Reposted by dreamcatcher
Original Author: Manuel Calma
“Hmmm… bagay sila.” sa loob-loob
ko. “At least kilala namin si Vince.
Di nya lolokohin si Faye.” Si Vince. Pinakamatalino sa aming
4. Pinakamabait din sa tingin ko.
Di makabasag pinggan. Minsan,
mas mahinhin pa nga sya kaysa
kay ……Faye. Tahimik. Sobrang
tahimik di ko man lang napansin
na nagpaparamdam na pala kay
Faye. Smooth operator ang loko.
Mula sa harapan naman, lumabas
ang kamay ni James. May inaabot sa akin. Kinuha ko.
“Tang na!” sa isip ko. “Bra?!!”
Mukhang tinanggal ni Pebbles
ang bra nya. Malamang pinilit sya
ni James na gawin yun.
“Luku-luko talaga!” naisip ko. Si James, tsikboy ng grupo. Lagi
na lang may naika-kamang
babae. Mahilig kasi. Parang
kuneho, tira ng tira. Pero mabait
naman. Kung kinakailangan,
nagiging seryoso din. Pero madalas palabiro, makulit at
mapangasar.
Itinago ko ang bra. Ipapasoli ko
na lang kay Mabel ng patago
mamaya para di mapahiya si
Pebbles. Bumalik ulit ako sa pagtulog. Nagising ako nung
malapit na kaming bumaba. Gising
na ang lahat at nagayos na. Si
Mabel, nagpa-powder sa mukha.
Si Faye naman ganun din.
“Napasarap tulog mo honey ah” sabi ni Mabel.
“Hmmmmm oo nga eh” sangayon
ko.
Ngumiti lang si Mabel. Kinuha nya
ang bag nya, nagulat sya ng may
makita syang bra dun. Tumingin sya sa akin na parang
nagtatanong.
“Shhhhh” mahinang sambit ko
sabay turo sa harapan.
Nakuha kaagad ni Mabel ang
sinasabi ko. Binalik nya ulit ito sa kanyang bag.
Ilang saglit lang at bumaba na
kami sa terminal. Ang sakit ng
katawan ko sa haba ng biyahe.
May mga FX sa terminal at nag-
arkila kami ng isa papunta sa bahay na inupahan namin ng
limang araw. Malapit lang yung
bahay. May ilang minuto lang ang
nakarating na kami doon.
Medyo may kalumaan na ang
bahay. Ito lagi ang inuupahan namin tuwing magbabakasyon
kami sa Baguio ng grupo. Kakilala
namin kasi ang may-ari. Kaibigan
ng tatay ni Faye ang nagpapa-
renta. So may kaunting discount
kapag inuupahan namin. Apat ang kuwarto ng bahay. Usually tigi-
isa kaming kwarto nina James,
Vince and Faye. Pero ngayong
may mga kasama kami, di ko lang
alam paanong set-up.
“Ops, ops, ops, amin ni Pebbles yung kwartong malaki.” sambit ni
James.
“Ok. Ah, Mabel, sama ba tayo ng
kwarto o ano?” tanong ko.
“Sama tayo Jun. Mukhang
kakatakot ang bahay eh” “Ha ha ha di no. Di naman
haunted house yan. May
pagkaluma lang pero ok naman”
sagot ko.
“Basta, sama na lang tayo.”
pagpupumilit ni Mabel. “Ok, ok. Tutal mag-girlfriend-
boyfriend naman tayo eh” sabi
ko.
“Ah eh… Ako dun ako isang
kwarto sa taas” singit ni Faye.
“Vince, ok lang ba sa yo na kami ni Mabel sa taas na rin?” tanong
ko
“Ha eh…” sumulyap si Vince kay
Faye. “Oo naman. Sa kwarto sa
basement na lang ako”.
Apat na kwarto. Tatlo sa second floor. Isa sa basement.
“Achhooo chooo choooo! Di pa
kasi aminin eh” alaska ni James.
Tumingin lang si Faye kay James.
Inis na inis. Si Vince naman
napapakamot sa ulot nangingiti Nagpuntahan na kami sa aming
mga kwarto. Pagkapasok namin
sa kwarto ni Mabel, nahiga ito sa
kama.
“Jun, pahinga lang ako ha”
“Sure” sabi ko. Nilabas ko ang mga gamit namin
sa bag. Kinuha ko ang dala
naming comforter at bed sheet.
“Hon, tayo ka muna dyan. Lagyan
ko muna ng bed sheet yan” sabi
ko. Tumayo si Mabel at tinulungan
nya akong ilagay ang bed sheet
at ipatong ang comforter.
