Isang Pagmamahal (chapter29) KATAPUSAN

Isang Pagmamahal

Written by R.O.Y.

 


Chapter XXIX
Ang Naiwang Alaala: Isang Pagmamahal
(katapusang yugto ng nobelang “Isang Pagmamahal”)

Bumalik na si Tomas sa Pilipinas at waring inip na sya sa mga oras na gusto na nyang dumating ang araw ng Lunes ng hapon kung saan darating na ang isang malaking barko na ang pangalan ay “M/S Jupiter” na galing pa ng Columbia at pansamantalang gumilid ba sa karagatan malapit sa South China Sea para kumuha pa ng ibang druga at madala ito sa Pilipinas. “Limang araw na lang Tomas at nasa piitan na si Rod Sanchez,” ang sabi ni Secretary Cruz. “Ano ba ang balak mo pagkatapos ng mga ito?” ang mga pagtanong ni Secratary Tomas.

Sinabi ni Tomas na wala na syang maisip na gagawin at gusto na lang nya na iukol ang buong panahon nya kay Rosa, sa ina nya, mga kapatid at sa mga anak ni Ana na itinuturing na rin nyang tunay na mga anak.

“Paano ang negosyo natin dito at napakalaki na?” ang pagtatanong muli ni Secrtary Cruz.

Sinabi naman ni Tomas na bahala na ang mga matapat nilang mga tauhan. Gagawin nya itong mga malalaking kumpanya sa Pilipinas na isang “role model company” na kung saan mismo ang mga manggagawa ay magkakaroon ng profit sharing para narin hindi lang maging maunlad ang kumpanya ay magkakaroon ng pagkakataon na mismo ang mga manggagawa ay may porsyento na pagaari ng kumpanya. Ang mga matitirang kita ay ilalaan pa rin nya bilang tulong pinasyal sa mga charitable institutions at tulong sa mga naulilang pamilya ng mga alagad ng batas na sinawing palad sa pagpapatupad ng batas.

Iniisip ni Secretary Cruz na sayang ang mga perang iyon.Hindi dapat mapupunta sa mga tao. Dapat sya ang makikinabang. Binabalak nyang total hawak nya ang mga papeles ng mga kumpanya ay kanya na itong i take over matapos ang operasyon ng plano nila at pag bumalik na si Tomas sa America. Iniisip din nya na karamihan sa mga dummy ay hawak nya ang mga ito.

Hindi pa sila natatapos magusap ni Secretary Cruz ay isang tawag sa telepono ang tinanggap nila. Isa raw malaking armed robbery ang naganap. Patay halos lahat ng mga nag holdup sa isang mayamang pamilyang intsik, nginit nakatakas ang isa sa mga holduper sa dahilang ginawang hostage ang isang batang 12 years old. Patay daw ang ama ng bata at ang ina naman daw nito ay agaw buhay na dinala sa ospital.

Nasusundan na raw ng mga pulisya ang isang kasamahan na nakatakas ngunit ito ay may hostage na 12 years old. Nagulat sila sa ina nito dahil ng dinadala sa ospital ay binabangit ang pangalan ni Tomas.

Dali daling pumunta sina Tomas at Secretary Cruz sa ospital para alamin kung bakit ang babang ito ay hinahanap ang pangalang Tomas Tuazon.

Pagdating nila sa ospital ay nalaman agad ni Tomas na malubha pala ang tama ng babaing iyon. Pagpasok nya sa silid nito ay biglang kinausap sya at nagsabing: “Patawad Tomas at ako ay lumayo sa iyo. Hanapin mo si Tomas at sagipin mo sya. Ang batang tinangay ng isang holduper ay iyong anak. Inaruga naming sya ng buong pagmamahal at pinangalan din ng Tomas batay sa pangalang ng kanyang tunay na ama.”

Dali daling tinawagan ni Tomas si Captain Siazon para sagipin ang bata na buhay. Natukoy naman agad ng kapitan sa dahilang nasukol na nga ito ng mga pulis.

Sumuko ang kidnapper at nagsabing hindi naman sya an glider ng bandido. Sinabi nito na ang pinaka utak ng samahan ay si Rod Sanchez at handa syang makipatulungan sa gobyerno.

