Ikapitong Utos – Incognito

Ikapitong Utos

Ikapitong Utos – Episode 17: Incognito

By ereimondb

 

“Mr. Alcantara? Francis Alcantara?”
“Yes, sir.”
“Okay. Please take your seat.”
“Thank you sir.”
“So… How’s work?”
“Okay po naman. I’m learning a lot of new things. And still has to get-used with the graveyard shift.”
“Yeah. Nabalitaan ko nga na inilagay ka nila sa graveyard. I mean, forever graveyard noh? Tell me, how was it? Okay lang ba sayo yun? Okay ka pa ba sa ganung schedule.”
“I think sir okay pa naman po ako. Iyon po kasi ang hinihinging oras nung task na ibinigay sa akin. Kasi I have to contact our counterparts and clients in the US. So, it is part of the job.”
“Good! That’s very good Francis. And thank you because, as I have seen in the report na madalang ka kung mag-absent. What? Three working days? Okay na okay na yun…”
“Thank you, sir. Hindi rin po kasi ako puwede madalas na nagaabsent dahil ako lang po ang na-assign sa task na yun…”
“Hmmm… so you are talking about the vessel reconciliation, right?”
“Yes, sir.”
“No backups?
“None as of the moment, sir. Ako lang po muna.”
“Great. But, I suggest na you find someone na puwede mong kunin na karelyebo mo sa task na yan. Because, you know, for contingency measures.”
“Yes, sir. Actually, I am already training one associate for the task. I also created some user’s manual about the task para if ever may mga gustong magbasa or sumubok, eh may reading materials available for them.”
“Perfect! What can I say, Mr. Alcantara! That’s brilliant.”
“Thank you, sir.”
“By the way, do you know why I called you here in my office?”
“Hmmm… actually sir, ininform lang ako ni TL na puntahan kayo sa office ninyo. I really don’t have any idea, sir.”
“Anong hiring date mo, Francis?”
“Hmmm… May 23 po.”
“May 23? So that means, halos three months ka na dito sa company, right?”
“Yes, sir.”
“Okay… I think that’s enough.”
“S-sir?”
“Francis, I asked kasi your Team Leader to submit a report of all associates that’s being assigned to her. So, Shiela gave me this report. I already have all the bits of information.”
“Okay po…”
“Then, I checked all the performances and evaluations of these associates. Some of them were satisfactory, and I think two or three were not performing well in the team.”
“Hmmmm…”
“And, you, Mr. Alcantara… what do you want me to call you?”
“Francis, sir.”
“Okay, Francis. As per this report, your evaluation has a very impressive and outstanding mark. Congratulations!”
“Woah! Really, sir? Thanks po.”
“Yeah! Yeah! Hindi rin ako makapaniwala, since bago ka lang sa kumpanya and you are really doing a great job here. From your attendance, down to a very satisfactory customer service performance, well that’s very impressive!”
“Thank you sir, thank you.”
“And because of that, we are considering in promoting you from contractual to a regular employee. You know, as early as three months, you may enjoy all of the benefits that we provide to our employees. So, I will submit this report to our human resource department and they will send you a mail once your regularization contract is completed.”
“Thank you sir. Salamat po talaga.”
“Come on, Francis! You worked hard for this. You deserve it. And we don’t want to lose an employee like you. You’ve got what it takes to become a leader, so keep up the good work.”
“Yes, sir. Ipagpapatuloy ko po. I won’t disappoint you, sir.”
“Good! Again, congratulations!”
“Thank you sir. Thank you po!”
“Okay… Oh! By the way… Muntik ko na makalimutan.”
“Ano po yun sir?”
“Well, because you are the top performer of the month, you will be receiving your first performance bonus check on Monday. If I’m not mistaken, mga seven or eight thousand yun. I’m not that sure though. Basta you will get that check on Monday. Okay?”
“Sir, okay na okay po, sir! Para po akong nananaginip.”
“Well, that’s the reality, Francis. You reap what you sow. If you work hard, you’ll get a performance bonus check or a promotion, or maybe both. Congratulations, Mr. Alcantara.
“Thanks again, sir.”
“Okay… Get back to work and be the top performer again next month. Hehehe…”
“Hehehe…Okay po, sir. Salamat.”

Noong bata pa kami ni kuya Michael, madalas kaming ipinapasyal nina mama at papa sa isang karnabal.

Hawak ni papa ang kamay ni kuya, samanatalang hawak ko naman ang mainit na kamay ni mama.

Sobrang saya namin habang naglalakad at naghahanap ng kung anong puwedeng masakyan. Gustong-gusto ko noon sumakay sa caterpillar. Tuwang-tuwa din ako sa tuwing ibinibili kami nina mama at papa ng cotton candy, ice cream at lobong may iba’t ibang anyo at hugis.

Hindi mapagsidlan ang ligaya ko noon. Ipinagdasal ko na sana hindi na rin matapos ang gabing iyon, kung saan masaya kaming mag-anak habang namamasyal.

Si papa. Si mama. Si kuya Michael.

Pero…

Pakiramdam ko ay kinulang ako sa aking panalangin, at sa isang iglap lang ay tila hindi ko na mararanasan ang ganoong uring kaligayahan sa tanambuhay ko.

Nagsimulang magkasakit si kuya Michael.

Umusbong ang inggit ko sa atensyon ibinibigay sa kanya noon ng aming magulang.

Pakiramdam ko ay mag-isa lang ako.

Hanggang sa sunod-sunod na dumating ang mga dagok sa aking buhay.

Problema… Problema… Problema…

Ngunit…

Sabi nga nila, bilog ang mundo.

Patuloy itong umiikot. Minsan ay nasa ibaba ka, at minsan nama’y mapupunta ka rin sa itaas.

At alam kong overstaying na ako sa ilalim.

Napakatagal ko nang hindi naranasan ang kaligayahan katulad nang ipinasyal kami ng aming magulang sa karnabal.

Maliban ngayon…

Maliban sa araw na ito…

Sa napakahabang panahon, ngayon ko lang ulit naramdamang lumukso ang puso ko sa tuwa.

Noong una pa nga ay hindi ako makapaniwala.

Nagtatanong ako sa aking sarili kung bakit ako pinatawag ng Project Manager (PM) namin.

Basta ang sinabi lang ni Team Leader (TL) kakausapin daw ako nito at magkita na lang daw kami sa opisina ni PM.

Tapos noong pumasok na ako sa loob ay tanging si PM lang ang nandoon at may kausap sa kanyang telepono.

Bigla akong kinabahan.

Biglang kumabog ang dibdib ko at parang nanlamig ang pakiramdam ko.

Pinagpawisan ako ng malamig.

Ang alam ko, ang mga pinapatawag lang sa opisina niya, ay yung mga empleyadong nagkaroon ng malaking issue sa aming kliente.

O kaya naman, ay bibigyan ka ng evaluation kasama si TL.

