Written by ereimondb
Be strong enough to let go, and patient enough to wait for what you deserve.
Episode 3 : Romeo & Juliet
“Oh heto… Ginawan ko kayong dalawa ng reviewer. Kuya, heto ang reviewer mo para sa chemistry at math exam mo. Simplified na lahat ng formula na naandiyan para sa iyo. Heto naman ang reviewer mo Sheryn para sa Trigonometry exam mo. Magtanong ka lang as akin kung may hindi ka maintindihan. Medyo hindi kasi maganda sulat ko eh. Hehehe.”
Labing-anim…
Labing-pito…
Labing-walo…
Umabot na sa labing-walo. Labing-walo o higit pa, ang bilang nang palihim na pagsulyap ni utol kay Sheryn.
Kitang-kita ko ito dahil magkakaharap kaming nakaupo dito sa loob ng library. Tahimik ang nasa paligid namin, at para akong nanonood ng pelikula sa tuwing inoobserbahan ko sina kambal at Sheryn.
Hindi man sabihin ni kambal sa akin, napapansin ko naman ang pagiging malapit niya sa babaeng mahal ko.
Napansin ko ito mula pa noong unang araw na ipinakilala ko si Sheryn sa kanya. Hindi siya mapakali, hindi siya kumikibo noon, panay lamang ang tingin niya.
Ang gusto ko lang, maging tapat sa akin si kambal. Sabihin niya sa akin lahat ng saloobin niya. Wala siyang dapat itago sa akin.
Pero…
Kaya ko nga bang tanggapin kung sakaling ipagtapat niya sa akin na gusto niya rin si Sheryn?
Parang hindi yata.
Parang hindi ko din kayang pakawalan si Sheryn.
Ang babaeng tumanggap sa aking pagkatao. Ang dalagang nagbigay sa akin ng pag-asa, na kahit papaano ay may silbi din ako sa mundo.
Ang tanging tao na nagpahalaga sa lahat ng kakayahan ko. Hindi niya ako hinusgahan base lamang sa nakikita niya sa aking panlabas na anyo. Malalim ang pagkakaunawa niya sa aking pagkatao at nakita niya ang tunay na ako.
Mahina, maawain, maunawain at may-puso.
Hindi tulad ng iba, ang tingin sa akin ay magagalitin, matapang at basagulero.
Kinakatakutan kung minsan.
Ngunit ngayon, mas kinakatakutan ko nang dumating ang araw na mawala si Sheryn sa akin.
Hindi ko siya kayang kalimutan o kahit iwan ng sandali.
Hindi ko hahayaan ang kahit sinuman na maging hadlang sa aming dalawa. Hindi ko kakayaning makita si Sheryn, kapiling ang ibang lalaki.
Pero si kambal…
“Ang galing mo naman Francis, ginawan mo pa pati ako ng reviewer. Tsaka, mukhang mas maiintindihan ko pa itong sinulat mo kaysa sa teacher naming.”
“Basta magtanong ka lang din sa akin Sheryn kapag may hindi ka pa naiintindihan. Pati ikaw kuya Michael, kapag may formula na hindi malinaw sa iyo, tanong mo agad sa akin.”
Lahat ng katangian na gugustuhin ng isang babae sa isang lalaki, ay nasa aking kapatid.
Sino bang hindi magkakagusto kay kambal, sa talino pa lang, lamang na lamang na siya sa akin.
Pareho nga kaming guwapo, pero mas pumopogi si utol dahil sa karisma niya sa mga kababaihan.
Madali siyang malapitan ng aming kaklase, samantalang ako, nilalayuan.
Medyo bad boy kasi ako.
“Kambal uwi na ako. Sakit na ng ulo ko. Sheryn, tara na.”
“Huh? Pero nagrereview pa ako eh. Mamaya na.”
“Oo nga kuya Michael, tsaka kakarating lang natin dito sa library eh. Review muna tayo.”
“Bahala kayo, basta ako uuwi na.”
Hindi ko na yata sila kayang panooring dalawa.
