PEPE 23

razel22
PEPE

Written by razel22

 


PEPE 23

 

18+

 

BY: RAZEL22

 

 

Rodolf and Cindy Story Part 4

 

 

 

Sa kadiliman ng gabi na kung saan ay may malakas na pagbuhos ng ulan, nakakabinging kulog at nakakasilaw na kidlat. May mga pusong labis na nadudurog dahil sa nangyaring trahedya sa pamilya Sarmiento.

 

Pabagsak na napaluhod si Rodolf sa tabi ng bangkay ng mga magulang ng kanyang kasintahang si Cindy. Gusto niyang magpaliwanag at sabihin ang katotohanang hindi siya ang pumaslang sa mga ito.Na ang lahat ay isang kasinungalingan at siya ang tinutukoy sa mga naganap.  Pero dahil sa nakikita niya  ang patuloy na pag-iyak ng kanyang kasintahan ay di niya nagawang magsalita.

 

Lalo na nung inakbayan ni Porferio ang dalaga at inalo ito.

 

Parang hinihiwa ang puso ni Rodolf at hindi naiintindihan ang nagaganap. Siya ang napagbintangang pumaslang sa pamilya ng dalaga hanggang sa magsalita ito na nakapagpawindang sa mundo ng batang heneral. . . .

 

“ B-bakit? Bakit mo to nagawa Rodolf? Akala ko tanggap mo ang pamilya ko? Akala ko mahal mo ko? P-pero bakit? Bakit mo to nagawa!!! Bakit!!!”

 

Nanginginig man ay tinibayan ni Rodolf ang sarili at dahan-dahang napatayo. Humakbang palapit sa dalaga kahit na sinisigawan na siyang huwag itong lapitan.

 

“C-cindy. Nagkakamali ka. Isa itong kasinungalingan. Di ako ang may gawa nito. . Pakiusap. . Pakinggang mo ang sasabih. . . . “

 

“Tama na!!! Tama na Rodolf!! Ayoko na!! Di porket mahirap lang kami ay kaya mo ng paslangin ang pamilya ko!! Dahil ba sa ano??!!! Nagiging pabigat na kami sayo??!! Di ko naman hiningi to sayo ah!! Ikaw to ang kusang pabalik balik dito at pinipilit ang sarili sakin!! Bakit Rodolf???!!! Bakit!!” sigaw ng dalaga at tinapik ang kamay ng binata na akmang hahawak na sana sa kanya.

 

Doon na humakbang si Cindy at nilagpasan ang lalaki. Nilapitan ang bangkay ng kanyang mga magulang at pinagmasdan. Hinanakit, Kalungkutan at labis na pagkagalit. Yan ang pabalik balik sa isipan ng dalaga hanggang sa napatingin ito sa espada na nahulog sa lupa. Dahan dahan niya itong inabot at muling nilingon si Rodolf.

 

Di naman alam ng lalaki ang sasabihin at kahit anong paliwanag niya ay naging bingi na ang kanyang kasintahan at hindi siya binibigyan ng pagkakataong makapagsalita para linisin ang kanyang pangalan.

 

Biglang lumiwanag ang kalangitan dahil sa napakalakas na kidlat kasabay ng nakakabinging tunog dulot ng kulog. Napagmasdan ni Rodolf ang madilim na mukha ng dalaga at kita niya dito ang galit at pagkamuhi na handa ng pumaslang.

 

Di masisisi ni Rodolf ang kanyang kasintahan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito ngunit laking gulat na lang niya at sa hindi inaasahan ng biglang binigwasan siya ni Cindy ng espada at nahiwa ang kanyang dibdib pababa sa tagiliran.

 

Dahil sa pagkabigla ay di agad nakagalaw ang batang heneral at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan at titig na titig sa kanyang kasintahang humiwa sa kanyang katawan.

 

“C-cindy” tanging salitang namutawi sa kanyang bibig at pabagsak na napaluhod sa lupa. Di pinansin ang sakit na dulot na matinding sugat na sinapit at ang tanging inaalala lang niya ay ang nararamdaman ng kanyang pinakamamahal na dalaga. Umagos ang masaganang dugo sa kanyang katawan pababa at sa isang iglap lang ay napadapa ito dahil sa panghihina ng katawan.