Pero noong gabing iyon, iba ang pakiramdam ko.

Inisip ko na agad kung may nagawa ba akong hindi tama.

Mayroon ba akong nalimutang gawin?

Mayroon ba akong hindi nasagot na email?

Mayroon ba akong nabastos sa chat?

Hindi ko alam. Wala, sa pagkakatanda ko. At hindi naman ako makakalimutin.

At nang ipaliwanag na niya sa akin ang lahat…

Para akong nakaupo sa ulap.

I’m sitting on cloud nine.

Alam kong madalas akong papurihan ng mga kaeskuwela ko noong nag-aarala pa ako.

Pero iba ito.

Iba pala ang pakiramdam kapag nakakarinig ka ng papuri sa boss mo.

At higit sa lahat…

Ang importante sa lahat…

Ay ang ma-regular sa trabaho.

Idagdag mo pa diyan ang production bonus na igagawad sa akin.

Malaking tulong na iyon para sa akin. Para sa amin.

Paglabas ko ng opisina ni PM, namumula ako. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa floor at naririnig ko silang nagbubulungan.

Hindi ko naman sila puwedeng isa-isahin para lang sabihing, na-promote ako sa trabaho. At lalo namang hindi ko puwede ipagsigawan sa lahat na magaling ako. Dahil unang-una, bawal mag-ingay sa floor.

At nang papalapit ako ng papalapit sa kinatatayuan ni TL, ay nakahanda na para sa akin ang kanyang ngiti.

Ganoon pa rin si Ma’am Shiela. Ayos na ayos pa rin sa pormahan.

At bilang lalaki, mas maayos pa siyang pumorma sa akin.

“How was it?”
“Great! Unexpected, but I felt great.”
“You deserve it Francis. I’ve got high expectations of you and I know you’ll never let me down.”
“Okay po, ma’am. I won’t let you down and thank you for the trust.”

Sa totoo lang, ngayon lang ako pinuri ng TL namin.

Madalas kasi ay seryoso ito at tahimik lang sa isang tabi. Madalas din ay mayroon siyang kino-coach na kasamahan namin sa team.

Kaya ngayon, masasabi kong talagang extra espesyal.

“Guys! Guys! Guys! Listen here! Mr. Alcantara, Francis… has been promoted to regular employee. For just four months, naregular na siya agad. And I want you to follow his footsteps. Be inspired by his hard work. Okay?”

Kinakabahan ako.

Nangangatog din ang mga binti ko.

Parang gusto kong manlambot sa sobrang tuwang nararamdaman.

Nakatingin lang sila sa akin at sabay-sabay na nagpapalakpakan.

Hanggang isa-isa silang lumalapit sa akin para kamayan.

“Congrats pare!”
“Galing mo talaga pare!
“You deserve it tsong!”
“Sabi ko na eh… well, congrats!”
“Wow naman!!! Ikaw na!!!”

Nakakataba ng puso.

Parang pakiramdam ko ay lumalaki at tumataba ako sa sobrang papuri.

Maging ang mga batch mates ko ay masaya para sa akin.

“Galing mo talaga pare! Pa-ice cream ka naman… Hehehe…” Sabi ni Dennis.

“Ano, inuman na ba? Langya! Bilis mong ma-promote ah….”
“Oo nga, nang-iiwan ka sa ere! Hehehehe…”
“Don’t worry guys, alam ko namang mareregular din kayo. Galing kaya ng batch natin.” Iyon na lamang ang nasabi ko. Pero sa totoo lang, mayroong tagilid sa amin.

“Gimik tayo sa weekend! Celebrate naman tayo! Hehehehe!”
“Naku, pare malabo… Baka hindi ako puwede ng weekend…”
“Ano ba yan pare! Share your blessings naman! Paminsan-minsan lang naman ito eh…”
“Oo nga Francis. Libre mo naman kami.”
“Naku…Wala pa nga sa akin yung checke eh.”
“Basta, hindi ka na puwedeng humindi sa amin. Gigimik tayo sa Sabado. Tapos ang usapan.”
“Teka pare, magpapaalam pa ako…”

Madalas ay hindi ko alam kung paano sumagot sa mga ganitong bagay.

Ako yung uri ng taong hindi marunong humindi.

At para na lang makibagay at makisama sa mga ka-opisina ko, mukhang papayag na lang ako.

Alam ko namang maiintindihan ako ni Linda.

Tsaka, tama naman sila. Paminsan-minsan lang ito.

“Congrats!”
“Hmmm?!”
“Sabi ko, congrats.”
“Ahh… Salamat.”
“Na-regular ka lang, nabingi ka na. Hihihi…”
“Ahh… Hehehe… Sorry may iniisip lang kasi ako.”
“Hmmm… Alam ko na iniisip mo.”
“Ano?”
“Kung saan mo kami ililibre sa Sabado, ano?”
“Oo… Shoot! Hehehe…”
“Sabi ko na eh…”
“Pero teka… Kami? So, ibig sabihin sasama ka?”
“Hmmm… Oo… Invited ba ako?”
“Oo naman… Ikaw pa.”
“Okay. Sige sasama ako sa inyo.”
“Good.”
“I have an idea…”
“Ano?”
“Bakit hindi na lang sa condo namin tayo mag-inom. Mas makakamura ka pag doon tayo.”
“Nice… That’s a good idea, Sky.”
“Just let me know. Puwede din kitang samahang mamili. My grocery naman malapit sa place ko.”
“Sure. Sige, doon na lang tayo. Since okay naman sayo.”
“Okay then. Text-text na lang.”
“Okay… Salamat, Sky.”
“No problem.”

Si Sky.

Ano pa ba ang masasabi ko tungkol sa kanya?

Kung single ako, malamang siya ang girlfriend ko ngayon.

Simula nang makasabay ko siyang kumain sa canteen, ay naging magkaibigan na kami. Hindi ko rin napapansin na sobra na pala kami naging malapit.

Alam ko na kung kailan siya masaya.

Alam ko rin kung paano siya ma-badtrip.

May alam na rin ako sa mga bagay na gustong-gusto niya.

At kilala ko rin yung taong kinabubuwisitan niya.

Yung ngiti niya.

Madalas ay natatagalan akong alisin ito sa isipan ko.

Kapag nasa jeep ako, naalala ko yung maliit na dimples niya sa ilalim ng kanyang mapupulang labi. Minsan pa nga ay natatawa akong mag-isa at pinagtatawanan ako ng ibang pasahero.

Malamang naiisip nilang nababaliw na ako.

Paano ba namang hindi ko siya mamememorize? Eh sa araw-araw na nasa opisina ako ay siya ang laging kasama ko.

“Good morning babes… Ang aga ninyong nagising ah…”
Agad hinalikan ni Francis si Linda sa labi pagkauwi nito galing sa opisina.

