Written by hotsluttygay
*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you’re not into this kind of theme.
Magdalena’s point of view
Kinabukasan pagkatapos ng dinner namin kasama ang mga magulang ni Adonis ay pinuntahan ako agad nito sa aking apartment. Walang tigil ako nitong kinakamusta at tinatanong kung maayos ang pakiramdam ko.
Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin.
Lagi ko lang sinasabi na wala siyang dapat ipag-alala dahil maayos ang pakiramdam ko at siguro’y dadatnan lang ako kaya biglang sumama ang pakiramdam ko noong nagdinner kami.
Gusto kong sabihin kay Adonis ang katotohanang buntis ako pero natatakot ako sa magiging reaksyon nito. Tingin ko naman ay matutuwa ito lalo na sina Tita Olivia at Tito Romano pero hindi lang talaga ako handa pa ibalita ang tungkol sa aking pagbubuntis.
Hindi pa ngayon.
Lumipas ang mga araw at hatid sundo pa din ang ginagawa sa akin ni Adonis. Mas naging sweet at maalaga pa ito sa akin at mas ipinaparamdam ang pagmamahal niya.
Si Tita Olivia naman ay lagi akong tinatawagan upang tanungin kung nagpacheck up na ba ako. Halata ang excitement sa kanya kaya sinasabi ko na tumawag na ako sa doctor at inaantay na lang ang schedule ng check up. Sinabi nito sa akin na sigurado siyang buntis ako at for formality na lang yung pagpapacheck up ko upang malaman ang lagay ng bata.
Medyo nawala rin ang focus ko sa trabaho kakaisip ng bata sa aking sinapupunan. Iniisip ko kung handa na ba ako maging ina at handa na ba akong magpalaki ng bata? Ngayon kasi mas gusto ko na kami munang dalawa ni Adonis dahil kakasimula pa lamang ng relasyon namin.
Pero naisip ko din na etong batang ito ang magpapatibay sa aming dalawa ni Adonis. At itong batang ito ang pwede kong gamitin kung sakaling may umaligid na babae kay Adonis o di kaya na makatakas si Sophia at magkita sila ni Adonis.
Kung sakali lang naman dahil alam kong hinding hindi makakatakas ang babaeng iyon sa kamay ni Tatay Tyago.
Ring! Ring! Ring!
Narinig kong may tumatawag sa aking cellphone na unregistered number. Hindi man ito registered sa contact ko pero alam ko kung sino ang tumatawag. Nilock ko ang pintuan ng aking opisina at sinagot ang tawag.
“Hello Tatay Tyago, diba sabi ko sayo wag kang tatawag dito sa —“ naputol ang aking sinasabi at muntik ng mabitawan ang aking cellphone ng ibalita nitong nakatakas si Sophia. “Ano? Paanong nangyari iyon?!” napataas ang boses ko.
Kinwento ni Tatay Tyago ang nangyari.
“Ang simple simple lang ng gagawin ninyo; wag hahayaang makatakas o mamatay si Sophia, pero hindi niyo pa nagawa? Nasaan siya ngayon? Wala ba kayong ideya kung saan siya nagpunta?” tanong ko.
Hindi daw nila nahabol si Sophia at wala silang ideya kung nasaan ito. Sinubukan na nilang magtanong sa mga malalapit na kabahayan pero wala silang impormasyong makalap.
Wala na akong nagawa kaya sinabihan silang wag tumigil sa paghahanap at balitaan ako kung may balita sila sa kinaroroonan ni Sophia.
Pagkatapos ay galit kong ibinaba ko ang tawag.
Kailangan kong mag-isip ng paraan. Kailangan maging handa ako kung sakaling bumalik si Sophia ng San Alcantara at magkita sila ni Adonis.
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
Tinawagan ko ang private investigator ni Adonis at sinabi ko sa kanya na nakatakas si Sophia at kailangan ko ang serbisyo niya. Kailanga nitong magmanman kung nakabalik na ba si Sophia ng San Alcantara o di kaya nakipag kita ito kay Adonis.
