Magkasalo 3

Magkasalo

Written by Juano9

 

BABALA:

Ang kuwentong inyong matutunghayan ay alinsunod sa mapanuksong imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan na mababanggit ay pawang kathang-isip. At ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya.

Sa pagpapatuloy……

Bisperas nang kapaskuhan, sa pagsapit nga ng araw na iyon ay naging abala ang mag-ina sa ihahanda nilang pang noche buena. May halong pagkasabik at pag-aalala si Wena, sabik sa pagtatapat nila ni Daniel sa kanilang balak. At pag-aalala sa kung ano ang maaaring maging reaksyon nang anak. Kaya nga habang abala ang dalawa ay hindi maiwasan ni Wena na masdan ang anak at umaasa na lamang ito na magiging maayos ang kanilang magiging paghaharap.

Hanggang sa sumapit ang alas otso nang gabi, habang tahimik na nakaharap sa kaniyang laptop ang dalaga. Isang bisita ang dumating, agad na tinungo ni Daphne ang pintuan upang alamin ang nasabing bisita. At nang makaharap na nga niya ang lalake na si Daniel ay agad niyang inalam kung ano ang pakay nito.

Daphne: ano pong kailangan nila?/(tanong nito)

Daniel: magandang gabi… (paunang tugon niya) andyan ba mommy mo?

Wena: sige sandali ho… (pagpapaalam nito at tinawag ang ina)

Nagtungo sa may pintuan si Wena at agad na nagbigay ng isang halik sa pisngj sa lalake at pinatuloy niya ito. Nagtataka naman si Daphne sapagkat sa walang binabanggit ang ina na mayroon silang panauhin sa gabing iyon. Ganoon pa man ay tuloy lang ito sa ginagawa niya, sandali pa ay dito na siya tinawag ng ina. Sandali pa munang hindi kumilos ang dalaga na tila tinapos muna nito ang ginagawa. At sa pagkakataong iyon nang tuluyan nang makalapit at makaharap ang dalawa, dito’y tila nagdadalawang-isip si Wena sa pagtatapat niyang gagawin.

Wena: anak, si.Daniel.nga pala… (halatang kabado ito) uhm… si Daniel, boyfriend ko! (ang tuluyan niyang pag-amin)

Tila natigilan si Daphne sa kaniyang narinig sapagkat hindi niya alam na may karelasyon ang ina. Sa pagkakaalam nito ay abala lamang ito sa tindahan at wala rin siyang nakitang lalake na umakyat ng ligaw.

Daphne: hindi ko alam na may boyfriend ho pala kayo?! (ang tila may pagkadismaya niyang tugon) bakit niyo kailangang ilihim sa akin? (dagdag pa niya)

Wena: nag-alala rin kasi ako na baka hindi mo maibigan, kaya nagawa kong ilihim na muna! mapatawad mo sana ko anak kung pinaglihiman kita, pero sana maunawaan mo rin na kailangan ko rin ng makakatuwang sa buhay! (aniya niya)

Daniel: huwag kang mag-alala Daphne, mahal ko mommy mo at malinis ang hangarin ko sa kaniya! (sabat naman nitong bigla)

Wena: at ibig rin sana naming sabihin sayo na…. (nagkatinginan pa ang dalawa ni Daniel) balak na sana naming magpakasal!

Napatingin naman agad ang dalaga sa kaniyang ina na halatang nagulat sa nadinig, magpapakasal ang ina sa lalaking ngayon lang niya nakita at nakilala. Na ni minsan ay hindi niya nakitang dumalaw sa kanilang tahanan kaya naman sandali pa’y napabuntong hinibga na lamang ang dalaga.

Wena: anal…? (maikling nasambit at hinawakan nito ang kamay ng dalaga)

Daphne: (tumingin muna sa ina) may magagawa pa po ba ako?! kung sa ikaliligaya niyo, suporta na lang ho ang magagawa ko! basta ipangako niyo lang ho sa akin (at tumingin naman ito kay Daniel) na hindi niyo pababayaan at sasaktan ang aking ina! magtitiwala ho ako kaya sana ho, mapaninindigan niyo ang mga salitang binitiwan niyo sa akin! (ang siyang sagot nito na nakapagpagaan sa kalooban ng ina maging si Daniel)

Daniel : titiyakin ko ‘yan Daphne…. (maikling niyang tugon)

At dahil sa paganggap at pang-unawa ni Daphne, naging masaya ang dalawa nina Daniel at Wena. Dahil sa bukas na ang relasyon nila sa dalaga, kaya naman dahil dito ay naging masaya ang pagsalubong nila ng kapaskuhan. Masayang nagsalo ang tatlo sa inihanda ng mag-ina para sa noche buena.

Nagdaan pa ang mga araw at naging maayos ang lahat hanggang sa pagsalubong nila sa bagong taon. Bagamat naroon na may ilang pa rin ang dalaga kay Daniel ay naging masaya na rin ito para sa kaniyang ina. Kung minsan pa ay kasama ni Wena ang anak sa paghahanda naman sa kasal nito. Bakas sa mukha ni Wena ang saya dahil sa tuluyan na niyang makakasama ang lalaking mahal niya at tunay na nagpapaligaya sa kaniya sa kama.

itutuloy…….

Juano9
Latest posts by Juano9 (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x