Parang dinudurog ang puso ko sa sobrang selos.
Mahal ko si Sheryn, mahal ko din ang aking kapatid. Wala akong kayang piliin sa kanila… Sa ngayon.
Kung kaya’t mabuti pang umalis na lang ako. Takasan ang aking nararamdamang sakit.
“Sandali lang Sheryn ha.”
Alam kong hindi ako matitiis ng aking kambal. Alam niya kung kalian ako may topak. Alam din niya na badtrip ako.
“Ano bang problema kuya?”
“Masakit ang ulo ko kambal. Uwi na ako.”
“Paano si Sheryn? Gusto lang din muna magreview nung tao.”
Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang gusto mong sabihin ko sa iyo utol?
Parang sa simula pa lang, talo na ako sayo, sa laki ng inilamang mo sa akin.
“Ikaw na muna ang bahala kay Sheryn kambal. Ihatid mo na lang din siya pauwi.”
“Sigurado ka kuya?”
“Oo kambal. Pasensya ka na, masakit lang talaga ulo ko. Mauuna na ako.”
“Sige kuya, ingat ka sa pag-uwi. Kita na lang tayo sa bahay.”
“Sige tol.”
Pambihira…
Kaya ko din palang gawin ito.
Nagpalamang ako sa aking kapatid.
Napigilan ko ang aking galit, at nagparaya para sa aking kambal.
Alam ko sa aking sarili na imposible ko itong gawin, marahil ito ang tama para sa aming tatlo. Hindi ko dapat idinadaan sa away at poot. Magkapatid kami ni Francis, dugo’t laman. Hindi ko hahayaang mag-away kami at magkagalit.
Milya-milya ang lamang niya sa akin.
May lamang din naman ako sa kanya kahit papaano.
Kahit papaano…
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Habang naglalakad ako papalayo ng eskuwelahan, sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Gusto kong bumalik at kuhanin si Sheryn. Gusto kong umiyak at harapin si Kambal.
Sa tapang ng aking anyo, ito ang mga bagay na tila hindi ko kayang gawin.
Hindi ako makapag-isip ng tamang paraan upang malaman ko ang nasa sa loob ni kambal.
Sino nga ba si Library girl? Si Sheryn nga ba iyon. Kailangan kong malaman ang kasagutan.
…oo nga pala, ako si Michael. Michael Alcantara.
Bumalik naman sa kanyang upuan si Francis.
Naramdaman niyang tila nag-iba ang timpla ng kanyang kuya Michael, dahil kani-kanina lamang ay siya pa itong nag-aya na magreview silang tatlo sa library.
Mas gusto kasing magreview ni Francis sa library dahil maliban sa tahimik sa loob nito, ay makakapag research pa siya kung sakaling may hindi ito maintindihan.
Gumawa siya ng reviewer nilang tatlo dahil alam niyang lubos itong makakatulong sa kanyang kuya Michael. Lagi kasing bumabagsak si Michael tuwing ang exam ay Chemistry at Math subjects.
“Ano nangyari sa kuya mo? Okay lang ba siya?”
“Hindi ko nga lang din alam eh. Sumakit bigla ulo niya.”
“Hindi pa nga niya nababasa reviewer niya, sumakit na agad ulo niya. Hihihi” Pilyang biro ni Sheryn.
“Ganoon lang talaga si kuya, nai-istress siya tuwing exam.”
Masaya naman si Francis dahil kapiling niya si library girl.
Kahit papaano’y nagawan pa siya ng pabor ng kanyang kuya Michael.
Sarap na sarap itong panoorin ang magandang dalaga sa tuwing ito ay nagbabasa ng kanyang libro.
Napapangiti na lamang siya sa tuwing nakakapag-isip siya ng kapilyuhan para sa dalaga.
“Ikaw Sheryn, baka gusto mo nang umuwi. Okay lang sa akin. Ihahatid kita..” Saad ni Francis.
“Hmmmmm… Gusto ko pa kasi magreview eh.”
