Agent Orange: Chapter 10

Real Sex Stories

Written by ereimondb

 


Get up, Agent Orange!
Get up! Get up! Get up!
Litong-lito si Myk.

Panay lamang ang ikot nito sa mga eskinita’t mga kalsada sa kanilang lugar. Nagbabakasakaling naroroon si Ruth, nagtatago.

Tanging paghithit lamang ng yosi ang kanyang ginagawang libangan habang minamaneho ang kanyang sasakyan.

Hindi maipinta ang kanyang mukha.

Puno ito ng kalungkutan.

Puno ng takot sa kung anong puwedeng mangyari sa kanyang kasintahan.

Alam niyang hindi pa kayang makapagsarili si Ruth dahil sa estado ng kanyang pag-iisip.

Wala pa rin itong naaalala tungkol sa kanyang nakaraan.

Hindi pa naibabalik ang kanyang galing at abilidad sa pakikipaglaban, sa pagpoprotekta sa kanyang sarili laban sa mga taga Programme.

Lalong kumabog ang kanyang damdamin.

Paano na lamang kung maabutan siya ng mga ito?

Papaaano na lamang kung maunahan siya ni Editha Banks o kaya naman ni Melissa?

Alam niyang walang kalaban-laban si Ruth.

Alam niyang hindi kayang protektahan ng ngayong Agent Orange ang kanyang sarili.

Kung kaya naman ay halos dalawang araw na niyang nililibot at hinihimay ang bawat daanan at kalsada.

Iniisa-isa ang bawat subdivision at village na malapit sa kanilang tinitirhan.

Ginagawang umaga ang gabi.

Hindi siya tumitigil.

Hindi siya humihinto.

Kailangan niyang abutan at hanapin si Ruth.

Ang laban ng kanyang kasintahan at laban na rin ng buong Resistance. Walang iwanan.

At lalong hindi pupuwedeng sulohin ni Agent Orange ang responsibilidad upang iligtas ang nakararami.

Na iligtas ang Resistance sa kamay ng Programme.

Maya-maya ay nakarating siya sa isang karinderya. Umaalma na ang kanyang sikmura dahil sa sobrang gutom. Ayaw sana niyang itigil ang kanyang paghahanap at pagmamaneho, ngunit talagang halos hindi na niya maihakbang ang kanyang paa dahil na rin sa sobrang pagod.

Itinabi niya ang kanyang sasakyan sa harap ng kainan. Sandali muna itong tumigil at huminga ng malalim, sabay patay ng makina ng kanyang kotse.

Pagkalabas niya ng kanyang sasakyan at agad na sinindihan ang kanyang yosi. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito. Kahit isa siyang estranghero sa lugar na iyon, ay pinilit pa rin niya ang kanyang sarili na makipag-usap sa mga dumaraang tao.

Nagbabakasakaling kilala nila ang magandang babaeng nasa litrato.

Panay naman ang pag-hindi ng mga tao sa lugar na iyon. Napapailing na lamang si Myk ngunit hindi sumusuko sa paghahanap kay Ruth.

Hanggang sa tuluyan na niyang nilapitan ang isang karinderya. Nakatitig lang sa kanya ang matandang babae habang binubugaw ang mga langaw na nasa kanyang mga paninda.

Iniisa-isa ni Myk ang mga kaldero at tinignan ang mga ulam na binebenta.

“Anong kakainin mo iho?” Tanong ng matandang babae.

Hindi naman sumagot si Myk. Patuloy pa rin siya sa pagbukas ng mga kaserola na nasa kanyang harapan.

“Mas mainam na itong nilagang baka ang iyong kainin. Mukhang malayo-layo pa ang nilakbay mo.” Dagdag pa nito.

Tumingin ang binata sa babae at agad itong tumango bilang pagsang-ayon sa iminungkahi ng matanda.

Kaagad itong umupo sa tapat ng mga binebentang ulam at nagpatuloy sa paghithit ng kanyang sigarilyo.

Mabilis naman naihanda ang kanyang inorder na pagkain.

“Oh heto iho, higupin mo ang sabaw…”

“Salamat.”

Sinunod naman ni Myk ang sinabi nito at kaagad na hinigop ang mainit na sabay ng nilagang baka.

“Mukhang ngayon lang kita nakita dito iho ah… Taga kabilang barangay ka ba?” Pagusisa ng matandang babae.

Hindi naman sumagot si Myk at ipinagpatuloy nito ang kanyang pagkain. Sa sobrang gutom ay mas itinuon nito ang kanyang atensiyon sa pagsubo ng kanin at paghigo ng sabaw.

“Marami-rami din naman ang dumadayo dito… Malamang hindi ka nga taga-dito…” Dagdag ng babae habang patuloy ito sa pagtaboy ng langaw na dumadapo sa kaserola ng kanyang mga paninda.

Tahimik na inubos ni Myk ang kanyang kinakain, at maya-maya’y ininom ang isang basong malamig na tubig.

Dumukot ng pera na nasa kanyang bulsa at ibinigay kaagad sa babae. Mabilis naman siyang sinuklian nito dahil nararamdaman niyang nagmamadaling umalis ang kanyang kustomer.

Kumuha muli ng yosi si Myk sa may bulsa ng kanyang polo at sinindihan. Nakapa niya ang litrato ni Agent Orange sa kabilang bahagi ng kanyang pantalon at kinuha niya ito.

“Manang…”

“Ano iyon iho?”

“May nakita po ba kayong dumaan dito na babae? Heto po ang litrato niya. Baka may naaalala kayo…” Tanong ni Myk.

