Written by johnbruno
Bumalik ako sa aking table at umupo. May ngiti sa aking mga labi. Padedma. Kunwari hindi napahiya. Pinagmasdan ko ang aking paligid. Hindi pa rin puno ang club. Walang gaanong customer, pero may mga bakanteng babae sa ibang table. Ako ang tanging Pinoy na customer. Mukhang tama yata ang sinabi ng tropa – pang-Kano lang ito. One for the road, and I’m gone.
Umorder ako ng isa pang inumin sa isang dumadaang serbidora. Habang naghihintay ng order, may lumapit na babae.
“Uy pugi, nibi ka?”, tanong ng isang Bisayang Tisay.
“Magtataho. Dumaan lang ako dahil birthday ko,” tugon ko kay BT.
“Hapi birtdi! Painom ka naman, dong!”
Wala bang sense of humor ang babaeng ito?
“Oo ba. Sagot mo ang pulutan.”
“Ako ang pulutan! Kantahan pa kita!”
Kahit nakakatulig sa tainga ang kanyang hagalpak na tawa, hindi naman papahuli kay Juday ang angking kagandahan ni BT. Kaakit-akit ang kasuotan. Mini black dress. Mistulang umaangal sa pagkakakulong ang kanyang malusog na dibdib. Nanghahamon ng pansin ang kanyang bilugang pwet. Naghahanap ng magmamasahe ang kanyang mga hitang bilugan, maputi, at makinis. My kind of woman. Let’s get this party started.
Masaya ang inuman, harutan, at biruan namin ni BT. Hindi naglaon at nadagdagan ng apat ang mga babaeng gustong makipagdiwang sa aking “kaarawan.” That’s the last time I tell anybody it’s my birthday. Ngunit, hindi ko maipagkakailang enjoy na enjoy ako. Sabi nga ni Tom Petty, “It’s good to be king, no matter what the pay.”
“Bakit walang gaanong tao?”, tanong ko sa aking “harem.”
“Kapag walang barko, andito ang mga regular,” sagot ng isang ala-Kim Chiu sa katawan at mukha. Plus pimples. “Kapag may barko, pinagbibigyan nila ang bumibisitang barko.”
Pagkalipas ng mahigit isang oras na paghahari-harian sa aking munting kaharian, unti-unting napuno ang club sa mga nagsisidatingang fleet sailor.
Biglang nasira ang kasiyahan ng aking kaharian. Lumapit sa aming table ang isang matandang babae na kanina ko pa napagmamasdan na palakad-lakad sa club. May akay-akay na batang babae na nakasuot ng one-piece bathing suit. Hindi mapapagkamalang dalaga ang bata. Kagat ng lamok sa dibdib ang nakabakat sa kanyang kasuotan. Walang balakang.
“Pogi, hindi mo ata type ‘yang mga ka-table mo. Eto na lang ang sa ‘yo,” sabi ng matandang bugaw.
“Ilang taon na ba ‘yan, manang?”
“Portin yirs old lang ‘yan. Birgin pa,” ang pagmamalaking sagot ng matanda. Tutoo nga pala ang kwento ng mga tropang nakapag-liberty na dito – nagbebenta ng mga bata ang Olongapo.
Habang nakatitig ako sa bata, umikot sa utak kong lumalangoy na sa alak ang mga kapatid kong babaeng kasing edad nito. Hindi ako santo. Iharap mo sa akin ang isang babaeng katulad ni Bisayang Tisay at siguradong titigasan ako. Pero anong uri ng tao ang malilibugan sa isang hindi pa man lang yata dinadatnan ng regla?
Gusto kong magalit. Ngunit nagtimpi ako. Pagtitimpi ng isang hipokrito na nagtungo sa lugar na ito na ang tanging layunin ay magpakasasa sa aliw ng laman.
“Manang naman, nautusan lang ‘atang bumili ng suka ‘yan,” ang naging sagot ko.
“Sige na kuya,” pagsusumamo ng bata. “Wala pa ‘kong kita.”
“Baka mapagkamalan tayong mag-lolo.” Binuksan ko ang aking wallet at dumukot ako ng pera. “Eto na lang sa ‘yo,” habang kawak-hawak ang pera, minostra ng aking kamay na isuksok ng bata ito sa kanyang dibdib. Kinuha ng bata ang pera at animo’y nahihiyang lumingon ito sa matanda.
“Salamat kuya! Ang bait mo naman,” pasalamat sa akin ng bata habang pinisil nito ang kamay ko.
Bakit ko pinagpilitang itago ng bata iyong perang inabot ko? Wasted effort. Malaki ang duda ko na sa bata mapupunta ang kabuoan ng pera. Marahil hindi makatiis sa pagkakatitig ko ang matanda, umalis ito at, kasama ang bata, ipinagpatuloy ang paglilibot sa club.
Kahit halata ng mga ka-table ko na bad trip na ako, padedma ang kanilang inuman at kwentuhan. I need to go. Nagpasya akong magpaalam na sana sa mga babae, nang may kumalabit sa balikat ko. Lumingon ako para alamin kung sino ang tumapik sa akin. Sa pagtunganga ko, tumambad sa aking mukha ang bibig na puno ng nakaka-inlove na ngipin.
Itutuloy…
Note:
Mahigpit na ipinagbabawal ngayon ng US Navy ang “solicitation for prostitution,” bilang pagsang-ayon ng Estudos Unidos sa idineklarang resolusyon ng United Nations na tinatawag na Protocol to Prevent, Suppress and Punish Trafficking in Persons, especially Women and Children, o Trafficking Protocol na isinakatuparan ng UN noong 25 December 2003. ( wikipedia.org )
US Department of State Tier Placement:
Tier 1 – Countries whose governments FULLY COMPLY with the Trafficking Victims Protection Act’s (TVPA) minimum standards.
Tier 2 – Countries whose governments DO NOT fully comply with the TVPA’s minimum standards, BUT are making significant efforts to bring themselves into compliance with those standards.
Tier 3 – Countries whose governments DO NOT fully comply with the minimum standards and ARE NOT making significant efforts to do so.
Ayon sa 2011 Trafficking in Persons Report ng US Department of State, ang Pilipinas ay nasa Tier 2. (state.gov)
- Check-up - November 30, 2021
- Liberty Call: Olongapo City (Last Chapter) - November 12, 2021
- Liberty Call: Olongapo City (Part 7) - November 8, 2021