Dominating Series: Substitute Teacher Ella Part VI

Dominating Series: Substitute Teacher Ella

Written by UngodlyHours

 

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental


Wayne: I have your purse. How can I return this to you

Isang gabi habang siya’y nagaasikaso ng mga documents sa kanyang laptop ay may natanggap na message request sa kanyang facebook si Ella. Tinignan niya kung sino ito. Walang iba kundi si Wayne. Chineck niya ang profile nito saglit at nakitang meron silang isang mutual friend. Jared Corporal. Hindi niya kilala, marahil ay random mutual friend lang.

Inaccept niya ang message request ni Wayne at nag type ng kanyang reply.

Ella: May pupuntahan ako bukas sa central. After ng klase are you free?

Wala pang ilang minuto ay nagreply din ito kaagad.

Wayne: See you at 5.

Ella: Great! Thanks. Magkita nalang tayo sa coffee shop in front of the cathedral

Hindi na muling nagreply ito sa kanya kaya ipinagpatuloy niya na ulit ang pagaasikaso niya ng mga documents.

Ilang araw nalang ay lilipad na papuntang Switzerland si Ella kaya busyng busy na siya sa pagaasikaso ng mga papeles at pag iimpake ng kanyang mga gamit. Natapos na niyang asikasuhin ang mga gamit nyang maiiwan dito at naka selyo na ang mga ito sa mga box box na ang iba ay idodonate niya sa charity at ang iba ay ipapamigay niya sa mga kapitbahay. Nakatabi na ang mga ito sa isang sulok at halos furniture na lang ang laman ng kanyang bahay at maging ang mga ito ay na naka schedule na din for pick up ng mga second buyer. Ang pagbebenta na lang ng lupa ang kailangan niyang asikasuhin kaya pupunta siya bukas sa real estate agency para maipost ang bahay at lupa for sale. Buti at nahanap ni Wayne ang purse niya, nabawasan na siya ng alalahanin dahil nandun sa wallet ang mga importanteng ID na kailangan niya para maka alis ng bansa. Nakahinga na ng maluwag si Ella. Tuloy na tuloy na talaga ang flight niya papuntang Switzerland.

xxxxx

“Wayne! Sorry I got caught up sa agency. Ang dami pa kasing hininging papeles sakin. Kanina ka pa ba dyan?” Sumisipsip si Wayne sa kanyang kape nang dumating na din sa wakas ang kanina pa niyang hinihintay na si Ella. Kunot noong sumilip ito sa kanyang mamahaling silver wrist watch.

“You’re 30 mins late.” iritableng tugon ni Wayne. Naupo naman si Ella sa kaharap na upuan ng table for two ng coffee shop na ito.

“I know, I’m really sorry.. Let me treat you something para makabawi. Para na din sa pagbalik mo ng purse ko.”

Sarkastiko lang itong tinignan ni Wayne at hindi inimik. Naalala ni Ella na mayaman nga pala ito. Baka nga mabili niya pa ang buong coffee shop na ito gamit lang ang perang dala niya sa wallet.

Napabuntong hininga na lamang si Ella. Wala ding namang mangyayari pa kung subukan niya, mukha din namang masama na talaga ang timpla ni Wayne kanina pa.

Bahagyang nakokonsensya tuloy si Ella nang maalala niya kung pano niya pinagdudahan ang pagmamagandang loob ni Wayne kaya napikon tuloy ito at iniwan siyang magisa. Buong akala niya nga ay maglalakad na siya pauwi, sa huli ay tinulungan padin naman pala siya nito sa kabila ng mga pagpaparatang niya. May parte kay Ella ang gustong mag sorry pero may parte din naman ang nagsasabing hindi siya nito masisisi dahil talaga namang hindi katiwa-tiwala si Wayne lalo na sa mga inasta nito sa kanya mula nung una palang.

Pero ngayon ay ramdam niya ang konsensya dahil ibabalik pa nito ang kanyang nawawalang purse na naglalaman ng kanyang mga importanteng ID. Nung nawala ang purse niya ay malungkot niyang ibinalita sa kababata niya sa Switzerland na hindi na siya matutuloy dahil mahabang proseso pa ang pagdadaanan niya para makakuha ulit ng mga government IDs. Hindi naman siya makaka labas ng bansa ng wala ang mga yon. Labis na ikinadismaya naman ito ng kababata niya pero naintindihan din naman niya ang situation. Ang hindi niya alam ay itinuloy padin ni Ella ang pag book niya ng flight pa Switzerland at ipinagdasal na lamang na mahanap niya ang nawawalang purse bago ang schedule ng flight niya. Kung hindi man niya mahanap ang purse eh atleast alam na ito ng kababata niya at ipapa cancel nalang niya ang flight pero kung mahanap niya naman ay magagawa niyang isurprise ito. Malakas ang pakiramdam ni Ella na mahahanap din ang nawawala niyang purse at awa ng Dios ay maibabalik nga itong muli sa kanya.

