My Future Father In Law Part 11

My Future Father In Law Part 1

Written by carlsonchance010

 


Authors Note: Greetings with peace and love!~ Belated Happy New year nga pala. Pasensya na at natagalan ako sa pagpost ng istoryang ito, I got distracted lately with work and personal problems. So here it is, hoping I can finish this story in the long run.

This story is purely fictional and a concoction of my deranged thoughts

———————————

Nakauwi ng madaling araw si Ben sa apartment ng anak niya matapos hiramin ulit yung Porsche ni Prime, umupo siya sa sofa at napaisip sa nangyari kagabi. Kinuha niya sa bulsa ang pitaka niya at binunot ang litrato ni Carmen nung nasa college pa sila, hindi parin siya makapaniwala na kamukhang-kamukha talaga ni Evageline ang namayapa niyang asawa. Imbes na magstick siya sa “Pump and Dump” situation na deal nilang dalawa ni Prime ay parang mas gusto pa niyang makilala ng maigi si doktora.

“Carmen…”

Hinimas ni Ben ang litrato ni Carmen at tinignan yung sulat ng asawa niya sa likod.

Kelangan pa bang may sulat sa litrato? Love quotes? Ang baduy mo.

Sa tinagal-tagal ng panahon ay natatawa parin si Ben sa sulat ng asawa niya, napangiti nalang siya habang iniisip yung mga ala-ala ng nakaraan. Bigla lang may narealize si Ben at baka may papasukin siyang pulang linya na kelangan tatahakin.

“Shit… May asawa na ba yun? Bah! Tanungin ko nalang si Jasmine mamaya.”

Sinilid niya sa loob ng pitaka ang litrato ni Carmen at doon nalang natulog sa sofa, mabilis namang nakatulog si Ben dahil sa epekto ng alcohol.

UMAGA

Nagising si Ben pasadong alas diyes at agad naman siyang napabangon para magtimpla ng kape, binuksan niya yung lalagyan ng kape at napansin niyang isang sachet nalang pala ang natira. Nagcheck si Ben sa mga aparador at food storage para lagyan ulit ng kape yung container pero wala siyang makitang kape.

“Ikaw ba naman na ilang beses magkape sa isang araw. Makadaan nalang sa supermarket mamaya.” Napakamot nalang sa ulo si Ben at bumalik sa pagtimpla sa natitirang sachet.

Nang makaupo siya sa lamesa ay sakto naman may tumawag sa cellphone niya, tinignan niya muna kung sino yung tumawag bago niya sagutin.

“Op… Teddy boy… Nanawag ka aw? (Napatawag ka?)”

“Alog! Kamusta ka na da? Teh? Nakapangita kana da supplier para sa shop mo? (Kamusta ka na diyan? Ano? Nakahanap kana ba ng supplier para sa shop mo?)”

“Oo kagab-i lang, reasonable man presyo ya ah teh nagdeal kami dayun. (Oo kagabi lang, reasonable naman yung presyo niya kaya nagdeal kami agad.)”

“Ah… Mayu eh. Teh san-o kadi mapuli ‘log? Kapoy bala pakadto-pakari sa shop kag sa resto bar mo. (Ah… Mabuti naman… Kelan ka pa uuwi dito? Kapagod yung pabalik-balik sa shop at sa resto bar mo.)”

“Agwanta lang ah kay basi madugayan pa ko di sa Maynila. (Tiis lang baka matatagalan pa ako dito sa Maynila.)”

“Ngaa? (Bakit?)”

“Basta ah… May kinanglan lang buhaton ah… (Basta… May kelangan lang gagawin.)”

“Ara naman ta Alog, naton mangita ka naman da kaplog. (Ayan na naman tayo Alog, ang sabihin mo maghahanap ka naman diyan ng pokpok.)”

“Paano mo nabal-an? Pati ah. Pero tuod may himuon ko di danay nga importante. (Paano mo nalaman? Biro lang. Pero totoo may gagawin lang ako dito na importante.”

“Daw gago ka gid ya ‘log, ay si Biboy gali kag ang migahon ya nagbiyahe kagina aga lang ni oh. Ginpahulam mo gali Bronco mo? (Gago ka talaga ‘log, si Biboy nga pala at yung girlfriend niya bumiyahe kaninang umaga lang. Pinahiram mo pala yung Bronco mo?)”