 

Sa lakas ng buhos ng ulan ay inanod nito ang kanyang dugo na humahalo sa tubig at lupa at bago pa siya mawalan ng malay ay narinig niya pa ang mga  huling salita ni Porferio sa kanyang pinakamamahal na babae.

 

“ Cindy. Nabalitaan kong ipinagbubuntis mo daw ang anak ni General Rodolf William. At isa iyon sa dahilan kung bakit siya nagkaganyan. Di ko akalain na ikinahihiya niyang bumuo ng pamilya sa isang tulad mo. Magpakalayo layo ka Cind. Mag pakalayo ka at huwag na huwag ka ng babalik

 

Dahil sa oras na malaman ng taong bayan at mga sundalo ang mga naganap dito at pagkapaslang mo kay Heneral ay hindi titigil ang mga yun sa pagtugis sayo pati na ang batang dinadala mo. Mag-iingat ka sa paglalakbay. . . . Paalam” mga salita ni Porferio na tumatak sa isipan ni Rodolf bago ito mawalan ng malay.

 

Lumipas ang mga araw at namulat ang mata ng batang heneral sa isang panibagong lugar. Napagtanto niyang nasa loob siya ng isang pambabaeng kwarto dahil sa mga stufftoy na nakadisplay, amoy at kulay ng pintura nito.

 

Dama niya pa ang panghihina ng katawan at pinagmasdan ang benda sa kanyang dibdib papunta sa tagiliran. Doon niya naalala ang gabing naganap sa lugar ni Cindy. Nangyari ang lahat ng wala man lang siyang nasabi para ipangtanggol ang kanyang sarili.

 

At isa sa napag-alaman ni Rodolf na nakuha na rin ng kanyang kasintahan ang kanyang espada at ang kaalaman nito sa pagpaparalisa sa sinomang mahiwa ng espada. Ngunit ang labis na pabalik balik sa isipan ng binata ay yung pagkakaalam niyang buntis si Cindy at siya ang ama.

 

Magkahalong saya at lungkot ang dumadaloy sa isipan ng binata at ang tanging nagawa niya lang ay ang tignan ang kesame ng kwarto na kanyang kinaroroonan. Wala rin siyang edeya sa mga naganap dahil sa pagdating niya sa bahay ni Cindy ay patay na ang mga magulang nito.

 

Sa pagmumuni muni ng nanghihinang heneral ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang napakagandang dalaga na may dalang bimpo at palanggana. Nang malamang nagising na siya ay agad napangiti ang babae at lumapit kay Rodolf sabay abot sa pesnge nito at marahang hinaplos.

 

“ Rodolf. . .Mabuti at nagising ka na. Ilang araw ka ring nawalan ng malay at labis akong nag-alala na baka di ka na magising pa. “

 

Napatitig naman si Rodolf sa maamong mukha ng babae at doon na pumasok ang lahat ng katanungang gusto niyang malaman. “ Cristina. Gusto ko sanang itanong kung paano ako napunta dito? “ simpleng salita na  namutawi sa kanyang bibig.

 

Di naman agad nakasagot si Cristina at lumayo ng konti sa binata sabay lagay ng bimpo sa palanggana upang mabasa at hinaplos sa binti ni Rodolf. “ Magpagaling ka muna General. Masyado ka pang mahina para sa mga katanungang yan. “ sagot ng babae.

 

“Pakiusap Senior Hernandez. Di ako makakatulog o matatahimik man lang. Alam kong wala kang alam sa lugar na pinangyarihan . . . “ saglit na napatigil sa pagsasalita ang binata at napatingin sa kalendaryo.

 

“ Magpagaling ka Rodolf. At sa oras na magaling ka na ay sasabihin ko ang lahat ng gusto mong malaman. “

 

Nakahinga ang binata ng maluwag sa kanyang nadinig. Ngunit nagulat nung makadama ng ibayong kiliti sa ibabang bahagi ng kanyang katawan kaya dahan dahan siyang napayuko at napakunot ang noo. Di niya akalain na sa ilalim ng manipis na kumot ay hubo’t hubad ang kanyang katawan at ang mas nakakagulat pa ay yung kitang kita niya kung paano himasin ni Cristina ang kanyang pagkalalaki na unti-unting tumatayo.

