Uncategorized  

Carnal: Book 3 – Chapter 6: The Investigation

anino
Carnal: Book 3

Written by anino

 

din siya nung makita ako at hindi siguro niya inaasahan na dito kami magkikita “Helen…” tawag ko sa kanya. Bumukas yung pinto at lumabas sa Steven “Agnes, sino ang naghanap sa akin?” tanong niya “Reyes!” tawag sa akin ni Tenyete na hindi ko siya pinakinggan at aktong lalapit na sana ako kay Helen bigla niya akong hinawakan sa balikat kaya napatigil ako. “We are here in a official police business, remember who you are now Reyes” paalala niya sa akin na natauhan ako bigla at napatingin lang kay Helen.

“Dave…” tawag niya sa akin na lumapit sa kanya si mommy “Helen, bring it upstairs and we’ll talk about it later” utos ni mommy sa kanya na tumigin sa kain si Helen at tumalikod na siya at bumaliks a elevator. Palingon-lingon pa siya sa akin nung naglakad na kami ni Tenyente papasok sa loob habang naghihintay naman siya sa harapan ng elevator “REYES!” sigaw ni Tenyente sa akin kaya nagmamadali akong sumunod sa kanila. Pumunta kami sa opisina ni daddy para doon namin kausapin si Steven “maiwan ko na kayo, Dave ah I mean hehehe Inspector Reyes kayo na ang bahala” nakangiting sabi ni daddy sa akin at lumabas na siya at sinara ang pinto.

Tumingin sa akin si Tenyente Montalban at napailing nalang siya “you are an officer of the law first Inspector” paalala ni Tenyente sa akin “not a lover boy, not their son” dagdag niya na napayuko nalang ako sa ulo ko. “We came here to invisitage not to migle nor socialize with your parents and her” sabi niya na napatingin ako sa kanya at napatingin ako kay Steven na nginitian naman niya ako. Inayos ko ang sarili ko at umupo ako ng maayos “sorry Tenyente, please lets proceed with the questioning” sabi ko sa kanya “good, now that you are in the program, Steven right?” sabi niya.

“Yes” sagot ni Steven “my name is Lt. Jerica Montalban and this is my partner Inspector..” “sir Dave magandang araw po” putol niya kay Tenyente na nakita kong parang na frustrate si Tenyente at nainis pa ito. “Mr. Dela Cruz!” sabi ni Tenyente na napatingin siya at nawala ang ngiti sa mukha niya “naparito kami para tanongin ko kung nasaan ka kagabi sa mga oras ng alas otso ng gabi hanggang alas sais ng umaga?” tanong ni Tenyente sa kanya. “Alas otso hanggang alas sais ng umaga? Nasa bahay lang po” sagot niya “is there anyone who can confirm this?” tanong niya na kita naming parang nagbago ang kinikilos ni Steven nung tinanong siya ni Tenyente.

“Steve, sagotin mo ang tanong niya” sabi ko na tumingin siya sa akin at nahihiya itong magsalita “come on Mr. Dela Cruz” sabi ni Tenyente sa kanya “pa.. para saan ba ito?” tanong niya sa amin. Me kinuhang picture sa dala niyang folder si Tenyente at pinakita niya ito kay Steven “kilala mo ba siya?” tanong niya na tiningnan ito ni Steven “si Gwendolyn yan” sagot niya. “Kaano-ano mo ba siya?” sunod na tanong ni Tenyente “ka.. kaibigan ko po” sagot niya na kita kong pinapawisan na siya “relax lang Steven, tinatanong ka lang namin” sabi ko sa kanya.

Tinuroan din kasi kami pagdating sa pakikipag-usap sa mga suspects at mga biktima kaya alam ko kung paano iapproach ang sitwasyon “again, kaano-ano mo ang babaeng ito?” tanong ulit ni Tenyente sa kanya. Habang nenerbyos si Steven ako naman ay hindi mapakali dahil nandito pala si Helen at ilang taon akong naghintay na makauwi siya dito sa Pilipinas. Huling video chat kasi namin four years ago bago ako pumasok sa PNPA at ang huling pinag-usapan namin ay tungkol sa lalaking nanliligaw sa kanya sa Canada at sinabi niya sa akin na nahuhulog na ang loob niya sa lalaking yun.

