Author: CarnaL-
“Mas mainam ang libog lang, walang emosyon. Mas malaya, mas masarap.”
———-
(III.)
Isang hapon, maagang umuwi si Iggy galing sa bukid ng madaanan nya ang kaibigan na aligagang nagbabantay sa burger stand nito.
“Oh Pre, bat ikaw ang tumatao dyan? Asan na yung tindero mo?”
“Nako Pre, di na naman pumasok eh, sinumpong daw ng gout ang putang ina, ke bata-bata eh may gout? Sitaw pa more! Di na nga sana ko magbubukas kundi lang may intrams dyan sa school kaya madaming dayo kanina, sayang din eh, tutal wala naman akong sinervice-san kanina kaya ako na tumao. Ngayon nga lang ako medyo nakahinga-hinga eh.”
Sa naging pakiusap ni Kapitan ay lalaki na nga ang kinuha ni Domeng na bantay ng food stall nya. Humahalili na lang sya kapag day off o kaya ay umaabsent.
“Eh bat di na lang kasi yung isang nirekomenda ko sayo, yung bading, masipag yun Pre, magaling pa mag sales talk!”
“Alin Pre, yung dating pahinante kamo ng rice dealer? Yung nahuli sa bodega na sinususo yung titi ng driver? Nako naman, baka pati ako lalandiin nun, magulpi ko pa yun eh.”
“Ahahaha, kaya ano, dyan ka na lang sa may gout? Yaan mo Pre, pag may nakausap akong naghahanap ng raket, irerefer ko kagad sayo.”
Napatambay na muna si Iggy para samahan at tulungan ang kaibigan. Sya naman ang humalili magluto habang inaalok naman ni Domeng ang mga pedestrian na napapadaan.
“Mga miss, meryenda na kayo ng McDomeng hotdog. Masarap tong hotdog namin, makeso, buy1 take1 pa!” pag-alok ni Domeng sa mga kababaihang napapadaan. Umiirap man ang mga ito dahil sa pilyong style ni Domeng ay di nya ito alintana.
Napapailing na lang si Iggy sa kalokohan ng kaibigan. Alam nyang wiling-wili si Domeng sa mga napapairap na kababaihan. May kakaibang dating kay Domeng ang mga babaeng suplada.
“Miss, miss, try mo naman buy1 take1 burger namin!” ngunit di sya pinansin nito at derecho lang sa paglakad.
“Ay Pre, ayaw? Tsalap sana kaso inisnab ka? La ka pala eh!” pang-aasar ni Iggy.
“Miss ayaw mo ng burger namin, yang burger mo na lang kaya patikim mo samin hehehe” pahabol na hirit ni Domeng sa babae.
“Hmp! Mga bastos!” at dali-dali na itong sumakay ng tricycle. Nagtawanan lamang ang magkaibigan.
Lumapit si Mang Boy at umorder. Magsisitenta na siguro ito at matagal na ding kapitbahay nila Domeng. Maging ang mga magulang ni Domeng ay kilala nito noong araw.
“Domeng, sige pabili nga ng tig-isang pares na hotdog at hamburjer, ipapameryenda ko sa mga apo ko.”
“Sige ho Mang Boy, eto ho monoblock, maupo ho muna kayo at ihahanda lang namin.” Sabay abot ng silya sa matanda.
Read more: Hatid Ko’y Kantot
“”Ikaw Domeng ha, bat hindi ka pa mag-asawa? Ng mabawasan naman yang pagiging palikero mo? Aba’y mahigit singkwenta ka na ah, maiiwan ka na ng byahe.”
“Nako Mang Boy, yan nga ho ang nuon ko pa sinasabi dito kay Domeng. Aba eh hindi naman na sya bumabata, ayaw pa mag-asawa at magpamilya.” segunda naman ni Iggy.
“Nako ayan na naman, pag-aasawa ko na naman ang naging topic eh. Mas ok nga akong solo flight, ayos na ko ng ganito.”
“Teka, hindi ba’t may naging nobya ka dati Domeng, yung taga-Iloilo? Dalaga yun di ba, at may itsura, panay pa ang punta sayo dito. Dapat ay pinakasalan mo na lang yun edi may asawa at mga anak ka na siguro ngayon.” sambit ni Mang Boy.
Naalala ni Domeng si Sam. Ilang taon na rin ang nakalilipas ng mamalagi si Domeng sa Iloilo upang magtrabaho bilang forklift operator sa isang warehouse doon, mid40s lang siguro sya ng mga panahong yon. Si Sam naman ay nasa 20s at isa sa mga staff ng opisina nila na nagpoproseso ng orders.
Tubong Bicol, nanunuluyan sa mga kamag-anak sa Iloilo si Sam. Simple lang ang kanyang ganda, ngunit hindi nakakasawang tignan. May ilan nga sa trabaho ang nagpapahiwatig ng pagkagusto dito ngunit hindi nito pinapansin. At komo iisang direksyon ang inuuwian nito sa inuupahang tirahan ni Domeng ay madalas silang nagkakasabay pauwi at nakakapag-usap.
Madali silang nagkapalagayan ng loob, ikinukwento ni Sam kay Domeng maging ang mga bagay tungkol sa kanyang pamilya at mga nakaraang relasyon. Si Domeng naman ay palaging handang makinig at nagpapakita ng pag-aalala para sa kalagayan ng dalaga.
Nagkalapit man sila ay magkaiba naman ang kanilang hangarin. Kung si Sam ay gusto ng seryosong relasyon, si Domeng ay walang ibang pakay kundi mailugso ang pagnanasa.
