Harapin Ang Liwanag! Chapter VIII

anino
Harapin Ang Liwanag!

Written by anino

 

Chapter VIII: Connections!

“Tenyente!” tawag ni Fredo sa akin na sumaludo silang dalawa ni Jimmy “Fredo, Jimmy kumusta na kayo dito?” tanong ko sa kanila “ok naman po Tenyente medjo boring po dito” sabi ni Fredo. “Tsk! trabaho niyo yan huwag kayong magreklamo” sabi ko sa kanya na pumasok ako sa loob ng bahay at tumingin sa paligid. “Tenyente, ano po ang gagawin niyo dito?” tanong ni Jimmy sa akin “mag-iimbistiga, ano pa nga ba?” sabi ko sa kanya “hali nga kayo dito, tulongan niyo nalang ako” sabi ko sa kanila na pumasok sila sa bahay. “Ano po ang maitutulong namin, Tenyente?” tanong ni Jimmy sa akin.

“Hmm…” nalang ako sabay kuha ko ng booklet ko at binasa ang sinulat ko kagabi “sabi ng SOCO segundo lang ang agwat ng mga sugat ng mga biktima” pasimula ko na naglakad ako papunta sa sofa. “Fredo” tawag ko sa kanya “opo, Tenyente?” tanong niya “tumayo ka dito, ikaw naman Jimmy…. sabi sa SOCO nasa kusina ang pangalawang biktima.. pumunta ka dun sa kusina” utos ko sa kanya na naglakad ito papunta dun. “Ano po ang susunod, Tenyente?” tanong ni Fredo sa akin na napakamot ako ng ulo “Tenyente?” tawag ni Jimmy na dumungaw ito sa amin “hmm…. paano nangyari ito? Segundo ang agwat ng pagkakahiwa ng mga biktima pero… tingin mo Fredo ilang layo mo kay Jimmy?” tanong ko sa kanya na nag-isip ito.

“Sampung talampakan po Tenyente” sagot niya “tama ho siya Tenyente” sagot din ni Jimmy na napakamot ulit ako sa ulo “Hmmm…” nalang ulit ako at biglang naalala ko ang nakita ko nung nakaraang madaling araw. “Teka… ” sabi ko na naglakad ako papunta sa kusina at tumayo ako sa gitna ng dalawang biktima at inestretch ko ang mga kamay ko na tinignan lang ako ng tauhan ko. “Fuck!” sabi ko nalang “Tenyente, ok lang ho ba kayo?” tanong ni Fredo sa akin na lumabas sa kusina si Jimmy at lumapit sa akin “share na yan, supercop” biro niya sa akin na umayos ako “naniniwala ba kayo sa maligno?” tanong ko sa kanila na nagkatinginan silang dalawa “huwag ka namang ganyan, Tenyente” takot na sabi ni Jimmy sa akin.

Umakyat kami sa taas at nakita ko ang bakas ng dugo ng dalawang biktima “hmmm… ” nalang ako at binasa ang sinulat ko sa booklet at tumingin sa paligid at yumuko ako para tingnan ang ilalim ng kama. “Ha?” me nakita akong makintab na bagay sa ilalim ng kama at pilit ko itong abutin pero hindi ko ito makuha “FREDO, JIMMY!” tawag ko sa kanila na nagmamadali silang umakyat sa hagdanan “ano po yun, Tenyente?” tanong ni Jimmy. “Buhatin niyo nga ang kama” utos ko sa kanila na tumayo sila sa magkabilaang side ng kama at binuhat nila ito at nakita ko yung bagay na nakita ko kanina “ano yan?” tanong ni Jimmy sa akin na nakita niya agad ito. “Murder weapon” sabi ko sa kanila na kumuha ako ng t-shirt sa kabinet at ginamit ko ito para damputin ang espadang nakatago sa ilalim ng kama.

“Thanks boys!” sabi ko sa kanila nung nasa sala na kami at nagpaalam na ako sa kanila “Tenyente” tawag ni Jimmy “alam ko, paparating na ang mga karelyebo niyo” sabi ko sa kanya na natuwa pa ang dalawa. Naalala ko yung nangyari dun sa eskinita kaya naglakad ako papunta dun habang bitbit ko parin ang espadang nakita ko sa ilalim ng kama at nung nasa eskinita na ako nakita ko ang abo sa gilid ng pader. Tumingin-tingin ako sa paligid ng biglang tumunog ang phone ko at nung tiningnan ko ito si Ben “bwisit!” sabi ko sabay patay ko ng ringer na napatuon ang espadang dala ko sa abo sa semento at biglang gumalaw ang espada kaya nabitawan ko ito dahil sa gulat.

Nakita ko kung paano higupin ng espada ang abo sa semento at nung naubos na ito tumigil na ito sa paggalaw “what the!” sabi ko nalang na napatalon ako nung biglang tumunog ang phone ko “stupid fuck!” napamura ako sa takot. “HELLO!” sagot ko sa phone ko “bakit parang galit ka?” tanong ni Elizabeth sa linya “oh, ikaw pala” sabi ko “ako pala? I am your sister what the hell is wrong with you?” tanong niya sa akin. “Wala, ano ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya “gusto kitang makausap, come to my office today!’ sabi niya “some other time nalang me inaasikaso pa ako” sabi ko sa kanya “I want to talk to you!’ sabi niya sa linya. “Look, you are not my boss, second I am an officer of the law and third i’m the eldest so you can’t just order me around” sabi ko sa kapatid ko na biglang nag click nalang ang linya “hello… hello… punyeta!” galit kong sabi na hindi ko na inisip ang nangyari kanina at dinampot ko ang espada at bumalik sa kotse at umalis.

