ang aking isang mata.

Chineck ko kasi kung nakapikit pa rin siya…

Nang masigurado ay tuluyan ko nang ipinikit ang dalawa kong mga mata. Taimtim na rin akong nagdasal.
Alam niyo naman na siguro kung ano ang panalangin ko di ba?

Iyon lang naman ang gusto ko.

Iyon lang naman ang kulang sa buhay ko. At alam kong siya na ang kukumpleto nun.
Taimtim akong nagdarasal nang mamalayan kong tumayo siya at naglakad papalayo sa akin. Agad ko siyang nilingon at sinundan ng tingin.
Mabilis akong tumayo upang habulin siya.

Nagtataka ako kung bakit nagmamadali siyang bumaba at umalis ng simbahan. Halos patakbo siyang bumababa ng hagdanan.
Bakit?

May nagawa ba ako?
May nasabi ba ako?

“Martha! Teka… hintayin mo ako…” Pasigaw kong saad sa kanya.

Napatingin ang mga tao sa paligid at agad naman akong humingi ng sorry sa aking ginawang pagsigaw. Maya-maya ay huminto si Martha at binagalan na niya ang kanyang paglalakad.
Nakita ko siyang pinupunasan ang kanyang mga luha. Luha?
Bakit siya umiiyak? Anong nagawa ko?
Lumuhod lang naman ako sa tabi niya.

Sinabayan ko lang naman siya magdasal.

“Martha… Bakit? Anong nangyayari sa iyo? May nagawa ba akong hindi maganda?”

Umiling siya sa akin at huminto sa isang tabi. Sinundan ko lang siya at napayuko.
Maya-maya ay humarap siya sa akin.

Tinignan ko ang kanyang mukha. Patuloy pa ring tumutulo ang kanyang luha.

“Dennis… sa totoo lang, masayang-masaya ako… At parang sasabog ang dibdib ko sa kasiyahang dinulot
mo sa buhay ko… Kaya salamat…”

“Alam mo naman Martha na gagawin ko ang lahat para maging masaya ka di ba?”

“Alam ko yun… Pero salamat pa din dahil sa mga ginawa mo… Naramdaman kong importante ako…
Pakiramdam ko napakahalaga ko sa buhay mo…”

“Kasi iyon ang totoo… Mahalaga ka sa akin Martha… Higit pa iyon sa mga ginagawa natin… Higit pa sa kung anong inaakala mo…” Saad ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya.

“Gusto ko lang din ipaalam sayo na nagkakapalitan kami ng email ni Kat habang nasa India siya… And to tell you the truth, tuluyan na akong nanlamig sa kanya… Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya… Kung papaano ako lalayo sa kanya para puntahan at makasama ang taong totoong nagpapasaya sa akin… Gulong-gulo ako… Pero masaya ako na kasama ka…”

“Anong sagot niya? Anong sabi ni Kat.”
“Na mag-usap daw kami pagbalik niya…” “Gusto mo bang samahan kita?”
“Siguro ako na lang… Ako na lang ang haharap sa kanya…”
“Naandito naman ako eh… Gusto ko lang malaman mo na lagi lang akong naandito para sa iyo.” “Alam ko yun… Pero problema ko ito… Ako ang aayos nito… Ako ang tatapos… Just give me this… Just
give me this chance to talk to her”

“Okay… Okay lang…”

“Gusto ko lang sabihin sayo Dennis… na kahit anong mangyari… kung ano pa man ang mangyari… na nagpapasalamat ako sa kabutihan mo at sa pagpapahalagang ipinaramdam mo sa akin… I need to sort things out… gusto kong siguraduhin ang lahat ng nararamdaman ko… kung totoo ba ito o ano… I need time to fix this…”

Time?

Puwede na nga ako maging commercial model ng Swatch, Timex at Technomarine sa sobrang halaga sa akin ng time.

“Sige… Kung yan ang gusto mo… Kung mas makakatulong sa iyo yan… Hahayaan kitang ayusin ang kung anumang mayroon kayo ni Kat…” Sagot ko sa kanya.
“Thank you… Thank you…”

“Pero bibigyan din kita ng deadline…” Matapang kong saad kay Martha. “Huh!?”
Napatingin ito sa akin nang sabihin ko sa kanya na ako naman ang may kundisyon.
Kinuha ko sa likurang bulsa ng aking pantalon ang isang bagay na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.

“Heto ang concert ticket ni Bruno Mars sa Araneta… the doo-wops and hooligans tour, April 8… May humigit-kumulang dalawang buwan ka para mag-isip at siguraduhin kung ano talaga ang nararamdaman mo… It can be earlier than that date, or max na yang April 8. Ibibigay ko sayo itong concert ticket na ito, at kung ako ang pipiliin mo, wala kang ibang dapat gawin kundi ang siputin ako at samahang panoorin si pareng Bruno Mars…”

Napangiti siya sa akin at kinuha ang concert ticket. Ngumiti din ako pabalik sa kanya.
Marahan siyang tumango bilang pag-sang ayon sa kasunduan namin.