Naalala ni Tomas na ang babaeng iyon ay si Yenyen. Alam nyang nabuntisan nya iyon ngunit ito ay nawala sa kanya at nagpakasal sa isang mayamang intsik.

Hindi nagtagal ay dumating na si Captain Siazon at dala ang batang si Tomas. Iniharap ito sa ina nitong si Yenyen. Umiiyak si Yenyen habang agaw buhay itong nagsalita: “Tom, halika mahal kong anak. Wala na ang iyong ama at ako ay mawawala na rin. Ngunit gusto kong malaman mo na kahit ang am among pumanaw ay hindi mo tunay na ama ay kanya ka naming inaruga at minahal higit pa sa isang tunay na anak nya. Ngunit wag kang magalala anak. Naandito at kaharap mo ang tunay mong ama. Isang araw ay malalaman mo na rin kung bakit naming nagawa iyon. Masaya akong mawawala sa dahilang alam ko na ang tunay mong ama ay napakadakila. Kami ang may kasalanan kung bakit naming inilihim ito sa iyo.Paalam anak at mahalin mo ang iyong tunay na ama. Tomas, patawad na muli. Bahala ka na kay Tom at siya ay tunay mong anak. Mahalin mo sya katulad ng pagmamahal na binigay naming.”

Hindi nagtagal ay pumikit na ang mga mata ni Yenyen at tuluyang pumananaw na.

Kinarga ni Tomas ang batang si Tom, at nagsalita: “Hayaan mo anak at dadalhin kita sa America. Pagdating natin sa America ay buong panahon ko ay ibubuhos ko sa inyo.

Agad pinaasikaso ni Tomas ang mga travel documents ng bata. Nakipagusap din sya sa mga kaanak ni Yenhen at asawa nito at masaya naman itong tinatanggap nila na mapapunta sa kanyang tunay na ama. Alam kasi naman nila na hindi ito tunay na anak ng asawa ni Yenyen sa dahilang baog pala iyon.

Nalaman din ni Tomas na napakarami pala ang naiwan na mga kayamanan ng magasawa na para sa bata. Hindi ito pinansin ni Tomas at hinanda nya na ito ay isasama nya sa America..

Dalawang araw bago sumapit ang raid ay pinahanda na ni Tomas ang mga kaukulang papeles para malipat sa mga tao ang kaukulang mga porsyente ng kumpanya para sa mga manggagawa nito. Binigayan di si Captain ng halos P20-million pesos para makasimula ito ng desenteng pamumuhay at pinagkatiwala ang mga bahay na maiiwan.

Kaya nang mabatid iyon ay galit nagalit na tinawagan si Tomas.

“Ano ka ba Tomas sinayang mo ang malaking pagkakataong ito? Hindi na magtatagal ay pati Malacanan ay makukuha natin. Sa pamamagitan ng salapi at impluwensya nating nagawa ay tayo na ata ang pinakamakapangyarihan sa Pilipinas. Balang araw ay pwde na ako ang maging pinuno ng bansa Tomas.”

Sumagot naman si Tomas.

“Alam ko iyon, ngunit ayaw ko nang pangarapin iyon. Masaya na ako sa mga biyaya na binibigay ng Dios sa akin. Ang buhay ay maiksi lamang. Ngunit ang mga pangarap ng tao ay walang hangan.”

Galit na galit si Secretary Cruz at binaba ang telepono.

Kinaumagahang hapon ay dumating na nga ang malaking barkong “M/S Jupiter”. Malalaking containers ang mga dala nito at naka consign sa mga ibat ibang embahada ng mga ibat ibang bansa. Nakaalis agad sa pier at clear agad sa customs ang mga iyon sa dahilang kumpleto nga ang mga papeles.

Dinala ang mga karhamentong iyon sa isang lihim na taguan ni Rod Sanchez. Mismo nagulat sina kapitan Siazon ng may mga hagad pang escorts ang mga iyon. Alam na nila kung sino ang mga pulis na kasabwat. Lalo pang nabigla sila at dinala ito sa isang lumang gusali na pagmamay ari mismo ng gobyerno. Humanda na ang raiding team ng mga heneral na magsasagawa ng malaking raid sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ngunit matalino si Kapitan Siazon. Nagpaiwan sya ng mga iilang tao sa pier. Tumawag sa kanya ang mga ito na may mga kargamentong linipat at sinakay sa isang maliit na mga bangka papuntang Cavite City. Agad inalerto ang mga kasamhan sa Cavite at sumugod na sya ditto. Alam nyang ang malaking convoy ay maaring decoy lang sa dahilang maaring may nag tip kay Rod ang operasyong ito.