“Moartea? (kamatayan)” tanong ni Julian dun sa taong papalapit sa kanila ni Zoraida “alam mo bang pangalawa ka sa taong nagsabi sa akin niyan” sabi ni Julian na nakita niyang bumunot ito ng espada. “Siguradohin mo lang na marunong kang gumamit niyan” sabi ni Julian sa kanya na bigla itong tumakbo papalapit sa kanila at tinaas ang espada niya na sa bilis ng galaw ni Julian hindi nakailag ang kalaban niya nung nahiwa niya ito sa dalawa. “JULIAN!” sigaw ni Zoraida na me isa pang taong nakaabang sa labas kaya humanda si Julian at nung umatake ito ganun din ang ginawa ni Julian at nahiwa niya ito. “Manang lumabas na tayo” sabi ni Julian sa kanya na me nakita siyang dalawa pang taong papalapit sa kanila na mabilis niya itong napatay at tumakbo sila ni Zoraida papunta sa terrace.

Umatake sa kanila ang dalawang taong nakaitim na mabilis itong napatumba ni Julian “MANANG LUMIPAD NA KAYO!” sigaw ni Julian sa kanya na magbabago na sana ng anyo ang mtanda nung makita niya sa silangan ang pagsikat ng araw. “JULIAN!” sigaw niya na napalingon ito sa kanya “papalabas na ang araw!” balita niya na napatingin si Julian at napaisip ito “SA LIKOD MO!” sigaw ng matanda na me isa pang taong nakaitim na aatakihin sana siya ng mahawakan niya ito sa leeg at nabitawan nito ang espada niya. “SINO KA!” sigaw ni Julian sa kanya na humawak ito sa braso niya at tinaas nito ang paa niya na tinadyakan siya nito sa mukha kaya nabitawan niya ito.

Tumambling ito palayo sa kanya na hindi paman ito dumapo sa sahig nahiwa na agad ito ni Julian at napatay niya ito “MANANG TATAKAS NA TAYO DITO!” sigaw ni Julian na naging anino siya at dinaanan niya si Zoraida at sabay silang pumunta sa silid ni Reyna Lucia. “Bakit tayo nandito?” tanong ng matanda sa kanya “dito tayo dadaan pabalik sa bahay niyo” sabi ni Julian sa kanya “teka matagal ko ng hindi nagamit ang portal na ito, iisipin ko muna” sabi ni Zoraida sa kanya “WALA NA TAYONG ORAS!” sigaw ni Julian sa kanya kaya “PUNYETA!” sigaw ng matanda sabay taas nito ng kamay niya “Deschideti nexus poarta ne dau trecerea la mine acasa (Open nexus gate to my home)” bigkas niya at bumukas ito kaya mabilis na naging anino si Julian at binuhat siya papasok sa portal.

Pagkalabas nila sa portal sinara agad ito ni Zoraida at nakita nilang nasa sala na silang dalawa ni Julian “Nerissa? Nerissa?” tawag niya sa anak niya na lumabas ito mula sa kusina habang nagpupunas ito ng mukha. “Kakagising mo lang ba, anak?” tanong ni Zoraida “nagkakape ako sa kusina nay” sagot ni Nerissa “ok, mabuti at nakapaghilamos kana din” sabi ni Zoraida “nay, kape ko po yung hinilamos ko” inis na sabi ni Nerissa dahil sa gulat niya kanina napahilamos tuloy siya sa kape niya. “Hehehe pasensya kana anak” sabi ni Zoraida sa kanya na umiling lang si Nerissa “ano ho ba ang nangyari sa inyo?” tanong niya sa nanay niya na napatingin siya kay Julian na nakatayo lang sa likod ng matanda.

“Huwag kana magtanong, maghanda kana at papasok kapa sa eskwela” sabi ni Zoraida sa kanya na pumunta na si Nerissa sa kwarto niya para maghanda “Julian” tawag niya “manang pwede dito muna ako?” tanong ni Julian. “Ano ka ba, kahit habang buhay” nakangiting sabi ni Zoraida sa kanya na pinakita ni Julian ang telang nakuha niya sa mga taong umatake sa kanila “alam niyo ho ang simbolong ito” tanong niya kay Zoraida. Tiningnan ito ni Zoraida “hindi ko alam, Julian” sagot niya na tiningnan niya ito sa ilaw para makita niya ito ng mabuti “ha! simbolo ng building yan nay ah” sabi ni Nerissa na pumunta ito ng kusina na nagtinginan silang dalawa ni Julian.

