Written by ereimondb
Ako si Ruth, isang Programme Agent.
Hinubog ako ng aking ama upang maging malakas at walang kinakatakutang tagapangalaga ng Programme, at tagapagtanggol mula sa grupo ng Resistance.
Itinuring din akong traydor at maka-kaliwa nang mapasakamay ko na ang pinakamataas na posisyon sa kumpanya, dahil sa paghahangad ko ng kapayapaan mula sa dalawang kampo.
Sa tulong nina Melissa, Ryan at Myk ay nagawa kong subukan ang isang sistemang nag-ngangalang The Clearance at pekehin ang aking pagkamatay. Lingid sa aking kaalaman ang pagtraydor na ginawa nina Ryan at Melissa dahil sa paghahangad nila ng kapangyarihan.
Ngayong nalaman ko na ang lahat, ay iisa lamang ang nagiging dahilan ko sa pagbangon tuwing umaga… iyon ay ang makabalik sa dating ako…
bilang si Agent Orange.
“Kahit anong gawin ninyo sa akin… akin patayin niyo pa ako… hinding hindi ninyo maitatago sa inyong sarili na buhay si Agent Orange at magbabalik siya… ughhh…” Saad ng duguan na si Ryan habang nakatali paitaas ang dalawang kamay nito at patuloy na salitang binubugbog ng mga Programme Agents.
Ito ang kaparusahang ipinataw kay Ryan dahil sa mga hindi magandang sinabi nito sa harap ng konseho. Pinapahirapan, sinusuntok at pinagtatadyakan siya ng mga nakabantay sa kanyang Programme Agents, ngunit hindi nila siya tinutuluyang patayin dahil na rin sa kagustuhan ng mga matatandang miyembro ng konseho.
“Masyadong madami ka pang sinasabi Mr. Santander. Hindi ka ba naawa sa sarili mo?” Tanong ng isang Programme Agent habang nakahawak ito sa bandang ulunan ng lalaki.
Halos mapuno ng dugo ang damit ng lalaki at namamaga na rin ang mga mata at labi nito dahil sa malalakas na suntok sa kanya.
Ang mga miyembro naman ng konseho ay masayang nag-aagahan sa kanyang harapan at pinapanood pa ang ginagawang pagpapahirap sa dating Country Director ng Programme.
Nasa isang silid din sina Editha Banks at ang pamangkin nitong si Melissa. Masayang-masaya ang matandang ginang dahil pakiramdam nito’y nakaganti na siya sa mga masasakit na salitang binitawan ni Ryan.
Hindi naman mapakali si Melissa habang nakikita niya ang sinapit ng kanyang dating fiancé. Mangiyak-ngiyak ito sa pagsusumamo sa kanyang tiyahin upang itigil na ang ginagawang kaparusahan sa lalaki.
“Tita… Nagmamakaawa ako sa iyo… Please itigil niyo na po ito…”
“Hindi ito ang oras para maging maawain ka Melissa. Ngayon mo dapat matutunan kung papaano ang maging matigas at matapang, lalo na’t ibabalik sa ating angkan ang pamamahala sa Programme.”
“Hindi ko inasam ang maging Country Director tita… Lalo na kung ganito lang naman ang mangyayari…”
“Huminahon ka sa mga sinasabi mo…” Saad ni Editha sabay hatak sa braso ng kanyang pamangkin.
“Baka madinig ka ng konseha at patawan ka ng kaparusahan. Nagkasala si Ryan sa ating batas, at dapat lang niyang danasin ang lahat ng ito. At isa pa, binigyan natin siya ng pagkakataon para pumanig sa atin, ngunit nagmatigas siya.” Dugtong ng matandang ginang.
“But you promised me… Na lulubayan mo si Ryan. Hindi ko akalain na parte pala siya ng mga plano mo.”
“Kung hindi siya naging mahina, malamang nasa maayos siyang kalagayan ngayon. It goes to show na hindi pa talaga siya handa para maging Country Director.”
“But tita, parang sobra naman po yata ang ginagawa sa kanya…”
Sandaling natahimik si Editha Banks at napatingin sa kanyang pamangkin. Hinigpitan niya ang paghawak nito sa braso ng magandang babae dahil sa galit nito.
“Hindi mo ba nadinig ang mga pinagsasasabi niyang lalaki na yan sa angkan natin? Nagbibingi-bingihan ka lang ba o sadyang tanga ka lang?” Nanggigigil na tanong ng matandang babae.
Hindi naman makasagot si Melissa at pilit na kumakalas sa pagkakahawak sa kanya ni Editha.
“He showed disrespect sa angkan natin, at kulang pa yan bilang kaparusahan niya.”
“Tama na po tita, nasasaktan na po ako… Bitiwan niyo ako.”
“Kung hindi ka pa titigil diyan sa kakaarte mo sa dati mong boyfriend, hindi ako magdadalwang isip na papuntahin ka ng Amerika.”
“You don’t have to do that. Naiintindihan ko ang lahat ng sinasabi mo tita… Please let me go.”
Kaagad namang binitiwan ni Editha ang namumulang braso ng kanyang pamangkin at bahagyang sinulyapan ang mga miyembro ng konseho na abala sa pagkain ng kanilang agahan.
“Ang dapat ginagawa mo ngayon ay tulungan akong hanapin si Agent Orange. Tumatakbo ang oras natin nang walang napapala.” Saad ni Editha sabay suot sa kanyang shades.
“May lead na ang mga Programme Agents…”
“I know, at yun ang pupuntahan ko ngayong tanghali. Get yourself together Melissa, hindi natin kailangan ang panibagong failure sa misyong ito. Nakasalalay dito ang buhay ko at ang kinabukasan ng Programme.”
“Yes tita.” Mahinang saad ni Melissa.
“I need to go now. Bye.” Paalam ni Editha sabay lakad patungo sa pintuan ng viewing room.
Sinundan na lamang ng tingin ni Melissa ang kanyang tiyahin habang marahan nitong minamasahe ang kanyang kaliwang braso.
Maya-maya ay ibinalik niya ang kanyang tingin sa kalunos-lunos na itsura ni Ryan.
Napapaluha siya sa tuwing nakikita niyang nag-iba na ang mukha ng kanyang guwapong boyfriend dahil sa tindi ng bugbog sa kanya.
“This is getting out of hand.” Saad ng isang lalaking biglang tumabi kay Melissa.
Mabilis namang napalingon ang magandang babae at yumakap sa lalaking ito.
“Myk… Tulungan mo si Ryan please? Alam kong madals kayong nagtatalo, pero kabarkada mo din naman siya hindi ba? Please help him… Please?” Saad ni Melissa habang yakap niya ang lalaki.
Marahang hinagod naman ni Myk ang likuran ni Melissa habang sinusubukan niya itong patahanin.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko Myk… Hindi ko alam kung kanino ako kakampi…”
“We have to wait… Iyan lang ang masasabi ko…” Saad ni Myk sa babae.
“So parang sacrificial lamb si Ryan? Hindi ko na nga kaya ang nakikita ko eh…”
“Wala tayong magagawa Melissa. Wala tayong magagawa sa mga matatandang konseho. Sila ang batas ng Programme…”
Sabay naman silang napatingin sa mga kumakaing matatanda at tila tuwang-tuwa pa sila habang pinapanood ang duguang si Ryan.
“Sana hindi na lang ako pumayag sa plano niya…” Mahinang saad ni Melissa.
“Ako din naman, nagsisisi. Dapat hindi niya iniwan ang Programme…”
Maya-maya ay lumingon si Melissa sa kanyang kausap at tinitigan nito ang mata ni Myk.
“Hihingi na lang ako ng pabor sa iyo…” Saad ng babae sabay hawak sa dalawang kamay ng lalaki.
“Anong pabor?”
“Tulungan mo akong hanapin si Ruth… Si Agent Orange.”
“Hindi ko alam kung nasaan siya… Pero susubukan kong hanapin siya.” Saad ni Myk.
“At pag nahanap mo… Myk please idiretso mo siya sa akin. Dalhin mo siya sa akin.”
“Huh?”
“Dalhin mo sa akin si Ruth. Siya lang ang makakapagsalba kay Ryan. Gagawa ako ng deal sa konseho para hindi nila patayin ang mahal ko.”
Napangisi naman si Myk sa suhestiyon ng magandang babae. Kahit nagkukunwari itong walang alam, ay hindi niya kayang itago ang tunay na nararamdaman dito.
“Gago ka din ano? Mas gugustuhin mo pang mamatay si Ruth kaysa kay Ryan na sumira sa lahat ng plano niya? Trinaydor niya si Ruth…”
“Pero si Ruth ang may kagustuhan ng ginawa niya… Lumala ang lahat dahil sa mga plano niya…”
Tila lumalakas ang boses ni Melissa at napapalingon naman ang isa sa mga miyembro ng konseho. Lingid sa kanilang kaalaman ang plinano ng apat na magkakaibigan, lalo na sa pagpeke ng kamatayan ni Agent Orange.
