Jigs 2

Jigs

Written by neckromancer

 


Binuksan ko nga ang pinto. Hindi ko naman inasahang parehong nasa cubicle ang dalawang babae to take care of business. Dala nang sisirit na ang pantog ko hindi ko na inalintana at pumasok na ako sa bakanteng cubicle. Wala namang urinal doon at unisex nga. Pero ibinanda ko pa ang ihi ko para hindi marinig. Nang maramdaman kong umalis na ang dalawa, saka ko inayos para mas bumilis ang daloy ng ihi ko. Mas maingay na, pero mas maingay. Grabe, umaga kasi kaya madami ang ihi ko.

Paglabas ko ng cubicle, akala ko ay ako lang ang tao. Naghuhugas na ako ng kamay nang may lumabas din sa isang cubicle na babae. Hindi siya isa sa mga sinundan ko sa CR. Sa totoo lang, mas maganda pa siya. Parang buhok ng mais ang kanyang buhok dahil sa angking pino nito at pati na rin ang kulay. Mamula-mula ang kanyang makinis at maputing balat. Maliit ang kanyang ilong at manipis ang kilay. Tumabi siya sa akin para maghugas din ng kamay. Mula sa pagkakaharap ko sa salamin ay nakikita ko na mas maliit siya sa akin, siguro mga 5’3″ (5’9″ kasi ako), ngunit maganda ang hubog ng kanyang katawan. Nakasuot siya nang parang trenchcoat na maiksi (para bang miniskirt) at maganda ang kanyang ngiti sa akin. Nahiya ako nang maisip ko na malakas ang tunog ng ihi ko. Nagulat na lang ako nang biglang sabihin niya, “Cleanliness is next to godliness talaga, huh?” Hindi ko namalayan na papalabas na siya ng pinto at naghuhugas pa rin ako ng kamay. Lalong namula at nag-init ang aking pisngi sa hiya.

Buong araw ay hindi ko siya makalimutan. Nang magsimula na ang trabaho at ipinakilala na kaming mga baguhan sa mga “vets” (tawagan lang sa mga gurang). Mabuti na lang at sanay akog gumamit ng spell checker at natuklasan ko na marami ang mga mali kong pagtatype dahil nga hindi ko maalis sa isip ko si Ms. Trenchcoat. Sinabi ko na lang kay TL (Team Leader) na naninibago lang ako.

Nang lunch break ay nag-aya ang aking ka-batch sa training na si Bernard na mag-Starbucks at samahan siyang manigarilyo. Hindi man ako mahilig sa kape o naninigarilyo, gusto ko ang amoy ng pinagsamang kape at sigarilyo kasama ng nakakagising na kuwentuhan. Isa pa, mula noong training namin nitong si Bernard ay may isang dahilan kami para mag-coffee shop: Para mag-babe watching.

Pinapalamig ko na ang maliit na cup ko ng mocha latte nang pumasok si Ms. Trenchcoat, kasama nang dalawang kaibigan niyang halatang binabae. Kinalabit ko si Bernard (ikinuwento ko sa kanya ang pagkapahiya ko sa CR, tawa nga siya nang tawa) at ininguso ang target. Napataas-baba nang tingin si Bernard at mabilis na in-assess ang aking kursunada. Napatingin siya sa akin, napangiti at ibinulong, “Akong bahala, Jigs.”

Hindi ko na napigilan sa pagtayo (dahil nga mainit pa ang kape ko at takot akong mapaso) si Bernard na mabilis na lumapit sa mesa ng aking crush. Nagpakilala siya at itinuro ako. Nang makita ako ni Ms. Trenchcoat ay napangiti siya at napakaway. Naalala niya ako at ang napakalinis kong kamay.

Lumapit ako dahil napilitan na rin at naging magkakilala na kami. Itago na lang natin si Ms. Trenchcoat sa pangalang Laurie. (Sabihin na nating Edu at Bayani ang dalawang kasama niya, hehehe) Nagtatrabaho pala siya bilang customer service rep (CSR) at pareho kami halos ng shift. Mas maaga lamang ang sa amin ni Bernard nang 1 oras. Napatunayan ko sa kuwentuhang iyon na napakabilis ng 20 minutes dahil natapos na agad kami at kailangan nang bumalik sa office. Malungkot man ang aking loob, “see yah” na lang ang aking nabanggit.

Gumanda ang performance ko sa office. Nang maipakita sa amin ni TL ang daily review ay binigyan ako ng maliit na incentive. Nagulat nga ako nang malaman ko na nalagpasan ko ang typing speed ni Bernard (siya kasi ang pinakamabilis dumutdot sa qualifying tests namin). Biniro ako ni Bernard, “‘Yan ang inspired!”

Dala nang maaga akong pumasok ay napag-isipan kong pumasok muna sa rec room namin at umidlip. Binalak kong sabayan si Laurie nang magkakilala kami nang lubos. Sinabihan ko ang isang kasama ko na gisingin ako makalipas ang isang oras. TL na TL ako.

Pagkatapos ng isang oras, pumunta ako ng elevator para abangan siya. Nakita ko naman agad at binati. “Hi Jigs!” “Laurie, long time no see!” Biro ko nang may ngiti.

“Bitin ang kuwentuhan kanina, ano, Jigs?”
“Oo nga e,” pagkakataon ko na, naisip ko,”gusto mo ituloy natin?”
“Why not? Gusto mo ba sumabay pauwi?”
Mabilis kong binilang sa aking isip ang pera kong natira sa wallet.”Sure. Saan ka ba umuuwi?”

Pasok kami ng elevator. Pindot sa ground floor.

“Sa Bulacan pa ako kaya boring kapag ako lang.”

Patay. Sa isip-isip ko. Ang layo noon mula sa amin. Napasubo na ako.

Nang bumukas na ang pinto sa lobby ay pinigil ako ni Laurie.

“Ay hindi tayo magko-commute Jigs. I have a car.”

Itutuloy…

 

neckromancer
Latest posts by neckromancer (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x