“Anak, alam mo kung ano ito?” tanong ni Zoraida sa kanya na uminom ng tubig si Nerissa at lumapit ito sa kanya “oo, nakikita ko yan sa tuwing pumapasyal ako ng Ma… mamama late na ako nay” sabi bigla ni Nerissa. “NERISSA!” tawag niya sa anak niya nung tumakbo ito papunta sa pinto “hindi ba sabi ko sayo huwag ka masyado maggagala pagkatapos ng klase mo?!” galit na sabi ni Zoraida sa anak niya “pasensya na nay, ma lelate na talaga ako, love you nay!” nakangiting sabi ni Nerissa at lumabas na ito ng bahay. “Talaga yung batang yun!” inis na sabi ni Zoraida “hehehe… nakakatuwa manang” natatawang sabi ni Julian “bakit?” tanong niya “parang ako lang at si Heneral Guillermo ang tratohan niyong dalawa” nakangiting sabi ni Julian “hmp!” lang si Zoraida.

Nagdadrive na ako pabalik sa presinto ng tumunog ang phone ko at nakita ko si Elizabeth ang tumawag kaya hindi ko ito sinagot at hinayaan lang itong mag ring, naka tatlong tawag na ito at limang text na siguro bago ko ito sinagot. “Bakit?” tanong ko “come to my office, NOW!” sabi niya sa linya “fucking bitch!” sabi ko sa kanya “come on, Isabella! I need to talk to you” pakiusap niya sa akin kahit naiinis ako sa pang-iistorbo niya pumayag nalang ako. “Good, see you at ten and please take a shower before you come over” sabi nito sa akin sabay baba ng phone kaya hindi na ako nakasagot sa kanya “GAAAAHHHHH!!” sigaw ko na binato ko ang phone ko sa sahig ng kotse.

Tumingin ako sa oras at mag-aalas syete na ng umaga at hindi ko napansin na me lubak pala kaya napatalon tuloy ako ng konte sa upoan ko at narinig ko ang espada sa likod. “Oonga pala” sabi ko kaya niliko ko ang kotse ko sa pangalawang traffic light at tumungo sa Quiapo para puntahan ang matandang tindera na nagbebenta ng kakanin “sana nandun na si manang” sabi ko sa sarili ko. Makalipas ang ilang minuto narating ko na ang Quiapo at kita kong wala pa ito sa stall niya “tsk!’ nalang ako at lumapit sa katabing ale na nagbebenta ng mga kandila. “Bibili ka ba?” tanong niya sa akin “ah hindi po manang, me itatanong lang po ako” sabi ko sa kanya sabay pakita ko sa chapa ko na pansin kong nagulat ito. “Huwag po kayong mag-aalala hehehe hindi ko po kayo aarestohin” pasiguro ko sa kanya na kumalma ito.

“Ano ho ang itatanong niyo?” tanong niya “ah yung ale po na nagbebenta ng kakanin dito, mga anong oras ho ba siya darating?” tanong ko sa kanya “si Sonya? Dapat nandito na yun eh” sagot niya sa akin. “Hmm.. alam niyo ho ba kung saan siya nakatira?” tanong ko sa kanya “ah oo alam ko, magkapitbahay lang kami” sagot niya sa akin “teka, Lito! Lito halika muna dito!” tawag niya dun sa binata na naglalako ng kandila malapit sa pinto ng simbahan. “Bakit ma?” tanong niya nung lumapit na ito “akin na muna yang mga kandila at samahan mo muna itong si.. ” sabi niya “Tenyente Rosales” sagot ko “itong si Tenyente dun sa bahay ni manang Sonya” utos niya sa anak niya “sige po, Tenyente” yaya niya sa akin.

Sakay sa kotse narating namin wala pang sampung minutos ang lugar nila “yan po ang bahay ni manang Sonya” turo niya sa akin “salamat Lito” sabi ko na binigyan ko siya ng singkwenta pabuya ko sa kanya. “Salamat Tenyente” nakangiting sabi nito at umalis na siya, kinuha ko muna yung espada sa likod at naglakad na ako papunta sa bahay ni manang Sonya at kakataok na sana ako sa pinto nung nasa harapan na ako. “Manang, nandito si Isabella” sabi ni Julian sa kanya “paano mo nalaman?” tanong ni Zoraida “kilala ko ang tibok ng puso niya” sabi ni Julian sa kanya “magtago ka!” sabi ni Zoraida sa kanya na naging anino si Julian at nawala ito sa dilim. Lumapit si Zoraida sa pintuan nung nasiguro na niyang nakatago na si Julian at binuksan niya ito.

“MANANG!” gulat kong sabi nung binuksan niya ang pinto nung kakatok na sana ako “Issa, ikaw pala bakit ka napadalaw?” tanong niya sa akin “ah.. pinuntahan kita sa pwesto mo sa Quiapo wala po kayo dun kaya pumunta nalang ako dito” sabi ko sa kanya. “Ah ganun ba? Pasensya kana masama kasi ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapunta dun” sabi niya sa akin “kaya naman pala eh” sabi ko sa kanya “ano ba ang sadya mo dito?” nakangiting tanong niya sa akin. “Manang, pwede sa loob nalang po tayo mag-usap?” tanong ko sa kanya na pansin kong nag-iisip ito “ah.. si.. sige pasok ka” yaya niya sa akin kaya pumasok ako sa loob at sinara na niya ang pinto.

