Ikapitong Utos – Cain At Abel

Ikapitong Utos

Written by ereimondb

 


It is not enough to say we must not wage war.

It is necessary to love peace and sacrifice for it.

– Martin Luther King, Jr.

Episode 2: Cain At Abel

Bubuksan ko ba…. O hindi?

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. TInatamaan nanamang ako ng matinding galit para kay kuya Michael. Nagagalit ako dahil nagseselos ako. Nagagalit ako dahil nalamangan nanaman niya ako.

Trip na trip ko si library girl. Siya ang tipo kong babae. Hindi ko alam kung makakatagpo pa ako ng katulad niya sa school, pero parang limited edition lang ang mga katulad niya. Tama nga si kuya, champion ang dating ng bebot na to.

Pero… Bakit ganun?

Nakuha nanaman ni kuya Michael ang gusto ko. Siya nanamang ang nakauna. Mapapasakanya nanaman, katulad ng napakaraming pagkakataon, ang atensyon ng isang taong gustong-gusto ko.

Bakit?

Mula pa noong bata kami, lagi ko na lamang siyang pinagbibigyan.

Katulad na lamang noong isang araw na nasa Toy Kingdom kami, may nakita akong isang napakalaking robot.

Tumutunog, gumagalaw ang kanyang kamay at paa, naglalakad, may malaking tv ito sa bandang tiyan at umiilaw ang mga mata, pati ang baril na hawak nito. Sabi ko sa aking mga magulang na ito na lang ang iregalo nila sa akin sa pasko. Nanginginig ako sa sobrang saya nang masilayan ko ang robot na iyon.

Champion!

Pero nang tumabi sa akin ang kuya, at nilapitan din niya ang robot, nagsabi siya kina mama at papa na gusto niya rin ng robot. Nakiusap siya at nilambing ng nilambing si papa para mapayagang bilhan din siya ng laruang gusto ko.

Tumingin ako sa aming magulang ngunit na kay kuya Michael na ang atensyon nila. Habang kinakausap nila si kuya ay nilalagyan pa ni mama to ng bimpo sa kanyang pawis na likuran.

Maya-maya, nilapitan kami ng sales lady at kinausap si papa. Hindi ko gaano madinig at maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Siguro dahil bata pa ako noon, o dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa robot na parang hinihypnotize akong bilhin at iuwi siya sa aming bahay.

Biglang lumapit sa aming dalawa si daddy at nakita ko na ring umalis ang sales lady, tinatawag ang mga lalaking bubuhat sa malaking robot na naka display. Mapapatalon na sana ako sa tuwa dahil babalutin na nila ang robot ko.

“Boys, listen to me. We are going to buy that robot.”

Ayun na… Pwede na akong mamatay ng mga oras na iyon dahil sa sobrang tuwa.

“But they only have one stock left. It is a limited edition robot and I want you guys to understand that.”

Limited edition? Ano yun? Bata pa ako noon at doon ko pa lang narinig yung mga salitang iyon. Pero yung “one” stock left, naintindihan ko. Isa na lang ang meron sila para ibenta sa katulad naming batang naglalaway sa robot.

“Francis, your kuya Michael will take that robot for now, and we are going to buy you next time, once that same kind will be available. Okay?”Paliwanag sa akin ng papa namin.

“Don’t worry Francis, share naman kayo diyan ni Michael, right kuya?”Dagdag ni mama na nakahawak sa kamay ko.

“Yes mama. Thank you papa.”

Gusto kong umiyak. Pero walang tumutulong luha sa akin. Kinakabahan ako habang dahan-dahang pumapasok sa aking isipan lahat ng sinasabi nila.

Ilang minuto akong pansamantalang naging bato. Hindi ako gumagalaw. Habang si Kuya Michael ay talon ng talon sa tuwa.

Sinubukan pa muna nila papa at ng sales lady kung gumagana ng maayos ang robot sa aking harapan.

Parang nakatingin sa akin ang robot. Parang sinasabi niya sa akin na hindi na ako ang magiging amo niya.

Gusto ko sana siya sipain at pagpira-pirasuhin sa harapan ng lahat, pero hindi ko magawa, dahil patuloy akong naninigas at nanginginig sa galit.

