Uncategorized  

Carnal: Book 3 – Chapter 9: Unexpected

anino
Carnal: Book 3

Written by anino

 

Kumatok sa pinto ang isa sa tauhan ng matanda at maya-maya ay bumukas ito “bakit?” tanong ni Ingrid sa kanya “ma’am dumating na po yung mga tauhan natin” balita niya “sige” sagot ni Ingrid at sinara ang pinto. Bumaba ng hagdanan ang matanda kasama si Ingrid at nakita nilang nakatayo sa me pintoan ang mga taong pinadala nila sa Makati “sir!” sabi ng lima. “Ano ang balita? Nasaan ang ibang kasamahan niyo?” tanong ng matanda sa kanila “sir, napatay sila ng mga pulis pero bago yan naitumba napo namin si Edil” balita ng isa.

Lumapit ang isang tauhan ng matanda “sir, paumanhin po me dapat ho kayong makita” sabi nito sa kanya kaya sumunod ang matanda sa kanya sa sala at tinuro ng tauhan niya ang tv. Nanood sila ng balita sa tv “tatlong pulis ang napatay kanina malapit lang sa station 5 ng Makati PD at dalawa din sa mga armadong tao ang napatay at isang nagngangalang Edilberto ang napatay sa loob mismo ng interogation room ng Makati PD na me tama ito ng bala sa ulo” balita ng reporter sa tv. “Hindi ba si Edil lang ang inuutos ko, bakit hindi niyo ito sinunod?” galit na sabi ng matanda sa kanila.

“Sir, wala kaming choice nung binaril ko si Edil nagmamadali akong bumaba pero nakahabol na ang mga pulis sa amin para makatakas nakipagbarilan nalang kami sa kanila” sabi ni Mario ang sniper na bumaril kay Edilberto. Napailing ang matanda at hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon “me dalawang pulis Pasay ang nakasama sa barilan kanina sila ay sina Lt. Jerica Montalban at si Inspector Davideo Reyes, sila yung mga pulis ang nag interogate kay Edilberto bago ito napatay ng isang sniper kanina” balita ng reporter. “Davideo Reyes?” gulat na tanong ng matanda “bakit sir?” tanong ni Ingrid sa kanya .

“Hindi ba Davideo Reyes din ang pangalan nung tumulong kay Rosana?” tanong niya kay Ingrid “tama po sir” sagot ng sekretarya niya “hmm.. ” napaisip ang matanda at tumingin siya sa tv. “Sir?” tanong ni Ingrid “alamin mo ang koneksyon ng taong ito kay Dave at alamin mo din kung saang presinto siya sa Pasay” utos ng matanda sa kanya “masusunod sir” sagot ni Ingrid at umalis na siya. “Sir” sabi ni Mario “pumunta muna kayo ng probinsya sa isa sa hide out natin at doon muna kayo magpalamig” sabi ng matanda sa kanila “sige po sir” sagot ni Mario at umalis na sila. “Hmmm.. Davideo Reyes..” sabi ng matanda habang kinakamot niya ang baba niya.

Bumalik muna siya sa study room niya at maya-maya lang ay bumalik na si Ingrid na me dalang folder “ano ang balita?” tanong niya sa sekretarya niya “sir, heto na po ang nakuha kong information” sabi ni Ingrid sabay abot niya ng folder sa matanda. “Davideo Reyes III” basa ng matanda sa file “ah! Anak pala siya ni Dave” sabi niya “yes sir, and fresh out of the academy ang batang yan and naka assign siya sa station 9 ng Pasay City Police District” balita ni Ingrid. “Teka, hindi ba si Minerva ang Heep doon?” tanong ng matanda “yes sir, si Minerva Mangubat ang CO niya” sagot ni Ingrid at tuloy lang sa pagbasa ang matanda sa file ni Dave ng biglang napatigil ito sa nabasang pangalan.

“Sir?” nagtaka si Ingrid dahil tutok-na-tutok ang matanda sa isang pahina ng file “me problema ho ba?” tanong ni Ingrid “itong pangalan na ito parang pamilyar sa akin” sabi ng matanda. “Ano ho ang pangalan?” tanong ni Ingrid “Rodrigo Reyes” sabi niya sabay tayo niya at naglakad siya papunta sa library niya at huminto siya sa kalagitnaan ng study room niya at humarap kay Ingrid. “TAMA!” sabi niya “po?” takang tanong ni Ingrid na biglang lumapit sa kanya ang matanda at nilagay nito sa mesa ang file “ang taong ito ang humuli sa akin noon” sabi ng matanda at umupo siya sa gilid ng mesa at nagkamot ng baba.

Tumingin lang sa kanya si Ingrid habang nag-iisip si Edwardo “naalala ko na tatlumput limang taon na ang nakalipas sa bayan ng Malabon hinuli niya ako noong itutumba ko na sana ang Mayor ng lugar” kwento ni Edwardo. “Dalawang taon palang ako sa grupo noon nung inatasan akong itumba ang Mayor ng Malabon” kwento ni Edwardo “pumalpak ako hindi dahil sa plano ko kundi sa kontak namin sa lugar” sabi niya. “Akala ko plantsado na ang lahat dahil binigay na niya sa amin ang schedule ng Mayor at ang mga lugar na pupuntahan nito” kwento niya.