Sinilip naman ng matandang babae ang itsura ng kanyang hinahanap at napakunot-noo na lamang siya dahil hindi niya ito nasilayan sa kanilang barangay.

“Naku iho… Hindi ko siya nakita dito… Teka, ipagtatanong ko dito sa mga tanod…” Sagot ng matanda.

Kinuha niya ang litratong ipinakita ni Myk sa kanya. Nanananghalian din sa kabilang lamesa ang mga grupo ng lalaki na nais pagtanungan ng matandang babae.

Sinundan na lamang ng tingin ni Myk kung saan ito patungo habang patuloy pa rin siya sa paghithit ng kanyang sigarilyo.

Maya-maya ay may lalaking sumama sa matandang babae at papalapit na sila sa kinaroroonan ni Myk. Tila may nakakilala kay Ruth sa lugar na iyon.

“Pare! Ikaw ba naghahanap sa kanya?” Tanong ng tanod sa binata.

Tumango lamang si Myk bilang tugon sa itinuran sa kanya nito.

“Napansin ko nga iyang babae na iyan doon sa may terminal ng bus.”

“Saang terminal?”

“Patungong Maynila.”

Napaisip naman si Myk sa kung saan posibleng magpunta si Ruth.

“Kung gusto mo, samahan ka namin papunta doon. Tapos na naman kami kumain.” Alok ng tanod sa kanya.

“Sige po.” Maikling tugon ni Myk.

Kaagad namang nagpasalamat ang binata sa matandang babae at mabilis silang sumakay sa kanyang sasakyan.

Ayaw mang tanggapin ni Myk sa kanyang sarili, ang isang katotohanang kinakatakutan niyang gagawin ni Ruth.

Alam niyang matalino at maparaan ang babaeng ito. Alam niyang hindi siya gagawa ng isang paraan upang ikapahamak niya.

Napailing na lamang si Myk sa kanyang mga naiisip na posibilidad ng kinaroroonan ng kanyang kasintahan.

Halos labin-limang minute sila nagbiyahe patungo sa isang bus terminal.

“Dito po. Dito ko siya nakita… Nag-aabang ng bibiyaheng bus…”

“Kailan mo siya nakita?”

“Mga isang araw na ang nakakalipas.”

“Kahapon?”

“Opo. Madaling araw pa nga noon. Kaya napansin ko kaagad dahil dayo din siya, katulad mo, sa lugar na ito.”

“Sige po manong, maraming salamat.” Saad ni Myk sabay abot ng limang daan sa lalaki.

“Naku pare, di na kailangan niyan. Masaya na akong makatulong sa hinahanap mo.”

Tumango naman si Myk sa sinabi sa kanya ng tanod.

“Puwede bang yosi na lang? Hehehe…” Hirit pa nito.

Napangisi ang binata at agad iniabot ang isang paketeng sigarilyo sa lalaki.

“Salamat bossing. At sana matagpuan niyo kaagad yang babaeng iyan.” Saad nito sabay labas sa kotse ni Myk.

Hindi na sumagot ang binata. Malalim na itong nag-iisip sa kung saan pupunta si Ruth sa Maynila. Hindi niya akalain na doon pala ang destinasiyon ng kanyang kasintahan.

“Bakit Ruth? Bakit?” Bulong ni Myk sa kanyang sarili.

Sa humigit-kumulang na dalawang araw ng paghahanap niya sa kanilang kinaroroonan, ay hindi nito tinanggap sa kanyang sarili ang posibilidad na isusuko ni Agent Orange ang kanyang sarili sa kamay ng mga kaaway.

Mapapahamak lamang ang magandang babae sa kanyang gagawin lalo na’t wala itong kakayahan na ipagtanggol ang kanyang sarili sa kamay ng mga kalaban.

Mabilis na nagmaneho si Myk. Desidido na itong sundan ang mga bakas ni Agent Orange upang ito’y iligtas at iadya sa kapahamakan.

Ipinagdarasal na lamang niya na hindi pa huli ang lahat.

Nang makarating sa Maynila ang binata, ay una nitong pinuntahan ang gusali ng Programme.

Nagmasid-masid ito kung may kakaibang nangyayari sa kanyang paligid. Hindi nito pinapahalata na nasa kanyang pangangalaga si Ruth bago pa ito lumayas sa kanilang kuta.

Kahit pagod na pagod na ang kanyang katawan ay pinipilit pa rin niya ang kanyang sariling hanapin ang babaeng pinakamamahal niya.

Iniisa-isa niya ang mga CCTV camera sa palibot ng Programme, at tiniyak niyang hindi pa nakakapasok sa kanilang opisina si Ruth. Maging ang mga interrogation rooms, conference rooms at maging ang mind control room. Siniyasat niya rin ang mga kulungan sa loob ng gusali, upang masiguradong hindi pa nila nadadakip si Agent Orange.

“Myk?” Tanong ng isang pamilyar na boses.

Dahil sa pagkabigla ay mabilis nitong naisarado ang browser window, kung saan niya na-access ang mga kamerang nakapalibot at nakapaloob sa gusali.

Pagtingin niya sa kanyang gawing kaliwa ay nakita niyang papalapit sa kanya si Melissa.

“Mel… Ikaw pala…”
Kaagad namang tumakbo ang kaibigan at niyakap siya nito.

“Myk… nakakulong pa rin si Ryan. Hindi pa rin siya ligtas sa kamay ng mga konseho…” Mangiyak-ngiyak na kuwento niya sa kanyang kaibigan.

