Uncategorized  

Erika: Ang Volleyball Hottie

Erika Ang Volleyball Hottie

Written by aAr-gEe

 


Ang storyang ito ay kathang-isip lamang. Ano mang pagkakahalintulad nang pangalan, bagay, panyayari ay hindi sinasadya.

Ako si Jim, isang dayo dito sa Manila, galing ako sa probinsya at first time ko na makarating dito sa Manila. Oo, typical na probinsyano ako kung matuturing, sa pananamit, pananalita at kilos ay talagang halatadong promdi ako. Bagama’t marunong naman akong pumorma ay dahil sa kahirapan ay puro mga luma o mga outdated ang desenyo nang mga damit ko kasi ang iba ay galing sa bigay nang mga kaibigan o kung di man, ay galing sa ukay-ukay.

Kung maiitatanong ninyo kung paano ako napadpad dito sa Manila, nandito ako sa kadahilanang inalok ako nang isang sikat na kolehiyo dito sa Manila para maging student-athlete sa larangan nang basketball. Nadiskobre nila ang aking talento sa Palarong Pambansa kung saan ako ang naging MVP at Champion ang aming lugar. Hindi man ako masyadong katangkaran sa height na 6’2, pero malaki naman ang aking pangangatawan at matigas dahil sa training at dahil na rin sa mga trabaho ko kung saan nasubukan ko nang mag-extra2x sa construction kapag may ginagawang bahay sa malapit.

At eto na nga at mag-uumpisa na ang aking buhay dito sa Manila, unang araw palang ay halos kapalpakan ang lahat nang nangyari sa akin, mula sa muntik nang pagkahuli sa akin dahil sa jaywalking, hanggang umabot nang halos 3 hours na pagkaligaw bago ko nakita ang campus at dorm nang isa sa mga paaralan na umalok sa akin. Laking pasasalamat ko nang nakita ko na ang dorm dahil halos mahilo na ako sa kaiikot. Kung matatanong nyo rin ang laman nang pitaka ko sa mga oras na yun, ay tumatagingting na 500. Oo 500, na pagkakasyahin ko sa 5 araw bago makapagpadala ang tatay ko nang karagdagang pera.

Laking pasasalamat ko nang pagkapasok ko nang dorm, ay nandun na rin pala sa loob ang taong umalok sa akin na maging scholar, at kasama nito ang coach nang paaralan at isang tao, na sa tingin ko ay mayaman at sa isip ko ay posibleng isang manager. Agad nila akong sinalubong at pinakita sa akin ang magiging dorm ko, sinabihan na rin nila ang nagbabantay nang dorm na wag na akong singilin nang bayad at sila na raw ang bahala. Pagkatapos kong makita ang kwarto, ay sinabihan nila ako na iwanan ko muna ang mga gamit ko at magpalit daw muna dahil kakain daw kami sa labas.

“okay, libre na ang isang kain ko”, sa isip ko.

Dali-dali akong naligo at agad nagpalit nang damit, bumaba ako at agad din kaming umalis sakay nang puting Montero Sport. First time ko na makasakay nang ganito kagarang sasakyan, kaya sa isip ko, bigtime talaga siguro tong mga taong to.

Unang naging kain ko sa Manila, ay sa isang magarang kainan, halos mahilo ako sa presyo nang mga pagkain sa menu, at mas lalong nakakahilo ang pagbasa ko sa mga pangalan nang mga pagkain dito. Kaya minabuti ko nalang ituro ang picture sa menu kung ano gusto kong kainin, dahil hindi ko rin naman alam ang mga pangalan nito.

Habang kumakain kami, ay nag-uusap kami tungkol sa mga expectation ko sa magiging buhay ko dito sa Manila, at tinanong din nila kung hanggang saan ang pangarap ko.

“Maging isang sikat na player sa bansa, mapaangat ang buhay nang pamilya ko at magkaroon nang kumportableng buhay ang magiging pamilya ko”, yan ang mga katagang tumatak sa kanila sa mga sagot ko.

“Mabuti yan bata, maganda yang ganyan na alam mo na sa sarili mo kung saan ang gusto mong direksyon na pupuntahan nang pamumuhay mo”, sabi sa akin ni Coach, na nalaman ko na Dennis ang pangalan.