“Pero doon sa lugar na binanggit niya nakahanda na pala ang mga pulis doon, yun ang araw na nahuli ako ni Sgt Rodrigo Reyes” kwento niya kay Ingrid na lumakad ang matanda pabalik sa upoan niya. “Kilala mo pala ang papa ni Dave?” tanong ni Ingrid “hehehe oo, ang liit talaga ng mundo” natatawang sabi ni Edwardo “biro mo, nakaharap ko si Rodrigo noon ngayon naman ang apo niya” dagdag niya “ano ang gusto mong gawin ko?” tanong ni Ingrid na nag-isip si Edwardo ng sandali. “Napapanahon na siguro para magkaharap uli kami, alam mo na ang gagawin mo” sabi ni Edwardo sa kanya “masusunod, Sir” sagot ni Ingrid at tumayo na siya at lumabas ng study room.

Nagvibrate ang phone sa bulsa ko at nakita ko si lolo Rudy tumawag “lo, napata..” hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nagsalita agad siya “Dyos ko Davideo akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo!” sabi niya agad sa akin. “Po?” takang tanong ko sa kanya “nakita namin sa balita ang nangyari sa Makati, ano me tama ka ba ng bala? Me sugat ka ba?” sunod-sunod na tanong ni lolo sa akin. “Ah.. wala po lolo Rudy ok lang po ako..” sagot ko na narinig ko si lola Aida sa background “PAUWIIN MO ANG BATANG YAN DITO RUDY, PAUWIIN MO!” pagsisigaw ni lola Aida sa background.

“TUMAHIMIK KA NGA AIDA!” narinig ko galing kay lolo “tsk! Dave, ano wala bang nangyari sa’yo?” tanong ni lolo Rudy sa akin “wala po lo, ligtas po ako nasa presinto na ako ngayon” sabi ko sa kanya. Narinig kong parang nagkagulo silang dalawa ni lola “AIDA BITAWAN MO NGA ANG KAMAY KO!” narinig ko galing kay lolo “PUPUNTAHAN KO ANG BATANG YAN SA PRESINTO” sigaw ni lola “TUMAHIMIK KA!” sigaw ni lolo sa kanya at bigla nalang siyang nawala sa linya. Napatingin sa akin si Tenyente dahil parang namutla kasi ako “me problema ba, Barbie?” tanong niya sa akin.

“Ah.. wa.. wala tenyente” sabi ko sa kanya at binalik ko sa bulsa ang phone ko at nagsimula uli akong magtype sa keyboard ng biglang nagvibrate muli ang phone ko kaya kinuha ko agad ito at doon umatake ang nerbyos ko nung nakita ko kung sino ang tumawag. “Hoy! Kanina pa yan, sagutin mo na yan” sabi ni Tenyente sa akin na nilagay ko sa mesa ang phone ko at tumakbo papunta sa banyo. Pagdating ko dun agad akong lumuhod sa inodoro at sumuka, narinig ko nalang ang mga kasamahan kong pulis na pumasok sa loob ng banyo. “Insp. Reyes ok ka lang ba?” tanong nila sa akin na tinaas ko lang ang kamay ko at nag “ok” sign ako sa kanila habang sumusuka.

“Tumabi nga kayo!” narinig ko sa labas ng stall at tumayo sa likuran ko si Tenyente Montalban “Barbie! Ano ang nangyari sa’yo?” tanong niya sa akin at kita kong bitbit niya ang phone ko. “Kanina pa ito tawag ng tawag” pinakita niya sa akin ang phone at biglang umikot ang sikmura ko kaya sumuka ulit ako na agad kong finlush ang sinuka ko at nagpahid ako ng bibig. “Ang baho mo!” sabi niya sa akin sabay bigay ng phone ko at nagvibrate uli ito kaya nilagay ko ito sa bulsa ko at naghilamos ako at nagmumog narin bago ako lumabas ng banyo.

Umupo ako sa silya ko habang hawak-hawak ko ang tiyan ko “tsk tsk tsk!’ dinig ko galing kay Tenyente “ok ka lang ba Inspector?” tanong ni PO2 Sandoval na tumango lang ako at hiniga ang ulo ko sa mesa. “Sandoval mag timpla ka nga ng kape” utos ni Tenyente sa kanya at umalis agad siya “hoy, Barbie sino ba yang tumatawag sa’yo na parang buntis ka kung sumuka ha?” tanong ni Tenyente sa akin at nagvibrate uli ang phone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan. “Shit!” mahinang sabi ko “sino ba kasi yan?” tanong ni Tenyente sa akin at salamat nakabalik na si Sandoval at binigay sa akin ang kape na kahit mainit ininom ko ito.

Kinuha ni Tenyente ang phone sa kamay ko at binasa niya ang pangalang nasa LCD ng phone ko “Fury, sino naman ito?” tanong niya sa akin habang umiinom ako ng kape at maya-maya lang ay naramdaman kong bumalik na yung init sa katawan ko. “Haaa.. fury… mommy ko yan” sagot ko sa kanya na tiningnan lang niya ako “bakit ayaw mong sagutin?” tanong niya sa akin “napanood na siguro nila ang balita tungkol sa barilan sa Makati” sabi ko na napailing lang siya “tsk, magulang talaga” sabi niya at binigay sa akin ang phone ko “sagutin mo yan para matapos na” sabi niya at bumalik siya sa silya niya.