“Hayaan mo… May magagawang paraan para mailigtas si Ryan…”

“Paano? Hindi pa nila nahahanap si Ruth… si Agent Orange…”

Naalala nitong nanganganib din pala ang buhay ng kanyang kasintahan kay Melissa. Dahil katulad ng sinabi nito noon sa kanya, na siya ang papatay kay Ruth upang mapalaya lamang si Ryan.

Nagpanggap na lamang si Myk na nakikisimpatiya sa nararamdaman ng kaniyang kaibigan.

Nais rin naman niyang tulungan ang kanilang kabarkada sa loob ng kulungan, ngunit hindi sa paraang naiisip nina Melissa at Editha Banks.

“Wala pa ba kayong balita kay Ruth?” Pag-usisa ni Myk.

“Wala pa nga eh… Sobrang bagal nilang kumilos…”

“Sino pa bang kumikilos para hanapin siya?”

“Si tita Editha at ang mga alagad niya…”

“Ano ba ang nasa huling report?”

“Sabi nila, matutunton na nila ang kuta ng Resistance… Sa may Batangas…”

Tila hindi nakakibo si Myk sa nadinig niya mula kay Melissa.

“Batangas?”

“Oo… May nakapagsabi kasing namataan nila ang dating miyembro ng Programme na papunta doon. Iyon pa lang ang natatanging lead nila sa kuta ng Resistance.”

“Bakit ang Resistance?”

“Kasi sila daw ang may hawak ngayon kay Ruth.”

“Ahh…”

“Myk… Tulungan mo ako… Tulungan mo akong hanapin si Ruth.” Pagmamakaawa ni Melissa.
Tumango na lamang ang binata bilang tugon.

“Pag nahanap mo siya Myk, sa akin mo siya idiretso… Ako na ang bahala…” Dagdag ng magandang babae.

“Pero Mel… Kaibigan din natin si Ruth… At kasama ka sa mga nagplanong tanggalin ang kanyang memorya para subukan ang Clearance. Hindi ka ba naaawa kay Ruth?” Saad ni Myk sa kanyang kausap.

“Marami nang kapahamakang nagawa sa atin si Ruth… Siya lang naman ang nag-iisip para sa kapakanan ng maka-kaliwa… Siya ang traydor at hindi si Ryan…”

“Pero bakit ka pumayag noon sa plano natin?”

“Dahil gusto ko na siyang mawala… Mawala ng tuluyan sa Programme…”

“Mali ang ginagawa mo… Hindi tamang traydurin ang kaibigan natin…” Saad ni Myk.

Maya-maya ay natahimik si Melissa at napakunot ang noo nito.

“Kinakampihan mo ba si Ruth? May nararamdaman ka pa rin ba sa kaniya?” Tanong ng magandang babae.

Hindi naman nakasagot kaagad ang binata at tila ibinaling nito ang kanyang paningin sa ibang parte ng silid

“Myk… Siya na rin ang nagsabing hindi pupuwede ang relasiyon ninyo at hindi ka niya mahal. Hindi ba?” Dagdag ni Melissa sabay hawak sa kamay ng kanyang kaibigan.

Muling tumango ang binata upang sang-ayunan ang sinasabi sa kanya ni Melissa. Lingid sa kaalaman ng magandang babae ang relasiyon nilang dalawa. Ang tanging alam nila ay nagmamahalan sila bilang magkaibigan, magkabarkada at halos magkapatid.

Tuluyan nang hindi nakasagot si Myk. Dahil alam niya sa kanyang sarili na lubos-lubos na ang kanyang ginagawang pagsisinungaling para sa Resistance.

“Hahanap ako ng paraan… Huwag kang mag-aalala… Basta ang maisisigurado ko sayo, walang kailangang mamatay para iligtas si Ryan.” Makahulugang sagot ni Myk.

“Salamat Myk… Basta ipangako mo sa akin, na ililigtas natin si Rye… Please?” Muling pagsusumamo ni Melissa.

“Okay… Basta ipaalam mo rin sa akin kung may bagong balita kayo na galing kay Editha…”

“Sure… Ipapaalam ko sayo kaagad… Don’t worry.” Saad ng magandang babae sabay kindat kay Myk.

“Sige, aalis na ako… Madami pa akong kailangang gawin…” Pagpapalusot ng binata upang tuluyang makaalais sa Video and Control Room.

“Sige…” Maikling sagot ni Melissa.

Mabilis namang naglakad papalabas ng silid si Myk, habang ang magandang babae ay tila nagdududa sa inaasal ng kanyang kaibigan.

Kaagad nitong inusisa ang History ng browser na ginalaw ng binata, at nakita nitong binuksan at inaccess ni Myk ang mga CCTV camera recordings mula pa noong isang araw.

Kahit naghihinala, ay hindi pa rin niya maisip kung ano ba talaga ang pakay ng binata, at kung bakit siya naroroon sa control room ng Programme.

“Alam kong may itinatago ka… Malalaman at malalaman ko rin yan…” Bulong ni Melissa sa kanyang sarili habang patuloy ito sa pagsiyasat sa mga sistemang binuksan ng kanyang kaibigan.

Ang tanging nasa isipan niya ay alam ni Myk ang kinaroroonan ng kanyang mortal na kaaway.

Makalipas ang dalawa pang araw ay tila mailap pa rin sa kaalaman ng binata kung nasaan ba talaga si Agent Orange. Halos mag-aapat na araw nang nasa panganib ang kanyang kasintahan at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila alam ang kinaroroonan nito.