Sinabihan ko ito na kung kailangan niyang magdagdag ng tauhan ay gawin niya upang masiguradong hindi makakalusot si Sophia. Wag siyang mag-alala sa bayad dahil lalakihan ko ang ibibigay ko sa kanya basta galingan niya ang kanyang trabaho.
Huminga ako ng malalim at napahawak sa akin dibdib. Ramdam ko ang kaba sa aking puso dahil bumibilis ang tibok nito.
Napahawak rin ako sa aking sinapupunan at bigla akong napangisi.
“Mukhang alam ko na kung saan kita gagamitin” bulong ko.
===
Pagkatapos ng aking shift ay naghihintay na sa akin si Adonis sa may parking. Hindi ako nakapag trabaho ng maayos kakaisip sa dalawang bagay; yung bata sa loob ko, at si Sophia.
Nasaan kaya ang babaeng iyon? Nakahingi kaya siya ng tulong? Buhay pa kaya siya? O kaya patay na? Sana ay yung huli na lamang yung nangyari sa kanya para wala na akong dapat ikabahala.
Ayos nang mawala siya dahil wala na rin naman siyang babalikan dito San Alcantara. Sisiguraduhin kong wala na talaga siyang babalikan pa at wala ni isang tao sa pamilya ni Adonis ang maniniwala sa kanya.
Bago bumaba ay tumawag muli ako sa private investigator ni Adonis dahil nakaisip ako ng plano. Isang planong tiyak kong sisira pa lalo kay Sophia.
Pagkatapos kong mailahad ang aking mga plano ay bumaba na ako upang puntahan si Adonis. Nang makita ko ito na nakasandal sa kanyang sasakyan ay agad ko siyang pinuntahan at hinalikan sa labi.
Medyo mapusok ang aking paghalik sa kanya dahil sa stress na naramdaman ko ngayong araw.
Pagkatapos ng halikan ay pumasok na rin kami agad sa loob ng kanyang sasakyan at doon nagkamustahan. Kinuha ko na itong oportunidad upang isagawa ang unang plano kung sakaling magbabalik sa buhay namin si Sophia.
“Babe?” ani ko.
“Mmmm-mmm? Masama ba pakiramdam mo? Anong nararamdaman mo?”
“Ayos lang ako babe, don’t worry. May gusto lang sana akong sabihin sayo na tingin ko ay kailangan mo ring malaman. Ayokong maglihim ng kahit na anong bagay sa relasyon natin” panimula ko.
Nakita kong kumunot ang noo ni Adonis.
“Dapat naman talaga na walang sikreto sa pagitan nating dalawa. Lahat ng nangyayari sayo ay dapat sinasabi mo sa akin, maliit man o malaki” anito.
Huminga ako ng malalim.
“Ka-ka-kasi nakatanggap ako kanina ng text mula sa EX mo… mula sa bestfriend ko” mas lumalim ang kunot sa kanyang noo. “Nanghihingi kasi siya ng tulong pinansyal para sa kanila ng kainakasama niya. Medyo nahihirapan daw kasi sila at wala ng malapitan na kahit sino” napatingin ako sa baba kunwari nahihiya.
“So what did you do?”
“Dahil bestfriend ko siya ay sinabi ko na magtatransfer ako ng pera dun sa account number na sinabi niya. I transferred 10,000 para makatulong sa kanila at para din meron silang puhunan kung gusto nilang mag negosyo. Wag ka sanang magagalit babe dahil sa ginawa ko, pero naawa lang talaga ako sa bestfriend ko kasi alam kong nahihirapan siya sa buhay niya ngayon”
Huminga ng malalim si Adonis at hinawakan ang kamay ko.
“Pinili niya yan eh kaya wala tayong magagawa. But thank you for letting me know. If you want to help her, I won’t stop you. Basta anything related to her, I will never mingle and I will let you handle it. Ayokong makaramdan ka ng anumang hindi maganda kung sakaling mangingielam ako diyan. But promise me that no secrets, okay? Sasabihin mo sa akin anuman ang nangyayari sa iyo even the smallest details” tumango ako at ngumiti ito.