“Okay, review lang tayo…”
“I have an idea. Sa bahay na lang naming tayo magreview. Do you want to come over?” Tanong ni Sheryn.
Napalunok naman ang binata nang imungkahi ni Sheryn na magreview sila sa bahay.
“Hindi ba nakakahiya sa parents mo?”
“Okay lang naman yun eh. Tsaka, they are out of the country. Si yaya lang nasa bahay namin.”
Hindi alam ni Francis kung ano ang kanyang dapat maramdaman.
“Tsaka, since ikaw naman ang gumawa ng reviewer na ito, dapat iexplain mo sa akin ng maayos yung ibang hindi ko maintindihan.”
Nakahanap naman ng dahilan si Sheryn upang sumama sa kanya ang binata.
“Okay… Ikaw bahala… Basta ba may pagkain eh. Hehehe.” Pangungulit ni Francis.
“Hahaha. Sure, daan tayo sa McDonalds, libre kita.” Nakangiting sagot sa kanya ni Sheryn.
Agad nilang isinauli lahat ng libro sa bookshelf at nag-ayos na sila ng kanilang gamit para makauwi. Sandaling nagpunta si Francis sa locker upang kunin ang ilan sa kanyang mga libro na gagamitin nila sa pagrereview.
Sabay na silang lumabas ng eskuwelahan at nagtungo sa McDonalds upang bumili ng kanilang makakakain. Hindi naman hinayaan ng lalaki na siya ang ilibre ng magandang dalaga kahit na nagpupumilit itong magbayad.
Matapos noong ay agad silang sumakay papauwi sa bahay ni Sheryn.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na sila sa bahay ng babae.
Manghang-mangha naman si Francis nang makita niya ang bahay nila Sheryn.
Isa itong napakalaking mansion. Mukhang tatlong beses ang laki ng bahay nila Francis sa bahay ng magandang dalaga.
“Ang yaman niyo pala Sheryn. Buhay prinsesa ka siguro no? Hehehe.” Pabirong saad ng binata.
“Ang bahay na ito ang nagsisilbing kulungan ko. Nasa akin na nga siguro ang lahat, maliban sa tunay na ikinasasaya ng puso ko.” Makahulugang sagot ng dalaga.
Pinapasok naman agad ni Sheryn si Francis sa loob at lalo namang napanganga ang lalaki.
Sobrang lawak ng bahay nila. Mula sala, kusina, ang malaking swimming pool sa likuran ng kanilang bahay. Nagkikislapan naman ang mga ilaw sa loob ng bahay kahit hindi pa ganoon kadilim sa labas.
“Astig! Parang mall bahay niyo ah!”
“Hindi naman.”
“Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong kalaki at kagandang bahay eh.”
Kitang-kita pa din ang pagkamangha sa mukha ni Francis.
Maya-maya naman ay sinalubong na sila ng katulong nila Sheryn.
Binigyan agad sila ng maiinom at nagtanong kung ano naman ang gusto nilang kainin.
Tila hindi naman sila nabigla na may bisita ang dalaga, kung kaya’t naging kumportable si Francis sa bahay nila Sheryn.
“Yaya, sa kuwarto ko na kami magrereview. And don’t worry about the food, kasi nakabili na kami ng makakain namin.” Saad ni Sheryn.
Medyo nabigla naman si Francis nang sabihin ng dalaga na sa kuwarto na lamang silang dalawa mag-aaral. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi, dahil malamang ay hindi siya makakapagconcentrate sa dalaga.
“Tara na Francis, akyat na tayo para masimulan na natin.”
“O-okay..sige.” Mahinang tugon ng binata.
Umakyat sila sa ikalawang baitan ng mansiyon. Maraming kuwarto ang bahay nila Sheryn. At ang kanya’y nasa kabilang dulo mula sa sala.
Pagbukas ng dalaga sa pintuan ng kanyang kuwarto ay bumulaga sa binata ang napakalaking silid ng dalaga.