Kaya gusto kong makaalis dito para puntahan siya at tanongin ang status niya ngayon kung single pa ba siya o in a relationship na siya “Reyes, Reyes… BARBIE!” sigaw ni Tenyente na natauhan ako bigla “ha! ah yes sir, ma’am I mean Tenyente” sabi ko na kita kong galit siyang nakatingin sa akin. “So.. sorry” sabi ko sa kanya na binigay niya sa akin ang file na dala niya pati narin ang notepad niya. “Again Steven, is there anyone who can confirm na nasa inyo ka nga kagabi?” tanong ni Tenyente sa kanya na tumingin siya sa akin at kay Tenyente bago siya tumango “oo… meron” sagot niya.

“Pwede makuha ang pangalan niya?” tanong ni Tenyente na tumingin sa akin si Steven “Ritchie po” sagot niya “teka, si Ritchie?” takang tanong ko sa kanya na napatingin sa akin si Tenyente. Napansin ko siyang nakatingin sa akin kaya sinabi ko sa kanya na kilala ko si Ritchie “sino si Ritchie?” tanong ni Tenyente “teka” sabi iko na tumayo ako at pumunta sa desk ni daddy at tinawagan ko si Ritchie. “Sige” sabi ko at binaba ko na yung phone na tumingin sa akin si Tenyente “kasamahan niya dito si Ritchie” sabi ko at maya-maya lang ay me kumatok sa pinto at binuksan ko ito at nakita ko sa labas ng opisina si Ritchie.

“Dave?” tanong ni daddy sa akin “teka lang dad” sabi ko at pinapasok ko si Ritchie sa loob at sinara ko ang pinto at pinupo ko siya sa tabi ni Steven na nagkatinginan silang dalawa. “Ritchie?” tanong ni Tenyente “Richard Elisardo po” sagot niya “ok” sagot ni Tenyente kaya sinulat ko ito sa notepad niya “kaya ka namin pinatawag dito kasi ikaw ang alibi niya” turo ni Tenyente kay Steven. “Totoo bang magkasama kayo kagabi sa bahay niya?’ tanong ni Tenyente sa kanya na nagkatinginan silang dalawa at tumingin sila sa akin “Ritch, sagotin mo ang tanong niya” sabi ko na tumingin siya kay Steven at tumango naman siya “sabihin mo nalang” sabi niya na napalunok ng laway si Ritchie.

“Opo, magkasama po kami kagabi” sagot ni Ritchie na napailing lang si Tenyente at tumayo siya “kung ako sa inyo sabihin niyo nalang ang totoo kung ano ang meron sa inyong dalawa, kasi kung pagtatakpan mo siya sa krimen na nangyari kagabi pati ikaw ikukulong ko” banta sa kanya ni Tenyente. “Krimen? Ano pong krimen?” gulat na tanong ni Steven pati si Ritchie nagulat din “yang babaeng nasa litrato, yung kinilala mong si Gwendolyn nakita siya kaninang umaga na me malaking hiwa sa leeg niya” sabi ni Tenyente na nakita kong biglang namutla ang dalawa sa narinig nila.

“Kaya sabihin niyo sa akin ang totoo, kasi kung magsisinungaling kayo hindi ako mag-aatubiling pusasan kayo at dalhin sa presinto” banta ni Tenyente sa kanila na pati ako kinahaban narin sa bagsik na pinakita ni Tenyente sa kanila. “Ba.. bading po kami..” sabi bigla ni Steven na nagulat ako sa narinig ko pati si Tenyente natahimik nalang “opo.. bading kaming dalawa” dagdag ni Ritchie na bigla siyang tumayo at nagtanggal ng belt at botones ng pantalon at pinakita ang suot niyang panty. “Sa totoo, di.. dinalaw kami ng mga boylet namin kagabi” sabi ni Steven na tinanggal niya ang botones ng polo niya at tinaas ang t-shirt sa ilalim nito at pinakita ang chikinini sa me utong niya.