Nagvibrate muli ang phone ko at huminga muna ako ng malalim bago ko ito sinagot “….ah… ma…” “DAVIDEO! WHY DIDN’T YOU ANSWER YOUR PHONE EARLIER HA!!!” sigaw ni mommy sa phone na alam kong naririnig siya sa buong presinto. “Mom.. please not now” sabi ko sa kanya “WHAT DO YOU MEAN NOT NOW! DID YOU KNOW THAT I ALMOST HAD A HEART ATTACK AFTER YOUR LOLA AIDA TOLD ME WHAT HAPPENED THIS MORNING!” sigaw niya sa akin. “Mom please I’m at work, i’m safe, i’m ok, there is nothing wrong, I didn’t get hurt, no wounds no anything” sabi ko sa kanya ng biglang nawala nalang siya sa linya.

“Haayy..” nalang ako at binalik ko sa bulsa ang phone ko at napatingin ako kay Tenyente na ngayon ay nakatingin narin sa akin “mommy ko” sabi ko sa kanya na umiling lang siya at binalik ang atensyon niya sa monitor. “Montalban, Reyes in my office!” tawag ni Hepe sa amin kaya tumayo kami at pumasok sa opisina niya “have a seat” utos niya sa amin kaya umupo kami sa silya. “Nakausap ko muli si Chief Hermosa at balita niya baka bukas pa daw nila madadala ang patalim na nakuha nila kay Edilberto dahil marami silang inaasikaso ngayon dahilan nga sa nangyaring barilan kanina at napatay yung si Edilberto” balita ni Hepe sa amin.

“Understandable naman Chief” sabi ni Tenyente sa kanya “yeah, yun din ang sabi ko kay Hermosa na…” bigla nalang natahimik si Hepe dahil me narinig kaming sigawan sa labas. “Ano yun?” tanong ni Hepe sa amin na nagkatinginan lang kami at agad siyang tumayo kaya sumunod kami sa kanya palabas ng opisina niya “Sanchez, ano ang nangyayari sa labas?” tanong ni Hepe kay PO3 Sanchez “Chief, me matandang babae na nagwala sa labas” balita niya kaya lumabas si Hepe para harapin ito “sino kaya ito” sabi ni Hepe habang nasa likod niya kami naririnig na namin ang boses ng babae na parang pamilyar sa akin ang boses niya.

“Please, please huwag lang po, huwag lang si lola Aida” sabi ko sa sarili ko habang nakasunod ako kay Hepe at nung nasa front desk na kami “what’s going on in here?” tanong agad ni Hepe. Natahimik nalang sila bigla at napatakip nalang ako sa mukha ko nung makita ko si lola Aida na naka daster pa habang pinipigilan siya ni Jenny at lolo Rudy.”Sino kayo?” tanong ni Hepe sa kanila na napatigil nalang bigla si lolo Rudy nung makita niya si Hepe pati narin si Hepe napaatras siya ng konte nung makita si lolo “sorry Chief, pamilya ko po sila” sabi ko sabay lakad ko palapit kay lola Aida na binatukan ako sa ulo.

“WALANG HIYANG BATA KA SINABING UMUWI KA HINDI KA UMUWI!” galit niyang sabi sa akin “lola please, you are making a scene” sabi ni Jenny sa kanya “la, tandaan niyo po kung nasaan kayo” paalala ko sa kanya. “Kilala niyo ba ang nasa harapan niyo? Siya po yung Hepe namin dito si Chief Minerva Mangubat” pakilala ko na napatigil nalang si lola Aida at napatingin siya kay Hepe tapos tumingin siya kay lolo Rudy na ngayon ay nakatingin lang din kay Hepe. Tumingin sa akin si lola at hinawakan ako sa tenga “LA! LA!” tawag ko sa kanya kaya binitawan niya ako “Rudy, umuwi na tayo” sabi ni lola sa kanya na hinila niya palabas ng presinto si lolo Rudy.

“Kuya sorry” sabi ni Jenny sa akin “ok lang yun, sige umuwi na kayo” sabi ko sa kanya “Reyes!” tawag ni Hepe sa akin kaya humarap ako sa kanya at tumingin naman sa kanya si Jenny. “You can go home, you are done for the day so do you Montalban” sabi ni Hepe sa amin “Chief?” takang sabi ni Tenyente sa kanya “you two take the rest of the day off, on hold ang lahat ng lakad niyo today dahil sa nangyari kaninang umaga kaya go home and get some rest i’ll see you tomorrow” sabi ni Hepe sa amin. Tumikas kami ni Tenyente at sumaludo sa kanya tapos tumalikod na si Hepe at bumalik na siya sa opisina niya “hintayin mo ako kukunin ko lang ang susi ko” sabi ko kay Jenny.

“Hi Tenyente” bati ni Jenny sa kanya “hello” bati ni Tenyente at nagngitian sila, pagkatapos kong kunin ang susi ni Pinky lumabas na kami ng presinto ni Jenny at nakita namin sina lolo at lola na nakasakay sa jeep. “Mauna na kayo lo, susunod na kami ni Jenny” sabi ko sa kanila “sige apo” sabi ni lolo Rudy na kita kong tahimik lang si lola Aida at nakatingin lang ito sa harapan. Naunang umalis sina lolo kaya sumakay na kami ni Jenny kay Pinky at nung papalabas na kami ng parking lot nakita namin si Tenyente nakatayo sa me gate. “Iiwan mo ako?” tanong niya sa akin “ha?” takang tanong ko sa kanya “pffttt! Nakalimutan mo na ata na ikaw ang ride ko” paalala niya sa akin “oonga kuya” sabi ni Jenny.

