PEPE 12

razel22
PEPE

Written by razel22

 


PEPE 12

 

18+

 

BY: RAZEL22

 

 

City Proper 6:00am

 

 

Kalmadong nakaupo ang isang matanda sa kanyang swevil chair habang nanonood sa mga pangyayari sa paligid gamit ang kanyang laptop. Matapos makumpirma na nailigtas na ang kanyang anak na dalaga ay nakahinga na siya ng maluwag ngunit may bumabagabag pa rin sa kanyang isipan.

 

Doon ay inabot niya ang telepono at nagdial .  Nakatatlong ring ng may sumagot sa tawag. “ Patricio! Saan ka! “ agad na tanong ng matanda “ Ah sir andirito sa Laboratory sa Jaro.” Sagot sa kabila kaya napakunot ang noo ng matanda sabay buntong hininga dahil sa dismayado ito sa mga nangyayari at nababagot na.

 

“ Kilala mo ako Patricio! Napaka ikli lang ng pasensiya ko at ilang bilyon na rin ang naibigay kong pera sa proyektong pinagagawa sayo! Pero anong ginawa mo?! Puro palpak! Muntik ng madamay ang anak ko dahil sa kapalpakan mo! “ napasigaw na ang matanda sa pagkagalit at napakuyom na ang kamao .

 

“S-sir Ed. Please po kumalma muna kayo. Malapit na pong matapos to. Promise malapit ng matapos tong ginagawa ko. At sa ngayon po ay siguradong perpekto na ang pinapagawa niyo” sagot sa kabila.

 

Huminga ng maluwag ang matanda at pilit kinakalma ang sarili “ Hai. Isang araw Patricio! Bibigyan kita ng isang araw na palugit. “

 

“Actually sir di na po aabot ng isang araw. Dalawang oras na lang po ang estimated time para matapos to. At sa oras na makuha mo na ang bagay na to ay sigurado na ang pagiging makapangyarihan mo sir Ed. “

 

Sa narinig ay napangiti ang matanda. Si Edgardo Ibarra. Ang President eng Kompanya. Kilala sa pagiging mabait at matulungin. Napakatalino at napakagaling magplano. Dahil na rin sa taglay na talento ay naabot niya ang karangyaan at kapangyarihan.

 

Ngunit ang lahat ay may katapusan at yun ang kinakatakutan ni Edgardo. Ang dumating ang oras na bawiin lahat sa kanya sa oras ng kanyang kamatayan. Matanda na siya at nakakaramdam na rin ng sari-saring sakit.

 

Sakim man pero gusto niya pang mabuhay ng napakatagal. Kahit maubos ang pera niyang hawak-hawak ay mas importante sa kanya ang walang hanggang buhay. Di lang ang pagiging makapangyahiran sa boung lungsod ang kanyang pinaplano.

 

Kundi pati na rin ang pagharian ang boung mundo.

 

Sa talento ng Mad Scientist na si Patricio ay iniasa niya ang lahat at kalahati ng kanyang kayamanan ay ibinigay niya para lamang sa proyektong pinapagawa.

 

Ang Elixer of Immortality!!

 

Ngunit napakaraming side effect ng imbensyong to. Dahil sa isang pagkakamali lamang ay kakaiba ang mangyayari sa tao sa oras na mainom o ma inject sa katawan nila ang palpak na produkto.

 

Kabilang na roon ang napakaraming zombie na nag umpisa sa isang preso na itinapon sa Lapaz Area. Ginawang Guinnea Pig at dito sinubukan ang pinakauna unahang produkto ngunit dahil na rin sa kakulangan ng recipe ay naging kasindak sindak na nilalang ang bunga ng lahat.

 

Sa nadinig ay sumilay ang ngiti sa labi ng matanda “ Good! Kung ganoon nga ang resulta ng pinapagawa ko. Oras na matapos yan ay ihanda mo ang chopper at ihatid kaagad dito sa Tower sa City Proper” utos ni Edgardo .

 

“ Masusunod po sir Ed. Makakaasa po kayo” pagpapaalam ng Mad Scientist kaya agad na binaba ni Edgardo ang telepono at napasandal sa kanyang upuan.