“Kayo?! Bading!” gulat kong sabi sa kanila na pareho silang tumango “hindi mo ba nahahalata sir Dave sa tuwing pumupunta ka dito sa office kasama ang daddy mo tintingnan ka namin” sabi ni Steven. “Oonga, noong nalaman nga namin na susunod ka sa business niyo natuwa kami pero.. nadismaya kami dahil naging pulis ka..” sabi ni Ritchie na napasandal ako sa upoan ko at natawa. “Reyes!” sabi ni Tenyente na natahimik ako “sabihin niyo sa akin, paano niyo nakilala si Gwendolyn?” tanong ni Tenyente sa kanila “sa isang party sa Malabon” sagot ni Steven.

“Now we are going somwhere” sabi ni Tenyente “tell me the details” dagdag niya kaya nagsimula ng magkwento ang dalawa “mahilig kasi sa mga beauty pageant yang si Gwen, kami yung make-up artist at wardrobe assitants niya” kwento ni Ritchie. “Tapos?” tanong ni Tenyente “kinuha niya kami noong two months ago ba yun?” tanong ni Ritchie kay Steven “oo, two months ago umattend kasi siya sa isang party at sinama niya kami” sabi ni Steven. “Saan naman ang party na ito?” tanong ni Tenyente “sa isang gusali sa Makati, ano nga uli ang pangalan nun?” tanong ni Steven kay Ritchie “Blue Heights Tower” sagot niya na napatigil si Tenyente at napatingin sa kanila.

“Tenyente?” tawag pansin ko sa kanya “sige, pwede na kayong makaalis” sabi niya bigla “salamat po, sir Dave yung sinabi namin kanina atin-atin lang yun ha?” sabi ni Ritchie sa akin na tumango ako at umalis na ang dalawa. “Tenyente, me problema ba?” tanong ko sa kanya dahil napansin kong natahimik nalang siya bigla, narinig naming me kumatok sa pinto at nung bumukas ito sumilip sa loob si daddy “ok na ba?” tanong niya “ok na dad” sagot ko kaya pumasok na siya sa loob. “So, how was it?” tanong niya “i’m sorry Mr. Reyes for the inconvenience thank you for your cooperation” sabi ni Tenyente sa kanya.

“Anytime, basta makatulong ako sa inyo” nakangiting sabi ni daddy sa kanya “five minutes Inspector” sabi ni Tenyente sa akin sabay labas niya ng office ni daddy “so ano? Ano ang tinanong niyo sa dalawa?” usisa ni daddy sa akin. “Dad, alam mong hindi ko pwedeng sabihin sa’yo ang pinag-usapan namin dito” sabi ko sa kanya “aw hehehe oonga pala” natatawang sabi ni daddy. “Dad, about kay Helen, bakit hindi mo sinasabi sa akin na dito na pala siya nagtatrabaho?” tanong ko sa kanya “i’m sorry Third, pati ako na surprise din kasi nung pagdating namin dito sa building nasa lobby na si Helen naghihintay sa mommy mo” sabi niya sa akin.

“Wala kayong alam tungkol sa pagpasok niya dito?” tanong ko sa kanya “I am clueless, like I said na surprised din ako nung nakita ko siya kanina dito” sabi niya sa akin “gusto ko siang makausap” sabi ko na pinatong ni daddy ang kamay niya sa balikat ko. “You have plenty of time to that, business comes firts son” sabi niya sa akin na alam kong tama si daddy. “Reyes, lets go!” sabi ni Tenyente sa akin na nakatayo pala ito sa labas ng opisina “sige na, me oras ka para kausapin siya” sabi ni daddy sa akin “sige dad” sabi ko na yumakap ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.

Hinatid kami ni daddy sa elevator “ingat sir Dave” sabi ni Agnes at ni Milet “salamat” sabi ko sa kanila “mag-ingat ka, mag-ingat kayo” sabi ni daddy sa amin na tumango lang ako at kinamayan siya ni Tenyente at sumakay na kami ng elevator at bumaba sa parking lot. Sumakay na kami sa mobile car namin “ingat sir Dave” sabi nung guard sa akin na napailing lang si Tenyente at mabilis niyang pinatakbo ang kotse nung lumabas na kami ng parking lot. “Bakit hindi mo sinabi na sa inyo pala ang building na yun?’ tanong niya sa akin “its nothing personal Tenyente, hindi ba official police business ang pinuntahan natin doon?” sabi ko sa kanya “shut up!’ sabi niya sa akin na umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