Lumipat sa likuran si Jenny habang naupo naman si Tenyente “so, how’s my kuya as a police?” tanong ni Jenny nung nasa daan na kami “not bad” sagot ni Tenyente na tiningnan ko lang sila. “Did you know that he is afraid of heights?” natatawang sabi ni Jenny sa kanya “really? I didn’t know that” sabi ni Tenyente sabay tingin niya sa akin “he peed on his bed..” “JENNY!” sigaw ko na natawa lang si Jenny sa akin “hmmm…” narinig ko galing kay Tenyente na napahiya tuloy ako. “Ihahatid ka na muna namin Tenyente” sabi ko sa kanya “hindi, sasama ako sa inyo” sabi niya at naging komportable siya sa upoan niya “nice, oh by the way kuya just a fair warning mom and dad already know so yeah, good luck” sabi ni Jenny na nagsisimula nanaman ang anxiety ko.

Tumunog ang phone ni Jenny at sinagot niya ito “hello, mommy… yes pauwi na kami.. dadaan muna kami ng… ok… sige sabihin ko kay kuya.. bye..” sabi niya “kuya, umuwi na daw tayo” sabi ni Jenny sa akin na nanlamig na ako. “What’s the big deal?” tanong ni Tenyente “wala ka namang ginawang masama, hindi ba?” tanong niya na hindi ko siya pinansin “ganyan yan ang kuya ko Tenyente pagnenerbyos” sabi ni Jenny “nerbyos? Saan?” tanong niya “iba kasi pagnagalit ang mommy namin, parang tigre yun eh” paliwanang ni Jenny. “Fury..” sabi ni Tenyente na natawa si Jenny “bakit?” tanong niya “makikita mo mamaya kung bakit fury ang tawag ni kuya sa kanya” sabi ni Jenny.

Pagdating namin malapit sa tulay papunta kina lolo Rudy parang nawalan ng lakas ang paa kong apakan ang gasolinador kaya biglang humina ang takbo ni Pinky “kuya?” pagtataka ni Jenny. “Ah.. eh na.. nasaan na sina mommy?” tanong ko sa kanya “nasa bahay na nila lolo Rudy, bakit?” tanong niya na inapakan ko ang break at nilagay ko sa parking si Pinky at nagmamadali akong lumabas at sumuka sa gilid ng daan. “Oh God!” narinig kong sabi ni Tenyente “ganyan talaga yan si kuya pag inatake ng nerbyos” sabi ni Jenny sa kanya.

“Kanina sa Makati hindi ko naman siya nakitaan ng ganitong nerbyos nung nasa gitna kami ng barilan pero pagdatng sa mommy mo” sabi ni Tenyente “dalawa lang ang kinatatakutan ni kuya, height at si mommy” sabi ni Jenny. Hinimas ni Jenny ang likod ko habang tuloy lang ako sa pagsuka “Dave!” me tumawag sa akin “mang Pilo” sabi ni Jenny sa dating tanod ni lolo Rudy. “Naku, ok ka lang ba?” pag-aalala niya sa akin “haa.. ok lang po ako” sagot ko sa kanya habang nagpapahid ako ng bibig “pumasok ka muna sa bahay para makainom ng mainit na tubig” sabi niya sa akin.

“Salamat nalang po” sabi ko sa kanya “Jenny ikaw na ang magdrive” sabi ko sa kapatid ko at tinulongan ako ni mang Pilo papasok sa loob ni Pinky “Dyos ko, uminom ka ng mainit na tubig at magpahinga ka ha?” sabi ni mang Pilo sa akin. “Ako na po ang bahala mang Pilo” sabi ni Jenny sa kanya at pinaandar na niya sa Pinky at umalis na kami, humiga ako sa likod habang nakatabon ang mga kamay sa mukha ko “nandito na tayo kuya” sabi ni Jenny at bumosena siya at kita kong bumukas ang gate at pinasok na niya sa loob si Pinky.

“Jenny, nasaan ang kuya mo?” narinig ko si daddy kaya bumangon ako at nagulat siya nung makita ako sa likod, bumaba na si Jenny at si Tenyente at pagkalabas ko ng kotse agad akong niyakap ni daddy. “Thank God!” sabi niya nung mahigpit niya akong niyakap “Dave!” narinig ko sa likuran ko si tito Dom na pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko at mahigpit niya akong hinawakan “maraming salamat at ligtas ka” sabi niya sa akin. “Dad, hindi na ako makahinga” sabi ko na agad niya akong binitawan at tumingin ako sa paligid at doon nakita kong galit-na-galit na nakatingin sa akin si mommy.

“Ano ba kayo! Walang nangyari sa akin besides parte yun ng trabaho ko” sabi ko sa kanila ng bigla nalang umabante si mommy at hininto ang kamao niya malapit lang sa mukha ko. “Shit!” napamura ako nung dumaan sa akin ang hangin dulot ng suntok niya “CHELLO!” sigaw ni daddy sa kanya na bumuka ang kamay ni mommy at hinawakan ako sa batok at hinila ako papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. “Mommy..” sabi ko kaya niyakap ko narin siya “mommy ok lang talaga ako” sabi ko sa kanya na naramdaman kong hinihimas niya ang likuran ko “oh crap!” sabi ko nalang sa sarili ko.