 

“ Cynthia! Kung noon pa sana nagawa ang Elixer of Immortality di sana ay buhay ka hanggang  ngayon. Na kahit ang  magunaw ang mundo ay magsasama tayo. Pati na rin si Princess. “ sambit ni Edgardo at inalala ang nakaklipas.

 

45 years ang nakaraan

 

Nasa edad 23 pa lang si Edgardo na nanggaling sa may kayang pamilya. Tapos sa pag-aaral at nagsisimula pa lamang sa kanyang negosyo. May mababait na magulang at marangyang buhay.

 

Nung panahong yun ay meron silang isang kasambahay na nireto ng kanilang kapitbahay. Ang dalagang nagngangalang si Pinang. Mula sa bukirin ng Probinsya ng san Miguel. Pinalaki ng mag-isa ng ina nito ngunit dahil sa hirap ng buhay ay namasukan bilang katulong si Pinang.

 

May taglay na ganda na naiiba sa lahat. Na kahit simple lang ang sout o kaya’y punit na ang mga lumang damit ay namamayagpag pa rin ang ganda ng dalaga . Napakaraming nanliligaw sa dalagang si Pinang ngunit wala pang balak ang babae na pumasok sa relasyon.

 

Sa isang buwang pamamasukan bilang katulong sa bahay ni Edgardo ay nakilala na rin ng babae ang lahat ng kasamahan at napakabuti ng pagturing ng mga ito sa kanya.

 

Paminsan minsan ay iniimbitahan rin ni Edgardo si Pinang na magmeryenda. Sa patuloy na takbo ng oras ay unti unting nahuhulog ang loob nila sa isa’t-isa hanggang sa dumating ang panahong nagtapat ng pag-ibig ang lalaki sa napakagandang dalaga.

 

Sa loob kwadra ng mga kabayo habang naglilinis ang dalaga ay pumasok roon ang binatang si Edgardo . Nakatalikod pa si Pinang at walang kamalay malay na naroroon na ang lalaki ng bigla na lang yakapin ni Edgardo ang bewang ng dalaga mula sa likuran.

 

“Ayyy!!! Sir  Ed naman eh! Nanggugulat ka. Hmp” reklamo ng babae pero walang bahid ng galit sa mukha. Isiniksik naman ng binata ang mukha nito sa leeg ng babae at inamoy. “ Sorry Pin ha. Masyado lang kasi akong nasabik na makita at makasama ka hehe. Nga pala patapos ka na ba? Gusto ko sanang mamasyal sa bayan na kasama  ka” saad ng lalaki.

 

Napahawak naman si Pinang sa kamay ni Edgardo na nakayakap pa rin sa kanyang katawan at napasandal sa dibdib nito. “ mamasyal? Hmmm di ako sigurado Sir Ed. Baka may iutos naman kasi mamaya sina Senior Eddie at Seniora Rebecca . Pwede ka namang mamasyal ah. Bakit mo pa ako isasama?”

 

“ Syempre! Gustong kitang ipagmalaki sa lahat. Balak kong ipakita sa boung mundo kung gaano ako kaswerteng tao dahil sa napaibig ko ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa!” pagmamalaki ni Edgardo.

 

Di naman nakapagsalita kaagad si Pinang sa pagkahulat. Labis na naantig ang kanyang puso sa narinig. Na ipinagmamalaki siya ng kanyang kasintahan. “ P-pero sir Ed. Isang hamak na taga bukid lang po ako walang pinag-aralan. Marami pong mas maganda sa labas. Maliit lang tong lugar natin kaya alam kong makakahanap ka pa ng iba. “ malungkot na sambit ni Pinang.

 

“Pin” saad ni Ed at dahan dahang bumitaw sa pagkakayakap at pinaharap sa kanya ang kasintahan. Napakaganda nito lalo na sa malapitan. “ Pin . . .tandaan mo to. Pinapangako ko sayo na kahit saan man ako mapadpad o saan ka man.” Saad niya at dinala ang kamay ni Pina sa kanyang puso.

 

“ Lagi mong tandaan na merong Edgardo. . .Ang lubos na nagmamahal ng tapat sayo. Na Kahit sino man ang makilala ko. . . . .Walang ibang may makakapalit sayo dito. Dito sa puso ko “ madamdaming pagkakasabi ni Edgardo.

