Ikapitong Utos – The Michael Cycle

Ikapitong Utos

Ikapitong Utos – Episode 18: The Michael Cycle

By ereimondb

 

“Oh Francis! Late ka na nakapasok ah. Hinintay pa naman kita sa pantry, tsaka binilhan pa kito ng pagkain. Akala ko kasi sasabay ka sa akin magdinner.” Saad ni Sky habang nakaupo sa kanyang workstation.

Ngumiti lang si Francis sa magandang dalaga at hindi nagsalita. Agad na binuksan ang kanyang computer at sinimulan ang nabinbing trabaho noong isang araw.

Nahalata naman ni Sky ang katahimikan ni Francis. Alam niyang may malalim na iniisip ang binata na siya namang gumugulo dito.
“Okay ka lang ba?” Tanong ng magandang dalaga.

Tumango lamang si Francis at hindi pa rin ito nagsalita.

Ramdam na ramdam naman ni Sky ang ginagawa sa kanya ng binata. Hindi na niya muling tinanong si Francis at sinimulan na rin niya ang kanyang trabaho.

Ngunit paminsa-minsa’y sinusulyapan pa rin niya ang lalaki at inoobserbahan kung ano ang ikinikilos nito.

Samantalang si Francis naman ay nakatuon ang buong atensiyon sa kanyang ginagawa. Panay ang tawag nito sa kanilang kliente sa ibang bansa at tila hindi mababakas sa kanya ang matinding problemang dinadala.

Lumipas ang halos apat na oras ay tumayo na si Francis upang kumain. Tuwing break time ay lagi siyang kumakain sa canteen dahil mayroon siyang dalang baon. Ipinagluluto kasi siya ni Linda at iyon na lamang ang kanyang kinakain upang makatipid.

Ngunit ngayon, dahil wala na si Linda sa kanilang bahay, ay mapipilitan siyang gumastos para sa kanyang kakainin.

“Sa pantry ka ba kakain?” Tanong ni Sky.

“Sa labas na lang ako kakain.”
“Himala! Wala ka yatang baon ngayon… Hihihi…”
“Hindi nakapagluto ehh…” Mahinang tugon ni Francis at nagsimula na itong maglakad papalabas ng opisina.

Sinundan naman siya ng tingin ni Sky. Dahil madalas niyang kasama ang binata sa pagkain ay lagi na rin itong nagbabaon.

Habang naghihintay si Francis ng pababang elevator ay panay ang tingin nito sa kanyang cellphone. Umaasa siyang magtetext o tatawag sa kanya si Linda. Ngunit wala pa rin siyang natatanggap na mensahe mula sa kanyang girlfriend.

Napapikit si Francis at pinipilit nito ang kanyang sarili na maging matatag dahil marami pa siyang kailangang tapusing trabaho.

Hindi sana siya papasok, ngunit naisip niyang sayang ang perang kikitain niya para sa gabing iyon. Pandagdag sa kapanganakan ni Linda.

Nag-aalala siya sa kalagayan ng kanyang girlfriend. Ayaw niyang kulitin si Linda dahil baka makasama nanaman sa kanya ang stress na madadala nito. Naghihintay na lang siya na humupa ang galit ng kanyang karelasyon at tamang oras upang ayusin ang kanilang di pagkakaunawaan.

Maya-maya ay may naramdaman siyang kamay na tumakip sa kanyang mata. Alam niyang babae ito dahil sa lambot ng mga palad na nakadampi sa talukap ng kanyang mga mata.

“Guess who? Hihihi…”

Agad na lumingon si Francis dahil alam na niya kung sino ang gumawa nito sa kanya.

“Sky.” Sagot ng binata.

“Hehehehe…”
“Saan ka kakain? Hindi ba may baon ka?” Tanong ni Francis.
“Ayoko nung nabili kong ulam eh…”
“Ahh…”
“Kaya sasama na lang ako sayo…”

Napangiti na lamang si Francis sabay ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

Bumukas na ang elevator at agad silang nakipagsiksikan sa loob.
Hindi naman kumikibo si Francis. Kahit panay ang lingon sa kanya ng magandang babae ay hindi niya ito pinapansin.

Hanggang sa kanilang pagbaba ay hindi pa rin siya pinapansin ng binata.

“May problema ka ba?” Diretsong tanong ni Sky.

“Marami. Pero ako na bahala don.” Saad ni Francis.

“Hmmm… You can tell me para atleast mabawasan yang kasupladuhan mo. Hihihi…”
“Hindi na. Okay lang ako.”
“Sige na. Sabihin mo na sa akin. Malay mo matulungan kita diyan sa problema mo.”
“Kaya ko pa naman. Ayos lang ako.”

Mabilis na naglakad si Francis patungo sa isang fast food chain.

Agad itong umorder ng pagkain at naghanap ng mauupuan.

Sumusunod naman sa kanya si Sky at tahimik na pinagmamasdan si Francis.

Walang kibuan ang dalawa habang kumakain.

Hindi na nagtanong si Sky sa binata dahil alam naman niyang wala siyang makukuhang sagot dito. Habang si Francis naman ay panay ang subo sa kanyang pagkain at halatang binibilisan niya itong ubusin.

Maya-maya ay natapos nang kumain si Francis. Gustuhin man niyang iwan sa lamesa si Sky, ngunit mas nanaig pa rin ang kanyang konsensyang hintayin na lang ito.

“Nagmamadali ka ba? Bilis mo naman kumain.”
“Madami lang aking ginagawa. Monday kasi ngayon.”

“Ahh… Sige bibilisan ko na lang.” Saad ni Sky.

Sinikap ng magandang babaeng ubusin agad ang kanyang pagkain dahil nagmamadali ang kanyang kasama.

At nang natapos na siya ay mabilis namang tumayo si Francis at naglakad papalabas ng fast food chain.

Tahimik na sumusunod sa kanya ang magandang dalaga. Iniisip pa rin niya kung ano ang problema ni Francis. Hanggang sa bumalik sa kanyang gunita ang kanilang ginawa noong nakaraang party.

