Ako Po Si Eggy – 27 – Pagpapakilala

Bigvinz
Ako Po Si Eggy

Written by Bigvinz

 


Ang kwentong ito ay likha lamang ng aking imahinasyon. Anumang pagkakatulad sa pangalan at kaganapan ay hindi sinasadya at isang pagkakataon lamang…

Sa pagpapatuloy…
Part 27…

Eggys POV.

Mukha akong kagalang-galang, mukhang hindi gagawa ng kalokohan. Mukhang driver. Opo tama driver ang peg.

Ako: Bakit andyan kayong Tatlo sa likod. Mukha akong uniformed driver nito. Nay, Ellie, Ate Me-anne.

Me-anne: Sige na boy paandarin mo na ang sasakyan. Hihihi

Ellie: Ako na tatabi wawa naman driver natin.

Lumipat si Ellie sa tabi ko.

Ako: Grabe ka inday ang ganda-ganda mo talaga. Pati kayo mga senyora ang gaganda ninyo.

Me-anne: Hindi ba mukhang malalandi Eggy?

Ako: Walang bahid ng kalandian.

Habang nasa daan may nag request.

Me-anne: Insan kanta naman dyan.

Ellie: OO nga sample naman dyan.

Ako: hala nakakahiya mag radyo nlang tayo.

Neggy at Ate Me-anne: KANTA!

Ako: opo grabe naman maka-utos ang mga senyora.

Ako: Ting ting ting…
(Sa matining na boses.)
I wonder if you know how they live in Tokyo, If you see me, then you mean it, then you know you have to go.

Neggy: Wag yan hindi ko alam yan!

Ako. Ok ok.. Dahil naka dress kayong tatlo ehem ehem.
Ang sahig ay nagliliyab, Pag ikaw ay sumasayaw, Sa tuwing iikot ka
Ang ulo ko’y umiikot din.

Me-anne: Ay ano ba yan puro biro.

Ako: O ito na nga.
Each time the wind blows
I hear your voice so
I call your name
Whispers at morning
Our love is dawning
Heaven’s glad you came.

O eh di natahimik silang tatlo. Tinuloy ko yung kanta.

Ako: Aww I just can’t stop loving you, I just can’t stop loving you
And if I stop, Then tell me just what will I do, Cause I just can’t stop loving you.

Palakpakan silang tatlo. Tuwang-tuwa naman ang aking kalooban.

Neggy: Me-anne narinig mo bang kumanta ang tito Fred mo?

Me-anne: Opo tita. Hihihi. Sa inyo po nagmana ang boses ni Eggy.

Neggy: Now you know. Oh Ellie natulala ka dyan?

Ellie: Tita Negs parang gusto ko na ipa diretsong simbahan iton sasakyan. Ipakasal na po ninyo ako kay Eggy. Ako na hihingi ng kamay nya. Eggy will you marry me? Say Yes pls.

“Yes?” sagot ko. At tuwang-tuwa naman si Ellie. Naghagikgikan ang mga sakay ko.

Pumasok kami sa isang subdivision sa Quezon City. Ang gagara ng bahay. Naglalakihan pang mayaman talaga. Meron din ibang may Philippine flag. Meron din flag ng ibang bansa?

Ako: Ate Me-anne nasa mga embassy ba tayo?

Me-anne: sira mga delegates ng ibang bansa yan. Mga representatives. Etc. Yung mga may Philippine flag mga opisyales yan. General, congressman, senators. May bahay nga din ang ilang former presidents dito. Oh kaliwa mo dyan. Tapos tapat mo sa Green na gate. Busina ka tatlong beses.

Yon nga ginawa ko. May taong naka military uniform ang nagbukas ng gate. Pinababa ito ang bintana ko.

Me-anne: Hi Sir. Malcolm James Gonzales and Mary Anne Gonzales with guest.

Guard: Yes mam palagay nlang po ng name ng guest ninyo. Thank you.