Sabay na yumuko ang dalawa at ibinaling sa iba ang kanilang paningin.
“Nakikiusap ako sayo Myk… Tulungan mo ako…” Mahinang pagsusumamo ni Melissa.
“Tutulungan ko si Ryan. Hahanap ako ng paraan. Pero hindi ibig sabihin nun, ay kailangang patayin at isakripisyo si Ruth. Sayo na rin nanggaling… Magbabarkada tayo.” Seryosong saad ni Myk at agad tinalikuran ang magandang babae.
Wala nang ibang magagawa si Melissa kundi ang maghintay ng tulong na manggagaling kay Myk. Ngunit mas matimbang sa kanyang isipan ang una niyang plano na hanapin si Agent Orange at ipalit sa katayuan ng kanyang dating fiancé.
Hanggang sa nagitla ang lahat dahil sa malakas na pagsigaw ni Ryan. Napatayo ang lahat ng mga miyembro ng konseho at maging si Melissa.
Pagkatapos umalingaw-ngaw ang malakas na hiyaw ni Ryan at bigla itong napatawa. Hindi na nito maibuklat ng lubusan ang kanyang mga mata, ngunit natatanaw pa rin niya ang kinaroroonan ng mga konseho.
“Mga putang ina ninyong baboy at masisibang matandang konseho… Lubos-lubosin niyo na ang pagkain ninyo at ituring niya na yang huling hapunan. Dahil papatayin kayong lahat ni Agent Orange… Ha Ha Ha Ha…” Saad ni Ryan.
Nanlaki naman ang mga mata ni Melissa. Alam niyang lalong mapapahamak ang kanyang dating fiancé dahil sa sinabi niya. Nilingon nito ang kinaruroonan ng konseho at ibinagsak ng isang miyembro ang hawak-hawak nitong malaking parte ng manok.
Hanggang sa binigwasan ng isang Programme Agent si Ryan, na naging sanhi ng pagkawal ng kanyang malay. Gusto sanang sumigaw ni Melissa ngunit napigilan pa niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang mapahamak din siya dahil sa pagkampi nito kay Ryan.
Samantala, ay maaga ding nagising si Ruth. Hinandaan siya ng agahan ng kanyang mga kasamahan sa Resistance at inalalayan pa ito sa kanyang mga pangangailangan. Nang makita nitong nakahanda ang ibang miyembro para mag-jogging at tumakbo, ay agad itong nagpahayag ng kanyang kagustuhang sumama sa kanila.
Nagpasiya naman silang isama ang magandang babae dahil kakailanganin niya ito para sa pag-eensayo. Nakaplano na rin kasi ang lahat para sa kanya. Bilang si Carmen ay isang dating Programme Agent, ay siya ang mamamahala sa pagbabalik ng mga abilidad ni Ruth. Tuturuan niya ito kung papaano lumaban muli at kung papaano mas mapapabilis ang pagbabalik nito.
Kahit hindi na sanay ang katawan ni Ruth sa mahabaang takbuhan ay agad itong nahingal. Kung kaya’t sabay-sabay na lamang silang umuwi sa kampo upang makapagpahinga na ang magandang babae.
“Si Myk?” Tanong nito habang nagpupunas ng kanyang pawis.
“Nasa Programme. Nangangalap ng impormasiyon.”
“Hindi ba delikado ang ginagawa niya? Papaano kung masunda siya?” Nag-aalalang tanong ni Ruth.
“Delikado… Pero wala tayong magagawa. Siya lang ang mata at tenga natin sa kabila.”
“Paano pag nahuli siya…”
“Patay… Patay kung patay… Yan ang sabi niya.”
Napabuntong hininga naman si Ruth sa kanyang nadinig mula sa kausap na babae. Hindi niya akalain na ganoong kalaki ang sakripisyong ginagawa ni Myk para sa kanya at sa Resistance.
Maya-maya ay nilapitan niya ang babae at hinawakan niya ito sa kamay.
“Carmen… Gusto ko nang matuto… Turuan mo na ako…”
“Agad-agad?”
“Oo… Gusto kong makatulong sa inyo.”
“Hindi nating puwedeng biglain ang katawan mo.”