 

Di na rin napagilan ng dalaga ang nararamdaman ng dahan dahang dumaloy ang luha sa kanyang mata dahil sa labis na kasiyahan. Mahal niya ang lalaki at masayang Masaya siya dahil sa ganoon rin ito sa kanya.

 

Nang hawakan ni Edgardo ang kanyang pesnge ay hinaplos din ni Pinang ang pesnge ng lalaki. Kita sa mata ng magkasintahan ang wagas na pagmamahalan hanggang sa unti-unting naglapit ang kanilang mga labi.

 

Napakasarap sa pakiramdam na ang taong minamahal mo ay mas higit pa ang nararamdaman para sayo. Dinama ng dalawang nagmamahalan ang tamis ng unang halik at ang init ng pagmamahal.

 

Nang sinimulang humarin ni Ed ang damit  ng dalaga ay napatitig pa siya dito . Napatango naman si Pinang bilang pagbigay permiso sa kasintahan at sa oras na yun ay nilasap ng dalawa ang init ng katawan  ng isa’t-isa. Ang pagniniig ng dalawang pusong may umaapoy na pag-ibig.

 

Sa kwadra ng kabayo nagsimula ang lahat.

 

Lumipas ang isang buwan ay inamin na rin ni Edgardo sa kanyang mga magulang ang relasyon nila kay Pinang. At dahil sa lubos na mababait si Senior Eddie at Seniora Rebecce ay pinahintulutan ng mga ito ng maikasal ang dalawa at tinanggap ng buong puso si Pinang na maging bahagi ng kanilang pamilya.

 

Ang Pamilya Ibarra.

 

Dalawang buwan bago idaos ang kasal ng dalawa ay naging busy si Edgardo sa trabaho. Nagsasama na rin sila ni Pinang sa tahanan ng binata at sa bawat oras ay nilalasap ng dalawang nagmamahal ang tamis ng pag-ibig.

 

Isang araw nung nag-aayos si Edgardo ng mga produktong benebenta ay may isang grupo ng kabataan ang napadaan sa kanyang Shop. Mga kabataang may karangyaan sa buhay dahil sa kanilang mga sasoutan at kagamitan.

 

Di na bago yun para sa binata pero nung oras ding yun ng mapatingin siya sa labas ng shop ay parang tumigil ang mundo ng lalaki. Ang oras ay parang tumigil at parang hirap din siya sa paghinga. Sa pinakaunang pagkakataon ay nasilayan niya ang ganda ng nasa unahang babae na palapit sa kanya.

 

Di makapagsalita at parang natutuyo ang lalamunan. Sa kagandahan ng dalaga ay parang dinuduyan ang pakiramdam ni Edgardo lalo na nung nakalapit na ang babae sa kanya at kahit ilang metro ang pagitan ay nasasamyo niya ang mamahaling pabango na lalong dumagdag sa kanyang paghanga sa di kilalang dalaga.

 

“ Magandang Umaga po Mister. Naririto po kami par asana mamili ng iyong mga produkto. “ sambit ng babae. Parang musika ang boses nito sa pandinig ng binata at halos napanganga ng ngumiti ang babae at sumilay ang pantay pantay na mapuputing ngipin.

 

“Ah eh. . .Pa-pasensiya nap o miss . . Ah oo oo mamili lang po kayo. . . .” Nauutal na sagot ng binata na kung saan ay natawa ng mahinhin ang dalaga na ganoon rin ang mga kasamahan nito. Naglakad ang babae papunta sa isang nakadisplay na kwentas na napatitig.

 

Naglakad naman si Edgardo palapit dito. “ Isa po yang jade Pendant galing pa sa bansang Espanya. May nagsasabing mahiwaga daw ang kwentas na yan dahil sa naghahatid ito ng swerte sa sino mang makasout na kwentas. “ sambit ni Edgardo na kung saan ay napalingon sa kanya ang dalaga.

 

“ Mukhang maganda nga ah. Magkano po kaya yang kwentas na yan Mister? Balak kop o sanang bilhin ngunit baka kulangin ang pera ko. Kung pupwede po sana ay itago niyo nap o muna at babalikan ko na lang kung kukulangin ang dala ko. “ saad ng babae.