“Francis, wait.” Pakiusap ni Sky.

Napalingon naman ang binata at sandaling huminto.

“Samahan mo muna akong magyosi dito…”

“Wala na talaga akong spare time para sa yosi break. Aakyat na ako.” Saad ni Francis.

Agad naman siyang pinigilan ni Sky at iniharap niya ito sa kanya.

“Ano bang problema mo? Para ka kasing tanga eh! O kaya naman, ako ang ginagawa mong tanga!” Galit na saad ni Sky.

Sumulyap naman ang binata sa kanyang paligid at tinignan kung mayroon silang kasmahan sa trabaho na nagyoyosi, na puwedeng makarinig sa kanilang pinag-uusapan.

“Hindi mo na kailangang malaman Sky, problema ko na yun. Tsaka sorry kung nagmumukha kang tanga, kaya nga hindi na kita inaya na kumain eh.”

“So kasalanan ko pa? Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin! Tungkol ba ito noong Sabado? Tungkol ba ito sa akin?!”

“Tama na Sky. Aakyat na lang ako.”
“Shit! Iyan ang pinakaayaw ko sa lahat, yung ginagawa akong tanga! And I don’t even deserve an explanation.”
“Lower down your voice please. Ayokong…”
“Maiskandalo? Ganun?”
“Let’s stop this Sky. Sorry kailangan ko na talagang umakyat.”

“You have to tell me… Kung tungkol sa akin yan, I need to know…” Pakiusap ni Sky habang hawak nito ang braso ni Francis.

Maya-maya ay humarap si Francis sa magandang dalaga.

“I think you are right. Makakatulong ka nga sa problema ko. And you know what kind of help that I need right now? Ay yung layuan ka. I think hindi na tayo puwede maging magkaibigan, Sky. Hindi na rin tayo puwede magtextan. Kung may tanong ka tungkol sa work, doon lang tayo puwede mag-usap. I can no longer be attached to you or vise-versa.”

“That’s full of shit, Francis!”

“I know. Hindi rin ako makapaniwala na darating tayo sa puntong tulad nito.”
“Why? Why are you doing this to me? Is it because of the kiss?”
“Not just the kiss… Sky, yung girlfriend ko ang nakatanggap ng tawag mo nung linggo. And the way you said it, didn’t really helped. Nagkamali ako sa kanya, muntikan pa siyang napahamak. And I guess, this is the right thing to do.”

Maya-maya ay napaluha si Sky dahil sa sinabi sa kanya ni Francis.

“Hindi ko yun sinasadya Francis… Hindi ko alam…”

“Hindi ko rin naman alam na mangyayari yun…”

Inabutan ng panyo ni Francis ang magandang dalaga. Kinuha naman agad ni Sky ang panyo nito at pinunasan niya ang kanyang mga luha.

“Francis, I will be very careful next time…” Saad ni Sky.

Napakunot-noo naman ang binata sa sinabi ni Skylar.

“What do you mean?”

“Francis, ayokong iiwasan mo ako. Promise hindi na ako tatawag sayo…”

“Sky, hindi ganun yon. Kailangan ko lang talaga maibalik sa dati yung pagsasama namin ni Linda.”

“Payag naman ako Francis eh… Payag naman ako kahit hindi mo ako replyan, kahit hindi mo na ako itext… Kahit pangalawa, payag ako…”

“What?”

“Francis… Please… Don’t cut me off… Mahalaga ka na sa akin…”
Pagsusumamo ni Sky.

“No, Sky. Alam kong mabuti kang tao. Maganda ka. Marami diyang iba na puwede kang mahalin at maging number one. Hindi puwede yang sinasabi mo.”

“If you want Francis, I will talk to her. I will fix this… I can fix this…”
“Sorry Sky… Walang patutunguhan ito. I have to go now.” Saad ni Francis.

Agad itong tumalikod sa magandang dalaga at hindi na siya nagpaawat pa. Alam niyang mahirap sabihin at ipaliwanag ito kay Sky, dahil madali silang naging magkaibigan.

Naiwan naman si Sky sa ibaba. Hindi niya matanggap ang lahat ng sinabi sa kanya ng binata. Napalapit na rin kasi ang loob nito kay Francis at alam niyang wala na siyang makukuhang ibang lalaki na katulad nito.

Naglabas siya ng isang stick ng yosi at sinindihan. Sinusubukan niya pakalmahin ang sarili dahil mahaba pa ang gabi. Kailangan pa niyang bumalik sa opisina at makikita pa rin niya doon si Francis.

One Week After

“Kambal… Kambal…”

Pikit na pikit ang mga mata ni Francis. Hindi niya na matandaan kung paano siya nakarating sa kanilang bahay. Ang huli niyang natatandaan ay yung lugar na kanilang pinag-inuman.

“Tol… Kambal… Francis…”

May naririnig siyang boses na tila tumatawag sa kanyang pangalan. Gusto man niyang buksan ang mga mata ay tila hindi kakayanin ng kanyang talukap.

Bahagya niya lamang itong nabuksan at mahilo-hilo pa ito habang nakatingin sa isang pamilyar na mukha.

“Hoy! Francis… Francis…”

Hanggang sa maaninag nito ang pagmumukha ni Michael.

“K-k-kuya? Hik! Hik!”
“Tangina. Lasing ka nanaman?”
“Sinong lasing? Hindi ako lasing kuya.. Hik!”
“Gago! Bumangon ka na diya sa sahig. Sa kama ka matulog.”

Hindi namalayan ni Francis na napahiga pala siya sa kanilang sahig.

“Kaya pala anlamig sa likuran kuya… Hehehehe… Hik!”
“Tado! Halos araw-araw ka na lang lasing ah!”
“Wala to kuya… Wala ito! Kaya ko sarili ko…”
“Eh halos gumapang ka na nga diyan. Tsaka, anong oras na ba? Alas-onse pa lang ng umaga, lasing ka na?”
“Nagkayayaan lang kuya… Nagkayayaan lang…”

Napailing na lang si Michael sa mga binibigay na dahilan sa kanya ni Francis.