Si Ellie lang ang nag fill up dahil nasa listahan din ang nanay. After maisulat ni Ellie ang pangalan ay pinapasok na kami sa loob. Maraming kotse pero may exclusive parking para sa akin. Wow naman.

Pumasok na kami sa isang pagkalaki laking bahay.

Me-anne: Dito ka muna Eggy. Tatawagin ko lang si lolo baka na trap na yung sa mga guest nya. Stay here. Tita Neggy samahan mo ako. Eggy, Ellie. Upo muna kayo.

Iniwan kami ni Ate Me-anne at Nanay sa living room. Naglibot ang mga mata namin ni Ellie para kaming mga bata na nagtuturo ng mga kakaibang bagay na makita namin hanggang sa…

Ellie: Oh my God! Eggy ikaw ba yun?

Tumingin ako sa tinuro ni Ellie. Isang painting na nakasabit sa pader sa likuran namin. Tumayo ako para lapitan ang painting. Isang lalaki na naka military uniform madaming medalya nakasabit sa kanya.

Matikas ang tindig nito at naka baston. Ginaya ko ang tindig at porma ng nasa painting at humarap kay Ellie.

Ellie: Oh my God. Hawig na hawig mo. Paitim lang natin yung painting ikaw na. Teka hold that pose.

Pinicturan ako ni Ellie. Hindi namin napansin na may nakatingin na pala sa amin. Nag fake cough ito. Kaya sabay kami napalingon ni Ellie. Andun si Nanay, Tatay, Ate Me-anne at Matang lalaki at babae nakatakip ang bibig ng matandang babae at naluluha na.

Matandang lalaki: Sya ba Fred?

Fred: Siya nga po Papa ang apo ninyo. Si Malcolm James, Eggy ang palayaw nya. Anak si Don Alberto Gonzales Lolo mo.

Nagsisimulang maglakad si Don Alberto palapit sa akin naka baston ito. Agad naman akong lumapit sa kanya at inabot ang kamay ko. Pero binitawan nya ang baston nya at yumakap ito sa akin.

Don Alberto: Apo ikaw nga. Nagalit ako sa tatay mo dahil tinago ka nya sa amin sa matagal na panahon. Wala naman akong pakialam kung anak ka sa labas hindi ka dapat itinago!

Ako: magaling po talaga ako hide and seek. Mahirap po talaga akong hanapin. Hehe.

Medyo natawa ang lolo ko. Lumapit sa kanya yung matandang babae.

Don Alberto: Eggy Apo ang lola mo si Maria Luisa.

Yumakap din ito sa akin at naluluha.

Luisa: Apo ang tangkad mo na agad hindi man lang kita nalaro. Pero ang gwapo mo kamukha mo si Berto nung sya ay binata pa.

Ako: maganda din naman po kayo lola so mix lang. Pwede pa rin naman po ako ibaby mahilig po ako sa kendi at chocolates. Hehe

Don Alberto: palabiro pala itong apo natin Luisa. Lalo akong naiinis sa iyo Fred! Ang laking kasalanan itong ginawa mo sa amin!

Ako: Lolo wag kayong magalit kay tatay. Kita naman ninyo. Malusog, Matibay ang mga buto ko, Matikas at higit sa lahat gwapo din tulad ninyo. Nakakapag aral po ako sa private schools. Maganda po ang pagpapalaki sa akin dahil kay nanay at syempre sa suporta din na galing kay Tatay. Kay wag kayo magalit.

Ako: Ay lolo ito nga pala yung pinakuha ninyo.

Inabot ko ang baston at isang box na gold pendants ang laman. Ininspeksyon ni lolo ang kanyang cane gun. Pinaliwanag ko sa kanya ang kabuuan ng baston nya tapos inabot ko nadin ang box ng bala.

Ako: Lolo, Lola Girlfriend ko po. Si Elizabeth. Ellie for short.

Lumapit si Ellie at nagmano sa lolo at lola ko.