 

Napakamot naman si Edgardo sa likod ng ulo at napangiti. “ Kakabukas ko lang kaya bwena mano ko na yan sayo o mas mainan kung regalo ko na lang sa darating mong kaarawan. “ saad nito na agad ikinabigla ng babae.

 

“Ha? Pa-paano mo nalaman na nalalapit na kaarawan ko ? “ tanong nito. “Ah hula ko lang po yun Madam dahil sa parang ereregalo niyo pos a sarili niyo. “ saad ni Edgardo at binuksan ang Kristal na sisilan sabay kuha ng kwentas. Inilapit sa babae at inilahad ito.

 

“ Para sa pinakamagandang binibini na nakilala ko. Mas nababagay lang na mapasayo ito. “ saad ni Edgardo sabay ngiti. Di naman malaman ng dalaga kung aabutin pa niya pero napalingon ito sa kanyang mga kasamahan at nakita na nakangiting napatango ng sabay ang mga ito.

 

“ Sa-salamat po Mister. Bilang pagpapasalamat ko sayo ay iimbitahan kitang dumalo sa kaarawan ko . May papel ka ba at lapis?” “ saad ng dalaga kaya agad na tumakbo si Edgardo pabalik sa kanyang mesa sabay kuha ng kinakailangan at nagmadaling bumalik sa napakagandang babae.

 

Doon ay inilista ng dalaga ang kanyang tirahan sabay abot sa binata. “ Nga pala mabait na binata. Di ko pa alam ang iyong pangalan. Maaari ba kitang makilala?” tanong nito.

 

Di na nagdalawang isip pa  ang binata at pinakita ang pinakamagandang ngiting kanyang makakaya. “ Edgardo. . . .Edgardo Ibarra. “ saad niya. Napangiti rin ang babae at napatingin sa nakalahad na kamay.

 

“ Cynthia Mondragon. Ikinagagala kitang makilala Edgardo. “

 

Mula noon ay nagsimula na ang pagkakamabutihan ng dalawa. Laging bumibisita ang dalaga sa shop ng lalaki at doon nabuo ang isang relasyong pilit pa nilang tinatago.

 

Naging malamig na rin ang turing ni Edgardo sa kasintahang si Pinang. Di alam ng babae  kung bakit dahil sa nalalapit na ang kanilang kasal. Laging umuuwi si Edgardo na pagod at di na muling naulit pa ang kanilang pagtatalik.

 

Lagi na rin siya pinapabayaan na para bang di na siya kilala. Hanggang sa dumating ang araw na di inaasahan ng dalawa.

 

Maagang umalis si Edgardo ng bahay ng hindi nagpapaalam sa kanyang kasintahan. Nagmamadali itong pumunta sa kanyang shop dahil ng mga oras na yun ay magkikita na naman sila ni Cynthia.

 

Nagtaka rin si Pinang dahil sa alas sais pa lang ng umaga ay wala na ang kanyang nobyo . “ Senior Eddie. Umalis nab a si Sir Ed?” tanong nito sa ama ni Edgardo nung makarating siya sa terrace at naabutan itong nagkakape.

 

“Oh iha magandang umaga. Kakaalis lang at ang sabi daw ay may importanteng kleyente na pupunta galing pa sa ibang bansa at marami ang bibilhin sa shop. “ sagot nito. “ Ah kaya pala laging pagod. Di pa siya nakakapag almusal.” Saad nito.

 

Inalis naman ng matanda ang sout na salamin at tinignan si Pinang. “ Dalhan mo na lang siya iha ng makakain. Nag-aalala rin naman kami ng ina niya dahil sa laging nagpapalipas ng gutom. “ suhestyon ng matanda kaya napatango ang dalaga . Magpapaalam na sana para umalis ng biglang nakaramdam na sumama bigla ang kanyang pakiramdam.

 

Parang nangasim ang sikmura at nasusuka. Nakita naman ito ni Eddie kaya tinawag niya agad ang matandang katulong at ang asawa niyang si Rebecca. Dahil sa namumutla na si Pinang ay dinala agad ang babae sa pinakamalapit na ospital.

