Uncategorized  

Carnal: Book 2 – Chapter 23: Invasion

anino
Carnal: Book 2

Written by anino

 

“Sumagot na ba, Rudy?” tanong ni mama kay papa “Hindi, bwisit!” galit na sabi ni papa “Bakit mo kasing hinayaan umalis ang batang yun?” tanong ni mama “Hndi ko kontrolado ang sitwasyon Aida kaya di ko naman akalain na ganun ang mangyayari” sabi niya kay mama. “Tinawagan ko na si Dominic tungkol nito paparating na siya dito sa bahay” sabi ni mama “Ano ang magagawa nun?” tanong ni papa “Ano ka ba Rudy? mas mabuti na andito sila kesa sila pa ang makuha ng mga hayop na yun!” rason ni mama. Nag-isip ng sandali si papa at nung me na isip ito “Si Junnel” sabi bigla ni papa “Sino?” tanong ni mama “Yung ka batchmate ko dati sa academy, nasa NBI na siya ngayon” sabi ni papa “Matutulongan ba niya tayo?” tanong ni mama “Subokan ko lang, hanapin ko yung numero niya sa taas” sabi ni papa na umakyat ito sa kwarto nila. Pagkatapos kausapin ni papa bumaba na ito sa sala “Ano? matutulongan ba niya tayo?” tanong ni mama “Tatawagan niya tayo kung me makuha siyang balita” sabi ni papa “So, ano ang gagawin natin ngayon?” tanong ni mama na huminga ng malalim si papa at sabing “Maghintay”.

“Nababaliw ka na ba Gina?” tanong ni Erwin sa kanya na nakangiti lang na nakatingin sa kanila si Gina “Anong pamilya? di ko nga kamukha ang batang ito tapos sasabihin mong pamilya tayo? baliw!” tinulak ni Erwin si Gina na natumba ito sa sahig. “Totoo naman eh! tingnan mo nga tayong tatlo sa salamin oh, para na tayong pamilya” sabi ni Gina nung tumayo ito na di gumalaw si Ednalyn dahil sa takot. “Wag mo akong isali sa kabaliwan mo Gina, ano ba ang plano mo dito sa bata?” tanong ni Erwin sa kanya “Aalagaan ko siya, dahil anak ko siya, di ba Rosario?” sabi ni Gina kay Ednalyn na bigla itong tumayo at tumakbo sa pintoan na nahawakan ni Erwin ang buhok niya at hinila siya nito. “Puta, saan ka pupunta ha?” galit na sabi ni Erwin na kinalmot siya sa mukha ni Gina. Natumba sa sahig si Ednalyn sa lakas ng paghila ni Erwin sa buhok niya na sinampal naman niya si Gina dahil sa ginawa nito “PUNYETA KAYONG DALAWA!” galit na sabi ni Erwin na tinadyakan niya sa tyan si Ednalyn at umungol ito sa sakit.

“WAGGG! WAG MONG SAKTAN ANG ANAK KO!!!” sigaw ni Gina na tumayo ito at pinagsusuntok si Erwin na sinampal uli siya nito at natumba siya sa kama “WAG NA WAG MO AKONG SAKTAN GINA DAHIL SOBRA PA ANG IBABALIK KO SAYO!” galit na sabi ni Erwin sa kanya. “Boss, ano ang nangyari?” tanong nung tauhan nila nung marinig nito ang ingay sa kwarto “Wala, bantayan mo ng mabuti ang dalawang ito” utos ni Erwin “Opo boss” sagot nung tauhan niya na sinara nito ang pinto nung lumabas si Erwin. Gumapang agad palapit si Gina kay Ednalyn at tinulongan niya itong tumayo “Anak.. huhu.. anak ko ka lang ba?” tanong ni Gina sa kanya na gumapang papalayo si Ednalyn sa kanya. “Anak.. please.. wag kang matakot kay mama… anak…” pagsusumamo ni Gina kay Ednalyn na takot itong nakaupo sa gilid ng kwarto at pilit pinapalayo si Gina sa kanya. “HINDI KITA INA! SI MARILYN ANG MAMA KO HINDI IKAW!” sigaw ni Ednalyn sa kanya.

“Hindi.. hinding-hindi ako nagkakamali” naiiyak na sabi ni Gina sa kanya “Ikaw.. ikaw ang baby ko.. ikaw ang anak ko… Rosario.. huhu.. makinig ka kay mama ha? aalagaan ka ni mama” naiiyak na sabi ni Gina. “HINDI! HINDI BALIW ANG MAMA KO!” sabi ni Ednalyn sa kanya na tinulak niya palayo si Gina na naiyak ito nung natumba siya “Huhuhu… ano… ano ang ginawa nila sayo? huhuhu.. ano ang ginawa nila sayo bakit nakalimutan mong ako ang mama mo… huhu… alam…alam kong napatay ko ang kapatid ko huhuhu pero sobra naman..huhuhu na kunin huhu kunin ka din nila sa akin… Rosario… huhuhu… Rosario….” humiga na sa sahig si Gina at humagolgol na ito ng iyak. Bumangon si Gina at tumayo ito sa harap ni Ednalyn na nanginginig na ngayon sa takot, nagpapahid ito ng luha at tumingin sa kanya “Ayaw mo mang maniwala na ako ang mama mo…sana man lang hayaan mo akong alagaan ka, anak” sabi ni Gina kay Ednalyn na di ito gumalaw sa inuupoan niya.

