Written by Riyu_08
The desire to be loved is one of the primal forces that rules all that lives. But what if it’s beyond that?
-A.C.N.L
Bago lang ako dito sa Maynila. Taga probinsya talaga ako. Pero dahil nga maliit lang ang oportunidad dun, eh naisipan ko ng makipagsapalaran dito. Tawagin niyo nalang akong Eli. Nakapag tapos din naman ako sa kursong entrepreneurship sa community college ng bayan namin, at maswerte na din na nakapasok bilang admin office staff(purchasing officer) sa isang ecozone ng cavite.
Nakatira ako sa isang apartment sa Trece. Medjo may pagkaluma na yung bahay pero tahimik at maaliwalas naman. Medjo papasok din siya at lalakarin mo pa konti sa mula sa kalsada. Kung babae siguro ako, matatakot ako maglakad kasi yung isang gilid ng eskinita ay pader ng pabrika, at yung kabila naman ay matatas na talahiban. Pero dahil lalaki naman ako ay okay lang.
Madami akong ikinabigla sa lugar dito sa Luzon. Kasi nga probinsyano. Kahit pa tinuturing na din na probinsya etong Cavite. Kaya madalas pagtapos ng opisina ay diretcho na ako uwi. Pero isang araw niyaya ako magsamgyup ng mga katrabaho ko. Sa totoo lang unang beses ko makapunta sa mga ganyang klaseng kainan pero dahil pakikisama na din sumama na din ako.
Gabi na kami natapos. Alas nuwebe na din ata nun. Naenjoy ko naman sila kausap. Natatawa sila sa mga birong pang probinsya. Akala nga daw nila guard yung aapplyan kong trabaho kasi tindig ko daw pang militar.
Pagkababa ko ng jeep ay biglang buhos naman ng ulan. Swerte nalang kasi may waiting shed malapit. Hinubad ko nalang leather jacket ko habang sumisilong.
Nung nakasilong na ako napansin ko na may nakaupong babae. Nakayuko lang siya pero tiningnan niya ako saglit. Pero sa saglit na yun, naaninag ko itchura niya. Maputi yung kutis niya, tchaka may pagkameztisa. Nung inayos niya buhok niya papunta tenga, sumulyap ako ulit konti. Ang ganda ng korte ng mga mata nya. Nakadamit pajama lang siya kaya nagalala ako baka lamigin siya.
Eli:Â “May hinihintay kayo maam?”
Hindi lang siya kumibo. Halatang natatakot siya kaya napahiya ako ng konti.
Eli: “Sorry maam pero madalang pa naman mga tao dito. Baka gusto niyo muna umuwi.” Sabi ko sa kanya. Sabay abot ng jacket ko kasi parang nilalamig na talaga siya.
Babae:Â “O-okay lang. Hinihintay ko asawa ko”
Pagkasabi niya nun medjo dumistansya ako isang hakbang. Syempre mahirap na baka dumating asawa niya. Baka ano isipin. Sa puntong yun medjo tumila na din ulan.
Eli: “Ay sige po maam. Ingat po kayo dito.” Sabay taklob sa ulo ko nung jacket ko. Sisimulan ko na sana maglakad pero bigla ko siya narinig
Babae:Â “Wala kaba payong?”
Eli:Â “Wala po eh. Bago lang din kasi ako talaga dito. Hindi pa ako nakabili madaming gamit”
Babae:Â “Kanto ka din no? Sige sabay nalang ako sayo”
Nagsimula na kami maglakad. Habang naglalakad naaamoy ko bango niya. Kung titignan kami dalawa aakalain na magkasintahan kami. Ang cute niya maglakad medjo maliit kasi siya kesa sakin, 5’10 kasi ako.
Eli: “Ako nalang hawak sa payong” sabi ko sa kanya. Inabot niya naman agad yung payong. Aaminin ko hindi ko nga akalain na may asawa na siya. Pero sa singsing sa kamay niya naisip ko na totoo nga. Napansin ko din na parang may pasa siya sa may bandang pulso
Eli: “Eli pala pangalan ko. Pero Eleazar talaga buo” pakilala ko sa kanya.
Babae: “J-Jane” sabi niya sabay tingin sakin.
Aaminin ko. Hindi ko alam bakit pero nahypnotize ako sa ganda niya. Lalo na sa mga mata niya. Pero bakit parang ang lungkot niya.
Tumigil kami sa isang bahay. Napansin ko na saktong likod talaga siya nung nirerentahan ko. Halos magkadikit na pero may pagitan padin na kasya siguro tao.
Eli: “Ay dito ka naba?” Tanong ko.
Jane:Â “Oo san kaba?”
Eli:Â “Iikot pa ako jan sa kanan. Pero grabe ah halos magkahalikan na pala tinitirhan natin”
Napansin ko ngumiti siya. Kung alam niyo lang ano naramdamdaman ko sa ngiting yun. Pero d na siya sumagot tapos pumunta na ng gate nila. Ako naman dumiretcho uwi na din. Tumakbo na ako kasi pabilis na din ambon.
Pagpasok ko kwarto. Tumingin ako sa natatakpan na bintana. Nung unang araw ko palang dito may takip na siya eh. Pero naisip ko pag tinanggal ko yun makikita ko likod ng bahay ni Jane.
Kinabukasan sabado kaya nilinis ko yung parte na yun ng apartment. Tinanggal ko mga takip na karton sa bintana tapos nilagyan ko mesa paanan ng bintana. Naglagay naman ako ng kurtina para may tabing padin. Ewan ko ba. Simula nung nakita ko siya ngumiti. Parang gusto ko na siya makita lagi.
Pagkatapos ko maglinis napansin ko na sakto may bintana din sa likod nila jane. Pero wala atang tao kasi wala akong naaaninag na kaluskos.
Nung hapon nakatulog na ako sa mesa. Nagising nalang ako sa ilaw na parang galing sa katapat na bahay. Nung narealize ko yun syempre napaiktad ako kasi kena Jane yun.
Gusto ko lang linawin sa lahat na wala akong intensyon na sirain buhay niya. Nirerespeto ko na may asawa na siya. Wala naman ako gustong ipahiwatig o mangyari. Wala, gusto ko lang siya makita.
Nakarinig ako mula kena Jane ng mga boses. Parang anjan nga asawa niya. Siguro kaya sila wala kanina kasi may pinamili.
May pumasok sa kwarto na katapat ko. Mosaic yung salamin ng bintana nila pero aninag ko naman na babae yung pumasok. Nagtali siya ng buhok kaya kita ko korte ng katawan niya.
Eli: “Ang ganda mo talaga no” bulong ko sa sarili ko.
Nung akmang maghuhubad siya ng t-shirt. Yumuko ako. Ayoko siya lapastangin ng ganun lang. Nilabanan ko temptasyon na tumingin kahit pa gusto ko. Pagbalik ng tingin ko nakasuot na siya ng ibang damit. Napangiti lang ako. Pero napawi ngiti ko sa mga narinig ko. Siguro asawa niya yun
Lalaki: “Sabi ni mama may lalaki ka daw na kasabay kagabi! Hinatid ka sa gate!” Sigaw nung lalaki. Maya maya nasa may pinto na siya ng kwarto na kinatatayuan ni Jane.
Jane: “Nakipayong lang yun Jake. Taga dito daw kasi yun” paliwanag ni jane habang iniiwasang tumingin sa lalaki.
Jake:Â “Wag moko malokoloko ah. Nasa maynila nga ako para magkandaugaga trabaho tapos may pasundo sundo kana. Sino yun?!”
Jane:Â “wala nga yun. Nakipayong la-“Â hindi na nakatapos sa salita si Jane.
Sinalpokan na agad siya ng asawa niya. Sa lakas, hindi ko alam kung sampal ba yun o suntok na. Pinilit umalis ni Jane ng kwarto. Pero hinaharang siya. Tinulak siya papunta sa sulok kaya napahiga siya. Akala ko nalaglag siya sa sahig kaya napatayo ako. Buti nalang patay mga ilaw ko kaya d nila ako aninag. May higaan pala dun sa pagkahiga ni Jane.
Hinubad nung lalaki yung sintoron nya sabay hila sa kamay ni Jane. Nagpupumiglas si Jane pero mas malakas padin lalaki. Nanlumo nalang ako nung nakita ko pano niya hinampas sa may pulso si Jane.
Ang sakit. Oo masakit makakita ng ganun kahit estranghero man kami sa isat-isa.
Jane: “Tama na. Tamaaa naaa” hikbi ni Jane.
Tumigil yung lalaki sa hampas tapos kinuha isang kamay pa ni Jane. Pinulupot niya sinturon niya sa kamay ni Jane.
Akala ko tapos na kababoyan niya pero bigla siya naghubad ng T-Shirt. Nung nakita ko yun, nagmadali akong islide yung makapal na kurtina.
Habang nandun padin ako nakatayo. Rinig ko pano umiyak si Jane.
Jane: “Ayokoooo. Ayokooo” yung boses niya na nagmamakawa.
Jake:Â “Nagpasundo-sundo ka nga sa iba tapos asawa mo ayaw mo pagbigyan! Nagpakantot kana ba dun?! Hah!?!”
Iyak at hikbi nalang nagawa ni Jane. Bago pa ako makarinig ng kung ano. Nagmadali na ako lumabas ng kwarto. Umupo ako sa dining table pero yung utak ko parang nandun padin sa bintana. Parang naririnig ko pa iyak at pag mamaka awa ni Jane. Nagsuot ako ng Headset para matakpan yung narinig ko.
Kumuha ako ng gin sa cabinet sabay inom sa baso. Wala ng juice juice.
Eli:Â “Abi nakog si nanay ray makit an nako nga gaantos pareha adto”(akala ko si nanay lang makikita kong naghihirap ng ganun)
Kinuha ko yung bag sa taas ng cabinet. Pagkabukas ko ng bag, biglang nagkalaglagan yung bala.
Itutuloy…..
- Magkatapat Na Bintana 7 - April 24, 2022
- [1902] Hacienda De Pecado - April 22, 2022
- Magkatapat Na Bintana 6 - April 19, 2022