Written by Scanlator
Ara wait for me!
Darating na ako!
I know… I’m sure.
….so please wait for me.
Noong makauwi ako ng bahay ay agad kong hinanap si Ara….
….pero hindi ko siya makita.
….hindi siya sumasagot.
Gusto ko na siyang makita.
I miss her, I want to see her smile.
Pumunta ako sa kwarto nila ni Kate pero ang tanging inabutan ko ay ang anak ko na mahimbing na natutulog.
Where are you Ara!?
Pumunta ako sa guest room, inayos ko ang mga gamit ko, lalayas na ako sa bahay na to…
…saan ako pupunta?
Hindi ko din alam, bahala na!
Matapos kong mapuno ang isang travelling bag ng damit at personal na gamit ay naupo muna ako sa kama…nagmuni-muni…
Hanggang sa mapansin ko ang isang nakatuping bond paper na nakapatong sa ibabaw ng unan….
….kinuha ko iyon, binuklat at binasa ang nakasulat.
Mahaba ang sulat, nasabi lahat ni Ara ang gusto niyang sabihin, pero ang tumatak ng husto sa akin ay;
“Marco, mahal kita pero mas mahal ko ang kapatid ko…please kalimutan mo na ang nangyari sa atin….”
“….its all a big mistake.”
Who cares?
All my life, nabuhay akong sunud-sunuran lang sa iba.
…okay na lang palagi.
…I can’t say no.
This time, I’ll decide for myself, alam ko kung ano ang gusto ko.
Alam ko na kung ano at sino ang magpapasaya sa akin.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng guest room upang pumunta sa kwarto ng anak ko…
Nagulat ako pagbukas ko ng pinto, nandoon na si Lovelyn…she look devastated…
….she’s terribly broken.
“Mar….please naman, bakit kailangan mo pang gawin to?”
Hindi ako umimik, diretso akong umalis na parang walang nakita o narinig…ayaw ko na munang kausapin si Lovelyn…
“Dahil ba kay Ara?”
“Siya ba ang pinili mo kaysa sa amin ni Kate!?”
Nagulat ako sa sinabi ni Lovelyn…
“Oo, tama ka.”
“Siya nga ang pinili ko at isasama ko si Kate.” I said.
“……”
“Don’t try it, alam mo na sa akin ang custody niya… pero you can always come home…”
“…alam ko naman na babalik ka sa akin Mar, babalik ka sa amin ni Kate, mabubuo ulit ang pamilya natin…”
“I know you will…at lagi kitang hihintayin.”
“….lagi kong ipagdadasal na sana ako na lang ulit…ako na lang ulit ang mahalin mo.”
“I’m sorry…” says Lovelyn..
Umalis ako ng bahay, iniwan ko si Lovelyn na umiiyak at nagsisisi…
….iniwan ko ang anak ko…
I’m free,
I can do what I want,
….pero bakit ang sakit?
Bakit ang sakit sakit?
“……”
“……”
Pagkatapos noon ay madami ng nangyari sa akin…
…madami.
Hindi ko alam kung paano ikwento sa inyo, hindi ko din alam kung paano sisimulan.
Matagal din akong nawala sa Pinas, nagpunta ako sa Saudi Arabia para makipagsapalaran at doon ay halos patayin ko na ang sarili ko sa trabaho.
I work hard,
I eat gluten,
I grew beard.
Pinilit kong makalimot, pinilit kong itago yung sakit na naramdaman ko noong iwan ko ang pamilya ko…
Regular ang komunikasyon namin ni Lovelyn, thru Skype ay inayos namin ang annulment papers upang legal na ang maging hiwalayan namin…
….kapwa kami magiging malaya sa isat’ isa, pwede na siyang humanap ng bagong mamahalin.
Lovelyn didn’t agree with it pero wala siyang magawa dahil ako ang nagpumilit makipaghiwalay.
…I want to break free.
…still, why does it cause me so much pain and suffering?
Matapos ang kontrata ko sa Saudi ay agad akong umuwi sa Pilipinas…
….gagawin ko na ang dapat.
Sa NAIA, sinundo ako ng dalawang tao na naging malapit sa akin habang nasa Saudi ako.