Tinulak niya ako ng konte “YOU DIDN’T EVEN WEAR THE VEST I GAVE YOU!” sigaw niya sabay suntok niya sa akin na akala ko hihinto ito pero bigla nalang uminit ang labi ko nung tinamaan ito. “CHELLO!” sigaw uli ni daddy na pinigilan siya nito dahil kita kong bubugbogin ako ni mommy sa hindi ko pagsuot sa bulletproof vest na binigay niya sa akin “STOP!” narinig kong sumigaw si Tenyente na napatigil naman sila. “DO YOU KNOW WHO I AM?” sigaw ni Tenyente sa kanila sabay pakita niya ng chapa niya “i’m going to arrest you if you won’t stop!” sabi ni Tenyente sa kanila na tinulak ni mommy si daddy at humarap siya kay Tenyente.

“Who the fuck are you telling me how to deal with my son?!” sabi ni mommy sa kanya “babe, this isn’t the right way to deal with..” “shut up, Davideo!” sabi ni mommy kay daddy na natahimik nalang siya. “He is an officer of the law, ginawa lang niya ang trabaho niya” sabi ni Tenyente kay mommy na napatingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin “really?” tanong ni mommy kay Tenyete “yeah!” sagot niya. “I can pretend to ignore the fact that you are sleeping with my idiot son but talking to me like you know me?” sabi ni mommy sa kanya na pareho kaming nagulat ni Tenyente sa sinabi niya.

“Ha? A.. ano ang…” nauutal na sabi ni Tenyente kay mommy sabay tingin niya sa akin na umiling ako para ipaalam sa kanya na hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa amin “pa..paano mo?” tanong ni Tenyente. “Your scent, the same scent I smell from my idiot son’s clothes” sabi ni mommy na napatingin sa akin si daddy at kita kong binitawan na niya si mommy at parang nakita kong napangiti si daddy sa akin. “Oh damn” dinig kong sabi ni tito Dominic “TAMA NA YAN!” sigaw ni lola Aida na ngayon ay lumabas na ng bahay at tumayo sa pagitan nina mommy at Tenyente Montalban.

“Walang nangyari kay Dave so wala tayong dapat ikabahala” sabi ni lola Aida sabay tingin niya sa akin “pumasok ka sa loob Dave, Dominic gamotin mo yang sugat niya sa labi” utos ni lola sa kanya. “Sige ma, Dave tara na” yaya sa akin ni tito Dominic “kayong dalawa” sabi ni lola kay mommy at daddy “hindi ba me flight kayo mamayang gabi?” “opo ma” sagot ni daddy “maghanda na kayo” sabi ni lola sa kanila. “Ikaw naman” sabi niya kay Tenyente “po?” “pumasok ka sa loob doon na tayo mag-uusap” sabi ni lola na kita kong nakapangbewang siya nung sinabi niya ito sa kanila.

Pagpasok namin ni tito Dom sa loob ng bahay nakita naming nakaupo sa sofa si lolo at nagulat kami dahil me black eye ito sa kaliwang mata niya “lo?” “pa?” sabay naming sabi ni tito Dom. Tumayo si lolo at pumunta ng kusina habang iniignore niya kami “ano kaya ang nangyari dun?” tanong ko kay tito Dom “ewan ko Dave, tsk! Ewan ko” sagot niya at pinaupo niya ako sa sofa “diyan ka lang kukunin ko lang yung first aid kit sa banyo” sabi ni tito sa akin. Pumasok sina mommy at daddy at dumiretso sa taas si mommy habang tumabi sa akin si daddy sa sofa.

“Patingin nga” sabi niya at tiningnan niya ang labi ko “tsk! Haayy” nalang si daddy at tiningnan niya ako at sabay pa kaming napalingon sa pinto nung pumasok sa loob si Tenyente. “Don’t be like me son, don’t be like me” mahinang sabi ni daddy sa akin at nginitian niya si Tenyente bago siya sumunod kay mommy sa taas “maupo ka diyan” sabi ni lola Aida sa kanya na sumunod naman si Tenyente sa kanya at umupo sa tabi ko. Nakapambeywang si lola Aida nung tumayo siya sa harapan namin at nakita kong napahinto si tito Dom sa me hagdanan nung makita si lola at bigla nalang siyang tumalikod at pumunta ng kusina “tito..” mahinang tawag ko sa kanya.

Tiningnan kami ni lola Aida at hindi siya nagsalita hanggang sa bumaba mula sa taas si mommy at tumayo siya sa tabi ni lola “mama” sabi ni mommy “sige” sabi ni lola at umatras siya palayo kay mommy. Nakapambeywang na din si mommy at tumingin siya sa amin “well?” tanong ni mommy sa amin na nagkatinginan kami ni Tenyente “mom..” sabi ko na bigla nalang tumayo si Tenyente at humarap kay mommy. “So what if I slept with your son, do you have a problem with that?” tanong ni Tenyente sa kanya na lumapit sa kanya si mommy at nilapit niya ang mukha niya kay Tenyente.

“Yes!” sagot ni mommy na parang nasindak si Tenyente kaya umatras siya ng konte palayo sa kanya “mom please, i’m no longer..” “shut up, Davideo!” sabi agad ni mommy sa akin kaya natahimik nalang ako. “Don’t tell him to shut up, nakakalimutan mo na ata kung sino kaming dalawa at ano ang trabaho namin” sabi ni Tenyente sa kanya “hindi ko nakalimutan kung sino ka at ano ka sa publiko pero nung nalaman ko ang ginawa niyong dalawa you have thrown away your badge off the window” sabi ni mommy sa kanya. “Aong tinapon?” tanong ni Tenyente sa kanya “iha, nung ikinama mo ang apo ko inalis mo na ang position mo bilang pulis” sabi ni lola sa kanya.