“Maupo ka” sabi niya sa akin kaya umupo ako sa upoan niya at kita kong maliit lang pala ang bahay nila, desente naman at nakahiwalay ang kusina at sala niya. “Gusto mo ba ng maiinom?” tanong niya “salamat po manang, me importante po kasi akong pakay sa inyo” sabi ko sa kanya na umupo ito sa kabilang upoan “ano yun?” tanong niya “me ipapakita po ako sa inyo pero mangako po kayo sa akin na huwag na huwag niyo po itong ipagsasabi sa iba, ok manang?” sabi ko sa kanya “kilala mo ako Issa” sagot niya. Kaya pinakita ko sa kanya ang espadang nakita ko sa crime scene at kita kong nagulat ito nung makita niya “saan mo ito nakuha?” tanong niya agad sa akin.

“Nabalitaan niyo ba ang krimen na nangyari nung isang gabi sa Quezon City?” tanong ko sa kanya na nakita kong nakatutok ang attention niya sa espada “oo, yung tungkol sa apat na taong pinatay sa bahay nila?” tanong niya. “Opo, doon ko po ito nakuha” sabi ko sa kanya na napatingin siya sa akin “sigurado ka bang doon mo ito nakuha?” takang tanong niya sa akin na nagulat ako sa tanong niya “manang, sabihin niyo po sa akin” sabi ko sa kanya na inalis nito ang t-shirt na nakabalot sa espada at hinawakan niya ito at tinaas ito sa level ng mata niya. “Lucia…” sabi niya “sino po?” tanong ko sa kanya na natauhan ito bigla at tumingin sa akin “ah..wa..wala.. ah ano ba ang pangalan ng may-ari ng bahay?” tanong niya.

Kinuha ko yung booklet ko at hinanap ang pangalan ng biktima na nakaramdam ako bigla ng panalalamig sa likod ko “bakit?” tanong niya “parang me malamig na hangin na dumaan sa likod ko” sabi ko sa kanya. “Baka me dumaan lang na kaluluwa” nakangiti niyang sabi sa akin “manang, ang aga-aga tinatakot mo ako” sabi ko sa kanya na napatawa ito ng mahina “heto, Isagani Rodriguez at Maria Rodriguez” sabi ko sa kanya na nakita kong napatingin siya sa likuran ko kaya napalingon ako sa likod ko “sino ho ba ang tinitingnan niyo manang?” takang tanong ko sa kanya. “Nakatingin kaya ako sayo” sabi niya sa akin na tiningnan ko lang siya “hehehe me kaluluwa sa likod mo” sabi niya na bigla akong napatayo at lumayo sa upoan ko “manang wala namang ganyanan” sabi ko sa kanya.

“Hehehe nagbibiro lang ako” sabi niya sa akin “so ano po ang tingin niyo, alam niyo ho ba kung ano ang espadang ito?” tanong ko sa kanya na tumingin muli siya dun sa pader bago ito tumingin sa akin. “Dalawang daan at limangput limang taon na ang espadang ito” pasimula niya “ito ay pagmamay-ari ni Heneral Enzo isang magiting at magaling na mandirigma sa kaharian ni Reyna Lucia” paliwanang niya. “Teka 255 years old na ang espadang yan?” gulat na tanong ko sa kanya “oo” sagot niya na tinaas niya ito sa ere at biglang lumiwanag ito nung tinamaan ito ng sinag ng araw “wow!” nasabi ko bigla nung makita ko ito. “Teka, sino ho ba si Hen. Enzo at sino naman itong Reyna Lucia?” tanong ko sa kanya.

“Si Hen. Enzo ay..” naputol ang pag-uusap namin nung marinig kong tumunog ang alarm ng kotse ko sa labas “bwisit!” sabi ko na nagmamadali akong lumabas ng bahay at nakita kong me tatlong lalake na umaaligid sa kotse ko. “ME KAILANGAN BA KAYO SA KOTSE KO?” sigaw ko sa kanila habang pinakita ko sa kanila ang chapa ko na nagmamadali silang umalis “MGA GAGO KAYO!” sigaw ko at tiningnan ko ang kotse ko kung me ginawa ba sila bago ko pinatay ang alarm. Napansin ko ang phone ko sa sahig ng kotse kaya kinuha ko ito baka kasi ito ang dahilan kaya pinagiintrisahan ang kotse ko. Umalis na yung tatlong lalake at tinitingnan ako ng mga kapitbahay ni manang Sonya “kayo?” tanong ko sa kanila na umiwas ito ng tingin sa akin kaya bumalik na ako sa bahay at nakita kong nakalagay lang sa mesa ang espadang dala ko kanina.

“Pasensya na po manang” sabi ko sa kanya “tuloy niyo po ang kwento niyo” sabi ko sa kanya na nakatayo lang ako malapit sa pintuan na nakita kong nginitian niya ako at sabing “alam mo ba na pambabastos ang nakatayo malapit sa pintuan lalong-lalo na kung bisita ka at niyaya ka ng may-ari ng bahay na maupo sa upoan nila?”. Napahiya ako sa sinabi niya kaya umupo ako sa silya “pasensya na po manang, sige po tuloy niyo po ang kwento niyo” sabi ko sa kanya na nginitian niya ako. “Ang espadang ito ay pagmamay-ari ni Heneral Enzo…” sabi niya na naputol ulit siya dahil tumunog ang phone ko “bwisit.. sorry manang” sabi ko sa kanya na tumango lang siya at tiningnan ko ang LCD kung sino “hmp!” nalang ako nung makita ko ang pangalan ni Elizabeth.