At ako…

Sa totoo lang…

Namamatay ako sa loob.

Gusto kong umiyak at sabihin sa kanyang ngayon na siya mamili at ako na lang ang piliin niya.

Pero hindi ganun eh…

Hindi ganun ang riyalidad…

Kung kailangang maghintay, maghihintay ako. Kung kailangang magpakatanga, gagawin ko.
Hindi ako mag-eexpect masyado. Pero siyempre naanduon yung kagustuhan kong ako na lang ang piliin niya.

Tangina!

Mahal na mahal ko lang talaga siya kaya nagagawa ko ang ganitong pagtitiis.

My Awesome Bucket fucking List – Checklist
5. Roadtrip (na walang plano) – Completed
Krispy Kreme Araneta
4:30 PM, April 08, 2011

Kung sakaling nakamamatay ang matalim na pagtitig sa isang tao, malamang ngayon ay patay na ako’t duguan. Gustuhin ko man o hindi, alam kong darating at darating din ang araw na ito, kung saan magkakaalaman na ng katotohanan. Alam ko ring nasurpresa siya sa kanyang nalaman at nang makita niyang ako pala ang lalaking sisipot.

Hindi ko alam kung paano nangyari. Siguro’y inadya na rin na mangyari ang araw na ito. Pero…
Bakit ngayon pa?

Bakit sa araw pa na itinuturing kong napakahalaga para sa akin, para sa aming dalawa?

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa araw na ito sa pagitan naming dalawa ni Martha, pero hindi ko namang inaasahan ang ganitong harapan.

Natutunaw na ako sa kanyang pagkakatitig sa akin. Tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa. Malamang ay hinuhusgahan na niya ang kung anong uri ng pagkatao mayroon ako.

Paksyet!

“Gaano na ito katagal?” Mahina niyang saad sa akin. Nararamdaman ko ang matinding galit sa kanyang
mga mata, pero naanduon pa rin ang kanyang pagpipigil dahil nasa isang pampublikong lugar kami.

“Ang alin?” Maang-maangan kong sagot.

“Huwag na tayong magtatanga-tangahan Dennis. Alam kong alam mo sinasabi ko.”
“Wala naman talaga akong isasagot sayo dahil… dahil… dahil hindi ko alam kung anong mayroon kami.” “So ano? sex lang? Pangkamot ka lang?” Buwelta niya sa aking pagmumukha.
Hindi ko matanggap na ganoon lang ako kay Martha, dahil parang ganoon na nga ang nangyayari.

Pero ayokong bastusin ang pagkatao ng babaeng mahalaga para sa akin.

“Look, sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Isipin mo na ang gusto mong isipin sa akin. Mahalaga sa akin si Martha. Mahal ko na nga eh. Ngayon kung puwede, sa ibang araw na lang natin ito gawin dahil may concert pa akong pupuntahan.”

“Bakit? Away mong sinasabihan kang panakip-butas? Remedyo sa panandaliang sarap? Napakadami na naming pinagdaanan ni Martha. Nakita ko na ang katulad na sitwasyong mayroon kayo. Gaano mo ba siya kakilala?” Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

Sa totoo lang, na-ulol ang utak ko.

Tinamaan ako sa bawat salitang inilalabas ng kanyang labi.

Unti-unting gumuguho ang pag-asa ng isang abangerz na katulad ko.

“Bahala ka na diyan. Aalis na ako.” Saad ko sabay tayo. Akamang maglakad na ako papalayo sa aking kinauupuan nang bigla niyang pinigilan at hinawakan ang aking kamay. Napatingin ako sa kanya dahil sa aking pagkabigla.

“Maupo ka.” Maikling saad nito. Gusto kong magmatigas.
Ayaw kong sumunod sa inuutos niya sa akin.

Ayaw ko nang makadinig pa ng kung anong mga salita galing sa kanya.

Maya-maya ay nakita ko namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Sinusubukan niya pa ring pigilan ang emosyon niya at maging ang pagtulo ng kanyang mga naipong luha. Panay ang tingin paitaas at para bang gusto niyang kusang matuyo ang kanyang mga luha sa hangin.

Ang ayoko sa lahat ay ang makakita ng babaeng umiiyak, lalo na nang dahil sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Nadama ko din ang panlalamig ng kanyang mga kamay.

“Maupo ka.” Ulit niyang saad sa akin at bahagya na niya akong hinihila papalapit sa aking kinauupuan
kanina.

Napapikit ako’t pinig ko na rin ang inis ko nang mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung kanino ako mas galit…
Kung kay Kat?

O di kaya naman ay kay Martha?

O ang pag-amin ko sa mga pagkakamaling ginawa ko? Tangina!
Napailing na lang ako sabay upo muli sa kanyang harapan.
What you don’t understand is
I’d catch a grenade for ya
Throw my hand on a blade for ya I’d jump in front of a train for ya You know I’d do anything for ya oh oh oh oh

I would go through all this pain
Take a bullet straight through my brain
Yes, I would die for you, baby
But you won’t do the same

(Grenade by Bruno Mars)

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories