Written by ereimondb
Baler, Aurora
“How’s Alwyn? Alam kong marami nang iniisip ang anak ko.” “He is in trouble. Alam na niya ang tungkol doon sa lalaking nagpapakalat ng video scandal niya.”
Nakatanaw lang sa bintana ng villa si Hector habang kasama niya sa kanyang opisina si Angie. Isinumbong na ng babae ang panggugulong ginagawa ni Nestor kay Alo.
Kinuha niya ang tabakong nakatago sa drawer ng kanyang lamesa. Sinindihan niya ito at marahang humithit at ibinuga ang usok, na agad namang bumalot sa loob ng silid.
“Kung nag-ingat at nag-isip lang sana ng mabuti si Alwyn bago niya ginawa ang mga bagay na iyon, hindi sana siya mapapahamak.” “I did my best na itago sa kanya ang tungkol kay Nestor. But that guy keeps on bugging us… blackmailing us.” “We cannot afford to have that scandal, Angie. We must do something about it… as soon as possible.” “So, babayaran ba natin ulit ang lalaking iyon? He won’t stop, believe me. After getting another million from us, he will still ask for more.” “What’s the plan? Do you have anything in mind?”
Tumigil naman si Angie, sabay ihip sa kanyang kape na nasa tasa. Pinakiramdaman ng kanyang labi ang nakakapasong init ng kape saka marahang sinipsip ang mapait na lasa nito.
“Marami nang masyadong pinagdaanan si Alwyn. Matapos mamatay ang mommy niya, alam kong naging mahirap para sa kanya na pakawalan ang sakit na nadarama niya. Hinanap niya ang pagmamahal at pagkalinga na halos hindi ko naibigay kay Alwyn. This is all my fault. Naging masyado akong abala sa business namin.”
Sinisisi ni Hector ang kanyang sarili mula sa mga pagkakamali ni Alo. Alam niyang hindi niya masyadong nabantayan ang binata.
Panay ang paghithit at buga nito sa kanyang tabako, habang nag-iisip ng plano kung papaano patatahimikin ang lalaking puwedeng sumira sa kanilang pamilya.
“Alwyn is on top right now, and we can’t afford to lose the trust of our shareholders. This will be too risky for us.”
Unti-unti namang inuubos ni Angie ang kape. At kahit mainit pa ito ay diridiretso niya itong iniinom. Kinakaya hanggang sa huling patak ng mapait na lasa nito.
Maya-maya ay ibinaba na nito ang tasa sa saucer at marahang pinunasan ng table napkin ang kanyang mapupulang labi.
“Let me handle this.”
Tumingin naman sa kanya si Hector. Pilit na tinatanaw ng matanda ang kanyang girlfriend na halos natatakpan ng makapal na usok mula sa kanyang tabako.
Hindi ito sumasagot sa saad ni Angie, subalit tumango lamang ito bilang tugon sa tinuran ng magandang babae.
“I will handle this. I will do anything I can. Sasabihan na lang kita once done.”
Tumayo si Angie at nagpunta sa isang maliit na salaming nakadikit sa pader ng opisina ni Hector. Dinagdagan nito ng kulorete ang kanyang mukha at kinapalan ang pulang lipstick sa kanyang malambot na labi.
“Babalik na ako sa school. Marami pa akong kailangang tapusin.”
Pagkasabi nito’y lumapit siya kay Hector at hinalikan niya ito sa pisngi. Marahang hinagod nito ang likuran ng matanda na para bang ipinapaabot dito na huwag nang mag-isip at mag-alala pa sa mga pagsubok na kanilang kinahaharap.
“The surfing school is really doing good. I think your son did a good job managing that institution. It would be a great fall back, Hector.” Saad nito sabay kindat sa kanyang nobyo.
Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan.
“Thanks Angie. Thank you.”
Saglit siyang nilingon ng magandang babae at ngumiti ito. Hanggang sa tuluyan na siyang lumabas ng silid at umalis ng villa nila Alo patungo sa surfing school.
Seryoso ito sa kanyang sinabi kay Hector. At gagawin nito ang lahat para sa kanyang pinakamamahal na lalaki.
“Mukhang maayos ka na doon tsong ah! Mabait bang amo si Sir Alwyn?” “Oo naman. Ayos nga yun kasi may libre akong pagkain at inumin pagnaglilinis ako sa penthouse.” “Kaya pala nananaba ka. Hehehe…” “Hahaha… Oo nga pare eh.”
Kinakantyawan si Dale ng mga kasamahan niya sa trabaho habang sila ay nagtatanghalian. Siya lang kasi ang puwedeng pumasok sa silid ni Alo.
Sa kanya lang ipinagkatiwala ng binata ang paglilinis pagkatapos nang may mangyaring iskandalo.
Maya-maya naman ay biglang umingay sa kainan ng mga tauhan ng hotel, nang dumating si Nestor.
“Kamusta mga kaibigan! Hehehehe!”
Nagtitinginan ang mga empleyado habang nilalapitan sila ng lalaki. Halos mag-dadalawang buwan na nang pinatalsik sa trabaho si Nestor. At kapalit ng pagsuko nito ng mga bidyo ni Alo ay binayaran siya ni Angie ng kulang-kulang na apat na milyon.
“Pare si Nestor oh!” Bulong ng isang kasamahan ni Dale.
Agad namang yumuko ang binata upang magtago kay Nestor. Ayaw na niyang muling mapahamak dahil sa kagagagawan ng lalaki.
Hanggang sa nakita siya ni Nestor at agad nitong nilapitan si Dale.
“Pare! Kamusta na kayo?! Long time no see! Hahahaha!” Parang demonyong saad ni Nestor. “Ayos lang pare.” “Balita namin, milyonaryo ka na ah?!” “Hahahaha! naku mga repapips, hindi naman ako milyonaryo. hehehehe..”
Hindi naman umiimik si Dale at binibilisan nitong tapusin ang kanyang pagkain.
“Pareng Dale… Tahimik ata tayo diyan? Hehehe”
Ngumiti lang ang binata bilang tugon kay Nestor.
“Ano? Napag-isipan mo na ba ang alok ko sa iyo? hehehe.” “Walang ganun tol. Hindi talaga ako papayag sa sinasabi mo.” “Langhiya oh! Ano ba gusto mo? Sige, 50/50 na lang tayo sa kikitain. Sige na pare! Konting diskarte naman diyan. Tinutulungan din naman kita yumaman. Hehehe…”
Tumahimik na lamang si Dale at ininom ang malamig na tubig na nasa kanyang baso.
Napansin naman ni Nestor na hindi nagugustuhan ng binata ang kanyang sinasabi.
“Okay pare. Kung ayaw mong yumaman, e di huwag. Basta ako, gusto ko lang naman makatulong. Hehehe.. Sige alis na ako mga pare!” “Sige pare!”
Agad namang umalis si Nestor sa lamesa nila Dale. At panay ang tingin nito sa kanyang cellphone.
Hindi naman nilubayan ng tingin ni Dale ang lalaki at alam nitong mayroon nanamang pinaplanong kalokohan ang lalaki.
“Mukhang tiba-tiba nanaman itong si Nestor ah.” “Oo nga pare. Lakas ng loob bumalik sa hotel pagkatapos ng ginawa niya.” “Delikado yang ginagawa niya. Halatang pagkukuwartahan niya lang ang pamilya ni Boss Alwyn.” “Wala na tayong magagawa doon. Dapat blocklisted na yang lalaki na yan dito.”
Hindi naman makaimik si Dale. Pinapakinggan niya lang ang opinyon ng kanyang mga kasamahan.
“Sige mga pare, una na ako sa inyo. Maram pa akong gagawin.” Saad ni Dale sabay tayo habang inubos ang kanyang tubig.
Mabilis nitong inilagay sa tray ang kanyang pagkain at sinundan si Nestor.
Gusto niya malaman kung ano ang binabalak ng lalaki kung kaya’t tahimik niya itong sinundan.
Samantalang si Nestor naman ay naghihintay na magbukas ang elevator habang panay pa rin ang tingin sa kanyang cellphone na parang nagtetext.
Nagtatago sa malayo si Dale habang pinagmamasdan ang kinikilos ng lalaki.
Hanggang sa bumukas na ang pintuan ng elevator at sumakay na doon si Nestor. Mag-isa lamang ito sa elevator at palinga-linga pa ito kung may iba pang taong gustong sumakay, bago tuluyang pinindot ang saraduhan nito.
Agad namang tumakbo si Dale at tinignan kung hanggang saang numero hihinto ang elevator na sinakyan ni Nestor.
At nang hindi na niya ito mahintay ay mabilis siyang sumakay sa kasunod na elevator upang puntahan at protektahan ang penthouse ni Alo.