Halos araw-araw nang nagpapakalasing ang kanyang kapatid dahil sa matinding away nila ni Linda. Magdadalawang linggo na rin silang hindi nag-uusap ng kanyang nobya.

Agad inalalayan ni Michael ang kanyang kapatid papasok sa kuwarto.

Hindi niya akalain na magiging ganito kahina si Francis pagdating kay Linda.

“Pambihira kuya… Baliktad na tayo ngayon… Hehehe…”
“Huwag mo nga ako ginagago sa mga biro mo kambal. Tama na yan. Magpahinga ka na. May pasok ka pa mamayang gabi.”
“Kaya ko ito kuya… Kaya kong pumasok kahit ngayon pa. Gusto mo nga pumasok ako ng lasing eh… Heheheh magaling ako kuya… Yakang-yaka ko yan.”
“Tangina. Kung puwede lang kitang upakan eh ginawa ko na. Matulog ka na kambal. May pasok pa ako. Late na nga ako eh.”
“Sige kuya… Galingan mo ha… Huwag kang babagsak… Mahal ang tuition fee… Hehehehe… Hik!”

Agad iniwan ni Michael sa kanyang kuwarto si Francis.

Napapakamot na lang sa kanyang ulo ang binata habang nasasaksihan ang ginagawa ni Francis.

“Anong nangyayari kay Francis, honey?”
“Ewan ko ba diyan. Sa ganyan niya idinadaan ang problema niya.”
“Bakit kasi hindi niya tawagan si Francis.”
“Anong hindi? Araw-araw, gabi-gabi niyang tinatawagan at tinetext girlfriend niya pero hindi siya sinasagot. Ayaw din siyang harapin sa bahay nila.”
“Ganun? Sobra naman ang galit sa kanya ni Linda. Halos dalawang linggo na silang magkagalit ah…”
“Kaya nga eh… Hayaan mo, gagawa ako ng paraan.”
“Sige honey. Sayang naman ang relasyon nila kung mauuwi lang sa hiwalayan. Magkakaanak na pa naman sila.”
“Oo nga eh… Sige honey, papasok na ako sa eskuwela…”
“Okay honey, ingat ka…”
“Maghanda ka mamaya ha… heheheh!”
“Hihihi… Okay honey, hihintayin kita.”

Damang-dama ni Michael ang problemang dinadala ng kanyang kapatid. At kahit hindi nito alam kung papaano kakausapin si Linda, ay susubukan pa rin niya ang lahat para kay Francis.

Pagkaalis ni Michael ay agad namang naghanda si Nessa ng pamunas para sa lasing na lasing na si Francis.

Sinamantala niyang tulog si baby Carl at pinuntahan ang silid ng binata.

Naabutan niyang sumusuka sa gilid ng kama si Francis at nagmadali ito upang alalayan ang lalaki.

Hinagod nito sa bandang likuran si Francis at binigyan niya ito ng pamunas.

“Pasensya ka na Nessa… Ako na lang maglilinis nito…”
“Ako na Francis… Magpahinga ka na lang diyan.”
“Pasensya ka na talaga, hindi ko na kinaya, nasusuka na talaga ako…”
“Ikaw kasi, sobra na yang pag-iinom mo. Hindi mo dapat idinadaan sa pagpapakalasing iyang problema mo…”
“Wala na akong magawa Nessa ehh… Gusto kong malasing para makatulog agad at hindi na isipin problema ko…”
“Sa tingin mo ba nakakatulong yang pagpapakalasing mo?”

Sinimulang pinunasan ni Nessa ang sahig ng kuwarto ni Francis. Tiniis nito ang itsura at amoy ng suka ng binata hanggang sa tuluyan na itong malinis.

Maya-maya ay pumunta ito sa bandang paanan ng binata at tinanggal ang suot na sapatos at medyas.

“Si Michael talaga, kahit manlang sana sapatos tinanggal na niya…”
“Ako na diyan Nessa, kaya ko pa naman ehh.”
“Kung kaya mo ito tanggalin, sana kanina pa ito wala sa paa mo. Mahiga ka na lang diyan at magpahinga.”

Sinusubukan naman ni Francis na pumikit dahil sa hiyang-hiya siya sa ginagawa sa kanya ng girlfriend ng kanyang kapatid.

Kumuha si Nessa ng damit na pamalit para kay Francis. Nang makakuha ay agad itong umupo sa gilid ng kama.

“Palitan mo na yang t-shirt mo. Basang-basa na ng pawis at nasukahan mo pa ata.”

Pinipilit ni Francis kahit maupo manlang ngunit hindi niya ito kaya.

Kung kaya’t si Nessa na ang nagtanggal ng kanyang suot na t-shirt. Wala na siyang nagawa nang tuluyang tumambad ang kanyang katawan sa magandang babae.

“Naku Nessa… Nakakahiya na sayo…”

Hindi naman umiimik ang magandang babae, sa halip ay kinuha nito ang basang bimpo at sinimulang pinunasan ang bandang dibdib ng binata.

Hindi na siya naawat ni Francis at hinayaan na lamang niya ang ginagawa sa kanya ni Nessa.

“Dapat hindi ka naglalasing. May pasok ka pa mamaya.”
“Pasensya na talaga…”

Dahil sa kalasingan ay kung saan-saan napapadapo ang paningin ni Francis.

Nakasando lamang si Nessa at habang pinupunasan siya nito ay nakikita ng binata ang paggalaw ng dalawang suso ng magandang babae.

Ibinabaling niya sa ibang parte ng kanyang kuwarto ang paningin upang mailayo siya sa tuksong dala ng katawan ni Nessa.

“Huwag kang mag-aalala, magkakaayos din kayo ni Linda.” Saad ni Nessa.

Napatingin ulit si Francis kay Nessa.

“Sana nga… Sana…”
“Pero huwag mong parusahan ang sarili mo. Hindi sagot ang alak.”

