Written by Juano9
WARNING!!!!
Ang kuwentong inyong matutunghayan ay hango nga lamang sa malikot kong imahinasyon. At ang mga pangalan at pangyayari sa kuwentong ito na mababanggit ay walang anumang kinalaman sa mga tunay na kaganapan. Kung mayroon mang pagkakahalintulad, ito po’y hindi sinasadya at inihihingi ko rin po ito ng paumanhin. Maraming salamat po….
Ang pagpapatuloy
Sa mga sumunod na mga kaganapan sa unit ni Devie, bagamat nabitin ito sa kanilang ginawa nang asawa ay wala rin naman siyang magawa. Hanggang sa magpaalam na ito sapagkat magiging abala na naman ang asawa sa trabaho nito sa barko.
At doon nga sa MOA sa parking area, habang papalapit na si Mang Fred sa kanilang sasakyan ay natigilan ito. Ito ay nang matanawan niya ang isang mataas, maputi at magandang babae na nakatalikod. Bagamat nakatalikod ito ay tila pamilyar sa kaniya ang tindigan niyon hanggang ang hinala niya ay nakumpirma. Ito ay nang pumihit pakaliwa ang babae at doon nga ay tuluyan na niya itong nakilala, si Francine ang kaisa-isa niyang anak.
Mula sa kaniyang kinatatayuan ay hindi muna agad nakakilos ang matanda na tila hindi nito maalaman kung ano ang gagawin. Malakas ang kabog nang kaniyang dibdib sa kadahilanang nakakadama din ito ng takot, takot kung haharapin o kakausapin ba siya ng anak o tatalikuran. Ngunit magkagayon man ay nagpasya na rin itong lapitan ang anak dahil sa layunin nga nito ay magkaayos na silang dalawa. Kaya naman lakas-loob niya itong nilapitan at sa iaip nito ay bahala na kung ano ang gagawin ng kaniyang anak, ang mahalaga ay makahingi siya dito ng tawad. Sa kabila niyon ay may kasabikan din siya na muling maakapl ang anak bilang isang amang nangungulila.
Mang Fred: Francine anak…! (wika nito sa anak)
At nang lingunin ito ni Francine ay nagulat ito at bahagya pang nanlaki ang kaniyang mga mata. Dahil dito ay napaatras ang babae at hindi makapaniwala na makakaharap niya ang ama sa ng hindi niya inaasahan.
Mang Fred: anak…. matagal kong hinintay ang pagkakataong ito na makita ka! sana’y pakingan mo ko, alam kong malaki ang pagkakamaling nagawa sayo! kaya sana anak, maoatawad mo ko…!!!! (muli niyang inusal)
Francine: yaya ang bata… (turan nito at agad namang lumapit ang nasabing yaya ng kaniyang anak at kinuha ang bata)
Pagkaraan niyon ay hindi nito sinagot ang ama at tumalikod na ito upang sumakay na sana ng sasakyan.
Mang Fred: anak patawarin mo ko…!!! (habol nito at sa puntong iyon ay dito na nagsalita ang anak)
Francine: patawarin??? (nang humarap ito) akala niyo ho ba ganon lang kadali yun?! pagkatapos niyo ko babuyin…!!!! (mahina at may gigil at galit nitong tinugon sa ama) magpasalamat ho kayo at hindi ko kayo idenemanda, dahil kahit papaano may natitira pa rin akong respeto sa inyo!!!
