Uncategorized  

Ang Swerte, Kinuha!

Michelangelo
Ang Swerte, Kinuha!

Written by Michelangelo

 


Happy New Year!!!

This is a work of fiction.

Arthur

Ako si Arthur, 26 taong gulang at walang trabaho. Dalawang taon na kaming mag asawa ni Jem. Si Jem naman ay housewife ngunit gusto na rin niya magkatrabaho. Pinipigilan ko lang dahil ayaw ko talaga syang papagtrabahuhin. Wala pa kaming anak sa kadahilanang wala pa rin akong makuhang trabaho mula nang maredundant ako sa aking trabaho bilang merchandiser sa isang sikat na department store 6 na buwan na ang nakakaraan. Kaya hanggang condoms muna ako noon, pero dahil wala ng pera ay withdrawal na lang muna.

Nasa kahuli-hulihang 200 piso na lang ang natitira sa bulsa ko. Nagsubmit ako ng application sa isang supermarket sa katabing bayan. Malapit na ako sa bahay nang naisipan kong bumili muna ng softdrinks sa tindahan. Di ko namalayan ay nakatitig na ako sa lotto outlet sa tapat ng tindahan. 135 milyong piso ang jackpot.

Nakakalulang halaga.

Para akong robot na dinala ng aking mga paa patawid sa outlet. Ang aking huling 200 pesos ay gagamitin kong pambili ng ticket. Di ito maatim ng konsensya ko, ngunit mas kailangan namin ng pera. Nang papalapit na ako sa cashier ay naunahan ako sa pila ni Mang Gabo, ang aking kapitbahay na retirado umanong pulis.

Mang Gabo: Lima nga sa 6/45, lucky pick.

Tinignan ako ni Mang Gabo at saka ito kumindat sa akin at napangisi. Ewan ko at biglang uminit ang aking ulo. Ilang beses na kasi niyang inaalok si Misis na mangutang sa kanya dahil tila alam nito na kasalukuyang hirap kami sa pera. Tumaya na ako ng lima rin, sa halagang 100 piso at nagmadali na sa bahay.

Sinalubong ako ng aking magandang maybahay. 25 anyos pa lamang si Jem at talaga namang dalagang-dalaga pa ang itsura niya. Malaki ang kanyang suso at matambok ang kanyang puwet, bagay na lubos kong pinanggigilan tuwing nagsesex kami. Maputi si Jem at alagang alaga ang kanyang kutis. Kaya nalulungkot ako dahil malapit nang maubos ang supply ng skin care ni Jem at wala na kaming pambili, maski pangkain ay mauubusan na.

Jem: Alam mo hon, pinuntahan ulit ako ni Mang Gabo kanina.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Ako: Ano na namang gusto niya? Pautangin ka daw?

Jem: Oo hon, kahit isa or dalawang buwan ko pa raw bayaran. Pero nakakatakot kasi ang itsura niya. Mukhang manyak. Kakaiba ang tingin niya sa akin.

Ako: Hayaan mo na lang siya hon. Hanggang tingin lang yun.

Jem: Pero kung di ka pa rin nakakahanap ng work, baka tuluyan na tayo mangutang sa kanya, siya lang naman kasi ang willing magpautang sa akin. Or maghahanap na talaga ako ng trabaho.

Ako: Sige, kung hindi pa rin ako natanggap sa inapplyan ko ngayon, humanap ka na.

Kinabukasan, nakaupo ako sa labas ng aming apartment at nakatitig sa mga numero ng lotto. Walang tumama ni-isa sa mga tinayaan ko. Ang tanging pag asa ko na lang ay makuha ako sa aking inapplyan. Ngunit kailangan na naming umutang dahil kapos na kami para sa susunod na mga araw. Doon ko napansin na may nakadungaw na mukha sa gate. Si Mang Gabo. Sumenyas ito na lumapit ako sa kanya.

Ako: Anong kailangan mo Mang Gabo?

Mang Gabo: Pwede mo ba ako papasukin? May sasabihin ako sayo na importante.

Pinapasok ko si Mang Gabo. Umupo ito sa tabi ko. May nilabas ito mula sa kanyang bulsa at pinakita sa akin.

Mang Gabo: Tignan mo ito.

Ito ang lotto ticket niya. Nanlaki ang aking mga mata. Tumama ang kanyang ticket! 135 milyong piso! Napa nganga ako.

Mang Gabo: Ano sa tingin mo, Art? Sayo dapat yan, kung di lang ako nauna sayo sa pila kahapon.