May sarili itong sala sa loob na may malalambot na sofa, may study table sa bandang gilid malapit sa pintuan ng banyo ng silid at ang napakalaking kama na kasya ang tatlong tao.
“Nice! Ganda din ng kuwarto mo.”
“Thanks. Ibaba mo na yung bag mo jan sa study area. Magbibihis lang ako.”
Ikinabigla ni Francis na magbibihis pa ang dalaga bago sila mag-aral.
Kinakabahan ito at hindi halata ang excitement sa kanyang mukha.
Pumasok ang dalaga sa kanyang CR na tagos naman papunta sa isang kuwarto na nasisilbing closet ng babae.
Inilabas naman ni Francis ang burger at fries na binila nila sa fast food, at pasimpleng sumisilip sa may bandang pintuan ng CR.
Halos ilang minuto namang nasa banyo ang dalaga. At pagkalabas nito, ay amoy na amoy ni Francis ang bango ng bagong paligo na si Sheryn.
“Pasensya ka na ha. Sanay kasi akong naliligo pagkauwi. Tsaka, nanlalagkit na ako sa usok at pulosyon galin sa labas.”
“Okay lang. Kumain na nga lang ako habang naghihintay sayo. Fresh na fresh na pakiramdam mo ah!” Hindi mapigilan ni Francis na titigan ang dalaga.
Basang-basa ang buhok, naka-puting sanod at kita dito ang kinis ng braso ni Sheryn at ang ganda ng hugis ng dalawang bundok sa kanyang harapan.
Nanlaki naman ang mata ng binata nang makita ang kinis ng binti ni Sheryn dahil sa suot na napakaigsing shorst nito.
Hindi alam ng binata kung saan niya ibabaling ang kanyang paningin upang hindi makahalat si Sheryn sa paninilip niya.
Maya-maya ay umupo na si Sheryn sa tabi niya.
Kinuha niya ang kanyang mga notebook sa bag at papel na pagsusulatan ng mga math equation.
Para namang adik si Francis sa kalalanghap ng bango ng dalaga at di niya maitatangging lalong gumaganda si Sheryn pagbagong paligo.
Sarap kagat-kagatin ang braso at leeg nito, saad ni Francis sa kanyang sarili.
Hindi na niya maawat ang kanyang sandata na tumayo at tumigas dahil dito.
Ipinatong niya ang kanyang backpack sa may binti upang matakpan ito at hindi makita ng dalaga.
Sinusubukan niyang magconcentrate sa binabasang aklat para magreview, ngunit parang hindi niya kayang hindi sulyapan si Sheryn.
Inilabas naman ni Sheryn ang French fries sa may plastik. Kumuha ito ng isa at nilagyan niya ng ketchup.
Napatingin si Francis habang sinusubo nito ang pagkain at napapatitig sa makipot na labi ng dalaga.
Lalong tinitigasan ang binata at napapapikit sa tuwing naiisip niya ito.
“Okay ka lang?” Tanong ni Sheryn nang makita niya si Francis na nakapikit.
Nabigla naman ang lalaki sa tanong ng dalaga.
“Ah eh..ano… kasi parang napagod ang mata ko. Pinapahinga ko lang.” Sagot ni Francis.
“Gusto mo magpahinga ka muna saglit doon sa kama? Halika hihilutin ko ulo mo. I know how to massage.” Mungkahi ng dalaga.
“Kailangan pa nating magreview eh.”
“It can wait. Just rest for a few minutes. Tara.”
Hindi naman nagapapilit si Francis at agad sumunod sa dalaga.
Habang papunta sila sa kama ni Sheryn ay panay pa din ang sulyap ng binata sa makinis na legs nito.
“Just seat back and relax.”
“Okay.”
Sumandal lamang si Francis sa headboard ng kama habang kumportable namang nakapatong ang kanyang dalawang paa sa napakalambot na kama.
Si Sheryn naman ay nakapuwesto sa gilid ng binata na nakaluhod habang inaabot ang bandang ulunan ni Francis.
Natatapat sa kanyang bandang kaliwang pisngi ang dalawang suso ni Sheryn.
