Written by icemeneses6
Ang tukso ay naninirahan kahit saan kahit kalian itoy laging nakaabang gustohin mo mang makaiwas wala kang magagawa kung sa init ng mga nakaw na saglit ikaw ang unang nadarang. Ang karanasan kong ito ay naganap ng minsang umuwi ako ng aming probinsya sa kalakhang kabite.
Taong 2012
Nakatanggap ako ng mahalagang tawag mula sa aking ama na nooy naka destino pa sa Saudi Arabia isa syang manager sa isang malaking kompanya doon. Agaran kasi akong pinauuwi sa aming probinsya dahil pinatitingnan sa akin ang nabili nyang lupa’t bahay sa imus kabite kalahati na kasi ng bayad ang naibigay nya sa kasamahan nya doon ibinenta daw ito dahil balak na ng dating may ari na lumipat at pirmihang manirahan sa batangas.
Dad: anak pamahalaan mo muna ang nabili nating ari arian doon sa imus bisitahin mo na rin yung bahay kung magugustuhan mo dahil sa picture ko lang yan nakita eh sa sobrang interes ko binili ko agad kasi napaka mura lang binigay
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
Ako: ho? Kalian po ba?
Dad: ikaw ang bahala kung kalian mo maasikaso yan basta sa lalong madaling panahon asikasuhin mo yon pakiramdaman mo rin ang lugar kung akma sa iyo dalawin mo narin ang mga lola mo sa atin sa kabite at ikay bihira na doon makita alam mo naman na ikaw nalang ang gagawa niyan busy din ang mama mo ikaw ang hinahanap doon
Ako: Dad may trabaho ako pano yun?
Dad: may mawawala ba sayo kung kumuha ka ng hahalili sayo oh ilang araw ka magsara para makapiling ang mga kamag anak natin? Alam kong mahal mo trabaho mo pero kailangan mo ng pahinga ilang araw na bakasyon sige na at may gagawin na ko inaasahan kong di mo ko bibiguin tatawag ako doon para tiyakin sa kanila kung dumaan ka
Ako: sige po magpapaalam ako kay mama ingat po kayo lagi.
At natapos ang aming pag uusap dali dali kong ipinaalam kay mama ang balita ni dad at ang pasya nyang pauwiin ako panandalian para tingnan ang aming nabiling property. Pumayag naman ito agad at iniayos ko na ang aking sched upang maasikaso na ang iniuutos sakin ng aking ama
Napaka taas ng expectation sa akin ng aking ama palibhasay naging masunurin ako at ayon sa kanya naging successful naman ako sa aking mga pinasok na business
Isang Gabi bago mag sara sa aking NETSHOP, nagpaalam muna ko sa aking mga kaibigang players.
Ako: Guys, bukas byernes aalis ako may aasikasuhin ako sa probinsya sa kabite lunes ng umaga balik ko kailangan eh pano sa lunes na lang?
Players: ok lang boss di muna kami magdodota dito ang homecourt namin namin eh
Ako: ok lang na makipagdota kayo sa ibang shop basta pag balik koy dito ulit kayo wag kayong mag alala may pasalubong kayo sa akin
Players: yon boss the best ka talaga salamat alam mo namang sainyo kami isa pa ho nakakatamad dumayo
Ako: salamat kung ganon di kayo mawawalan
Pagkatapos ng 5games nila sila nama’y nag paalam na pauwi at akoy naglinis na at nagsara ng shop at naglakad pauwi narin
Sa bahay habang nag hahapunan nag uusap kami ni mama.
Mama: Kalian mo balak umalis
Ako: bukas po sana ng umaga ma kung pwede alam nyo na si daddy kailangan laging areglado
Mama: papaano ang shop mo at studio mo?
Ako: isasara ko ho sana eh pero kung gusto nyo pabantayan nyo kay kulot yung shop
Mama oh sige basta sa lunes ng umaga umuwi ka na ha kasi mahirap naman ipagkatiwala sa kanya iyon nung nakaraan apat na unit yung sira isang araw ka lang nawala
Ako: sumasabay ho kasi yun mag laro sa mga nagdodota kaya minsan naooveruse yung gamit ng di nya alam
Mama: basta sa lunes umuwi ka ha papupuntahin ko muna si tita sue mo dito ng may kasama ako sa bahay at mag ingat ka ha ang pag mamaneho wag kaskas
Ako: opo ma alam ko po yun di bali nang marahan kaysa mabilis makarating ngunit dalawa ang hantungan
(tita sue ang kapatid ni mama na nanay ni kulot)
Agad kong hinugasan ang plato na pinagkainan nag pahinga ng konti naligo at natulog
Kinbukasan nagising ako nang alas sais di ito ang normal na gising ko ngunit dahil nga may lakad ako nang nag ring ang aking celphone nang aking sagutin si daddy ang tumatawag chinecheck nya kung paalis na ko agad kong binigay kay mama ang telepono ng sila ay makapag usap at ako naman ay makapaligo..
Pagkatapos kong maligo nagulat ako ng nakahanda na ang pagkain ko siguro ay may goodnews si mama at di nga ko nag kamali. Kasalukuyan akong kumakain ng syay mag tanong sa akin
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
Mama: nak anung oras ka aalis
Ako: alas 8 po siguro or alas 9 bakit po ma
Mama: pasabay ako kukunin ko kasi ang padala ng daddy mo sa bangko eh
Ako: kaya pala masaya kayo eh sige po hatid ko kayo sa bangko bago ako magpunta sa cavite
Pagkatapos kong kumain inihanda ko na ang aking gamit mga damit ilang gadgets at ang pinaka paborito kong jersey ni VERGEL MENESES Sunkist away jersey na galing mismo sa kanya pina custom ko nalang ito para magfit sakin masyadong malaki eh pumayag naman si tiyong VM dinala ko yon baka mapalaban kasi sa basketball mabuti ng handa ngunit ibang laban pala ang aking susuungin. (Nakakabagot sa cavite eh panay puno doon kaya kailangan may dalang paglilibangan)
Pagkatapos kong makaayos ng mga gamit ay inintay ko si mama na makatapos ng kanyang gawain at inihatid ko sya sa bangko para kunin ang padalang pera ni daddy.
Sadyang nakakabagot magbiyahe papuntang cavite kasi may kalayuan din mahigit dalawang oras din akong nagbyahe papunta doon mabuti. Nalang at dala ko ang psp ni yuan na naiwan at mp3 player na 4gig kaya siguradong di ako mababagot
Sawakas tanaw ko na ang waiting shed na palatandaan na malapit na ko sa amin ilang minuto pa ay nakita ko na ang ibang kamag anak namin at iniguide ako papuntang garahe. Malaki rin pala ang pinagbago ng bahay ng mga lola ko medyo modern na (lahat naman kasi ng mga kapatid ni dad ko ay nanggaling din sa ibang bansa nakapagpundar at ngayoy may sarili naring mga negosyo.
Pagbaba ko sa kotse sinalubong ako ng lola ko siya si lola Anastacia o tacia
(iniba ko ulit lahat ng pangalan ng mga mababangit dito sa pag lalahad ko ng natatanging sekreto)
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
Lola: nako ang apo ko talagang pagkakisig na eh bakit naman akoy ngayon mo lang dinalaw akoy nagtatampo na eh
Ako: lola busy po ako sa negosyo eh alam nyo na si daddy kailangan areglado
Lola: ay nasabi nga ng ama mo ang tungkol sa iyong pagdating ang buong akala koy pipikit ako ng di na kita nakikita
Ako: la wag nyong sabihin yan magpalakas kayo (dinadialysis ang lola ko ng mga panahong ito)
Agad kumalat ang balita na ako ay dumating sa aming probinsya halos lahat ng kamag anak koy magiliw akong sinalubong ngunit isang tao pagkakataon at sekreto ang magpapaiba ng ilang araw na bakasyon ko dito sa probinsya namin
—-sundan—-
- MUSIKA AT PAGNANASA (mga selebrasyon) 6 - January 4, 2024
- MUSIKA AT PAGNANASA (mga selebrasyon) 5 - December 28, 2023
- MUSIKA AT PAG NANASA (mga selebrasyon) 4 - December 21, 2023