Uncategorized  

Isang Pagmamahal (chapter10-12)

Isang Pagmamahal

Written by R.O.Y.

 


Chapter X
Tugatog ng Kamunduhan at ang Pagsuko sa Sarili

Isang araw may isa na namang babae na nangangalang Andrea ang tumawag sa kanya upang ipabatid ang lihim na ugnayan na kanyang si Rosa sa isa ngang Canadian na ang pangalan ay Anthony. Si Andrea ay common friend ito ni Rosa at Gemma kaya naniwala na sya tungkol dito. Masakit para kay Tomas ang balitang iyon. Sabay halos ng balitang nakikipagkalas na sa kanya ang kapartner nito sa law office.

Nagging malungkot lalo ang buhay ni Tomas, ngunit hindi nya kayang mawala sa buhay nya si Rosa. Sumangguni sya sa kanyang mga kaibigan ngunit isa lang ang payo ng mga ito. Hiwalayan na dapat si Rosa at maghanap na lamang ng iba. Ngunit nanaig pa rin sa kanya ang pagmamahal at paghinayang kung sakaling mawala nga ng tuluyan sa kanya si Rosa. Dito ay kinausap nya ang kanyang kaibigang si Ana na noon ay kakatapos pa lang ng pagkaabugasya. Naghahanda pa lang ito na kumuha ng bar exams para maging ganap na abogado.

Dinalaw ni Tomas si Ana sa kanilang bahay. “Oy ano Tomas, bigla kang napadalaw?” ang pagbati ni Ana. Inaakala ni Ana na dumalaw si Tomas sa kanya ay para bigyan sya ng payo o mga tips tungkol sa nalalapit nyang bar exams. Laging gulat nito ng mangunsulta sa dalaga tungkol sa problema nya sa pag-ibig. “Ay ano ka ba Tomas, para kang bata pa. Kahit noon pa man ay hindi ka naman nagkaproblema sa pag-ibig. Kung saan ka pa tumanda at saka ka pa nagkaproblema,” ang pagsalita ni Ana. “Palagay ko matindi ang dating sa iyo ng babaeng yan ah. Sino ba sya?” pagtatanong ni Ana. Nagulat si Ana ng sabihin nito na si Rosa ang sanhi ng kanyang problema.”Ay talaga, nagkatuluyan kayo. Kamusta na sya? Wala na akong balita sa kanya simula ng nag abroad sya at naging flight attendant”, ang mga pahayag at pagtatanong ni Ana kay Tomas.

Ikinowento ni Tomas ang lahat ng nangyari sa kanila ni Rosa. “Ay ganon ba ang nangyari”, ang komentaryo ni Ana. “Pero di mo naman dapat agad husgahan ang tao. Ang sabi nga sa batas, ‘strike me, but hear me first’ di ba alam mo yon, basic sa political law tungkol sa due process’, tugtong pa ni Ana. “Hayaan mo tamang tama, magbabakasyon kami nina Daddy and Mommy sa weekend sa Hongkong at makikipagkita ako sa kanya” ang pagdagdag pa ni Ana.

Pagsapit ng weekend ay tumawag si Ana sa Hong kong kay Tomas para ipabatid dito na nakausap na nya si Ana at katabi pa nga nya ito. Sinabing hindi daw totoo ang tsismis na may ka relasyon daw sila ng Anthony. Napanatag naman ang loob ni Tomas at sila ay nagkausap ni Ana.
Ngunit sa mga paguusap nila ni Rosa sa telepono ay may pagseselos na ang binata na sa simula pa ay hindi na nya man ito ginagawa.

Bumalik na si Ana galing sa Hong kong at nakipagkita ito kay Tomas. Sinabi nya na naniniwala sya kay Rosa ngunit ang hindi nya maisip at matangap na ang pag amin ni Rosa na makikipag date talaga ito kay Anthony. Nabatid pala ni Ana na si Anthony ay napakayaman na negosyante sa Canada ngunit mapanganib ito dahil bantog na playboy ito at ang hilig ay mag girlfriend ng mga stewardess. Kaya pinayuhan na lang ni Ana na makipag usap ng lang si Tomas ng deretsahan kay Rosa.

Sa mga natuklasan nyang iyon ay lalong nabahala si Tomas sa dahilan alam nya na may pangarap si Ana na maging mayaman. Naisipan tuloy nya dapat dalawin nyang muli sa Hong kong si Rosa.

Sa mga pagdalaw ni Tomas muli sa Hong kong ay nagusap sila ni Rosa. Pinaliwanag ni Rosa na wala raw ang problema kay Tomas—ito raw ay nasa kanya. Pinagtapat nya kay Tomas nya talagang mahal nya itong binata ngunit sobra daw magmahal si Tomas. Parati itong tumatawag na sa tingin nya ay hindi na nga nya na mimiss. Inamin din nyang kaya sya nakikipag date sa dahilan gusto lang nya ikumpara kung talaga nga bang mahal nga nya si Tomas. Kaya nagmungkahi si Rosa na mag cool off mua sila kahit saglit man lang daw para makapag isip isip sya na talagang mahal nga nya si Tomas. Sa ganang ito ay maihahambing nya si Tomas sa mga binata na nanliligaw pa rin sa kanya.

Masakit na tinanggap ni Tomas ang hamon na iyon ni Rosa. Pagdating pa lang ng Pilipinas ay tuloy agad ito ng beer house upang uminom. Halos gabi gabi si Tomas ay nag hihinagpis sa kalungkutan ng paghihiwalay nila ni Rosa. Napabayaan na rin nya ang kanyang mga kaso. Hinati na rin ng kanyang ka partner ang share nya sa law office. Walang gabi na hindi sya umuuwi ng hindi lasing. Natuto syang manigarilyo at pumasok sa mga KTV bars para bigyang panandaliang aliw ang kanyang sarili.

Sa mga kalungkutang iyon ay naaninag nya na ang kulang sa kanya ay hindi sya ganap na mayaman. “Tama, kailangan kong maging mayaman”, ang pagsumpa nya sa kanyang sarili. Palibhasa wala na syang hawak na mga kaso ay unti unting nauubos na nya ang natitira nyang pera na kahati sa pag parte nula sa law office. Ginamit nya ito sa sugal. Parati syang talo. Kung manalo naman sya ay inuubos nya ito sa mga babae sa KTV. Dito nya nasilayan ang makamundong buhay. “Hek, alak pa, babae pa”, ang mga pagsisigaw ni Tomas habang nasa beer house sya.

Nakalimutan na rin ni Tomas na dumalaw sa kanyang ama at pati pagsimba na dati rati ay halos araw araw nyang ginagawa ay hindi na rin nya ginagawa.