“Humanda ka Dave” sabi ni mang Dino sa akin “Malapit na tayo sa mansion” sabi niya na pinatay nito ang ilaw ng sasakyan at pinarada niya ito sa gilid ng kalye, tahimik ang lugar at walang ano mang bahay na malapit nito. “Sobrang tahimik naman dito mang Dino” sabi ko sa kanya “Oo, kaya nga pinili ni Rosana ang lugar nato” sabi niya na kumuha ng mga armas at bala sa loob ng itim na bag “Ako na magdadala niyan” alok ko sa kanya na umiling ito “Wag, dapat magaan lang ang dala natin para maging mobile tayo” sabi niya “Parang alam mo ang mga bagay na ito ah?” tanong ko sa kanya “Dati kasi akong membro ng CAFGU sa lugar namin bago ako nanilbihan sa pamilya nila” kwento niya sa akin “Kaya naman pala” sabi ko sa kanya na binigyan niya ako ng armas. “Ewan na natin ang sasakyan dito kasi makikita nila ito sa malayo kung dadalhin natin ito” sabi niya kaya lumabas na kami ng SUV at naglakad kami papunta sa likod ng mansion.

“Dito Dave” yaya sa akin ni mang Dino na dumaan kami sa isang hinukay na lupa at yumuko kami at gumapang papalapit sa pader ng mansion “Sshhh” sabi niya sa akin na inabot sa akin ang armas niya at me tinanggal itong mga damo sa lupa at nagulat nalang ako nung hinila niya pataas ang isang pinto. “Secret entrance?” tanong ko sa kanya “Oo, dali pasok na tayo” yaya niya sa akin na inabot ko uli sa kanya ang armas niya at pumasok na kami sa loob at sinara niya ito. Payuko kami sa loob dahil mababa lang ang kisame nito “Nung nabili kasi ito ni Rosana kaming tatlo pa noon ang magkasama” kwento niya “Sa hacienda kasi nila noon meron ding ganitong secret entrance at exit just-in case papasokin sila ng mga masamang tao” kwento niya “Bakit di nila nagamit yun?” tanong ko “Nandun na kasi ang pinsan ni sir Ramon sa bahay at siya ang nagpapasok sa kanila at isa pa, alam nung taong yun ang secreto ng bahay” kwento niya. Huminto muna kami sa gitna ng corridor at naghintay ng oras.

Alas nwebe pa kasi at alam niya ang takbo ng mga tao sa mansion kaya sabi niya “Dito muna tayo mamalagi, hintayin nating mag-alas dyes kasi alam ko yung iba aalis yan at uuwi sa kanila at konte lang ang matitira sa mansion” sabi sa akin ni mang Dino. Kinasa ko ang M16 na dala ko at tiningnan ko ang secondary weapon ko sa gilid ko at yung granada sa dibdib ko na baka kasi matanggal yun pin “Haayyy… di ko maisip na aabot sa ganito ang buhay namin” sabi sa akin ni mang Dino “Noon, masaya kaming binabantayan ang mga batang yun na naliligo sa ilog tapos ngayon.. tsk!” dismayadong sabi nito “Gulong ng buhay mang Dino, ganyan talaga” sabi ko sa kanya na napangiti ito. “Wala ho ba kayong pamilya? asawa, anak?” tanong ko sa kanya “Hmm di ako nakapagtapos ng elementarya at yung pagiging CAFGU lang ang masasabi kong pinakamataas na karangalan na nakuha ko sa buong buhay ko, pero nung binitawan na nila ako sa serbisyo dahil sa kapansanan kong di na masyado makakita” kwento niya.

“Pagkatapos ko sa CAFGU napasok ako sa hacienda nina Rosana at dahil narin sa experience ko bilang magsasaka kaya ako ang naantasang mamahala sa mga palayan nila. Ginugol ko ang buong buhay ko sa palayan nila kaya di ako nagkaroon ng oras para maghanap ng babaeng makasama ko sa buhay” kwento niya na kita kong nakangiti ito “Naku mang Dino, parang nakahanap kana ata eh?” birong ko sa kanya na natawa lang ito. “Nahuli mo ako dun ah?” natatawang sabi niya sa akin “Oo, meron si Alejandra” sabi niya na napangiti ako “So asan na siya ngayon?” tanong ko sa kanya “Di ko na alam kung nasaan, matagal narin kasi kaming nawalay simula nung pinasok namin si Rosario sa kumbento at nagpasyang manirahan sa ibang bansa si Rosana. Isasama sana namin siya sa Italy matapos ang insidente noon pero naninindigan itong mamalagi dito sa pilipinas dahil kay Gina” “Wala na kayong balita tungkol sa kanya?” “Wala na, bigla nalang kasi siyang nawala nung bumalik kami dito di na namin siya mahanap parang masama din ang loob niya kay Rosana kaya siguro di na siya nagpakita sa amin.” kwento niya.