 

“ Sir pasensiya na ha. Ilang beses na akong nagpigil. Ngunit sa bawat sandaling napapalapit ako sayo ay parang nahihipnotismo ako at nangyayari ang mga bagay na di ko lubos maisip na makakaya ko pala. “ saad ni Cristina at tuluyang inalis ang kumot na nakatakip sa ari ng binata.

 

“ Senior Hernandez. Anong ibig sabihin nito?” pagtataka ni Rodolf ngunit dahan dahang napayuko ang napakagandang dalaga at inilapit ang mukha sa tirik na tirik ng ari ng binata. “ Sorry po sir. Alam niyo naman po na hanggang langit ang pagkagusto ko sa inyo. Na handa kong isuko ang lahat para lang sayo.  Ngunit alam na alam ko ring kahit anong pilit ko na akitin ka ay mananatiling kaibigan o tauhan lang ang pagtingin mo sakin.

 

Humihingi din po ako ng tawad dahil sa aking kapusukan at ilang beses na kitang inangkin nung ikay wala pang malay. Kaya heneral Williams. Nakikusap po ako. . . .Hayaan mo na muna ako dahil sa oras na makontento na ako sa lahat ng to ay ititigil ko na ang paghahabol sayo. “ pagpapaliwanag ng dalaga at matapos nitong magsalita ay tuluyan niya ng dinilaan ang kahabaan ng pagkalalaki ni Rodolf.

 

Dahil sa laki ,taba at haba nito ay nahirapan saglit si Cristina pero di ito naging balakid sa gusto niyang maganap. Gusto niyang ipakita kay Rodolf ang kanyang makakaya at nagbabakasakali na sa oras na mapasaya niya ang lalaki ay baka siya rin ang piliin nito sa huli.

 

Sa pagsubo niya sa ari ni Rodolf at dahan dahan niyang nilalaliman na kahit parang maduduwal na ay tiniis niya pa rin para lang mapasaya ang lalaking minamahal.

 

Labag man sa kalooban ay hinayaan ni Rodolf si Senior Officer Maria Cristina Hernandez sa ano mang gagawin nito sa kanya. Nagpapasalamat din siya sa pagligtas sa kanya ng dalaga  mula sa bingit ng kamatayan. Ang tanging laman lang ng isip ng batang heneral ng oras na yun ay ang kanyang mag-ina.

 

Di siya nagtanim ng ano mang galit kay Cindy. Na kahit ganoon ang kanyang sinapit at napagbintangan ay di siya nag isip ng kung ano-ano. Awang awa siya sa babae sa sinapit ng buhay nito. At minsan napapaisip rin si Rodolf na baka siya rin ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat.

 

Na kung hindi siya pumasok sa buhay ng dalaga at pamilya nito ay maaaring buhay pa ang mga ito. Ngunit nangyari na ang nangyari at di na pwedeng maibalik pa ang nakalipas.

 

“ UUggmmmhh!! Haaaa haaa. . . S-sir Rodolf? Nasisiyahan ka ba sa ginagawa ko? Kung kulang pa ay handa akong ibigay ang sarili ko sayo. Alam mo Sir. . . . .Matagal ko ng inaasam asam ang pagkakataong to. Na makasama ka, Na mapasaya ka. . . . Dahil aminin mo man o hindi. . Alam mong mahal na mahal kita General Rodolf. “ sambit ni Cristina Hernandez at umalis sa kama.

 

Dahan dahan itong umatras na kung saan ay napatitig si Rodolf sa angking ganda ng dalaga. Unti unting hinubad ni Cristina ang kanyang damit at binaba ang shorts . Sa pagkakaalis ng mga damit ay natambad kay Rodolf ang napakasexing katawan ng babae.

 

Ang maputi at makinis na kutis. Ang bilingkinitang bewang . Ang maliit na hiwa na may balahibong pusang bolbol at ang dalawang naglalakihang tayong tayo na suso na handang magpapalamas na ng oras na yun. Ayaw mang aminin ni Rodolf pero naapektuhan siya sa aking kariktan ng dalaga.

 

Kahit si Cristina ay napatakip din sa kanyang bibig ng mapagmasdan ang paglaki at pagtigas lalo ng ari ng binata kaya dahan dahang sinalat ni Cristina ang kanyang hiwa at tinignan ang mga daliri. “ S-sir? Heto po yung katas ko. Dahil po to sayo. Dahil sa kakisigan mo ay handa na akong magpaangkin sayo. . . . K-kaya sir. . . .

 

“ Patungan mo ko Cristina. . . . . Halika. . .Paligayahin mo ako” putol ni Rodolf sa sasabihin ng dalaga na nagpagulat kay Cristina. Di ito makapaniwala sa panghihikayat sa kanya ng batang heneral at dahil na rin sa labis na saya ay agad itong pumatong ulit sa kama ngunit sa pagkakataong yun ay baliktarang posisyon ang kanyang ginawa.

 

Di rin makapaniwala si Rodolf na ang akala niya ay kakantutin na siya ng dalaga pero iba ang pagkakaintindi nito. Nang oras na yun ay napakalapit na ng puke ng dalaga sa kanyang mukha at naamoy na rin ni Rodolf ang nakakaengganyong aroma na nagpataas lalo sa kanyang libog.

 

Nanghihina man ang katawan ay nakuha niyang igalaw ang mga kamay at napahawak sa naglalambutang pesnge ng pwet ng dalaga sabay lamas at binuka buka. Titig na titig din si Rodolf sa napakasarap na puke na nakalantad sa kanyang harapan. Kita ang pagkintab ng basa sa makipot na hiwa nito kaya napadila si Rodolf sa kanyang labi hanggang sa naramdaman na lang niya na isinubo na ni Cristina ang kanyang ari at sa pagkakataong yun ay di na nag-isip pa ang binata.

 

Pansamantalang hinayaan niya ang sarili at inisip na lang na isa yun sa parti ng kanyang pagpapagaling at pagpapasalamat sa kanyang tauhan. Dahil sa sarap ay hinila palapit ni Rodolf ang pwetan ni Cristina sa kanyang mukha hanggang sa maabot na ng kanyang bibig ang mabango at preskang puke nito at doon na sinimulang sisirin,dilaan , sundutin at sipsipin.

 

“ Oohhhhh. . . Fu. . S-sir!!! Ansaaarap. . .Ang haba po ng dila niyooo!! Ohhhhhh!!!” Napakasarap pakinggang ungol ni Cristina na napatingala matapos maramdaman ang pagdila ni Rodolf sa kanyang kaselanan. Dahil na rin sa tindi ng kiliti ay muling isinubo ng dalaga ang pagkalalaki ni Rodolf at doon nagbabad ang dalawa hanggang sa sabay ng mga itong maabot ang kanilang mga sukdulan.

 

Di na rin itinanggi ni Rodolf na gusto niyang mapasok si Cristina kaya hinayaan niya ito na upuan ang kanyang pagkalalaki at kainin ng napakasarap na puke ang kanyang nanggagalit na titi. Dahil na rin sa parehong tigang ay nagtampisaw ang dalawa sa sarap ng pakikipagtalik .

 

Simula nung araw na yun ay hindi na sinasayang pa ni Cristina ang mga oras lalo na nung nararamdaman niya ang paglapit ng damdamin ni Rodolf sa kanya. Lumipas ang limang araw at tuluyan ng gumaling ang binata. Medyo hilaw pa ang sugat at tahi nito pero nakukuha niya ng makatayo,maglakad at magbuhat ng mga mabibigat na bagay.

 

Sa mga araw na yun ay mahigit sampung beses silang magtalik ni Cristina sa loob ng bahay ng dalaga araw-araw. Parang mga bagong kasal na mahal na mahal ang isa’t-isa.

 

Ngunit sumapit ang araw na magtatapos ang lahat. Ang isang pagkukunwari na nagdulot ng labis na Sakit. Depresyon. Pagkasuklan. At paghihiganti.

 

Linggo ng umaga ng pumasok si Cristina sa kwarto na kinaroroonan ni Rodolf. Nadatnan niya itong nakaupo sa kama at tahimik na nakatingin sa bintana. Napansin din ng dalaga ang isang bag sa tabi nito kaya naglakad siya palapit sa lalaki.

 

“ Dolf. Magandang umaga. Ang aga mo yatang nagising ah. A-at . . . . May lalakaran ka ba?” tanong ng babae sabay upo sa tabi ni Rodolf at yakap na braso nito. Naramdaman din ni Rodolf ang pagsandal ni Cristina sa kanyang balikat at naamoy ang mabangong aroma ng babae.