Umabot sa sukdulan ang mga makamundong paglilibang ni Tomas sa kanyang sarili. Isang gabi ng nagbabayad sya sa beer house sa pamamagitang ng kanyang credit card ay na decline na nga ito. Palibhasa kilala na sya ng manager nito ay hinayaan na syang mag sign chit na lamang. Ngunit isang araw ay nakatangap sya ng isang warrant of arrest mula sa Regional Trial Court of Makati sa salang multiple estafa at violation of BP 22 (Anti-Bouncing Check Law). Dito ay nakulong sya ng isang araw. Hindi nya nagawang tumawag kay Ana sa tindi ng hiya.

Isang mabait na kapatid nya ang nag post ng bail para sa kanya. Sa tindi ng pagsusugal ni Tomas ay marami na pala syang tseke na na isyu na walang sapat na pundo. Kailangang bayaran iyon. Humigi sya ng tulong sa mga kamag aral at ibang kamaganakan upang umutang ngunit wala ni isa man lang nag pautang sa kanya. Dito sya naiyak sa kanyang sarili.Naghihimotok na nag kanyang kaisipan. Iniisip nya na pag hindi nya nabayaran ang mga utang na iyon ay hindi lamang sya makukulong, eskandalo pa ang mangyayari sa kanya at maaring mahantong ito para ma disbar sya o matangagalan ng lesensya sa paging isang abogado. Wala na syang iniisip kundi ang mawala sa mundong ito. Hindi nya kayang tanggapin ang mga kasawiang ito.

Isang araw nag pasya na sya na mag pakamatay. Gumawa sya ng dalawang liham. Una ay sa kanyang mahal na ina na dito ay humihingi sya nang pagpapatawad. Pangalawa sa kay Rosa upang ipabatid nito ang matinding kasawian na sinapit nya.

Pagkatapos nya nagawa ang mga madamdaming liham ay pumunta na sya sa Central Post Office upang i mail lamang ang liham kay Rosa. Ang liham nya sa kanyang ina ay hahayaan lang nyang hawak ito upang sa ganon ay manahimik na ang pamilya nya at hindi na magpapaimbestiga sa kanyang pagkamatay.

Nagawa rin nyang dumaan ng simbahan na kahit matagal ng hindi sya pumapasok doon ay humingi sya nang kapatawaran.

Pumunta muna sya sa Avenida upang ibenta ang kanyang relo dahil ito lamang ang pera na panggastos sa kanyang pagkamatay. Mura lang ang pag kabenta nya ng relo ngunit sapat na iyong panggastos. Dito ay nadagdagan pa ang galit nya sa mga opportunistang tao na nagsasamatala ng mga kahinaan ng kanilang kapwa.

Pumunta sya sa isang tindahan ng mga fertilizer at insecticide. Dito ay bumili sya ng tayudan—isang insectide na makakalason ng tao. Alam nyang epektibo ito dahil may na laman na sya sa probinsya nito na uminom ito at namatay agad. Bumili rin sya nang maraming beer para pampalakas ang loob.

Nag check-in sya sa isang mumurahing hotel sa Avenida sa may Sta. Cruz. Lahat ng natitirang pera nya ay bimigay nya muna sa mga pulubi na nakakalat sa lansangan sa Avenida. Bago sya pumasok sa silid ay linagyan pa nya ang silid na “do not disturbe” at sinara nyang maigi ang mga pinto nito.

Hawak hawak nya ang Santo Rosaryo habang uminom ng maraming beer. Habang nalalasing sya ay lumakas lalo ang loob nya para magpakamatay. Tinunga muna nya ang boung bilis ang lason. Inisip nya na paglason ang kanyang gagawin dahil ito ay katulad ng ginawa nina Socrates noong nagpakamaytay ito.

Mahirap inumin ng buo ang lason at napakasama ang lasa nito. Hindi nya nakayang ubusin kaya uminom muna sya ng maraming beer para matangal ang masamang lasa ng lason. Nararamdaman na ni Tomas ang pagmamanhid ng kanyang mga katawan at paninigas ng kanyang mga dibdib.

Kinuha pa rin nya ang lason upang inumin ito ng buo. Kahit manhid na ang kanyang mga katawan ay nagawa pa rin nyang ubusin ito hangang napapansin na nyang nagdidilim na ang kanyang mga paningin. Nabitawan nya ang liham para sa kanyang ina pati na rin ang Santong rosaryo na hawak nya. Nararamdaman din nyang nwala na ang kanyang lakas. Nakikita na nya ang buong dilim ng mga mga paligid.

Naramdaman nyang sya ay umaangat at parang may hanging humihila sa kanya. Parang mga bituin at mga ulap ang humihigop si kanya. Naramdaman din nyang parang may isang demonyo ang humahalakhak sa kanya at nagsasabing “Duwag ka Tomas. Duwag ka. Sa impyerno ka makakarating”.

Ngunit huminahon sya at narinig nya ang mga boses ng mga anghel na kasama ang kanyang ama na wari’y gusto syang abutin ngunit hiinhila sya pababa ng mga demonyo.Ang mga pagkakataon ito ay saglit lang at tilang puro puti na ang boung paligid. Wala rin syang nakikita na kahit ano man maliban sa purong puti ang buong paligid hangang sa malaking gulat nya na may mga boses at yapak na parang papalapit sa kanyang kinalalagyan. Ang mga boses at yapak na palapit sa kanya ay mga…

Chapter XI
Ang Mabuhay Muli
(kadugtong ng nobelang “Isang Pagmamahal”)

Ang mga boses at yapak na palapit sa kanya ay mga boses ng kanyang mga kapatid at mahal na ina. Isang buwan na pala na coma si Tomas. Natagpuan sya ng boy ng hotel sa Avenida na parang bangkay ng magkaroon ng kunting sunog sa hotel kaya’t pinilit buksan ang pinto nito. Matigas na ito kaya nag alang alang kung sa morge o sa hospital pa nga ba sya dadalhin. Nagpasya ang mga kasamahan na dalhin sa ospital ngunit mahina na ang tibok ng puso nito. Naging unconscious pa hangang sa ma coma nga ito.

Maswerte pa pala si Tomas sa dahilang naisuka pa pala nya ang lason kasama ng maraming cerveza na na inom nya. Kung hindi nailabasan noon, maaring hindi na sya nabuhay. Ngunit ang mga doctor ay balisa at inaakala nila na kahit mabuhay si Tomas ay baka maging gulay nga ito.

Ngunit sa pagkagising nya ay bumalik na ang kanyang mga panigin. Nasa tabi na nga pala nya ang umiiyak na ina at mga kapatid nito. Nang nakita sya nakadilat ay sobrang galak ang mga ito. Nag salita agad si Tomas ng “O mahal kong ina at mga kapatid ko. Patawad sa aking nagawa.”
Buong ligaya naman ang mga ekspresyun ng kanyang mga kaanak at sinabing wag na syang magalala. “Wala ka dapat ihingi ng patawad sa amin aking anak”, ang mga panuyong tinig ng kanyang ina.