“Teka lang manang” paalam ko sa kanya na tumango ito “hello, ano?” tanong ko “are you coming?” tanong niya “saan?” tanong ko “uggghhh.. in my office” sabi niya “wala pang ten ano ka ba” mahinang sabi ko sa kanya. “Good, just checking baka kasi nakalimutan mo kung anong oras ka pupunta dito” narinig kong tumawa ito kaya binabaan ko ito at pinigilan ko ang sarili kong huwag magalit at kinalma ko ang sarili ko bago ako humarap kay manang. “Sorry talaga manang Sonya, tumawag kasi..” hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil tumunog ang phone ko “sorry, teka lang ulit manang” sabi ko sa kanya at sinagot ko ang phone ko na hindi ko tiningnan kung sino ang tumawag “hello!” galit kong sabi sa linya “Lt. Rosales” sabi ni Hepe na napatigil nalang ako.

“Yes sir, yes sir, pagkatapos ko dito pupunta agad ako ng presinto.. yes sir… thank you sir” kalmado kong sagot sa kanya nung kinausap niya ako tungkol sa kaso at pinapapunta ako sa presinto. “Sorry manang” sabi ko kay manang Sonya “ok lang walang problema, teka bakit mo naman naisipang dalhin ito sa akin?” tanong niya na tinuro ko ang kwentas niya “bakit, ano ang meron sa kwentas ko?” tanong niya. “Manang, palagi ko kasing nakikita yan sa tuwing dinadalaw kita sa Quiapo at yung engraving sa hawakan ng espada kapareho po ng pendant niyo” paliwanag ko sa kanya “at sa sinabi niyo sa akin kanina tama na kayo ang nilapitan ko tungkol nito” dagdag ko na napangiti siya.

“Pulis ka nga talaga” sabi niya na kinindatan ko siya “dadalhin ko na yan manang, ebidensya ko yan” sabi ko sa kanya “ah.. pwede iwan mo muna ito sa akin?” tanong niya na napatingin ako sa kanya. “Hindi pwede manang, ebidensya yan” sabi ko sa kanya “nasabi mo na ba ito sa Hepe mo?” tanong niya sa akin “hi.. hindi po pero alam na ito ng mga kasamahan ko” sabi ko sa kanya “tutulongan kita sa kaso mo basta lang iwan mo ito sa akin ng isang araw lang” sabi niya sa akin. “Manang…” “sige na Issa, alam ko kung sino ang may-ari nito at alam ko ang nakaraan ng espadang ito.. ” pagmamakawa niya sa akin na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

“Hmm.. matatanggal ako nito sa serbisyo” sabi ko sa kanya na napangiti siya “salamat!” sabi niya sa akin “ngayon lang manang, babalikan ko yan bukas” sabi ko sa kanya. Hinatid niya ako sa kotse ko at nung nakasakay na ako “manang Sonya, tandaan niyo po ebidensya ko yun” paalala ko sa kanya “oo, hindi ko lilinisin o ano man ang espadang yun” sabi niya sa akin. “Buti naman, babalik ako dito bukas ganito ding oras” sabi ko sa kanya “sige Issa, mag-ingat ka” sabi niya at umalis na ako. Nakita ko sa rearview mirror ko na nakatayo pa sa labas ng bahay si manang Sonya na tinitingnan ako nitong papalayo sa kanila. Tumunog muli ang phone ko at nakita kong si Elizabeth nanaman kaya sinagot ko agad ito “i’m going to punch you on the face!” sabi ko agad sa kanya.

Pagdating ko ng presinto tinawag agad ako ni Hepe sa opisina niya at me binigay itong envelope sa akin “ano ito sir?” tanong ko sa kanya “basahin mo nalang, Rosales” sabi niya sa akin kaya binuksan ko ang enevlope at binasa ang sulat. “Hindi lang ikaw ang nakatanggap niyan Rosales pati ako at si Romero” balita niya “bakit pinadalhan tayo ng complaint sir?” tanong ko sa kanya “yung hinabol mong snatcher nung nakaraang buwan” sabi niya “nagreklamo yung snatcher?” tanong ko “hindi ang snatcher, yung mga taong nabangga mo” sabi niya sa akin. “Eh.. hindi ko naman sinadya yun eh” sabi ko “haayyy… sagutin mo nalang at humingi ka ng paumanhin para matapos na yan” utos niya sa akin na tumayo ako at sumaludo bago lumabas ng office niya “ikaw din?” tanong ni Romero sa akin “oo” sagot ko sa kanya.

Umuwi muna ako sa apartment ko para maligo at magpalit narin ng damit alam ko na tama ang kapatid ko nung sinabi niyang maligo ako dahil kilala ko ang papa sobrang strikto ito pagdating sa hygenes. Naalala ko noon nung bata palang kami ni Elizabeth sinama kami ni mama sa opisina ni papa na naabutan namin itong pinapagalitan ang isa sa mga tauhan niya dahil hindi plantsado ang damit niya. Me isang beses din na sinesante niya ang isa sa tauhan niya dahil nangangamoy kilikili ito, alam ko hindi tama yun pero ganun si papa pagdating sa hygenes at sa mga tauhan niya. Kung ano ang boss ganun din daw dapat ang mga tauhan niya, kasi para sa kanya hindi lang siya ang nagrerepresenta sa kompanya pati narin ang mga emplyado niya which is tama naman pero me pagka extreme lang talaga ng papa ko.