Napansin kong palabas kami ng Pasay kaya tumingin ako sa kanya “me pupuntahan lang tayo” sabi niya sa akin kaya umayos nalang ako ng upo sa upoan ko at makalipas ang ilang minutos pinarada niya ang kotse sa tapat ng isang mataas ng gusali. “Blue Heights Tower” basa ko sa sign sa gilid ng gusali “shit, mahirap ito” sabi niya sa akin “bakit?” tanong ko “wala” sabi niya na tumingin din siya sa harapan ng buidling at nakita namin na me dalawang guard na nagbabantay sa main door. “Huh!” sabi ko “bakit?” tanong niya “maganda ang building pero ang daming vendor sa gilid” sinabi ko kay Tenyente ang na obershaban ko.

“Yun na nga ang maganda sa building na yan eh” sabi niya sa akin “bakit naman?” tanong ko “kita mo yung dalawang gwardya?” tanong niya “oo” sagot ko “tingin mo silang dalawa lang ang nagbabantay sa gusaling yan” sabi niya. “Oo” sagot ko na umiling siya “yung sinasabi mong mga vendors, bantay din yan sila, nagkukunwari lang yang vendors pero kasama sila sa nagbabantay sa gusaling yan” paliwanag niya sa akin na nagulat ako dahil parang weird ata. “Bakit ganun, Tenyente?” tanong ko sa kanya “mamaya ko na ipapaliwanag umalis na tayo dito” sabi niya sabay patakbo ng kotse at parang me iniiwasan siyang tao.

Pansin kong panay tingin niya sa rearview at side mirrors ng kotse at nung nasiguro niyang walang sumusunod sa amin kumalma na siya at sumandal sa upoan niya. Lumingon ako sa likod at tumingin ako sa kanya “wala yun” sabi niya sa akin na nagulohan ako sa kanya “just ignore it, pumunta nalang tayo sa lab ng SOCO para alamin ang resulta ng imbistigasyon nila” sabi niya sa akin at dumiretso na kami sa laboratory ng SOCO. Pagdating namin doon nakita na naming nakiga sa autopsy table ang biktima “Nicolas” tawag ni Tenyente sa kanya “yo! mabuti at nandito kayo, tatawagan ko sana kayo eh” sabi niya sa amin.

“Ano ang findings mo?” tanong ni Tenyente kaya kinuha ko yung notepad at naghintay sa report ni Nicolas “first and foremost sasabihin ko muna sa inyo na dalawang buwang buntis ang biktim” panimula niya. “Buntis siya?” gulat kong tanong sa kanya “yup, na extract namin ang fetus sa uterus niya and nasa garapon sa me mesa ko ngayon ang fetus” turo niya sa mesa niya kung nasaan nakalagay ang garapon. “What else?” tanong ni Tenyente “cause of death is not the laceration on the neck” sabi niya “wait, what you are saying is hindi ang malaking hiwa sa leeg niya ang ikinamatay niya?” tanong ni Tenyete.

“Tama and to be honest we are not dealing with an amatuer killer, we are talking about professional” sabi ni Nicolas “what made you say that?” tanong ko sa kanya “well, the laceration is only a cover up” sabi ni Nicolas sa amin. “Cover up? Of what?” tanong ko na niyaya niya kami sa katawan ng biktima at hinawakan niya ito sa ulo at binaling niya ito sa kaliwa at tinuro sa amin ang tinutukoy niya. “Marka?” tanong ko “oo, me ink sa leeg ang biktima its like a tattoo and with the huge cut on her neck hindi na natin malaman kung ano ang tattoo na yun” sabi ni Nicolas sa amin.

“Baka makita natin sa pictures ng biktima” sabi ni Tenyente “I don’t think so” sabi ni Nicolas “na check na namin pati ang mga albums niya wala kaming nakitang kung anong tattoo sa mga litrato niya” paliwanag niya. “Ibig sabihin nito bago ang tattoo sa leeg niya” sabi ni Tenyente “could be” sagot ni Nicolas “pwede kunan mo ng litrato ang leeg niya doon sa parteng me konting tattoo na natira” sabi ni Tenyente kay Nicolas “sure, hold on” sabi niya at umalis siya sandali. “Ok ka lang ba Barbie?” tanong niya sa akin dahil napansin niyang panay iwas ko ng tingin sa katawan ng biktima.