Matapos ang isang linggong pamamalagi nya sa ospital ay gumaling na si Tomas at umuwi na ng bahay. Nangako sa ina nya na hindi na nya ito gagawing muli at sya ay nagsisisi kung bakit nagawa nya iyon. Nagsalita ang ina na “O Tomas wag mong sayangin ang sarili mo. Magpasalamat ka pa sa Dios at binigyan ka nya ng panibagong buhay. Tangagapin mo ito ng buong saya. Wag mong sayangin ang iyong sarili. Isa kang magaling na abogado. Marami pang pagkakataon sa buhay para maihango mo ang iyong sarili. Magpapakatatag ka anak. Huwag mo kaming intindihin at ako ay matanda na rin”, ang mga binitawang salita ng ina ni Tomas. Dito nya nakita kung gaano kahalaga ang tunay na pamilya. Walang ibang tao ang tumulong sa kanya kundi ang ina nya at mga kapatid.

Naawa sya sa ina na hindi na nga nya gagawin iyon at sinabing kakalimutan na nga nya si Rosa. Hinarap nya ang kaso tungkol sa kanya at nakiusap na lang itong aregluhin. Ngunit malaki ring halaga ang kailangan para bayaran ang kanyang pagkakautang. May naisip syang paraan kung paano makakauha ng pera. Inisip nga nya ang ama ni Ana na lapitan.

Isang araw ay sinadya nyang puntahan ang ama ni Ana sa isang malaking law office. Kinausap nya ito ng masiinsinan. “Magandang umaga po Atty Illusorio”, ang pagbati ni Tomas. “O magandang umaga naman sa iyo companero”, ang pagbati sa kanya ng ama ni Ana. “Napasyal ka ata at magaling ka na ba?” ang dugtong na salita ni Atty. Illusorio. Namangha si Tomas at nagulat dahil muahang alam nito ang sinapit nya. “Ay opo, magaling na po ako”, ang mahinahong at nahihiyang pagsagot ni Tomas.
“May sadya po sana ako sa inyo. Kung pwede po sana ang aking sasabihin sa inyo ay para sa atin lang at huwag nyo po sana makarating kay Ana dahil nahihiya po ako sa inyo. Una pa po si Ana ay kasalukuyang kumukuha ng bar exams sa buwang ito kaya ayaw ko rin pong magisip sya tungkol sa akin’, ang pagsalita ni tomas kay Atty. Illusorio. “Maaasahan mo yan”, ang pagsagot ng abogado sa kanya. “Kasi po sa malaking problema na nagawa ko po. Sa palagay ko naman ay may kunti na rin kayong alam tungkol dito. Kailangan ko po ng malaking pera para bayaran ang aking mga pagkakautang. Handa rin po akong bayaran iyon sa lalong madaling panahon”, ang nakikiawang tinig ni Tomas kay Atty. Illusorio. “Napakalakas ata ng loob mo companero para lapitan ako. Una, magkano ba ang halagang kailangan mo. Pangalawa, paano mo mababayaran sa akin iyan. Pangatlo, hindi naman kita kaano ano at bakit kita pahihiramamin”, ang mga pagtatanong ni Atty. Illusorio kay Tomas.

“Pasensya na po kayo Atty. Illusorio. Wala lang po na talaga akong matatakbuhan kundi kayo na lang po. Nahihiya po talaga akong lumapit sa inyo. Ngunit naalala ko po nuong una nyong sinabi sa akin mahigit 5 taon na ang nakakaran na kung may kailangan ako ay huwag na magatubili na hindi lumapit sa inyo. Kahit noong nagigipit pa ako sa aking pagaaral ay tiniis ko po. Subalit ngayon napakalaki na itong problemang kung ito. Sagad na po ang pamilya ko sa dahilan sila na ang nagbayad ng aking gastos sa ospital. Malaki talaga ang kailangan ko, mga halos dalawang milyun. Pwede naman po ako manilbihan sa opisina nyo po,” ang mga pagsasalita ni Tomas.

“Ay naku Tomas, kahit gawing mong 24 oras araw araw na magtrabaho sa akin ay hindi mo mababayaran ang halagang iyan. Masama na rin ang pangalan mo sa legal circle kaya wala ka nang pag-asang maka angat. Alam na rin ni Ana ang tungkol sa iyo. Hindi ko nga maispeling kong bakit minahal ka nya. Buti naman at hindi kayo nagkatuluyan ni Ana. Sinira mo buhay mo. Wala ng magtitiwala sa iyo,” ang masakit na pananalita ni Don Illusorio kay Tomas. Walang magawa si Tomas kundi magpaalam. Sinigawan pa ito ni Don Illusorio habang palabas si Tomas ng: “Tomas akala ko matalino ka. Isa ka palang hamak na bobo.”

Halos maluha luha si Tomas ng paalis na sya sa isang magarang law office. Ayaw na rin nyang magpakamatay ng muli sa dahilang naawa na sya sa ina nito. Lalong magdusa ang ina nito at ayaw ni Tomas mangyari ito sa kanya. “Kung kailangang bilangguan ang kanyang harapin ay harapin nya ito at gusto na nyang mabuhay ng muli. Kung ito ay pagsubok ng Dios ay buon na nyang tatanggapin”, ang mga pananaghoy ni Tomas.

Isang araw ay nabatid nya sa kanyang kapatid na ibenenta pala ng kanyang ina ang natitirang mga lupa nila sa probinsya. Halos 3 milyun ding naibenta iyun at sinabing ito raw ay ibigay sa kanya upang magamit sa kanyang kaso. Masama man sa loob ni Tomas ay tinanggap nya ang 2 milyun lamang at siabing ang natirang pera ay gamitin na lang ng kapatid para sa pag sustento sa mga gamut ng pang araw araw na kailangan ng kanyang ina at pang pa opera sa ina nito sa mata.

Nabayaran na nga ni Tomas ang kanyang pinagkautangan at naiurong na rin ang mga kaso ng mga ito laban sa kanya. Dito naramdaman ni Tomas na parang nawala nga ang tinik sa mga dibdib niya ngunit may naiwan pa ring pasakit sa mga mapait na gunita ng mga nakaraan. Walang sinayang na panahon si Tomas sa kanyang panibagong buhay. Bumalik na rin ang loob nya sa Dios. Ginamit nya ang isip nya at talino upang mag gawa ng paraan para makaraos sa buhay. Alam nya may punto ang ama ni Ana sa pangaapi sa kanya. Iniisip nito na wala ng pag-asa si Tomas sa pag-ka abogado nito dahil kumalat na nga ang masamang pangalan nya. Inisip na lang nya na pumunta ng America para dito sya makapag dalubhasa sa batas at kumita. Insip nya na kailangan talaga muna syang lumayo sa mga kasawian nya sa Pilipinas.

Hindi naging mahirap para balakin na pumunta sa America. Una ay may U.S. Visa na sya. Kahit na deny sya noon ay nabigyan din sya ng visa noong maganda pa ang kanyang kita sa law office at dahilan din nakita ng embahada ng America na marami na rin syang tatak sa kanyang pasa porte sa malimit nyang pag byahe sa ibat-ibang bansa. Pangalawa ay may kapatid din sya doon. Nag paalam na sya sa kanyang ina upang tumulak sa America. May pabaon din ang kanyang mga kapatid na US$1,000.00 para panggastos nya habang naghahanap na ito ng trabaho.

Masaya at malungkot ang kanyang ina at mga kapatid ng inahatid sya sa airport. Batid nilang mawawala talaga si Tomas sa kanilang piling dahil wala nga itong papeles maliban sa isa lamang syang turista at magiging TNT ito. Ngunit nagging masaya naman sila dahil alam nila ay may panibagong bukas ang naghihintay kay Tomas sa America. Matalino si Tomas at alam nilang may bago itong sigla sa pakikitahak sa bansang America. Nagpaalam si Tomas at nangakong hindi nya pababayaan ang sarili at magsisikap ito. Nag bilin dinsa mga kapatid na wag papabayan ang kanilang mahal na ina.

Sumakay na ng eruplanong Cathay Pacific si Tomas patungong America ngunit my change of plane sa Hong Kong. Hababg nasa himpapawid na ang eruplano patungong Hong kong ay may napansin syang isang babae na stewardess na nakatalikod na parang kasing hugis at kapareho ng katawan ni…

Chapter XII
Ang mga Panaghoy sa America
(kadugtong ng nobelang “Isang Pagmamahal”)

Sumakay na ng eruplanong Cathay Pacific si Tomas patungong America ngunit my change of plane sa Hong Kong. Habang nasa himpapawid na ang eruplano patungong Hong kong ay may napansin syang isang babae na stewardess na nakatalikod na parang kasing hugis at kapareho ng katawan ni Andrea, isa sa mga matalik na kaibigan ni Rosa. Hindi nga nagkamali nang akala si Tomas ang babaeng nakatalikod na iyun.

Gusto sana iwasan ni Tomas na wag na makita o pansinin si Andrea upang hindi na manawari ang paggunita sa mga kalungkutan nito. Ayaw rin talaga nyang sumakay na sana sa airline na iyon ngunit ang Philippine Airlines ay fully booked at bukod pa dito ay magagamit nya ang mga mileage na na ipon nya sa kumpanyang eraplanung iyon at kunti na lang ang kanyang dadagdagan. Ngunit wala syang magagawa. Nakita na nga sya ni Andrea at sa row pa nya naka destino na mag selbe ang flight attendant na iyon. Nang Makita sya ni Andrea ay bigla itong nagsalita “Oy Tomas punta ka pala ng Hong kong. Dadalawin mo pa ba uli si Rosa?” ang pagbati at pag iinsultong tanong ni Tomas. Banayad naman ang nagging reaksyon ni Tomas at ayaw na nyang bigyang pansin iyon. Sinabi na lang nya na hindi ito ang paksa nya dahil hindi naman sya magtatagal sa Hong kong. Stop over lamang ang gagawin nya. Sumagot naman si Andrea na dapat naman no, “nagkatulyan na sila ni Anthony”. Ang alam ko nga doon sya nagbakasyun sa Canada”.

Hindi na kumibo si Tomas at nagging banayad na lamang ito sa pagisip isip. Ngunit nagsalita pa si Andrea ng “alam mo Tomas gusto ka talaga sana ni Rosa. Kaso wala daw syang aasahan sa iyo. Alam mo tanga talaga yang si Rosa. Sayang naman ang naging relasyon mo. Ang alam ko pa naman matalino ka at tapat sa pag-ibig.” Napa ngiti lang ng pilit si Tomas at waring nagging baton a ang kanyang puso para isipin pa ang malungkot at malupit na nakaran nila ni Rosa.

Maiksi lang ang kanilang nagging usapan ni Andrea sa dahilang wala pang dalawang oras ay lumapag na sa Hong kong ang eruplano.

Pagdating sa Hong kong ay inayos agad ni Tomas ang kanyang connecting flight papuntang Los Angeles, California. Nang papunta na ng Los Angeles ang eruplano buong byahe ay hindi nakatulog si Tomas. Iniisip isip pa rin nya ang mga kasawian na nangyari nsa kanya at ang kalungkutang mapapahiwalay din sya sa kanyang ina at mga kapatid. Dito nya nabiglang halaga na may ina pa lang syang dapat inaaruga. Naging mapusok sya kay Rosa at pati na nga ina nya ay pansamantalang nakilimutan nya sa mga panong maligaya sya sa piling ni Rosa.

Lumapag na ang eruplano sa LAX o Tom Bradley Intenational Airport-ang international airport ng Los Angeles, bansang America. Narinig na rin nya ang announcement ng flight purser na: “Good evening Ladies ang Gentlemen, in a short while we are about to land at Los Angeles International Airport. Please fasten your seat bealt and make sure all hand carried bags to be put in the duly designated areas or you may want to put it under your chair”. Saglit lang mga 5 minuto ang nakaraan ay lumapag na ang eruplano. Nagsalitana naman ang isang flight purser ng “Ladies and gentlemen, we have just landed at Los Angeles Intenational Airport. Please refrain from standing until the plane is finally embarked. In behalf of Cathay Pacific and the rest of the crew, we thank you for boarding with us as we look forward to seeing you in one of your future flights. Welcome to America. The local time here is exactly 6:00 pm.”

Gabi na pala sa America at kabaliktaran ito sa Pilipinas. Masaya ang mga pasahero maliban kay Tomas. Kahit first time nya ito sa America ay hindi sya excited sa dahilang marami syang tatahakin dito. Panibagong pakikibaka ang kanyang gagawin ngunit sya ay magsisimula sa simula.

Masaya at malungkot ang pag sundo ng kanyang kapatid na si Armando. Masaya ito dahil makakasama nya si Tomas. Ngunit naging malungkot ito sa dahilang hindi na rin pala ito magtatagal sa America sa dahilang lilipat sila sa Germany kasama ang buong pamilya pagkatpos lamang ng isang buwan. Si Armando pala ay isang U.S. Navy at ma dedestino pala ito sa Base ng militar ng America sa Germany.