Hirap din maghanap ang mga miyembro ng Resistance kay Ruth, dahil lubhang mapanganib para sa kanila ang kumilos. Nakamasid kasi sa kanila ang mga Programme Agents, at kinakatakutan nilang tuluyang matunton ng mga ito ang kanilang pinagkukutaan.

Nanatili na lamang si Myk sa opisina, upang mas mabantayan niya kung sakaling makakapasok sa loob ang kanyang pinakamamahal na nobya.

Habang nagmumuni-muni, ay naaalala niya kung papaano binago ng Clearance si Ruth. Nawala man ang alaala ng magandang babae, maging ang husay nito sa pakikipaglaban, ay nagkaroon naman siya ng pagkakataong masilayan ang isang bahagi ng pagkatao ng kinakatakutang si Agent Orange.

Kung dati ay mailap sa kanya ito, at patago pa sila kung magkita’t hangaring masolo ang isa’t isa.

Tila naging kahinaan ng babae itong si Myk. Hindi man sila lubusang nagpapansinan kapag may nakaharap na iba pang miyembro ng Programme, ngunit kapag silang dalawa na lang ang nasa loob ng kuwarto, ay umaatikabong pagtutuos ang kanilang natutunghayan.

Napapangiti ang binata sa tuwing naaalala niya kung papaano niya inaangkin si Ruth. Kung papaano itong tila nagiging maamong tupa, sa tuwing nakapatong ito sa kanya. At kung papaano tila sinasamba ng kanyang kasintahan ang kanyang burat, sa tuwing ito ay kanyang subo, at nagtataas-baba.

Ngunit aminado din naman si Myk, na si Ruth lamang ang nakakapagbigay sa kanya ng kakaibang libog. Dahil sa kagandahan at kakinisan ng balat ng magandang babae, ay talaga namang hindi niya tinitigilan itong pasadahan ng kanyang dila at maiinit na halik.

Makinis.

Maputi.

Nakakagigil.

Kahit sinong lalaki ay talagang mabibighani sa kagandahang ito ni Agent Orange.

Madali ding napawi ang kanyang ngiti at masasayang alaala, sa tuwing ipinagbabawal ng ama ni Ruth ang kanyang pakikipagrelasiyon.

Naging sunud-sunuran lamang ang magandang babae sa kagustuhan ng kanyang ama. Ito’y marahil sa kagustuhan nitong maging Country Director ng Programme si Ruth, at magiging sagabal lamang sa mga plano nito ang pakikipagrelasiyon ng kanyang anak.

Dahil dito, ay ipinakita ni Agent Orange ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban, bilang pagtugon sa mga binabalak ng kanyang ama. At patagong nakikipagrelasiyon kay Myk, bilang kunsuwelo sa lahat ng mga responsibilidad na naiatang sa kanya.

Ngunit para sa binata, ay mas maganda na iyon kaysa sa tuluyan na niyang hindi makasama ang babaeng kanyang pinaka-iibig.

Mahal na mahal niya si Ruth.

Handa niyang gawin ang lahat ng mga bagay na makakapagpasaya para sa kanya.

Kahit pa ang isuko ang lahat ng kanyang ipinaglalaban at prinispiyo.

Ngunit ngayon…

Unti-unti nang naglalahalo ang mga pangarap na kanyang naiisip para sa kanilang dalawa.

Para sa kanilang kinabukasan.

Mas gugustuhin pa ni Myk na tuluyan nang hindi bumalik ang memorya ng kanyang kasintahan. Sa gayon ay tanging siya lamang ang tatakbuhan ni Ruth sa oras ng kanyang pangangailangan.

Gusto rin niyang maging isang ordinaryong babae at may bahay na lamang si Agent Orange. Isang asawang nasa bahay at inaalagaan ang kanilang magiging anak.

Ngunit malayo ito sa katotohanan ng kanilang pagkatao.

Malayo ito sa mga planong nakalatag para sa kanila bilang miyembro ng Programme.

At hangga’t hindi naisasakatuparan ang plano ni Agent Orange na bigyan ng amnestiya at palayain ang mga miyembrong nais ipagpatuloy ang kanilang buhay sa labas ng Programme, ay mananatiling isang pangarap at madilim na kahapon lamang ito.

Lalo pa ngayo’t nawawala si Ruth. Hindi niya lubusang maisip na kaya pa ring kumilos ng kanyang kasintahan ng mag-isa. Na hindi maging makasarili at isipin ang kapakanan ng mas nakakarami. Isang katangiang mayroon ang luma at bagong Agent Orange.

Naisip niyang sana siya na lamang ang nagpanggap na asawa ni Ruth noong pinalabas nilang patay na ito dahil sa isang aksidente. At hindi na lamang si Ryan ang gumanap sa papel na iyon.

Si Ryan. Nasilaw siya sa kapangyarihang madali niyang makukuha kapag tuluyan nang nawala sa Programme si Ruth.

Si Ryan. Na kahit itinuturing niyang kapatid at kabarkada, ay mas pinili pang abusuhin ang kanyang karapatan, na nasa kanyang mga kamay ang buhay ni Agent Orange.

At wala na siyang ibang magagawa noon kundi ang hintaying dumungaw sa kanyang bintana ang magandang babae.

Nagbago lamang ang lahat at bumaliktad ang sitwasiyon, nang dumating ang mas mapangahas at makasariling si Editha Banks. Ang babaeng kayang gawin ang lahat, makuha lamang ang sinasabing katungkulan at kapangyarihang inagaw daw sa kanilang angkan.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi makatulog si Myk. Natatakot siyang maunahan ni Editha sa pagtuklas kay Ruth. Dahil hindi magdadalawang isip itong patayin ang kanyang kasintahan at iharap ang ulo nito sa konseho.

Biglangg napabangon ang binata.

Dahan-dahang pinunasan ang kanyang mga mata dahil sa nanggigilid na luha. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanang maaaring mamatay si Ruth sa mga oras na wala ito sa kanyang tabi. Wala na siyang maisip na paraan at hakbang upang mahanap si Agent Orange.

Nagpunta ito ng banyo sakay binuksan ang gripo sa may lababo. Hinilamusan ang kanyang tulirong mukha at gulong-gulo na isipan.

“Nasaan na siya?” Tanging iyon lamang ang nasasambit ng kanyang bibig.

Kinuha ang malinis na bimpo at marahang hinagod sa ngayong makinis na mukha. Unti-unti nanamang tumutubo ang kanyang balbas at bigote. Inaalala ang malambot ng kamay ni Ruth habang siya ay inaahitan nito bago pa ito lumisan.

Kinuha niya ang pang-ahit at sinimulang tanggalin ang mga maliliit, nguinit matalas, na buhok sa kanyang mukha. Gusto niyang panatilihing ganoon ang kanyang itsura, upang maging handa sa pagkikita nilang muli ng kasintahan.

Nang matapos, ay nilagyan niya naman ng pamada ang kanyang buhok na abot-balikat. Sinuklayan ito at siniguradong nasa-ayos ang kanyang mahabang buhok. Naaalala pa niya kung papaano ito tuluyang humaba, mula pa noong nagpasiya si Ruth na sumailalim sa Clearance. Hanggang sa nagkalayo sila’t nagpanggap na mag-asawa ni Ryan.

Si Ryan…

Tila may nakita siyang kakarampot na pag-aasa kung may alam ba siyang pupuwedeng puntahan ni Ruth. Dahil sa halos ilang buwan silang nagkasama nito, ay maaaring may puwedeng siyang sundan na bakas upang mahanap ang kanyang nawawalang kasintahan.

Agad-agad itong lumabas ng kanyang silid at pinuntahan ang pinakababang bahagi ng gusali ng Programme.

Madali siyang nakakapasok sa loob dahil na rin sa isa siya sa mga tagapag-mana ng angkan ng Havila.

Saglit lamang siyang naghintay sa isang salamin na silid, at maya-maya’y inilabas na nila si Ryan. Medyo bumubuti na ang itsura ng binata, kaysa sa noong dinakip ito ng mga Programme Agents. Ngunit naroroon pa rin ang mga pasa at bukol sa kanyang mukha dahil na rin sa pagpapahirap sa kanya bilang kaparusahan.

Tahimik itong naglakad at umupo sa harapan ni Myk. Nakatali pa rin ang dalawa nitong kamay sa likod, maging ang isang paa nito’y nakakadenang may kasamang bilog na yari sa bakal.

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa silid. Nakatingin lamang si Myk sa mga mata ni Ryan.

“Magtititigan lang ba tayo dito?” Tanong nito sa kanyang bisita.

Hindi namang kaagad sumagot si Myk.

“Sabihin mo na ang kailangan mo sa akin, dahil gusto ko pang matulog…” Dagdag pa ni Ryan.

“Nawawala si Ruth…” Maikling saad ni Myk.

Napangisi’t napatawa na lamang ang preso sa tinuran ng kanyang kaharap.

“Tangina! Saan ka ba naglalalagi at ngayon mo lang nalaman na nawawala si Ruth?” Tatawa-tawang saad ni Ryan.

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”

“Eh ano? Linawin mo.”

Inilapit ni Myk ang kanyang mukha sa tenga ni Ryan at marahang binulungan.

“Iniligtas ko si Ruth noong kinuha siya ni Mae, Nasa akin siya ng ilang linggo…” Bulong ng binata.

Nanlaki ang mga mata ni Ryan.

“Ibig sabihin???”

“Iyon na ang ibig kong sabihin…”

“Kailan pa? Kailan ka pa naging miyembro ng Resistance?” Tanong ni Ryan sa kanyang kaharap. Gulat na gulat ito dahil sa kanyang nalaman mula sa isang kaibigan.

Hindi naman sumagot si Myk sa katanungan ni Ryan.

“Sabihin na lang nating prinutektahan ko ang buhay ni Agent Orange.”

“Pero delikado yang ginagawa mo… Mahirap maging double agent. Lalo na’t alam nilang nasa kamay ng mga miyembro ng Resistance si Ruth…”

“Pero umalis siya… Lumayo.”

“Umalis? Bakit? Paano nangyari iyon? Bumalik na ba ang alaala niya? Ano nangyari?” Diri-diretsong tanong ni Ryan.

“Dahil sinugod ni Editha Banks ang lumang kampo namin, at nasaksihan niya ang pagkamatay ng maraming miyembro mula sa Resistance, ay nagpasiya si Agent Orange na harapin mag-isa ang labang ito.”

“Tanga…” Bulalas ni Ryan.

Hindi naman nakakibo si Myk.

“Bakit niya ginawa iyon? Wala siyang kalaban-laban. Lalo siyang mapapahamak.”

“Tama ka, Rye… Kaya pinuntahan kita, nagbabakasakaling may alam kang pupuwedeng puntahan ni Ruth…” Paliwanag ng binata.