 

Sa mga araw na lumipas ay gumaan na ang pakiramdam niya rito. Sa ilang beses na pakikipagtalik ay masasabi niyang di mahirap mahalin si Cristina. Anak mayaman na. May posisyon sa pagka- military. May sariling bahay. Galing sa kilalang pamilya. Napakaganda at malambing at higit sa lahat ay abot langit ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanya.

 

Ngunit sa mga lumipas na araw ay hinanap ni Rodolf ang posisyon ni Cristina sa kanyang puso. Na kung may bahagi na ba ito na makakapalit sa pagmamahal niya kay Cindy.

 

Ngunit kahit anong pilit ay di niya maintindihan kung bakit tanging si Cindy pa rin ang kanyang hinahanap. Ang nilalaman ng kanyang puso’t damdamin. Kaya nung oras na yun ay napagpasyahan ng itigil ng binata ang pagkukunwari at pagsakay sa damdamin ng dalaga.

 

Dahan dahan niyang inilibot ang kamay at iniyakap sa bewang ni Cristina at hinila na mas lumapit pa lalo sa kanya. “ Tin. . . . Naalala mo ba ang pangako mo sakin nung nagising ako?”

 

Sa nadinig ay sandaling natahimik ang babae ngunit napatango rin. “ Oo Dolf. Yung sa naganap sa bahay ni Cindy. . . P-pero. . . Dolf. Maaari bang kalimutan mo na lang yun? Andirito naman ako ah. Handang ibigay lahat sayo. “ saad ng dalaga na agad ikinailing ng binata.

 

“ Gusto ko lang masagot ang lahat ng katanungan Tin. Ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat. Kung bakit andirito ako sa kabila ng hirap ng misyong hinarap ko makauwi lang ng di pa sa oras. “ saad ni Rodolf.

 

Malungkot man ay napahinga ng maluwag si Cristina at sinimulang isinalaysay sa binata ang lahat ng nalalaman. Na ang dahilan ng lahat ng yun ay ang pagbabago ng ugali ng heneral dahil lamang sa isang babae na pinaniniwalaan ng lahat na salot ng lipunan.

 

Na si Porferio Trinidad ang nagpasimuno ng misyon na paslangin ang pamilya ni Cindy lalo na ang dalaga at isisi sa taong bayan ang mga naganap  para doon maghiganti si Rodolf. Ngunit iba ang naganap ng gabing yun. Patagong sinundan ni Cristina ang mga tauhan ni Porferio at nakita mismo ni Cristina kung paano paslangin ng mga military ang ama at ina ni Cindy.

 

Nakita rin ni Cristina kung paano nagtagpo ang landas nina Porferio at Cindy sa gitna ng palayan sa maulan na gabi at nasaksihan ng babae ang lahat ng naganap.

 

Mula sa lahat ng plano, Pagbubunyi, Paggawa ng istorya , Pagtataksil, Pagtatraydor. Ang lahat ng yun ay isa lang ang dahilan.

 

Si Porferio Trinidad.

 

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng dalaga ay ganoon na lang ang pagkuyom ng kamao ni Rodolf sa labis na galit. Gusto niya maghiganti. Gusto niyang patayin si Porferio at lahat ng tauhan nitong sanhi ng pagkamatay ng pamilya ni Cindy.

 

Doon ay di nakapagpigil si Rodolf at napatayo at boung lakas na napasuntok sa sementadong pader. Di pa nakontento at binangga pa niya ang ulo na nakapagpaalarma kay Cristina. Mabilis nitong pinigilan si Rodolf at pinakalma sa pamamagitan ng pagyakap sa katawan ng lalaki.

 

“D-dolf! Pakiusap. . . . Ikalma mo ang sarili mo. . . .Lumayo na tayo. . . Sumama ka sakin. . . “ sambit ni Cristina ngunit nagulat ang dalaga ng makita ang pamumula ng mata ng batang heneral dahil sa pagkagalit. Umagos rin ang dugo sa kamao nito .

 

“ Papatayin ko siya Tin!!! Lintik lang ang walang ganti!!! Dahil sa taong yun ay nasira ang buhay ko! Ang relasyon ko!!! ” gigil na sambit ni Rodolf . Nagulat man si Cristina ay pilit niyang pinakalma ang binata at pinaupo sa kama.