Nagkukunwari si Francis na nakapikit, ngunit maya-maya’y sinisilip nito ang magadang tanawin.
Ramdam din niya ang katawan ng babae na bumabangga sa kanyang tagiliran.
Pati ang napaksarap na masahe ni Sheryn sa kanyang ulo ay napakasarap.
Sino bang hindi titigasan? Tanong ni Francis sa kanyang sarili.
Maya-maya ay dumilat siya nang itinigil ng dalaga ang pagmamasahe.
Tumingin siya sa napakagandang babae na ngayon ay katabi na niya.
Ang lakas ng kabog sa dibdib ni Francis at gusto na nitong sunggaban si Sheryn.
“Gusto ko lang magpasalamat sa kabaitan na ipinapakita mo sa akin. Thank you sa reviewer at sa pagtuturo mo sa akin sa math subject ko.” Saad naman ni Sheryn.
“Wala iyon. Ginagawa ko iyon sa lahat, para makatulong ako kahit papaano.”
“Sobrang bait mo talaga. Matalino ka na…Mabait ka pa…”
Parang lumulundag naman ang puso si Francis sa magagandang salitang nanggagaling kay Sheryn.
Tumingin siya sa mga mata ng dalaga at dahan-dahang inilapit ang kanyng mukha.
Sinimulan na niyang halikan sa labi ang dalaga.
Noong una’y nakasara lamang ang labi ni Sheryn habang pinakikiramdaman ang mga labi ng binata.
Unti-unting inilayo ni Francis ang kanyang mukha dahil wala siyang naramdamang reaksiyon mula sa baba.
Pagbukas niya ng kanyang mga mata, ay nakatingin sa kanyang si Sheryn.
Bumalik sa pagkakasandal niya sa kama si Francis. At biglang pumatong sa kanyang harapan ang dalaga at hinalikan niya muli ang binata.
Nakipaglabanan na ito ng halikan at nagsimula na ang binata na paggapangin ang kanyang dalawang kamay sa likuran ng dalaga.
Hinawakan naman ni Sheryn ang guwapong mukha ni Francis habang damang dama nito ang palad ng binata sa kanyang likod.
Hinalikan ng hinalikan ni Francis mula sa labi pababa sa may leeg at kinakagat-kagat niya pa ito sa sobrang panggigigil. Hindi naman siya sinusuway ng dalaga at napapa-ungol pa ito dahil sa kiliting nararamdaman.
Maya-maya’y tumambad sa isipan ni Francis ang mukha ng kanyang kuya Michael.
Napahinto siya paghalik sa dalaga at napayuko ito.
Hindi malaman ni Francis kung itutuloy niya ba ang libog na nadarama para sa babae o irerespeto niya ang relasyon ng dalawa.
Nagtaka naman si Sheryn nang huminto si Francis sa kanyang ginagawa.
“Are you okay?” Tanong ng dalaga.
“Sorry…. Sorry sa ginawa ko Sheryn. Mali ito.” Saad ni Francis.
Agad naman siyang tumayo sa kamay at isinilid sa kanyang bag ang notebook at libro na kanyang pinag-aaralan.
“Girlfriend ka ng kapatid ko, ni kuya Michael. Hindi ko dapat ginawa yun.”
Nilapitan ni Sheryn si Francis at hinawakan ang kanyang kamay. Tila pinipilang siyang umalis ng dalaga.
“Gusto kita Francis. Dahil alam ko ring gusto mo ako.”
“Pero may relasyon kayo ng kapatid ko.”
“Iba ang nararamdaman ko para sayo at iba naman para sa kuya mo.”
“Mali iyon. Hindi mo dapat sinagot si kuya kung hindi mo pala siya ganun kamahal.”
“I do love Michael. Pero iba yung connection na naramdaman ko sayo noong nakita at nakilala kita Francis.”
“But still, I have to respect you and my kuya Michael.”
“I will choose you over him. Makikipagbreak ako sa kanya. Basta panindigan mo ako Francis. Promise me.”