“O-ok lang ako Tenyente” sagot ko sa kanya na tinakip ko sa bibig ko ang notepad niya “huwag kang sumuka” sabi niya sa akin “hindi naman” sabi ko at bumalik na si Nicolas dala ang camera niya. Kinunan niya ng litrato ang leeg ng biktima at pinrint niya ito tapos binigay kay Tenyente “let us know kung me ibang findings pa kayong makuha” sabi ni Tenyente kay Nicolas. “Will do!” sagot niya at umalis na kami sa laboratory na kumuha ako ng candy sa front desk nila dahil parang sumama bigla ang sikmura ko “huwag kang sumuka” sabi uli ni Tenyente nung nasa kotse na kami “hindi” sagot ko sa kanya.

Bumalik na kami sa presinto at nung pumasok kami sa loob tinawag kami ng front desk officer “Tenyente, Inspector” “oh, bakit?” tanong ni Tenyente “tumawag nga pala si Nicolas tungkol daw sa kasong hawak niya” sagot ni Sgt Salvacion. “Doon lang kami galing, bakit hindi siya tumawag sa celfon ko?” tanong ni Tenyente “hindi ko alam Tenyente, bilin niya tawagan niyo daw siya pagdating niyo dito” sabi ni Sgt. Salvacion. “Sige tawagan ko nalang report muna ako kay Hepe” sabi ni Tenyente at niyaya na niya akong pumasok sa loob.

Dinala niya ako sa isang cubicle na me dalawang desk sa loob “diyan ka sa kaliwa ako naman sa kanan” sabi niya “habang kakausapin ko si Hepe tungkol sa kaso gusto kong simulan mo na ang gumawa ng report tungkol sa biktima” utos niya sa akin. “Ah.. ” lang ako ng nag “ugghh..” siya at tinuro sa akin kung saan hahanapin ang form sa computer at pagkatapos “babalik lang ako sandali pupunta lang ako kay Hepe, gawin muna yan Insp. Barbie” sabi niya sa kain “Barbie?” tanong ko “bakit me problema ka sa pangalan mo?” tanong niya sa akin na nakita kong dumaan ang sekretarya ni Hepe at umiling ito na parang sinabi niyang “wala” kaya sumagot ako “wala” “good” sabbi ni Tenyente at umalis na siya.

“Hi Tenyente” bati nung sekretarya “hm” lang si Tenyente Montalban ang pumunta na ito sa office ni Hepe “pagpasensyahan mo na yun” sabi ng sekretarya sa akin nung pumasok ito sa cubicle namin. “Bakit ganun yun?’ tanong ko sa kanya “Insp. Reyes..” “Dave nalang po” sabi ko sa kanya “ako nga pala si Milita, Milly nalang itawag sa akin” pakilala niya. “Ah Milly, bakti ganun yun?’ tanong ko sa kanya “me pinagdaanan kasing mabigat kaya pagpasensyahan mo na ang ugali nun” sabi niya sa akin sabay lagay ng makapal na file sa desk ko.

“Ano ito?” tanong ko sa kanya “case files na aasikasuhin niyo” sabi niya sa akin na napaupo ako sa silya ko na kasing taas pa ata ito sa ruler sa dami ng folders. “Ang dami nito” sabi ko sa kanya “hehehe pasensya kana Insp Dave, kulang kasi sa tao kaya maraming pumapasok na bagong kaso na hindi agad naasikaso” sabi niya sa akin. “Ah Milly, saan ko ba hahanapin yung document form para sa police report at sa case files?” tanong ko sa kanya “dito, ipapakita ko sa’yo” sabi niya sa akin pinakita niya sa akin ang lahat ng kailanganin kong documents at forms at pati narin ang vacation form kung kailanganin ko.

“Salamat ha!” natutuwa kong sabi sa kanya “walang anuman, basta kung me tanong ka tawagan mo lang ako sa extension ko” sabi niya sa akin “sige, maraming salamat talaga” sabi ko na nginitian niya ako at lumabas na siya. Tumingin ako sa orasan at mag-aalas onse na pala kaya sinimulan ko ng isulat ang report tungkol sa krimen na pinuntahan namin kanina pati narin ang statements ng dalawa kanina. Mabilis akong magtype palibhasa kasi sanay ako sa keyboard kaya nung bumalik na si Tenyente mula sa office ni Hepe patapos na ako.