Bigla akong nanlambot. Tama nga naman. Akin dapat ang ticket na ito kung di niya lang ako inunahan sa pila. Umakyat ang dugo sa ulo ko. Wala akong masabi sa galit at panghihinayang. Gusto kong punitin ang ticket sa galit.

Mang Gabo: Ahh. Siguro hinayang na hinayang ka ano? Gusto mo na bang punitin yan? Hahaha

Aba ang matandang to, nang aasar na nga, nababasa pa ang nasa isip ko!

Mang Gabo: Pero bago mo punitin yan, tignan mo muna sa likod.

Tinignan ko ang likod. Walang pirma. Blanko.

Ako: Bakit di mo pa pinirmahan?

Mang Gabo: My boy, my boy! Di mo pa ba nagegets? Ibinibigay ko na yan sayo!

Biglang lumundag ang puso ko sa kanyang sinabi. Bakit kaya? Siguradong may kapalit ito.

Ako: Di nga? Seryoso ka ba?

Mang Gabo: Eto ballpen, pirmahan mo, now na!

Nanginginig ang aking kamay na kinuha ang ballpen. Di ko maisulat ng maayos ang pangalan ko at pirma.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Mang Gabo: Ano ka ba, dahan-dahan lang at baka magkamali ka ng maisulat dyan, jusko!

Matapos ang pinakamatagal na panahong naisulat ko ang aking pangalan ay napirmahan ko na ito.

Ako: Naku, salamat Mang Gabo, maraming maraming salamat talaga! Gusto mo ba bigyan kita ng 30 milyon? 40 milyon? Hati tayo?

Mang Gabo: Hindi, no need my boy. Bumili ka ng mansyon, mamahaling sasakyan, relo, kahit anung gusto mo.

Ako: Ahh sige, ibibili ko na lang ng bag ang asawa ko. Matagal na niyang gusto magkaroon ng bagong bag.

Mang Gabo: Ahh, yes, about that. No need.

Bigla akong nagtaka sa kanyang sinabi.

Ako: Umm, bakit naman po?

Mang Gabo: Pinirmahan mo yan, pero hindi mo pa ako tinatanong kung anong kapalit. Hehehe.

Syet! Oo nga. Naisahan ako ni tanda. Bigla akong kinabahan kung ano ang “kapalit” na gusto niya.

Mang Gabo: Gusto kong maging asawa ang asawa mo. Sa loob ng isang buwan!

Ako: NAHIHIBANG KA NA BA MANG GABO???

Mang Gabo: Wait, wait. Kalma ka lang. Alam mo namang matagal ko nang gusto ang asawa mo diba?

Akmang pupunitin ko na sa kanyang harapan ang lotto ticket, ngunit tila naparalisado ang kamay ko. Di ko alam kung bakit. Ayaw nitong gumalaw. Na para bang may umaawat sa kamay ko na punitin ito. Di ko talaga ito magalaw.

Mang Gabo: Oppp! Wag na wag mong pupunitin yan. Pag isipan mo muna mabuti.Isosoli ko sa iyo ang asawa mo ng mas maikli sa isang buwan, kahit sa makalawa pa, kung matatapos mo agad ang ipapagawa ko sa iyo.

Wala akong magawa. Ang pakiramdam ko ay bumagsak ang langit at humalo sa impyerno. Kailangan ko talaga ang pera, ngunit mas kailangan ko ang aking asawa. Nagpatuloy si Mang Gabo.

Mang Gabo: (pabulong) Patayin mo ang Gobernador ng probinsyang ito.

Ako: Ha?!? Hinding hindi ako mamamatay tao! Imposible naman ata yan!

Mang Gabo: Sa perang makukuha mo ay posible yan. Kung mapapatay mo siya bukas, edi ibabalik ko na asawa mo, ora mismo!

Ako: Yun ay kung sasama siya sa iyo!

Mang Gabo: No need, di ka ba nagtataka kung bakit wala siya ngayon?

Ako: Anong ibig mong sabihin? Bumili sya ng pang almusal namin…

Di ko na natapos ang aking sinabi. Bumagsak ako sa lupa.

Mang Gabo: Nandun na siya sa aking bahay. Don’t worry my boy, she’s safe and sound with me! Bwahahaha!

Ako: Putangina mooooo ibalik mo asawa ko!!!

Susugurin ko na si Mang Gabo nang bigla akong nakaramdam ng malakas na tapik sa aking ulo. Yun na ang aking huling naalala bago ako nag blackout.

Pagkagising ko ay nakalapag sa kalapit na lamesa ang isang sulat at isang iPad tablet.

“Dear my Boy Arthur,

Kailan ka ba matututong maging kalmado? Binigyan kita ng isang malaking regalo, na may maliit na kapalit, ngunit sasaktan mo ako? Anyways, meron kang isang buwan upang tapusin ang aking assignment. Gamitin mo ang pera. Magsanay ka ng combat training, bumili ka ng hitman mo, bahala ka. Wala akong pakialam.

May isa pa akong maliit na maliit na kondisyon. Siguraduhin mo na hindi ako madadawit sa krimen. Pati ikaw. Kung ikaw at ako ay madadawit dyan kahit katiting lang, hinding hindi mo na makikita ang asawa mo kahit kailan. Gayundin pag natapos ang isang buwan kong palugit. Akin na ang asawa mo habangbuhay.

Hindi ko rin masisiguro sa iyo na babalik pa ang asawa mo sa iyo sa loob ng isang buwan. Malay mo, magustuhan na niya ang trato ko sa kanya. May “needs” din ang mga babae, di ba?

Nandyan sa tablet na yan ang app na “Vision” ang pamagat. Makikita mo dyan ang CCTV ng buong bahay kung saan naroroon ang asawa mo. HD yan pati ang sounds klarong klaro. Para di mo naman masyado mamiss ang asawa mo. Pero yun lang, hindi ka nya maririnig.

Good luck, hastalavista my boy!”

Binuksan ko agad agad ang tablet at bumungad sa app ang CCTV footage. Hindi ito ang katabi naming bahay kung saan nakatira si Mang Gabo. Sa ibang bahay siya dinala. Magara ang bahay, tila isang mansyon. Apat na panels ang nakikita rito. Ang unang view ay isang malaking sala na may naglalakihang sofa set. Ang pangalawa ay isang recreation room, may billiard table, bar, fridge na puno ng alak at sofa set. Ang ikatlo ay ang kwarto kung saan naroroon ang asawa ko. Malaki ang kama, may sofa set at TV, at naglalakihang mga dressers at cabinets. Si Jem ay nakaupo sa gitna ng kama, nakabaluktot ito at umiiyak. Alalang alala siya sa mga pangyayari. Ang ikaapat at huling panel ay isang banyo. Meron itong jacuzzi tub at shower. Tingin ko ay ito ang banyo ng kwarto kung saan naroroon si Jem.

Sumigaw ako upang kunin ang kanyang atensyon, ngunit wala itong naririnig. Pumasok sa kwarto si Mang Gabo.

Jem: Mang Gabo?!? Ikaw pala ang kumidnap sa akin? Walang hiya ka!!!

Mang Gabo: shhh shhh shh! Parehas na parehas kayo ng asawa mo. Kalma ka lang!

Jem: Ano!? Anong pinagsasabi mo? Nasaan ang asawa ko?

Mang Gabo: Wala siya rito. Pero meron akong ikukwento sa iyo. Kung bakit humantong sa ganito, hahaha! (Sabay tingin nito sa camera)

Ikinuwento ni Mang Gabo ang detalye sa aking asawa. Shocked ang expression ni Jem nang matapos ito. Walang labis, walang kulang.

Jem: Hindi! Gumagawa ka lang ng kwento! Sinasabi mo iyan pero pinatay mo na talaga ang asawa ko! Walang hiya ka! Demonyo!

Mang Gabo: Kung meron akong positibong ugali, natitiyak ko sa iyo Jem, yun ay ang hindi magsinungaling. Buhay pa nga ang asawa mo, at pinanalo ko sya sa lotto! Ikaw nga lang ang kapalit. Hahaha!

Nanghina si Jem at natulala. Bagsak ito sa kama.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Tinabihan ni Mang Gabo ang aking magandang asawa. Hinaplos at sinuklay ng kanyang kulubot na kamay ang ulo ng aking asawa. Nakatitig lang si Jem sa ceiling. Tila wala na itong pakialam sa susunod na gagawin ni Mang Gabo. Napaiyak ako ng hinalikan ni Mang Gabo ang pisngi ni Jem.

Pinatay ko na ang tablet sa sama ng loob. Kasalanan ko ang lahat. Di ako nag iisip at pinirmahan ang lotto ticket ng basta lang. Patawad, aking asawa!

Huminga ako ng malalim at saka nag isip. Kinuha ko ang lotto ticket na nasa lamesa at dali-daling umalis ng bahay.

Itutuloy.

Michelangelo
Latest posts by Michelangelo (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x