Naging masaya ang unang buwan ni Tomas sa Ameica. Nagbakasyon pa pala ang kanyang kapatid ng isang lingo para ipasyal sya nito. Linibot nila ang buong Los Angeles at pumunta rin sila sa San Diego. Dito nakita ni Tomas na ang dami palang Pilipino na naninirahan sa Los Angeles. Dito nya nakita na kahit ang isang kapit bahay nilang hardinero at ang asaw nito na caregiver ay may dalawang sasakyan at simpleng bagay. Ang sabi nga ng kanyang kapatid na si Armando kung masipag lang si Tomas ay malamang magiging maganda ang buhay nya dito. Ngunit hindi ito ang iniisip ni Tomas. Hindi sa ganitong trabaho sya dapat mag trabaho. Mataas ang kanyang pinagaralan. Kailangang magamit nya iyon.

Pagkatapos nang isang linggong pamamasyal nila ng kanyang kapatid ay nagsimula na ng magaply si Tomas bilang legal researcher man lang. Ngunit hindi sya tinatanggap sa dahilang hindi naman daw sya lisensyado sa California. Sinubukan nyang mag apply ng ibang office job o mga tinatawag na white colar jobs ngunit hinahanapan sya ng SSS at green card. Bawal daw tumanggap ang mga kumpanya ng walang SSS at green card kung ito ay banyaga.

Inisip nyang magapply ng U.S. Navy na katulad ng kanyang kapatid nagging green card holder ito sa dahilang pumasok nga bilang personnel ng U.S. Navy. Ngunit iba na ang patakaran ngayon ng U.S. Navy at iba pang sangay ng U.S. Armed Forces. Kailangan na rin ang isang applicante ay green card holder. “Lintek pa palang green card nay an. Kailangan pala yan ditto sa America upang ikaw magtrabaho”, ang mga pananaghoy ni Tomas sa sarili.

Lumipas na ang isang buwan at wala pang trabaho si Tomas. Malapit na ring umalis ang kanyang kapatid kaya namomoblema na naman ng malaki si Tomas. Nag desisyon na lang sya na pumunta sa New York City. Alam nyang mas maraming trabaho doon kaya balak nyang makipagsapalaran.

Pagdating sa Nueba York ay tumira muna sya ng pansamantala sa usang medo malayo ng kaanak. Nakiusap sya nakit tatalong araw man lang. Naghanap sya isang maliit na kuaro sa New York ngunit napakamahal ng mga ito kaya naghanap na lamang sya sa New Jersey. Balita nya mas mura dito ang mga paupahang kuarto keysa sa New York. Malapit din naman ang New York sa New Jersey kaya ng makakita ng kuarto dito ay agad nagbayad na sya sya ng advance na upa na $300 dollars at $300 dollars na deposito nito. Bagamat wala syang nagastos sa Los Angeles dahil linibre nga sya sa pamasahe ng kanyang kapatid at sagot nito ang lahat ng gastos doon ay unti-unting nauubos na ang kanyang baon na $1,000 dollars. Sa natirang $400 dollars ay nabawasan pa ito ng $200 dollars para sa kanyang telepono at $120 dollars para bumili ng electronic typewriter para makagawa sya ng kanyang bio-data.

Sa gabi ay inisa isa nyang pinagtyagaan ang I type ang kanyang bio-data ng ilang kopya dahil wala naman syang pambili nh computer. Araw araw ay pumupunta sya sa Manhattan, isang commercial district ng New York City upang magapply ngunit parati syang bigo sa dahilang wala syang green card at SSS. Naisipan nyang magapply sa United Nations dahil batid nya na kahit alien sya ay magkakaroon sya ng diplomatic passporte o kaya working permit. Kumuha sya ng eksamen doon at sinabihan syang antayin na lang ang resulta sa pamamagitang ng telepono o liham sa kanya.
Ang natitirang pera nya na halos ay $40 dollars ay iniingatan nya. Bumibili na lang sya ng mga tinapay na tig $1.20 dollars para pamatid gutom. Minsan isang araw sa tindi ng gutom nya ay naisipan nyang kainin ang isang tiring hamburger sa isang lamesa ng isang open restaurant. Dito naranasan ang mabuhay ng isang patay gutom na tao.

Ngunit buo pa rin ang loob ni Tomas. Alam nyang hindi magtatagal ay makakaraos din sya. Paminsan minsan lang syang tumatawag sa Pilipinas para lang ma bosesan at kamustahin ang kanyang ina. Ang kanyang ina ang nagmistulang inspirasyon na lang nya sa buhay upang tahakin ang lahat ng hirap at pagsubok na nararanasan nya. Ngunit parang ang sakit nang nangyayari. Tuwing gabi ay nagdadasal sya na ito ay pagsubok lang na kanyang dinadaanan upang maging handa sya sa tamang panahon. Kahit naubos na ang kanyang pera ay may nakikita syang lakas sa bawat araw na dumadaan sa kanya. Parati nyang tinitingnan at pinagmamasdan ang telepono na mag ring man lang ito at tanggap na sya sa United Nations.

Isang hapon habang si Tomas ay nagpapalipas ng oras sa katabing park malapit sa kanyang inuupahang kuarto ay may nakausap syang isang lalaki. “Kamusta ka na kabayan. Ikaw ata ang bagong lipat dyan sa condominium na iyan?’ ang pagtatanong sa kanya ng isang kababayan. “Ah oo halos magdadalawang lingo pa lang”, ang pagsagot ni Tomas. “Ako nga pala si Ignacio, Iggy na lang for short, tubong Batanggas at ikaw naman”. “Ako si Tomas ngunit mahaba palayaw ko palanga kasi tubong bisaya”, ang pagsagot ni Tomas. “Hey dude, you’re in America and I’m just gonna call ye Tom” ang pagsalita muli ni Iggy.

Nagkakilala sina Tomas at Iggy at dito nalaman ni Iggy na kailangan pa la ng trabaho ni Tomas. Hindi rin sinabi ni Tomas na abogado sya sa Pilipinas baka hindi ito malniwala at sabihing nanloloko sya at maaring hindi na nga sya tulungan nito. “No problem dude, I’m gonna give you a job. Just wake up early mornin at around 6am sharp”, ang pagsabi ni Iggy.

Natuwa naman si Tomas at magkakatrabaho na sya. Hindi na nya kailangang isipin kong anong klaseng trabaho iyon. Ang mahalaga ay trabaho din iyon at pansamantala man lang ay may kikitain sya.

Si Iggy pala ay isang cook sa isang nursing home at nag papart time job sa pag pintura ng mga bahay at gusali. Kaya ang nagging trabaho nya ay ang mag pintura ng isang mataas na builduin na may higit din 30 palapag. Namangha si Tomas sa taas ng iyon ngunit buong tanggap nyang ginawa ang pagpipintura nito. Bagamat hindi sya sanay magpintora ay madali naming natutunan nya.