“Oo… kaysa magrenta pa sila salakyan, dugang gastos pa na. (Oo… kesa sa magrenta pa sila ng sasakyan, dagdag gastos pa yun.)”

“Pero sa tuod lang… Perti ka gwapa sang miga ka bata mo… Mana gid sa babaidor ya nga amay. (Pero sa totoo lang… Sobrang ganda ng girlfriend ng anak mo… Mana talaga sa babaero niyang ama.)”

“Baba mo ‘boy… Kabuhi nana sang bata ko ya, pabay-i da sa. (Bibig mo ‘boy… Buhay na yan ng anak ko, pabayaan mo siya.)”

“Teh kasaho ka lang nga makita ka sang apo mo dasun nga lolo ya gali babaidor? Tsk tsk tsk… Masamang ehemplo klase nga lolo. (Sanay ka lang ba na makita ka ng apo mo balang araw na lolo pala niya babaero? Tsk tsk tsk… Masamang ehemplo na klaseng lolo.)”

“Pota nanawag kalang di sakun para manggarot noh? Madakpan talang ka makapuli ko sa Negros ah. (Pota tumawag kalang sakin para manginis noh? Mahuli lang kita pag makauwi na ako sa Negros.)”

“Hahahaha! Easy lang! Oh teh? makadto ko to danay didto sa shop mo. Halong da sila sa imo ‘log ah. (Oh siya? pupunta muna ako doon sa shop mo. Ingat silang lahat sayo ‘log.)”

“Sige ‘boy maayung aga lang da ah. (Sige ‘boy magandang umaga nga pala.)”

“Maayung aga man da simo butakal. (Magandang umaga din sayo diyan manyak.)”

“Gago!” Natawa nalang si Ben at ibinaba yung tawag.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Matapos niyang uminom ng kape ay dumiretso agad siya sa banyo para maligo, habang naliligo ay napakanta si Ben ng paborito niyag kanta.

Lay me on the ground
And fly me in the sky
Show me where to look
Tell me, what will I find?
What will I find?

Habang nagmumurmur pa siya ng lyrics ng kanta pagkalabas niya ng banyo na kakatapos lang maligo ay kinuha niya yung cellphone niya para tawagan si Jasmine.

“Oh… How rare of you to call me Ben. Baka namali ka lang ng tawag?”

“Hindi, I actually need you for something.”

“Oh? Really? What is it? I’m all ears.”

“Basta… Are you at your house at the moment?”

“Of course! Why did you ask?”

“Pupunta ako diyan… I’ll tell you the details later.”

“Ok… I’ll be expecting you.”

Nang makabihis si Ben sa loob ng kuwarto niya ay may sinulat siya sa papel at sinilid sa bulsa niya sabay na umalis sa apartment, nang makarating siya sa bahay ni Prime ay kanina pang naghihintay sa labas si Jasmine at kinawayan lang si Ben.

“Hello Ben…”

“Anong meron? Ba’t bihis na bihis ka?” Sabi ni Ben na tinutukoy yung sexy na dress na suot ni Jasmine.

“What? Bawal bang maging presentable sa mga guests ko in my own humble abode?”

“Pero damn… Ang sexy mo.” Sabi ni Ben na sinilid yung mga kamay sa bulsa ng pantalon niya at napasipol.

“Well? Come on in.” Kinindatan lang siya ni Jasmine na tumalikod at pumasok silang dalawa sa loob.

Umupo silang dalawa sa may sala, dumikit si Jasmine kay Ben habang hinihimas ang balikat niya na bumaba hanggang sa dibdib.

“Teka lang Jasmine… I’m not here for fun.” Sabi ni Ben at hinawakan ang kamay ni Jasmine at nilapag ito sa hita niya.

“Then what are you here for then?”

“Ahh… Heto…”

Binunot ni Ben sa bulsa yung sinulat niya sa papel at binigay kay Jasmine, kinuha naman ni Jasmine yung papel at tinignan yung nakasulat.

“Evangeline… Estrella? Sino to?”