Madalas ay alas otso y media ng umaga na siyang nakakauwi sa kanilang bahay mula sa graveyard shift. At sinasabayan na lang siya sa almusal ni Linda.

“Kamusta ang baby ko?” Marahang hinawakan ng binata ang tiyan ni Linda sabay halik dito.

“Okay naman kami, daddy… Hehehehe…” Sagot ng magandang babae.

Tumingin si Francis sabay ngiti kay Linda at hinalikan niya ulit ito sa pisngi.

“Tara kain na tayo.”
“Sandali lang, ibaba ko lang itong backpack ko.”
“Okay sige.”

“Hindi ba parang late ka nang nag-aalmusal babes? Baka dapat nauuna ka nang kumain sa akin.”
“Hindi naman. Hindi pa naman ako gustom. Tsaka gusto rin kitang hintayin.”
“Baka kasi nagugutom si baby eh… Hehehe…”

Pagkababa niya ng kanyang backpack ay agad nitong kinuha ang kanyang cellphone at tinignan kung may nagtext sa kanya.

“Ikaw? Kamusta ang trabaho?”

Hindi naman agad sumagot ang binata at saglit na inasikaso ang kanyang pagtetext.

Naghihintay at nakatingin lang si Linda sa kanya habang hinihimas nito ang kanyang tiyan.

At nang naisend na ni Francis ang text message ay agad na itong nagtungo sa lamesa, dala-dala ang kanyang cellphone.

“Ano yun babes?” Tanong ng binata.
“Sabi ko, kamusta ang trabaho mo?”
“Ayos naman… Doing fine. I mean, sabi pala ng boss ko, doing great! Hehehe”
“Okay. Mabuti naman maayos ang…” Putol na saad ng magandang babae.

Bigla kasing tumunog ang cellphone ni Francis at agad niya itong tinignan.

Kagat-labi na lang na naupo si Linda sa tapat ni Francis. Hinayaan na lang niya ang kanyang boyfriend na tapusin muna ang kanyang ginagawa.

“Ano yun ulit babes?” Muling tanong ni Francis.
“Huh?”
“Sabi ko, ano yung sinasabi mo?”
“Wala…”

Hindi na lamang itinuloy ni Linda ang nais sabihin sa binata. Iniabot na lamang nito ang kanin na nakahanda sa lamesa.

“Babes, I’ve got good news for you…” Saad ni Francis sabay hawak sa kamay ng kanyang girlfriend.

“Ano yun?”
“I just got promoted. Regular employee na ako. Hehehe!”
“Wow! Congratulations babes! Galing mo talaga.”
“Thanks, babes! May ibibigay din sa aking production bonus. Sana ma-increasan din ako.”
“Okay na okay yan babes. Atleast madadagdagan ang ipon natin bago ako manganak.”
“Yes! Yun din nasa isip ko babes.”
“I love you. I’m so proud of you babes.”
“I love you too. I’m doing all my best para sa inyo. Para sa atin.”

Hinalikan ni Francis ang kamay ni Linda bago ito nginitian.

Maya-maya ay tumunog ulit ang kanyang cellphone at agad itong tinignan ng binata.

“Kumain ka kaya muna?”
“Okay babes. Sagutin ko lang ito.”

Dahil sa abala ang kanyang boyfriend sa kanyang cellphone, si Linda na lamang ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ni Francis.

Hanggang sa napansin na lamang ng magandang babae na ngumingiti ang binata. Tila nasisiyahan ito habang binabasa ang mensahe na nasa kanyang cellphone.

Pilit na iwinawaksi ni Linda ang hindi magandang pag-iisip at sinimulan na lamang kumain ng almusal. Hinayaan na lang niya muna si Francis sa kanyang ginagawa.

“Babes, oo nga pala, naaalala mo ba yung gustong itayong business nila nanay at aling Pacing? Ayun, mukhang itutuloy na nila. Hindi na rin kasi papaawat si nanay eh. Nailagay na niya lahat doon yung savings namin para sa kapital. Sobrang excited na nga silang dalawa eh. At siyempre, sobrang saya ko din kasi may bagong pagkakaabalahan si nanay at extra income…” Kuwento ni Linda.

Nakatingin na lamang ito kay Francis at tila hindi siya pinapakinggan nito. Panay pa rin ang pakikipag text nito at hindi na nakatiis si Linda.

“Babes, mukhang tutuk na tutok ka diyan sa ka-text mo ah… Sino ba yan?”

Biglang ibinaba ng lalaki ang kanyang cellphone at nilingon si Linda.

“Hah? Ah eh… kaopisina ko.”
“Sino naman?”

Saglit na tumahimik si Francis at tila iniisip kung papaano niya sasabihin kay Linda kung sino ang kasagutan niya sa text.

“Ah si… Carl…”
“Carl?”
“Oo, may tinanong lang kasi. Eh siya yung tinuturuan ko ngayon sa task ko.”

Tumango na lang ang magandang babae at tinanggap ang sagot ng kanyang boyfriend.

Ayaw na sana niyang maghinala pa kay Francis. Gusto na lamang niya itong suportahan sa kanyang trabaho at mas isiping matuwa dahil sa promotion nito.

“Oo nga pala babes… Nag-aaya kasi mga kaopisina ko. Medyo na-awitan ako na gumimik sa Sabado. Okay lang ba na pumunta ako?”
“Sabado?”
“Oo babes… Sana?”
“Eh… Di ba, pupunta tayo kina nanay sa Sabado? Tapos doon na tayo matutulog?”
“Shit. Oo nga pala ano?”
“Tsaka mag-aantay yun…”
“Kaso, paano yan babes, naka-OO na ako sa kanila? Puwede bang sa Linggo na lang tayo pumunta doon?”
“Pero babes di ba nga may ipinapadala pa sa atin si nanay sa Sabado. Kailangang-kailangan niya kasi yun ehh…”
“Sige na… Yun lang naman kasi ang panahon namin lumabas. Alam mo namang panggabi kami…”
“Di ko rin kasi alam sa Linggo, alam ko mamimili sina mama at aling Pacing para doon sa business nila.”
“Business? May business sina nanay at aling Pacing?” Tanong ni Francis.

Sandali namang tumigil si Linda nang marinig ang itinanong sa kanya ng binata.

Yumuko na lamang ito habang nilalaro ang tinidor na nasa kanyang plato.

“Sige na babes… Pramis sa Linggo, aalis tayo.”

Marahang tumango ang magandang babae bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kanyang boyfriend.

“Yes! I love you babes… the best ka talaga!”

Pangiti-ngiti na lang si Linda at kinukontrol ang kanyang sariling upang hindi magalit kay Francis.

“Itetext ko na lang si nanay…” Mahinang tugon ng babae.

Tila hindi na rin siya nadinig ni Francis at patuloy pa rin ito sa pagtingin sa kanyang cellphone. Hindi na rin napapansin ng binata ang pagkabatrip ng kanyang girlfriend.