 

Nang malaman ang sitwasyon ng dalaga ay nagdiwang ang dalawa dahil sa mag-iisang buwan na itong buntis. Masayang Masaya din si Pinang at gustong ipaalam agad sa kanyang kasintahan ang napakagandang balita.

 

Kaya imbes na umuwi ay napagpasyahan nila na dumeretso sa shop ni Edgardo. Habang bumabyahe ay nagpaplano na sila ng mga pangalan. Nagkukulitan rin ang dalawang matanda kaya tawa na lang ng tawa si Pinang dahil sa mga ito.

 

Nang makarating sila ay agad na nagtaka ang tatlo ng makitang nakasarado ang shop ni Edgardo. “ Auhm Senior. Baka kakatapos lang po nilang magtransaksyon. “ sambit ni Pinang . “ Baka nga iha. O baka anjan lang siya sa loob at nagpapahinga. Tara. “ saad nito at nauna ng naglakad.

 

Ngunit sa paglapit nila sa pinto ay sabay na napatigil ang tatlo ng makadinig ng mga ungol na nag mumula sa loob. Agad ring kinabahan si Pinang at di alam mararamdaman. Sa bawat hakbang nila ay mas lalong lumalakas ang ungol .

 

Napailing naman si Eddie at namula ang mata. Di niya alam kung bakit pero di siya bobo para di malaman ang nangyayari. Ganoon rin ang naramdaman ni Rebeca kaya agad na napakapit ang ginang sa balikat ni Pinang.

 

“BOG!!!”

 

Isang napakalakas na tunog ng pagkawasak ng pinto matapos na sipain ito ni Eddie at sa pagkagulat ng tatlo ay kitang kita nila ang hubad na katotohanan.

 

Ang hubo’t hubad na si Edgardo hawak hawak sa pwetan ang isang napakagandang babae at kita pa ang pakakakabit ng mga katawan  nito. Kahit si Edgardo ay din a rin nakagalaw pa sa pagkagulat lalo na nung makita niya ang mukha ni Pinang.

 

Matapos mahimasmasan ay itinago niya sa banyo ang kasintahang si Cynthia ngunit bago pa makapagsalita ay nakatikim na siya ng isang malutong na suntok galing sa kanyang ama. “ Nak Nang!!! Edgardo! Anong nangyayari sayo!!! Bakit! Bakit mo nagawa to! Pinalaki kita ng mabuti! Lahat binigay sayo! Di kami nagkulang sa pagsabi ng lahat para sa iyong kinabukasan! Pero bakit!

 

Ikakasal ka na Edgardo! Anak naman! Di mp ba inaalala si Pinang! Ha!” galit na sigaw ng matanda. Napahawak naman si Edgardo sa kanyang namamagang pesnge at ng di man lang tinitigan ang babae sa labas.

 

“ Di ko na po siya mahal ama. Bunga lang po ng kabataan namin at kapusukan ang aming relasyon. “ saad nito at kasunod nun ay isa na namang sapak ang kanyang inabot. “ Putangina Ed! Anong akala mo kay Pinang!? Isang parausan lamang! Ha!! Magiging tatay ka na!!! Panindigan mo ang ginawa mo!” sigaw ng matanda .

 

Di na nito kinaya pa ang sitwasyon at tatalikod n asana para lapitan si Pinang ngunit biglang napatigil si Eddie at napahawak sa kanyang puso. Doon ay biglang nandilim ang paningin ng matanda at sa isang iglap lang ay natumba ito na wala ng buhay dahil sa inatake ng sakit sa puso.

 

Gulat na gulat rin si Edgardo sa pangyayari at sa kaalamang buntis si Pinang. Pero ang mas nakakagimbal ay ang pagkamatay ng  kanyang ama. Sa pagtayo niya at pagtingin sa labas ay mag-isa na lang ang kanyang ina na tulala sa nangyari.

 

Wala na si Pinang sa kanyang paningin ng araw din yun kasabay ng kanyang ama ay inatake din sa puso si Seniora Rebeca at natumba na lang sa kinatatayuan. Di kinaya ni Edgardo ang sakit ng pagkawala ng magulang at napasigaw na lang ng ubod ng lakas.