Patuloy pa rin sa pagpunas si Nessa maging sa bandang ulunan ni Francis.

Hanggang sa napansin nito na nakatingin ang binata sa kanyang mga suso. Inayos niya ang kanyang sando upang maipaalam kay Francis na alam niyang binubusohan siya nito.

Agad namang tumingin sa may binatana si Francis at nagkukunwaring wala siyang ibang intensiyon sa babae.

Kinuha naman ni Nessa ang malinis na damit ni Francis at isusuot nito sa binata.

Bahagya namang tumayo ang binata at mabilis na ipinasok sa mga manggas ang kanyang kamay. Nang tuluyan nang nakapasok ang kanyang ulo sa damit ay naramdaman niyang lumalapit ang mukha ni Nessa.

Ito ay para abutin ang bandang likuran ng lalaki at ayusin ang pagkakasuot ng damit ni Francis.

Hindi niya maintindihan ang libog na nararamdaman sa girlfriend ng kanyang kapatid. Matagal na niyang tila pinagnanasahan si Nessa.

At agad namang napansin ng magandang babae na nakatitig sa kanya si Francis.

Para namang lalong inaakit ni Nessa ang binata at patuloy itong tinutukso hanggang sa mahulog sa kanyang bitag si Francis.

Dahan-dahang inilapit ng binata ang kanyang mga labi kay Nessa at hinalikan niya ito.

Sinalubong naman niya ang halik ni Francis at tila tumigil ang oras.

Humawak sa batok ng lalaki si Nessa, samantala ang dalawang kamay naman ni Francis ay agad nahanap ang malulusog na suso ng magandang babae.

Hinalikan niya sa may bandang pisngi ang babae patungo sa leeg nito at napapakislot naman sa sarap si Nessa.

At nang marating ni Francis ang malulusog na suso ng babae ay agad niyang ibinabad ang kanyang mukha dito.

Pinaghahalikan niya ang parang unan sa lambot na dibdib ni Nessa.

“aaaaaaaaahhh Francis…” Ungol nito.

Maya-maya ay bigla na lamang niyang naisip ang kanyang girlfriend. Tila tumayo ang kanyang balahibo at tila nabuhusan siya ng malamig na tubig.

Lumayo ito sa babae na ikinagulat naman ni Nessa.

“Francis?”
“Mali ito… Mali ito… Sorry Nessa…”

Tila napahiya naman ang magandang babae at agad kinuha ang mga ginamit sa pagpunas kay Francis. Hindi na ito kumibo ulit hanggang sa lumabas ng kuwarto.

Samantalang si Francis naman ay tuluyan nang humiga habang iniisip ang kanyang ginawa kani-kanina lang.

Alam niyang hindi na niya nakuntrol ang libog mula kay Nessa. Ngunit mas nanaig pa rin ang pagmamahal nito sa kanyang girlfriend.

Itinalukbong na lamang ni Francis sa kanyang sarili ang kumot at pilit na kinakalimutan ang ginawa sa girlfriend ni Michael.

Alam niyang hindi lang si Linda ang magagalit sa kanya, kundi ang kanyang kuya.

Pilit na pinapaniwala ang kanyang sarili na dapat hindi na iyon mauulit. Mahal na mahal niya si Linda at hindi niya ito kayang ipagpalit kahit kanino.

“Tao po!”
“Sino po sila?”
“Tita, si Michael po ako. Kapatid ni Francis. Puwede po ba kay Linda?”
“Sandali lang.”

Hindi naman agad pinagbuksan ng gate si Michael ng nanay ni Linda. Kailangan pa kasi niyang tanungin kung gusto nitong harapin ang kapatid ng boyfriend ng kanyang anak.

Maya-maya ay sumilip sa may bintana si Linda. Agad namang kumaway si Michael at nginitian ang magandang babae.

Ngumiti din si Linda at agad binabaan ang kapatid ni Francis.

“Oh kuya…”
“Linda. Kamusta ka? Kamusta kayo?”
“Okay naman kuya Michael.”
“Puwede ba tayo mag-usap?”

Sandaling tumigil si Linda at hindi nito masagot ang tanong ni Michael.

“Sige na naman oh. Usap lang tayo. Please?”
“Hindi pa ako handang harapin si Francis.”
“Hindi ko naman ipipilit sayo yun Linda eh… Gusto lang kita makausap. Makakuwentuhan… Hehehe…”

Napangiti naman agad si Linda saka nito binuksan ang gate.

“Sige pasok ka…”
“Salamat ha… Tsaka, puwede ba ako makiusap ulit?”
“Hmmm… Ano yun?”
“Hindi ba usapan natin, Michael na lang ang itatawag mo sa akin? Hehehe… Wala nang kuya.”
“Hehehe… Oo nga pala. Sige pasok ka na Michael.”
“Good… Hehehe…”

Pinatuloy naman ni Linda ang kapatid ni Francis. Umupo sila sa bandang sala at iniwan namang ng nanay ni Linda silang dalawa upang makapag-usap.

“Kamusta na kayo dito? Dalawang linggo din yun. Walang balita sayo.”
“Ayos naman kami dito ku… Michael…”
“Hehehe…”
“Tsaka, medyo napahinga rin ako dito kasama si nanay. Ayoko kasi munang mag-isip ng kung ano-ano eh…Alam mo na…”
“Ahhh… Mukha nga… Mukhang alagang-alaga ka dito… Hehehe…”
“Sobra na bang taba ko?”
“Hmmm… Ganun naman talaga ehh… Hehehe…”
“Hindi nga! Mataba na ba ako? As in parang baboy…”
“Maganda ka pa rin Linda… Tumaba ka man o hindi…”
“Hihihi… Iyan naman ang gusto kong marinig sayong banat ehh.” Nakangiting saad ni Linda.

Naglabas naman ng maiinom ang nanay ni Linda at kaunting biskwit para kay Michael.

“Salamat po.” Saad ng binata.

Kinuha ni Michael ang isang baso at iniabot kay Linda. Ang isa naman ay agad niyang inubos dahil sa sobrang uhaw.