“That’s my girl” kumindat ito bago lumapit sa akin upang halikan ako sa labi.
Nagtagal ang aming halikan ng ilang minuto bago tuluyang naghiwalay ang aming mga labi. Sinabi nito na sa bahay na nila ako matulog upang makabonding ko din sina Tito at Tita. Gusto daw kasi nila akong makasama at makakwentuhan pa dahil hindi nila ako nakasama ng matagal noong nag dinner kami.
Pumayag naman ako dahil Sabado naman din bukas at gusto ko ding makabonding sina Tito Romano at Tita Olivia. Nagpunta muna kami sa aking apartment upang kumuha ng mga damit at mga personal na gamit bago dumeretso sa bahay nina Adonis.
Pagkarating ko doon ay dumeretso kami sa dining table dahil saktong hapunan na. Nakaupo na roon ang dalawang matanda at inaabangan ang padating namin ng kanilang anak.
Nagbeso ako sa dalawa bago naupo sa hapag kainan.
Nagkamustahan kami at nagkwentuhan habang kumakain. Nagkwento si Adonis tungkol sa trabaho at ako naman ay ganun din ang ginawa. Napuno din ng tawanan ang paligid dahil sa aming mga biruan.
Naramdaman kong biglang nag vibrate ang cellphone ni Adonis na tila may nagtext doon. At dahil magkatabi kami ay nasilip ko na unregistered number ang nagtext dito. Napangisi ako dahil siguradong eto na ang inutos ko sa private investigator ni Adonis kanina.
Binukan nito ang kanyang phone at napakunot ang kanyang noo ng mabasa ang mensahe.
“Is everthing okay babe? You look surprised, who texted you?” bulong ko.
Napatingi sa akin si Adonis at huminga ng malalim.
“My EX. After you, she’s asking me now for money” bulong nito.
“May I see the message?” tanong ko pero umiling ang lalake.
“No need. You have nothing to worry about” anito.
“Please?” nagpumilit ako at wala siyang nagawa kundi ipakita sa akin ang message.
Nagkunwari akong nagulat sa nabasa. Ang nakalagay kasi sa mensahe ay nanghihingi ng tulong si Sophia at sinabi niyang guguluhin nila ang buhay namin lalo na ako kapag hindi ito nagbigay ng pera. Nakalagay din sa text message na ako daw ang nag udyok talaga sa kanya upang sumama sa ibang lalake at nagkaganun ang buhay niya.
Na ako daw ang may kasalanan kung bakit naghihirap siya ngayon.
Napangisi ako sa loob loob ko, dahil saktong sakto ang mga text message na iyon sa gusto kong mangyari. Hindi ko lang pinahalata ang saya dahil alam kong nakatingin sa akin si Adonis at inoobserbahan ang aking reaksyon.
Nagkunwari akong nagulat at tumingin sa kanya ng may takot at pag-aalinlangan.
“This is the same number she used when she texted me earlier” ani ko at pinakita rin ang kunwaring text ni Sophia sa cellphone ko.
Binasa niya ito at mas kumunot ang kanyang noo.
“Don’t worry about this babe. She will never ever destroy us and hindi ko hahayaang mahawakan niya ni isang hibla ng buhok mo because I protect you and our relationship” ngumiti ito at bumulong.
“Thank you, babe and I will do the same. Hindi ko hahayaan na may makasira ng relasyon natin” ani ko.
Tila naman nakaramdam sina Tita Olivia at Tito Romano sa aming pinaguusapan kaya agad nila itong tinanong kaya wala rin kaming nagawa kundi ikwento ito.
Napangisi ako. Hindi ko akalain na madali ko lang magagawan ng paraan ang problema ko kung sakaling babalik si Sophia dito.
Sige lang, aking matalik na kaibigan. Bumalik ka lang dito para makita mo ang hinahanap mo.
Sirang sira ka na sa pamilya ni Adonis.
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
At mas lalo pa kitang sisirain kapag nalaman nila na buntis ako.