“Pero wala namang nangyaring iba sa katawan ko. Nawala lang ang alaala ko, at malamang kaya ko pa rin gawin ang nagagawa ko noon bilang si… bilang si Agent Orange.”
“Huwag kang mag-alala… Gagawin natin yan, pero hindi sa ngayon.”
“Bakit? Wala na tayong oras…” Saad ni Ruth.
“Kailangan ko ding iligtas si Ryan…” Dugtong pa ng magandang babae.
Napatingin naman sa kanya si Carmen. Hindi niya lubos akalain na mismong si Agent Orange pa ang nagmamakaawa sa kanya na maturuan siya.
“Kahit kaunti muna… Kahit basics lang… o kaya kahit humawak ng baril…” Dagdag pa ni Ruth.
Napangiti naman si Carmen dahil sa pagiging pursegido ng magandang babae. Alam niyang isang magandang senyales ito para magtagumpay ang kanilang mga plano.
“Sige… Tuturuan kita ng basic skills… Sundan mo ako…” Saad ni Carmen.
Kaagad namang sumunod si Ruth upang kuhanin ang una niyang training session kay Carmen.
Ang unang leksiyon na itinuro sa kanya ay kung papaano nito mapoprotektahan ang kanyang sarili mula sa mga kalaban. Ipinakita muna nila ito sa kanya saka siya dahan-dahang tinuruan.
Pinipilit ni Ruth na matuto kaagad. Gusto niyang maibalik ang dating siya sa lalong madaling panahon, kahit pa indahin ang sakit ng kanyang katawan. Tinitiis niya ang mga mabibigat na kamay na humahatak sa kanya at sinusubukan lahat ng self dense routines na itinuturo sa kanya.
Hindi pa rin siya makapaniwal sa kung anong nakaraan na ipinagtapat sa kanya. Hindi niya akalain na isa pala siyang mapanganib na tao. Ang buong akala niya ay isa lamang siyang ordinaryong housewife, nagluluto, nag-gagardening at nagbe-bake ng cake.
Hindi niya akalain na marunong siyang humawak ng baril at armas, at ang masahol pa’y yung kumikitil siya ng buhay na tumitiwalag sa Programme.
Halos magtatanghalian na sila nang matapos sa training. Ayaw pa sana niyang tapusin ito, kung hindi lang sila pinatigil ni Myk.
“Balita ko ang galing mo daw ah… Hehehe…” Biro ng lalaki kay Ruth.
Napangiti naman ang magandang babae habang naghahabol ng kanyang hininga.
“Hindi naman… Unti-unting natututo pero hindi magaling… Hihi…” Nahihiyang tugon ni Ruth.
“Hehehe… good. Pero please huwag mong pilitin ang katawan mo…”
“Oo naman… Alam ko naman kung kailan ako masasaktan eh… Kaya huwag kang mag-aalala sa akin.”
“Okay. May tiwala naman ako sa judgement mo.”
“Salamat…”
“Oo nga pala… Dumaan ako kanina sa Programme. At nadinig ko na binigyan ulit ng forty-eight hours si Editha para mabawi ka. Kaya bukas ng umaga, aalis na tayo ng kampo. Tuluyan na tayong lalayo dito sa Maynila habang nagpapagaling at nagsasanay ka.” Balita ni Myk.
Tila napatigil naman si Ruth sa paglalakad habang nina-namnam ang lahat ng sinasabi sa kanya ng lalaki.
“Forty-eight hours? Talagang gusto nila akong patayin…”
“Ganun na nga…”
“SI Ryan? Ano na nangyari kay Ryan?”
“Tinatanggap niya ang lahat ng kaparusahan ngayon sa Programme. Lalo pang nadagdagan ang parusa niya dahil sa pananakot niya sa mga miyembro at maging sa konseho. Sinabi niyang magbabalik ka daw para ubusin sila. Hehehe… Loko talaga yun.” Sagot ni Myk.
Natahimik naman ng sandali si Ruth habang pinupunasan ang kanyang pawis.
“Kaya lalong kailangan kong magsanay kaagad. Kailangan nating iligtas si Ryan.” Saad ng magandang babae.
“Ako na ang bahala doon.” Seryosong saad ni Myk at may bahid ito ng selos.
“Myk… Please. Tulungan natin si Ryan.”
Tumango na lamang ang lalaki kay Ruth at hindi na umimik. Hindi niya pa rin lubusang matanggap na napalapit na ang loob nito sa kanyang karibal.