“Kung nasaan man siya ngayon sana nasa mabuting kalagayan siya” sabi ni mang Dino sa akin na tinapik ko siya sa balikat at nginitian niya ako “Ano naman po ang kwento ni Sonny?” tanong ko sa kanya na ngumiti ito lalo. “Nasaan si Gina?” tanong ni Alejandra kay Diego “Nasa taas kasama si Erwin” sagot nito “Dadalhan ko siya ng pagkain at alam kong nagugutom na yun” sabi niya na nagdala ito ng tray ng pagkain at lumabas ito ng kusina. Nakasalubong niya si Erwin sa hagdanan na tiningnan lang siya nito at bumaba na ito kaya umakyat siya sa third floor at nakita niyang me nakabantay sa pintoan ng kwarto. “Buksan mo ang pinto” utos niya na ginawa naman nito at pumasok siya sa loob na nakita niyang nakaupo lang si Gina kaharap ang batang kinidnap ng mga tauhan ni Diego. “Gina, iha kumain ka muna” sabi nito sa alaga niya na sinara ng tauhan ni Diego ang pinto at narinig niya itong nag lock.

“Gina, halika na kumain kana” yaya niya na hinila niya itong tumayo “Ayaw ko yaya” sagot ni Gina “Bakit naman?” tanong ni Alejandra na napatingin siya kay Ednalyn “Gusto mo sumabay siya?” tanong nito kay Gina na tumingin ito sa kanya “Oo yaya, pero ayaw niya eh” nalulungkot na sabi ni Gina. “Gusto mo kausapin ko siya?” na nakita niyang natuwa si Gina “Hehe.. sige yaya.. kausapin mo si Rosario na saluhan ako” sabi ni Gina na nagulat si Alejandra at napatingin kay Ednalyn. “Ro.Rosario?” gulat na nakatingin si Alenjandra kay Ednalyn, nilapitan niya ito at yumuko siya “Iha wag kang matakot di kita sasaktan” nakangiting sabi ni Alenjandra sa kanya. “Ganun… ganun din ang.. ang sinabi nung mama sa akin” sabi ni Ednalyn sa kanya na nagtatabon ito ng mukha dahil sa takot “Hindi, hinding-hindi kita sasaktan me dala ng akong pagkain para sa inyo” nakangiting parin ito na nasa likod niya si Gina at dumudungaw ito na parang bata.

Inabot ni Alejandra ang kamay niya na nagdadalawang isip abotin ito ni Ednalyn pero kinuha narin niya ito at tumayo na sila ni Alejandra, biglang natuwa si Gina at tumakbo ito sa kama at nagtatatalon ito. “Ano nga pala ang pangalan mo iha?” tanong ni Alejandra nung naupo na sila sa harap ng salamin “Ednalyn po” sagot niya na nagulat uli siya “Ednalyn?” “Opo” sagot niya na di agad nakapagsalita si Alejandra “….alam mo ba ang pangalan ng mama niya? Ednalyn din” sabi ni Alejandra kay Ednalyn na nagulat ito “Ganun po ba? baka yun siguro ang inisip niya na anak niya ako dahil kapangalan ko ang mama niya” sabi ni Ednalyn “Hindi eh, kung yun ang inisip niya dapat Ednalyn ang itawag niya sayo, hindi Rosario” sabi ni Alejandra sa kanya. “Yaya.. yaya ayaw niyang maniwala na anak ko siya” sabi ni Gina habang ngumunguya ito ng pagkain.

“At bakit mo naman nasabi na anak mo siya, aber?” tanong ni Alejandra sa kanya na biglang tumayo sa kama si Gina at nagmamadali itong lumapit kay Ednalyn na huminto bigla “Wag kang matakot ha?” sabi ni Gina sa kanya na tinaas bigla ni Gina ang uniform ni Ednalyn at pinakita sa yaya niya ang tyan nito “Yan yaya.. yan” turo niya sa tiyan ni Ednalyn na napanganga ang yaya niya “Dyos ko!” sabi nito “Nakita ko yan kanina sa baba kaya ko siya kinuha dun kasi alam kong anak ko siya at isa pa sasaktan lang siya katulad nung ginawa nila dun sa mama” kwento niya. “Iha…” gulat na sabi ni Alejandra sa kanya “Bakit po? ano pong problema sa nunal ko sa tyan?” tanong ni Ednlayn sa kanya na tiningnan niya ang nunal niya sa tiyan na nakapwesto ito sa kaliwang side ng pusod niya “Yung.. Gina nasaan yung litrato niyo?” tanong ni Alejandra sa kanya na kinuha niya ito sa drawer at pinakita niya kay Ednalyn.