Dumaan muna ako ng tindahan para bumili ng pagkain kasi tingin ko me oras pa ako, pagkataos, pinarada ko ang kotse ko sa harap ng building na agad akong nilapitan ng gwardya “miss, hindi po kayo pwede… ay sorry kayo po pala ma’am” sabi agad nito nung nakita ako. “Ok lang yun Gerry” sagot ko sa kanya sabay labas ko ng kotse, suminyas ito sa kasamahan niya sa me pinto na agad itong lumapit “ma’am ako na po ang magpapark ng kotse niyo” sabi nito sa akin at binigay ko na sa kanya ang susi ko. “Nandyan na ba si Elizabeth?” tanong ko kay Gerry na kasabay kong maglakad papunta sa main door “opo ma’am nasa taas na po” sagot niya sa akin “sige, puntahan ko” sabi ko na niyuko lang nito ang ulo niya at pumasok na ako sa loob.

Kilala ako ako ng buong staff ng building kaya hindi na nila ako hiningian ng ID o badge nung dumaan ako sa lobby. “Good morning ma’am Isabella” bati sa akin nung receptionist sa baba “good morning” bati ko din sa kanila at sumakay na ako ng elevator paakyat sa 10th floor. Nagsalamin muna ako habang paakyat ang elevator at tiningnan ko ang mukha ko na halatang kulang talaga sa tulog dahil sa laki ng eyebags ko. Bumukas ang pinto ng elevator nung huminto ito sa seventh floor “Legal Department” sabi ko ng mahina at nagulat nalang ako nung pumasok si papa na pati ito nagulat din dahil himunto ito ng sandali sa gitna ng pinto pero pumasok narin ito sa loob kasama ang secretary niya na pinindot ang 12th floor.

“Good morning, ma’am Isabella” bati sa akin ni Matet secretary niya “good morning” bati ko din na tumingin ako kay papa na kunwaring busy ito sa pagbabasa ng ano mang papel sa folder niya. “Go..good morning papa” bati ko sa kanya na tiningnan lang ako nito at bumalik ito sa pagbabasa niya na kita kong umiwas ng tingin sa akin si Matet kaya napahiya ako sa inasal ng papa ko sa akin. Na dagdagan nanaman ang galit ko sa papa ko at buti nalang huminto na yung elevator sa 10th floor kaya humanda na ako sa harap ng pinto para lumabas. “Matet, inform mo ang cleaning crew na ipalinis ang elevator na ito” narinig kong utos niya sa sekretarya niya na nakita ko sa salamin si Matet na tumingin ito sa akin at umiwas din ito agad nung nakita niya akong nakatingin sa kanya.

Galit na galit akong naglakad patungo sa opisina ni Elizabeth at sinalubong ako ng sekretarya niya nung nakita niya akong papalapit sa kanya “good morning ma’am Isabella” bati niya sa akin na kinalma ko ang sarili ko at ngumiti sa kanya. “Good morning” bati ko din sa kanya “nasa loob na po si ma’am Elizabeth” sabi niya sa akin na sinamahan niya ako at tinanong kung gusto ko ba ng maiinom “no its ok, salamat nalang” sagot ko sa kanya na nagpaalam na ito at iniwan ako sa office ng kapatid ko na ngayon ay busy sa kausap niya sa telepono. Naupo ako sa sofa niya at tiningnan lang siya habang busy sa ginagawa niya at halatang hindi ako napansin nung pumasok ako sa office niya.

Aaminin ko, sa aming dalawa ni Elizabeth siya ang pinakamaganda, me maamo kasi itong mukha, matangos ang ilong, maganda ang hugis ng mukha niya at not to mention ang flawless nitong kutis na akala mo isang model sa magazine. Matangkad ang kapatid ko na tumatayo ito ng 5′ 10′ at pagnagsuot ito ng high heels aabot sa six foot ang height nito dahil sa two inches na taas ng takong nito, maraming trophy ito sa bahay sa mga beauty contest na sinalihan niya noon. Hindi naman ako nagpapahuli dahil mga academic medals ang meron ako sa kwarto ko, siya ang crush ng campus nung nag-aaral kami mula high school at college na halos magkandarapa na ang mga lalake sa paghahabol sa kanya.

Pangarap niyang sumali sa Miss Universe pageant pero napako ito nung nagdecide akong maging police imbes maging Business Management at bilang bunso sa kanya napunta ang responsibilidad na susunod sa yapak ng papa imbes na ako. Yung dating closeness naming dalawa simula pagkabata bigla nalang itong na hold dahil sa decision kong yun, masisisi ko ba ang kapatid ko kung kamumuhian niya ako? Hindi, kasi matagal na niyang gustong sumali sa contest na yun pero sa isang iglap nawala at namatay ang pangarap niyang yun dahil sa akin. “Done and done!” sabi niya nung binaba na niya ang phone at niligpit ang mga papel na nakakalat sa desk niya “good” sabi ko na tumayo ito sa upoan niya at lumapit ito sa akin. “Oh!” sabi niya nung makita ang suot ko “bakit?” tanong ko “hehehe.. I didn’t know you have that dress, sis” biro niya sa akin na inignore ko lang siya.