Pagkatapos nilang mag-ensayo ay kaagad silang nagpunta sa dining area upang pagsaluhan ang napakasarap na pananghalian. Nagkukuwentuhan at nagkakatuwaan ang lahat maliban na lamang kay Ruth. Tahimik ito habang kumakain at tila naiilang pa rin siya sa mga nakakatitig sa kanya.
Paminsan-minsa’y sinusulyapan niya si Myk, ngunit agad namang umiiwas ng tingin ang lalaki sa tuwng nagtatama ang kanilang mga mata. Alam ni Ruth na mabigat ang dugo nito kay Ryan, lalo na’t tinagurian niya itong traydor. Ngunit para kay Ruth, ay wala naman itong masamang ginawa sa kanya, at bilang kaibigan ay sa tingin niya’y dapat pa rin itong iligtas.
Nang matapos ang tanghalian ay dumiretso sa kanyang silid si Ruth. Paika-ika pa ito dahil sa bigat ng kanyang pakiramdam mula sa pag-eensayo. Tama nga sila, hindi na sanay ang kanyang katawan sa ganoong mabibigat na gawain. Lalo pa’t hindi handa ang kanyang utak sa mga gusto nitong gawin. Panay ang unat ng kanyang mga kamay at pilit na ibinabalik ang mga ugat na tila lumipat sa ibang puwesto.
Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan. Napatingin siya dakong iyon, at nakita si Myk na nakatayo sa pinto.
“Nabusog ka ba?” Tanong ng lalaki.
“Oo naman…” Maikling saad ni Ruth.
“Ahh… akala ko kasi hindi mo na-enjoy yung pagkain. Tahimik mo kasi eh… Hehehe…”
“Hindi naman sa ganoon… Nag-enjoy naman talaga ako sa pagkain… Masarap kaya…”
Marahang naglakad at lumapit si Myk sa kinaroroonan ng magandang babae.
“Oh heto ang ointment. Ipahid mo sa nananakit na joints mo para maibsan yang bigat na nararamdaman mo.” Muling saad ni Myk.
“Salamat…” Mahinang tugon ni Ruth.
“Lahat kami dito, gustong bumalik kaagad yang galing mo sa pakikipaglaban… Pero hindi ibig sabihin noon eh pipilitin mo yang sarili mo. Okay?”
“Opo…”
“At hindi mo puwedeng sagarin yang lakas mo…” Saad ni Myk.
Binuksan ng lalaki ang ointment at kumuha ito ng kaunti. Nakatingin lang sa kanya si Ruth at pinagmamasdan kung ano ang gagawin sa kanya ng lalaki.
Hinawakan ni Myk ang kamay ng magandang babae at mas lumapit pa ito sa kanya.
Ipinahid nito ang ointment sa bandang braso ni Ruth at marahan niya itong hinagod sa makinis na balat nito. Tila kinikilabutan naman ang magandang babae at parang wala siyang ibang magawa kundi ang sundin lahat ng sinasabi sa kanya ng lalaki.
Para siyang nahi-hypnotize kay Myk at parang ito na ang nagiging kahinaan niya.
“Aalagaan ka namin habang hindi pa bumabalik ang alaala mo… Pero dapat alam mo rin kung papaano alagaan ang sarili mo.”
“Opo…”
Maya-maya ay nagkatitigan sina Myk at Ruth.
Ngayon na lang ulit naging ganito kalapit si Myk sa kanyang minamahal. Wala pa ring pinagbago ang babaeng ito at talaga namang madali siya maakit sa taglay nitong kagandahan. Gusto na sana niyang sunggabin ito, ngunit nababahala siya baka hindi pa handa si Ruth na tanggapin siyang muli sa kanyang buhay.
Samantalang si Ruth naman ay panay ang tingin sa guwapong mukha ng lalaki. Kahit may malalagong balbas ito ay bakas pa rin sa mukha niya ang kaamuhan at kagandahan ng mga mata. Bigla na lamang niyang iniangat ang kanyang isang kamay upang abutin ang mukha ni Myk.
Napatingin naman agad ang lalaki sa kamay ni Ruth at sinalubong niya ito ng halik.
Tila kusa nang gumagalaw ang kanilang katawan sa ninanais ng kanilang isipan.
Hinawakan muli ni Myk ang kamay ni Ruth na nasa kanyang mukha at marahang pinaghahalikan.