“Siya ho ba ito nung bata pa?” tanong ni Ednalyn kay Alejandra “Oo, triplets sila, yung dalawa na me nunal sa tyan kapatid niya yan at yung batang me nanul na kagaya sayo, yan ay si Rosario” kwento ni Alejandra sa kanya. “Kaya nga pinangalanan kitang Rosario dahil dyan” sabi ni Gina sa kanya na bumalik uli ito sa kama at kumain “Sabihin mo sa akin, kaninong anak ka ba?” tanong ni Alejandra sa kanya “Sa akin yaya!” sagot ni Gina “Kumain kamuna dyan Gina, hayaan mo muna kaming mag-usap” sabi niya sa alaga niya na kumain lang ito “Iha, sino ba ang magulang mo?” tanong niya kay Ednalyn. “Si Randy at Marilyn po” sagot ni Ednalyn na sumusubo narin ng pagkain dahil buong araw itong di pinakain. “Haayyy.. kung paraan lang sana na itakas ko kayo gagawin ko talaga pero… bantay sarado ang buong mansion at pati ako binabantayan nila” sabi ni Alejandra sa kanya.

“Ok lang po yun manang” sabi ni Ednalyn sa kanya na binigyan niya ito ng tubig bago ito tumayo para bigyan din ng tubig si Gina “Yaya, kain ka” alok ni Gina sa kanya “Tapos na ako, kumain na ako sa baba” nakangiting sabi nito kay Gina. “Sana nanadito si Dino, alam niya kung ano ang dapat gawin pagganitong sitwasyon” sabi niya “Dino?” tanong ni Gina “Di mo ba siya naaalala? yung tauhan ng ate mong si Rosana” sabi ni Alejandra sa kanya na biglang binato ni Gina ang plato sa sahig “GINA!” napasigaw sa gulat si Alejandra na tumayo si Gina sa kama at tumakbo ito papunta sa inuupoan ni Ednalyn na natakot naman ang huli kaya tumayo ito at tumakbo sa gilid ng kwarto sa inupoan niya kanina. “Gina! ano ang nangyari sayo?’ tanong ni Alejandra sa kanya na me kinuha si Gina sa drawer at pinakita ito niya ito kay Alejandra “SIYA! SIYA BA YAYA? SIYA BA?!” tanong ni Gina sa kanya na di ito nakapagsalita “SIYA ANG DAHILAN.. SIYA ANG NAGPATAY AT SIYA ANG NAGPASIMUNO SA LAHAT NG ITO!” galit na sabi ni Gina na nagulat ang yaya niya sa kanya “Gi.. Gina.. naaalala mo na?” tanong ni Alejandra sa kanya.

Tumunog ang celfon ni Rudy at sinagot niya ito “Hello? sino ito?” tanong niya “Pa, si Chello ito” sagot niya “Oh, iha napatawag ka?” tanong ni Rudy sa kanya “Nandyan ba si Davideo? kanina pa ako tawag ng tawag sa phone niya di siya sumasagot” sabi nito “Di pa umuwi, baka nasa opisina pa” pagsisinungaling niya “Sino yan?’ mahinang tanong ni Aida na tinakpan ni Rudy ang mouthpiece ng phone niya “Si Chello” sagot niya na napatakip ng bibig si Aida. “Papa naman mag-aalas dyes na ng gabi dyan nasa opisina pa ba yun? sino ba kasama niya kanina?” tanong ni Chello “Nasa opisina si Randy, siguro sila magkasama ngayon” sagot ni Rudy. “Ah ganun ho ba? naku baka ano na ang ginagawa nung dalawa” sabi ni Chello “Siguro, kumusta na nga pala si pareng MIguel?” tanong ni Rudy. “Ok na si papa, nagising na siya two days ago kaya nagpaalam na kami sa kanya na babalik sa pinas” sabi ni Chello.

“Uuwi na kayo dito?” tanong ni Rudy “Oo, sa katunayan nga pa nasa Hong Kong na kami ngayon naghihintay sa flight namin” sabi nito na di nakapagsalita si Rudy sa narinig niya “Rudy.. hoy! bakit natahimik ka dyan?” takang tanong ni Aida sa kanya. “….a… akala ko ba bukas pa ang dating niyo?” tanong ni Rudy sa kanya “Ganun nga dapat pero nakakuha kami ng ticket na me masmaagang flight kaya binago nalang namin ang plano namin, kaya nga tinatawagan ko si Dave para ipaalam sa kanya na parating na kami” kwento ni Chello na walang maisagot si Rudy sa kanya. “Pa, tawagan nalang kita mamaya tinatawag na ang mga pasahero, see you in three hours” sabi ni Chello sa kanya “Si..sige sabihin ko nalang kay Dave pagdating niya dito sa bahay, ingat kayo” sabi niya at binaba na niya ang phone. “Ano ba ang sabi niya?” tanong ni Aida na tulala si Rudy habang nakatingin sa malayo “HOY!” yugyog niya na nagising ito sa pag-iisip niya “Darating sila dito tatlong oras simula ngayon” sabi ni Rudy kay Aida na bigla nalang itong nagpanic.