 

“ Dolf. . . . Hindi sagot ang paghihiganti sa lahat ng bagay. Buhay pa si Cindy at. . . . Ang anak niyo. . . . Kung maghihiganti ka ay ganoon rin ang gagawin ng mga military. Walang katapusang patayan ang magaganap dahil lamang sa iisang babae. Paki-usap. . .Magpakalayo layo na tayo Dolf. . . Umalis na tayo rito at manirahan sa malayong lug. . “

 

“ Hindi!!! Hindi pwedeng hayaan ko ang gagong yun sa mga kademonyuhan niya!!! Papatayin ko siya at hahanapin ko si Cindy! Hahanapin ko siya upang makasama pati ang anak namin! Mamumuhay kami ng matahimik at malayo dito. “

 

Sa huling salita ni Rodolf ay napatigil si Cristina. Di makapaniwala sa nadinig. At sa mga salitang yun ay parang hiniwa at sinaksak ng pino ang puso ng dalaga.

 

Napatigil naman si Rodolf nung makita ang pagbukal ng luha sa mata ni Cristina at sa isang iglap lang ay tumulo na ito pababa sa makinis na pesnge ng dalaga. Dahan dahang inangat ni Rodolf ang kamay at akmang hahaplusin ang luha ng dalaga ngunit mabilis na tinapik ni Cristina ang kamay ni Rodolf at napatayo sabay lakad paatras.

 

Titig na titig ito sa batang heneral at hindi makapaniwala na kahit ibinigay niya na ang lahat ay ganoon pa rin ang resulta. Na hanggang puson lang siya at di nakaabot sa puso nito.

 

Masakit. . . .

 

Napakasakit na para bang nanghihina na ang kanyang tuhod at gusto na lang magmokmok at iiyak ang lahat. Pinigilan ng dalaga ang sarili na magwala at pinilit ipakita ang mapait na ngiti sa kabila ng pag-agos ng masaganang luha. . .

 

“ S-sakit Dolf. . .Ang sakit. . . “ garalgal na pagkakasabi niya at napaturo sa kanyang puso. “ alam mo bang ikaw lang ang nilalaman nito Dolf? Alam mo ba na tanging ikaw lang ang hinahanap nito?  Nakakatawa no. . . .Na kahit anong hirap ang ginawa ko para sayo. Sa kabila ng lahat ay si Cindy pa rin ang pinili mo. . .. Ang sakit Dolf. . .. . H-haang sakit. . “ doon na napaupo sa sahig ang dalaga at napayakap sa kanyang tuhod.

 

Gaano man nito pigilang di mapaiyak ay iba ang dulot ng sakit sa kanyang damdamin. Naawa naman si Rodolf kay Cristina ngunit lolokohin niya lang ang kanyang sarili at hindi magiging Masaya kung magpapatali siya sa taong hindi niya minahal kahit na katiting lamang.

 

Kahit na umiiyak ang dalaga ay tumayo si Rodolf at kinuha ang bag. Buo na ang desisyon niya. Kaya kahit mapait man ang sinapit nilang dalawa ay nagpapasalamat pa rin siya sa dalaga. Naglakad si Rodolf palapit kay Cristina at dahan dahan itong itinayo sabay pahid ng daliri sa luha ng babae at tinitigan sa mata.

 

“ Tin. . . .Nagpapasalamat ako sayo sa lahat ng ginawa mo. Sa lahat  ng sakripisyo mo. Sa pag-aalaga sakin. Inaamin ko nagkalamali ako pero magiging mali kong pipilitin kong mapasayo . Hayaan mo akong lumaya Tin. At hanapin ang sarili ko. Dahil oras na ang gagabay sakin na kung tayo talaga ang para sa isa’t-isa ay tadhana na ang gagawa ng paraan at dahilan upang muli tayong ibalik sa isa’t-isa.

 

Huwag kang mag-alala at napag-isip isip ko na rin ang sinabi mo. Di ako gaganti. Hahanapin ko lang si Cindy at lilinisin ang pangalan ko. Sa ulit ay magpapasalamat ako sayo Cristina. “ madamdaming pagkakasabi ni Rodolf at inilapit ang mukha sa luhaang dalaga.

 

Naantig naman ang damdamin ni Cristina sa mga nadinig at tuluyang napapikit ng maramdaman ang labi ng heneral na humalik sa kanya. Isang napakatamis na halik sa mapait na senaryo. Tuluyan na ring tinanggap ni Cristina ang desisyon ni Rodolf at hindi na umasa pang babalikan siya nito.