“Kaya nga nandito ako eh… Puwede mo ba akong tulungan? I want to know everything that you can about that woman.”

“Weird… You are asking details… About a woman?! Interesting…” Sabi ni Jasmine na nilapag ang kamay sa baba niya.

“So tutulungan mo ba ako o hindi?”

“I find it unfair Ben… Diba dapat gawain yan ng mga lalaki na kilalanin yung babaeng natitipuhan nila?”

“Tsss… Too old for that shit….”

“Nothing is old for a fine man like you.”

Nagtapatan ang mga mukha nilang dalawa, napatingin si Ben sa cleavage ni Jasmine na sinadyang ipakita sa kaniya. Bumalik yung tingin ni Ben sa mukha ni Jasmine at hinawakan ang mga balikat at inurong ang katawan niya.

“I ask you again… Tutulungan mo ba ako o hindi?”

“My God Ben… For the first time you’re holding yourself together against me? Now I’m really interested to know this woman.” Umayos sa pag-upo si Jasmine at tinupi yung papel na hawak niya.

“So is that a yes?”

“Sure… Give me an hour to do it… But I can crunch it down to 30 if… You know…” Sabi ni Jasmine na hinimas yung hita ni Ben na malapit sa crotch area niya.

Inalis ni Ben ang kamay at nilapag ulit sa hita ni Jasmine.

“”One hour.” Sabi ni Ben na nagtaas ng isang daliri kay Jasmine.

“Hay Ben… You’re such a tease talaga.” Tumayo si Jasmine na pupunta sa isang pribadong kuwarto para icheck yung pinapatignan na tao sa kaniya.

“Thanks Jasmine…” Sabi ni Ben na nagman spread sa sofa.habang nakasandal mga kamay sa ibabaw ng sofa.

“If you need anything just ask the maids… I’ll be right back.” Sabi ni Jasmine at tuluyan nang umalis.

Habang naghihintay ay nagbabasa si Ben ng diyaryo na kanina pa niyang napansin na nakalapag sa glass table, tumigil siya sa pagbasa ng may lumapit na maid sa harap niya na yumuko mun sa kaniya bago magsalita.

“Sir Ben… May kelangan po ba kayo?”

“Ummm… Ice tea nalang kung meron.”

“Sige po.”

Bumalik sa pagbasa ng diyaryo si Ben nang umalis ang maid, matapos iserve sa kaniya ang ice tea at sa kahabaan ng paghihintay niya ay bumalik din si Jasmine sa salas na may bitbit na papel, nang makaupo si Jasmine sa tabi niya ay napansin ni Ben ang nanunuksong ngiti niya na kulang nalang ay tatawa na siya.

“Well? Anong nahanap ng tauhan mo?”

“Now I know why… When I first saw her face I was like… Oh my god… No way.”

“Alam ko…”

“How did you meet this woman? In what circumstances?” Sabi ni Jasmine with curiousity written on her face.

“Hindi sinabi sayo ni Prime? Nakilala ni Prime sa orphanage tapos parang sinet up niya ako na magkita kami sa bar. It was a rather coincidential meet up, like seeing a ghost from my past.”

“That bastard! Hindi man lang ako sinabihan! I’ll deal with him later. Anyways, I have her details here sa papel na to…”

“Akina…” Kukunin sana ni Ben ang papel pero tinabig iyon ni Jasmine.

“Excited ka? Allow me to read it since mga tauhan ko ang nagpakabusy maghanap nito.”

Binuksan ni Jasmine ang nakatuping papel at humarap kay Ben para di niya mabasa yung nakasulat.

“Oh come on Jasmine… Ako nalang magbasa niyan.”

Hindi siya pinansin ni Jasmine at binasa yung mga nakasulat sa papel.

“Mmmkay… Born in ’87 in Passi City but lived most of her childhood and teenage life in Jaro Iloilo.”

“Ilongga siya? Hah! What a fucking coincidence!” Tumawa ng marahan si Ben sa narinig niya.

Tinignan lang siya ni Jasmine at tinuloy ang pagbasa sa papel.

“Graduated here in UP Manila… Went to med school in University in Pennsylvania sa Estados Unidos blah blah blah…” Tumigil sa pagbasa si Jasmine at tumaas yung kaliwang kilay niya.