Kailan ba ako mananalo sa kuya Michael ko? Kailan ko ba siya matatalo sa tila walang hanggang pakikipagpaligsahan sa kanya.

Kampi ang lahat, pati ang mundo, sa kuya ko.

Mula noon hanggang sa ngayon…

Ngayon…

Bubuksan ko ba ang pintuan para kunin ang babaeng gusto ko? O hahayaan ko na lang ulit na manalo si kuya Michael ?

Pamilyar ang nararamdaman ko ngayon. Katulad ng dati.

Nanginginig ako sa galit. Pinagpapawisan ako sa inggit.

Kinakabahan ako dahil sa matinding selos.

Kailan ba ito hihinto?


Hawak pa din ni Francis ang doorknob sa labas ng pintuan ni Michael. Pinakikinggan din niya ang kahit anong uri ng ingay na manggagaling sa loob ng silid na ang tanging laman ay ang kanyang kuya at si library girl.

Nakapikit siya at tila nagkoconcentrate. Tahimik ang paligid, tanging ang tunog lamang ng orasan ang kanyang nadidinig.

Maya-maya’y binitawan na niya ang doorknob, tumalikod sa pinto at dahan-dahang bumababa ng hagdan patungo sa kanilang sala.

Kahit gustuhin man niyang buksan ang pintuan, ay wala siyang naiisip na idadahilan sa kanyang kuya, kung hindi ang aminin na gusto niya din si Sheryn.

Hindi niya ito kayang gawin, isa ito sa mga laban na tila sususkuan ni Francis.

Naiisip niyang, ano pa ang laban niya dito? Dahil ang pakilala ng kanyang kuya ay shota na niya ang magandang dalaga.

Umupo ito sa sofa at kumportableng sumandal sa malambot na kutson. Natatanaw din niya ang nakaplastik na pansit na ipinasalubong sa kanya ni Michael.

Tila hinang-hina naman ang pakiramdam ni Francis at unti-unting napapapikit.

Hanggang sa tuluyan na siyang mahimbing na nakatulog sa sofa.

“Kambal! Gising…”

Nadidinig niyang may tumatawag sa kanya habang siya ay natutulog.

“Kambal! Gising, kambal!”

Patuloy ang pagtawag sa kanya ng pamilyar na boses, at dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at naaninag si Michael.

“Kambal! Gising!”

Naalimpungatan si Francis nang tumambad ang mukha ng kanyang kuya. Agad itong tumayo mula sa pagkakahiga at mabilis na pinunasan ang kanyang mata at tumulung laway habang siya ay natutulog.

“Gising kambal! Nakalaway ka pa sa sarap ng tulog ah! Hehehe..”

“Anong nangyari? May nangyari? Anong oras na? Naandiyan pa ba siya?”

“Relax lang tol. Alas-otso na ng gabi, haba ng tulog mo.”

“Alas-otso na?”

“Oo kambal. Umalis na si Sheryn kanina pang ala-sais. Kita ka nga niyang nakabukakang natutulog eh. Hahaha!”

Napasandal naman si Francis nang malamang nakaalis na si Sheryn at hindi niya namalayang napasarap at napahaba pala ang kanyang pagtulog.

“At sa tanong mo kambal, walang nangyari.”

“Walang nangyari?”

Napabuntong hininga naman si Francis nang marinig ito mula sa kanyang kuya.

“Paanong walang nangyari, kuya?”

“Wala eh. Ayaw pa daw niya. Pero naghalikan naman kami. Okay na yun sa akin. Nirerespeto ko din naman siya. Pagtumagal-tagal na daw kami, puwede ko na daw siyang kantutin. Hehehe..”

“Mabuti naman…”Bulong ni Francis.

“Anong mabuti doon kambal?”Saad ni Michael nang madinig ang pagbulong ng kanyang nakababatang kapatid.

“Ang ibig kong sabihin, mabuti naman at nirerespeto mo siy… si Sheryn.”

“Ah… Oo naman… Kahit mukha akong gago, at basagulero, marunong naman ako mag-alaga sa syota ko.”

Masaya naman si Francis dahil walang nangyari sa kanilang dalawa. Alam niyang may pag-asa pa siyang makauna sa babaeng gustong-gusto niya.