 

 

Nung araw na yun ay umalis na ang batang Heneral at hinanap ang kanyang pinakamamahal na si Cindy. Pinanatili niyang sekreto ang kanyang pagkaligtas sa trahedya at nagtago lang sa poncho na laging sout sout.

 

Binisita niya ang lugar ni Cindy at nagulat nung makitang sunog na ang tahanan nito at tanging abo na lang ang natitira. Wala ng palatandaan ng buhay. Wala na rin ang mga alagang manok,kambing at kung ano-ano pa.

 

Napakalungkot ng tadhana para sa kanila ng dalaga na dahil lamang sa mga desisyon ng mga tao sa paligid ay nagkalayo ang kanyang landas.

 

Lumipas ang ilang linggong paghahanap ay walang balitang nasagap si Rodolf. Ilang beses na rin siyang nagkaroon ng pagkakataong mapatay si Porferio dahil minsan ay nakikita niya ito sa bahay kasiyahan kasama ang kanyang mga tauhan.

 

Ang linggo ay umabot ng buwan hanggang sa lumipas ang ilang taon at kung saan-saang lugar na siya napadpad .

 

Ngunit sa lahat ng nasayang na panahong yun ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Nalaman niya ring ikinasal si Maria Cristina Hernandez kay Porferio Trinidad . Napakadami ng nagbago sa ilang taong lumipas ngunit ang kagustuhang mahanap si Cindy ay isa sa kanyang prayuridad.

 

Sa bawat araw na lumipas ay mas lalong nadadagdagan ang kanyang kagustuhang makasama ang pinakamamahal na babae. Ang makasama ang kanyang nabuong pamilya at anak. Nasa kanya pa rin ang litrato ng dalaga na boung puso niyang iniingat ingatan na kahit umabot na ng apatnapo’t apat na taon ay patuloy niya pa ring minahal ang pinakaimportante para sa kanyang babae.

 

Si Cindy.

 

 

Matapos maisalaysay ni Rodolf ang kwento niya at ni Cindy kina Pepe at Tessa ay di napigilan ng matanda ang mapaiyak. Patuloy na umagos ang masaganang luha sa mata. Tulad niya ay ganoon rin ang lahat at nalungkot sa sinapit ng buhay ng matanda at ng babaeng pinakamamahal nito.

 

Sa gitna ng malungkot na pangyayari at pag-alo ni Pepe kay Rodolfo ay bigla na lang nagsalita si Nancy na bumasag sa kalungkutan ng lahat na napalitan ng pagkagulat.

 

“ S-sinungaling ka. . “ sumbat ng dalaga na dahilan ng pagharap ng lahat sa kanya.

 

“ Hey Sis. Anong pinagsasabi mo?” kunot noong tanong ni Vi at aakapin sana si Nancy ngunit agad na tinapik ng dalaga ang kamay ng kaibigan at dinuro nito ang matandang si Rodolfo na kahit may bakas pa ng luha ang mukha ay di nito naiintindihan kung bakit ganoon na lang ang sinabi ni Nancy.

 

“Sinungaling kang matanda ka!!! Di ganoon ang nangyari!!! Hindi ka papatulan ni Mommy!!! Hinding hindi ka papatulan ni Mommy at lalong hindi ganyan ang ama ko!!! Sinungaling kaaaaaa!!! “ tuluyan ng napasigaw si Nancy sa galit na dahilan ng pagtayo ni Pepe para pakalmahin ang dalaga.

 

Napahawak agad si Pepe  sa kamay ni Nancy na nakaduro sa matanda “ Miss Nancy. Maaari ko bang malaman ang rason kung bakit sinasabi mong sinungaling ang lolo ko?” seryosong pagkakasabi ni Pepe ngunit isang sagot ni Nancy ang nagpagulat sa lahat lalo na kay Tessa at Pepe . Ngunit higit na nabigla ang matandang si Rodolfo sa reyalisasyong kanyang nalaman.

 

“ General Porferio Trinidad and Mayor Maria Cristina Hernandez! Are my Parents!!!”

 

 

ITUTULOY!!!

AUTHORS NOTE: SANA MAY MAG TIP SA GCASH KO FOR FASTER UPDATE. 09158301314 THANK YOU
RAZEL22
razel22
Subscribe
Notify of
guest
2 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
2
0
Would love your thoughts, please comment.x