Nakita kong bumaba sa hagdanan si daddy at lumapit sa kanya si tito Dominic at kita kong bumulong siya kay daddy na sinuntok siya nito ng mahina sa braso “tumahimik ka” dinig kong sabi ni daddy. “Dave” tawag sa akin ni mommy “mom?” sabay tayo ko “I understand your work, but what I don’t understand is you.. you guys are sleeping together” sabi ni mommy sa akin. “Mom, hindi naman namin sinadya ang nangyari noon at sino ba naman ang mag-aakala na si..” tumingin ako kay Tenyente na nakatingin din siya sa akin “siya ang makasama ko nung gabing yun” patuloy ko.

“Wait, hindi ito tungkol sa barilan kaninang umaga?” tanong ni Tenyente kay mommy “part of that is, pero gusto narin kitang harapin tungkol sa amoy mo na dumikit sa damit ng anak ko” sabi ni mommy sa kanya. “Ma!” narinig namin sa me pinto si tita Maria “ay sorry” sabi niya “iha, pumasok ka sa loob” yaya ni lola sa kanya “mom, i’m an adult now hindi mo na kailangan pang magworry sa akin” sabi ko sa kanya. “Davideo, nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa’yo noon?” tanong ni mommy sa akin “hindi mom, nakatatak na yun sa isipan ko but you have to trust me” sagot ko sa kanya.

“Ang nangyari sa amin ni Tenyente…ni Erica is pure coincendent lang hindi naman kilala ang isa’t-isa noon” sabi ko sa kanya “me nangyari sa inyo?” biglang sabi ni Helen na nakatayo sa me pintuan. “Ay sorry, nakalimutan ko palang sabihin nandito din pala si Helen” sabi ni tita Maria “oh God no!” sabi ko, lahat kami nagulat nung sumulpot bigla si Helen sa me pinto maliban kay tita Maria. “Ka.. kanina ka pa ba diyan?” tanong ko sa kanya “Dave.. ano yung sinasabi mong.. nangyari?” takang tanong ni Helen sa akin na kita kong napatingin siya kay Tenyente.

“Helen.. let me explain” sabi ko na bigla siyang tumalikod at tumakbo kaya hinabol ko siya sa labas na agad ko siyang hinawakan sa kamay nung malapit na siya sa gate “please.. please let me explain” sabi ko sa kanya. “NO! LET ME GO!” nagpupumiglas siyang makawala sa pagkahawak ko “please.. Helena please.. magpapaliwanag ako” sabi ko sa kanya. “No Dave.. no..” sabi niya na sinampal niya ako sa mukha kaya nabitawan ko siya at doon lumabas siya ng gate kaya hinabol ko siya sa labas pero nakasakay na siya sa kotse niya at muntik pa niya akong sagasaan nung pinatakbo niya ito. “HELENA! HELENA!” pagsisigaw ko nung hinabol ko ang kotse niya pero napahinto nalang ako nung lumiko na siya sa kanto papunta sa tulay.

Sinundan pala ako nina daddy at tito Dominic “anak..” tawag ni daddy sa akin “dad… I fucked up! I fucked up dad” naiiyak kong sabi kay daddy na inakbayan nila ako at niyaya akong bumalik ng bahay. Pagbalik namin ng bahay nasa labas na si Tenyente at nakatingin siya sa akin habang nagpapahid ako ng luha “mag-usap tayo” sabi ni Tenyente sa akin kaya tinapik nila ako sa balikat at pumasok na sila sa loob. “Sorry..” sabi ko “siya ba yung girlfriend mo?” tanong niya sa akin na tumango ako “maganda siya” sabi niya sa akin “you’re not helping” sabi ko sa kanya.

Umupo kami sa bench sa labas “haayy.. kaya hindi ako nagkaroon ng karelasyon dahil ayaw ko ng drama” sabi ni Tenyente sa akin “ayaw ko ng.. ganitong pangyayari katulad sa reaction ng mommy mo.. yung habolan sa labas” dagdag niya. “Ngayon umiiyak ka dahil nalaman ng girlfriend mo ang tungkol sa nangyari sa atin.. mga ganitong drama hindi ko ito kailangan sa buhay ko” sabi niya sa akin. “So, what are you trying to say?” tanong ko sa kanya na nginitian niya ako “fuck it!” sabi niya sabay tayo niya at nagpaalam na siya sa akin “see you tomorrow, Davideo” napatingin ako sa kanya dahil ngayon ko lang narinig na binanggit niya ang pangalan ko.

Naupo lang ako sa bench habang iniisip ang nangyari kanina at si Helen “Dave” tawag sa akin ni daddy na binalik ko sa bulsa ang phone ko dahil kanina ko pa tinatawagan si Helen hindi siya sumasagot. “Dad, I am really sorry..” sabi ko na tinaas niya ang kamay niya at naupo sa tabi ko “don’t worry about it, haayyy what the hell have you got yourself into son?” nakangiting tanong ni daddy sa akin. “What? Bakit nakangiti ka?” takang tanong ko sa kanya na umiling lang siya at tumingin sa loob ng bahay “did you know about our story?” tanong niya sa akin “who’s story?” tanong ko “sa amin ng mommy mo” sabi niya.