“Masarap kang turuan bata, meron ka nang galing, konting hasa lang sa mga galaw mo ay talagang sisikat ka dito sa collegiate level, dagdag ni Coach D.

” Bata, kung makakapasok ka dito sa paaralan namin, ay mararamdaman mo talaga na aangat ang buhay mo, bukod sa 20k na allowance mo buwan buwan, libre ka na rin sa dorm at lahat nang kailangan mo ay skwelahan na ang sasagot mula sa sapatos hanggang sa uniforms mo”, sabi ni Boss Mike, na napag-alaman ko na isa sa mga may-ari nang paaralan.

“Bukod pa jan, kapag nanalo ka nang Rookie of the Year, bibigyan kita nang bonus na 100k at isang kotse” dagdag pa ni Boss Mike.

Sa mga narinig ko ay talagang namangha ako, sa isip-isip ko, “ganito ba talaga kahigpit ang kompetisyon dito sa mga paaralan para magbayad sila nang 20k bawat buwan para sa isang player bukod pa sa pagiging scholar at libre pa lahat. Kaya hindi na ako nagdalawang isip, tinanggap ko na ang offer nila.

” Sige po boss, bukas na bukas po ay pupunta na ako sa gym para makita nyo po ang laro ko kung pwede ba ako masali sa team niyo”, sagot ko sa kanila

“Sigurado akong hindi ako mapapahiya dito sa prospect ko boss Mike”, dagdag na sabi ni Sir Allan, ang isang scout na nakakita sa laro ko sa Palaro at unang nag-offer sa akin para mapadpad ako dito sa Manila.

“Basta bata, ang gusto ko lang, kung ano man ang maabot mo sa larangan na ito, tandaan mo lang kung ano ang nakaraan mo, huwag lalaki ang ulo at panatilihin ang pagiging mabuting tao.”, dagdag ni boss Mike.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta pa kami sa isang mall sa malapit at binilhan ako ni boss Mike nang bagong sapatos para maipakita ko raw talaga ang laro ko kinabukasan. Pagkatapos ay umuwi na kami, at akoy nakatulog sa pagod, ngunit may malaking ngiti sa mukha.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil nakagawian ko na ang gumising nang maaga dahil araw-araw ako nag-jojogging dahil talagang pursegido akong maging isang sikat na atleta. Agad akong bumangon at nagbihis, sumilip ako sa bintana at nagulat ako nang may nakita na akong isang tao na nag-jojogging na sa oval. “Sh*t, akala ko ay masyado pang maaga, pero may mas maaga pa pala sa akin, ganito ba talaga dito”, sa isip ko. Minabuti kong bumaba na agad para makapagjogging na rin. Alas-singko na nang umaga nang mga oras na iyon, at bandang alas-otso pa ang practice sa gym. Agad na rin akong nagjogging sa oval at nagkasalubong kami nang lalaking nakita ko kanina,

“teka pre, bago ka ba dito?”, tanong nang lalaki sa akin

“Ahh oo pre, bago lang ako dito, bakit mo natanong pre?, sagot ko naman at huminto muna kaming dalawa. Nakita ko na pawis na pawis na sya at sa tansya ko ay mahigit bente minuto na itong tumatakbo.

“Ahh wala, ngayon lang kasi ako may nakasabayang magjogging nang ganito kaaga, ako nga pala si Ben, member nang basketball team”, pagpapakilala niya sa akin, may katangkaran si Ben, mga nasa 6’6 siguro ang height niya at malaki ang pangangatawan.

“Ako nga pala si Jim pre, Jim Baes, magtry try-out palang din ako sa basketball team, sana makapasok ako.”, pagpapakilala ko rin.

“Jim Baes, ikaw yung sabi ni coach na MVP nang Palarong Pambansa? Sigurado ako makakapasok ka pre, sa pinapakita mo palang ngayon sa akin, nakikita ko na isa kang determinadong tao na manalo, yan ang mga taong kailangan ko para paangatin ang team natin”, sagot naman ni Ben, sabay nagpaalam na sya na maliligo na sya at maghahanda na para sa first practice sa school-year na ito.