Alas dos y media ng tanghali, nagkukuwentuhan sina Nessa at Linda sa may sala habang si Francis naman ay himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog.

Ayaw istorbohin ni Linda ang kanyang boyfriend dahil alam nitong puyat na puyat ito sa kanyang pagtatrabaho.

“Ayos na pala ang kalagayan ni Francis sa opisina nila ano?”
“Oo nga ehh… Mabuti na-regular siya agad.”
“Eh sobrang galing din naman kasi niya. Lahat naman puwedeng humanga diyan sa boyfriend mo. Matalino, mabait…”

Napayuko naman si Linda habang hinihimas ang kanyang tiyan.

“Atleast di ba? Mayroon ka nang pampanganak. Laking tulong na rin iyon.”
“Oo nga Nessa eh… Pero alam ko namang makakaraos din tayo.”
“Kaya nga sinasabihan ko si Michael, na huwag na muna masyadong maghihingi kay Francis. Alam ko naman kung gaano kalaki ang gastos sa panganganak na yan.”
“Naku hayaan mo na… Sina kuya Michael at Francis naman ang may usapan dun.”
“Naku! Nakakahiya ano…”
“Hindi niyo naman kailangang mahiya. Makakatapos din yang si kuya Michael.”
“Ewan ko ba dun! Dapat kasi inayos niya pag-aaral niya dati. Eh di sana ngayon maayos din trabaho niya at hindi lang tricycle driver.”
Ngumit na lang si Linda kay Nessa kahit hindi niya nagustuhan ang mga sinasabi nito.

“Hindi naman ba nahihirapan si Francis sa trabaho niya?”
“Hmmm… Parang hindi naman…”
“Ayos kasi yang boyfriend mo. Madiskarte sa buhay. Tsaka parang sobrang daming alam… Super talino.”
“Oo nga eh… Alam mo, nung magkaklase pa kami dati sa college, talagang hinahangaan siya ng mga kaiskuwela namin.”
“Eh sino ba namang hindi hahanga sa kanya? Gwapo na, matalino pa, tapos mabait pa.” Sagot ni Nessa.

Maya-maya ay bigla namang dumating galing eskuwela si Michael.

“Ako ba yang pinag-uusapan niyo? Hehehe…” Birong tanong ng binata.
“Naku, Michael, sobrang layo! Huwag ka nang umasa.” Saad ni Nessa.

Natawa naman si Linda sa biruan ng dalawa.

“Alam ko naman eh… Si Francis nanaman yang pinagkukuwentuhan niyo. Hehehe… Siya lang naman ang gwapo, matalino, mabait, simpatiko…”
“Buti alam mo, honey! Hehehe…”
“Duda na ako sayo honey ha… Selos na ako… Hehehe…”
“Hay naku! Dapat gayahin mo yang si Francis. Galingan mo diyan sa pag-aaral mo at nang ma-promote ka agad-agad!”

Napatingin naman si Michael sa girlfriend ng kanyang kapatid.

“Talaga Linda? Napromote na si kambal?”

Tumango at ngumiti na lang ang magandang babae.

“Wow! Astig talaga niyang kambal ko! Bago pa lang sa trabaho niya, na-promote agad!”
“Kaya nga ikaw honey, magsumikap ka at galingan mo. Hindi yung tatanga-tanga ka.” Saad ni Nessa.
“Aray naman honey! Sakit mo naman magsalita…”
“Hihihi… Joke lang… Lab yu!” Bawi ni Nessa kay Michael.
“Tulog ba si kambal? Ikocongratulate ko sana…”
“Oo tulog pa si Francis.”
“Ahh ganun ba? Astig talaga niyang utol ko. Natutuwa ako para sa kanya… Para sa inyo…”
“Salamat kuya Michael.
“Hay naku honey! Dapat ganyan ka din, katulad ni Francis. Hinahangaan ng lahat.”
“Honey. Iba naman kasi si kambal. Bata palang kami eh henyo na yan. Biro mo, halos lahat ng babae sa eskuwelahan namin siya ang gusto. Kahit nga saan mo ilagay yan si kambal eh pagguguluhan yan ng mga chicks! Malamang pati sa opisina nila eh maraming nagkakagusto sa kanya… Hehehe.”

Maya-maya ay siniko ni Nessa si Michael sabay nguso kay Linda.

“Ah eh… Wala naman akong ibang ibig sabihin dun.”
“Hay naku Linda, pagpasensyahan mo na lang itong si Michael. Puro babae lang kasi nasa isip niyan. Kung magpapalda nga siguro ang poste, eh papatulan niyan.”
“Sobra ka naman honey…”
“Halika na nga, akyat na tayo. Magpapadede pa ako ng bata.”
“Padede din..” Biro ni Michael.

Napailing at natawa na lang si Linda sa kakulitan ng dalawa.

Sinundan niya ng tingin sina Michael at Nessa habang papaakyat ito sa kanilang kuwarto.

Maya-maya ay inilock na niya ang pintuan ng bahay at nagpasya na rin siyang puntahan ang natutulog na boyfriend.

Dahan-dahan niya itong nilapitan sa kama at inayos ang electric fan upang itutok sa pinagpapawisang si Francis.

Hanggang sa marinig nitong tumunog ang cellphone ng binata.

Tinignan niya ito at mayroong limang mensaheng hindi pa nababasa.

Nilingon niya si Francis bago nito ibinaba ang cellphone. Inisip niyang huwag na lang ito basahin at magtiwala sa kanyang boyfriend.

Habang naka-upo ay naaalala niya ang mga katagang sinabi nina Michael at Nessa.

Alam nilang dahil sa kahusayan at tindig ng kanyang boyfriend ay talaga namang maraming magkakagusto sa kanya.

Kung kaya’t hindi nito maiwasang mag-isip at mag-alala sa kanyang boyfriend, lalo na’t hindi pa sila kasal nito.

Maya-maya ay tumayo si Linda at dahan-dahang nagtungo sa kinalalagyan ng cellphone ni Francis.

Tinignan muna nito ang boyfriend kung tulog na tulog pa ito, at saka pinindot ang menu button para mapuntahan ang mga messages dito.

Nakita ni Linda ang mga sunod-sunod na mensahe mula sa isang numero. Hindi naka-save ang numerong ito sa contact list ng binata.

Inunang basahin ni Linda ang mga lumang mensahe galing sa numerong ito. Ayaw niya kasing buksan ang mga bagong text messages at baka makahalata ang kanyang boyfriend.

+639157478+++: Nakauwi ka na?
+639157478+++: Hehe! Mabuti naman. Kain ka na ng madami.
+639157478+++: Sa Sat. Sama daw si Dennis sa grocery. Agahan natin ha?
+639157478+++: Maaga pala ako mamaya, what time ka punta office?
+639157478+++: Ok. Sige ikaw na bumili, bayaran kita mamaya o kaya naman libre mo na. 