Sandaling tumahimik si Ryan. Tila nag-iisip sa kung ano ang dapat gawin upang mahanap si Ruth.

“What’s the deal?” Tanong ng lalaki.

“Sabihin na lang nating kapag nahanap ko si Ruth, ay gagawa ako ng para makalabas ka dito.” Saad ni Myk.

Napangiti naman si Ryan sa kasunduang ipinahayag ng kanyang kaibigan.

“Magagawa niyo iyon? Magagawan niyo talaga ng paraan iyon?” Dagdag na tanong nito.

Tumango na lamang si Myk bilang tugon.

“May naiisip ako kung saan nagpunta si Ruth…” Saad ni Ryan.

“Saan?”

“Dahil alam kong gusto niyang maibalik ang kanyang alaala bilang si Agent Orange, ang una niyang pupuntahan ay ang duktor niya. Si Dra. Galvez.”

“Medical City?”

“Oo.”

“Good.” Saad ni Myk sabay tayo. Kahit papaano ay may nakalap siyang impormasiyon mula kay Ryan.

“Pare… Patawrin mo sana ako sa mga nagawa kong pagkakamali. Sa iyo at kay Ruth… Ipangako mo sa aking ibabalik mo si Agent Orange… Sabay-sabay nating pabagsakin ang Programme.” Makabuluhang saad ni Ryan bago tuluyang umalis ang kanyang kaibigan.

Muling tumango si Myk sa kanyang kausap bilang tanda ng kanyang pag-unawa sa sinabi nito.

Alam niyang may malaking kasalanan si Ryan kay Ruth dahil sa pagkasilaw nito sa kanyang bagong katungkulan, ngunit nagawa din naman nitong protektahan si Agent Orange laban kina Melissa at Editha Banks.

Dahil sa nabuong bagong plano, ay mabilis na pinuntahan ni Myk ang ospital na pinagsisilbihan ni Dra. Galvez. Nagbabakasakaling tama nga ang hinuha ni Ryan na naroroon si Agent Orange.

Nagpunta ito sa Psych Ward ng ospital kung saan naglalagi ang duktor na siya namang tumitingin sa kundisyon ni Ruth.

Nilapitan ng binata ang nurse na nakaupo sa may information center.

“Nandiyan ba si Dra Galvez?” Tanong ni Myk.

Saglit na tumingin ang nurse sa kanya ngunit kaagad na ibinaling ang kanyang paningin sa computer monitor. Tila abala ito sa ibang bagay.

“Pakilista na lang ang pangalan at maupo ho muna kayo.” Saad ng babae.

“Urgent ito. Kailangan ko makausap si doktora…”

“Sir, may appointment po ba kayo?”

“W-wala…”

“Iyon nga po… Pakilista ang pangalan ninyo at maupo ho muna kayo.”

Tila mabilis namang nainis ang binata sa pagsusungit sa kanya ng babae.

“Hindi mo ako naiintindihan… Kailangan ko siya makausap ngayon na! Bitiwan mo lahat ng ginagawa mo ngayon at tawagan mo si Dra Galvez…”

“Sir! Kayo po ang hindi nakakaintindi… Busy po kaming lahat dito at marami kaming trabahong kailangang gawin. Kung wala po kayong appointment, eh kailangan ninyong hintayin kung may bakanteng oras si dok!” Nagtaas na rin ng boses ang nurse.

Gusto mang sumunod ni Myk sa iniutos sa kanya ng nurse, ay hindi niya itong magagawa sa ngayon. Nauubos na ang oras niya para hanapin ang kasintahan.

Kung kaya naman ay agad itong naglakad papunta sa opisina ng doktora.

“Sir!!! Sandali lang po!!! Kailangan niyo po maghintay!!!” Pahabol na saad ng nurse kay Myk.

Tila wala namang nadidinig ang binata sa pinagsasabi sa kanya nito.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan ng doktora at sinilip kung ano ang nangyayaring kaguluhan sa labas ng kanyang opisina.

“Anong nangyayari dito?!” Saad ng matabang doktora.

Nagkatinginan naman sina Myk at Dra Galvez.

“Dok! Nagpupumilit po kasi si sir! Wala po siyang appointment…” Saad ng nurse.

“Tangina! Pasasabugin ko ang bungo nito kung hindi mo aawatin itong staff mo…” Galit na saad ng binata.

Kaagad namang umatras ang babae kay Myk dahil sa itinuran nito sa kanya.

“Relax lang Myk… Hindi mo na kailangang gawin yan at hindi mo na rin kailangan ng appointment… Halika pumasok ka na sa opisina ko.” Saad ni Dra Galvez.

“Nadinig mo sinabi niya?” Tanong ng binata sa nurse.

Mabilis namang tumalikod ang babae at bumalik sa kanyang istasiyon.

“Hindi ka pa talaga nagbabago Myk. Mainitin pa rin iyang ulo mo… Hihihi…” Malanding saad ng matabang doktora.

“Hindi ako pumunta dito para makipagkulitan at makipagkamustahan sayo…” Seryosong saad ni Myk.

“Haaayy… Ano pa nga ba ang makukuha ko? Isang empleyado lang ako ng Programme… Sunud-sunuran sa mga mayayabang na tagapag-mana ng angkan – tulad mo!”

Pumasok silang dalawa sa opisina ng matabang doktora at kaagad na isinarado ang pintuan.

“Anong maipaglilingkod ko?” Tanong ni Dra. Galvez.

“May hinahanap akong tao. At umaasa akong alam mo kung nasaan siya…” Sagot ni Myk.