 

Simula nun ay nagbago na ang kanyang buhay. Di niya na muling nakita pa si Pinang at nagsasama na rin si Edgardo at si Cynthia at sinimulan ang sari-saring negosyo hanggang sa nabuntis na rin ang babae.

 

“ Kung may paraan lang sana na mabuhay ng walang hanggang. Kung wala na lang sanang kamatayan! Kung lahat ng bagay ay makakamit ko. Sana. . .Sana kasama ko pa ang mga mahal ko sa buhay. “ yun ang tumatak sa isipan ni Edgardo at ginawa ang lahat para makamit ang narating niya sa kasalukuyan.

 

 

7:00am

 

Tulala ang si Rodolfo habang tinatanaw ang binatang may hawak na dagger sa magkabilang kamay. Ang lugar na may napakaraming zombie ay naging lugar na puno ng mga putol na bahagi ng mga katawan. Di makapaniwala na ang lahat ng naituro niya sa iisang babae noon ay ginagawa na ngayon ni  Pepe.

 

“ Haaaaaa!!!!! Kulang paaa!! Kulang pa tooooooooo!!!” sigaw sa galit ng binata at napatalon sa sasakyan sabay ikot ng katawan na kung saan ay nagsiliparan sa hangin ang mga napugot na ulo ng mga nakalapit na bangkay.

 

Parang atleta sa bilis at liksi at parang assassin sa pagiging asentado sa bawat atake. Di na makilala ang mukha ni Pepe dahil sa dumi at dugo na tumalsik sa kanya .

 

Patuloy siya sa pagpaslang sa mga naagnas na bangkay hanggang sa maubos ang mga kalaban sa lugar na kinaroroonan. Titig na titig ang tatlong babae kay Pepe ngunit bigla na lang itong natumba sa kalsada na kung saan ay nabahala ang lahat at napatakbo para tulungan ang nawalan ng malay na binata.

 

Muling bumalik ang grupo sa Loob ng YMCA upang linisin ang katawan ni Pepe at nabahala ang lahat dahil sa baka meron galos o kagat kaya ito nawalan ng malay.

 

Nanatiling tahimik si Rodolfo at nakatingin lang sa mukha ng binata. Maraming tanong ang gustong masagot ngunit wala pa sa tamang oras.

 

Mabilis na lumipas ang oras at sumapit ang dilim . Nagising na rin si Pepe at nakadama ng pananakit ng katawan. Sa tagal ng panahong di niya ginamit ang galaw na yun ay parang kinalawang na ang kanyang nararamdaman.

 

Patingin tingin pa ang binata sa paligid hanggang sa magulat ng makitang malapit sa ulohan pala ng kama nakaupo ang matandang si Rodolfo. “ Magandang gabi iho. Kamusta na pakiramdam mo?” tanong nito.

 

“ Heto po medyo masakit ang katawan . Nga pala bat tayo bumalik dito?”

 

“Kasi iho nawalan ka ng malay kanina kaya ka dinala dito dahil baka daw nakagat ka . Antindi mo kanina ah hehe “ natatawang saad ng matanda. Di naman binigyan pansin ni Pepe ang nadinig at naupo na lang sa kama. “ Nga pala Master. Nasaan sila? Sina Nancy, Vi at Doc Lala?”

 

“ Ah dun sa reception area at pinapareload ko ng mga armas. Nga pala Iho. May gusto sana akong itanong sayo. Sana sagutin mo ako ng tama at walang halong pagsisinungaling. “ sambit ni Rodolf kaya napatango si Pepe. “ Bukas ang aking tenga para makinig sa tanong mo master. “

 

Lumipat agad ng upuan si Rodolfo at nagsindi ng yosi. Napatitig sa mata ni Pepe bago huminga ng malalim. “ Pepe iho. Yung pamamaraan ng paghawak mo ng dagger kanina. Yung bawat galaw, bawat atake , Opensa at Depensa. . .San mo natutunan ang lahat ng yun? “ tanong ni Rodolf.

 

Nabigla naman si Pepe sa nadinig .Ayaw niyang ipagkalat ang mga natutunan kaya di niya na muling ginamit ang pamamaraang yun. Natahimik siya ng pansamantala . “ Ehem . . . Iho. . . Matanda na ako at napakaraming bagay sa mundo ang aking nakita at pinagdaanan.