Kinakabahan ito dahil sa pag-iisip na baka piliting mabuksan ang pintuan ng kanyang bossing.
Malamang siya ang pagbibintangan ni Alo kung sakaling may mangyayaring masama dito.
“Patay nanaman ako niyan!” Bulong ni Dale sa kanyang sarili.
Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay dali-dali nitong pinuntahan ang penthouse ni Alo. Mukhang saradong-sarado naman ito at wala siyang nakitang ibang tao na naandito.
Maya-maya ay may nadinig siyang nag-uusap. Pilit niya itong pinapakinggan at nabobosesan niya si Nestor, at tila may kausap itong babae.
Mabilis siyang tumakbo patungo sa direksyon ng naririnig niyang tunog at agad namang nagtago nang nakita niya ang likuran ni Nestor.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang kinakausap ni Nestor ang syota ng kanyang bossing.
Nakangiti pa si Nikki habang kausap ang lalaki.
Hindi man niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa ay hindi niya nilubayan ng paningin kung ano ang binabalak ng kanyang dating katrabaho.
Hanggang sa nakita niyang pumasok si Nestor sa loob ng penthouse nila Andrea at Don Manuel.
Nabigla si Dale nang hinayaan ni Nikki na pumasok ang lalaki sa kanilang hotel room.
Maraming mga bagay na naglalaro sa kanyang isipan ng kung anong gagawin ng dalawa. Kinakabahan si Dale at parang lalagnatin ito sa kaba. Hindi niya alam ang gagawin sa kanyang nakita.
“Maraming salamat sa paanyaya mo kumpadre. Natutuwa ako sa tuwing nagpupunta kami dito sa villa mo.” Saad ni Manuel habang binubuhasan naman ng pulang alak ang kanyang baso ng kasambahay. “You are always welcome here, kumpadre.” Sagot naman ni Hector habang naninigarilyo.
Samantalang si Andrea ay tila tinutusok-tusok lamang ang kanyang pagkain. Tahimik ito habang nakikinig sa pinag-uusapan ng kanyang asawa at ni Hector.
“As I am telling you, lagi naman kayong welcome na tumira dito sa villa. Hanngang sa matapos ang stay niyo dito sa Baler. Isang linggo na lang kayo dito, hindi ba?”
Tila gusto namang pauwiin na ni Hector ang kanyang kumpadre sa lalong madaling panahon. Alam niyang magiging mapanganib sa kanila kung mananatili pa rin si Manuel at Andrea sa hotel, lalo na’t hindi pa rin nasusulosyunan ang pananakot ni Nestor.
“Hmmm… Parang kailan lang noong pumirma ako ng kontrata sa inyo kumpadre. Almost two months ago? Right?” “That’s right kumpadre.” “I am going to miss this place. Parang halos buong buhay ko dito na ako tumira. Umalis lang ako sa bayan na ito noong natalo ako bilang gobernador.”
Nakatingin lang sa kanya si Hector habang pinapakinggan ang kuwento ni Manuel. Habang si Andrea naman ay nakayuko habang kumakain.
“I am thinking about, staying here for another month, kumpadre.” Saad ni Don Manuel.
Halata namang nabigla si Hector at si Andrea sa sinabi ng matanda. Hindi inaakala ni Hector na tatagal pa ito ng isang buwan sa hotel. Mas malaki ang tsansang malalaman nito ang ginawa ng kanyang anak at ni Andrea.
Kapag nangyari iyon, hindi na kakayanin ni Hector na protektahan ang kanyang anak.
“P-p-pero kumpadre, I think Alwyn can handle our business. Hands-on naman na ang anak ko at hindi na hati ang atensyon niya.” “I know, I know, kumpadre. Kayang-kaya na nating iiwan kay Alwyn ang business. I am thinking about, bigger things. Madami akong gustong planuhin. You know my plans for the next elections, right?”
Hindi naman makasagot si Hector sa sinabi ng kanyang kumpadre. Nag-iisip ito sa kung anong dapat gawin at sabihin kay Manuel upang hindi na manatili ng isang buwan sa hotel.
Hanggang sa nakita niya si Andrea. Alam niyang ayaw na nitong manatili sa Baler at nagmamadali nang bumalik sa Maynila.
“B-baka may ibang plano si Andrea… I mean, gusto pa ba niyang manatili dito?” Tanong ni Hector.
