Written by jeylou
Karugtong:
Pag katapos namin mag usap ni mia sa Cellphone agad akong nag bihis at nagtungo sa napag usapan naming lugar.
Palinga linga ako ng makarating sa Q plaza.
Me: Nasan na kaya yung babaeng yun?
Mula sa aking likod ay may narining akong tinig na nakapag pangiti sakin. Isang tinig na napakasarap pakingan parang tinig ng isang anghel na nakapag paikot sakin.
Mia: Hi mahal! Bat ang tagal mo kanina pa kita hinihintay eh!
Akoy nabato balani sa aking kinatatayuan ng aking masumpungan ang kanyang magandang ngiti na tila isang anghel sa tamis ng kanyang ngiti. Parang bumukas ang pinto ng langit at libo libong anghel ang nag aawitan. Kung tutuusin napaka simple lang naman ng kanyang soot blue pants white na blouse subalit napakalakas ng kanyang dating. Di ko namalayang ilang minuto na pala akong nakatitig sa kanya na kanyang ikinatawa.
Mia: Hoy! anong nangyari sayo? Ok ka lang ba? hahaha!
Me: Ah! eh! aah ok lang ako! hehehe Medyo traffic kasi kaya medyo natagalan ako! anong masamang hangin ang nagtulak sayo at nag yaya kang uminom?
Medyo pasuplado kung tanong para maitago ang aking umuusbong na pag hanga sa kanya.
Mia:Ang sungit naman! Grabe ka naman! Di ba pwedeng gusto lang kitang makasama? ( nakanguso nyang sabi na aking ikinangiti.)
Me: Pambihira! Nagpapacute ang ang lokalokang babaeng ito! (bulong ko sa aking sarili)
Mia: Ano yun mahal?
Me: Ah! Eh! kwan! sabi ko nasan na si Ailyn ng makaalis na tayo lumalalim na ang gabi! baka abutan pa tayo ng umaga pag di pa tayo kumilos! hehehe
Mula sa aming gilid biglang nagsalita si ailyn na di ko na namalayang nakalapit na pala dahil sa walang puknat kung pag titig kay mia.
Ailyn: Hi sir Jeylou! Buti naman sir nakarating ka akala ko di ka na pupunta eh!
Me: Eh! wala din naman akong ginagawa sa bahay kaya pinaunlakan ko na ang imbitasyon ni mia. ( Kaswal kung sagot para maitago ko ang panginginig ng aking boses dahil sa tuwa at kaba)
Me: So ano na?! Mag kwekwentuhan na lang ba tayo dito oh aalis na tayo ng makarami! hehehe
Mia: Tara na mahal! (sabay hawak sa aking braso na aking kinagulat at ikinatuwa!)
Me: Pambihira talaga! pag sineswerte ka nga naman talaga! (sabi ko sa aking sarili na kinikilig hahaha!)
Mula Q plaza sa cainta ay sumakay kami ng jeep papauntang Ligaya sa may pasig. bumaba kami sa ligaya at sumakay nanaman ng isa pang jeep parosario. habang nasa jeep panay parin ang kwento ni mia ng mga bagay bagay na di ko na maintindihan dahil tanging sa mga ngiti at mapupungay na mga mata lamang ako nakatingin. pinagmamasdan ko ang kanyang labi habang sya ay nag sasalita. Parang napakasarap halikan ng labing yun mapulang labi at sa tingin ko ay napakalambot pa! nag lalakbay na ang aking imahinasyon sa paraisong aking nilikha sa aking isipan. Isang paraiso na tanging kaming dalawa lamang ang mga nilalang na nadoon. Parang si Adan at si Eba na malayang nakakakilos walang mga matang nakamasid at lahat ng bagay ay posible. Nahinto lamang ang aking pag imahinasyon ng biglang huminto ang jeep na aming sinasakyan. Narating na pala namin ang Lugar na aming pupuntahan.
Mia: Mahal nandito na tayo sa rosario! san ba dito banda yung sinasabi mo?
Me: Ah! oo nga! mag lalakad pa tayo tatawid lang naman tayo sa kabila yun na oh! ( sabay turo ko sa kanya ng isang gusali sa bandang harap namin)
Ailyn: Sir! tara na excited na ako.. hehehe
Me: Mas excited ako kasama ko ba naman ang dalwang magagandang dilag ewan ko na lang kung di ako maexcite! hahaha (bulong ko sa aking sarili)
sa isip ko ano kayang mangyayari after namin dito? mukang magiging maganda ang gabing ito para sakin. hehehe! umaandar nanaman ang berde kung utak! mukang mapapalaban ako ngayung gabi ah! patuloy kung pag iisip!
susunod…..
para sa mga mambabasa ako po ay humihing ng paumanhin sa mabagal na phase ng aking kwento. mas gusto ko kasing buo ang kwento na may maayos na plot. ang hirap naman kasi kung mag skip ako ng mga detalye. maraming salamat po sa pag babasa. ano mang kritisismo ay malugod kung tatangapin.
Pasensya nadin sa mabagal na update ng kwento. madami lang po akong tinatapos na trabaho.. maraming salamat.
- Sayang na Relasyon (Ikaapat na Kabanata) - December 27, 2023
- Sayang na Relasyon (Ikatlong Kabanata) - December 19, 2023
- Sayang na Relasyon (Ikalawang Kabanata) - December 11, 2023