Nag-iisip na ito ng mumunting plano para mapasakanya ang napakagandang si Sheryn. Lalaban siya, ika nga.

“Halika na kambal, maghapunan na tayo. Ininit ko yung pansit, hindi mo pa pala kinain kanina. Tara pagsaluhan na natin.”

Agad namang tumayo si Francis at sinabayan ang kanyang kuya Michael na maghapunan. Patuloy pa ding nagkukuwento si Michael habang kumakain at kahit may laman ang kanyang bibig.

“Ikaw kambal, kalian mo sa akin ipapakilala ang gerlpren mo?”

Ngumiti lamang si Francis sa kanyang kuya.

“Imposible namang wala ka pang natitipuhan. Sa itsura at talino mong iyan, malamang madami kang mabibingwit na isda sa dagat. Naku! Kung nasa akin lang yang talino mo, malamang sa malamang, tatay na ako ngayon. Hahahaha..”

Nakikitawa na lang si Francis sa sinabi ni Michael. Nakikinig na lamang siya sa kanyang kuya.

“Kuya, paano kung sabihin ko sayo na may natitipuhan na ako sa atin.”

“Ayos yan kambal! Sino ba? Kaklase natin?”

“Hindi kuya.”

“Sabagay, walang maganda sa mga kaklase natin. Lower batch o higher batch?”

“Higher batch kuya.”

“Patay tayo diyan! Tirador ka pala ng higher batch. Sino naman?”

Tila kumukuha ng buwelo si Francis na sabihin sa kanyang kuya Michael ang katotohanan.

“Hindi… Hindi ko alam pangalan niya eh…”

“Yun lang… Mahirap nga yan kambal.”

“Nakilala ko lang siya sa library…”

“Tangina! Kaya pala lagi ka sa library ha. Hindi naman siguro yung librarian natin gusto mo kambal.”

Napatawa si Francis sa biro ng kanyang kapatid.

“Si library girl.”

“Library girl… Hayaan mo, magpapatulong tayo kay ate Sheryn mo hanapin yang bebot na yan kambal.”

“Kay Sheryn?”

“Oo tol, ipapahanap natin yan. Kabatch niya di ba? Baka nga kaklase niya pa kamo!”

“Sige kuya… Ipahanap natin.”

Tumingin na lamang si Francis sa kanyang kuya Michael habang kumakain ito.

Kahit papaano ay bumubuo na din ang binata ng balak at plano upang makuha nito ang syota ng kanyang kapatid.

Para sa kanya ay isa itong hamon upang mapatunayan na kaya niyang tapatan o higitan si Michael sa lahat ng bagay.

Hindi sila bata.

Hindi na isang laruan, pagkain o kahit anong bagay ang kanilang pinag-aagawan.

Kung hindi ang puso ng babaeng kanilang sinisinta.


Kinabukasan, pagdating ng uwian, ay niyaya ni Michael ang kanyang kapatid.

“Kambal! Pauwi ka na ba? Tara sama ka sa amin.”

“Kuya malapit na exam natin eh. Sisimulan ko na sana magreview.”

“Sandali lang ito tol! Sabay ka na sa amin kumain.”

“Sino ba kasama kuya?”

“Si Sheryn kambal. Special request ka nga niya e. Sabi niya sa akin sasama lang daw siya kung kasama ka. Mukhang nahihiya at naiilang pa na kaming dalawa lang lumalabas e.”

“Ganun ba?”

Laking tuwa naman ni Francis dahil makakasama niyang muli si Sheryn.

“Sige kung talagang okay lang sa inyo, sasama ako.”

“Okay na okay yun kambal. Walang problema. Ano? Tara na?”

“Sige kuya.”

Excited na umalis si Francis kasama si Michael. Sinundo nila sa classroom ang magandang babae. Kinuha ni Michael ang kanyang bag at siya na ang nagbitbit nito. Nang makita si Francis ay agad niya itong nginitian.

“Buti naman sumama ka…”Saad ng dalaga.

“Pinilit ko lang yan babes. Gusto na nga niyang umuwi dahil magrereview pa daw siya. Hehehe..”