===
Sophia’s point of view
Sa ikalawang pagkakataon ay nagmulat ang aking mga mata.
Ngunit ngayon ay mas maayos na ang aking pakiramdam kumpara noong una at kahit paano ay naibsan ang sakit ng katawang nararamdaman ko.
Napalingon ako sa paligid at nasa parehas na kwarto pa rin ako. Mas maaliwalas tingnan ngayon ang paligid dahil sa magandang sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto.
Tila ang sinag ng araw ay nagpapahiwating ng pagbangon para sa isang bagong simula at pag-asa.
Nilibot ko ang aking paningin at nakitang walang tao sa loob ng kwarto bukod sa akin. Tiningnan ko ang aking kamay at nakitang may dextrose na nakatusok dito.
Gustuhin ko mang manatili pa ng matagal at magpagaling pero kailangan ko ng umalis ngayon. Kailangan ko ng makita si Adonis at sabihin sa kanya ang lahat. Baka kasi nasabi na ni Tatay Tyago kay Magdalena na nakatakas ako at ngayo’y nagiisip na ito ng paraan para mailayo pa sa akin si Adonis.
Pumikit ako at nilakasan ang loob na tanggalin ang dextrose sa aking kamay. Masakit man ngunit pinilit kong alisin ang karayom ng dahan dahan. Nang magtagumpay ako ay agad akong tumayo at nagtungo sa pintuan upang lumabas.
Marahan kong binuksan ang pinto upang hindi ako makalikha ng anumang ingay, at nang medyo bukas na ito ay nakita ko sina Maam Carla, Sir Knight and Sir King na seryosong nag-uusap di kalayuan sa akin.
Sinubukan kong silang pakinggan at kumabog ang dibdib ko ng marinig na ako ang kanilang pinaguusapan.
“A few days after college graduation ay bigla na lang daw nawala si Sophia. Walang nakakaalam kung saan siya nagpunta o kung anong nangyari sa kanya, basta na lang daw itong nawala. May mga tsismis na sumama na raw ito sa ibang lalake at iniwan niya na ang kanyang boyfriend na si Adonis pati ang kanyang Lola at ang kaibigan nitong si Magdalena. That night of her disappearance ay inatake sa puso ang kanyang lola dahil hindi raw nito matanggap na iiwan na siya ni Sophia para sumama sa ibang lalake. Hindi rin daw dumalaw si Sophia sa libing ng lola niya o ni dumalaw man lang sa puntod nito” kwento ni Sir King.
“She doesn’t look like the type of person na iiwan ang lola para sa ibang lalake? The first time na makita ko siya ay alam kong mabuti siyang tao. There is something missing in the story na hindi natin nalalaman” ani Maam Carla.
“Well given the fact that Dra. Mendez told us that someone penetrated her before the car accident and a group of people was chasing her nung nakita niyo siya ni Frank, it just means that …” ani Sir Knight.
Natahimik silang tatlo at biglang nagkatitigan na tila may natuklasan.
“She was abducted and … raped” ng marinig ko ang mga katagang iyon ay tila nanlamig ang aking buong katawan at may kakaibang takot ang bumalot sa puso ko. Muling bumalik sa aking alaala ang mga ginawa sa akin ni Tatay Tyago simula noong dukutin niya ako at kung paano nila ako babuyin ng mga kumpare niya. Parang muli kong nararamdaman ang sakit ng kanilang mga ginawa sa akin.
Napakuyom ako ng palad at pinipigilan ang aking luha.
“Pero sino? Sino ang dumukot sa kanya o sino ang may pakana nito?” tanong ni Maam Carla.
“That’s something that only Sophina knows. Sagad na ang impormasyong nakalap ng mga tauhan ko at wala na silang iba pang mapagtanungan pa” ani Sir King.
Hindi ko napigilan ang aking sarili at tuluyan ng binuksan ang pinto at lumabas ng kwarto.
“Si Magdalena!” mataas kong boses. “Ang taksil kong kaibigan na si Magdalena ang may pakana ng lahat to!” dagdag ko.