Tumingin sa relo si Dino at nakita niyang mag-aalas dyes na “Tayo na Dave” kaya niyaya na niya akong lumabas sa dulo ng corridor at kinuha nito ang maliit na salamin at nilabas niya ito sa butas para tingnan kung me tao ba sa paligid o wala. “Ano mang Dino?” tanong ko sa kanya “Tama nga ako, wala ng masyadong bantay” sabi niya sa akin kaya tinaas na niya ng dahan-dahan ang pinto at sumilip siya. “Walang tao” sabi niya na binuksan na niya ito at una siyang lumabas at tinutok niya ang baril niya sa paligid “Dali Dave” tawag niya sa akin kaya lumabas narin ako at binaba ko ang pinto ng dahan-dahan at tinutok ko narin ang baril ko sa me pintoan. “Nasa bodega tayo ngayon” sabi niya “Sa kaliwa merong lumang bahay at sa kanan naman ang garahe” sabi niya sa akin na payuko kaming pumunta sa bintana at sumilip kami sa labas. “Wala ng tao” sabi ko “Oo, umalis na siguro yung iba” sabi niya sa akin “Tara” yaya niya sa akin at lumabas kami at yumuko papunta sa likod ng mansion.

“Sshh.. dito ka lang, titingnan ko muna sa loob kung me tao” sabi niya na yumuko ako sa gilid ng hagdanan at nagmasid ako sa paligid nung pumasok na sa loob si mang Dino, maya-maya lang ay tinawag ako nito “Dahan-dahan lang” sabi niya sa akin nung pumasok ako sa loob at yumuko kami sa gilid ng stove kung saan makita mo ang sala. Madilim ang kusina kaya di kami makita kung me tao mang nakatayo sa sala “Problema lang natin ang sala” sabi niya sa akin “Bakit po?” mahinang tanong ko “Alam kong me nakatambay dyan” sabi niya sa akin “Paano tayo makakaakyat sa taas?” tanong ko sa kanya na nag-isip ito ng sandali na napatingin ito sa ref “Tama!’ sabi niya “Ano po?” tanong ko “Sa laundry room” sabi niya “Susunod ako sa inyo” sabi ko sa kanya na yumuko kaming naglakad papunta sa isang pintoan sa gilid ng ref at pumasok kami sa loob.

“Dito Dave” tawag niya sa akin na sumunod ako sa kanya na kita kong me sarili itong washing machine at drier “Dito” sabi niya na pinakita niya sa akin ang maliit na pintoan na kasya lang ang isang tao. “Dito namin hinuhulog ang mga damit namin” sabi niya sa akin “Mang Dino” tawag ko sa kanya “Bakit?” “Me napansin lang ako” sabi ko sa kanya “Ano?” “Wala ba kayong katulong dito?” tanong ko sa kanya na bigla itong ni lock ang laundry room. “Bakit po?” tanong ko sa kanya “Me dalawang maid kami dito” sabi niya “Nasaan po sila?” tanong ko “Wag muna natin pag-usapan yan magmadali tayo” sabi niya sa akin na binuksan nito ang laundry shoot at inabot sa akin ang armas niya. “Ako muna ang mauna sumunod ka ha?” sabi nito “Sige po” sabi ko sa kanya na pumasok ito sa loob at umakyat ito sa taas.

Nakiramdam ako sa labas baka kasi me taong papasok dito at marinig ang pag-akyat ni mang Dino at maya-maya lang ay tinawag ako nito “Sige po” sagot ko sa kanya na umakyat narin ako sa laundry shoot at lumabas ako sa kwarto sa pangalawang palapag. “Safe tayo dito” sabi niya sa akin “Talaga?” tanong ko “Oo, kwarto ko ito eh” nakangiting sabi niya na dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa pinto at nakinig ito. Kinawayan niya akong lumapit kaya tumayo ako sa likod niya, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nilabas nito ang maliit na salamin na gamit niya kanina at tumingin sa paligid. “Buti, walang tao sa me hallway” sabi niya na sinara niya uli ang pinto at hinanda na namin ang armas namin at nilagyan namin ito ng supressor para di ito mag-ingay pagginamit namin ito. “Handa kana?” tanong niya sa akin “Oo” sagot ko at nag back-to-back kami nung lumabas kami ng kwarto niya papunta sa hagdanan “Hinto!” sabi niya kaya napatigil ako at nakiramdam kaming dalawa. “Mang Dino” turo ko sa itaas ng hagdanan.