“Ahh ganun ba? Kailangan mo pa bang magreview? Ang alam ko matalino ka na e…”

Mas lalong pumalakpak ang tenga ni Francis nang sabihin ito ni Sheryn. Sa tingin niya’y naalala pa ng magandang babae ang ginawa nitong pagtulong sa kanya sa Trigonometry subject.

“Matalino talaga yang kambal ko… Mana sa akin, di ba tol?”Paimpress namang saad ni Michael sabay siko sa kanyang kapatid.

Ngumit lamang si Michael sa kanyang kuya at halatang pilit na sumang-ayon.

“Oo nga pala babes, tulungan nga natin itong si kambal hanapin yung crush niya.”

Nabigla si Francis nang banggitin ng kanyang kuya ang tungkol sa crush niya. Gusto sana nitong pigilan ang kapatid, ngunit diretso itong nagsalita.

“Kabatch mo daw siya eh. Mahilig din magpunta ng library. Library girl pa tawag ni kambal.”

Parang gusto ni Francis na lamunin na siya ng lupa sa sobrang kahihiyan.

“Trip niya ata talaga yung mahilig din magbasa. Kaya pala hilig magpuntang library, di ba kambal? Hehehe”

Napangiti na lang si Francis at nanatiling walang imik. Mabilis nitong sinusulyapan ang dalaga habang naglalakad.

Napansin niyang namumula ang pisngi ni Sheryn. Tila naalala muli ng dalaga ang araw na tinulungan niya ito sa homework.

“Ano babes, maasahan ba naming tulong mo?”Tanong ni Michael.

“Ah eh… Sige, oo ba. Walang problema.”Mahinang saad ng dalaga.

Inakbayan naman ni Michael ang kanyang girlfriend.

“Sabi sayo kambal e. Sagot kita, basta magpasabi ka lang.”Saad ng kuya ni Francis sabay kindat dito.

Pinagpapawisan si Francis habang kasabay na naglalakad ang dalawa.

Malamang ay alam na ng magandang babae na siya ang tinutukoy niyang library girl.

Hindi naman siya kinikibuan ni Sheryn at tila umiiwas pa ito ng tingin sa kanya.

Pagdating sa kainan malapit sa kanilang eskuwelahan, ay agad pumili ng lamesa at pantatluhang upuan si Michael.

“Upo muna kayo, ako na oorder. Tsaka daan ko muna mga kabarkad ko diyan sa tabi. Nagbibilyar sila eh. Balik ako babes.”

“Okay.”Maikling sagot ni Sheryn.

Habang naghihintay ay hindi pa din nagkikibuan ang dalawa.

Nakatingin sa malayo ang dalaga, habang pasimpleng tumitingin si Francis sa kanya.

Minsan pa nga ay nahuhuli ni Sheryn na tumitingin sa kanya ang binata.

“Papaano mo siya nagustuhan?”Tanong ni Sheryn.

Nabigla naman si Francis nang magtanong sa kanya ang kaharap na babae.

“Huh?”Sagot nito.

“Si library girl… Paano mo siya nagustuhan?”

Hindi makasagot si Francis sa tanong na iyon ni Sheryn.

“Dahil ba sa itsura niya? Maputi ba siya? Dahil ba sa maganda siya? Maganda ang mga mata?”

Napalunok si Francis at tila nag-iipon ito ng laway dahil pakiramdam niyang tuyong-tuyo na ang kanyang lalamunan.

Mabuti na lamang at dumating na ang inorder na pizza at inumin ni Michael sa kanilang table.

“Papaano naman kita matutulungan kung hindi mo sa akin sasabihin kung anong itsura niya at kung ano ang nagustuhan mo kay library girl.”

TIla ay hinuhuli lang siya ng babae.

“Maganda siya… maganda siya… maputi rin.”

Hinawi ni Sheryn ang kanyang buhok at Inilapit niya ang kanyang mukha kay Francis.

“Mas maganda sa akin?”

Nanginginig naman ang mga labi ni Francis.

“Mas maputi? Mas makinis?Muling tanong ni Sheryn.

Naninigas na ang binata sa ginagawa ng magandang dalaga na nasa harapan niya.

“Mas sexy?”Huling tanong nito.

Bumaba naman ang mga mata ni Francis sa nakaumbok na suso ng dalaga.