Lola Luisa: napakagandang bata apo. Magaling kang pumili.

Niyakap sya ng lola ko. Napaka accomodating nila.

Don Alberto: Halika apo oras na para makilala ka ng lahat.

Nagpunta kami sa garden ang daming tao duon. Pumunta ang lolo ko sa stage na nasa gitna ng garden.

Don Alberto: Ehem ehem. Una sa lahat. Thank you for coming to my Birthday celebration. Salamat sa mga hindi nakalimot sa akin mga malalapit na kaibigan sa aking mga natulungan. At sa aking mga constituents na hindi nakalimot. Maraming salamat. Ramdam ko ang paggalang ninyo sa aking mga kaanak. Sa aking Asawa hanggang sa aking mga apo.

Don Alberto: Meron ako sa inyong ipakilala. Siya ay anak ni Fred sa aming dating kasambahay na si Melinda ang iba sa inyo ay kilala na sya dahil nagsilbi din sya ng matagal sa bahay na ito. Nagkaroon sila ng relasyon ni Fred at nagbunga ito. Itinago sa akin ni Fred ang aking apo sa pag aakalang makasisira ito sa akin magandang imahe. Wala akong pakialam sa imahe ko Fred hindi mo dapat tinago sa akin ang aking apo!!!

Don Alberto: Ngayon masaya akong ipakilala sa inyo ang aking apong mahigit 18 taon kong hindi nakita. Si Malcom James Gonzales.

Pinaakyat ako ni Ate Me-anne sa stage. Sa kaba ko hindi ko nabitawan ang kamay ni Ellie naisama ko sya paakyat. Nagpalakpakan ang mga tao. At nag bow ako. “Mag salita ka anak” Bulong ng nanay ko.

Ako: Hello po. Ako po si Malcolm James Gonzales. Naniniwala sa kasabihang… Biro lang po. Hehehe.

Nagtawanan ang lahat. Nakita kong nakasalubong ang kilay ng nanay ko habang tawa ng tawa ang lolo ko.

Ako: Ehem.. Ako po si Malcolm James Gonzales. Ang apo ni Don Alberto at Donya Luisa ako po ay masayang makita kayong lahat. Ito nga po pala ang akin Nobya si Elizabeth kung papalarin ako ay magiging Gonzales din sya.

Nag bow ulit ako at muli silang nagpalakpakan.

Me-anne: yiiiieeee ang sweet naman ng Eggy boy namin tingnan mo yung kasama mo pulang-pula na oh.

Ellie: Ate naihi ata ako sa nerbyos.

May tumawag sa akin mula sa likod. “Hi James” Sabay namin hinarap ito ni Ellie.

Ellie: Bet–Betchay?! Betchay ikaw nga!!! Grabe ka ang sexy mo na ha!

Betchay: Che pareho kayo ni James! Betchay tawag ninyo!! It’s Bethany ok. Bet-ha-ny! Bethany!

Ako: Hi Betchay Tse. Musta na kakakita lang natin nung Tuesday ah.

Ellie: nagkita kayo? Hmmmm

Ako: Yung pendant ni lola. Family ni Betchay ang gumagawa. Sexy na nya noh.

Betchay: Oy ha grabe inannounce daw ba as bride to be si Ellie. Hihihi how sweet.

Don Alberto: Ladies pwede ko bang hiramin muna ang apo ko.

Nag bow ang mga kasama ko at hinila na ako ng lolo ko. “Good luck. I love you” Ang buka ng bibig ni Ellie bago ko bitawan ang kamay nya.

Don Alberto: Apo ano ba itatawag ko sa iyo ang dami mong pangalan. Malcolm James, MJ, James, Eggy ano ba?

Ako: mas sanay po ako sa Eggy Lolo. Yung po kasi nakalakihan ko na. egoy po kasi dapat yon hanggang sa naging Eggy na tawag sa akin.

Don Alberto: Naging mahirap ba ang childhood mo apo? I mean are you bullied?