Napatingin silang tatlo sa akin at kita ang gulat sa kanilang itsura. Hindi siguro nila inaasahan na gising na ako at narinig ang kanilang mga pinag-uusapan.
“Pinadukot niya ako at dinala sa malayong lugar na hindi ko alam kung saan. Sa lugar na iyon ay pinagsamantalahan ako ng tatay tatayan niya at pati ng mga kumpare nito. Lahat ng klaseng pambaboy ay ginawa nilang lahat sa akin at hindi pa sila nakuntento dahil tinrato pa nila akong parang aso!” hindi ko napigilan ang luha ko.
“Sophia” bulong ni Maam Carla.
“At hindi totoong namatay ang lola ko dahil sa pagalis ko. Namatay siya dahil hindi siya tinulungan ni Magdalena ng atakihin siya sa puso. Hinayaan niya itong mamatay habang kinekwento niya sa lola ko ang lahat ng plano niya sa akin. At lahat ng ito ginawa niya para maagaw sa akin ang lahat, lalong lalo na ang lalaking mahal ko, si Adonis” ani ko at tuluyang bumagsak ang luha ko at napaluhod sa sahig.
Naramdaman kong lumapit si Maam Carla sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
“Parang awa niyo na po. Tulungan niyo akong makabalik ng San Alcantara at makausap si Adonis. Kailangan niyang malaman ang totoo at kailangan niyang malaman ang mga ginawa ni Magdalena sa akin. Kailangan ko na siyang makausap ngayon bago tuluyang mahuli ang lahat para sa akin. Parang awa niyo na po!” bumalalas ako ng iyak sa braso ni Maam Carla.
Marahan niyang tinatapik at hinihimas ang aking likuran upang patahanin ako. Ilang sandali ay may malalim at ma-awtoridad na boses ang biglang nagsalita.
“Tumayo ka diyan. Dadalhin kita sa San Alcantara ngayon” napatingala ako at nakita na si Sir King ang nagsalita. Seryoso ang kanyang itsura at may bakas ng galit sa kanyang mukha.
“Pero King, baka hindi pa kayanin ni Sophia ang byahe at mawalan siya ng malay sa daan. Tsaka baka hindi niya kayanin ang kahihinatnan ng pagbalik niya ng San Alcantara” ani Maam Carla.
“Ako na ang bahala sa kanya. Tsaka anuman ang mangyari sa San Alcantara ay hindi ko siya pababayaan” napangiti ako sa kanyang tinuran at nagpasalamat.
Tumango si Maam Carla at inihatid nila akong lahat papunta sa sasakyan ni Sir King.
“Mag-iingat kayo. Anuman ang mangyari Sophia, ay bukas ang bahay namin para sayo. Tsaka sabihan mo lang si King kung ano ang kailangan mo at siya ang bahala” ani Maam Carla.
“Sa-sa-salamat po Maam Carla. Tsaka salamat din po Sir Knight” ani ko.
Nagpaalam na kami sa kanila at pinaandar na ni Sir King ang kanayang sasakyan. Tahimik lang kami habang binabagtas ang daan patungo sa San Alcantara. Tahimik akong sumusulyap sa lalaking nagmamaneho pero natatakot akong magsalita dahil sa pagiging seryoso ng kanyang mukha.
“Si-si-sir King, sa-salamat po sa tulong niyo sa akin. Tatanawin kong isang malaking utang na loob itong ginawa ninyo at balang araw ay susuklian ko po ang kabutihan ninyo sa akin. Kayo po nina Maam Carla at Sir Knight” ani ko.
Tila wala itong narinig at nakatingin lamang sa daan habang seryosong nagmamaneho.
“Sabihan niyo lang po ako kung hindi niyo alam yung lugar na pupuntahan natin, ituturo ko po sa inyo. Tapos pwede niyo na po akong iwanan pag andun na tayo para hindi nakakahiya sa inyo at hindi na ako makaabala pa” muli ay hindi ako nito pinansin at paguloy lang sa pagmamaneho.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito pero dahil mukhang wala siyang ganang magsalita ay hinayaan ko na lang siya. Napansin kong mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at bumibilis din ang kanyang pagdadrive.