 

Gusto ko lang naman malaman kung sino ang nagturo sayo ng mga galaw nay yun . “ tanong muli ng matanda pero agad na napailing si Pepe.” Pasensya nap o master pero personal po yan. Mananatiling nakatakip ang aking bibig para sa sagot sa iyong mga kata. . . “

 

Di niya natapos ang sasabihin ng biglang inilabas ni Rodolfo ang tatlong punyal at sabay na hinagis sa ere. Habang nakaupo ay isa isa niya sinalo ang mga ito at sabay sabay na tinapon sa pader ng gusali na ang bawat matamaan ang nagkakaroon ng napakahabang bitak.

 

Sa pagkagulat ay di agad nakapagsalita si Pepe dahil sa isa  rin yun sa kanyang natotonan . Napangiti naman si Rodolfo at nilingon ang binata. “ Ang pamamaraan mo kanina at taktika ay nanggaling sakin.  “ saad nito na ikinagulat ng binata.

 

“ Inuulit ko iho. Tinatanong kita.Sino ang nagturo sayo ng mga kasanayang yun? “ sumeryoso na si Rodolfo kaya napalunok ng laway si Pepe at napatitig sa mata ng matanda. Di niya akalain na may makikilala siyang tao na alam din ang mga galaw na yun.

 

“ Hai. . .Sige Master. Kung gusto mo talagang malaman ay sasabihin ko na sayo. “ saad ni Pepe . Napatango naman si Rodolfo at nag-antay sa sasabihin ng binata. . . .

 

“Ang nagturo sakin ay walang iba kundi ang aking ina. Di lang ako ang tinuruan niya kundi pati na ang kakambal  kong babae na si  Tessa” sagot niya na walang halong pagsisinungaling.

 

“Iyong ina? Maaari ko bang malaman pangalan niya Pepe?” tanong nito. “ Sumeryoso  na rin ang mukha ni Pepe at napahinga ng malalim. Napagdesisyunan niya na na sabihin sa matanda ang lahat.

 

“ Ang pangalan ng aking ina ay si Pinang. Isang magbubukid . PInalaki kami ng walang ama at sinanay para protektahan ang sarili. Ang lahat ng natutunan ng aking ina ay ipinamana din daw ng kanyang ina na aking lola na tulad ni ina ay iniwan din siya ng aking lolo. “ saad ni Pepe.

 

Nakinig naman ng mabuti si Rodolfo at inintindi ang sinasabi ng binata. Nagkakaroon na ito ng kutob at nakaramdam ng pananabik. Dahil sa sinabi ni Pepe ay mas nagiging interesasdo siya sa lahat ng ikukwento ng binata“ A-ano ang pangalan ng lola mo? “

 

“Lola ko? Hmm” Inalala aghad ni Pepe ang pangalan ng kanyang lola at agad napatingin kay Rodolfo.

 

“ Kilala siya sa tawag na Magda na pinaikli sa tawag na Magdalena. “ saad ni Pepe hanggang sa . . “ Ahh!! Naalala ko nap o master. Ang pangalan ng aking lola ay Cindy! Cindy Sarmiento. Pinanganak kaming walang mga ama at Lolo kaya  kung ano ang apelyedo ng aking lola ay yun ang aking sinunod kaya ako si Pedro Sarmiento na tinatawag niyong Pepe. “ saad nito ngunit napatigil ng makita ang luha sa gilid ng mata ng matanda.

 

Nanatiling tahimik si Rodolfo at hindi alam ang gagawin o sasabihin. Di na rin napigilan ang luha dahil sa tagal ng panahong paghahanap ay muli niyang nakasama ang isa sa kanyang pamilya. Di na nito pinigilan pa ang sarili at sa isang iglap lang ay napatayo ito at biglang niyakap ng mahigpit ang binatang si Pepe.

 

 

“ Huwag ka munang kumalas pakiusap. . .  Hayaan mo akong yakapin ka. ..  “

 

 

“Apo ko”

 

 

 

 

ITUTULOY!!!

AUTHORS NOTE: SANA MAY MAG TIP SA GCASH KO FOR FASTER UPDATE. 09158301314 THANK YOU
RAZEL22
razel22
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x