Nabigla naman si Andrea nang banggitin siya ng ama ni Alo. Tumingin sa kanya si Manuel at hinihintay ang kasagutan ng kanyang asawa.
“A-a-ahh… Wala namang problema sa akin kung gusto pa manatili dito ni Manuel.” Saad ni Andrea.
Nagpapanggap naman itong masaya sa naisip na plano ng kanyang asawa. Gusto pa niyang manatili sa hotel dahil may pinaplano sila ni Alo laban kay Manuel.
Hinawakan naman ni Andrea ang kamay ni Manuel at tumingin ito sa mukha ng matanda ng may matamis na ngiti.
“You know naman na I will always support you, honey.”
Nabigla naman si Manuel sa ikinikilos ng kanyang asawa.
Ngayon lang niya nakitang ganoon ang pakikitungo sa kanya ni Andrea. Humawak na rin sa kamay ng magandang babae si Don Manuel. Marahan nitong hinalikan ang makinis na kamay ni Andrea.
“Thanks honey. I love you…” Saad ng matanda.
Bakas naman ang pagkadismaya ni Hector sa kanyang nadinig kay Andrea. Wala na talaga siyang pag-asa na mapaalis ang mag-anak sa lalong madaling panahon.
Kinakabahan siya sa kung anong puwedeng sapitin ng kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak na si Alo, kapag sumabog ang iskandalong dala ni Nestor.
Kailangan na talaga nilang gumawa ng paraan upang mawala sa kanilang buhay ang lalaki.
“Uuuuuuuummmp aaaaaaaahhhhhh….nakakakiliti….. Hihihihihi.” Paungol na saad ni Nikki habang pinapapak naman siya ng halik ni Nestor.
Sumasagi-sagi sa kanyang makinis at maputing balat ang bigote ng lalaki.
“Sarap mo talagang romansahin babes… Ang sarap sarap sarap mo…”
Nagkandaduling-duling si Nikki sa ginagawa sa kanya ni Nestor. Ibang sensasyon ang dala ng lalaki sa kanya at talaga namang natutupad ang kanyang pantasya sa tuwing niroromansa siya ni Nestor.
Gumala na ang kamay ng lalaki sa maikling shorts ni Nikki at pinadaan ang daliri nito sa siwang sa bandang gitna nito. Nakahawak sa batok ni Nestor ang dalaga at tila idinidiin pa nito ang ginagawang paghalik sa kanya.
“Puking ina! Basa na agad itong hiyas mo babes. Lalamutakin ko itong puki mo.”
“Sige….please….please….eat my pussy….”
Mabilis na ibinaba ni Nestor ang puting shorts ni Nikki at itinira ang pink na panty nito. Gamit ang kanyang hintuturo at panggitnang daliri, ay minasahe nito ang gitnang parten ng hiwa ng dalaga. Tanging manipis na tela at ang balahibong pusang buhok ni Nikki ang humaharang sa naglalawang puki nito.
Inilapit na ni Nestor ang kanyang labi at tila sinasamyo pa nito ang kakaibang halimuyak na nanggagaling sa ibaba ng dalaga.
Sinimulan na niyang dilaan ang singit ni Nikki at akmang ililihis na ni Nestor ang panty ng dalaga upang ilabas ng kaunti ang puke nito.
Nang biglang…
“Nikki! Nikki!”
Nanlaki ang mata ni Nikki nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaking tumatawag sa kanya.
“Nikki! Buksan mo ito!”
Gustong tanggalin ni Nikki ang nakasubsob na ulo ni Nestor sa kanyang puke, ngunit ayaw paawat ng lalaki.
“Let go… Let go… Please…” “Hayaan mo na yan… Sayang itong katas mo babes…”
Hindi pa rin nagpapaawat si Nestor sa pagbrotcha sa dalaga.
“Nikki! Open this!”
Pasigaw na ang pagtawag ng lalaki na kumakatok sa labas ng penthouse.
“fall! I said let go!”
Malakas na naitulak ni Nikki si Nestor. Napaupo naman ng tuluyan ang lalaki at agad na inayos ni Nikki ang kanyang sarili.
Napailing na lamang si Nestor at pinunasan ang kanyang labi. Umupo ito sa sofa at walang balak na magtago.
“What the fall are you doing? Magtago ka!”
Ngumisi lamang si Nestor at inaayos pa nito ang kanyang buhok. Sumisenyas naman si Nikki at gusto nitong paalisin sa sofa ang lalaki, ngunit hindi ito sumusunod sa kanya.