“Ba’t ka tumigil? Anong meron diyan?”

“After med school she moved to Michigan and got married there… In 2013..”

“Fuck… Sabi na eh.” Sabi ni Ben sa sarili niya.

“Had her child the following year and… Well… This is your lucky day because she’s divorced…. In 2017.”

“Good! That’s really good to know.” Napabuntong-hininga si Ben sa narinig niya.

“And… That’s it! That’s all that you need to know, the rest is for you to find out.” Sabi ni Jasmine na tinupi yung papel.

“Yun lang? Patingin nga ng papel.”

“Hey! Like I said… The rest is for you to find out.” Sabi ni Jasmine at nilayo yung papel kay Ben.

“Ok… Pero the information is more than enough I guess.”

“So what’s your plan? Ikaw Ben ah, I’m so happy for you na naging interesado ka na sa babae.”

“I don’t know… I guess I’ll have to find out. Salamat nga pala.”

“Of course… Maliit na bagay.”

“Well… My purpose here is done, aalis na ako.”

“Anong aalis? No! Its lunch time… I insist that you eat here muna bago umalis.”

“Well… Sino ba naman ako para tumanggi ng libreng kain? Ano ba ang pagkain niyo diyan?”

“I have prepapred alot for you… Tara sa dining area.”

Sabay silang tumayo at napahawak sa mga braso ni Ben si Jasmine habang sabay ding naglakad papunta sa dining area.

EVANGELINE POV

“Mommy… I’m off na to school.”

“Sige anak… Be good at school okay?”

“Ok mommy…” Niyakap siya ng anak niya at lumabas ng bahay.

“Yaya maggogrocery ako mamaya and possibly I will not be here by the time na makauwi kayo.”

“Ok lang po maam… Nandito naman po sakin yung extrang susi sa bahay.”

“Ok… Sige na yaya ingat kayo ha?”

“Sige po maam… Hatid ko na po si Andrew sa school.”

Sinara ni Evangeline ang pintuan at bumalik sa kusina at kumuha ng mug sa cup drawer, kinuha niya yung kettle sa coffee maker at nagbuhos ng kape sa mug. Bitbit ang mug na may kape ay pumunta siya salas at umupo sa sofa para magrelax.

“Alexa… Play Midnight Summer Night by Connolly.”

Midnight Summer Night by Connolly at Spotify Music.

Dark night black sky, curtains open close my eyes
Its time to start dreaming, about a different life
Its cold out cover up, spring is here just my luck
Everything is blending, hold up somethings up
How long have I been asleep, time is racing as we speak
I don’t know whats real or not, headache now and stomach knots
Trapped in this world of thought, lost the key that fits the lock
This is my reality, someone out there save me

Midnight summer night, I don’t know if I could
Midnight summer night, I don’t know if I could
Midnight summer night, I don’t know if I could
Midnight summer night, I don’t know if I could
Make sense of it now, please tell me how
I don’t know if I could
Make sense of it now, please tell me how
I don’t know if i could

Tahimik na umiinom ng kape si Evangeline habang nakikinig sa music nang may nagring sa doorbell niya, tumayo siya at binuksan ang pinto.

“Good morning Vang…”

“Ericka! Pasok ka.”

Umupo sa may salas si Ericka at nilapag yung dala niyang plastic ng puto sa table.

“Gusto mo ba ng kape? Alexa… Stop playing.”

“Sure… 2nd coffee of the day won’t hurt me.”

Agad namang naginit ng kape si Evangeline sa kusina, nang uminit yung kettle ay agad siyang nag uhos sa isa pang mug at inabot kay Ericka pagkadating niya sa may salas.

“Thank you… Puto gusto mo?” Sabi ni Ericka na binuksan ang plastic.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Umupo sa tabi ni Ericka si Evangeline at nagkuwentuhan silang dalawa.

“Bakit ka nga pala nandito?” Sabi ni Evangeline at kumuha sabay kain ng puto.

“Well mag-isa lang ako doon sa bahay so pumunta ako dito, bawal ba?”

“Hindi naman… You’re always welcome naman dito sa bahay.”