Kahit long distance, pinakinggan nila yung mga hinaing ko….
….mga arte ko sa buhay,
….lalo na ang problema ko.
“Huuuy! Mar! Ang dirty mo nang tignan ah!” says Hanna.
“Pare welcome back, oh Mara bless sa Ninong madaming pasalubong yan!” biro ni Del.
“Ang laki na ni Mara ah!” bati ko sa inaanak ko kahit hindi ako naka attend ng binyag niya.
“Hanna madaming benefits ang balbas, haha!” sagot ko kay Hanna.
Sumakay kami ng kotse at umuwi muna kila Hanna at Del, lumipat na pala sila ng bahay sa isang private subdivision sa Laguna, malapit daw kasi sa Alabang kung saan nadestino si Del.
Habang nagbi-byahe kami sa SLEX at papasok ng Laguna ay naalala ko ang lahat ng nangyari dati…
Countless memories flooded my thoughts…
Pagdating sa bahay ni Del at Hanna ay nandoon na din si Germo! Ang kumag excited din palang makita ako! Haha!
….wala, nakakatuwa lang, it really brings back a lot of memories…
Sama-sama ulit kami after many years of being apart.
…buong araw kaming nagkwentuhan,
….buong araw na throwback,
….buong araw kaming nag celebrate!
Kinabukasan, araw ng Sabado.
“Uhm…Mar, good luck, follow your heart, as always.” says Hanna habang pasakay kami ng kotse.
“Thanks, alam ko na tama ang gagawin ko…” I said.
Malakas ang buhos ng ulan, inihatid kami ni Del sa Calamba, kinamayan ko siya at nagpasalamat sa lahat ng tulong niya…nagpaalam na din ako kay Germo na namiss ko din kahit kapirot.
Naglakad ako…
….naglakad ako sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.
Dinama ko ang bawat patak nito, malamig…giniginaw ako.
Ang dami ng nangyari sa akin, pagod na pagod na ako, gusto ko nang umuwi….
…gusto ko nang magpahinga.
Lahat tayo ay nagkakamali…
…maling akala,
…maling desisyon,
…but what important is, kaya mong magbago, everyone can change and become a better person.
After all… Everybody deserves a chance.
Matapos ang mahabang panahon, alam ko sa sarili ko kung ano ang hinahanap ko…
…I want them.
…I want my family.
Binuksan ko ang gate, agad na tumahol ang dalawang aso…
…tumingin ako sa paligid, wala halos ipinagbago ang lugar,
….maganda pa din ang motor ko,
….pati mga alaga kong kalamansi dati ay maganda pa din at hitik sa bunga.
Inalagaan niya ng husto ang lahat ng ini-ingatan ko.
Matapos ang ilang minuto, dahil sa walang tigil na pagtahol ng mga aso ay may lumabas na isang dalagita…
….ang laki na ni Kate at lumaki siyang maganda kagaya ng Mommy niya.
“Da-daddy! Daddy! Daddy! Waaah!”
Tumakbo siya palapit sa akin at mahigpit akong niyakap…mahigpit na tila ayaw na akong pakawalan…
Niyakap ko din siya, sabik na sabik na ako sa anak ko…
“Daddy! Daddy! Huwag ka nang umalis…nalulungkot kami lagi!”
Napatingin ako bigla sa magandang babaeng nasa may pinto, nakatitig siya sa akin…parang nakakita ng multo…
…umiyak ang babae…walang hinto ang pagluha niya…kasing lakas ng buhos ng ulan…
“I’m home.”
“W-welcome home…hon..”
Tumakbo siya palapit sa akin….
Mahigpit din niya akong niyakap…
“Maaar! Thank you…ang tagal ka na naming hinihintay…I’m sorry, I’m sorry, pangako gagawin ko ang lahat huwag ka lang umalis…”
I hugged her back…
“Lovelyn…I love you…hindi na tayo maghihiwalay ulit…pangako…”
…we kissed each other,
…finally.
I’m home.
The End.
- Shared Wife LDR – II - November 4, 2021
- Shared Wife LDR - November 1, 2021
- Good Ending 2 – Reunited - October 29, 2021