Hanggang sa hindi na nakatiis si Myk at mabilis na sinunggaban ang malambot na labi ni Ruth. Sinalubong na rin ng magandang babae ang halik nito at tila matagal na rin siyang nasabik dito.
Ramdam na ramdam ni Ruth ang kapal ng balbas ni Myk nang hinagod nito ang bandang ibaba ng kanyang tainga, patungo sa leeg nito.
“Oooooooohhh…” Impit na ungol ni Ruth.
Sabik na sabik namang pinaghahalikan ni Myk ang malambot na katawan ng magandang babae. Sa isip-isip nito’y hindi na siya papaawat pa, dahil sa tindi ng libog nito sa kanyang kasintahan.
Mabilis na kumilos ang mga kamay ng lalaki at agad itong nakasapo sa malusog na dibdib ni Ruth. Matagal-tagal din niyang hindi ito nahawakan at nalamas, kung kaya’t minabuti niyang ang dalawang kamay niya ang nakahawak sa malulusog na suso nito.
Sarap na sarap na rin sana si Ruth, nang biglang may parang kidlat na dumaan sa kanyang isipan. Ang imahe ng isang lalaki habang marahas itong nakikipagtalik sa isang babae. At dahil sa biglang sumakit muli ang kanyang ulo ay napatigil ito’t kumalas sa pagkakayakap sa kanya ni Myk.
Lubos namang nag-alala sa kanya ang lalaki.
“Ayos ka lang? Okay ka lang?” Tanong ni Myk.
Hindi namang nakasagot si Ruth at napatango na lamang ito.
“Sige magpahinga ka na lang… Sorry… Baka mas lalong makasama sayo…”
“Sorry din Myk… Sorry…”
“Okay lang Ruth… Magpahinga ka na lang muna…”
Inalalayan naman ng lalaki ang magandang babae sa kama at akmang aalis na sana ito nang biglang hinawakan ni Ruth ang kanyang kamay.
“Huwag ka munang umalis… Please? Tabihan mo ako.” Saad nito.
Hindi naman nakaimik si Myk at binigyan na lamang niya ito ng matamis na ngiti. Mabilis itong humiga sa tabi ni Ruth at niyakap niya ito sa kanyang kaliwang braso.
Yumakap din si Ruth sa lalaki. Tila dinadama nito ang init ng kanyang katawan at pilit na iniisip kung gaano niya kamahal ang sinasabing nobyo niya.
Gustong-gusto nitong maibaling na kay Myk ang buong atensiyon at pagmamahal niya na dati’y nakay Ryan. Alam niyang ito ang nararapat dahil si Myk naman talaga ang kanyang kasintahan.
“Mag-iingat ka sa mga sikretong misyon mo ha… Alam kong napakalaki ng sakripisyo mo para sa aming lahat.” Malambing na saad ni Ruth.
“Huwag kang mag-aalala… Dodoblehin ko ang pag-iingat para sa iyo.”
“Tsaka… Puwede ba humingi ng pabor?” Tanong ni Ruth.
Tila alam na ng lalaki ang sasabihin sa kanya ni Agent Orange.
“Oo na… alam ko na… Sige na… ililigtas ko na siya… Huwag ka nang mag-alala.” Malamig na saad ni Myk.
“Huh? Hindi naman yun yung pabor na hinihingi ko eh…” Saad ni Ruth.
Napatingin naman ang lalaki sa kanyang katabi.
“Eh ano?”
“Sana mag-ahit ka na… Mas guwapo ka kasi kapag naka-ahit eh… Hihihi…”
“Hehehehehe!!! Sige ba.”
Malakas na napatawa naman si Myk at lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap nito kay Ruth. Kahit na tigas na tigas na ang kanyang burat sa sobrang kasabikan sa babaeng ito, ay mas minabuti na lamang niyang maghintay na lamang. Ayaw niyang pilitin si Ruth at baka lalo pa itong mapasama.
Nakatulog silang dalawa nang magkayakap. Tahimik ang paligid at tanging ang paghinga lamang nila ang nadidinig sa silid.
Maya-maya ay biglang tumunog ang telepono ni Myk.
Sa sobrang gulat nito ay mabilis siyang nagising. Saglit muna niyang nilingon ang kanyang katabi at marahang hinalikan sa pisngi.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang braso sa ulunan ni Ruth at inayos pa niya ito sa kanyang pagkakahiga.