Umakyat na kami sa hagdanan at huminto kami sa gitna at dumungaw kami sa itaas na me nakita kaming nakatayo sa dulo ng hallway, suminyas sa akin si mang Dino na siya na ang bahala dun kaya umupo kami sa hagdanan at nilagyan niya ng scope ang armas niya. “Maghanda ka, tingnan mo ang paligid” mahinang sabi niya sa akin “Sige po, ako na bahala dito” sabi ko sa kanya na dahan-dahan itong tumayo. Kita kong tinutok niya ang armas niya dun sa taong nakabantay sa labas ng pinto “Dave” mahinang sabi niya sa akin na paglingon ko sa kanya narinig ko nalang ang mahinang tunog ng baril niya at hinila ako niya patayo at sumunod ako sa knaya. Nag-iingat kaming naglakad papunta sa taong nakabulagta sa sahig at inikot ko ang doorknob na nakasara ito “Yung susi” sabi ko na hinanap ni mang Dino ang susi sa damit nung tao at niluhod ko ang isang tuhod ko sa sahig at tinutok ang armas ko sa me hagdanan. “Nakuha ko na” sabi ni mang Dino at binuksan niya ang pinto at sabay naming hinila ang taong nabaril niya papasok sa kwarto at sinara ito.

Napahinto si mang Dino nung makita ang mga tao sa loob habang tumakbo papalapit sa akin si Ednalyn nung makita niya ako “Ninong Dave” tawag niya sa akin at yumakap ito sa akin “Dyos ko, salamat at ligtas ka” sabi ko sa kanya nung niyakap ko ito. “La…..la….” narinig kong sabi nung babae sa kama “Ninong Dave, sabi niya mama ko daw siya” sabi ni Ednalyn sa akin na di ko ito namukhaan agad dahil nakatabon ang buhok sa mukha niya “La.. la…” sabi nito na inalis nito ang buhok sa mukha niya kaya nagulat ako at napaatras ako “Gina!” sabi ko na bigla itong tumalon sa kama at tumakbo palapit sa amin ni Ednalyn. “LOVER!” sigaw nito na kita kong natutuwa itong makita ako na agad siyang niyakap ni mang Dino na nagulat siya nung makita niya ang matanda. “Di…. Dino?” tawag nung matanda sa kanya.

“Ali… Alejandra” tawag ni mang Dino sa kanya na pareho silang nagulat nung makita nila ang isa’t-isa “Lover… lover..LOVER KOOOOO!” sigaw ni Gina sa akin na nagpupumiglas ito sa bisig ni mang Dino. “Dino.. ano ang ginagawa niyo dito?” tanong ni Alejandra sa kanya “Ililigtas namin kayo” sabi ni mang Dino sa kanya “Ililigtas? ililigtas ako ng lover ko?” tanong ni Gina kay mang Dino na natutuwa itong nakatingin sa akin. “Edna, nasaan ang papa mo?” tanong ko sa kanya “Di ko po alam ninong, dinala niya ako dito” turo niya kay Gina na ngayon ay nagpupumiglas pamakawala kay mang Dino. “Nakabitin siya ngayon sa puno, sa harapan ng mansion” sabi ni Alejandra sa akin. “Dave… mahirap ito” sabi ni mang Dino sa akin “Alam ko po, Edna maghanda ka, tatakas tayo ngayon” sabi ko sa kanya na nakawala si Gina sa pagkayakap ni mang Dino sa kanya kaya natulak ko si Edna palayo sa akin at bigla akong niyakap ni Gina na inamoy-amoy pa ako nito “Hmmmm… hehehe… hihihi matagal na kitang na miss.. lover kooo… lover kooo..” sabi ni Gina.

“Wala na tayong oras, kailangan na nating umalis ngayon” sabi ko kay mang Dino na nagkatinginan lang sila ni Alejandra “Yakapin niyo na para makaalis na tayo” sabi ko sa kanya na binuksan ko ng konte ang pinto habang nakayapa sa likuran ko si Gina. “Anong.. yakapin?” takang tanong ni Alejandra sa akin “Mang Dino” tawag ko sa kanya na lumapit siya kay Alejandra at niyakap niya ito “Na miss na kita… Ali” sabi niya na kita kong niyakap narin siya nito “Hahaha si yaya.. love parin niya si mang Dino” sabi ni Gina na pilit kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko “Gina..” tawag ko sa kanya na hinahalik-halikan ako ntio sa likod. “Ninong Dave, paano ang papa ko?” naiiyak na tanong ni Ednalyn sa akin “Walang maiiwan” sabi ko sa kanya na tumingin si Gina sa kanya “Baby.. di natin iiwan ang papa mo, di ba lover?” tanong ni Gina sa akin na parang bata itong nakangiti sa akin “Oo, tama si Gina” sabi ko.

Hinayaan ko nalang si Gina’ng nakayakap sa akin habang nauuna si mang Dino na hawak nito sa kamay si Alejandra na kasunod sa kanya si Ednalyn habang kami naman ni Gina ang nasa likod “Magmadali kayo” sabi ni mang Dino sa kanila na pagdating namin sa pangalawang palapag dumiretso kami sa kwarto niya at sinara ko agad ang pintoan at ni lock ko ito. “Dito” sabi ni mang Dino na nauna siyang bumaba sa laundry shoot at sumunod si Ednalyn, si Alejandra na pinilit ko pa si Gina dahil ayaw niya akong bitawan “Sumunod kana Gina, pangako pagdating natin sa labas magdedate tayo” sabi ko nalang sa kanya “Talaga lover? magdedate tayo?” natutuwang tanong niya na hinalikan pa ako nito sa pisngi bago ito bumaba sa laundry shoot at sumunod na ako sa kanya. “Teka” sabi ni mang Dino na sumilip ito sa labas ng kusina at lumabas narin ito at yumuko sa gilid ng ref na tumingin ito sa sala.