“Bakit mo ako pinapunta dito?” diretsong tanong ko sa kanya “did you know that today is the 25th of july?” sabi niya “gaga ka ba? Malamang alam ko” sagot ko sa kanya na umiling lang siya. “Alam mo kung ano ang paparating na okasyon right?” tanong niya “yun lang ba ang pag-uusapan natin? Kung ganun aalis nalang ako” sabi ko sa kanya na hinawakan niya ako sa braso “wait! Are you really that rude to just walk away?” inis na sabi niya sa akin. “Sinagot ko na noon pa ang tanong na yan, Eli” sabi ko sa kanya na napangiti ako nung tinawag ko siyang “Eli”, yun kasi ang tawag ko sa kanya simula pagkabata namin. “Issa, please give these family a chance” sabi niya sa akin na hinila ako papalapit sa kanya at niyakap ako.

“Enough na ha? Kausapin mo na si papa at humingi ka ng tawad sa kan..” hindi niya ito natuloy dahil tinulak ko siya ng mahina palayo sa akin “I am not going to ask for his forgiveness!” diretsong sabi ko sa kapatid ko na umling siya. “Stubborn as a mule as always” sabi niya sa akin “say that again!” banta ko sa kanya na ngumiti lang siya at hinubad ang blazer na suot niya “you.. are… one.. fcuking..stubborn..bit..” hindi na niya ito natuloy dahil sinuntok ko siya sa mukha. Hinimas niya ang bibig niya para alamin kung me dugo ito at nung makita niyang wala ngumiti ito sa akin “it has been awhile” sabi niya na agad itong sumulong at nagwrestling kami sa loob ng office niya.

Lingid sa kaalaman namin papalapit na pala si papa sa office niya at sinalubong siya ni Lydia para batiin siya “good morning sir.. AAYYY” nagulat nalang sila nung lumusot kami ni Elizabeth sa glass wall ng office niya. Napatumba kami pareho sa sahig na nagmamadali kaming tumayo at agad pumorma para depensahan ang sarili namin, sinuntok niya ako na nasalo ko ito na mabilis akong umikot palapit sa kanya para maitapon ko siya sa sahig at bumagsak siya sa paanan mismo ni papa. “WHAT IS THE MEANING OF THIS?!” narinig naming sumigaw si papa kaya napatigil kaming dalawa at tinulongan ni Lydia tumayo si Elizabeth.

“ISABELLA, ELIZABETH IN MY OFFICE NOW!!!” sigaw niya sa amin kaya sumunod kaming dalawa sa kanya sa elevator paakyat sa 12th floor na nagulat pa yung mga tauhan niya nung nakita akong nakasunod papunta sa office niya. Pagkasara ng pinto “HAVE YOU TWO NO SHAME ON YOURSELVES? HINDI NIYO NA NIRESPETO ANG KOMPANYANG ITO AT DITO PA TALAGA KAYO NAG-AWAY? ELIZABETH, I DIDN’T RAISED YOU TO ACT LIKE A BARBARIAN AND YOU… YOU!” galit niyang turo sa akin “WHAT ABOUT ME OLD MAN?” sagot ko sa kanya na napatingin sa akin si Elizabeth at hinawakan ako sa kamay para pakalmahin ako.

“Why are you here in the first place? Hindi ba ayaw mo sa kompanyang ito?” tanong ni papa sa akin “if you think I came here for you old man, you are wrong” sagot ko sa kanya na napatigil ito. “I came here for Elizabeth dahil gusto niya akong makausap tungkol sa pesting birthday mo” sabi ko kay papa na hinila ako ng kapatid ko palapit sa kanya at pilit niya akong pinapatahimik. “Is this true Elizabeth?” tanong ni papa sa kanya na tumango lang siya at nagtago ito sa likod ko. Umupo si papa sa silya niya at tumalikod ito “I thought so” sabi ko na hinila ko palabas ng office niya si Elizabeth “Isabella!” tawag niya sa akin “what?” sagot ko “talk to me like that again (sabay ikot ng upoan niya at tumingin sa amin ni Elizabeth) kakalimutan kong anak kita” na nakita kong parang demonyo itong nakatingin sa amin.

Tahimik lang kami ng kapatid ko nung nasa loob na kami ng elevator pababa sa floor niya at nakayuko lang ang ulo ng mga emplyado niya nung naglakad na kami pabalik sa office niya. Pumasok siya sa banyo niya para maghilamos at nagpalit narin siya ng damit “here!” inabot niya sa akin ang polo shirt niya “hindi ko kailangan yan” sabi ko. “Haayy.. look at you!” sabi niya sa akin na nakita kong napunit pala ang polo shirt ko kaya hinubad ko ito para magpalit at napansin kong nakatingin lang siya sa akin. “You really are in good shape, no wonder I can’t handle you” sabi niya sa akin na napangiti lang ako at inayos ang polo shirt na binigay niya.

“Aalis na ako” paalam ko sa kanya “wait!” sabi niya “my answer is still no, Elizabeth” sabi ko sa kanya na napatingin ito sa sahig “haayy…” nalang ako at nilapitan ko siya. “I’m sorry kid, nakita mo kanina ang reaction sa mukha ni papa” sabi ko sa kanya na tumingin siya sa akin “ate, wala na ba talagang pag-asa na magkaayos kayo ni papa?” tanong niya. “I don’t think na mangyayari yan sooner” sabi ko sa kanya “bakit ayaw mong makipag-ayos sa kanya?” tanong niya sa akin “ewan ko parang me something about sa aming dalawa na hindi ko maintindihan” sagot ko sa kanya.

