Aagawin Ko Ang Lahat (Part 16)

hotsluttygay
Aagawin Ko Ang Lahat

Written by hotsluttygay

 


Author’s Note:

This chapter contains characters from “Nanay Ng Asawa Ko“.

For those who haven’t read the aforementioned story, baka malito kayo at magtaka kung sino sino yung mga nabanggit dito sa chapter na ito.

Also, I deleted my previous update since I accidentaly uploaded it instead of saving as draft.

This is the real Chapter 16 and I hope you enjoy this update. It’s nice to see / write King, Knight and Carla again, especially Frank! *** Kilig ***And this is also the start of the biggest revenge in history of Philippine Teleserye. CHARRRROOOS!

But seriously, revenge is coming at humanda silang lahat sa pagbabalik ni Sophia.

===
===
===

Narrator’s point of view

Kasalukuyang nasa byahe pauwi mula sa otso oras na hike ang mag tyuhing King at Frank Villarin.

Rinig na rinig sa loob ng sasakyan ang malakas nilang boses habang sinasabayan ang kanta ni Andrew E na Banyo Queen. Bukod doon ay umiindayog din ang kanilang mga ulo sa bawat ritmo ng kanta.

Kahit pagod mula sa pamumundok ay bakas sa mukha ng mag tyuhin ang saya at pagka-enjoy sa bonding na ginawa ngayong araw.

“Tito King! Thank you so much for allowing me to hike with you. And thank you for letting me drive your car now. You are the best Tito in the world” masayang sambit ni Frank.

Hinayaan kasi ni King na i-drive ng pamangkin ang kanyang sasakyan kahit na sinabihan siya ni Carla na wag na wag hayaang magdrive si Frank. Natatakot kasi si Carla na baka maaksidente o di kaya makasagasa ang anak kaya naman pinapayagan niya lang itong magmaneho kung kasama ang asawang si Knight.

Pero dahil si King ay si King, at walang sino man ang pwedeng makapigilsa kanya … hindi niya pinakinggan ang kanyang hipag at hinayaan ang pamangkin na magmaneho ngayon. Alam kasi nito na gustong gustong humawak ng manibela ni Frank, at may kakaibang saya ang naibibigay ng pagdadrive para rito. Tsaka kahit naman pasaway si King ay hinding hindi niya hahayaang mapahamak o may mangyaring hindi maganda sa kanyang mga pamangkin. Mahal na mahal niya ang mga ito na parang isang tunay na anak.

“Anong best best Tito in the world? May bayad ito aber!” tawang sagot ni King. “Tsaka wag mong sasabihin kay Mommy mo na pinagdrive kita ngayon ah, kasi mapapagalitan tayong dalawa kung malalaman niya. Lalong lalo na ako! Baka hindi na niya ako payagang dumalaw sa inyo at makita kayo ni Knight Jr.”

Napabungisngis si Frank.

“Syempre naman Tito King, this is going to be our cool little secret. Tsaka ano po ba ang gusto niyong bayad? I will do anything basta wag niyo lang po ako sisingilin ng malaking pera kasi maliit pa lang po ipon ko” dagdag nito.

Natawa si King.

Hindi nito masabi na hindi niya kailangan ng pera dahil marami na siya nun. Halos lahat na yata ng banko sa Pilipinas ay may pera itong naka deposito at marami pang dumarating na salapi sa kanya dahil sa kanyang mga negosyo.

“Naku kung sisingilin kita edi baka wala ng natira diyan sa ipon at baon mo sa school! Mahal kaya ang renta dito sa Explorer ko.hehe” biro ni King. “Pero dahil sinabi mo that you will do anything, hmmmmmmm, gusto ko mag-TIKTOK ka!”

Nanlaki ang mga mata ni Frank at namula ang mukha.

“Gusto ko yung kumakaldag ka sa video para naman mas dumami yung chicks na umaligid sayo. Sayang naman ang pagiging Villarin mo kung hindi mo ipagyayabang yan” dagdag nito.

“Tito Kiiiiiinnnnnnnggggggg!!!!” sigaw ni Frank dahil sa hiya.

“Noong ganyang edad kami ng daddy mo ay patay na patay sa amin lahat ng babae. Araw araw ay may umaaligid at nagpaparamdam sa aming dalawa, at syempre kapag kursunada namin yung chicks ay alam mo na! Ipinaparamdam namin ang langit sa kanila.hehe. Kaya ikaw wag puro aral! Dapat manligaw ka na! Yang edad mong katorse anyos, pwede ng makapagpaligaya ng babae yan!” tawang sambit ni King.

Totoo naman ang sinabi ni King. Kahit katorse anyos pa lamang si Frank ay kita na ang kanyang pagiging magandang lalake dahil nagmana siya sa kanyang ama. At kahit medyo payat pa ito dahil sa kanyang edad ay may mga maliliit na muscle na rin sa kanyang katawan dahil sa pagiging aktibo niya sa pagsasayaw, basketball at hiking.

Bukod sa anyo, gustong gusto rin si Frank ng mga taong nakapaligid sa kanyadahil sa pagiging mapagpakumbaba nito at marunong makipag kapwa tao. Sobra rin siyang matulungin na tipong kakainin na lang niya ay ibibigay niya pa sa mga nangangailangan.

Masasabing napakahusay ng pagpapalaki nina Carla at Knight sa kanilang anak.

“Titoooo Kiiiinng naman eeeehhhhh!!!!!!” natatawang saway ni Frank. “Unang una ay hindi po ako nagtitiktok. At pangalawa ay wala pa po sa isip ko ang pag-gigirlfriend kasi focus muna ako sa pag-aaral. Darating naman po ako sa tamang edad para manligaw ng babae pero sa ngayon ay wala pa po sa plano ko yan.hehe” napasimangot si King.

“Manang mana ka talaga sa Daddy mo! Sobrang good boy!”anito.

Tumawa si Frank at humingi ng pasensya sa kanyang tyuhin.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


“Pe-pe-pero secret lang po natin ito Tito King ah. Wag niyo po sasabihin kahit kanino, kahit kayna Mommy and Daddy” tumango si King. “Ka-ka-kasi po a-a-ano ah-eh may crush po ako sa school” nahihiyang pag-amin ni Frank.

Napasigaw si King na akala mo nag bunyi sabay ginulo ang buhok ng nagdadrive na pamangkin.

“Ayuuuunnnn namannnn pala eehhhhhh!!! Kunwari pang ayaw mong mag girlfriend pero may crush ka na pala! Ulooolllll style mo bulok!” sigaw ni King. “At sino naman yang maswerteng classmate mo na yan? Sabihin mo sa akin ano itsura para malaman ko kung kanino ka nagmana ng taste” excited na tanong nito.

Hindi makapagsalita si Frank dahil sa hiya at nagbibigay lang ng tipid na ngiti. Nakatuon lang ang atensyon niya sa daan at nagdadalawang isip kung sasagutin ang tanong ng tyuhin.

“Wag mo akong nginingitian diyan Frank ha. At wag mo akong binibitin sa pagkekwento. Sino yang classmate mo na yan? Ha? Sagot!” huminga ng malalim si Frank bago sumagot.

“Actually Tito, she’s not my classmate … she-she-she’s my te-te-teacher” napaawang ang bibig ni King dahil hindi inaasahan ang narinig.

“Did you just say, TEACHER? CRUSH MO ANG TEACHER MO?!” marahang tumango si Frank. “Tang inuuuhhhhhhh!!!! Manang mana ka kay Knight ah! Anak ka talaga ng Daddy mo! Mahilig sa mas matanda!” natawa si King ng malakas na tila may naalala.

Hindi naman maitago ang hiya sa mukha ni Frank. Ano ba naman kasi ang magagawa niya kung nagagandahan siya sa kanyang teacher? Bukod sa maganda ay mabait pa at parang anghel.

Naalala nito ang itsura ng kanyang teacher at pasimpleng napangiti.

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Frank habang inaasar siya ng kanyang tyuhin. Walang tigil siyang inaasar ni King pero hindi siya gumaganti ng pang-aasar. Alam naman kasi ni Frank na maloko at maangas ang kanyang Tito King pero kahit na ganun ay malaki ang respeto niya rito dahil responsable at nakabait nito sa kanila.

Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil sa pang-aalaska si King. Hininaan nito ang tugtugin sa sasakyan bago sumandal sa upuan upang magpahinga. Patuloy pa rin sila sa pagtahak ng masukal na daan na puro puno at malalaking bato ang paligid.

At dahil sa katahimikan ay unti unting nakaramdam ng pagod at antok si Frank.

Napapahikab ito at paminsan minsa’y nabagsak ang pilikmata. Napatingin ito sa kanyang tyuhin na nakapikit kaya naman naisipan niyang pumikit rin dahil derederetso lang naman ang daan at walang tao o kabahayan man lang sa paligid.

Ngunit sa ilang segudong pagpikit ng ng mga mata ay ….

“Fraaaaankkkkkkk looooookkkkkkk ouuuuuttttttt!!!!” sigaw ni King.

Agad na napamulat si Frank at bumusina ng malakas ng makitang may babaeng biglang sumulpot sa kanilang harapan.

Beeeeeeppp!! Beeeeeppppp!!! Beeeeeeppppp!!!

Sobrang bilis ng mga pangyayari at huli na ng maihinto nito ang sasakyan dahil nabangga na nito ang babae at tumilapon papalayo. Napatingin si Frank sa kanyang tyuhin at kita ang pagkagulat sa kanilang mga itsura.

“Ti-ti-to King” takot na sambit ni Frank habang nanginginig na hawak ang manibela. “W-w-what d-did I d-d-do?” tanong nito.

“Ssssshhhhhhhhhh don’t worry, you did nothing. Dito ka lang sa loob and I’ll check what happened out there” agad na lumabas ng sasakyan si King habang si Frank ay pinipigilan ang luha dahil sa sobrang takot.

Gusto rin nitong lumabas at tingnan ang babaeng nasagasaan pero hindi ito makakilos at naestatwa sa kinauupuan. Natatakot itong baka napatay niya ang babae. Gusto nitong tawagan ang ina upang sabihin ang nangyari ngunit pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang mag-alala ito.

Samantala, si King ay tumakbo papunta sa nakabulagtang babae. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang wala itong saplot at may mga pasa sa katawan na akala mo pinahirapan.

Agad niya itong pinulsuhan at napahinga ng maluwag ng maramdamang buhay pa ito.

Biglang kinutuban ng hindi maganda si King.

Napatingin ito sa paligid upang mag obserba at nakarinig ito ng sigawan ng mga lalake na tila may hinahabol.

Mas lalong sumama ang kutob ng hari.

Hindi na bago ang ganitong mga kaganapan sa kanya at alam nya na may hindi tama sa mga nangyayari. Mabilis nitong hinubad ang suot na t-shirt upang takpan ang katawan ng babae. Binuhat niya ito at mabilis na ipinasok sa sasakyan.

“Ti-ti-to King? How’s she? Is she still a-a-alive?” nauutal na tanong ni Frank.

“Yes she’s still alive. Magpalit muna tayo ng pwesto okay? I’ll drive and ikaw muna ang magbantay dito sa babae. She’s not in a good shape and she needs to be treated immediately”

“Ti-ti-ti-tito, I-I-I’m scared”

“Sssssshhhhh. Don’t be. Tito King will handle this, okay? Besides, there is nothing that Tito King can’t handle, right?”

Nanginginig na tumango si Frank at nagpalit na sila ng pwesto ng kanyang tyuhin.

Hinarurot ni King ang pagmamaneho upang mabilis silang makalayo sa lugar. Nagdadawalang isip ito kung dadalhin niya sa ospital ang babae dahil baka matunton siya ng mga humahabol sa kanya.

Nangangamba ito na baka malaking tao o di kaya sindikato ang may pakana nito kaya hindi siya pwedeng makipagsapalaran. Mahigpit ang pagkakahawak ni King sa manibela at patuloy pa rin sa pagharurot ng sasakyan. Hindi na ito nakapagsuot pa ng anumang damit at ngayo’y namamaneho habang kita ang moreno at batak na katawan.

Napapatingin siya sa rear mirror upang icheck si Frank at pati ang babae. Kita pa rin sa pamangkin ang takot at ang pagpipigil ng luha kaya naman may kakaibang kurot ang naramdaman niya sa kanyang puso.

Pagkatapos ng mahigit ilang oras na byahe ay dumeretso si King sa bahay nina Frank. Nagdesisyon siyang doon dalhin ang babae upang masigurado na ligtas ito. Tsaka mas malapit ang bahay ng pamangkin kaysa sa kanyang tinitirhan at mas maigi na rin iyon dahil matutulungan siya ng hipag at kapatid.

Agad nitong inilabas ang babae at pumasok sa loob ng bahay.

Bumungad si Carla, ang mas gumandang si Carla Villarin.

“What happened? Who is she?! Nasaan si Frank?” sunod sunod na tanong nito.

“Frank is outside. Call Dra. Mendez! Sabihin mo sa kanya urgent and I need her here NOW!” utos ni King kay Carla na agad nitong sinunod.

Kinuha ng hipag ang kanyang cellphone at tinawagan si Dra. Mendez, ang kanilang private doctor. Habang kausap ni Carla si doctora ay dinala naman ni King ang babae sa loob ng guest room. Pagkatapos makausap ni Carla ang doctor ay tinawagan naman nito agad ang asawang si Knight upang sabihin ang nangyayari.

“Mo-mo-mmoommmyyyyyy”humihikbing sambit ni Frank at mabilis na niyakap ang ina. Niyakap rin siya pabalik ni Carla at hinimas ang likod at ulo. “I’m so-so-sorrryyyyy! I’m so-so-sorrrryyyy! I didn’t mean to…. I-I-I didn’t meeeaaan to” tuluyang bumagsak ang luha nito.

Mukhang alam na ni Carla ang nangyari.

“Sssshhhhhh don’t worry baby. You can tell Mommy everything later, okay? Just go to your brother now and stay with him. Kami na ang bahala dito. Daddy’s on his way home na, so everything’s going to be fine” tumango si Frank at pinunasan ang luha bago tuluyang tumakbo papunta sa kwarto ng bunsong kapatid.

Dumeretso si Carla papunta sa guest room at naabutan niya si King na tinitingnan ang pulso ng walang malay na babae.

“Natawagan ko na si Dra. Mendez. She’s on her way here”ani Carla pero parang walang narinig si King.

Lumapit ito sa kama at pinagmasdan ang walang malay na babae. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Carla dahil sa itsura ng babae. Halatang hindi maganda ang pagkakapayat nito at mukhang pinahirapan ng kung sino. Napansin din nito ang sugat sa kanyang leeg na parang tinalian ng kung ano.

Ngunit ang nagpakabog ng dibdib nito ay baka may nagsamantala dito sa babae, o di kaya may kinalaman ang negosyo ni King dito.

“King please don’t tell me that you have something to do with this” hindi pa rin siya pinansin ni King dahil seryoso itong nakatingin sa babae.

Ilang sandali pa ay dumating si Dra. Mendez at agad nilang ipinasuri ang walang malay na bisita. Kasama nito ang isang nurse upang tumulong kung mayroong kakailanganing gamot o aparato ang doktora.

Lumabas muna sina Carla at King, at nagtungo sa sala.

“Antayin mo ako dito, kukuha lang ako ng damit at pamunas sa taas. Basang basa ka ng pawis oh. “ ani Carla at umakyat muna upang kumuha ng damit at towel. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring saplot si King at nangingintab ang katawan dahil sa pawis.

Habang nakatayo si King ay biglang dumating ang kanyang kapatid, si Knight.

Si Knight Villarin na mas gumanda pa ang tikas at pangangatawan. Nakadagdag din sa kanyang kagwapuhan ang suot na reading glass.

“Kuya, what happened? How’s Frank?” nag-aalang tanong nito.

“Frank is fine. Medyo natakot at nagulat lang siya because of what happened. It was really unexpected Bro. A woman just appeared in front of us while we were driving and we accidentally hit her” nabuntong hininga si Knight at napakunot rin ng noo.

“And Frank was the one driving, wasn’t he?”tumango si King.

“I knew it. May kutob talaga akong may hindi magandang mangyayari ngayon. Sana hindi ko na lang pinasama sayo ang anak ko” dismayadong sambit ni Knight.

Nakunsensya si King sa sinabi ng kapatid at napabaling ang ulo sa ibang direksyon. Kung alam din naman niyang may ganitong mangyayari ay hindi na din sana niya sinama ang pamangkin.

Ayaw niyang matrauma ang bata dahil sa nangyari.

“Eh bakit hindi mo dinala sa ospital yung babae at dito pa sa pamamahay ko mo siya dinala?” natahimik si King at hindi alam ang isasagot. “Kuya don’t tell me na may kinalaman ka o ang negosyo mo diyan sa babaeng yan? How many times did I tell you na wag mo idadamay ang pamilya ko sa mga hindi magagandang transaksyon diyan sa ibang negosyo mo” ani Knight.

“Wala, Bro! I promise! I swear na wala akong kinalaman sa nangyari dun sa babae. And I don’t know why pero noong nakita ko siya kanina ay may kakaiba akong nararamdaman at gusto ko siyang tulungan. Yes, I could’ve brought her sa hospital pero hindi ko iyon pwede ipagsapalaran because may kutob akong may humahabol sa kanya” paliwanag ni King.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


“And this is the nearest place I know safe” dagdag nito.

Napabuntong hininga na lang uli si Knight at napahawak sa kanyang sentido. Kahit hindi pa ito masyadong kumbinsido na walang kinalaman si King ditoay wala na rin naman siyangmagagawa dahil nasa loob na ng kanyang pamamahay ang babae.

Nakita nilang pababa si Carla na may dalang tshirt at pamunas. Pagkalapit nito sa magkapatid ay humalik ito sa asawa bago ibinigay ang dala kay King.

Agad naman nagpunas ang hari at isinuot ang damit.

“Frank told me what happened and he is so scared now. Nanginginig siya sa takot and he’s asking me kung kamusta yung babae. He’s afraid that he might killed someone” nag-aalalang sambit ni Carla. “I told you, King, na wag na wag mong pagdadrivin ang anak ko but you didn’t follow me. Tingnan mo itong nangyari?”

“I’m sorry, Carla. I didn’t know this is going to happen. Kung alam ko lang edi sana hindi ko na sinama si Frank sa hiking. Frank is like a son to me and I will never ever let anyone or anything harm him” sagot ni King.

“But you failed! Look what happened?! Simple instruction na wag pagdadrivin si Frank ay hindi mo sinunod! Ang sabi ko sayo wag mo siyang paghahawakin ng manibela kasi baka makabangga, at eto nga nakabangga nga!” mataas na boses ni Carla.

“Babe relax, Frank is a big boy now and trust me, he can handle this. Tsaka what happened was an accident, there’s no one to blame. Hindi rin naman ginusto ni Kuya ang nangyari” ani Knight.

“Sige pagtanggol mo pa yang kapatid mo! Kaya namimihasa eh” inis na sagot ni Carla.

“Babe look! We cannot turn the clock counterclockwise now. Kuya already knows his mistakes and I’m sure that guilt is already crippling inside him now”

Napabuntong hininga si Carla at kinalma ang sarili. Sobra kasi siyang nag-alala sa anak kaya siya nainis. Alam naman nitong malakas si Frank at kakayanin ang anumang bagay ngunit hindi lang nito maiwasan na mag-isip na baka na-trauma ang bata sa nangyari.

Lalong lalo na siya mismo ang nakasagasa dun sa babae.

“Okay. I’m sorry if I wasn’t able to control myself. Nag-aalala lang talaga ako para sa mental health ni Frank. Baka maapektuhan ang pag-aaral niya at maging ang mga hobbies niya dahil dito sa nangyari. Tsaka I know he loves driving so baka hindi na siya humawak uli ng manibela dahil sa trauma. I’m sorry, King, I hope you understand where I’m coming from” ani Carla.

Tumango si King pero halata pa rin ang lungkot sa kanyang itsura. Pero bukod kay Frank ay hindi rin maalis sa kanyang isip ang babaeng nasa guestroom. Hindi nito maintindihan kung bakit meron itong hindi maipaliwanag na nararamdaman sa babae. Gusto nitong malaman kung ano ang tunay na nangyari sa kanya.

Nagdesisyon ang tatlo na magpunta sa guestroom upang icheck ang kalagayan ng kanilang bisita. Kasalukuyan pa rin itong ginagamot at inoobserbahan Dra. Mendez. Tingin nila ay malala ang tama ng babae dahil nagpakuha ang doctora ng dextrose at ilang mga gamit mula sa kanyang van.

Pinanood ng tatlo ang doctora hanggang sa matapos.

“She’s now fine. I already took care of everything and you don’t need to bring her in the hospital” ani ng Dra. Mendez.

Napahinga ng maluwag ang tatlo.

“It looks like marami siyang pinagdaanan this last few months. Sariwang sariwa pa ang ilang mga pasa niya especially sa leeg and kamay, and base sa observation ko ay mukhang ginapos siya. Aside from that, her sensitive organ is also penetrated, which means someone could’ve done something to her bago niyo siya makita today” ani doctora.

Napakunot ng noo si King at napakuyom ng palad.

“She’s a tough woman, though. I was expecting for severe injuries dahil sa pagkakabangga niya sakotse but surprisingly, konting galos lang natamo niya from that. The big factor of her condition now is because of the trauma she experienced prior to the car accident. Sa ngayon she’s just resting but she might wake up maybe after a few hours. My nurse will stay here to assist you kapag nagising ang pasyente at alam na niya ang lahat ng gagawin” anito bago nagpaalam at umalis.

Muling napahinga ng maluwag ang tatlo.

Agad umakyat si Carla papunta sa kanyang anakupang sabihin na nasa maayos ng kalagayan ang babae. Halos tumalon naman ang puso ni Frank dahil sa tuwa at sinabing gusto niyang makita ang nabangga.

Pumayag naman si Carla kaya nagmamadaling nagpunta si Frank sa guestroom. Una nitong nakita ang ama kayaniyakap niyaito ng mahigpit at humingi ng tawad. Ginulo lang ni Knight ang kanyang buhok at sinabing maayos na ang lahat.

Ngayon, nasa loob ng guestroom sina King, Knight, Carla at Frank. Nakatingin sila sa natutulog na babae at inaantay ang pag gising nito.

“How’s the hike with Tito King, by the way?”tanong ni Carla sa anak.

“It was extraordinary, Mommy. It was an 8-hour hike and masakit sa binti, but when we get to the top…. sobrang ganda ng view especially the sea of clouds!” ani Frank.

“Did you take some pictures?”masayang tanong ni Carla.

“Of course I did. I also recorded the entire hike para kapag pinanood ninyo ni Daddy you’ll feel like you are also there. Next time sama kayo ni Daddy sa pag hiketsaka si Baby Knight”

“Definitely. Kapag hindi na masyadong busy si Daddy sa work ay we’ll go family hiking. We can also do car racing if you want?” ani Knight.

Tila kumislap ang mata ni Frank sa narinig pero kita ang pagaalinlangan sa kanyang itsura. Marahil ay takot pa itong magdrive dahil sa nangyari ngayong araw.

“Pero kailangan mo munang mag Tiktok bago mag car racing” ani King kaya muling namula si Frank dahil sa hiya.

“Speaking of Tiktok, you’re little brother did one earlier. I forgot the song, it was like.. paro paro something…”

“Paro paro G! Yan ang sinasayaw ng mga engineers and staff ko kanina sa site.hehe” ani Knight.

“Yes that’s it!!! Paro paro G!!! Ang galing sumayaw ng bunso natin buti na lang narecord ko”ani Carla.

“Syempre kanino pa ba magmamana?” pagmamayabang naman ni Knight at natawa sila.

Nagtuloy tuloy ang kanilang biruan.

“Uhhhgggggg nggggggg” napatingin silang lahat dun sa babae na kasalukuyang napapamulat ng mata at parang may iniindang sakit.Sinusubukan nitong kumilos pero hindi niya magawa kaya nang tuluyan na niyang maimulatang mga mata ay naglakbay ang kanyang tingin sapaligid na tila nagoobserba.

Halata ang takot sa itsura ng babae.

“Tito she’s awake! Thank God she’s awake!!!”ani Frank.

“Yes she’s awake! Wala ka ng dapat ikatakot because we didn’t kill her”sagot ni King.