Ito na ang pinakahihintay ni Francis na pagkakataon. Ang tuluyang matalo si Michael at makuha ang babaeng gustong-gusto niya.
Ngunit tilan umaatras siya at nananaig pa din ang pagiging kapatid niya kay Michael. Ang respeto nito sa relasyon at pagkatao ng kanyang kapatid.
Hindi na lamang sumagot si Francis at agad itong lumabas ng kuwarto at umalis sa bahay ng dalaga.
Tuliro siya sa lahat ng mga nangyari.
Gusto niyang magalit sa kanyang sarili sa pinalampas na pagkakataon.
Matitikman na sana niya si Sheryn.
Ngunit mas pinili niya ang para sa kanya’y tama.
Respeto. Isa yan sa mga bagay na pinapahalagan ni Francis bilang isang tao.
Kung kaya’t kahit tila nagsisisi siya sa kanyang ginawa, ay minabuti niyang umuwi ng bahay at magconcentrate na lamang sa pagrereview.
Pagdating sa kanilang bahay, ay agad naman inilabas ang kanyang mga libro upang magreview.
Madami na siyang nasayang na oras. At dahil malapit na mag-gabi, ay mabilis niyang binasa ang kanyang mga aralin at sinubukan lahat ng math excercises na nasa libro.
Paminsan-minsan naman ay natitigilan siya sa tuwing naalala ang malambot na labi ni Sheryn. Ang napakabangong hininga nito na lalong nagbibigay ng matinding libog. Ang sobrang lambot at kinis na likuran nito na ang sarap haplusin.
Malaking pagkakamali ang kaniyang nagawa, pero sa sandaling iyon, talagang nakalimot siya.
Dahil naging busy sa pagrereview, hindi naman namalayan na wala pa ang kanyang kuya Michael. Umakyat ito sa silid ng kapatid, saka niya nalamang hindi pa nakakauwi ang kanyang utol.
Biglang kinabahan si Francis at panay ang text nito sa kanyang kuya at sa mga kabarkada nito.
Madami nang masasamang bagay ang naisip ni Francis at ipinagdadasal nitong sana’y hindi ito mangyari. Lagot nanaman siya sa kanyang ama na ang tanging bili sa kanya ay alagaan si Michael.
Mga bandang alas-otso ng gabi ay may kumatok sa kanilang pintuan.
Pagbukas niya nito ay tumambad sa kanyang harapan ang lasing na lasing na kapatid.
Pasuray-suray ito habang nakakapit sa may bandang pinto.
Agad inalalayan ni Francis ang kanyang kuya Michael papasok ng bahay. Hindi niya alam ang kanyang gagawin.
Napapakamot na lamang siya sa kanyang ulo at hindi nito magawang pagalitan ang kanyang kuya Michael.
Tiyak lagot silang dalawa kapag naabutan sila ng kanilang magulang.
Kaya’t nagpasya si Francis na iakyat sa kanyang silid ang kapatid.
Kahit bigat na bigat si Francis ay inaalalayan pa rin niya ang kanyang kapatid. Umuwing lasing na lasing si Michael at hindi ito dapat malaman ng kanilang mga magulang.
“Tama na kambal, kaya ko sarili ko.” Saad ni Michael.
Maya-maya ay ibinagsak ni Francis ang kanyang kuya sa kama. Nakatingin na lamang ang binata sa kanyang lasing na kapatid.
“Ano ba itong ginawa mo kuya? May exam pa tayo bukas…”
“Pakialam ko sa exam na yan. Bagsak naman ako palagi hindi ba?!”
“Pero mali pa rin na nagpakalasing ka… Paano kung bumalik yung sakit mo? Pano kung naabutan ka nila mama at papa?”
Pinilit ni Michael na tumayo at inaabot nito ang kanyang kapatid.
“Tama na yang kadadakdak mo kambal… Nakakarindi ka na e…”
“Sinisira mo ang buhay mo!” Pasigawa na saad ni Francis sa kanyang kuya.