Sandaling tumigil si Linda sa pagbabasa.

Tila pinagpapawisan ito at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.

Kinukontrol nito ang kanyang sarili habang pinag-iisipang basahin ang mga bagong mensahe para kay Francis.

At nang akmang bubuksan na niya ito ay biglang gumalaw ang kama at agad niyang binitawan ang hawak na cellphone.

Nagkunwari itong lalabas ng kuwarto upang hindi mahalata ni Francis.

“L-l-linda?”

Dahan-dahang nilingon ng magandang babae ang binata.

“San ka punta? Halika rito sa tabi ko…”
“Ah eh… magbabanyo lang ako…”
“Okay… Ingat ka at balik ka kaagad ha… Love you…”

Tila ay hindi maihakbang ni Linda ang kanyang dalawang paa. Nararamdaman niya ang pagkamanhid ng mga ito.
Lumabas na siya ng silid at dahan-dahang naglakad patungo sa banyo.

Alam niyang hindi nagsasabi ng totoo si Francis. Na hindi lalaki ang kanina pang katext ng kanyang boyfriend.

Maya-maya ay umupo na ito sa bowl at pilit na pinapakalama ang kanyang sarili.

Ayaw nitong mawala ang tiwala kay Francis, at alam niyang hindi dapat siya mag-alala sa pagmamahal ng binata sa kanya.

At kahit na may pangamba sa kanyang dibdib, ay mas minabuti na lang nitong manahimik at ipanatag ang sarili.

TGIS ang bagong TGIF para sa aming mga empleyadong nasa graveyard shift.

Parang nga daw kaming mga bampira. Tulog sa umaga at gising na gising sa gabi.

Ito na ang naging buhay namin sa halos dalawang buwang pananatili sa opisina.

At ngayong Sabado… It’s time to relax… It’s time to Party!!!!!

Tugs…Tugs…Tugs…Tugs…Tugs…Tugs…Tugs…Tugs…Tugs…

Halos mag-aalasais ng gabi na kami nagkita-kita nina Dennis at Sky.

Sabay-sabay na kaming nagpunta sa isang grocery stor sa tabi ng condo ng aming nag-iisang babaeng batchmate.

Siyempre, hindi nanaman maiiwasan ang kulitan at asaran habang namimili.

Mukhang sasagarin nila nag budget ko para sa party na ito.

Sampung boteng san mig light.
Labindalawang boteng red horse beer.
Labindalawang pale pilsen in can.
Isang bote ng vodka.
Iba’t ibang uri ng tsitsirya.
Dalawang plastic bag ng mani.
Tatlong pakete ng yosi.
Anim na cup noodles.
Anim na pancit canton.
Isang chocolate bar. (para kay Sky)

Halos sakto lang sa production bonus ko.

Pero hindi na bale. Alam ko namang mababawi ko yun lahat.

Gusto ko lang din mapasaya ang mga batchmates ko. At alam kong magiging masaya ito.

Nilutuan naman kami ng makakain ni Sky.

Pritong hotdog at corned beef.

Siyempre, naghapunan muna kami bago ang inuman.

Hanggang sa hindi ko na lang namamalayan na nagkakasarapan na pala kami sa tawanan, kuwentuhan at kantahan.

Inuna naming itumba ang san mig light. Pagkatapos noon ay inubos na namin ang pale pilsen at ang red horse beer.

May mga kasamahan akong sumusuka na sa sobrang kalasingan.
Mayroon din namang sobrang tatag at tila hindi natitinag at panay pa rin ang inom.

Hanggang sa umabot na kami sa finale… ang vodka.

“Okay, guys… I think it’s about time…” Sabi ni Dennis habang nakatayo.

“Uwian na? Aga naman!”
“No guys… Mamaya pa tayo uuwi… I said, it’s time for body shots!!!!!”

Nagsigawan at nagtawanan naman ang lahat nang sabihin iyon ng isa naming kasamahan.

Habang ako naman ay tahimik lang sa isang tabi at pinapanood sila.
Hindi ako madaling malasing. Sanay din kasi ako sa tuwing nag-iinuman kami ni kuya Michael.

“Who wants to go first?” Tanong ni Jhojo.

Walang umiimik sa amin, hanggang sa may isang taong nag-volunteer.

“Me!”

Agad namang tumayo si Sky.

Napanganga kaming lahat nang tumayo si Sky. Agad nito hinubad ang suot na t-shirt at itinira lamang ang kanyang manipis na sando.

Kitang-kita naman ang itim niyang bra sa loob.

“And who is going to be your first victim?”
“Francis.”

Nagulat ako nang piliin ni Sky ang pangalan ko…

Okay sige…

Pinangarap ko talagang ako ang tawagin ni Sky.

Katuwaan lang naman, at hmmm… Masaya to!!!

“A-a-ako?” Maang-maangan kong tanong.
“Francis tayo ka na diyan!”

Hinila nila ang dalawa kong kamay at pinapunta sa harap.

“Take it off! Take it off!!!”

Sabay sabay silang sumisigaw at wala akong madinig sa sobrang ingay.

Maya-maya ay ibinigay sa akin ang isang shot ng vodka.

Bahagya niyang itinaas ang kanyang sando at naglagay ito ng asukal sa kanyang bandang tiyan.

“Are you ready Francis? Inom na!”
“Shot! Shot! Shot! Shot!”

Ininom at inubos ko ang lamang vodka sa shot glass at naramdaman ko ang lasa nito, sabay ng pagguhit sa akin lalamunan at dibdib.

Agad kong ibinaba ang aking mukha papunta sa tiyan ni Sky at dinilaan ang asukal doon.

Nagsigawan at nagtalunan ang lahat ng gawin ko iyon.

Naramdaman ko ring nakilit si Sky dahil biglang lumiit ang kanyang tiyan ng humagod na ang aking dila dito.

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. Alam ko namang walang malisya iyon sa kanya.

Maya-maya ay lumapit siya sa akin at pilit na tinatanggal yung t-shirt ko.

“Take it off! Take it off!”

“Take it off daw Francis… hehehe…” Pilyang saad sa akin ni Sky.

Hindi ko alam ang gagawin ko, pero hinubad ko na lang din ang aking damit.

Hanggang sa si Sky na mismo ang naglagay ng asukal mula sa aking dibdib patungo sa kanang tagiliran ko.

Shet! Sabi ko.

Alam kong matindi ang kiliti ko dito.

Doon pa lang ako kinabahan.

Sobrang bilis ng pangyayari at naubos agad ni Sky ang vodka sa shot glass niya at lumapit sa aking dibdib.

Nakatingin siya sa akin habang inilalabas niya ang kanyang dila, sabay hagod nito sa aking dibdib.

“aaaaaaaahhhh…”

fall! Napaungol ako sa sobrang kiliti.