Sa isip ko ay sigurado ako na isa siya sa mga magagaling na player nang team dahil sa pananalita niya at sa pinakita rin niyang pagpupursige. Kaya siya ay naging inspirasyon ko para ipush ang sarili ko sa pag-jojogging nang umagang iyon.

Bandang alas-sais nang umaga, pawisan na ako sa jogging at tumatakbo pa rin, nagulat ako nang may nakita akong isang babae na katatakbo lang sa oval. Medyo malapit lang sa akin kaya hindi ko maiwasan na tumitig sa kanya habang nakasunod ako, nakasuot ito nang isang fit na dri-fit shirt at leggings. kitang kita ko ang kaputian nito sa kanyang braso , sexy na pangangatawan, mahabang buhok, at bilogan na pwet.

“Ang sexy naman nitong babaeng to, sayang”, sabi ko sa isip ko, nanghinayang ako pagkat ngayon lang sya dumating kung kailan last round ko nalang at magpapahinga na ako. Pagkatapos ko makaikot ay minabuti ko na maglakad muna nang isang round para magcooldown ang heartbeat ko. Matapos nun at umupo ako sa oval at nagkunwaring nagpapahinga pero sa loob loob ko ay gusto ko lang mapagmasdan ang mukha nang babae bago ako umalis at mag-ready para sa practice. Hindi ako nabigo at sa muling pag-ikot niya sa oval ay napagmasdan ko ang mukha nito, at ito na yata ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa personal.

“Dyosa”, yun lang ang tanging nasambit ko sa sarili ko nang makita ang mukha nya, minabuti kong hintayin muna ang muling pag-ikot niya at ayaw kong palampasin ang pagkakataong makakita nang ganito kagandang babae. Sa muling pag-ikot niya ay sumulyap ito sa akin at ngumiti nang bahagya, para akong naging statwa sa oras na iyon at kahit ang paglingon ay hindi ko magawa, para akong naging bato pagkatapos makipagtitigan kay medusa.

Umalis na ako matapos ang ilang sandali at hindi ko na inantay na muli siyang makaikot at baka mahalata na niya na sya lang ang talagang rason nang pag-upo ko dun. Tumungo na ako sa dorm at binati ko ang nasa frontdesk na babae at agad na umakyat sa kwarto ko para magpalit at makapaligo na rin para maghanda sa practice. Bandang alas-syete nang nagring ang telephone nang kwarto ko, nakaupo ako at nagtetext sa tatay ko nang mga oras na iyon. Sinagot ko agad ang telephone dahil baka ano ang kailangan nito.

“Good morning sir, pwede na po kayong pumunta nang pantry section at pwede na kayong kumain nang breakfast niyo doon”, mga salita nang babaeng nasa kabilang linya.

“sige salamat maam”, tanging sagot ko lang.

Naalala ko din ang sabi sa akin ni Sir Allan na libre pala ang umagahan sa dorm nang mga athlete. Meron nga lang oras na sinusunod at kung matagal ka magising eh baka maubusan ka, kaya minadali ko na ring bumaba agad at nang makakain na.

Pagkadating ko nang pantry, laking gulat ko sa aking nakita. Ang magandang babaeng kanina lang ay nakasabayan kong nag-jojogging eh nandun sa isang tabi at kumakain, sa isip ko ay katatapos lang nito na mag-jogging pagkat tanging ang damit niya pa lang ang napalitan at nandun pa din yung basang damit niya sa bakanteng upuan katabi niya. Agad ko rin naisip na kung nandito siya, ay malamang isa rin siyang atleta. Pagkakataon nga naman, habang kumukuha ako nang pagkain, napansin ko na wala na palang ibang mesa at upuan ang bakante bukod dun sa mesa kung san nakapwesto yung babae, kaya wala na akong ibang magagawa, nakakahiya man ay dun na ako naki-share nang mesa sa kanya.

“Miss good morning, pwede bang maki-share nang mesa? puno na kasi dun lahat eh.”, tanong ko sa kanya.

“Sure, upo ka. para sa lahat naman nang atleta tong lugar na to eh. Ako nga pala si Erika, volleyball player. Diba ikaw yung nakasabay ko kanina sa oval?”, balik naman niyang sagot.

—- itutuloy —-

aAr-gEe
Latest posts by aAr-gEe (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x