Ilang sandali pa ay huminto kami sa mismong tapat ng bahay nina Adonis. Hindi na ako nagtanong kung paano niya nalaman ang address ni Adonis dahil mukhang kasama ito sa mga nakalap niyang impormasyon tungkol sa akin.
Tumingin ako kay Sir King at nakita kong iminwestra niya ang kanyang ulo upang sabihin na pwede na akong bumababa at magtungo sa bahay ni Adonis.
Tumango ako at ngumiti sabay walang pagdadawalang isip na bumaba ng sasakyan. Patakbo akong nagpunta sa gate nina Adonis at habang papalapit ako ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko.
Ngayon ay nasa harap na ako ng gate at halos hindi ko macontrol ang panginginig ko dahil sa kaba. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil ito ang muli naming pagkikita ni Adonis mula noong gabing dinukot ako nina Tatay Tyago.
Nag door bell ako at ilang sandali ay lumabas ang isa sa kanilang katulong, si Manang Loida. Kakilala ko na ito dati pa noong nagpupunta ako sa bahay ni Adonis. Masaya akong makita siya uli ngayon.
“Maam Sophia? Kayo po ba yan Maam?” gulat na tanong nito.
Ngumiti ako at tumango.
“Ako nga ho Manang Loida, nasaan si Adonis? Kailangan ko siyang makausap. Nandyan ba siya ngayon sa loob?” tanong ko.
“Hala Maam Sophia ano po ang nangyari sa inyo? Bakit po kayo biglang nawala? Ang dami pong nangyari noong nawala kayo?” malungkot na tanong nito.
“Mahabang kwento po Manang Loida. Andyan po ba si Adonis sa loob?”
“Opo nandito po sila Sir Adonis at pati po si Maam Magdalena. Nandito rin po ang mga magulang ni Sir kasi umuwi sila galing abroad”
“Pwede ko ba silang makausap? Marami akong kailangang sabihin sa kanila. Madami silang kailangan malaman tungkol sa biglaan kong pagkawala”
Kita ang pag-aalinlangan sa kanyang itsura.
“Sa-sa-sandali lang po Maam Sophia, sasabihan ko lang po si Sir Adonis na andito po kayo. Bilin po kasi nila na kung sakali na magpakita kayo uli ay wag kayong papapasukin dito sa loob” parang pinunit ang puso ko dahil sa sinabing iyon ni Manang.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba.
Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay lumabas si Adonis at Magdalena, magkahawak kamay. Malamig ang tingin ipinupukol ni Adonis sa akin habang si Magdalena naman ay parang nakangisi na akala mo nang-aasar at pinaghandaan ang araw na ito.
Ilang sandali pa ay lumabas din ang mga magulang ni Adonis na sina Tita Olivia at Tito Romano na nakakunot ang noo na tila ba hindi nila ako gustong makita.
“Sige Manang Loida, papasukin mo yan” malamig na utos ni Adonis.
Binuksan ni Manang Loida ang gate at pinapasok ako. Dahan dahan akong lumapit ngunit sa bawat paglapit ko ay tila pinipiga ang aking puso dahil wala man silang sabihing salita pero ramdam ko ang pandidiri sa kanilang mga tingin.
Nanliit at nambaba bigla ang tingin ko sa sarili ko.
Nakailang hakbang pa ang ginawa ko bago ako tuluyang makalapit sa tapat ni Adonis.
Sobrang namiss ko ang lalaking pinamamahal ko. Ibang iba na ang itsura niya ngayon at mukha na itong businessman at mas lalo pang gumwapo. Mukhang siya na ang mamamamahal sa kumpanya nilang pamilya.
Dumako muli ang tingin ko sa magkahawak na kamay nina Adonis at Magdalena, at napapikit ako dahil sa sakit.
Bumunting hininga ako upang tipunin ang aking sasabihin dahil ngayon ay malalaman na ni Adonis ang lahat. Sisiguraduhin kong pagbabayaran ni Magdalena ang pagpatay niya kay Lola Tessa at ang pagplano niyang pagdukot at pambababoy sa akin.
Itutuloy…
===
===
===
Author’s Note:
Next chapter would be the finale of this book.
At sa pagtatapos ng unang yugto ng istoryang ito, ihanda na natin ang ating mga sarili upang tumawid sa panibagong pahina ng buhay nina Adonis at Magdelana, lalong lalo na ni Sophia.
Nagtagumpay man si Magdalena sa pag-agaw ng lahat at sa pagmamanipula kay Adonis at sa pamilya nito, sabay sabay naman nating saksihan kung paano babawiin ni Sophia ang lahat.
Here’s a sneak peek on what to expect sa Book 2 entitled, Babawiin Ko Ang Lahat.
===
===
===
Lumipas ang tatlong taon.
Eleganteng nakatayo si Sophia mula sa bintana ng rest house ni King, na matatagpuan sa isang kagubatan malayo sa kabihasnan at malayo sa San Alcantara. Nakasuot ito ng isang eleganteng white dress na halos kahalintulad ng suot niya noong dinukot siya ni Tatay Tyago.
Mamahalin ang itsura ni Sophia ngayon at hindi na makikita ang anumang bakas ng masamang pinagdaanan niya.
Malayo ang tingin ni Sophia mula sa bintana na animo’y inaalala ang lahat ng mga nangyari sa kaniya; simula noong nasa kamay pa siya nina Tatay Tyago hanggang sa kung paano siya pinagtabuyan nina Adonis at ng pamilya nito.
Huminga ng malalim si Sophia upang ikalma ang sarili sa galit na nagsisimulang bumalot sa puso niya.
Ilang sandali ay may kumatok sa pintuan at pumasok ang isang napakagwapong hari, si King. Rinig na rinig ni Sophia ang bawat yabag ng sapatos ni King na papalapit sa kanya.
“Handa na ang lahat” ani ng hari.
Pumaling ng tingin si Sophia sa lalaking nagsalita at tiningnan ito sa mata.
“Nakita niyo na si Tatay Tyago?” seryosong tanong nito.
“Hindi pa siya nakikita ng mga tauhan ko. Mukhang magaling magtago yung isang iyon, hindi tulad nung tatlong kasamahan niya na parang daga na madaling hulihin” sagot ni King.
Napabuntong hininga si Sophia.
“Magtago lang siya ng magtago, dahil kapag nakita natin siya…” napangiti ng matapang si Sophia na akala mo nagbabanta. Si King naman ay seryosong pinagmamasdan ang magandang babae sa kanyang harapan.
“Sigurado ka na bang gusto mong gawin ito? Pwede namang — “
“Malaki ang kasalanan nila sa akin”pagputol ni Sophia kay King. “Namatay ang lola ko ng dahil sa kanila, at mahabang panahon ang nasayang sa buhay ko dahil sa kahayupang ginawa nila sa akin. At kung akala nila ay palalampasin ko ang lahat ng ginawa nila? Nagkakamali sila dahil sisiguraduhin kong matutuwa si satanas dahil ibabalik ko sa impyerno ang mga demonyong bumaboy at nanakit sa akin” mariin dagdag ni Sophia.
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
“Tatay Tyago, Mang Gado, Mang Berto, Mang Fred, Tita Olivia, Tito Romano…. Adonis… at Magdalena. Simula na ng paniningil ko. Humanda kayong lahat sa akin”
Lumabas sila ng kwarto upang simulan ang kanilang mga plano.
At ngayon, ang unang makakatikim ng hagupit ni Sophia ay si Mang Gado.
===
Continuation of this teaser is on the final chapter.
That is going to be exciting and satisfying, I promise. 🙂
- Babawiin Ko Ang Lahat (Chapter 9) - October 30, 2023
- Paulita, Ang Baklang Puta (Part 8) - July 15, 2023
- Paulita, Ang Baklang Puta (Part 7) - June 27, 2023