“Dave” tawag niya sa akin kaya lumabas sa laundry room at dumiresto ako sa pintoan palabas ng kusina at naghintay sa me hagdanan at sinigurong walang tao bago ko sila sininyasan na lumabas “Magmadali kayo” sabi ko sa kanila na bumalik na kami sa bodega kung saan kami dumaan kanina. “Mang Dino mauna na kayo sa baba at isama niyo narin si Alejandra at si Ednalyn” sabi ko “Ninong, paano ikaw?” tanong ni Ednalyn sa akin “Babalikan ko ang papa mo” sabi ko na biglang nagalit sa akin si mang Dino “Gago ka ba?!” sabi nito na nasa baba na siya “Pasensya na po mang Dno” sabi ko sa kanya “Kayo na po ang bahala sa kanila” sabi ko sa kanya. “Nasaan si Gina?” tanong bigla ni Alejandra na napatingin kami sa paligid at wala ito sa likod ko “Shit!” napamura ako “Bilis Edna, bumaba kana” sabi ko sa kanya na patulak ko itong binaba sa tunnel “Ninong” sige na umalis na kayo!” sabi ko sa kanila na sinara ko yung pinto “Dave.. DAVE!” sumigaw si mang Dino pero sinara ko na ito at pinatongan ko ito ng drum para di nila ito mahanap at sumandal ako sa me bintana at sumilip sa labas.

“Bwisit!” galit na sabi ni mang Dino “Dino..” hinawakan siya sa kamay ni Alejandra na napatingin siya sa dalawa “Tara na, di ko alam ito pala ang pinaplano niya” sabi ni mang Dino sa kanila na niyaya niya itong sumunod sa kanya. Paglabas nila sa kabilang dulo yumuko silang papalayo sa pader at dahil sa dilim ng paligid di sila makita ng mga taong nakabantay sa taas. “Paano si ninong at papa ko?” naiiyak na tanong ni Ednalyn kay mang Dino nung papalapit na sila sa sasakyan. “Di ko alam, ipagdasal nalang natin na walang mangyayari sa kanila” sabi ni mang Dino na inoff ang alarm ng SUV at pinasakay niya ang dalawa. “Di ba tayo babalik? si Gina?” tanong ni Alejandra “Si Rosana na ang magdecision nito” sabi ni mang Dino na tumingin ito kay Ednlayn sa rearview mirror niya bago nito pinaandra ang SUV at di na niya hinintay na uminit ang makina basta nalang itong pinatakbo at umalis na sila sa lugar.

“Shit, nasaan ka ba Gina?” tanong ko sa sarili ko nung lumabas ako ng bodega para hanapin siya, me maliwanag na ilaw sa harapan ng mansion kaya gumapang ako papalapit sa gilid at sumandal ako sa pader at dahan-dahan akong sumilip. “Dyos ko!” nagulat nalang ako dahil nakita ko si Randy na nakabitin sa me puno at kita kong pinagbabato ito ng mga tauhan ni Erwin. “Mga punyeta kayo!” mahinang sabi ko na tinutok ko ang armas ko sa kanila na puputokan ko na sana sila ng biglang sumigaw si Gina sa likuran ko “LOVERR…” sa gulat ko napatumba ako parahap na nakita nila ako. “SHIT!” sigaw ko na nagmadali akong bumangon at tumalon sa gilid ng pader at sakto ding binaril nila ako. Hinila ko pababa si Gina at niyakap ko ito dahil nagsisigaw na ito at nagpapanic dahil sa ingay ng mga baril nila. “ANO YAN?!” “BOSS PINASOK TAYO!” sabi nung isa kaya bumangon ako at sumandal sa pader at bigla akong umikot palabas sa pader at pinaulanan ko sila ng bala at dahil sa supressor di ito nagdulot ng ingay habang dalawa sa kanila ang tinamaan ng bala ko at natumba ito habang yung iba naman ay tumakbo at nagtago.

Nagtago uli ako sa pader at nagpalit ng magazine “DAVE! DAVE ALAM KONG IKAW YAN!” tawag sa akin na nabosesan ko ito “ERWIN! PUTANG INA MO! DI BA SABI KO SAYO NA PAGGINALAW MO SI RANDY PAPATAYIN KITA, ANDITO NA AKO NGAYON PARA SINGILIN KA!” sigaw ko sa kanya na narinig ko nalang na sumigaw si Randy. “Shit!” napamura ako dahil alam kong sinaktan niya ito para sumuko ako “Lover.. natatakot ako..” sabi ni Gina na nasa gilid ko “Sshh.. tahan na Gina.. tahan na” sabi ko sa kanya habang nakiramdam ako sa kanila. Narinig kong parang me taong papalapit sa amin kaya umikot ako at nakita ko itong ilang layo nalang sa amin ni Gina kaya binaril ko ito at bumagsak ito sa lupa “PUNYETA KA DAVE!” sigaw ni Diego sa akin na kinuha ko yung salamin na gamit ni mang Dino kanina at nilabas ko ito ng konte at nanlaki ang mata ko nung sinaksak ni Diego sa hita si Randy “AAAAAAAAAAHHHH…” sumigaaw ito sa sakit.