“Ikaw, Michael. Parang nangayayat ka. Sobra mo yata sineseryoso pag-aaral mo ah…”
“Pumayat ba ako? Naku, dapat ko kasing seryosohin iyon eh… Alam mo na, ayoko namang sayangin ang puhunan ninyo ni kambal… Hehehe…”

Ngumiti lamang si Linda at saka yumuko.

“Namimiss ka na namin sa bahay. Miss ka na ni Nessa at baby Carl.”
“Miss ko na nga din si baby Carl eh.”
“Hehehe… Magiging magkalaro sila ng anak ninyo ni kambal.”
“Oo nga eh…”
“Tamang-tama, nahanap ko yung family computer namin ni kambal. Puwede nilang paglaruan yun. Maayos pa naman siguro yun. Hehehe…”
“Ang luma nun ah… Hihihi…”
“Kaya nga eh… Naalala ko pa dati noong nilalaro namin ni kambal yung Super Mario Brothers. Madalas akong natatalo nun eh. Laging kaming nagpapaligsahan at nag-uunahan sa susunod na level. Paramihan pa kami ng coins at bonus life. Hehehe…”
“Ganun ba?”
“Oo. Gusto mo ng sikreto?”
“Hmmm… Oo, sige. Ano yun?”
“Kasi, noong naglalaro pa kami ni kambal ng Super Mario, eh medyo nauuna na ako sa kanya ng tatlong levels. Mayroon kasi siyang hindi malagpasan na level kaya na-stuck siya don. Sobrang saya ko nun kasi sa unang pagkakataon ay nauungusan ko na siya. Ngayon lang ako umabante sa kanya. Hanggang sa sobra na siyang napikon at nararamdaman kong ayaw niyang magpatalo. Pinindot niya ang reset button.”
“Hah?! Reset button?”
“Oo. Nainis ako sa kanya noon. Sa sobrang galit ko eh kinuha ko yung buong fami-com at sa kuwarto na lang ako naglaro mag-isa.”
“Eh nakakainis naman talaga yun.”
“Kaya nga eh. Biro mo, doon lang ako lumamang kay Francis nun. Tapos napurnada pa. Hehehe…”
“Tapos? Tapos?”
“Tapos ayun, matagal kaming hindi nagpansinan. Pero alam mo yang si kambal, sobrang maramdamin yan. Lalo na pag siya ang may kasalanan, gagawa at gagawa yan ng paraan para mapatawad mo siya. Kinakausap niya ako, pero hindi ko siya pinapansin. Kahit anong gawin ko, talagang kinukulit niya ako. Ganoon siya kung humingi ng kapatawaran.”
“Mukha nga… Ganun kasi ginagawa niya ngayun eh…”
“Pero Linda. Iba ito ngayon. Hindi na siya away ng dahil lang sa isang laruan. Tunay na buhay na ito. Mahal ka ni utol. Halos araw-araw siyang nagpapakalasing para mapansin natin siya. Alam kong pinagsisisihan na niya ang nagawa niya.”

Natigilan naman si Linda nang marinig ang sinasabi sa kanya ni Michael.

“Uwi ka na sa atin… Naghihintay lang naman kami sa pagbabalik mo… Hehehe…”

Ngumiti naman si Linda at tila ay unti-unti nang lumalambot ang kanyang puso.

“Sa tingin mo, uulitin niya ulit iyon?” Tanong ng girlfriend ni Francis.

“Alam kong masama magsabi ng patapos pero… Sasabihin ko pa rin sayo na hindi na niya uulitin yon. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon. Hindi siya yung Francis na nakilala natin. At kailangan mo nang bumalik para makabalik na rin sa wakas ang dating Francis.”

Tumango na lang si Linda bilang pagsang-ayon kay Michael.

“Totoo yan? Walang bawian ha… Hehehe…”
“Sabihin mo sa kanya, sunduin niya ako dito sa amin…”
“Walang problema, gusto mo itext ko na? Hehehe…”
“Bukas na lang, gabi na eh… Hihihihi…”
“Salamat Linda ha… Gusto ko lang din na magkaayos kayo.”
“Salamat din Michael. Hindi ko alam na mas matalino ka pala kay Francis. Hahahaha…”
“Nagmana lang sa akin si kambal. Ayaw lang niya aminin sayo… Hehehe…”

Nang dahil kay Michael ay tuluyan nang nakumbinsing mapauwi sa bahay nila si Linda.

Kinabukasan, pagkagaling ni Francis sa kanyang trabaho ay agad itong dumiretso sa bahay nina Linda upang sunduin ito.

Kahit medyo kinakabahan pa ang lalaki ay mas nananaig sa kanya ang kasiyahang makakausap at makakasama niya muli ang kanyang girlfriend.

Nang makarating si Francis sa bahay nina Linda ay agad naman siyang pinapasok ng nanay ng babae.

Nakita niya ang kanyang girlfriend na nakaupo sa sofa habang naghihintay sa kanya.

Hindi malaman ni Francis ang kanyang sasabihin, kung kaya’t nilapitan na lamang niya ito at agad na niyakap.

“Sorry baby… Sorry talaga…” Saad ni Francis habang napapaluha pa ito.

Hindi naman sumasagot si Linda, ngunit mahigpit na niyakap ang binata.

“Miss na miss na kita babes… Miss na miss ko na din si baby…”

“I miss you too, Francis… We miss you…” Sagot ni Linda.

Nang kumalas sa kanyang pagkakayakap ang binata ay inalalayan niyang umupo ang kanyang buntis na girlfriend.

“Patawarin mo ako Linda… Alam kong sobrang daming tukso dito sa mundo, pero isa lang ang sigurado ko. Ikaw lang ang mamahalin ko. Mahal na mahal kita.”

Ngumiti naman si Linda at hinalikan sa pisngi ang kanyang boyfriend.