Hindi pa niya ito sinasabi sa kanyang kababata para matuloy ang binabalak niya na isurprise ito sa biglaan niyang pagdating.

“Here,” Nakahinga nang maluwag si Ella ng makita ang kanyang purse na inabot ni Wayne. Hinanap niya agad ang kanyang wallet at chineck ang mga laman nito. Kumpletong naroon lahat ang kanyang mga IDs at pati narin ang cash na dala niya noong gabing yon. Nandon din ang cellphone niya na sinubukan niyang buksan pero natural lang na lowbatt na ito sa tagal na ng huling charge. Itinabi na lang niya muna ito sa table. Wala ding nawala sa mga make up at iba pang mga gamit na dala niya. Kumpleto lahat ng kanyang gamit.

“Thank you, Wayne! Hindi mo alam kung gano kaimportante sakin to. Salamat talaga.”

Tumango lamang ito sa kanya bilang pagtugon sabay inom sa kanyang kape. Hindi man lang ito ngumiti o ngumisi gaya ng lagi niyang ginagawa. Nakakapanibago. Hindi maipaliwanag ni Ella pero may kung anong nakakatakot na aura si Wayne kapag seryoso ito.

“Anything else?” malamig ang pagturing nito sa kanya at hindi nanaman mapigilang makonsensya ni Ella. Siguro nga ay talagang hindi natuwa si Wayne sa inasal niya nung araw na yun.

“Can I… do something for you? I mean, para makabawi…” Nahihiya pang tugon ni Ella. Hindi siya sanay sa ganito. Ngayon lang niya hindi magantihan ang malalim na patitig ni Wayne.

“Be a nice little girl for me, Ella.”

Tumayo na ito at naglakad papalayo. Naiwan na lang doon na magisa si Ella at iniisip kung anong ibig nitong sabihin.

xxxxx

Ito na ang araw na pinaka hihintay ni Ella. Dumating nadin sa wakas ang araw na magmimigrate na siya sa Switzerland at makakasamag muli ang kababata niyang napahiwalay sa kanya ng mahabang panahon.

Disoras ng gabi pa lang ay excited ng nagprepare si Ella para sa pang madaling araw niyang flight. Dinouble check niyang maigi ang dala niyang mga papeles pati narin lahat ng bagahe na dadalhin niya. Matapos na makampante na kumpleto na lahat at wala ng nakalimutan ay nag book na ng Grab si Ella patungo sa Airport. Sa sobrang excite niya ay nanguna na siyang lumabas sa gate para abangan ang pagdating ng kanyang Grab driver. Mabilis naman ang pagdating nito makaraan lang ang ilang minuto. Bagama’t nasorpresa ay labis na ikinatuwa naman ito ni Ella.

“Ms. Ella?” bungad sa kanya ng bumabang driver.

“Oo ako nga. Manong Grab makikisuyo naman pakitulungan ako sa pag karga ng mga gamit ko.”

Pinapasok niya sa gate ang driver at tinulungan naman siya nito sa pag karga ng mga bagahe niya sa trunk ng sasakyan. Matapos maikarga lahat ay iniswitch na niya ang generator ng kuryente at nilock ang pinto. Muling tumingin si Ella ng huling beses sa kanyang bahay bago tuluyang sumakay sa shot gun seat ng kotse at isinara ang pinto.

Inistart na ng driver ang kotse at nagsimula na silang bumyahe patungo sa Airport.

Yun ang pagaakala ni Ella bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Ibinaba na ng hindi kilalang lalaki ang kanyang kamay na may hawak na panyong may halong pampatulog nang masigurado niyang wala ng malay ang babaeng nakaupo sa harapan. Matapos magawa ang kanyang mission ay agad na tumawag ito sa kanyang boss para magbigay ng report.

“Good. I want her here. Now.”

Sumagot naman ang mga tauhan at ibinaba na ang tawag. Diniinan ng driver ang pagtapak sa pedal at pinaharurot na ang kanilang kotse sa madalim na gabi.

“Merriam St… Blk 01…” dinouble check ng Grab driver ang address na naka indicate sa app at tama naman ang address na pinuntahan niya.

Napakamot ulo na lamang ang Grab driver sa sobrang pagka yamot nang makitang bakanteng bahay naman ito at mukhang walang nakatira dahil wala man lang kailaw ilaw kahit sa labas at nakalock din ang gate at pinto nito. Sa layo ba naman ng pinang galingan niya ay wala naman pala siyang mapapala dito.

“prank booking nanaman tangina!”

To be continued….

UngodlyHours
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x