“Nikki!!!!!”
Nagulat ang dalaga at agad na binuksan ang pintuan. Halatang kinakabahan ito dahil pasigaw na siyang tinatawag ng lalaki.
Pagbukas ng pintuan ay bumungad ang seryosong mukha ni Alo.
“A-alo?”
Tinulak ni Alo ang pintuan upang ito ay tuluyang bumukas, at agad na natanaw ang isang lalaki na naka-upo sa sofa.
Tila biglang tumigil ang oras at tumahimik ang buong lugar.
“Alo! Kaibigan! Long time no see!!! Hehehehe!” Bati ni Nestor.
Sobrang lakas ng dagundong na nasa dibdib ni Nikki, natatakot siya sa kung anong iniisip ng kanyang boyfriend.
“A-alo. Siya yung sinasabi kong kaibigan mo raw….” Mahinang bulong ni Nikki kay Alo.
Tinignan ni Alo ang lalaki mula ulo hanggang paa.
Tila wala itong takot na magpahuli sa binata, dahil hawak siya nito sa leeg.
Maya-maya ay biglang ngumiti si Alo kay Nestor.
“Pare!!! Tagal mong hindi nagpakita sa akin ah! Long time no-see din pare, kamusta?” Biglang saad ni Alo.
Takang-taka naman si Nikki sa ginawa ni Alo. Nasaisip niyang hindi siya kakilala ni Alo at nagulat na lamang ito sa reaksiyon ng kanyang boyfriend kay Nestor.
Alam ni Nestor na nakikipaglaro din sa kanya ang binata, at hindi niya alam kung hanggang saan siya kakayanin ng anak ng may-ari ng hotel.
Tuluyan nang pumasok si Alo sa penthouse at nakipag-kamay kay Nestor.
“Sino po sila? Ahhh…okay po, sandali lang po at tatawagin ko siya.” Saad ng isang lalaking nagtatrabaho sa isang talyer.
Marahang ibinaba ang telepono sa lamesa at agad itong naglakad papalabas ng opisina.
Hinanap nito ang lalaking gustong makausap ng babaeng nasa kabilang linya. Iniisa isa niya ang mga sasakyang nagpapagawa sa kanilang shop at nang makita nito ang suot na maong pants ng lalaki ay agad niya itong nilapitan.
Dumapa ito upang makausap ang lalaking nakahiga sa ilalim ng sasakyan, dahil may inaayos ito sa ibaba.
“Tol, may tawag ka.” “Sino?” “Black Rose daw pre.”
Agad na tumigil sa kanyang ginagawa ang lalaki at umurong papalabas sa ilalim ng sasakyan.
Tumayo ito at pinunasan ang kanyang pawis, maging ang grasa na nasa kanyang kamay at braso.
Nagmadali itong iniangat ang telepono at sumilip sa may salamin, habang tinatanaw ang kanyang mga kasamahang nag-aayos ng sirang sasakyan.
“Ako ito. Anong kailangan mo?” “Kailangan ko ang tulong ninyo. Magpapadala ako ng pamasahe sa dating account, kasama ang 30% down payment.” “Bukas? “Mamayang gabi.” “Anong oras?” “10pm. Itetext ko na lang sa inyo ang lugar.” “Okay.” “Good. Tulad ng dati.”
Ibinaba na ng lalaki sa kabilang linya ang telepono.
Samantala ang babae naman ay dahan-dahang ibinaba ang kanyang telepono.
Huminga ito ng malalim at tila nag-iisip siya ng maigi para sa kanyang pinaplano.
Minamasahe nito ang kanyang kamay, habang nakatulala sa isang papel na nasa kanyang harapan.
“Ma’am? Excuse me po…”
Napatingin ang babae nang may kumatok at bahagyang ipinasok ang katawan sa loob ng kanyang opisina.
“Sige, tumuloy ka.” “Ihahatid ko lang po itong hinihingi ninyong document sa accounting department. Kumpleto na po iyan at ipinacheck ko na yan sa mga accountants natin. Kung may kailangan pa po kayo, just let me know.” “Thanks. You may take your lunch now.” “Okay po… Kain po tayo Ma’am Angie.” “Sige. Salamat.”
Umalis na ang babae sa loob ng opisina ni Angie at itinuloy ng magandang babae ang kanyang ginagawang dokyumento.