“Mahal din kita Francis. Sana mahalin mo ako kahit ganito na ako kataba… Hihihi…”
“Kahit ano pang maging timbang mo babes mamahalin pa rin kita…”
“Promise? Hindi mo ako ipagpapalit sa kahit sinong seksi diyan?”
“Promise…”
“I love you Francis.”
“I love you too…”

Hinalikan ng binata sa labi si Linda at saka niyakap.

“Tara uwi na tayo…”

Four Months Later…

“Relaks ka lang kambal. Maupo ka nga at nahihilo na kami sayo…”
“Oo nga Francis, maupo ka lang.”

Panay ang paroo’t parito ng binata.

“Matagal ba yun? Bakit parang sobrang tagal? Hindi ba ako puwede sumama sa loob?”
“Kambal, mamaya matatapos na yun. Relaks ka nga lang at baka ikaw naman ang isugod sa ospital.
“Hayaan mo na honey, mukhang excited lang talaga si Francis… Hihihi…”

Hindi malaman ng binata kung ano ang kanyang dapat na gawin.

Panay ang silip niya sa delivery room, kung saan naroroon si Linda.

“Ito tubig, kambal oh! Uminom ka na muna at parang namumutla ka na… Hehehe…”

Hindi naman pinapansin ng binata ang iniabot na bote ni Michael. Sobra sobra ang pag-aalala niya sa kung ano ang kakahinatnan ng panganganak ni Linda.

“Maupo ka muna…”
“Kuya, okay lang ako. Hayaan niyo na lang muna ako…”
“Hahaha… Bahala ka na nga diyan.”
“Bakit naman kasi antagal ehhh…”

Maya-maya ay lumabas na ang duktora mula sa kinalalagyan ni Linda. Sinundan niya agad ito ng tingin at agad na nilapitan.

Hindi naman siya pinansin ng duktora at agad itong pumasok sa isang silid.

“Ano na kayang nangyari?” Tanong ni Nessa.
“Baka tapos na…” Saad ni Michael.
“Kung tapos na, nasaan si Linda? Tsaka nasaan ang baby ko?” Pag-aalalang saad ni Francis.

Panay naman ang silip ng binata sa silid na pinasukan ng duktora. Lalo siyang kinabahan dahil hindi sila nilapitan nito.

“Ahhmmm… Francis… Iyon na yata yung baby niyo oh!” Saad ni Nessa sabay turo sa silid na may malaking salamin na bintana.

Agad na lumingon si Francis upang tignan ang sinasabi ni Nessa.

Lumapit ang nurse sa may bintana at ipinakita ang isang sanggol.

“Baby boy… Baby boy!!!” Sigaw ni Michael.

“Lalaki ang anak ko! Hahahahaha!!! Woooohoooo!!!!” Tuwang-tuwa na saan ni Francis sa kanyang kuya Michael.

“Congrats ha…” Pagbati ni Nessa.

“Tangina! Kamukha ko Francis… Kasing pogi ko oh!”

“Baby… I love you baby…” Saad ni Francis habang may luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.

Luha buhat sa tuwang nadarama nito.

“Congrats kambal!” Saad ni Michael sabay akbay nito sa kanyang kapatid.

“Salamat, kuya… Ninong ka ha… Hehehe…”

“Oo naman! Unang pamangkin ko yan… Hehehe…”

Masayang-masaya ang magkapatid dahil madaragdagan nanaman ang kanilang pamilya, at may magdadala ng kanilyang apelyido.

Maya-maya ay binigyan na sila ng hudyat ng isang nurse na puwede nang silipin si Linda. Wala pa itong malay dahil sa gamot na ibinigay sa kanya.

Agad namang pumasok sa loob ng silid si Francis at hinalikan ang kanyang girlfriend sa noo.

Masaya si Francis dahil ligtas na ang kanyang mag-ina.

Sa dami ng pinagdaanan nilang dalawa ay nalagpasan nila ang lahat ng mga pagsubok. At ngayon ay makakapiling na nila ang siyang bubuo sa kanilang pamilya.

“Sir… Matanong lang po. Anong pangalan ng baby?” Tanong ng isang nurse na nagbabantay kay Linda.

Sandaling tumigil si Francis at tinignan ang kanyang girlfriend. Tila iniisip niya kung ano sa mga gustong pangalan ni Linda ang dapat niyang piliin at sabihin sa nurse.

“Jacob… Jacob ang pangalan ng anak namin.” Sagot ni Francis.

“Okay po sir. Ganda po ng pangalan niya. Congratulations po!” Dagdag ng nurse at isinulat na niya ito sa isang papel at agad na lumabas ng delivery room.

2006

Sabi nila, kapag naging ama ka na, ay mag-iiba na raw ang priorities mo sa buhay.

Kung dati ay pansarili lamang ang iniisip mo, katulad ng ng mamahaling gamit, appliance, gadget o kahit isang bote ng beer, ay ilang beses mo nang dapat pag-isipan bago bilhin.

Dahil may mas mahalaga ka nang dapat tustusan.

Mas mahalagang dapat paglaanan.

Halos apat na buwan pa lang akong tatay, pero damang dama ko na ang hirap.

Una sa lahat ay ang puyat na nararanasan ko habang binabantayan si baby Jacob.

Dahil may pasok ako, si Linda ang nakatokang magbantay, magpadede at magpalit ng diaper sa aming baby sa gabi.

At pagkauwi ko naman galing trabaho, hindi ako puwede matulog agad-agad. Dahil ako naman ang nakatokang magbantay kay Jacob dahil puyat si Linda.

Mahirap…

Oo, mahirap.

Pero iba ang tuwa at ligayang dala ni Jacob.

Sa tuwing tinititigan ko siya, ay parang lumulundag ang puso ko sa sobrang tuwa.

Nakikita ko rin kasing kahulma niya ang mukha ni daddy. Parehas sila ng hugis ng ulo pati ng mga mata. Alam kong natutuwa ang aming mga magulang sa langit dahil kay baby Jacob.

Alam ko rin na sila ang nagiging guardian angel n gaming baby at binabantayan nila ito sa tuwing naiidlip ako at nakakaligtaang may batang binabantayan.