Kumapit si Michael sa damit ni Francis upang makalapit ito sa kanya.
“Ano bang pakialam mo sa buhay ko ha? Hanggang kalian mo ba balak lokohin yang sarili mo, ha kambal? Hanggang kalian mo ako gagaguhin?” Saad ni Michael sabay tapik nito sa pisngi ni Francis.
“Ano bang pinagsasasabi mo kuya?”
“Tapatin mo nga ako kambal… Sino ba yung bebot mo? Sino ba yang library girl na yan? Kung hindi mo talaga ako ginagago, aminin mo sa akin tol!”
Nabigla si Francis sa tanong ng kanyang kapatid. Hinihingal ito sa sobrang kaba at hindi niya maisip kung ano ang dapat isagot dito.
“OO! Si Sheryn nga yung babae na iyon. Mahal ko si Sheryn. Gusto ko si Sheryn.” Ito ang mga salitang gustong ibulalas ng binata sa kanyang kuya.
Ngunit hindi niya ito kayang gawin at sabihin.
“Hindi siya kuya. Walang kinalaman si Sheryn kay library girl. Hindi siya, kuya… Hindi siya.” Saad ni Francis sa kanyang lasing na kuya.
Bumitaw sa kanyang pagkakahawak kay Francis si Michael at bigla itong tumumba sa kanyang kama. Unti-unting nakatulog ang binata dahil sa sobrang kalasingan.
Dahan-dahan namang lumabas ng kuwarto si Francis. Nagsinungaling siya sa kanyang kuya Michael. Ayaw niya man itong gawin, ngunit ito ang tama para sa kanya.
Ayaw niya na ng gulo. At handa na siyang magpaubaya kay Michael
Tumuloy na lang ulit siya sa sala at itinuloy ang librong binabasa. Dito na lamang niya ibinuhos ang kanyang isip at buong atensyon.
Kinabukasan, handa na ang mga estudyante sa kanilang exam.
Magkasabay pa din sila Michael at Francis na pumasok sa school, at kahit sobrang sakit ng ulo ng binata ay pinilit pa din niyang pumasok.
“Pasensya ka na kambal ha. Alam ko mali ang naggawa ko sayo.”
“Wala iyon kuya. Pero sana, kausapin mo na lang ako at huwag ka na ulit iinom ng alak. Alam mo namang bawal sayo yun eh.”
“Oo kambal. Salamat din at pinagtakpan mo ako kina mama at papa.”
Matapos nilang magkaunawaan ay agad pumunta sa kani-kaniyang upuan ang magkapatid.
Nasa harapan ni Francis ang kanyang kuya Michael. Kitang kita niya kung may naisasagot ang kapatid o wala sa kanyang test paper.
At dahil madali lang para kay Francis ang exam at mabilis niya itong natapos, ay gumawa ito ng maliit na kodigo.
Sinulat niya ang mga sagot sa isang papel. Tumitingin sa kaliwa at sa kanyang kanan at ibinato ito kay Michael.
Nagulat naman ang binata sa papel na binato ni Francis. Tumingin siya sa kanyang kapatid, dinampot ang papel at nagulat ito sa nilalaman nito.
Halos lahat ng sagot ay nasa loob ng papel. Agad itinago ni Michael ang kodigo at tumitingin sa kanyang paligid kung may nakatinging guro o kahit kaklase nila.
Lumingon ito kay Francis at ngumiti. Isang paraan ni Michael upang magpasalamat sa kanyang utol.
Isa din itong paraan ni Francis para ipakita kay Michael na talagang nagmamalasakit siya dito.
Alam niyang may nagawa siyang kasalanan sa kanyang kuya, kung kaya’t tinulungan niya ito sa exam.
Mali man, pero ito ang naisip na paraan ni Francis para makabawi.
–End of Episode 3–
- Undo – Episode 8: Ctrl + Z - November 22, 2024
- Undo – Episode 7: Ctrl + X - November 22, 2024
- Undo – Episode 6: F1 (Help) - November 15, 2024