Ako: Hindi naman po mawawala yon Lolo Don Alberto. Tingnan ninyo nga kulay ko. Iba kasi nasobrahan sa tan. Nung bata ako iniiyak ko lang. Hanggang sa sabihin ako ng nanay ko na wag mahiya kung ganito kulay ko ang importante ang pagkatao. Kaya naman naging manhid na ako sa panunukso. Meron din mga pisikal pero ayos lang natuto naman akong lumaban.

Don Alberto: Oo nga apo kita naman sa katawan mo batak ka. Nagtatrabaho kba ng mabigat?

Ako: Nako hindi po. Magagalit ang nanay. Siguro kaya ganito katawan ko kasi im into sports team sports like basketball, volleyball, Etc.

Don Alberto: Lolo Bert nlang tawag mo sa akin ha. Yan din tawag sa akin ng mga kapatid mo.

Ako: ok po Lolo Bert.

Lolo Bert: Ayan. Halika papakilala na kita.

Kada table pinakilala ako ng lolo ko. Ako naman panay ang kamay sa mga panauhin nya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang magagandang anak at apo ng mga bisita ng lolo ko. Hanggang sa huling table. Mesa ng mga militar.

Lolo Bert: General Magpayo ito ang apo kong si Eggy. Eggy si General Alfred Magpayo tuturuan ka nya bumaril.

Ako: Ha baril? Lolo?

Lolo Bert: Oo apo. Kailangan matutunan mo din ipagtanggol ang sarili mo. Basic lang naman ang ituturo nya sa iyo.

Gen. Magpayo: Bata sa dami ng kalaban ng lolo mo magiging maliit ang mundo mo ngayon pinakilala ka na nya. Ang mga kapatid mo marunong ng humawak ng baril. Yung kambal sila ang sharpshooters.

Ako: Wow si Chloe at zoe sharpshooters? Astig.

Gen. Magpayo: Hindi lang yan bata. Pati self defense tuturuan ka din namin. So make yourself available every weekends morning. Susundin ka namin sa inyo. 3hrs Every weekends. 1 hr shooting lessons the 2hrs sa self defense. Understood!

“Sir Yes Sir!” Sagot ko na may kasama pang saludo. Inayos pa ni General ang ayos ng kamay ko sa pag saludo.

Lolo Bert: Magaling apo. Tara sa loob may ipakikilala pa ako sa iyo.

Sa loob ng mansyon ay may pinuntahan kaming kwarto. Nandito si Ate Me-anne at asawa nyang si kuya Ritchie, sila Peter, Barry at mga bading na goons nila. At isang may edad na lalaki.

Barry: Si Don Alberto at Boss Eggy.

“Joker!” Tawag sa akin ng may edad na lalaki.

Lolo Bert: Jun! Wala kayo sa hideout tawagin mo sya sa pangalan nya. Eggy!

Jun: Sorry Papa. Idol ko itong batang ito ang galing mag-isip. Hi ako si Alberto Gonzales Jr. Kuya ng tatay si that make me your Tito. I’m Joker the 1st that makes you Joker the 2nd.

Inakbayan ako ni Tito Jun. Amoy alak ang hininga nito. Inabutan nya ako ng baso na may alak.

“JUN!” sigaw ni lolo! Tinaas ni Tito Jun ang kamay nya at tumalikod. “Relax Papa.. Punch lang yan.” sambit ni Tito Jun. Tiningnan ko ang baso sabay lagok nito. Pumalakpak si tito Jun at binigyan ako ng thumbs up.

Ako: Eheeelkk ano ito?

Tito Jun: Pineapple punch kasama si pareng Jack Daniels. Hehehe

Lolo Bert: Bigyan mo kami ng Apo ko.

Me-anne: Nako lagot ka kay lola.

Lolo Bert: Napapagalitan ako kung magsusumbong ka Mikang. Eggy don’t tell lola ha… Here.