“Hahahaha… Biro lang! Masyado ka kasing seryoso eh. Ano ka ba? Relax ka lang noh, hindi kita kakainin. Hindi kita kakainin… kung ayawa mo.”Saad ni Sheryn sabay kindat sa binata.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Francis. Para siyang iiyak na tatawa.

Gusto na niyang sunggaban ang babae.

Sobrang bilis ng kabog sa kanyang dibdib.

Ngunit natigilan siya nang dumating na ang kanyang kuya Michael.

“Mukhang napapasarap na kuwentuhan niyo diyan ah! Pinag-uusapan niyo ba ako kambal? Hehehe”Pabirong tanong ni Michael.

“Ibinubuko ka lang ng kapatid mo sa akin. Sabi niya, mabaho daw paa mo. Hahahaha”Saad ni Sheryn sabay kindat kay Francis.

“Sinabi mo iyon kambal? Pambihira naman! Bakit mo ako binuko?”

“Wala akong sinabing ganyan… Naamoy niya lang siguro kuya.”Pabirong sagot ni Francis.

Nagtawanan na lamang sila at hindi matapus-tapos ang kuwentuhan habang kumakain ng pizza.

Panay ang hawak sa kamay ni Michael kay Sheryn at hinahalikan niya din ito.

Kahit sobrang nagseselos naman si Francis ay pinipigilan nito ang kanyang sarili.

Inisip niyang, makakaiskor din siya sa dalaga pagdating ng panahon.

Mga bandang ala-sais ng gabi ay nagpasya na silang umalis ng restaurant. Hindi naman nakaiwas si Michael sa kanyang mga kabarkada at niyaya silang tumambay muna sa bilyaran.

Nakiusap ito sa dalawa na tumambay kahit sandali at uuwi rin sila agad.

Pumayag naman sina Sheryn at Francis na samahan si Michael at ang mga kabarkada nito. Pinaupo ni Francis ang dalaga sa may sofa malapit sa pool table na pinaglalaruan ng kanyang kuya.

Maya-maya ay napansin ni Francis ang katabing pool table. Tila pinag-uusapan nila ang magandang babae at sumisipol ang mga ito sa kanya.

Hindi pa nakuntento ang mga ito at nilapitan nila si Sheryn.

“Miss baka puwede naman hingin number mo.”Saad nito.

“Pare, balik ka na sa upuan mo.”Saad ni Francis.

“Ikaw ba kausap ko pare?”Sagot ng lalaki kay Francis.

“Miss kahit pangalan mo na lang, puwede ba makipagkilala.”Hirit pa nito.

Napakamot naman sa ulo si Francis sabay tulak sa lalaki.

Natumba naman ito sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakatulak dito. Biglang lumapit ang mga kagrupo ng lalaki at kinuyog nila si Francis.

Nagulat si Michael at mga kabarkada nito nang makitang pinagtutulungan ang kanyang kapatid. Sinugod nila ito at sinimulang bugbugin.

Nakipagsuntukan ang mga kabarkada ni Michael sa grupo ng nambastos sa dalaga.

“Francis, ilayo mo na dito si Sheryn, bilis!”Bilin ni Michael.

“Sige kuya! Takas ka na rin!”Sagot ni Francis sabay hawak sa kamay ni Sheryn at kumaripas sila ng takbo.

Maya-maya ay nagsimula namang nagtakbuhan ang grupo ni Michael.

Hindi nagpaawat ang mga nambastos at sinundan nila ang grupo ng binata.

Halos magkaabutan sila sa daan, ngunit mas mabilis tumakbo ang mga kabarkada ni Michael.

Mabilis na tumakbo sina Francis at Sheryn. Halos nasa likod lamang nila ang kanyang kuya Michael at ang mga kabarkada nito.

Maya-maya ay may nadaanan sila nakaparadang jeep sa tabi ng madilim na eskinita, at kaagad pinasakay ang magandang babae. Sabay silang yumuko at nagtago sa loob ng jeep, nagbabakasakaling hindi sila matagpuan ng mga taong humahabol sa kanila.

Tinakpan ni Sheryn ng kanyang mga kamay ang dalawa tenga nito habang nakayuko.

“Natatakot ako…Francis…Natatakot ako…”Nanginginig na saad ni Sheryn.