Dinadahan-dahan niyang dilaan ang dibdib ko hanggang sa umabot ito sa aking tagiliran.

At ang masama pa dun…

Napahawak ako sa kanyang ulunan.

Nagsigawan ang lahat at nagtinginan.

“Foul! Foul yan… No hands pre! Hahahaha!”

Shit!

Hindi ko talaga naiwasan. Sobra ang kiliti ko sa parting iyon ng aking katawan.

At nang tinignan ko si Sky, parang wala lang sa kanya iyon.

“More! More! More!”

Nagisisigawan ang lahat.

Binigyan agad nila ako ng alak, at nang titignan ko kung saan at ano ang kakainin ko pagkatapos, nakita kong inilagay ni Sky ang lemon sa kanyang bibig.

Nagtayuan at lumapit sa amin ang lahat.

Para kaming mga nagpapalabas sa perya, naalala ko. Talagang nakatitig sila sa kung anong mangyayari sa amin pagkatapos.

Pinanlalakihan ko ng mata si Sky. Pero parang hindi niya ito pinapansin.

Nakapamewang na lang ito at parang hinihintay pa ako na gumawa ng hakbang.

“Shot! Shot! Shot! Shot!”

Nagsisigawan sila.

Nadedemonyo na din ako.

Bahala na… Sabi ko sa aking sarili.

Ininom ko ang vodka sa aking shot glass.

At agad lumapit sa bandang labi ni Sky.

Sinipsip ko ang lemo na nakapasak sa kanyang bibig.

Nakadilat ako, pero nakapikit siya.

Blanko ang tingin ko sa paligid.

Kahit sobrang maingay, ay pakiramdam kong kaming dalawa lang ni Sky ang naroroon.

Patay!

Tinamaan na rin yata ako ng alak.

Tinanggal ko ang labi ko sa kanyang malalambot na labi.

Nakita ko naman siyang tinanggal ang lemon na nakapasak sa kanyang bibig.

Kinabig niya ang batok ko papalapit sa kanyang mukha.

At doon ko na lang tuluyang naramdaman ang tamis ng kanyang labi.

Hinalikan niya ako…

Hinalikan ko rin siya…

“Linda?”

Napalingon si Linda sa may hagdan at pilit na inaaninag ang taong nasa dilim.

Nakahiga siya sa may sofa at ipinapahinga ang kanina pang tila pagod na katawan.

“Kuya Michael? Naandito ako sa sofa.”
“Oh! Bakit gising ka pa?”

Inilawan ni Michael ang bandang kusina upang magkaroon ng kaunting liwanag sa bandang sala.

“Hindi kasi ako makatulog eh…”
“Huwag mong sabihing hinihintay mo si kambal?”

Ngumiti na lang si Linda at umayos ito ng upo sa sofa.

Lumapit naman sa kanya si Michael at umupo sa tabi ng kinauupuan ni Linda.

“Huwag mo nang hinatayin yun. Uumagahin yun tiyak! Tsaka, mas importanteng makapagpahinga ka, para sa iyo at sa baby. May susi naman yun si kambal.”
“Oo kuya Michael. Dito na lang muna ako habang hindi pa ako inaantok.”
“Malamok kaya dito. Doon ka na sa kuwarto.”
“Hindi… Okay lang ako dito.”
“Sigurado ka?”
“Oo… Salamat.”
“O sige… Sabi mo eh… hehehe…”

Aakyat na sana ng hagdan si Michael nang bigla itong pigilan ni Linda.

“Kuya… Puwede magtanong?
“Magtanong? Oo naman… Tungkol saan?”
“Ahhh… Kasi… Ano eh….”

Agad na bumalik si Michael sa sofa upang pakinggan si Linda.

“Ano? Huwag kang mahiya. Kahit anong tanong mo, sasagutin ko… Huwag lang math… Hehehe…”

Napangiti naman si Linda sa biro ni Michael.

“Kasi… Tungkol kay Francis…”
“Oh… Anong tungkol kay kambal?”
“Kasi… Nag-aalala ako… Baka kasi ano…”
“Ano?”
“Parang kasing may hindi siya sinasabi sa akin… Parang nagsisinungaling siya…”

Sandaling natigilan si Michael habang iniisip kung ano ang nais ipahiwatig ni Linda.

“Kasi… alam mo na, doon sa office nila… Baka kasi… Parang kasing may ano… may something… may someone pala..”

Napangiti na lang si Michael sa girlfriend ng kanyang kapatid. Tila naintindihan na niya ang gustong sabihin nito.

“Alam ko na… Iniisip mo sigurong may chicks si kambal ano?”
Tumango si Linda kay Michael.
“Malabong mangyari yan. Hindi ganyan si kambal.”
“Kasi… May text ehh…”
“Linda… Maniwala ka sa akin… Walang ibang babae yang si Francis. Alam ko ang takbo ng bituka niyan. Alam kong loyal yan sa taong mahal niya.”

Napayuko na lang ang magandang babae habang pinapakinggan si Michael.

Nag-iisip naman ang binata kung papaano mapapatunayan ang kanyang sinasabi kay Linda.

“Alam mo… Hindi ugali ni Francis yang ganyan. Kung sa akin, puwede pa. Eh siya, hindi talaga. Walang ganoong pag-uugali si kambal. Stick to one yan. At subok ko na ang loyalty niyan.”
“Pero…”
“Gusto mo malaman ang isang sikreto? Pero sa ating dalawa lang yun ha… Huwag mo ikuwento kay kambal…”
“Oo sige… Ano yun?”
“Dati kasi… Mayroon akong niligawan na babae… Tapos yung babaeng yun, ang trip si kambal… Kahit hindi nila alam na nararamdaman kong may gusto itong babae sa kanya, kahit kailan hindi niya binibigyan ng motibo. Walang ibang nagustuhan yang si kambal, maliban sa iyo. Ikaw nga ang first and only girlfriend niyan eh. Hehehehe…”
“Alam ko naman po yun…”
“Kaya nga… Ganun si Francis. Loyal siya. At hindi siya gagawa ng paraan para pagdudahan at sakatan ang mga taong mahal niya at nagmamahal sa kanya… Okay ba yun?”

Tumango uli si Linda at sabay nginitian si Michael.

“Kaya huwag ka nang mag-aalala pa. Walang ibang babae si Francis. Ikaw lang Linda… Ikaw lang…”
“Okay…”
“Tsaka, huwag kang masyadong nag-iisip ng masama… Alam mo na, hindi yan makakabuti sa kundisyon mo.”
“Opo…”
“At puwede rin ba ako humingi ng pabor?” Tanong ni Michael.
“Ano po yun?”
“Puwede bang Michael na lang itawag mo sa akin at wala nang kuya? Tsaka huwag mo naman akong i-Po at Opo… Hehehe… Hindi naman ako sobrang tanda…”
“Hihihihi… Okay… Michael.”
“Salamat… Linda… hehehe… Matulog ka na… Halika sabay ka na sa akin.
“Sige…”

Tila napakalma ni Michael ang pagaalinlangan ni Linda at inihatid na niya ang girlfriend ni Francis sa kuwarto.