Dumukot si Lolo Bert sa bulsa nya tapos inipit nya ito sa bulsa ko.

Me-anne: Bribing Eggy huh. Very lolo like.

Lolo Bert: Nagtampo naman itong panganay kong apo. Here’s also for you Mikang. Don’t tell lola ha. Oh Jun bigyan mo din tagay si Mikang!

“Mikang. Hehehe” pang asar ko sa pinsan ko.

Me-anne: Che that’s between lolo and me.

Inabot na ni Tito Jun ang mga baso namin. Ng itaas ni Lolo Bert ang baso nya sumunod ang lahat kanya-kanyang silang taas ng baso nila. “Para sa apo kong si Eggy. WELCOME!” sigaw nito tapos. “Welcome Eggy” Sigaw ng lahat sabay lagok sa mga baso nila.

Nag toast muna kaming apat ako, Ate Me-anne, lolo Bert at Tito Jun. Pagkatapos kong lumagok sa baso ko ay niyakap ako ni Tito Jun tapos sumunod si Lolo Bert tapos huli si Ate Me-anne. Ramdam ko ang init ng pag welcome nila sa akin kaya tuwang-tuwa ako.

Bumalik na kami ni lolo sa Garden at si Lola Luisa naman ang bumakod sa akin.

Lola Luisa: Apo magaling ka daw kumanta?

Ako: Saan po galing ang balitang yon Lola?

Lola Luisa: Masyado kang pa humble apo. Pinanuod sa aking ng nobya mo yung video na kumakanta ka. Pwede ba akong mag request apo.

Ako: Lola naman eh sabihin mo nlang ang request mong kanta kung alam ko po kakantahin ko.

Lola Luisa: Parang regalo ko na ito sa lolo mo. Ito oh nilista ko na hihihi.

Ako: Hala si Lola parang teenager lang kung tumawa. Hehehe. Regalo natin Lola Luisa. Kakanta nba ako.

Napapalakpak ang Lola ko sa tuwa. “Sige apo. Salamat tara” Sabay hila sa akin ng Lola patungong stage. Binulungan nya ang banda na mga kakantahin ko.

Lola’s song list
1.Something Stupid – Frank Sinatra.
2.The Way you look Tonight – Frank Sinatra
3. I’ve got you under my skin – Frank Sinatra
4. Fly me to the moon – Frank Sinatra

Wow puro Frank Sinatra.

Ako: Lola can we do a duet with a the song “something stupid”

Lola Luisa: Oh I thought you would never ask.

Umakyat na ako ng entablado. Nagtinginan ang mga tao. Nakita ko din na lumapit sa harap si Nanay, Tatay, Ellie, Lolo Bert at Ate Me-anne. Nakita ko din ang mga kapatid ko. Kuya Arman asawa ni ate Belle, Olive, Chloe at Zoe.

“May sasabihin ata”, “may announcement si Donya Luisa?” Maraming nag bubulungan. Nag salita na ako.

Ako: Hi ako po ulet. May gusto ibigay si Lola Luisa kay Lolo Bert. Hi Lolo Bert this song is for you. Regalo po ni Lola Luisa.

Sinenyasan na ni Lola ang banda. Bumilang ako ng tatlo.

Ako at Lola Luisa:
I know I stand in line, Until you think you have the time, To spend an evening with me,And if we go some place to dance,I know that there’s a chance,You won’t be leaving with me,Then afterwards we drop into a quiet little place
And have a drink or two,And then I go and spoil it all,By saying somethin’ stupid like, “I love you”

Birit ko sa mala Frank Sinatra kong boses at sa natural na boses ni Lola Luisa.

Kitang kita ang paano lumiwanag ang mukha ng Lolo Bert ko. Mukhang Tuwang-tuwa naman ang Lolo Bert sa pagduet namin ni Lola Luisa.

Ng matapos ang kanta ay biglang tumayo si Lolo Bert at pinalakpakan kami. Sumunod ang mga bisita nagsitayo din sila at pumalakpak. Standing Ovation.