Gaya ng ibang mga babeng nagdaan kay Domeng, di lumaon ay nakuha din nya ang pakay nya dito. Nang minsan silang mag-inuman kasama ang mga ibang umuupa sa boarding house ni Domeng, nagawa nya itong maangkin dala na rin ng espiritu ng alak.
Mula noon ay naging madalas na ang pagpunta ni Sam sa inuupahan ni Domeng. May mga pagkakataon pa nga na kusa itong magpapalipas ng gabi doon at magsasabi sa tyahin na makikitulog sa bahay ng mga kaibigang babae.
Inilihim nila ang ugnayan sa trabaho dahil ipinagbabawal ito ng polisiya ng kumpanya. Pero kung tutuusin ay hindi naman sila talaga magnobyo kundi mag-fubu lang. Para kay Domeng.
Ngunit para kay Sam ay may seryosong relasyon silang dalawa. Iyon nga ang rason kaya’t lagi syang nagpapaubaya sa mga gusto ni Domeng.
Nandyaang magquickie sila sa loob ng bodega o ng CR kapag breaktime. Nasubukan na din nila sa loob ng nakaparadang delivery truck. Pag sinumbong ng libog si Domeng ay lagi nya itong pinagbibigyan.
Minsan ay dumalaw si Domeng sa bahay ng tyahin ni Sam at doon sya kinantot sa mismong kusina kahit na maari silang madatnan ano mang oras.
May mga pagkakataon na biglaang napapa-halfday silang dalawa kapag sinumpong ng libog at nagkukulong na lang sa kwarto ni Domeng para magkantutan buong umaga. Binibiro na nga si Domeng ng mga umuupa sa kabilang kwarto na takpan naman nito ang bibig ng kasama. Komo manipis na plywood lang kasi ang dingding sa pagitan ng mga silid ay dinig na dinig sa ibang mga kwarto ang mga daing at halinghing ni Sam.
Habang tumatagal ay lalong nagiging clingy ang dalaga. Kapag umuuwi si Domeng sa Bacolod ay panay ang text at tawag nito upang pilitin si Domeng na bumalik na sa Iloilo. May pagkakataong tatawagan sya ng dalaga habang nagfifinger ito sa banyo upang sya ay akitin at hikayating bumalik.
Mangilang beses na umuuwi si Domeng sa Bacolod at nagugulat na lamang sya na nakasunod na sa kanya doon si Sam. Nasasakal sya sa ganito, hindi ganito ang pinlano ni Domeng. Libog lang ang kanya, walang commitment.
Natakot sya kay Sam. Ayaw nyang paasahin ang dalaga dahil alam nya sa sarili na hindi relasyon ang pakay nya sa isang babae.
Nagbitiw sya lumaon sa trabaho at nagsabi kay Sam na mangingibang probinsya na upang doon hanapin ang kanyang kapalaran. Tumututol man at nagpipilit sumama ay wala ding nagawa si Sam.
Nakokonsyensya man ay kinailangan ng dumistansya ni Domeng bago pa tuluyang lumalim ang ugnayan nilang dalawa. Para din naman yon sa ikabubuti ni Sam, sa isip-isip nya.
Ilang buwan ding hindi umuwi si Domeng sa kanila, nagpalit sya ng number, hanggang sa tuluyan na nga silang nawalan ng komunikasyon. Ang huling balita nya kay Sam, may nakapagsabi na bumalik na ito sa Bicol at doon na nakapag-asawa. Natuwa naman sya para dito dahil nakuha na nito ang noon pa hinahanap.
“Nako Mang Boy, sakit lang sa ulo ang pagkakaron ng karelasyon eh, lalo pa asawa. Uubra siguro sa iba, pero hindi sa akin eh. Ok nako na ganito, malaya, nagagawa ko ang gusto ko. Kaya ang bilin ko sa mga pamangkin ko, kung maghahanap ng chicks eh wag yung malapit dito. Dapat sa ibang probinsya o kahit taga kabilang bayan man lang para malaya pa din silang makakakilos.”
“Ang sabihin mo Pre, gusto mo lang na madaming matikman, malibog ka kase!” kantyaw ni Iggy.
“Aminado ako, sino bang hindi malibog? Kuntutuusin nga, mas mainam pang puro libog lang, walang emosyon. Mahal kuno, tapos ano mamanduhan ka, di na lang! Mas malaya, mas masarap! Hindi ko talaga naisip na mag-aasawa ako eh. May mga pamangkin naman ako, may maglilibing na sakin, ok na ko don.”
Malabo kay Domeng ang konsepto ng pagmamahal. Para sa kanya, libog ang pangunahing instict ng tao at hindi pag-ibig.
“Pero hindi ko rin masabi eh, basta kung mayroon mang nakatakda na magpapatibok ng puso ko eh tingin ko’y hindi ko pa siguro nakikilala.”
Sa di gaanong kalayuan ay tanaw nilang tatlo ang pagtigil ng isang puting van sa tapat ng bakuran nila Domeng. Bumaba ang isang lalaki at isang babae na may dalang mga backpack at maleta. Sa itsura nila ay halata mong mga taga-Maynila. Mga bisita sila ng Ate ni Domeng na namamasukang kasambahay doon at kasalukuyang nakabakasyon para sa pista. Magiliw na sinalubong ng kanyang Ate ang lalaki maging ang kasama nitong kasintahan.
“Ah, dumating na pala ang mga bisita ni Ate Ditas.”
- Nasilo (VIII) - May 10, 2019
- Nasilo (VII) - May 9, 2019
- Nasilo (VI) - May 8, 2019