Sinisikap na lamang ni Linda na huwag nang isipin ang mga nabasa nitong text messages. Mas pinili na lang nitong magtiwala kay Francis at sa mga sinabi ng kapatid nito.

Dahan-dahan siyang humiga sa kama at marahan nitong hinihimas ang kanyang tiyan.

“Sleep na tayo baby ha… Huwag na muna natin hintayin si daddy…” Bulong ni Linda sa kanyang sarili.

Ipinikit nito ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

Alas-siyete ng umaga nagising si Linda.

Pagbukas niya ng kanyang mga mata ay napansin niyang wala pa rin si Francis sa kanyang tabi.

Agad itong bumangon sa kama at nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Nag-aalala ito kung bakit hindi pa nakakauwi ang kanyang boyfriend.

Nang makarating na ito sa sala ay nakita niya nakadapang nakahiga si Francis sa sofa.

Natuwa siya nang makita niya ang binata at sinikap niyang tahimik at dahan-dahang lumapit kay Francis.

Ayaw niya itong magising at maistorbo sa pagtulog.

Nakatitig lang ito sa kanyang boyfriend at pinapanood ang pagkakahimbing nito sa sofa.

Maya-maya ay nakita niya ang cellphone ni Francis na gumagalaw.
Naka-silent mode ito ngunit naka-vibrate, kung kaya’t gumagalaw ito habang nakapatong sa lamesa.

Kinuha niya ito at nakitang may tumatawag pala kay Francis.

Agad niya itong sinagot, at bago pa siya nakapagsalita, ay naunahan na siya ng isang babae sa kabilang linya.


Calling…
+639157478+++:
Hello, Francis… Sorryyyy!!! Sorryyy talaga!!!! Ngayon ko lang nalaman nung nakita ko yung text ni Dennis…Hindi ko sinsadya yung pagkakahalik ko sayo…Nakakahiya…..Hehehehe….Pero… Nag-enjoy naman ako…..hanep ka pala humalik……Hihihihi…Hello?! Francis??? Hello!!!! Hoooyyyyy!!! Hello?”

Dahan-dahang ibinaba ni Linda ang cellphone ng binata.
Tila wala ito sa kanyang sarili habang pumapanhik patungo sa kanilang kuwarto.

Hindi nito nakontrol ang sarili at napaluha siya nang marinig ang mga sinabi ng babae sa kabilang linya.

Pilit niyang pinapatahan ang kanyang sarili dahil alam nitong makakasama ito sa kanyang pagbubuntis.

Nanginginig siya.

Galit na galit ito kay Francis.

At tila galit din siya sa kanyang sarili.

Ngayon ay nakumpirma na niyang babae ang katext ng kanyang asawa nitong mga nakaraang araw.

Alam na rin niyang nagsisinungaling sa kanya si Francis.

Hindi niya rin maalis sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Michael, at napasinungalingan niya ito.

Ayaw na niya sanang maniwala.

Ngunit dinig na dinig niya ang sinabi ng babaeng iyon, isang matibay na ebidensya ng pambababae ng kanyang boyfriend.

Halos ilang oras din siyang nanatiling nakahiga sa kama, hanggang sa pumasok na sa loob ng kuwarto si Francis.

“Babes?”

Hindi naman sumagot si Linda at tinalikura ang lalaki.

“Babes… Pupunta pa tayo kina nanay di ba? Linggo ngayo… Yung pramis ko sayo… Tara na…”

Tila nagbibingi-bingihan naman ang magandang babae at hindi niya pa rin pinapansin si Francis.

“Babes? Okay ka lang ba?”
“Masama pakiramdam ko…” Maikling sagot ni Linda.

Kinapa naman ni Francis ang noo at leeg ng babae at tila mainit nga ito at nilalagnat.

“Naku babes, may sinat ka yata…”

Tumalikod ulit si Linda sa kanyang boyfriend.

“Sandali lang, bibili ako ng gamot ha…”
“Isama mo na rin yung pinapadala ni nanay. Sabihin mo na lang na hindi tayo makakapunta.” Bilin ni Linda.

“Oh sige babes, ligo lang ako, tapos alis na rin ako agad. Love you…” Malambing na saad ni Francis.

Hindi naman natitinag si Linda. Patuloy pa rin ito sa pagtalikod sa kanyang boyfriend.

Nasa isipan niya pa rin ang babaeng nakausap sa cellphone ni Francis.

At lubha niya itong dinadamdam.

Gusto niya munang iwan siya ni Francis mag-isa upang makapag-isip.

At dahil din sa galit, ay gusto niya munang lumayo sa kanyang tabi ang binata.

Nang nakaalis na si Francis ay panay pa rin ang iyak ni Linda.

Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong selos mula noong naging magkarelasyon sila ni Francis.

At katulad ng sinabi sa kanya ni Michael, wala sa ugali nito ang manloko.

Kung kaya’t sobrang sakit ang nadama ni Linda at pakiramdam nito’y nilinlang siya ni Francis.

Samantala, si Francis naman ay dumiretso agad sa bilihan ng gamot.

Mayroong inireseta ang kanilang duktor na gamot para kung sakaling lagnatin o magka-sakit si Linda.

Sumakay pa ito ng isang jeep upang daanan naman ang nanay ng kanyang girlfriend at iniabot ang bilin nito.

“Pasensya na po nanay… Baka sa susunod na linggo na lang kami makakatulog dito.”
“Sige okay lang naman yun. Kahit anong araw, puwede kayo dito.”
“Hindi lang talaga kinaya ng oras ko… Tapos medyo masama daw pakiramdam ni Linda.”
“Napano kaya yun? Masama pa naman ang nagkakasakit kapag buntis.”
“Oo nga po eh… Nag-aalala po ako.”
“Hayaan mo, pagkatapos namin mamili ni mareng Pacing, eh pupunta ako sa bahay ninyo para dalawin si Linda.”
“Sige po. Kayo po bahal. Puwede naman po kayo matulog doon.”
“Ah ganun ba? Sige kung ganon… Medyo busy lang din sa bagong business…”
“Oh sige po nanay, alis na po ako. Para makainom na ng gamot si Linda.”
“Oh sige anak, kaawaan kayo ng Diyos.”

Nagmamadaling umuwi ang binata sa kanilang bahay. At habang nasa jeep ito, ay biglang nagring ang kanyang cellphone.

Tumawag si Nessa kay Francis at ibinalita ang nangyari sa kanyang asawa.

Tila tumigil ang paligid ng binata ng marinig ang masamang balita galing kay Nessa.

Hindi niya malaman kung bababa siya ng jeep o hindi. Parang gusto na nitong takbuhin mula sa kanyang kinaruroonan patungo sa ospital.