Pagkatapos, bumalik sya sa
pagkahiga. Napagod sa haba ng
biyahe malamang. Tinuloy ko ang pagaayos ng gamit. Ang mga
damit namin ay nilabas ko ay
hinanger at nilagay sa mga
kabinet. Pagkatapos kong
magayos, tinignan ko kung tulog
si Mabel. Ng masiguro kong tulog, lumabas ako ng kwarto. Dumaan
ako sa kwarto ni Faye. Bukas
ang pinto pero walang tao.
“Malamang nasa baba na” sabi ko
sa sarili.
Bababa na sana ako ng may marinig akong ingay sa kwarto ni
James.
“Unnngggghhhh”
“Parang ungol yun ah” isip ko
“Ohhhhhhh, oooohhhhhh,
fuuuccckkkk meeee… Jaaaammmmmeeesss”
“Ungol nga. Si Pebbles malamang.
Tang nang James to. Ang libog
talaga. Di man lang nagpahinga”
sa loob-loob ko.
Grabeng umungol si Pebbles. Ang lakas. Rinig na rinig mula sa labas.
“Ha ha ha kaya siguro bumaba
itong si Faye” natatawang sabi
ko sa sarili. “Narinig siguro ang
kalaswaan sa kabilang kwarto.
Tabi-tabi kasi ang kwarto ….sa
taas. Si James ang sa gitna.
Bumaba ako. Sa sala, nandun si
Faye.
“Faye, si Vince?” tanong ko
“Jun ha, pati ikaw. Napipikon na ako” sagot ni Faye
“Ha? Bakit? Ano bang problema?”
nagtataka kong tanong
“Eh kasi di nyo na kami tinigilan.
Inaalaska nyo kami ni Vince”
sagot nya. “Ano ka ba naman, Faye? Wag ka
ngang magsungit dyan. Di ka na
mukhang engkantada nyan”
pagbibiro ko.
Nangiti si Faye. Lokohan namin na
si Faye ang diwata dun sa palabas na “Okay ka, Fairy ko.”
“Si James kasi. Nakakainis”
“Ano ka ba? Di ka na nasanay
kay James. Ganun talaga yun.”
kako
“Eh oo nga. Ewan ko ba bakit affected ako lately sa mga biro
nya”.
Tahimik lang kami pareho.
“Jun, ok lang ba?”
“Ang alin, Faye?”
“Kuwan….” di matuloy ni Faye “Alam mo, kung ang sa inyo ni
Vince, ok na ok. Masaya ako
para sa inyong dalawa” nakangiti
kong sagot.
Ngumiti si Faye. Yung ngiti na
masayang-masaya. “Talaga?” ulit nya
“Oo naman. Nung nasa bus nga
eh nung tulog kayong dalawa,
natignan ko kayo. Bagay kayo”
Namula si Faye.
“Kayo na ba?” diretso kong tanong.
“Hmmmm… o… o… oo” nahihiyang
sagot ni Faye.
“Yun naman pala eh. Congrats
Mare.” masaya kong sambit
Sakto parating si Vince. “Hoy kups, halika nga rito” tawag
ko kay Vince.
“Ha, eh, bakit Jun?” tanong nya
“Ikaw ha, pag pinaiyak mo itong
si Faye, papasakan namin ni
James ng bote ang butas ng puwet mo” pabiro ko.
“Ha? Eh?” tumingin si Vince kay
Faye.
Ngumiti si Faye at sinabing, “Oo,
alam na nya. Inamin ko na kay
Jun” Parang nakahinga na maluwag si
Vince.
“Haaayyyy… salamat…”
nakangiting bigkas ni Vince
“Bakit ka nagpapasalamat?”
Napatingin kaming tatlo. Si James. Kakababa lang.
“Sabihin nyong dalawa kay James
ang balita” sabi ko kina Faye and
Vince
“Anong balita? Faye? Vince?”
“Eh, James…. kami na ni Faye” sabi ni Vince
“Woooowwww! Congrats pare.
Pero seryoso, anong gayuma
ginamit ni Faye para maakit ka?”
pangaalaska ni James.
“Jaaaammmmeesss!!!” sigaw ni Faye
“Ha ha ha biro lang. Alam mo
naman na mahal kita sis. So
masaya ako para sa inyo ni
brother Vince” sabi ni James.
Nangiti ang dalawa. Naupo kaming apat sa sala at
nagkuwentuhan ng
nagkuwentuhan. Di namin
napansin na maga-alas sais na
pala ng gabi.
- Foreplayer - October 6, 2024
- Init Last - September 26, 2024
- Init 27 - September 26, 2024