Papungas-pungas pa si Myk, sabay tingin sa kanyang relo. Alas-sais y medya na ng gabi. Napahaba at napasarap ang kanilang pagtulog ni Ruth.
Hanggang sa kinuha na nito ang kanyang cellphone at agad sinagot. Mayroon din siyang itinalagang kakampi sa loob ng Programme upang may magbalita sa kanya sa mga nagaganap dito sa tuwing wala siya sa kumpanya.
Nanlaki ang mga mata ni Myk sa nadinig niya mula sa kanyang kausap sa telepono. Mabilis itong lumabas at kinausap si Carmen.
Natunton na ng Programme ang kinaroroonan ng kanilang kampo.
“Ikaw na muna ang bahala. Pasakayin mo sila sa mga sasakyan natin at bumuo kay ng maliliit na grupo. Susunod na lang kami ni Ruth.” Utos ni Myk.
“Sige. Ako na muna ang bahala sa kanila. Mag-iingat kayo.”
“Mag-ingat din kayo. Balitaan mo ako pagdating ninyo doon.”
“Okay.”
Mabilis na kumilos ang lahat at nagsipag-sakay sa kani-kanilang kotse. Mas napaaga ang kanilang plano na lisanin ang kampo. Dapat sana ay kinabukasan pa sila aalis ngunit dahil natimbrehan na sila ay mabilis silang nakapaghanda papaalis.
Ang tanging naiwan sa loob ay sina Ruth at Myk, kasama ang iba pang sundalo ng Resistance.
“Natatakot ako…” Saad ni Ruth.
“Huwag kang matakot… Naandito pa ako…” Sagot naman sa kanya ng lalaki.
Kumilos na rin sila papasakay ng kotse at nang sila ay papaalis na’y bigla silang hinarang ng puting van.
Agad bumukas ang pintuan ng van at tumambad sa kanilang harapan si Editha Banks na may hawak na machine gun.
“Agent Orange! Lumabas ka na sa lungga mo!” Saad ng matanda.
Nanlaki ang kanilang mga mata. Kitang-kita nila ang hawak na malaking armas ni Editha na nakaumang patungo sa kanila kinaroroonan.
Maya-maya ay inilagay sa reverse ni Myk ang kambyo at mabilis na inatras ang kanilang kotse patungo sa kabilang direksiyon.
Nagsimula namang nagpaputok ang mga sundalo ng Resistance na nasa loob pa ng kampo upang mapunta sa kanila ang atensiyon ng mga ito. Hindi naman sila binigo ni Editha at agad pinulbos ng bala ang buong kampo.
Samatalang ang ibang Programme Agents ay hinabol ang nakaatras na sasakyan nina Myk at Ruth.
Hanggang sa inihinto ng lalaki ang kanilang kotse at pinagbabaril ang mga agents na papalapit sa kanila.
Nagpalitan ng putukan ang magkabilang kampo, habang nakatago si Ruth. Nanginginig ito at tila hindi sanay sa ganoong labanan.
“Kailangan mong lumabas at tumakbo. I will cover you.” Mabilis na utos ni Myk.
Wala na sa kanyang sarili ang magandang babae at mabilis nitong binuksan ang sasakyan habang inuubos naman ni Myk ang mga Programme Agents na pasugod sa kanila.
May tumutulong din sa kaniyang mga sundalo ng Resistance kung kaya’t mabilis na nakalayo si Ruth.
Panay lamang ang pagtakbo ng magandang babae at bakas sa kanyang mukha ang sobrang takot. Hindi niya akalain na ganito pala ang mundo na kanyang ginagalawan. Naisip niyang mas gugustuhin na lamang niyang mawala nang tuluyan, kaysa sa bumalik sa ganitong uri ng buhay.
Mabilis itong tumatakbo at sumusuot sa mga eskinita at hindi na ito lumilingon pabalik kina Myk.
Maya-maya ay biglang sumulpot sa kanyang harapan ang isang pamilyar na babae.
“Ate Mae?” Hingal na hingal na saad ni Ruth. Napatigili ito dahil sa kanyang nakasalubong.
“Ate Mae mo mukha mo!” Saad ng babae at mabilis na sumugod kay Ruth.
Sa unang suntok ni Mae ay nakaiwas pa si Ruth. Ito ay dahil sa kaunting natutunan niya sa kanilang pageensayo kani-kanina lamang.
Ngunit sa ikalawang suntok ng babae ay napuruhan na si Ruth. Sinikmuraan ni Mae ang magandang babae at agad itong napaupo sa sobrang sakit.