Bakas sa mukha nito ang sobrang takot, kung kaya’t hinawakan na lamang ni Francis ang dalawang kamay ng magandang babae.

“Naandito lang ako Sheryn…Huwag ka matakot..”Pabulong na saad ng binata.

Biglang narinig nila ang yabag ng mga paang tumatakbo patungo sa kanilang direksyon. Tahimik na pinakikiramdaman ng dalawa kung saan patungo ang grupo.

Napayakap naman si Sheryn kay Francis sa sobrang takot habang nakapikit ang kanyang mga mata. Kahit nanginginig na din sa takot si Francis ay pinapalakas pa din niya ang kanyang loob upang maprotektahan ang magandang dalaga.

Ngunit lumiko ang mga ito at hindi dinaanan ang eskinita kung saan nagpark ang jeep.

Dinig na dinig ni Francis ang paghinga ng dalaga na nakayakap pa din sa kanya. Sinilip ng binata sa binatana ng jeep at siniguradong wala na ang mga ito.

Patuloy na umiiyak ang dalaga at pinapatahan ito ni Francis. Naupo sila sa jeep habang nakahawak pa din sa kamay ng dalaga ang lalaki.

“Wala na sila… Okay na ang lahat… Huwag ka nang uwiyak please….”Saad ni Francis.

Unti-unting tumigil naman si Sheryn sa pag-iyak at inayos nito ang kanyang sarili.

“Salamat Francis… Thanks for saving me.”Saad ng dalaga.

Nagulat si Francis nang biglang halikan siya ni Sheryn sa labi.

Nanigas nanaman ang katawan ng binata habang magkadikit ang kanilang mga labi.

Halos limang segundo ito tumagal at napayuko ang dalaga sabay punas ng mga luha sa kanyang mga mata.

Hindi naman maipaliwanag ni Francis ang kaligayahang dulot nito.

Ngunit ayaw niyang bigyan ng kahit anong kahulugan ang ginawa sa kanya ng dalaga, dahil girlfriend pa rin ito ng kanyang kuya.

At ang alam niya’y halik lamang iyon ng pasasalamat.

Agad namang inihatid ni Francis ang dalaga sa kanilang bahay.

“Salamat Francis ha.. Ingat ka pag-uwi. See you tomorrow.”Saad ni Sheryn sabay ngumiti kay Francis.

“Sige, bukas ulit.”

Tila lumulundag naman ang puso ng binata. Ang pakiramdam nito ay nakipagdate siya kay library girl.

“Ganito pala ang pakiramdam ni kuya noong naiuwi niya yung robot.”Bulong ng binata habang naglalakad papauwi sa kanilang bahay.


Nang makauwi sa bahay ay agad siyang pinagbuksan ng kanyang ama. Galit na galit ito.

“Pasok!”

Nakita niya si Michael na ginagamot ang mga sugat sa kanyang mukha at kamay.

Bigla naman siyang hinila at kinuwelyuhan ng kanyang ama dahil sa sobrang galit.

“Tignan mo ang nangyari sa kuya mo. Hindi ba’t kabilin-bilinan naming na you take good care of him? Paano kung bumulagta sa kalsada yang si Michael ha?!”

Nanginginig sa takot si Francis at aktong susuntukin na siya ng kanyang ama.

“I told you na umiwas na kayo sa gulo. Ikaw pa talaga ang nagsimula ha! Francis! I am so disappointed to you!”

Hindi makasagot ang binata at napapaluha ito sa sobrang takot.

“Stop it pa! Ako ang may kasalanan! Ako ang nakipagsuntukan. Walang kasalanan si kambal!”

Napatingin si Francis kay Michael at agad namang binitawan ng kanilang ama ang kuwelyo nito.

“After school, uwi agad! You two are grounded.”Saad ng ama nila Francis at Michael. Agad namang sumunod sa kanyang ang kanilang ina.

“Nakauwi ba ng maayos si Sheryn, kambal?

“Oo kuya.”

“Salamat ha. Sabi ko naman sayo, sagot kita. Ako ang resbak mo kambal. Pahinga ka na.”

–End of Episode 2–

 

ereimondb
Latest posts by ereimondb (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x