“Ano na?” tanong niya sa akin “ilang lines nalang Tenyente mataatpos na ako” sagot ko sa kanya habang nagtatype ako “good, malapit narin ang lunch hour” sabi niya na paglingon ko sa kanya napatigil ako sa pagtype at napatitig sa kanya. “Pwede kang mag break pagkatapos mo diyan dahil wala pa naman tayong ibang lalakarin” sabi niya sa akin “o-opo Te-Tenyente” nauutal kong sagot sa kanya dahil nakatitig kasi ako sa pwet niya. Nakatuwad kasi siya habang me kinukuha sa pinakababang drawer niya na hindi niya ata ako napansin na nakatitig ako sa pwet niya.

Naalala ko tuloy nung gabing nagtalik kami, sobrang ganda talaga niya lalo na nung inupoan niya ang alaga ko at sa tuwing binababa niya ang pwet niya para maibaon ang alaga ko bumubuka ang pwet niya at nakikita ko ang butas niya. Titig-na-titig ako sa pwet niya ng biglang me tumamang papel sa gilid ng ulo ko kaya nagulat ako at napaharap agad ako sa monitor ng computer ko. Tumayo na si Tenyente dahil nahapan na niya ata ang hinahanap niya sa drawer niya “sige, lalabas muna ako” paalam niya sa akin at lumabas siya ng cubicle.

Tumayo ako at nakita kong naglakad siya palabas ng presinto at nung tumingin ako sa kaliwa nakita ko ang isang pulis na nakatayo malapit lang sa poste “ikaw ha!’ sabi niya sa akin habang nakangiti siya kaya napangiti narin ako at bumalik sa ginagawa kong report. Noong natapos na ako sinave ko agad ang ginawa ko at pinatay ko ang monitor at kinuha ang susi ni Pinky at nagpaalam kay Sgt. Salvacion na kakain lang ako “bakit ka nagpapaalam sa akin?” tanong niya “ah.. sorry bago pa kasi ako eh” sagot ko “ok lang yun sir” sabi niya sa akin kaya lumabas na ako at pumunta kay Pinky at doon kumain ng sandwich na ginawa pa ni mommy para sa akin.

Kinuha ko yung phone ko at tinext ko si daddy para kunin ang numero ni Helen “sorry Dave, wala akong contact number niya” reply niya sa akin “pwede mong kunin dad?” tanong ko na hindi siya nagreply ng halos sampung minutos. “Dad?” text ko na agad tumunog ang phone ko at nung binuksan ko ang message niya “we are having lunch right now so DO NOT bother us!” nalang ang message na nabasa ko galing kay daddy. Napakamot ako sa ulo at nagtaka sa reply niya kaya tinawagan ko siya habang ngumunguya ako na nakatatlong ring ako bago niya ito sinagot.

“Haahh.. hooohhh…” unang narinig ko sa linya “dad?” tanong ko “haahh son? bakit ka tumawag?” tanong niya sa akin na parang galing lang siya ng jogging “nabasa ko kasi ang huling text niyo..” “turn it off and finish me” natahimik nalang ako nung marinig kong nagsalita si mommy. “Oh God!” nalang ang nasabi ko at narinig kong tumawa sa linya si daddy “you caught us in a middle of..” “I really don’t want to know” sabi ko kay daddy at inoff ko nalang yung call at nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Kaya tumawag nalang ako kina Agnes para magpatransfer kay Helen pero me utos daw ang mommy na hindi ko pwedeng isturbohin si Helen kaya dismayado man wala akong nagawa kundi bumalik sa presinto.

Naghanda na sila Rosana para bumalik ng Pilipinas “alam niyo na ang gagawin niyo pagdating natin sa NAIA” sabi ni Rosana sa kanila “oo” sagot nilang lahat “kailangan ba talaga nating maghiwalay?” tanong ni Alejandra sa kanya. “Kailangan Ali, hindi tayo pwedeng magsama-sama baka kasi me umatake sa atin at..” tumahimik nalang si Dino nung lumingon sa kanya si Rosana. “Yaya, pinaliwanag ko na ito sa’yo kanina kaya sundin mo nalang ang inuutos ko sa’yo” sabi niya sa yaya niya “hanggang kelan ba tayo maghihiwalay?” tanong ni Alejandra sa kanya “hanggang hindi pa tapos ang pakay natin sa Pilipinas” sagot agad ni Rosana na humawak si Edna sa braso ng matanda.

“Yaya, magkasama naman tayo kaya huwag kang mag-aalala” sabi ni Ednalyn sa kanya at maya-maya lang ay dumating na sila sa airport at kinuha na nila ang mga bagahe nila at pumasok na sila sa loob. Pagkatapos makapag check-in pumunta na sila sa gate nila at doon na sila naghintay “Rosana” tawag nung babaeng sniper sa kanya “ano?” “sigurado ka ba sa desisyon mo?” tanong nito sa kanya “bakit? nagdududa ka?” tanong ni Rosana sa kanya. “Hindi naman, gusto ko lang kasi kasama ka” sabi nung babae sa kanya “haayy.. kagaya lang ito sa huling plano ko noon, gusto ko manatili ka kay Esmeralda kagaya dati” sabi ni Rosana sa kanya.

“Oo alam ko yun pero at least naman gusto ko ng action hindi yung.. ” tumingin siya kay Esmeralda “maging babysitter ni kulit” sabi ng babaeng sniper “narinig kita!” sabi bigla ni Esmeralda at lumapit siya sa kanila. “Bakit ayaw mong makasama ako?” tanong ni Esmeralda sa kanya “hindi naman sa ayaw, gusto ko lang gamitin ang skills ko” sabi nung babaeng sniper sa kanya. “Huwag dito” sabi ni Rosana sa kanila dahil nagsidatingan narin ang mga ibang pasahero “you are stuck with me, Julie!” sabi ni Esmeralda sa kanya “I really hate that name, Marie!” sagot ng babaeng sniper.

“Call me Marie one more time..” banta ni Esmeralda sa kanya na pinigilan silang dalawa ni Rosana “not now, not here, not anywhere” sabi ni Rosana sa kanila “look, you two have to put your difference aside and work together” sabi ni Rosana sa kanila. “Mama” sabi ni Esmeralda “I know sweetheart, dovete rimanere con Julie sweetheart, la prego di capire la nostra situazione (kailangan mong manatili kay Julie sweethear, pakiusap lang intindihin mo ang sitwasyon natin)” sabi ni Rosana sa kanya na napabugnot si Esmeralda at tiningnan niya ng masama si Julie.

“Just like old times sweetheart, me looking after you under my scope” biro ni Julie sa kanya na binigyan siya ng fuck sign ni Esmeralda bago siya bumalik sa upoan niya “ESME!” sabi ni Rosana sa kanya at inignor lang sila. “Please be patient with her, Julie” sabi ni Rosana sa kanya “nah, ok lang yun naiintindihan ko naman siya” sabi ni Julie sa kanya. “Alam mo na kung saan siya dadalhin right?” tanong ni Rosana sa kanya “yup, na check na niya ang bahay and siguro siyang safe ang kulit doon” sagot ni Julie sa kanya.

“Nasasabik ka na bang makita siya?” tanong ni Rosana sa kanya na nakita niyang nagblush si Julie “hehehe.. iregards mo nalang ako sa kanya, alam kong galit pa siya sa akin hanggang ngayon” sabi ni Rosana “don’t worry, I’ll take care of him” sagot ni Julie sa kanya. “Attention all passengers..” narinig nila sa PA na tinatawag na ang mga pasahero sa eroplanong papunta ng Pilipinas kaya nagsitayoan na sila at nagsimulang pumila. “Tandaan niyo, sinet-up ko na ang lahat kaya huwag kayong mag-alala pagdating natin sa Pilipinas” sabi ni Rosana sa kanila na tumango silang lahat. “Boarding pass please..” narinig nilang sabi ng gate attendant “alam niyo na din kung saan kayo pupunta” sabi ni Rosana na determinado silang lahat na makalusot sila sa gulong naghihintay sa kanila sa Pilipinas.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x