Hindi ko kasalanan, pero dapat ay hindi ko tinutulugan si Jacob.
Hindi ko rin naman dapat gisingin agad si Linda, dahil puyat siya sa pagbabantay sa gabi.

Parehas naming nilalabanan ang antok. Kapit kamay naming nalalagpasan ang tuksong mahiga sa aming kama. At magkatuwang kami sa pagpalit ng diaper ni baby, at kapag sinusuwerte ka, may kasama pa itong tae.

“Francis… Francis…”

Madalas ay iyan ang naririnig ko sa tuwing naiidlip ako. Bigla na lang akong babangon at agad na pupuntahan si baby sa crib.

Minsan pinagtatawanan na lang ako ni Linda. Mukha daw akong tanga. Hehehe…

“Sige matulog ka na, ako na magbabantay kay baby Jacob.”
“Talaga? Pasensya ka na ha… Sobrang pagod lang talaga ako. Dami kong ginawa sa trabaho… Sobrang daming issue…”
“Ahhh sige, matulog ka na. Ako na bahala.”
“Sige babes… Matutulog na muna ako.”
“Ahhhmmm… Francis, oo nga pala… Wala na kasing gatas at diaper si baby. Baka maubusan na tayo bukas ng umaga…”
“Ah eh… Wala pa akong suweldo. Sige kuha na lang muna tayo dun sa naitabi ko…”
“Okay lang ba yun? Para sa tuition fee yun ni Michael di ba?”
“Papalitan ko na lang… Medyo magigipit tayo ehh… May bakuna pa si baby sa biyernes, di ba?”
“Oo nga eh… Pasensya ka na Francis ha, nailagay kasi ni nanay lahat ng pera doon sa business niya. Kaya wala akong maitutulong sayo.”
“Ayos lang, magagawan naman ng paraan.”
“Kaso baka hanapan ka ng kuya mo? Paano yun?”
“Huwag kang mag-aalala babes, kakausapin ko si kuya Michael. Maiintindihan naman niya yun siguro. Gipit lang talaga tayo sa ngayon.”
“Oh sige… Puwede rin naman ako ang kumausap, kung hindi mo kaya…”
“Ako na bahala kay kuya. Kakausapin ko siya.”
“Sige… Tulog ka na. May pasok ka pa mamaya.”
“Okay babes… Love you…”
“I love you too…”

Madalas ay ganito ang usapan namin ni Linda.

Madalas kasi ay nagigipit kami.

Aaminin kong medyo hindi kami handa ni Linda sa ganitong mga bagay, kung kaya’t nararamdaman namin ang hirap.

Physical, emotional at mental stress.

Tama nga ang matatanda, hindi biro ang bumuo ng pamilya. Lalo na’t mayroong ibang umaasa sayo.

Hindi ako nagrereklamo, pero iba talaga ang pagod na nadarama ko ngayon.

Madalas akong puyat, pero sinisikap kong dumilat habang nasa harapang ng computer sa loob ng halos siyam na oras.

Madalas akong nagiisip, kung saang bulsa ko huhugutin ang pera na pangkain ko habang nasa opisina. Halos kanin at libreng sabaw na lang ang inoorder ko sa canteen sa tuwing hindi ako nakakapagbaon.

Madalas ko rin inaalala kung saan ako huhugot para idagdag sa pang-aral ni kuya Michael. Alam kong marami din siyang kailangan sa eskuwelahan, at kung ano man ang kinikita niya sa pamamasada ay nauuwi lang din sa panggastos niya kina Nessa at baby Carl.

Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas para malagpasan ang lahat ng ito.

Pero alam kong maiintindihan ako ni kuya Michael. Alam kong maiintindihan niya kung uunahin ko ang anak at asawa ko.

Hindi naman siguro iyon masama.

“Kuya! Mukhang busing-busy tayo ah! Hehehe…” Saad ni Francis.

“Oh ikaw pala yan kambal, pasok ka.”
“Sige. Puwede ba kita maistorbo?”
“Oo naman. Puwedeng puwede. Gumagawa lang ako ng project ko. Kailangan na kasing ipasa ito sa Biyernes.”
“Oh! Miyerkules pa lang ah… Aga mo namang gawin yan…”
“Kailangan kambal eh. May extra points daw kapag maaga ka nagsubmit… Hehehe… Sayang din yun, pandagdag punto sa grades ko.”
“Ayos! Tama yan kuya…”
“Ayos ba kambal? Mana ako sayo eh… Hehehe…”
“Kamusta ka naman sa school niyo? Hindi ka ba nahihirapan?”
“Hindi naman kambal. Ayos naman ako. Ayos na ayos ako. Hehehe…”
“Good. Mukhang talagang sinisipagan mo na kuya ah…”
“Siyempre naman kambal… Dapat na talaga akong mag-sipag at dapat ko na talagang ayusin ang buhay ko. Lalo na ngayon at tiwalang tiwala sa akin ang mga professor ko. Hehehe…”
“Oh?!”
“Oo! Sus! Ikaw lang naman itong walang bilib sa akin eh… Hehehe… Lahat ng mga professor namin kilalang-kilala ako.”
“Ayos ah!”
“Tsaka kambal, alam mo ba na ako ang laging kinukuha ng mga prof namin para maging leader sa klase. Bilib na bilib nga sa akin mga kaklase ko eh. Biro mo, pakiramdam ko sobrang talino ko na. Hehehehe. Kaya nga talagang gagalingan ko pa. Isang taon na lang kambal, makakatapos na rin ako.”

Masayang-masaya na nagkukuwento si Michael sa harap ng kanyang kapatid. Tila naging maganda ang unang taon ng kanyang pag-aaral.

“Hindi ko nga akalain kambal na okay pala mag-aral. Lalo na kapag may inspirasyon ka at pangarap na gustong abutin. Naintindihan na kita kambal, kaya pokus ka sa pag-aaral dati. Tignan mo sarili mo ngayon, matagumpay ka na sa trabaho. Kaunti na lang yayaman ka na. Hehehe… Kaya ako, magsisikap din ako tulad mo.”