“Hahaha! Tignan mo nga naman… Noon, ako ang halos mamilipit sa sobrang sakit ng ginagawa mo sa akin. Ngayon, the tables are turned, at ikaw naman ngayon ang pahihirapan ko!” Saad ni Mae.
Hindi niya ito patatawarin dahil sa sakit at bugbog na dinanas nito sa kamay ni Agent Orange.
Akmang tatadyakan sana siya ni Mae, ngunit nasalo ni Ruth ang paa ng babae at agad niya itong napatumba. Napadapa si Mae sa kalsada, at agad itong kinuhang pagkakataon ni Ruth na muling makatakbo.
Ngunit dahil sa bigat na ng kanyang pakiramdam, ay madali siyang naabutan ng kanyang kinikilalang pinsan.
Hinila siya nito sa kanyang buhok at hinagis sa may jeep na nakaparke sa isang eskinita. Kinaladkad ni Mae si Ruth papasok ng jeep at doon niya sinimulang pahirapan ang magandang babae.
Pinipilit ni Ruth na lumaban at inaabot nito ang mukha ni Mae. Ipinuwesto niya ang kanyang hinlalaki sa mata ni Mae saka niya idiniin ang kanyang daliri.
Nasaktan naman ang babae sa ginawa sa kanya ni Ruth kunga kaya’t mabilis niya itong nabitawan. Gumapang naman sa loob ng jeep ang kasintahan ni Myk upang humanap ng puwede niyang gamiting panlaban kay Mae.
Maya-maya ay naramdaman nitong may humihila sa kanyang paa, at malakas niyang natadyakan si Mae papalabas ng jeep. Hindi makapaniwala si Ruth na tila nagagawa pa rin niyang lumaban kahit na nawala pa ang lahat ng kanyang abilidad sa pakikipaglaban.
Tutulungan niya sana ang kanyang sariling makabangon sa loob ng jeep, sa pamamagitan ng pagkapit sa bakal na nakakabit sa bubungan, ngunit sira ang isa nito.
Nang makita niya unti-unting tumatayo si Mae, ay naisipan niyang hatakin ng hatakin ang bakal upang tuluyan itong makalas sa jeep. Gagamitin niya sana itong panlaban sa babae, ngunit naunahan na siya nito.
Pagkapasok muli ni Mae sa loob ng jeep ay agad nitong sinikmuraan si Ruth. Hinatak din niya ang isang kamay ng magandang babae at binali niya ito.
“Aaaaaaaaarrrggggghhhhhh!!!! fall!” Daing ni Ruth at tila hindi na niya maramdaman ang isa niyang kamay. Halos mabaliw ito sa sobrang sakit na nararamdaman habang nakapatong pa sa kanya ang babae.
“Dapat pinatay na kita sa simula pa lang! Dapat hindi na ako sumunod kay Ryan!” Galit na saad ni Mae habang patuloy pa rin ito sa pagpilipit sa kamay ng magandang babae.
Hindi naman makasagot si Ruth sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman at umiikot na rin ang kanyang paningin sa sobrang pagod.
“Ngayon… Wala ka nang kawala… Mamamatay ka na Agent Orange!” Saad ni Mae.
Pinagsususuntok ng babae ang maamong mukha ni Ruth ng makailang beses. Halos mawalan na ito ng ulirat dahil sa pagbubugbog na ginagawa sa kanya.
At nang akmang bibigyan siya ng isang malakas na sapak ni Mae ay biglang nagulat si Ruth sa nadinig na pagputok ng baril at ang pagtilamsik ng dugo ng babae na nasa kanyang harapan.
Agad pumatong ang bangkay ng babae kay Ruth habang siya naman ay nakatingin pa rin sa bubungan ng jeep.
Nais niya sanang mapatili sa sobrang takot, ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang bibig.
Kinuha at inalalayan naman siya kaagad ni Myk, at damang-dama nito ang panginginig ng katawan nito.
Tila nakatulala pa ito at wala sa kanyang sarili.
Kahit pa may tama sa kanyang tagiliran si Myk, ay mabilis niyang natulungan si Ruth at nagmamadaling lumayo sa kanilang kinaroroonan.
- Undo – Episode 8: Ctrl + Z - November 22, 2024
- Undo – Episode 7: Ctrl + X - November 22, 2024
- Undo – Episode 6: F1 (Help) - November 15, 2024