Napangisi naman ang doktora at tila alam na nito ang sinasabi’t hinahanap sa kanya ng binata.

“Mukhang may ideya ka na… Nasaan si Ruth?”

“Hanapan na ba ako ng nawawalang tao?”

“Sinabi ko sayong hindi ako nakikipagbiruan, nakikipaglokohan at nakikipagkulitan… Sagutin mo ang tanong ko… Nasaan si Ruth?”

“Well… Sabihin na lang natin na sayang… at hindi mo siya naabutan…” Mapangahas na banat ng matabang babae.

Mabilis na hinawakan ni Myk ang bandang kuwelyo ni Dra Galvez at halos mapatayo ang babae sa lakas ng pagkakahawak sa kanya ng binata.

“Nasaan si Ruth? Anong ginawa mo sa kanya?!!!” Galit na saad ni Myk.

“Bitiwan mo ako… Nasasakal ako!”

“Putang ina!!!”

“Wala akong obligasiyon sa iyo o sa kahit kanino… Si Agent Orange lang ang pinagsisilbihan ko… At hindi ko puwedeng sirain ang mga plano niya…” Makahulugang saad ni Dra. Galvez.

Tila natauhan si Myk at bahagyang naguluhan sa sinabi sa kanya ng doktora. Dahan-dahan niyang binitawan ang kuwelyo nito, hanggang sa tuluyan nang pinakawalan ang babae mula sa mahigpit na pagkakasakal.

Saglit na tumahimik si Myk at nag-iisip sa kung ano nga ba ang plano ni Ruth.

“Kailan pa siya pumunta dito?”

“Basta tatlong araw kaming magkasama… Tatlong araw kaming nasa New Manila…”

“Tatlong araw?”

Tumango ang doktora bilang tugon sa lalaking nasa kanyang harapan.

“Nasaan na siya ngayon?” Muling tanong ni Myk.

Hindi na nakasagot ang matabang babae dahil biglang tumunog ang cellphone ni Myk. Mabilis na sinagot ng binata ang kanyang telepono.


“Hello?”
“Myk? Si Melissa ito… Natagpuan na nila si Ruth…”
“Ano?! Saan?? Paano??”
“Ewan ko… Pero ang alam ko, nasa safe house na siya ni tita Editha sa may Paranaque… Malapit ka lang ba? Sumunod ka na lang…” Saad ni Melissa sabay baba ng kanyang telepono.

“Hello!? Hello?!!!! Melissa!!!” Pasigaw na saad ni Myk.

Tila lalong kinabahan ang binata at maraming katanungan ang nasa kanyang isipan.

Iniisip niya kung papaano napasakamay ni Editha Banks ang kanyang kasintahan.

At kung ano nga ba ang dahilan kung bakit niya pinuntahan si Dra. Galvez.

Ngunit wala na siyang oras para magtanong ng magtanong pa sa matabang doktora. Dapat na siyang kumilos kundi ay mapapahamak lamang si Ruth. Iniisip nitong walang kalaban-laban ang kanyang pinakamamahal sa kamay ng mga Programme Agents.

Kailangan niya itong iligtas.

“Huwag ka masyadong mag-alala Myk… Magtiwala ka lang kay Agent Orange…” Makahulygang saad ni Dra Galvez.

Mabilis na lumabas ng opisina ng doktora ang binata at tumakbo ito patungo sa elevator at parking lot.

Kahit pa kinakabahan si Myk, ay tila hindi niya maalis sa isipan niya ang mga katagang iniwan sa kanya ng matabang doktora.

“Magtiwala??? Paano ako magtitiwala sa iyo Agent Orange??? Paano?”Bulong ng binata habang mabilis itong nagmamaneho patungo sa safe house sa Paranaque.

14:22 Saturday
Safe House
The Programme
Samantala, tahimik na sumama si Ruth sa mga lalaking nakadakip sa kanya. Nakapiring ang mga mata nito at nakatali ang dalawang kamay, habang nakaposisyon sa kanyang bandang likuran.

Kahit kinakabahan ang magandang babae ay pinanatili niyang maging kalmado at pinakikiramdaman ang mga susunod na gagawin sa kanya ng mga ito.

Alam niyang pahihirapan siya ng husto ng mga Programme agents, o kaya naman ay biglaang taniman ng bala sa kanyang sentido. Pinagpapawisan at nangingig sa takot si Agent Orange habang iniisip ang mga bagay na ito.

Marahan siyang pinaupo sa isang silya, at pakiramdam niya’y nasa gitna siya ng isang napakalaking silid. Ito ay dahil sa umaalingaw-ngaw ang mga boses ng mga lalaking ito habang sila ay nag-uusap.

Nadidinig niya ang usapan ng dalawang Programme agents. Hindi niya alam kung sinasadyang ipadinig sa kanya ang kanilang usapan, o talagang wala silang pakialam kung may nakakarinig na ibang tao sa kanilang dalawa.

Maya-maya ay iniwan na siya ng mga ito, kung kaya’t biglang nabulatan ng nakakabinging katahimikan ang buong kuwarto.

Iginagalaw niya ang kanyang mga kamay, na tila nangangawit na mula sa pagkakatali. Sinusubukan niyang kumawala sa mga ito.

Tinatalasan niya rin ang kanyang pandinig sa tuwing may mga yabag siyang nadidinig sa labas ng silid na kanyang kinaroroonan.

Alam niyang paparating na ang mga may katungkulan sa Programme upang siya ay pahirapan, itorture at paslangin.