Sa taas ng building na iyon at malakas ng hanging sumisipol ay walang takot si Tomas. Hindi sya takot mamatay sa dahilang ginawa na nga nya ito. Ngunit sa taas ng gusaling kanyang kinalalagyan at ang mga malilit lang na bakal na tinatapakan ay nalulula pa rin sya.

Natapos na ang kanyang pagpipintura sa araw na iyon at maniwari namulikat ang buong binti at tuhod sa tindi ng pagod nito. Ngunit bali wala ito kay Tomas. Isang lingo ring tinapos ang pagpipintura at nag alok si Iggy na ipapasok syang nursing aide sa isang nursing home na kung saan daw sya ay cook doon.

Natuwa naman si Tomas at nagtanong kung matatangap nga sya kasi wala syang papeles gaya ng green card at SSS. “Walang problema doon. Pinoy ang may ari ng nursing home na iyon”, ang pag sagot ni Iggy.

Kinaumagahan. Pinasok na nga ni Iggy si Tomas sa nursing home na iyon. Mahigpit at masungit ang may ari at siya ring namamahal ng nursing home na iyon. Ipinabatid kay Tomas na maraming alintuntunin at bawal sa nursing home na iyon. Bawal daw makipagkentuhan pag oras ng trabaho. Bawal magsalita ng Pilipino kahit Pilipino din ang kausap nito. Bawal magkasakit at umabsent. Pag na late buong araw ay kakaltasin sa sahod. Ang dalawang oras na higit na trabaho ay hini overtime. Bawal ang tsismis at kung anu-ano pa ng bawal.

Binalingwala ito ni Tomas sa dahilang kailangan nya talga ng pansamantalang trabaho.

Dito ay halos maluluha luha sa Tomas at diring diri sya sa simula ng kanyang trabaho. Maraming pagkakataon na kailangan nyang linisin ang mga pwet ng mga pasyente. Punasan ang mga ito at paliguan.Ang mahirap pa dito ay may mga pasyenteng lalaking makukulit. May nanununtok pa. wala silang karapatang magsumbong. Isang araw may babaeng nursing aide ang nakalmot sa mukha. Nagsumbong ito sa administrador. Humingi ito ng ayuda ngunit pinagalitan pa ito ng administrador at andang huli ay pinahuli pa sa immigration officer dahil nga ito ay TNT na o overstaying tourist.

Bagamat hindi pa paso ang Visa ni Tomas ay nababahala rin sya. Tatlong buwan na lang at expired na ang 6 months validity ng Visa nya sa America. Batid nya na after 3 months ay magiging TNT na rin siya.

Malimit ay nasusuka si Tomas sa mga amoy ng mga dumi at ihi ng mga matatandang pasyente. Pumapasok na lg sya sa toilet at dito ay nagsusuka sya at umiiyak sa sarili. Ngunit nagging matatag pa rin sya. Iniisip nya na kung parusa nga iyon dahil sa kasalanan nyang ginagawa ay bou nya itong tinatanggap.

Minahal ni Tomas ang kanyang trabaho. Napamahal na rin sa kanya ang mga matatandang pasyente at pati mga amoy nito. Hindi nagtagal ay nagging manhid na rin ang kanyang pag amoy sa mga hindi kanais nais na amoy ng mga pasyente.

Isang buwan pa lang ay nakabili na si Tomas ng television. Ito lang ang tanging naging libangan nya pag sya ay galing sa trabaho. Sumapit ang dalawang bwan ng pagtratrabaho nakabili na sya ng isang promo na set ng computer na may kasamang table at printer. Kaya ditto ay nakagawa na sya ng maraming bio-data na kanyang pinapadala sa mga ibat-ibang kumpanya na sakaling tangapin sya at isponsoran para mag karoon sya ng green card.

Nagkaroon din si Tomas ng double job sa pamamagitan ng pag pasok sa katabing nursing home. Dito ay nakilala nya ang isang babaeng nagngangalang Luisa.

Si Luisa ay isang nurse sa nursing home na iyon. Dalaga at mataas ang sahod. Nag ka gusto ito kay Tomas. Maraming mga kasamahan si Tomas na kapareho nyang nursing aide na dapat ay gawing nobya nya ito dahil swerte daw sya ditto. Hindi lang nurse na mataas ang sahod ay American citizen na nga iyon. Sinasabi ng mga kasamahan nya na pagpinakasalan nya ito ay tapos na ang kanyang problema sa green card.

Iniisip din ni Tomas na iyon ang madaling solusyon ngunit hindi nya kayang ibigin si Luisa. Ni kuting na pagtibok at libog ay wala syang nararamdaman dito. Ngunit hindi nya iniiwasan si Luisa. Iniisip nya na kailangang maging matalino na sya ngayun. Iniisip nya na pwede naman ang divorce sa America. Kaya hinayaan na lang nyang maging malapit sila ni Luisa.

Si Luisa naman ay parang uhaw sa pagmamahal kaya panay dikit nit okay Tomas. Alam nyang walang kawala itong si Tomas at parang tupa itong mapapamo nya.

Niyaya nyang parati silang lumabas ni Tomas. Inaanyayahan nitong dumalo ng mga kasayahan at pumunta ng mga disco. Ngunit tumatangi si Tomas. Kuntento si Tomas na mamasyal na lamang sila sa mall o sa mga parks sa New Jersey. “Ano ka ba Tomas para kang patay. Napa ka kill joy mo naman,” ang mga parating naririnig nya sa boses ni Luisa. Ngunit walang magawa sya dahil ayaw talaga pumunta ni Tomas sa mga lugar na iyon.

Sa mga kanilang pag-uusap, nabatid ni Luisa na isa pa lang brocken hearted itong si Tomas kaya naintindihan nya kung bakit ayaw pumunta ito sa nga masayang pagtitipon.

Ginawa ni Luisa ang lahat para maging malapit kay Tomas. Minsan isang araw ay pilit nyang sumama sa kuarto na tinutulutan ni Tomas. May dala raw syang regalong comforter at para raw ito sa kama ni Tomas. Napilitan si tomas na papasukin si Luisa sa maliit nyang kuarto. Dito ay naging mapusok si Luisa. Parang isang uhaw na uhaw na nilalang na kailangan ng matinding dilig. Niyakap nito si Tomas at pinaghahalikan. Si Tomas naman ay isang maginoo at ayaw nyang mapahiya ang babae kaya hinayaan na lang nya na yumakap at humalik sa kanya.

Agresibo si Luisa. Tinangalan nya ng damit si Tomas hangang sa hubad na ito. Napa pikit lg si Tomas. Kunwaring nasasarapan sya sa ginagawa ng dalaga ngunit hindi talaga sya tinitigasan dito. Ginawa na ng dalaga ang lahat hangang isubo ang kanyang tarugo at ilang ulit na salasalin at subuin. Tumigas naman ito ngunit panandalian lang. Madaldal at maigay sa kama si Luisa at may kasama pang mura. Waring pakiramdam ni Tomas ay ni rrape sya ng babae at nag te take advantage lang sa kahinaan nya.