Lola Luisa: Salamat at nagustuhan ninyo ang galing ng apo namin ano. Berto may tatlo pang kakantahin si Eggy kaya dyan ka lang. Eggy.

Sinunod ko na ang The Way you look Tonight at I’ve got you under my skin. Una akala ko hindi na gustuhan ni Lolo dahil pumikit ito. Pero laking tuwa ko ng umindak ang ulo nya at pumitik pitik pa ang daliri.

Last Set: Fly me to the moon. Nagsimula na ang intro.

Ako: Fly me to the moon
Let me play up there with those stars, Let me see what spring is like on Jupiter and Mars.

Hindi ko tinuloy dahil tumayo si Lolo Bert at umakyat ng entablado. Tinawag nya si Kuya Arman at tito Jun. Nag quartet kami ala Rat Pack.

Ako, Kuya Arman, Tito Jun at Lolo Bert: In other words, hold my hand, In other words, baby, kiss me, Fill my heart with song
And let me sing forever more

You are all I long for, All I worship and adore, In other words (in other words), Please be true

In other words, I’m in love with you.

Pag dating ng last stanza na I love you sabay sabay namin tinuro ang Lola Luisa. Pero kay Ellie ako nakatingin at isang napakatamis na ngiti ang binalik nya sa akin.

Tuwang-tuwa ang mga bisita dahil sa kumanta ang Lolo ko, at kitang kita nila na masigla ito.

Lolo Bert: Maraming salamat at nagustuhan ninyo. Marami pang pag kain pwede pa kayong kumuha.

Pagbaba namin..

Kuya Arman: Tol galing kumanta ah minsan sama ka sa amin ni Belle mahilig kaming mag videoke.

Ako: Sige lang Tol. Sabihan mo lang ako.

Tito Jun: Bata. Ayos ha galing mo. Ang bata mo pa pero alam mo yung mga oldies ha. Frank Sinatra yon boy.

Ako: Ah meron kasi kaming turntable dati meron kaming mga plaka ng Elvis, Beatles, Frank Sinatra, mga Collection ni Nanay kaso sinira ni Ondoy nung umabot sa 1st floor namin yung baha ayun nasira pero nasalba naman yung mga records

Tito Jun: Tamang tama may Turntable ako sa bahay. Pasama ka kay Mikang kunin mo duon.

Ako: Wow talaga?!!! Salamat Tito Jun.

Lolo Bert: Eggy Apo halika dito. Salamat sa pagkanta mo apo. Masayang masaya ang Lolo. Pati na din ang Lola mo. Ayun oh kwento ng kwento sa mga amiga nya. Apo seryoso kna ba girlfriend mo. Sya nba ang nakikita mo sa hinaharap.

Ako: Lolo Bert. Opo seryoso po ako kay Ellie. Matagal na akong may gusto sa kanya childhood friends po kami.

Lolo Bert: yung mga ganyan apo hindi na pinakakawalan yan. Tingnan mo mga titig nya sayo. Mga panakaw na sulyap. Kanina ko pa napapansin apo, ang daming palikero at pabling dito pero ni isa walang kinausap sng kasintahan mo. Tiklop lahat eh. Hehehe. Nabihag mo ang puso ng nobya mo tapat yan sa iyo.

Lolo Bert: pero lagi kang maiingat apo. Ang daming tukso mamaya eh basta basta kna lang kakagat baka mawala ang nobya mo sige ka. Ito sample. Yang anak ni Tse si Bethany. Nako apo. Tingnan mo ang titig sa iyo kulang nalang eh hilahin sa isa sa mga kwarto dito. Apo ito lang ha pwede kang kumagat pero wag kang papapikot. Nagkakaintindihan ba tayo?

Ako: Opo Lolo Bert. Salamat sa pangaral. Tatandaan ko po.

Lolo Bert: Apo samahan mo nga ako. Luisa sa Throphy room lang kami ni Eggy ha.