Kahit natatakot, ay huminga na lamang ng malalim si Agent Orange. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo. Tila handa na siyang magsakripisyo, sa ngalan ng responsibilidad na naka-atang sa kanya mula sa grupo ng Resistance.

Natitiyak niyang siya lamang ang pakay ng mga ito, at gusto na rin niyang tapusin ang kanilang pagtutuos.
Bahala na… ika niya.

Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan ng silid. Marami siyang mga yabag ng sapatos na nadidinig, ngunit mas nangingibabaw ang tunog ng isang sapatos na may takong.

Tok… Tok… Tok… Tok…

Sabay hinto sa kanyang harapan. Amoy na amoy din niya ang umaalingasaw na pabango ng babaeng ito.

Maya-maya ay lumapit ang kamay nito at biglang hinugot at tinanggal ang telang nakapiring sa kanyang mga mata.

“Agent Orange… Long time no see…” Nakangiting pagbati sa kanya ni Editha Banks.

Hindi naman sumagot si Ruth, ngunit nakatingin ito sa mga mata ng matandang babae.

“Mukhang takot na takot ka ah… Hihihihi… Kung pupuwede ko lang kuhanan ang pagmumukha at itsura mo ngayon… malamang trending ka sa Instagram! Hihihihi…”

Hindi pa rin kumikibo ang magandang babae. Bagkus, ay bigla itong napaluha. Tila ngayon na niya naramdaman ang takot at katotohanang puwede na siyang mawala sa mundo sa isang iglap lamang.

“Aaaahhhhh… Don’t cry… Don’t worry, hindi ka na namin pahihirapan… Pero hindi ko maipapangakong hindi ka masasaktan… Hihihihi…” Nakakaasar na saad ni Editha Banks.

“Maawa ka sa akin… Parang awa mo na pakawalan mo ako…” Pagsusumamo ng Ruth.

“Naku… Pasensiya ka na kung hindi mo ako natatandaan o nakikilala… Hindi ko rin naman ginustong magka-amnesia ka… Pero kailangan kasi kitang patayin eh…”

“Wala akong ginawang kasalanan sa iyo… sa inyo… Please… Pakawalan niyo na ako…” Mangiyak-ngiyak na saad ni Ruth.

“Hay naku… Wala na akong pakialam sa drama mo… May naaalala ka man o wala, mayroon ka pa ring kasalanan sa akin at sa angkan namin… Sorry na lang dahil kahit anong gawin mo, eh wala kang laban sa aming lahat dito… Dahil isang hamak na house wife ka na lang ngayon… Hihihi…” Saad ni Mrs. Banks.

Tila ito ang nakuhang pagkakataon na mapaslang si Agent Orange, dahil sa wala itong kalaban-laban sa kanila, at hindi pa rin bumabalik ang kanyang memorya bilang isang Programme Agent.

“Wala na tayong oras… Sige na, papatayin na kita.” Dagdag ni Editha sabay labas ng kanyang samurai sword. Kakailanganin niyang pugutan ng ulo si Ruth upang iharap sa mga miyembro ng konseho.

Ito din ang magiging katibayan niya, na siya ang nararapat na mamahala sa Programme, at umupo bilang Country Director.

Itinutok na ni Editha ang espada sa harapan ni Ruth. Marahan itong lumibot papunta sa bandang tagiliran ng magandang babae.

Inginuso niya sa dalawang Programme Agents na lapitan si Ruth upang ibaba ng kaunti ang kanyang bandang balikat.

“Any last words, Agent Orange?” Nakangising saad ni Editha Banks.

Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ni Ruth, na siya namang lalong ikinatuwa ng matandang babae.
Maya-maya ay marahang ibinuka ni Ruth ang kanyang bibig at nagsalita…

“Putang ina mo… at ng buong angkan ninyo…” Pabulong na saad ni Ruth.

Napakunot-noo naman si Editha at tila hindi siya sigurado sa nadinig niya mula sa magandang babae.

“Anong sinabi mo?” Tanong nito.

“Ang sabi ko… Tang ina mo, at ng walang kuwenta mong angkan!” Palakas na saad ni Ruth sabay tayo at bunot ng dalawang kutsilyong nakakabit sa kanyang suot na sapatos.

Sa sobrang bilis kumilos ni Agent Orange ay tila sa isang iglap lang ay nawala siya sa kanyang kinauupuan.
Mabilis nitong initsa ang dalawang matalim na kutsilyo, at agad na bumaon sa noo’t sentido ng dalawang Programme Agents.

Tila nanginig at kinilabutan ang buong kalamnan ng matandang babae at agad winasiwas ang kanyang samurai upang hindi makalapit sa kanya si Ruth.

Sinusubukan niyang tumapat sa may pintuan ng silid upang makalabas at makatakbo papalayo.

Ngunit biglang sumugod si Agent Orange sa kanya at iniwasan ang bawat hampas ng espada ni Editha, kung kaya’t mabilis itong nakapunta sa bandang likuran ng matandang babae.

Nanlaki ang mga mata ni Editha nang nakuha ni Agent Orange ang hawak niyang espada, na ngayon ay nakatapat na sa kanyang bandang leeg.

Nanginig ang buong katawan ng babae at hindi niya inaasahan ang mga kasalukuyang nangyayari.

“Nasurpresa ka ba? I’m back!!!” Saad ni Agent Orange sabay gilit sa leeg ni Editha, at mabilis na sumirit ang dugo nito dahil sa sobrang talim ng espada.

 

ereimondb
Latest posts by ereimondb (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x