Minabuti na lang niyang sumakay ng taxi upang mas mapabilis ang kanyang biyahe patungo sa ospital.

Panay ang dasal nito na gabayan at iligtas ang kanyang girlfriend sa kahit anong kapahamakan.

Mabilis na tumatakbo si Francis papasok ng ospital.

Sobrang lakas ng kabog ng kanyang puso habang hinahanap ang information center, upang mapagtanungan.

Nang nakarating siya dito ay agad na tinanong ang kinalalagyan ng isang pasyente.

Hinanap naman ng nurse na nasa information desk sa kaniyang computer ang pangalan na sinabi ni Francis.

Isinulat niya ito sa papel at iniabot sa binata.

Nagmamadali namang pumunta sa hintayan ng elevator si Francis, at nang mapansin nitong napakaraming taong nag-aabang, ay agad niyang hinanap ang fire exit at nagpasyang maghagdan na lamang.

Nasa pang-limang floor lang naman ang pasiyenteng kaniyang hinahanap.

Hindi inalintana ng binata ang pagod at paghingal, sa halip ay lalo pa itong nagmadali sa pag-akyat.

Maya-maya ay sandali itong tumigil nang marating ang ikalimang baitang ng ospital.

Sinisikap na makahinga ng maayos at pinapakalma ang kanyang sarili.

Hanggang sa tinulak nito ang pintuan ng fire exit at tuluyang pumasok upang simulang hanapin ang room 511.

Nasa malayo pa lamang si Francis ay agad nitong natanaw ang kanyang kuya Michael.

Napatayo naman ang kanyang kapatid nang makitang papalapit sa kanya ang binata.

“Anong nangyari kuya? Anong nangyari kay Linda?”
“Nag-aantay pa ng resulta kambal… Hindi ko rin alam, pero bigla siyang dinugo ehh…”

Para namang umikot ang paningin ni Francis at napasandal sa dingding ng ospital.

Latang-lata siya sa pagod at pag-aalala para sa kanyang girlfriend at sa dinadala nitong baby.

Pinaupo siya ng kanyang kapatid at binigyan niya ito ng maiinom.

“Magpakalakas ka kambal… Kailangan ka ni Linda…”
“Anong nangyari? Kanina masama pakiramdam niya, sana hindi ko na lang siya iniwan…”
“Tama na kambal. Mabuti na lang at tinignan siya ni Nessa sa kuwarto niya. Ayaw kasi niyang bumaba para kumain ng agahan.”
“Ano bang nangyayari? Natatakot ako kuya…”
“Tibayan mo yang loob mo kambal. Magiging ayos din ang lahat…”

Maya-maya ay lumabas na ang duktor na tumitingin kay Linda.

Agad nitong nilapitan ang dalawang lalaking nasa tapat ng silid.

“Sino po ang asawa ng pasyente?”
“Ako po…”
“Okay na ngayon si misis. Nagkaroon ng bleeding dahil sa dehydration at stress. It is good na idinala niyo siya dito para ipatingin. Dahil kahit simpleng pagdudugo lang eh dapat naman masuri iyon. Nagkakaproblema ba kayong mag-asawa ngayon?”
“Po? Wala po…”
“Good. Makakasama kasi sa kanya iyon. Iwasan niyo ang pagbibigay ng emotional stress kay misis, dahil hindi makakabuti kung maiistress siya habang nagbubuntis. And also, binigyan ko siya ng proper medication dahil medyo may lagnat si misis.”
“Puwede ko na po ba siya puntahan dok?”
“Yes. Puwede na.”
“Salamat po.”

Agad na pumasok si Francis sa silid upang tignan ang kanyang girlfriend.

Naghintay na lamang si Michael sa labas at hinayaang makapag-usap sina Francis at Linda.

“Linda… Ano nang pakiramdam mo? Umokay na ba?”

Hindi naman sumasagot ang magandang babae at ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang paningin.

“Kaninang umaga pa kita napapansin na parang galit sa akin… May problema ba tayo?”

“Doon muna ako kina nanay. Nagtext na ako sa kanya, doon muna ako matutulog.”

“Sige, sasama ako.”

“Hindi na. Gusto ko mapag-isa.

“Linda…”

“Ang ayoko sa lahat, yung sinungaling. Bakit ka nagsinungaling sa akin?”

“Ano ba yun Linda? Hindi kita maintindihan…”

“Hindi mo maintindihan? Gusto mo bang ipaintindi ko sayo?”

“Oo… Para maayos natin ito… Hindi makakabuti sayo yang pinag-iisip mo…”

“Naalala mo noong tinanong ko sayo kung sino yung ka-text mo? Ang sabi mo sa akin, si Carl. Ayos pala si Carl ano? Tinatanong niya kung nakauwi ka na… Gusto niya pa na kumain ka ng marami… At higit sa lahat pati pagpasok mo sa opisina, gusto niya sabay kayo. At alam mo ba ang pakiramdam ng parang tanga? Yun yung akala mo lalaki yung makakausap mo sa telepono. Dahil yung Carl na yun, boses babae pala. Babae pala!”

Sandaling hindi sumagot si Francis at nakatingin lang ito kay Linda. Alam niyang siya ang nagkamali sa pagsisinungaling niya rito.

“Sorry… Sorry Linda… Hindi ko ginustong magsinungaling sayo… Ayoko kasing mag-isip ka ng kung ano-ano…”

“So, nakabuti sa akin yang pagsisinungaling mo? Okay ba ako ngayon?”

“Linda… Sorry na…”

“Sorry? Sorry na lang ba? Nakausap ko siya Francis. Dinig na dinig ko ang sinabi niya sa cellphone mo. Sabi niya, hindi daw niya sinasadya yung halik na yun kagabi. At parang nag-enjoy pa siya sa paghalik mo sa kanya… Tapos ngayon, sorry? Sorry?!”

“Walang nangyari… Walang ibang nangyari Linda…” Pagmamakaawa ni Francis.

Maya-maya ay may lumapit na nurse sa kanilang dalawa upang tignan kung ano ang ingay na nadidinig sa room 511.

“May problema po ba tayo?” Tanong ng nurse.

Hindi naman siya kinibo nina Francis at Linda, at agad naman isinara ng nurse ang pintuan.

“Mabuti na nga sigurong kina nanay na muna ako. Gusto ko pang mabuhay ang baby natin. At habang hindi pa tayo okay, doon muna ako. Lalayo muna ako sayo.” Saad ni Linda.

Hindi naman alam ni Francis ang kanyang gagawin.

Maling-mali ang kanyang ginawang pagsisinungaling kay Linda.

Agad itong lumabas ng silid at nasalubong nito ang nanay ni Linda.

Hindi na siya kinausap nito at dumiretso kaagad sa kinaroroonan ng kanyang anak.

ereimondb
Latest posts by ereimondb (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x