Sinamahan ko si Lolo Bert sa kanyang Throphy room. Nandito ang lahat ng achievements nya. Pati ng mga anak nya. Tennis, Firing, madaming achievements si Lolo. Pati mga medals nya nung sundalo pa sya. Meron din mga pictures nya na kasama ang mga dating Presidente ng Pilipinas.

Pagkatapos ng ng section nya ay ang mga achievements naman ng mga anak nya. Si Tito Jun ay active sa sports ang dami nyang medals ang trophies. Samantalang ang tatay ko naman ay puro academics awards. Honor, salutatorian, cumlaude at magna cumlaude. And galing ang dami din nyang compitition na sinalihan quiz bee, spelling bee at Battle of the Brains ayos astig! Uy Florence Gonzales swimming at gymnastics meron pang jacket ng Pilipinas.

Lolo Bert: Ah si Tita Florence mo ang akin unica hija. Nasa states sya ngayon at hindi maka uwi. May cancer ang Tita mo natatakot kami ng Lola Luisa mo baka hindi na namin sya makita pa.

Ako: Patuloy nlang po natin pagdasal si Tita Florence. Sayang kala ko makikita ko sya today.

Lolo Bert: Gusto ka din makita ng Tita mo. Kinakamusta nga kami kung na meet kna daw ba namin.

Sumunod na section ang mga achievements ng apo ni Lolo Bert. Sabi na Eh beauty queen si Ate Me-anne puro school pageants ang sinasalin. Naging Miss QC pala sya kaya nasali sa Bb. Pilipinas. Nanduon sa yung runner up Throphy at sash nya. Si kuya Arman matalino din academic awards. Hanggang sa may nakita akong pamilyar na Throphy 2023 Inter barangay MVP Malcolm James Frisco.

Lolo Bert: Ayan apo. Yan ang dahilan kung bakit nalaman ko na apo kita. Nakita ko yan na sinabit ng Tatay Fred mo. Tinanong ko kung kaninong medalya iyan, hindi sya nagpatumpik-tumpik pa at sinabing anak ka nya kay Melinda. Nagpaliwanag sya. Sa sobrang galit ko nasapak ko sya. Wala kang kasalanan bakit ka nya itatago?!!

Ako: Tama na Lolo Bert. Eto na po ako oh. Magkakilala na tayo. Tingin ko din matagal pa tayo magkakasama.

Agad yumakap ang Lolo ko sa akin nanginginig sya umiiyak pala. Pumasok ang Lola Luisa at pati sya ay nakiyakap.

Masaya ako ngayon araw na ito. Ito yung araw na ayaw mong matapos. Tuloy-tuloy ang kasiyahan.

Oo isa akong bastardo. Pero hindi ko yun naramdaman ngayong gabi. Tanggap ako ng lahat. Pero gaya ng lahat ng pagdiriwang ito ay natatapos.

Kailangan na namin magpaalam. Dahil malalim na ang gabi.

Lola Luisa: Melinda mag iingat kayo palagi ni Eggy ha. Apo alagaan mo ang nanay mo at Apo Gusto si Ellie ang makatuluyan mo.

Lolo Bert: Apo ha yung firing lessons at self defense mo ngayun sabado na Bahala na si Gen. Magpayo sa iyo. At mag-iingat ka palagi ha. Susuportahan ka namin lagi ng Lola Luisa mo. O sige na malalim na ang gabi.

Nagmano na ako kay Lolo Bert at yumakap naman kay Lola Luisa. Bago pumasok sa kotse.

Ako, Si Ellie at nanay nlang ang sakay nito. Maayos kaming nakarating ng bahay. Nanduon na si Chelle at inaantay kami. Sobrang pagod namin ay bagsak kami sa kama. Hindi na kami nakapag bihis at diretso tulog na.

Itutuloy…
Next Chapter… Evelyn

Bigvinz
Latest posts by Bigvinz (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x