Maya-maya ay biglang yumuko si Francis habang naglalakad patungo sa sofa. Umupo ito at tumingin ng seryoso sa kanyang kapatid.

“Kuya… May sasabihin sana ako…”
“Ano yun kambal?”
“Ah… Kasi… Baka hindi muna ako makakapag-bigay sa susunod na semester mo. Medyo gipit kasi ako ngayon. Wala na rin kaming mapiga…”

Nabigla naman si Michael sa sinabi ni Francis.

“Kambal naman… Isang taon na lang oh! Matatapos na ako… Baka puwede pa namang gawan ng paraan…”
“Kuya… Pasensya na… Hindi ko na rin alam kung saan ako kukuha ng sobrang pera eh…”
“Kung kaya ko lang kambal na punan yung tuition fee ko sa pamamasada, hindi na ako aasa sa iyo. Pero hindi ko talaga kaya eh… Francis naman… Kaunting tulong lang naman oh…”
“Kuya… Baka puwedeng sa susunod na sem ka na lang ulit pumasok… Makakaipon din ako… Naparami rin kasi ang gastos eh…”
“Kambal, mahuhuli nanaman ako sa pag-aaral niyan. Baka naman may paraan kambal…”
“Kuya, next sem. Promise ko sayo, makakapasok ka ulit sa pag-aaral. Pangako ko yan sayo.”
“Tangina…” Bulong ni Michael sa kanyang sarili.
“Sige na kuya oh… Pasensya na talaga… Next semester na lang talaga…”

“Ano pa bang magagawa ko? Ikaw naman ang nasusunod sa lahat di ba? Pati buhay ko kaya mong diktahan. Ikaw na bahala…” Pagalit na saad ni Michael sabay tayo at naglakad ito papalayo sa kanyang kapatid.

“Kuya naman… Sana maintindihan mo… may checkup pa si baby Jacob tsaka yung panggatas niya at diaper, sobrang dami lang talaga kuya.”

“Wala na nga akong masasabi di ba? Ikaw na bahala. Ako pa ang magiging masama kung pipigilan kita sa desisyon mo.”

Napakamot naman sa kanyang ulo si Francis. Ayaw niya sanang sumama ang loob ng kanyang kuya Michael, ngunit wala na siyang magagawa dito.

Maya-maya ay nagulat na lang ang binata ng ibalibag ni Michael ang kanyang ginagawang project sa harapan niya.

“Tanginang buhay ito oh! Kakawalang gana!”
“Kuya naman…”
“Nakikiusap lang naman ako sayo Francis eh… Kahit manlang sabihin mo sa akin na puwede pa ito mahanapan ng solusyon. Alam mo ba yung nararamdaman ko? Naandon na ako eh, mauudlot nanaman.”
“Kuya hindi naman mauudlot yun eh. Matutuloy pa rin yung pag-aaral mo. Puwede pa nating pag-ipunan yun.”
“Kaya nga! Bakit hindi natin sabay pag-ipunan para makapasok ako sa susunod na sem. Ayoko nang tumigil Francis. Ayoko nang mapag-iwanan nanaman.”
“Hindi ko nga kaya ehhh… Hindi ko na kaya… Pagod na pagod na ako kakaisip kung paano ko gagastusin ang kakarampot kong kinikita… Kulang na nga sa panggastos ang mag-ina ko.”
“Pagod?! Pagod ka na? Pasensya ka na kambal. Walang wala kasi ako eh. Tricycle driver lang ako. Namamasada lang ako. Pasensya ka na dahil umaasa pa rin kami sa kinikita mo.”
“Kuya, hindi naman ako nanunumbat eh… Nakikiusap lang ako.”
“Tama na! Tama na!”
“Kuya…”
“Lumabas ka na Francis… ”
“Kuya…”
“Tangina! Sabi kong lumabas ka na eh!”

Wala namang nagawa ang binata at naglakad na lamang ito papalabas sa silid ni Michael. Hindi niya inasahan na ganoon ang magiging reaksiyon ng kanyang kapatid. Ang buong akala nito ay maiintindihan siya ni Michael at susuportahan ang kanyang desisyon.

Naupo na lamang ang binata sa may sofa at nanahimik habang nag-iisip ng ibang paraan upang masulusyonan ang hidwaan nila ng kanyang kapatid.

Sobrang galit naman ang nadarama ni Michael sa sinabi ng kanyang kapatid. Pakiramdam nito’y mawawala nanaman sa kanyang mga kamay ang lahat ng kanyang pinapangarap. Lalo naman siyang naiinis sa tuwing naiisip niyang wala siyang magagawa kundi sundin ang lahat ng sinasabi ni Francis.

Tila ang kanyang kapatid ang may hawak sa kanilang buhay at ang may karapatang magdesisyon.

Napapaluha sa galit si Michael at agad itong nagpunta sa banyo upang doon maglabas ng sama ng loob. Ayaw muna nitong puntahan sa kabilang silid sila Nessa at baby Carl. Hindi niya alam kung paano ibabalita na hihinto muna siya sa pag-aaral.

Binuksan ni Michael ang gripo upang makapaghilamos. Pilit na iwinawaksi ang lahat ng masamang balita na nanggaling kay Francis.

Hanggang sa tila nangati ang kanyang lalamunan at umubo ito ng sunod-sunod. Napakapit pa ang kanyang kaliwang kamay sa may kabinet at ang isa naman ay nakatakip sa kanyang bibig.

Maya-maya ay biglang tumigil ang kanyang pag-ubo, at nakaramdam siya ng bahagyang panghihina.

Nang akmang huhugasan na niya ang kanyang kanang kamay, ay tila natigilan si Michael sa kanyang nakita.

Akala niya’y laway lamang ang tumalsik mula sa kanyang bibig, iyon pala ay dugo.

Lumakas ang kabog sa dibdib ni Michael sabay upo nito sa may sahig ng banyo.

ereimondb
Latest posts by ereimondb (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x