Maraming bagay kung bakit hindi tinitigasan ng maigi si Tomas. Ayaw na nga nyang magkaroon ng relasyun sa mga babae at parang galit na nga sya sa mga ito. Hindi lang sa pangit ay bad breath pa ang dalaga. Pusteso ang ipin nito at change smoker pa. May nalaman ding tsismis si Tomas na ang babaeng iyon ay kung sino sino ang lalaking sinasamahan. Sa tingin pa nya ay parang sex maniac ang babaeng iyun. Naisip nya na hindi pag-ibig ang pakay ng dalaga kundi gusto lang syang pagpaparausan niyon.

Ngunit hindi tumitigil ang dalaga hanging puma ibabaw na ito. Kahit tumigas na ang tarugo nito ay ilang uliit na nag pa pump ang dalaga ay hindi man lang nag ka cum si Tomas. Habang patuloy sa pag pa pump ito at halos mapagod na ay si Tomas ay parang naaawa sa kanyang sarili. Feel nay ginawa syang sex object nito. Kahit hindi sya nilalabasan ay tuwang tuwa pa si Luisa sa dahilang nakapag multiple orgasms na nga ito. Nang natapos na sila ay nagpalam ng saglit si Tomas para pumunta ng banyo.

Pa-sapit ni Tomas sa banyo ay nag shower agad sya. Parang diring diri sya sa sarili sa nangyaring iyon. Alam nya na malibog syang tao ngunit sa pag-kakataong iyon ay parang naiinis sya sa sarili.

Habang nasa banyo sya ay si Luisa ay naghalungkat ng mga gamit ni Tomas. ANg mga mata nya ay mabilis na umiikot sa buong kuarto ni Tomas. Nagulat sya sa dami ng mga libro ni Tomas na tungkol sa mga batas ng America. Naiwagaan tuloy sya sa pagkatao ni Tomas.

Pagkatapios ni Tomas na gumamit ng banyo ay nagbihis na si Luisa at nagpaalam na ito. Ngunit bago ito umalis ay nagsabing kung gusto nyang magpadala sa Pilipinas ng pasalubong ay buong saya nya itong dadalhin. Nsiyahan naman si Tomas sa dahilang may mga nabili nga syang mga delata at cape na gusto nyang ipadadala sa Pilipinas. Hindi nya alam ay may balak pa lang alamin si Luisa sa kanyang pagkatao sa pamamagitan ng pagbisita nito sa bahay ni Tomas sa Maynila.

Dumating nga si Luisa sa Pilipinas at dinala nito sa bahay nina Tomas sa Maynila ang mga padala nito. Dito ay laking gulat ni Luisa ng makita ang mga larawan ni Tomas sa bahay nila kung saan saan si tomas ay nagtamo ng medalya sa mga paatalan pinagralan nya. Linagay pala ng kanyang mga magulang ang mag larawan nito sa sala at pati ang kanyang mga diploma. “Huli ka Tomas. Isa ka pa lang gamap na magaling at matalinong abogado sa Pilipinas. Lagot ka. Hindi ka makakawala. Kahit ano ang mangyayari ay mapapasa akin ka pag balik ko ng America”. Ito ang mga pag-munimuni ni Luisa ng mabatid nya ang lihim ni tomas na tinatago nya sa America.

Bumalik na nga si Luisa makaraang isang buwang bakasyon sa Pilipinas. Hinanap agad nya si Tomas upang sila ay muling magkita. Ngunit nag desisyon na si Tomas na makikipagkita lang sya kay Luisa kung walang mangyayaring sekswal. Minura sya nito at sinabing “Fuk you Tomas. You are a liar”, sabay nitong iniwan ang binata. Hindi naman ito pinasin ni Tomas at sya ay nagtrabaho na lamang.

Gabi na noon at pagod na umuwi si Tomas galing sa pangalawang trabaho. Hindi na nya nagawang kumain at nahiga na lamang sya sa kanyang higaan sa matinding pagod. Bago nya patayin ang lump shade nya para matulog ay pinagmasdan muna nya ang kanyang passporte na kung saan ay may isang maliit na papel na nakalagay ang I-94 na tiningna nya nag petsa. Ang bilis pala ng mga arwa at halos ay 6 na buwan nap ala sya sa America. Isang lingo na lang ay matutulad na sya sa mga TNT na anytime ay pwdeng damputin ng immigration officer para I deport pabalik sa Pilipinas. Ayaw na nyang bumalik at nakapg adjust na rin sya ng trabaho kahit bilang isang nursing aide. Mamaya ay pinatay na nya ang lump shade ngunit may nakita syang nag bliblink na pulang ilaw.

Ang pulang ilaw na iyon ay pahiwatig na may voice mail sya. Pinakingan nya ang voice mail na iyon at nagsasabing: “ Good moring Mr. Tomas Tuazon, this is Jay, the assistant personnel in the Human Resources Department of the UNDP, New York. I am pleased to inform you that you have passed the competitive examination and rank number two in our short list among several hundreds of candidates for the position of Policy Research Analyst on European Affairs. The vacancy is urgent and we are happy if you could attend the final interview tomorrow at exactly 9:00 am at the HR Training Room”.

Nawala ang antok at pagod ni Tomas. “Salamat Dios ko at ako’y iyong pinakingan”, ang pag-papasalamat ni Tomas sa Dakilang Maykapal. Dali dali nyang kinuha ang mga libro nito tungkol sa mga guide sa interview pati na rin ang mga libro tungkol sa “European Affairs”.

Mga alas singko pa lang ng umaga ay nagising na si Tomas kahit puyat syang natulog. Dinampot agad nya ang telepono at tuamawag sa nursing home na pinatratrabauhan nya. Nakusap agd nya ang head nurse at ito ay nagpasabi na masama ang kanyang pakiramdam at di nya kayang pumasok. Ayaw nag bigay ng pahintulot ng head nurse. Kailangan daw nyang kausapin ang masungit na administradorn para ditto magpaalam. Nakausap nya ang administrador ngunit ipinabatid sa kanya na bawal daw umabsent. Ngunit sinabi nyang hindi talaga nya kaya kaya ditto nalaman ng adminitrador na hindi nya matakot si Tomas. Isa pa ngayon lang ito ginawa ni Tomas. Mabait at masipag si tomas at marami na ang nagkagustong matanda sa kanyang matapat ay mabait na serbisyo. Kaya ang administrador ay nag sabi ng: Oy bueno pagbibigyan kita, ngunit sa bawat absent mo ay kapalit bawas ng tatlong arwa nag sweldo mo”. Galit nag alit si Tomas sa mga boses na iyon. Bilang isang abogado alam nyang maling mali ang patakarang iyon. Ngunit takot at kapait sa patalim ang mga nursing aide na nagtratrabaho ditto na walang papel. Alam nya na ang pag-gamit ng sick call ay isang matter of right ng empleyado.