2005
♪ ♫ When you’re weary Feeling small When tears are in your eyes I will dry them all ♪ ♫ ♪ ♫ I’m on your side When times get rough And friends just can’t be found Like a bridge over troubled water I will lay me down Like a bridge over troubled water I will lay me down ♪ ♫ ♪ ♫ When you’re down and out When you’re on the street When evening falls so hard I will comfort you ♪ ♫ ♪ ♫ I’ll take your part When darkness comes And pain is all around Like a bridge over troubled water I will lay me down Like a bridge over troubled water I will lay me down ♪ ♫ -Bridge over Troubled Water (Simon and Garfunkel)
Hotel, Bar and Resto – Manila
Matapos umawit ng babae na nasa taas ng stage, ay nagsitayuan at nagpalakpakan ang lahat. Tuwang-tuwa sila dahil sa kahusayan sa pag-awit ng magandang babaeng ito na naka suot na pulang gown.
Maging ang mga opisyales ng Maynila, pati na ang mga imbitadong pulitiko mula sa iba’t ibang probinsya ay napahanga nito.
Nakangiti lamanag ang magandang babae, habang ninanamnam ang kanyang matagumpay na pagganap bilang mang-aawit, habang ipinagdiriwang ang kapistahan ng lungsod.
“Napakahusay mo iha! Talaga namang napaibig mo kaming lahat dito.” Saad ng isang pulitiko. “Hehehe…Tama siya iha. Napakagaling mong mang-aawit.” “Napa-nganga mo ang lahat ng tao dito.” “Everyone is commending you with that performance.” “May kakilala akong producer. Pasisikatin kita iha!” “Hahahaha!”
Nagtawanan naman ang lahat sa sunod-sunod na kumento ng mga kalalakihang nahumaling sa mala-anghel na boses ng babae.
“Hihihi… Sobra naman po ang mga papuri ninyo. Nakakataba ng puso… Pero salamat po at nagustuhan ninyo ang kinanta ko.” Saad ng babae habang kinikilig pa ito sa sobrang tuwa. “You deserve better than this iha. You should sign a record deal.” “Exactly my point, panyero! Sisikat ka sa ganyang ka-gandang singing voice.” “Naku… Given the chance nga po, eh talagang gusto ko ring makilala ng mga tao at mapanood sa tv.” Dugtong pa ng babaeng ito. “Well, you have that star appeal.” “Exactly. You have the X-factor.” “With that recording voice, alam kong sisikat at sisikat ka…” “Hihihi… Sige nga po. Ipakilala ninyo ako sa record producer. Alam niyo naman po, mahirap ang buhay at ito lang ang kaya kong gawin.” Saad ng babae habang nakahawak sa braso ng isang kilalang pulitiko. “Mapag-uusapan natin yan iha… Katulad ng sinabi ko, pasisiskatin kita. Hahaha!” Saad ng isang medyo matandang artistang pulitiko habang nakatingin sa magandang babae.
Nakikipagtawanan naman ang babae habang pinupuri, at binibiro, ng mga kalalakihan.
Hindi rin naman kasi maitatanggi ang kagandahang taglay nito. Maputi, balingkinitan ang katawan at talaga namang napakaganda ng hubog ng katawan at kitang-kita din na alaga nito ang kanyang sarili dahil sa ganda ng pustura.
“Mayor Manny! Halika, may ipapakilala ako sa iyo.” Saad ng isang pulitiko sabay kindat sa kanyang kaibigang alkalde.
Agad namang lumakad ang matandang ito na tila nakangisi na at inaabangang tawagin siya ng kaibigan.
Kanina pa niya gustong lumapit, ngunit nahihiya lamang siya at umiiwas sa anumang intriga.
“This is my good friend Don Manuel, the city mayor of Baler.”
Ngumiti naman ang magandang babae sa kanya, saka hinawakan ang kanyang kamay at hinalikan ito ng matandang lalaki.
“You are really good, at sobrang galing mo din umawit iha…” “Salamat po…” Mahinang saad ng babae. Nakangiti pa ito sa kakikilalang pulitiko habang hawak pa rin siya sa kamay nito. “She is the best lounge singer here in Manila.” Saad ng manager ng isang hotel. “What is your name, iha?” Tanong ni Don Manuel. “Andrea. My name is Andrea…”
- Undo – Episode 13: Ctrl + End Part 2 - December 24, 2024
- Undo – Episode 12: Ctrl + End - December 17, 2024
- Undo – Episode 11: Page Up - December 10, 2024