Sinagawa na nga ang malaking raid sa mismong lumang gusali na pagaari ng pamahalaan. Tama nga ang hinala ni kapitan. Decoy ang mga ito at ang lahat ng mga containers at ang laman ay mga lumang damit na donasyon daw ng mga ibang embahad para sa Pilipinas. Palpak ang raid na iyon.

Sa isang hindi kalayuan lugar ay dalawang kotse ang pumarada. Bumaba rito ang isang taong nakasalamin na sun glass. Ito ay si Rod Sanchez at lihim palang nakipagkita kay Secretary Cruz. Nagkamayan ang dalawa at si Secretary Cruz ay nagsalita.

“O, nabalitaan mo na na palpak ang raid. Mismo ang presidente ng Pilipinas ay pumunta sa raid sa akalang napakalaking operation ito ng gobyerno. Ngayon ay napahiya lahat sila. Galit nag alit ang prsidente ng bansa at magkakaroon ng malaking overhaul sa kapulisan. Matatangal ang mga hawak ni Tomas.”

Ang sagot naman ni Rod,

“Pinahanga mo talaga ako sa iyo. Isa ka talagang ulupong at bagay nga tayong magkasama na parehong kampon ni satanas.Huwag mo ng isipin si Tomas. Sabihin mo kong saan sya naroroon at nagtatago at ito ay aking papatayin. Pagkatapos nito ay magdiwang kana at ikaw na ang mamahala ng lahat na maiiwan ni Tomas.”

“Sandali muna, nasaan na ang pangako mo,” ang sabi ni Secretary Cruz.

“Ito ang susi, ang loob ng sasakyang iyan ay halos 10-million US dollaras ang laman nyan. Iyo lahat yan. Akin na ang kotse mo at magpalit tayo ng sasakyan.”

Nagpalit na nga sila ng kotse at menamaneho na ni Rod Sanchez ang sasakyan ni Secretary Cruz at ngumisi at nagbulong sa sarili: “Ang ulupong ay ulupong. Hindi ito dapat pagkatiwalaan,” sabay pindot ng remote control na hawak nya at sumabog na nga ang sasakyang minamaneho ni Secretary Cruz. Kasama sa pagsabog ang mga pekeng dollar bills.

Si Tomas naman ay pinaayos na ang kanyang mga gamit at paunta na itoing airport. Tinawagan ang anak nitong si Tomas na sa kasalukuyan ay nasa mga kamaganak ng kanyang yumaong ina na si Yenyen upang magpaalam. “O anak humanda kana at magpahatid kana ditto sa bahay at pupunta na tayo ng airport,” ang sabi ni Tomas sa anak.

Hindi nagtagal ay tumawag si kapitan Siazon at masayang nasakote nga nila sa Cavite City at mismong sa resthouse nga ni Rod Sanchz dinala ang napakaraming druga.”Boss mission accomplished, all members of the syndicates except Rod Sanchez who remains at large were apprehended,” ang pagrereport ng Kapitan. “Congratulations and job well done,” ang pahayag naman ni Tomas. Punta kana ditto sa bahay at paalis na ako at may mga mahalagang papeles akong iiwanan sa iyo.” “Okey Boss, take off na ako ditto at wag na kayong magalala sa dahilang wala na ang druga at sindikato ni Rod Sanchez,” ang sagot nito. “Ako na ang bahala magaresto dyan at wala na syang mapupuntahan at lansag na ang kanyang mga tauhan,” ang dugtong ng kapitan.

Hindi alam ni Tomas ay nakapasok na pala si Rod ng bahay sa dahilang binuksan ng guardia nito ng makita agad ang familiar na sasakyan ni Secrtary Cruz. Pagbukas ng gate ay binaril na may silencer ang dalawang guardia at tumungo ito sa walang kamalay malay na kinaroroonan ni Tomas.