Masayang sinuot ni Tomas ang kanyang kaisa isang Americana na dala pa nya galing pa sa Pilipinas. Nagulat sya sa sobrang luwang na ito sa kanya. Malaki pala ang ipinayat nya sa America sa halos 6 na buwan pa lang nya itong pamamalagi. Alam nya na dati ay super sikip ang Amricanang iyon. Wala syang magawa kundi magsuot ng short at dalawang patong ta T-shirt panloob.

Sumakay lang sya sa subway galing sa New Jersey papuntang New York. Minariwana nya ang magandang tanawing iyon ng New York City. Habang naglalakd sya ng madahan dahilan maaga pa nga sya sa appointment ay nakadaan pa sya ng empire Stae Building hanging Rockefeller Center papuntang Midtown manhatta. Pag sapit nya sa malaking gusali ng UN Headquarters ay namangha sya sa laki nito. Nakita na rin nya ito dati ngunit hindi nya masyadong pinapansin dahil hindi pa sya tanggap dito.

Tumuloy sya sa Training Room ng HR at laking saya nya nang matapos ang interview ay sinabihan syang magsimula na kinabukasan. Pumunta na sya sa HR para ibigay ang kanyang pasaporte at sinabi ng HR ay sila na ang bahala dito. Maraming mga papeles ang mga piniramhan nya ang kontrata ay namangha sya sa laki ng sweldo nyang matatangap. Ito ay US$12,000.00 dollars per moth bukod pa sa maraming mga allowances katulad ng medica, housing at kung anu-ano pa ay ito rin ay tax free. Lalo syang nalola dahil ang kanyang sinasahod sa nursing home lang ay US$2,800.00 dollars per moth at malaking pursyento pa ay napupunta daw sa tax at SSS at sa pagkakalam nya ay hindi naman talaga naibabayad iyun at naiiremit sa SSS kasi nga wala naman talaga silang SSS number.

Palibhasa maaga pa ng natapos gawin nya ang mga papeles at pati na rin ang pagpapa picture nya sa ID at bagong UN passporte, dumaan muna sya sa mga malls sa Manhattan kung saan sya naghanap ng mga sale item na Americana. Bumili sya ng dalawa munang terno at longsleeves na kasukat nya at mga ibat-ibang klaseng kurbata.

Pagsapit nya sa kanyang tinutuluyang kuarto ay nag computer sya upang gawin ang kanyang irrevocable resignation para sa dalawang nursing home na pinagtratrabauhan nya.

Noong ding hapong iyon ay nagsadya sya sa opisina ng administrador ng nursing home ngunit sya ay nabigla sa dahilang naandon pala si Luisa at parang galit nag alit sa kanya. Ibibigay nya ang sulat sa administrator ngunit hindi nagawang basahin iyon sa inakala ay explanation ito ni Tomas sa pagaabsent kanilang umag. Nagsalita pa ito ng: “Hoy Mr. Tomas Tuazon may malaking kang problema. Nagrelamo itong si Ms Luisa Ibanez laban sa iyo. Fake daw ang ibinigay mong SSS at green card. Pati na rin sa application letter ay sinabi mong high school graduate lamang ang iyong natapos.” Nagsabi naman si Tomas na wala syang kasalanan tungkol sa fake green card at fake na SSS. Pumiram lang sya nang application letter at wala man lang isang documeto na binigay sya. Kung sino man ang nagbigay ng mga documenting iyon na peke ay hindi sya kundi ang pamahalaan ng nursing na iyon. Ang katunayan ay kahit hindi sila nagbibigay niyon ay mismo ang carehome ang nagpapagawa ng pekeng documenting iyon at kung sakaling sinisita sila ng immigration o kaya may nakagalutang tao sa carehome ay yun ang ginagawa ng mga namamahal ditto. Sinasabaing wala silang kasalanan sa pagtangap dahil hindi naman nila alam kung peke ang mga ito dahil iyun din ang binibigay sa kanila ng mga applicante. At katunayan pa ay kinakaltas sa kanilang mga sweldo ang pagpagawa ng mga yaon.

Dinagdag pa ni Tomas na ang pag-lagay nya ng high school graduate ay sa sanhi ng depektibong letter of application ng carehome na iyon. Wala nakalagay na space para sa tertiary or college level na iyong naitapis kaya linagay lang nya ang eskwelahan kung saan sya nag graduate ng high school.

Dito ay huminahon ang administrador at natakot kay Tomas sa dahilang isa nga itong magaling na abogado at tama ang mga pinagsasabi nya. Sinabi nya tuloy na wala naming problema iyon dahil matagal na ito nilang ginagawa at wala namang magsusumbong tungkol dito. Si Luisa Ibanez na lang ang kanyang kausapin para hindi ito magsumbong sa immigration authorities.

Nagsalita na si Luisa at nagpahayag: O Tomas hawak ko na buhay mo. Akala mo ata makakaiwas ka sa akin. Ngayon tingnan natin kung hindi ka luluhod at humigi ng awa sa akin. Kung hindi ka luluhod at bumalik sa akin ay kianbukasan ay wala ka ng trabaho sa dahilang kung hindi ka nila tatangalin ay mapipiltan ako isumbong ito”, ang mga pananakot ni Luisa kay Tomas.

Sumagot naman si Tomas na wala naming problema kung nyun ang naisin nya. Hindi na kailangang tangalin pa sya o kaya magsumbong si Luisa sa immigration at marami pa ang madadamay sa mga kawawang mga empleyado. Bukasan na lamang at basahin ang laman ng sobre na ibinigay nya sa adminstrdor at tapos na ang kanyang gusto. Pagkatapos nyang magsalita ay nagpalam na ito at nagpasalamt sa pagtangap sa kanya at kahit maniwara ay natulungan sya ng nursing home na iyon. Pumunta na sya sa mga kasamahan nya at nagpaalam. Nalungkot ang mga ito sa dahilang napakabait ni Tomassa kanila. Sa katunayan napakamatulungin ito. Kahit hindi nya Gawain ay ginagawa nya upang matulungan ang mga kasamahan. Bati sa pagbubuhat ng mga pasyente ay maasahan ito sa pagtulong.
Alam nila nag sakripisyo si Tomas para sa kanila.

Pumunta rin si Tomas sa mga pasyente nyang matatanda na napa mahal na sa kanya para magpaalam. Naiyak lamang ang mga ito. Batid nilang si Tomas ay napakagalang at masipag sa serbisyo.

Unang araw pa lang ni Tomas sa United Nations ay …

(to be continued in the next episode)

 

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x