Written by Juano9
BABALA:
Ang kuwentong inyong matutunghayan ay alinsunod sa mapanuksong imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan na mababanggit ay pawang kathang-isip. At ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya.
Sa pagpapatuloy……
Nang gabi ngang iyon ay masayang nakauwi ng bahay si Gerald, masaya sapagkat hindi niya akalain na ang matagal na niyang pinapantsyang si Wena ay matitikman niya. Sa loob-loob ni Gerald ay uulit-ulitin niya ang pagtikim niya sa ginang dahil batid niyang hindi na ito makatatanggi pa sa kaniya. Samantala sa tahanan naman ni Wena ay tahimik ito at iniisip pa rin niya ang kaniyang ginawa, bagamat tunay na nasiyahan ito sa pakikipagtalik niya kay Gerald ay hindi naman niya maiwasang maisip na ano pa ang pagkakaiba niya kay Daniel. Sapagkat sa pagkakataong iyon, ay nagkasala na rin siya tulad ng pagkakamali ng kaniyang asawa. Ano pa nga ba ang saysay nang kaniyang galit sa dalawa nina Daniel at Daphne kung ngayon ay hindi na rin siya naiiba sa mga ito. Sa untong iyon ay halos hindi ito makatulog dahil sa nagawa niya, kaya naman noong mga oras ding iyon ay napagpasyahan nito na kausapin ang anak na si Daphne maging ang asawang si Daniel.
Kaya naman isang araw ay nagtungk si Wena sa bahay nang kaniyang ina at itinaon nitong walang pasok sa trabaho ang dalaga. At nang magkita ang mga ito ay hinayaan nang ina ni Wena na mag-usap ang mag-ina. Sa paghaharap nang mag-ina dito ay humingi ng paumanhin ang dalaga, sa paghingi ng tawad nito ay hindi niya maiwasang maiyak. Lalo na nga nang patawarin na siya nang kaniyang ina na ikinagalak naman ng dalaga at doon ay napaakap pa ito.
Wena: puwede bang bumalik ka na sa bahay? namimis na rin kasi kita anak.. (wika nito)
Daphne: ako rin naman mommy, namimis na rin po kita… (sagot nito)
At muling umakap ang dalaga sa kaniyang ina, noong araw ding iyon ay nagpasya na ang dalaga na magpaalam sa kaniyang lola at nagpasalamat. Binilinan naman nang ina ni Wena ang mga ito na kung may problema ay agad ng pag-usapan at ayusin at huwag nang paabutin pa sa layasan. Sinang-ayunan naman iyon ng mag-ina, hanggang sa hindi nagtagal ay tuluyan na ngang umalis ang dalawa pabalik sa kanilang tahanan. Wala namang ideya si Daphne na may balak din ang kaniyang ina na kausapin ang kaniyang amain. At alinsunod nga sa pasya ni Wena ay tinawagan nito si Daniel upang sa kaniya ay makipagkita. At ang araw nga ng kanilang pagkikita ay naganap, tulad ni Daphne ay humingi rin ng paumanhin si Daniel sa asawa.
Daniel: patawarin mo na sana ako Wena, alam kong hindi ko dapat o hindi namin dapat ginawa ang bagay na iyon! (aniya niya)
Wena: masakit sa akin… pero, sa maniwala ka o sa hindi… pinatatawad na kita! (tugon naman nito)
Daniel: hayaan mo at mula ngayon ay ipina… (pinutol nitong bigla ang sasabihin pa ng asawa)
Wena: huwag kang mangako Daniel, ayaw kong mangako ka! (ang agad nga niyang sambit)
Sa pagkakataong iyon ay hindi na nagsalita pa si Daniel at ainubukan na lamang niyang akapin ang asawa. At hindi naman ito nabigo ng magpaubaya naman ang babae, ngunit sa loob-loob niya ay hindi niya mawari kung ipagtatapat ba niya ang kay Daniel ang tungkol sa kaniya at kay Gerald. Subalit naunahan din naman ito ng takot at naisip na lamang niyang bigyan ng panahon ang sarili upang makapaghanda sa balakin niyang pagtatapat sa lalake.
At, iaang hapunan sa tahanang iyon nina Wena habang masayang naghahain ang dalaga sa may kusina ay dumating ang ina nito. Sinabihan siya nang kaniyang ina na dagdagan ang pinggan sa kadahilanang may bisita silang paparating. Walang ideya si Daphne na ang bisitang tinutukoy ng ina ay walang iba kung hindi ang kaniyang amain na si Daniel. Kaya naman makalipas pa nang ilang sandali ay nakarinig na sila ng pagkatok sa pinto at agad namang pinagbuksan ni Wena. At bumungad sa kaniya si Daniel, sa pagpasok niya sa loob ay nagulat ang dalaga at agad itong natigilan. Sabay na nagtungo ang mag-asawa sa kusina kung saan nakatayo ang dalaga na tila natauhan at agad na tumalikod upang kumuha ng kubyertos. Sa hapagkainang iyon, saglit muna itong nag-cr at naiwan ang dalawa nina Daphne at Daniel.
Daniel: kumusta ka na ney? (saad nito sa dalaga)
Daphne: okey naman ho… (sagot nito) pero kung maaari sana Tito Daniel huwag na po muna tayong mag-usap alang-alang kay mommy?! (dagdag pa nito)
Daniel: sige walang problema, nauunawaan ko naman e!
At doon lang at dumating ang asawa at sa hapagkainan ay sabay-sabay na dumulog ang tatlo. Habang tahimik si Daniel ay siya namang kuwentohan ng mag-ina tungkol sa trabaho ng dalaga. Kahit pa nakakadama nang pagka-ilang sina Daniel at Daphne ay pinili naman ng mga ito na kumilos ng normal. At sa puntong iyon naman ay hindi na nagulat o nabigla si Daphne ng sabihin ng kaniyang ina na dodoon ng muli ang kaniyang amain. Sa balitang iyon ay bahagyang ngiti lang ang itinugom ni Daphne nang hindi lumilingon sa kaniyang amain at ina. At ang hapunang iyon ay tahimik nilang ipinagpatuloy, kahit may ilang sa pagitan nina Daniel at Daphne.
itutuloy………
- Kapalaran 7 - March 16, 2023
- Kapalaran 6 - February 26, 2023
- Kapalaran 5 - February 20, 2023