“Sa wakes ay nakaharap din kita,” ang bungad na bati ni Rod. Dahilan sa iyo ay sinira mo ang aking negosyo,” ang sunod na pananalita ni Rod sabay kinasa at tinutok ang baril sa ulo ni Tomas.

Hindi nagtagal ay dumating na si Kapitan at ang laking sorpresa nya ng may tumigil na taksi sa harapan ng bahay nila. Isang magandang babae ang bumaba at tinanong ito ng kapitan.

Ito pala ay si Rosa at sinorpresa na puntahan si Tomas sa Maynila galling sa Hongkong sa dahilang nagalala sya kay Tomas. Ngunit ang dalawa ay nabigla ng makitang bukas ang gate ng bahay na iyon at nakalnatay ang mga duguang dalawang guardia ng bahay. Dali daling binunot ni Captain ang 9mm na pistola nya at pumasok ng bahay.

Nang makita nya si Rod ay agad nitong inasenta nya at kinalabit ang gatilyo ng baril ngunit pumotok na ang baril ni Rod at tumama na ito sa dibdib ni Tomas. Nang muling barilin iyon ay inulan na ng kapitan ng pagputok ito kay Rod hangang ito ay bumagsak.

Dumating na si Rosa at niyakap agad si Tomas. Si Tomas. Hindi nagtagal ay dumating na ang batang si Tom at niyakap din ang duguang katawan ng ama. Agaw buhay na inabot kay captain Sanchez ang mga hawak na papeles kung saan pinirmhan nito ang pagbibigay ng pagaari para sa mga mangagawa ng mga kumpanya nya.

May dumating na pari para bendiyunan si Tomas at igawag ang huling sakramento. Ngunit bago isagawa iyon ay humiling si Tomas na ikasal sila ni Rosa. Hindi nagatubili ang pari na igawad ang kasal na in articulo mortis. Pagkatapos niyon ay benendisyunan ng pari si Tomas at binigay ang huling sacramento ng panginoon..

Nagawa ni Tomas magsalita ng mga sumusunod na kataga:

Paalam aking mahal at ako’y yayao na.
Masaya akong namamaalam sapagkat sa huling sandali ay kapiling ka.
Wag sana mong kakalimutan ang aking mahal sa buhay upang di sila mangungulila.
Paalam aking mahal at ako’y tinatawag na ni ama.
Ang aking binitawang Isang Pagmamahal ay sana’y iyong parating maalaala.

Niyakap ni Rosa ang kanyang mahal. Ang batang si Tomas ay niyakap rin ang ama. Hindi nagtagal ay binigkas na nito ang huling salita: “Paalam sa aking mga mahal sa buhay.”

Malaki ang pagkalungkot ni Captain Siazon sa pagkamatay ni Tomas. Batid nya itong napakadakila ni Tomas.

Nang ibinurol si Tomas ang buong bansa ay nagluksa ng malaman nila ang mga naganap sa buhay ni Tomas.Dumating din ang ina nito at mga kapatid. Buong kapulisya at ang gobyerno ay binigyan si Tomas ng isang state funeral.

WAKAS

Epilogue:

Ang buhay ay sadyang mahiwaga
Hindi natin alam kong ano ang bukas.
Ngunit sa mga galaw natin ay tayo ang nasusunod.
Bawat galaw natin ay may pananagutan tayo sa lahat.
Ang mga pagsubok at mga problema sa buhay ay sadyang may kahalagahan.
Upang maisip natin na tayo ay tao lamang at mapusok.
Ang lahat ng bagay sa mundong ito ay may hanganan.
Ang lahat ng tao ay may katapusan.
Hindi nga lang natin alam kung kailan.
Ngunit ang pagmamahal sa tao ay walang hanganan.
Walang kinikilala, mayaman man o mahirap.
Ang pagmamahal ay bigay ng Dios.
Na kahit pumanaw ang isang tao, ang pagmamahal ay nasa puso at damdamin.
Hindi ito kayang tanggalin ninumang nilalang sa mundo.
Dahil ang pagmamahal na kahit ano mang uri ay hindi nawawala.
Sa dahilang ang pagmamahal ay handog ng Dakilang Maykapal.

MARAMING SALAMAT PO!

 

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x