“Sinasabi ko sayo Kuya, kapag etong babaeng ito ay may kinalaman sa mga negosyo mo ay hinding hindi ka na makakadalaw pa dito sa pamamahay ko. I will never ever allow my sons or this family to get involved sa kung anumang hindi magagandang transaksyon ng negosyo mo”madiing pagpapa-aalala ni Knight.

“Magrelax ka lang diyan bro, okay lang? Wag kang masyadong paranoid! Parang hindi ka lalake ha. Katulad ng sinabi ko kanina, I don’t know her. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumakbo sa harapan ng kotse ko while we were driving back here”ani King.

“Paranoid is different from being protective, Kuya. Kung magkakaroon ka ng pamilya, you will understand where I’m coming from.”

“Tskkkk! Whatever!!!”

“Stop fighting! Baka nakakalimutan niyo kasama natin dito ngayon ang panganay ko, hindi maganda na naririnig niya kayong dalawang magkapatid na nag-aaway. Tsaka hindi makakabuti sa kalagayan ng bisita natin kung maririnig niya kayong nagtatalo. She’s obviously not in good shape, so she needs to rest and calm her head”ani ni Carla. “Pero once na malaman ko lang din talaga na may kinalaman ko o ang kumpanya mo dito sa bisita natin, hinding hindi ko na papayagan yung anak ko na sumama sayo. At hinding hindi ka talaga makakatungtong dito sa bahay” dagdag nito.

Patuloy lang silang inobserbahan ng babae.

Unang lumapit si Carla upang kausapin ito, pero umiling ang babae na tila ayaw siyang palapitin.

“Wag kang matakot, ligtas ka dito sa amin”nakangiting sambit ni Carla at naupo siya sa may tabi ng kama. “Ano ang pangalan mo?”tanong nito.

Hindi sumagot ang babae.

At upang makampante ito ay nagdesisyon si Carla na magpakilala at ipakilala rin ang kanyang pamilya.

“Ako nga pala si Carla…, Carla Villarin”umpisa nito at tinawag ang mga lalake sa likod upang palapitin. “Eto ang aking asawa, si Knight Villarin at eto naman ang anak namin, si Frank. At etong isang lalaking ito na mukhang basagulero ay si King Villarin, kapatid ng asawa ko”natatawang biro nito.

Isa isa silang tiningnan ng babae at kita ang pagbabago ng ekspesyon nito. Ang kaninang takot ay unti unting napalitan ng pagiging komportable.

“A-a-ako si So-so-sophia. Tu-tu-tulungan niyo akong makabalik ng San Alcantara. Kailangan kong makita si Adonis”sagot ng babae at muling nawalang ng malay.

Agad nilang tinawag ang nurse na kasama ni Dra. Mendez upang sabihin na nawalan ng malay si Sophia.

Mabilis namang tumugon ang nurse at alam na ang kanyang gagawin. Nag inject ito ng ilang mga gamot sa dextrose ng babae at sinabihan ang lahat na hayaan munang mapag isa ang pasyente at makapagpahinga.

Naintidihan naman ito nina King kaya lumabas sila ng guest room.

Nag-usap usap sila sa kung ano ang susunod na gagawin nila at napagdesisyunan na sa bahay muna nila si Sophia upang maalagaan at mamonitor hanggang sa maging maayos ang kanyang kalagayan.

At kapag maayos na ang lagay nito ay si King na ang magdadala kay Sophia sa kanyang pamilya o doon sa San Alcantara na huling sinabi nito kanina.

Lumabas si King papunta sa kanyang sasakyan at kinuha ang kanyang cellphone. May dinial itong numero upang tawagan.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


“Hello. I want you to check if you can find anything about Sophia from San Alcantara. I don’t know her surname yet but tell me if you can find anything related to that name”utos nito. “Also, if you can check someone named Adonis, I want to find out who is he” dagdag nito at binaba ang tawag.

Kailangan nitong malaman kung ano ang nangyari kay Sophia.

Itutuloy…

hotsluttygay
Latest posts by hotsluttygay (see all)
Subscribe
Notify of
guest
2 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
2
0
Would love your thoughts, please comment.x