“How you and mom got started?” tanong ko na tumango siya “hindi ba dati ka niyang employee?” tanong ko “true, sa totoo lang anak walang ligawan ang nangyari sa amin ng mommy mo” sabi niya. “You mean?” “basta nalang naging kami ng mommy mo” nakangiting sabi ni daddy sa akin “wait.. you mean..” sabi ko uli na umiling lang si daddy at sabing “your mom and I slept while we are working together” sabi niya sa akin na napanganga nalang ako at naalala ko ang sinabi niya sa akin kanina “kaya pala sabi mo” “yes.. don’t be like me” sabi niya na napangiti nalang ako at binatukan niya ako ng mahina sa ulo.

“Babe!” tawag ni mommy sa kanya “yeah?” “maghanda kana ilang oras aalis na tayo” paalala ni mommy sa kanya “i’ll be there” sabi ni daddy “don’t be like me, unless its worth it!” sabi ni daddy sa akin sabay tayo niya “remember that” at pumasok na siya sa loob ng bahay. Pumalit sa kanya si tito Dominic at inakbayan niya ako “D3, naks naman yun pala ang bebot na nakasama mo” sabi niya sa akin “tito Dom..” “biro lang Dave, maganda, seksi, palaban at higit sa lahat mataas pa sa’yo.. parang me naalala ako niyan ah?” sabi niya na siniko ko siya ng mahina sa tagiliran niya at natawa nalang siya.

“Mag-ingat ka ha?” sabi niya sa akin at pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko “huwag kang mag-alala tito Dom” sabi ko sa kanya “good, aalis na kami ng tita Maria mo, mag-ingat ka sa paghatid ng parents mo mamaya” sabi niya “opo” sagot ko. “Dave mag-ingat ka sa byahe ha?” sabi ni tita Maria sa akin “opo tita” sagot ko na tinuro ako ni tito Dominic bago siya lumabas ng gate at bigla nalang me bumatok sa akin kaya napalingon ako at nakita ko si Jenny pala. “Bakit?” tanong ko sa kanya na bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit “kuya.. I was worried about you” sabi niya sa akin “haayy.. don’t be” sabi ko at niyakap ko din siya.

“Nung narinig ko ang pangalan mo sa balita kanina muntik na akong himatayin sa takot na akala ko me nangyari na sa’yo” sabi niya “walang mangyayari sa akin ok, believe me” sabi ko sa kanya at kita kong lumabas ng bahay si lolo Rudy na naka shades na ito. “Si lolo” sabi ko “hehehe.. sinuntok ni lola Aida yan kanina” natatawang sabi ni Jenny kaya natawa narin ako. Bumitaw na sa pagkayakap si Jenny “sasama ka ba sa akin mamaya?” tanong ko “hindi, pupunta kami ng mall ni lola Aida” sabi niya “ako lang ang maghahatid kina daddy at mommy?” tanong ko.

“Malamang, alam mo naman kuya sobrang traffic na pag gabi” sabi niya “sabagay, mag-ingat kayo” sabi ko sa kanya “don’t worry kuya” sabi niya “nagpaalam kana kina daddy?” tanong ko “si lola na ang bahala doon” nakangiti niyang sabi sa akin. Nakita kong lumapit sa amin si lolo Rudy “baby, pumasok ka muna sa loob kakausapin ko lang ang kuya mo” sabi ni lolo sa kanya “sige po, lo kahit mag shades kayo halatang me balck eye parin kayo” sabi ni Jenny sa kanya “sshh.. pumasok kana” sabi ni lolo sa kanya na natawa lang si Jenny.

“Bakit lo?” tanong ko sa kanya “yung Hepe niyo” sabi niya “si Chief Mangubat?” tanong ko “oo” sagot niya na kita kong palingon-lingon siya sa bahay “siya ba yung binanggit mo na kasama mo noon sa Malabon?” tanong ko sa kanya. “Oo, naging Hepe na pala siya, akala ko kasi tumigil na siya sa pagpupulis” sabi niya sa akin “pretty much pulis parin siya lo, CO ko nga siya hindi ba” sabi ko “huwag kang pilosopo Dave” sabi ni lolo sa akin na napangiti lang ako. “Tatlumput anim na taon na kaming hindi nagkita parang ganun parin siya kung manamit” sabi ni lolo sa akin “ho?” tanong ko “ah wala hehehe.. mabut at maayos ka lang at hindi ka nasaktan kanina” iniba niya ang usapan namin.

Tumambay muna kami ni lolo Rudy sa labas “Dave, isakay mo na yung maleta namin kay Pinky” utos ni daddy sa akin “sige dad” sabi ko at pumasok na ako sa loob ng bahay habang iniwan ko sila sa labas. Umupo si Dave sa tabi ni Rudy at pareho silang nakatingin sa gate “pa, nangyari sa mata mo?” tanong ni Dave sa kanya “anong mata?” pagkukunwari ni Rudy. “Tinatago mo pa yan alam kong me black eye ka” sabi ni Dave sa kanya “ah hahaha ito ba?” tanong ni Rudy sabay tanggal ng shades niya “kasing lagi ng kamao ni mama yan ah?” natatawang sabi ni Dave.

“Tumahimik ka nga Davideo” sabi ni Rudy na pinigilan nalang ni Dave ang tawa niya “maiba ako” sabi ni Rudy “ano yun pa?” tanong ni Dave “yung Tenyente, totoo ba ang me nangyari sa kanila ni Dave?” tanong ni Rudy. “Kilala mo si Chello pa, malakas ang pangamoy nun” sabi ni Dave kaya napailing lang si Rudy sa apo niya “tsk, baka matulad mo yung batang yun” sabi ni Rudy na natawa lang si Dave “sana hindi pa” sabi niya “dahil kung magkataon naku” sabi ni Dave na tiningnan siya ni Rudy “pinaalala ko sa kanya yan pa na sana huwag siyang sumunod sa akin” sabi ni Dave na napailing ulit si Rudy “anak mo nga yun!” sabi ni Rudy “saan pa ma magmamana?” sabi ni Dave na nagtawanan silang dalawa ni Rudy.