“Ay siyanga pala… I saw you talking to Mr. Pogi kagabi sa parking lot. Paano kayo naging close nun?”

“Hindi kami close noh? May nangyari lang kagabi at nainvolve siya so…” Napataas ng balikat si Evangeline.

“So was that the reason na umuwi tayo ng maaga kagabi? Ano ba kasi yung nangyari? Was that something to do with the commotion kagabi? May nakita kaming mga tao na inescort palabas ng bar in stretchbeds.”

“Dami mong tanong… I’d rather not talk about it.”

“Well… You’re right na umalis tayo dun, if that frequently happens inside a bar aalis din ako noh?”

“Ay siyanga pala Ericka… Wala kabang gagawin mamaya? Samahan mo kaya ako maggrocery mamayang hapon?”

“Hmmm… Sure. Wala naman akong gagawin until hubby gets home so sasama nalang ako sayo, I might buy a few things.”

“Salamat… Now let’s enjoy this day off while it last.” Sabi ni Evangeline at humigop ng kape.

“Pero mas mageenjoy ako kung ikuwento mo sakin yung nangyari kagabi with Mr. Pogi. Spill the tea Vang!”

“Ayoko nga!”


Hapon na nang makaalis sa residence nila ni Prime at Jasmine si Ben, magdamag silang nagkuwentuhan ni Jasmine at inilagan ang mga advances niya. Imbes na bumiyahe pabalik sa Makati ay napadaan muna siya sa isang supermarket sa Caloocan para mamili ng kakailanganin niya, hindi na siya nag-abala na kumuha pa ng shopping cart at tumingin-tingin muna sa mga aisles ng possible niyang bilhin. Dumaan muna siya sa liquor station at napansin yung Heineken na tig 6 pieces at kumuha ng dalawa.

“Shit… Nagdala nalang sana ako ng cart.” Sabi ni Ben habang bitbit ang dalawang pack ng beer sa kanang kamay niya.

Dumaan nadin siya sa sa coffee aisle at kumuha ng tatlong pack ng kape na sinilid niya sa ibabaw ng beer na pack sa kaliwang kamay niya.

“Sir Ben!”

Napatingin naman siya sa kung sino tumawag kaniya at nabigla siya na medyo lumundag yung puso niya ng makita niya ulit yung doktora, may kasama siyang babae na panay yung ngiti nang tinignan siya ni Evangeline.

“Doktora! What a coincidence to see you here.”

“Oh how rude of me… This is Ericka nga pala Sir Ben… Kasama ko sa bar kagabi.”

“Nice to meet you… Ben.” Sabi ni Ericka na tinignan si Evangeline.

“Ba’t wala kang dalang cart? Ilagay mo muna dito para hindi kana mahirapan.” Sabi ni Ericka na itinabi yung mga pinangbili niya sa cart.

“Nah I’m good… Eto lang naman yung bibilhin ko eh.”

“Ok… We’ll be on our way then. Nice meeting you again Sir Ben.”

“Wait lang.” Sabi ni Ben na pinigilan ang cart niya.

“May problema ba Sir Ben?”

“I have not formally apologized to you about sa nangyari kagabi.”

“No worries Sir Ben… It is what it is so there’s no need for you to apologize.”

“Can I ummm… Make it up to you somehow? May sasakyan ba kayo pauwi? I can drive both of you home.”

“That is… Actually a great idea diba Vang?” Sabi ni Ericka na binibigyan ng mukha si Evageline na sumang-ayon sa offer ni Ben.

“Ummm… No! It’s okay Sir Ben we can manage naman. Psst Ericka nakakahiya.” Sabi ni Evangeline at siniko si Ericka sa gilid.

“You sure? I mean you no harm kung yan ang iniisip mo.”

Tumingin si Evangeline kay Ericka na binibgyan parin siya ng mukha na sumang-ayon kay Ben, napapikit nalang siya at tumingin kay Ben.

“Ok fine… I hope na hindi kami nakakaabala sayo Sir Ben.”

“No… Not at all.” Tipid na napangiti si Ben.

Matapos nilang mabayaran ang groceries nila ay nag-insist si Ben na buhatin niya lahat ng pinangbili niya habang nakasunod lang sila ni Ericka sa likod.

“Napakagentleman naman pala…” Sabi ni Ericka na nginitian lang si Evangeline.

“Nakakahiya nga eh…”

“Ano ka ba? Nagmamagandang loob na nga yung tao na ihatid tayo pauwi… And besides kilala naman siya ni Councilor.”

Nakaabot si Ben sa sasakyan at binuksan ang compartment sa likod sabay na nilagay sa loob ang mga groceries na hawak niya, nang masara niya ang compartment ay binuksan niya yung pintuan sa back seat.

“Pasok na kayo.”

“Me first.” Sabi ni Ericka at pumasok sa loob.

Papasok narin sana si Evangeline sa loob pero pinigilan siya ni Ericka.

“Opps! I need my space Vang…”

“Anong space eh kasya naman tayong dalawa diyan?”

“Ah basta… Doon ka nalang sa front seat with Mr. Pogi.” Kinindatan ni Ericka si Ben at nakuha agad ni Ben yung mensahe niya.

“Doktora…” Sabi ni Ben at binuksan yung pintuan sa front seat.

“Thank you Sir Ben…”

Nang makapasok silang dalawa sa sasakyan ay napatingin si Ben kay doktora, para siyang namamalikmata at nakikita si Carmen na ngumingiti sa kaniya pero bumalik din siya sa realidad nang binigyan siya ng wondering look ni Evangeline.

“Sir Ben? Ok ka lang?”

“Ummm… You didn’t tell me where to go.”

“Ay sorry! My bad.” Napatakip ng bibig si Evangeline at binigay yung address kay Ben.

Tahimik lang silang lahat sa loob ng sasakyan, pasimpleng tumingin si Ben kay Evangeline na tumitingin sa bintana. Napatingin si Ben sa mirror at napansin na nakatingin din si Ericka, sinenyasan lang siya ni Ericka na kausapin niya si Evangeline gamit ng kamay niya.

“So umm… Doktora… Kamusta naman yung mga bata sa Sanctuary?”

Napatingala naman si Ericka sa likod at dinig yung pagbangga ng ulo niya sa back seat.

“Ok ka lang diyan Ericka?” Sabi ni Evangeline na tumingin sa likod.

“Yeah… I’m fine…”

“Ok… Well about sa sanctuary? Unang beses ko palang pumunta dun which was yesterday, it was really weird na inimbita ako ni Councilor sa bar niya. Unang beses ko palang siya nameet in person.”

“Oo nga naman… May pagkaweirdo talaga yun minsan.”

“Magkakilala kayo Sir Ben? Well of course! Magkasama nga kayo kagabi.” Sabi ni Evangeline na tinaas yung kamay niya na sinagot yung tanong niya.

“Sabihin nalang natin na he’s a long time friend of mine.”

“Ahhh… Makes sense.”

“Do you have kids?”

“Meron… Isa. He’s currently 8 years old na.”

“I see… Pasensya kana, that was a rather strange question.”

“No it’s okay… Ikaw Sir Ben?”

“Ako? Hindi na bata yun… He’s 25 now.”

“25?! So… You’re old na pala.”

“Ack! Old pa nga.” Pumikit at tumingala si Ben pero tumawa din.

“Haha! Sorry Sir Ben. Ilang taon kana ba?”

“North-of-40-now-don’t-ask-more years old.”

“Anong klaseng edad yan? North of 40… What?”

“Oo alam ko… I’m that old.”

“Oi wala akong sinabi!”

Natuwa naman si Ben sa casual conversation nilang dalawa ni Evangeline, tuloy padin yung kuwentuhan hanggang sa makarating din sila sa subdivision na tinitirhan ng dalawang doktora. Nagpark sa harap ng bahay ni Evangeline si Ben at binuksan ang mga pintuan sabay na binuksan yung compartment para kunin yung groceries nila.

“That’s mine… Thank you.” Sabi ni Ericka at kinuha yung bag niya.

“Sir Ben ako na…”

“Ako na… That’s your house?”

“Oo… Ummm… Ericka?”

“I’m good Vang… Mauna na ako sa bahay ko. It’s nice meeting you Ben.” Sabi ni Ericka na kumaway sa dalawa at naglakad pabalik sa bahay niya.

“So uhh… Mauna ka na.” Sabi ni Ben.

“Ay oo nga pala…”

Pagbukas ng pinto ay napatayo si Andrew na naonood ng cartoons sa TV at niyakap ang kaniyang ina.

“Mommy!”

“Andrew… Kamusta yung school?”

“Ok lang…” Napansin agad ng bata yung tao sa likod ng mama niya.

“Sweetie… This is Ben… He is… Mommy’s friend.” Tumingin pa si Evangeline kay Ben sa sagot niya bago bumalik ng tingin sa kay Andrew.

“Saan ko ilalagay to?”

“Sa may kusina… Yaya pakiorganize nga ng groceries na binili ko.”

“Sige po… Sir tara po sa kusina.”

Nilapag ni Ben ang groceries ni Evangeline sa kitchen counter at agad namang binuksan ng yaya ang mga pinangbili at isa-isang nilagay sa dapat paglagyan.

“Andrew!”

Tumakbo si Andrew sa kusina at tinignan yung tao na pumasok sa bahay nila, napansin siya ni Ben at lumapit sa bata.

“Hey champ! Kamusta ka?”

“Are you Mommy’s boyfriend?”

Nabigla naman si Ben sa diretsong tanong ng bata, hinawakan ni Evangeline ang kamay ng anak niya at napayuko sa harap niya.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


“Andrew! Jusko… That was rude of you to ask that.”

“Eh diba sabi mo friend? Eh boy siya tapos friend.”

“Ahhh… That’s what you meant. Yes he is my Boy friend.” Napangiti nalang si Evangeline sa anak niya.

“Yes… And your Mommy is my Girl friend.” Sabi ni Ben na sinakyan nalang yung convo ng mag-ina.

“It’s nice meeting you po… Uncle Ben!” Sabi ng bata.

“Oh… Doon ka muna sa salas, mag-uusao muna kami ni… Uncle Ben mo.”

“Ok!” Tumakbo ang bata pabalik sa salas at nanood ng cartoons.

“Uncle?”

“He needs to somehow address you formally diba? Anyways thank you ulit sa paghatid samin ni Ericka pauwi.”

“Wala yun… Pero seryoso ako na gusto kong bumawi sayo.”

Napatingin naman yung yaya ni Andrew sa sinabi ni Ben, kanina pa itong pinipigilang tumawa habang inaayos yung mga groceries.

“What you did is more than enough na Sir Ben… What happened last night, let’s just leave it in the past puwede?”

“Ok… But can you stop calling me Sir? Just call me by my name nalang.”

“Sure… Ben. Do you want to stop by muna for some coffee? Yaya…”

“Naku huwag na… Malapit nang gumabi… Thanks for the offer though.”

“Ok… Salamat ulit Ben ah? It’s funny na we’re living in a small world and saw each other again.”

“Oo nga naman…Andrew! Aalis na si Uncle Ben mo.” Sabi ni Evangeline at sabay sila ni Ben na pumunta sa salas.

“Bye Uncle Ben! Balik ka dito ah?”

“Sure champ! Next time bilhan kita ng kahit ano! Do you have something in mind?”

“Burger King Chicken Sandwich! Please and thank you!”

“Yun lang? Sige sa susunod.”

“Yey! Babye ulit Uncle Ben!”

Nang makalabas si Ben sa bahay ay bumalik si Evangeline sa kusina para tulungan yung Yaya ni Andrew sa pagoorganize ng groceries.

“Oooyyyy… Si maam…”

“Yaya… Stop it. He is nothing but a friend.”

“Diyan naman talaga nagsisimula yan maam eh.”

“Naku… I beg to differ.”

Sa labas ng bahay ni Evangeline ay napatunganga muna si Ben sa loob ng sasakyan, natawa lang siya sa sinabi ng anak ni Evangeline.

“Boy friend huh?”

Napailing nalang ng ulo si Ben at umalis sa subdivision.

Ipagpatuloy.

carlsonchance010
Latest posts by carlsonchance010 (see all)
Subscribe
Notify of
guest
2 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
2
0
Would love your thoughts, please comment.x