“Tungkol ba ito sa napaginipan mo noon?” tanong niya sa akin na napatingin ako sa kanya “ah.. hindi.. hehehe hindi sis” sabi ko sa kanya na tumunog ang phone ko at kita kong numero ng presinto. “Sorry I really have to go” sabi ko sa kanya na niyakap ko siya “i’m sorry, but know this that I love you so much!” sabi ko sa kanya “I know ate” sagot niya na hinalikan ko siya sa pisngi bago ako umalis ng office niya. “Ma’am Isabella” tawag sa akin ni Lydia nung papunta na ako ng elevator “bakit Lydia?” tanong ko sa kanya “pinabibigay ni ma’am Elizabeth” inabot niya sa akin ang isang maliit na envelope. “Ano ito?” tanong ko sa kanya “sabi ni ma’am Elizabeth alam niyo na daw po yan, sige po ma’am ingat po kayo” paalam niya at umalis na ito.

Bumukas ang elevator at napahinto nalang ako nung makita ko si papa sa loob nito, hindi ako gumalaw at hinayaan ko lang sumara ang pinto nito ng biglang pinagilan niya ito sa pagsara at sabi “get in!”. Sumakay ako sa elevator at sumara na ito at tahimik kaming dalawa habang bumababa na ito, nung nasa sixth floor na kami pababa ng fifth floor “kilala mo ako Isabella kung paano ako magalit” sabi niya sa akin. “Alam ko, alam niyo din na hindi ako natatakot sa inyo” sagot ko sa kanya na humarap siya sa akin kaya hinarap ko din siya “naalala mo noon nung sampung taon ka palang, sa lumang bahay natin sa Pangasinan” paalala niya sa akin.

“Oo, hinding-hindi ko yun makakalimutan” sabi ko sa kanya na nakita kong parang namula ang mga mata niya at ngumiti ito sa akin “huwag na huwag mong kakalimutan yun” sabi niya sa akin na huminto ang elevator at bumukas ang pinto. Lumakad ito palabas at huminto siya sa gitna “matalino ka, me paninindigan, me prinsipyo, kung itatapon mo ito lahat at bumalik ka sa akin tiyak kong ikaw ang magmamana ng lahat ng ito” sabi niya sa akin. “Kung yun ang kapalit sa lahat ng meron ako ngayon mas bubutihin ko pang mamatay kesa pagsilbihan ka” galit na sabi ko sa kanya na nakita kong ngumiti siya.

“Mag-ingat ka, mapanganib ang trabaho mo baka bukas o sa makalawa me taong bigla nalang lalapit sayo at well…kaya mag-ingat ka, anak ko” sabi niya sa akin “huwag kayong mag-alala ama, mag-iingat din kayo” sabi ko sa kanya at umalis na siya at sumara na uli ang pinto at bumaba na ang elevator. Nakaparada na ang kotse ko sa labas ng building at sumakay na ako, habang nagmamaneho nagpapahid ako ng luha ng tumunog ang phone ko at nakita ko si Thelma tumatawag. “Hey, what’s up?” tanong ko nung sinagot ko ito “you need to come here, I have something to show you” sabi niya sa akin. “i’m on my way” sagot ko na niliko ko agad ang kotse sa kanto at binilisan ang takbo papunta sa laboratory niya.

“Manang talaga ho bang kay Hen. Enzo ang espadang ito?” tanong ni Julian sa matanda “hindi ako nagkakamali Julian” sabi ni Zoraida sa kanya na binuhat niya ito at tiningnan ang hawakan nito. Pinakita ni Zoraida ang pendant ng kwentas niya at ang nakatatak sa hawakan ng espada “kapareho nga talaga sila” sabi ni Julian. “Ensignia ito ng angkan ni Reyna Lucia, siya ang nag-utos na ipagawa ang espadang ito para kay Hen. Enzo” kwento ng matanda na nilagay niya ito sa mesa “kung ganun, importanteng bagay pala ito sa kaharian ni Reyna Lucia” sabi ni Julian. “Oo” sagot ng matanda na inabot ito ni Julian para hawakan ito ng biglang gumalaw ang espada na agad namang pinigilan ni Zoraida ang kamay niya bago pa niya nahawakan.

“HUWAG JULIAN!” sabi ni Zoraida “bakit manang?” tanong niya “hindi ka tatanggapin ng espadang yan” sabi ni Zoraida “ha? bakit po?” tanong niya “totoong ginawa ito ng mga bampira para kay Hen. Enzo pero hindi lang yun” panimula ni Zoraida. Hinawakan niya ito at tinaas sa ere “ang espadang ito ay nilagyan ng sumpa ng mahal na Reyna na walang sino mang bampira, aswang, engkanto, taong lobo o mga taong puno ang makakahawak nito” paliwanag niya. Nagulat si Julian sa sinabi ni Zoraida “teka… paano nagamit ito ni Hen. Enzo kung pati bampira hindi pwedeng humawak nito?…. Teka.. ibig sabihin…” takang tanong ni Julian kay Zoraida na napangiti lang ito at sabing “tama ka, si Heneral Enzo ang kauna-unahang mortal na tumira sa palasyo ni Reyna Lucia”.

Itutuloy….

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories