Written by Juano9
WARNING!!!!
Ang kuwentong inyong matutunghayan ay hango nga lamang sa malikot kong imahinasyon. At ang mga pangalan at pangyayari sa kuwentong ito na mababanggit ay walang anumang kinalaman sa mga tunay na kaganapan. Kung mayroon mang pagkakahalintulad, ito po’y hindi sinasadya at inihihingi ko rin po ito ng paumanhin. Maraming salamat po….
Ang pagpapatuloy
Pagkaraan nang mainit na mga tagpo sa pagitan ng magkaibigang Nicole at Ashley, isang umaga mula sa isang pawnshop. Isangndalaga ang dumatig na may bitbit na pagkain, dito ay dumiretso ang nasabing dalaga sa isa sa mga security guard ng pawnshop. At ang dalaga ngang iyon ay si Daphnebat nilapitan nga nito ang amain niyang si Daniel. Dito ay iniabot ni Daphne ang dala nito na siyang pang-tanghalian ni Daniel na luto nang asawa nitong si Wena.
Daphne: Tito Daniel, nakalimutan niyo raw ho itong pananghalian niyo mamaya! (wika nga nito sa amain)
Daniel: saamat Ney, naabala ka pa tuloy sa pagpaasok mo! (sagot naman nito)
Daphne: ayos lang ho tito, maaga-aga pa naman ho!
Sa puntong iyon sa gitna nang kanilang pag-uusap, isang puting sasakyan ang huminto sa mismong tapat ng naturang pawnshop. Mula sa loob sa pagbukas nang pinto ay bumaba ang isang mataas, maputi at magandang babae na si Francine kasama ang anak nito maging yaya ng bata.
Daniel: magandang umaga ho maam! (ang agad na bati nito)
Francine: good morning! (balik nito)
Pagkaraan niyon ay ipinakilala naman ni Daniel kay Francine ang kaniyang step daughter na si Daphne at nagkamay pa ang dalawa. At pagdalay diretso nang pumasok sa loob ang mag-ina at naiwan naman ang mag-amain na di nagtagal ay nagpaalam na rin ang dalaga kay Daniel. Ilang oras ang makalipas sa loob nang opisina ay ipinatawag ni Francine si Daniel at sa pagpasok nito ay iniabot ni Francine kay Daniel ang isang puting sobre na naglalaman ng salapi.
Francine: pasensiya ka na Kuya Daniel kung hindi ako nakarating sa kasal niyo ni Ate Wena! at pasensiya na rin at ginawa ko ng cash ang gift ko sa inyo! (paliwanag nito)
Daniel: maraming salamat po maam! naiintindihan ko naman po dahil alam ko naman ho na busy kayong madalas ni Sir Ron-ron! (tugon naman nito)
Francine: basta Kuya Daniel huwag mong sasaktan at paiiyakin si Ate Wena!
Daniel: ahm tiyak yun maam..
At maya-maya pa ay dito na lumabas nang opisina si Daniel at balik sa mga ginagawa naman si Francine.
Samantala, sa probinsyang pinagmulan ni Mang Fred ay naipaabot na rin nito sa kaibigan niyang si Mang Julio ang pagkikita nila ng kaniyang anak. At ang balita namang iyon ay agad niya namang ibinalita sa kaniyang asawang si Mrs. Lourdes.
Mang Julio: isang maganda at masamang balita ang sasabihin ko sayo tungkol kay Pareng Fred! (aniya nito sa asawa)
Mrs. Lourdes: anong balita kay pare? (sagot nito)
Mang Julio: ang magandang balita, nagkita na silang dalawa ng anak niya na si Francine! at ayon kay Pareng Fred, malaki ang pinagbago nang anak niya at natutuwa rin siya dahil kita niyang nasa maayos ang lagay nito. kaya lang ang masamang balita, hindi siya nagawang patawarin ni.Francine! (saad nito)
Mrs. Lourdes: nauunawaan ko rin naman si Francine, kung talagang masakit sa kaniyang kung anuman ang nangyari! talagang ganoon ang magigi niyag reaksyon! (usal naman niya) pero ano nga ba talaga ang nangyari sa mag-ama? (dagdag pa nito)
Mang Julio: hindi ko rin alam, walang sinasabi sa akin si Pareng Fred! basta ang sinabi niya lang sa akin, nagtampo sa kaniya si Francine at lumayas! (sagot nito)
Sa puntong iyon pagkaraan nang sagot niya ay tumunog ang celphone nito na nakalapag sa lamesa. At nang tingnan niya iyon ay makikita ang pangalan ni Mrs. Amy, dahil kaharap ang asawa ay hindi niya ito sinahot na napanain naman ni Mrs. Lourdes.
Mrs. Lourdes: oh, bakit hindi mo sinagot? (tanong nito)
Mang Julio: okey lang yun, hindi naman kasi importante!
At pagdakay hindi na nga nag-usisa pa ang ginang habang pasimpleng sinusulyap-sulyapan naman ni Mang Julio ang celphone nito.
Samantal, habang patuloy na gumagawa nnagnparaan si Nicoleaging ang kaibigan nitong si Ashley. Para matulungan si Mang Fred na malaman kung saan nakatira ang anak nito, isang hating gabi sa silid ng mag-asawang Johnny at Mel. Mula sa mahimbing na pagkakatulog ng ginnag ay naalimpungatan ito. At sa pagbaling niya sa kanan niyang bahagi paharap sa asawa ay nagtaka ito sapagkat wala sa tabi niya ang asawa. Kaya naman dahil doon ay bumangon ito at nilinga ang buong paligid hanggang mamataan nito ang liwanag na nagmumula sa loon ng kanilang shower room. Dahil dito ay nagpasya ang ginang na tumayo at tinungo nito ang nakapinid na pinto nh shower room. Sandali muna niya itong pinakinggan at nadidinig niya na parang may umuunhol na babae. Dahil dito ay kinabahan siya at di malaman kung bubuksanba niya ang pinto o babalik sa kaniyang higa. Hanggang sa mapagpasyahan nito na buksan ang pintuang iyon at sa pagbukas niya ng pintuan ay nagulat ito sa tumambad sa kaniyang mga mata.
itutuloy……….
- Kapalaran 7 - March 16, 2023
- Kapalaran 6 - February 26, 2023
- Kapalaran 5 - February 20, 2023