Makalipas ang ilang oras nagpaalam na sina mommy at daddy at pagkatapos bumyahe na kami papunta ng NAIA “ipapark ko lang yung kotse dad” paalam ko nung binaba ko sila sa harap ng airport. Naabotan ko sila nung nagcheck-in na sila at pagkatapos tumambay muna kami sa isang Cafe malapit sa airport na panay tingin lang sa akin si mommy habang nagbibilin naman si daddy sa akin. “Mom, please..” sabi ko dahil naiilang na ako sa mga titig niya “i’m not happy Davideo” sabi ni mommy sa akin “I know” sabi ko “and you keep on doing it to me” sabi niya na napailing lang si daddy.

“I’m sorry” sabi ko na inakbayan ako ni daddy “don’t be” sabi ni daddy na sinuntok siya sa braso ni mommy “aray!” sabi ni daddy na napatingin ako sa paligid dahil tintingnan na kami ng mga tao. Tumingin si mommy sa relo niya “let’s go” yaya ni mommy kaya lumabas na kami ng Cafe at hinatid ko sila at unang yumakap sa akin si daddy “becareful” bulong niya sa akin “I will dad” sabi ko at humalik ako sa pisngi niya. Sumunod si mommy at niyakap niya ako ng mahigpit “my boy!” bulong niya “mommy..” sabi ko “don’t forget to protect yourself” sabi niya “I will mom” “I mean wear your vest… and..” “what?” tanong ko “.. condom..” sabi niya sabay halik niya sa pisngi ko at tinulak ako palayo.

Samantala, duamting narin ang eroplanong sinakyan nina Rosana “alam niyo na ang gagawin niyo” sabi ni Rosana sa kanila at tumango silang lahat at nagsimula na silang lumabas ng eroplano at naglakad palabas sa gate.Naghiwalay sila sa puntong yun at naunang lumabas sina Esmeralda at Julie kasunod si Ednalyn at Alejandra at huli sina Rosana, Dino at Sony. Nagkasalubong pa sina Dave at Esmeralda pero hindi nila napansin ang isa’t-isa at nung lumiko sila ni Chello papunta sa gate nila dumaan sa likuran nila sina Ednalyn at Alejandra at nung malayo na sina Dave dumaan naman ang tatlo palabas ng terminal.

Nung nakalabas na sina Rosana nakita niyang niyakap ni Randy at ni Marilyn si Ednalyn nung sinundo nila ito sa airport, dumaan sa likuran nila si Rosana at binagalan niya ang hakbang niya. “Salamat, kayo na muna ang bahala sa kanya” sabi ni Rosana “huwag kang mag-alala” sagot ni Randy sa kanya at dumiretso na sina Rosana papunta sa kabilang side ng terminal para kunin ang kotse nirentahan nila. Pagkatapos sulatan at pirmahan ni Dino ang kontrata sumakay na sila at nadaanan pa nila sa crosswalk sina Esmeralda at Julie na patawid sa kabilang kalye papunta sa parking lot.

Hindi sila pinansin ng dalawa at nung nakatawid na sila dumeritso na palabas ng NAIA sina Dino habang pumunta naman ng parking lot ang dalawa at hinanap nila ang sundo nila pero hindi nila ito makita pero me pamilyar na kotseng nakita si Esmeralda kaya pinuntahan niya ito. Bumalik narin ako kay Pinky nung pumasok na sa loob sina daddy at pataghoy-taghoy pa ako nung naglakad ako pero napahinto nalang ako nung me nakita akong babaeng nakatayo malapit lang kay Pinky. Sumilip ito sa loob kaya pinindot ko ang alarm ni Pinky at nagulat ito nung bumusena si Pinky.

“Can I help you?” tanong ko doon sa babae na ngitian ako “your car.. its cute” sabi niya “ah, hehehe it’s not mine its from my dad” sabi ko at nakita kong me isa pang babaeng lumapit sa kanya na me dala itong maliit na bag. “Is your offer still open?” tanong nung babae sa akin “what offer?” tanong ko “you helping me” nakangiting sabi niya na napangiti nalang ako. “Can you offer us a ride? Don’t worry we are harmless” sabi niya sa akin “i’m sorry but I need to.. ” “please.. we do not have a ride and its getting late” pagmamakaawa niya sa akin “besides you are an officer of the law you have to help us” dagdag niya dahil nakita niya ang suot ko.

Tahimik lang ang kasamahan niya habang nakatingin lang ito sa akin “I guess you are right I mean you guys are not one of those people who kidnap and kill people right?” biro ko sa kanila na natawa lang sila. “Nope, but if you are one of those cops who do bad thing well..” sabi niya sabay tingin niya sa kasamahan niya at tumingin siya sa akin at nginitian niya ako. “I’m glad we have that talk” sabi ko at niyaya ko silang sumakay at natuwa naman sila “i’m Dave by the way” pakilala ko sa kanila “i’m Julie” pakilala nung nasa likuran “i’m Esmeralda” pakilala niya sa akin.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
1
0
Would love your thoughts, please comment.x