Mang Fred: bigyan mo sana ako nang isa pang pagkakataon anak at patutunayan ko sayo na hindi na yun mauulit! maniwala ka anak, pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko sayo, kaya sana… (at naputol ang sasabihin pa sana nito)
Francine: puwede ho ba? tahimik na buhay ko kaya huwag niyo na ho akong guluhin pa! (ang agad niyang tinuran sa ama)
At walang anu-ano ay mabilis nitong tinalikuran ang ama at mabilis na sumakay ng sasakyan. Patuloy pa rin si Mang Fred sa pagmamakaawa nito na mapatawad siya ng anak. Subalit tila wala nang naririnig si Franxine at sinimulan na niyang patakbuhin ang kaniyang sasakyan. Kahit bahagya itong habulin nanng matanda ay hindi natinag ang anak at ni hindi na nito nilingon pa sa side.mirror o rear mirror anag ama. At dahil sa pagkikita nilang iyon ay muling nanumbalik sa kaniyang alaala ang kahalayang ginawa sa kaniya ng sarili niyang ama. Sa punto ngang iyon ay wala nang nagawa pa si Mang Fred kung hindi ang tanawin na lamang ang papalayo ng sasakyan ng anak, bakas sa mukha niya ang lungkot. At maya-maya pa sa kaniyang pagtalikod ay tumambad sa kaniya ang nakatayong si Nicole na tahimik na nakamasid sa kaniya. Bahagyang lumapit dito ang matanda na halatang nanlulumo.
Mang Fred: kukunin ko lang yung sasakyan ia.. (tangi na lamang niyang nawika)
At humakbang na itong patungo sa kanilang sasakyan na sinundan naman nang tanaw ni Nicole na may lungkot para dito. Makaraan pa ay binabaybay na nila ang daan papauwi at nagpasya na lamang si Mr. Johnny na bukas na lang ihatid ang mga bata dahil tulog na ang mga ito. Pansin naman ni Mrs. Mel ag biglaang pananamlay ni Mang Fred ngunit hindi na naman niya ito magawang usisain.
Samantala sa tahanan naman nina Francine ilang oras ang makalipas, sa loob nang silid ay makikita itong nakaupo sa may balkonahe. Umiinom ito nang alak ng lumabas mula sa shower room ang asawa nito na si Ron-ron. Napansin niya na tila malalim ang iniisip nito at nakatanaw sa malayo, kaya naman nilapitan niya ito upang usisain.
Ron-ron: babe.. may problema ba? para kasing malalim iniisip mo! (aniya nga nito sa asawa)
Francine: wala naman babe.. (huminga ito ng malalim) may nakita lang akong isang tao na hindi ko inaasahan na hindi ko dapat makita! (patuloy nito)
Ron-ron: bakit? sino ba yan?
Francine: (tumingin sa asawa) tatay ko…
Pagkadinig dito ni Ron ay tila nagbago ang timpla nito na parang nainis sa sinabi ng asawa.
Ron-ron: bakit? anong ginawa niya sayo? kinukulit ka ba niya? (sunod-sunod na tanong nito)
Franxine: huminahon ka lang babe, wala naman siyang ginawa sa akin! humihingi lang siya nang tawad yun lang… kaya walang dapat na alalahanin!
Bilang asawa ay hindi na sikreto kay Ron ang naging karanasan ni Francine sa kamay mismo ng ama nito. Ngunit sa kabila nga niyon ay tinanggap at minahal niya ito hanggang sa makasal sila. At dahl sa muling pagkikita nang mag-ama ay hindi maiwasan ni Ron na magalit sa ama ng asawa.
Ron-ron: sabihin mo lang sa akin kapag ginulo at ginawan ka na naman niya ng masama at ako ng bahala! (pagbabanta nito)
Francine: oo naman pero relax ka lang.. hindi na niya ako magagawan pa ng king anuman dahil hinding-hindi na rin ako papayag pa!
At mula doon ay tinabihan ni Ron si Francine sa pagkakaupo at kumuha rin ito ng baso’t nagsalin ng alak. Sinaluhan nito ang asawa at nagpasyang iwaksi na ang usapin tungkol kay Mang Fred at nagkuwentohan na lamang ito ng masasaya nilang plano pa sa buhay. Subalit sa isipan ni Francine ay may katangunang, kung ano ang ginagawa ng kaniyang ama sa kamaynilaan? Siya ba ag dahilan nang pagkakapadpad ng ama sa nasabing lungsod? Mga katanungang iisa lang ang posibleng sagot iyon ay siya mismo, ang kaniyang sarili.
itutuloy……….
- Kapalaran 7 - March 16, 2023
- Kapalaran 6 - February 26, 2023
- Kapalaran 5 - February 20, 2023