“PUTANG INA MO DIEGOOO!!!” sigaw ko sa kanya “HAHAHA.. DALAWA LANG ANG OPTION MO DITO DAVE, SUMUKO KA O PATAYIN KO SI RANDY!” sigaw niya na kahit anong scenario ang naiisip ko mag eend up paring mapatay nila si Randy. “Gina..” tawag ko sa kanya na tumingin ito sa akin “Pasensya na” sabi ko sa kanya na hinalikan ko siya sa labi na ngumiti lang ito sa ginawa ko at kinuha ko yung flare gun sa gilid ko at kinalbit ko ang gatilyo nito na tinutok ko ito sa taas. Matapos kong gawin yun binato ko ang armas ko at iba pang armas na meron ako sa lupa at lumabas ako sa likod ng pader na nakataas ang kamay ko. “Gina… tumakbo kana” sabi ko sa kanya na umiling ito dahil papalapit na sina Diego sa akin “Gina.. umalis kana!” sabi ko sa kanya na tumayo ito at bigla itong lumapit sa akin at niyakap ako “Ayaw… gusto ko kasama kita!” sabi nito sa akin na napatingin ako sa kanya “Haayyy.. ano ba ang gagawin ko sayo?” tanong ko sa kanya na nginitian lang niya ako at ganun nalang ang pagpalo ng tauhan ni Deigo sa ulo ko at nawalan na ako ng malay.

Sa malayo, nakita ni mang Dino ang flare na pinaputok ni Dave kanina at napaluha nalang ito “Pasensya na, Dave” sabi nito sa sarili niya “Ano yan?” tanong ni Ednalyn sa kanya “Flare” sagot niya “Para saan po yan?” tanong ni Ednalyn sa kanya “Signal yan” “Signal?” tanong ni Alejandra “Oo, ibig sabihin nahuli si Dave ng mga tauhan ni Diego” balita ni Dino sa kanila na umiyak si Ednalyn habang natahimik nalang si Alejandra. “Kailangan nating ipaalam ito kay Rosana” sabi ni Dino “Ali, kunin mo yung phone sa glove compartment” utos niya kay Alejandra at inabot nito ang celfon niya, nagdial ng numero si Dino at nag ring na ito na nilagay niya ito sa speaker para marinig nila. “Hello, Dino? asan na kayo?” tanong ni Rosana sa kanila “Pabalik na kami dyan” sabi niya “Yung pamangkin ko? si Gina?” tanong niya “Naiwan namin si Gina pero andito si Ednalyn kasama ko” balita niya “Ko? nasaan si Dave?” tanong niya “Rosana, patawarin mo ako pero..” “HINID!” sigaw bigla ni Rosana sa linya.

“Patawarin mo ako di ko siya napigilan, binalikan niya ang kaibigan niya” sabi ni Dino kay Rosana “Bakit niyo hinayaan!” sabi ni Rosana sa kanya “Di ko alam yun ang plano niya eh” sabi ni Dino sa kanya “Ednalyn… Ednalyn..” tawag ni Rosana sa kanya “…….” “Andito siya nakikinig” sabi ni Dino “Magmadali kang bumalik dito mang Dino dito na tayo sa bahay mag-usap” sabi ni Rosana sa kanya “Sige” sabi nito at binaba na niya ang phone. Tahimik lang sila nung nasa daan na sila malapit sa bahay at pagdating nila binuksan sila ng gate ni Sonny, paglabas nila sinalubong sila ni Rosana na nagulat ito nung makita si Alejandra. “Ya…yaya..” sabi niya na nilapitan niya ito na yayakapin na sana niya na walang sabing sinampal siya nito. “ALI!” tawag ni Dino “Walang hiya ka, kasalanan mo ito, lahat ng nangyayari sa pamilya mo.. kasalanan mo ito..” naiiyak na sabi ni Alejandra sa kanya.

Di nakasagot si Rosana sa sinabi ng yaya niya habang hinihimas nito ang pisngi niyang nasampal kanina, “Saan po ito?” tanong ni Ednalyn na napatingin silang apat sa kanya “Pa..pasensya na po pero.. pwede ho bang iuwi niyo na ako sa amin?” tanong niya sa kanila na parang tumigil ang mundo ni Rosana nung makita siya. “Ha.. i..ikaw? Ednalyn?” tanong ni Rosana sa kanya na nilapitan niya ito at tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa “Po?” tanong ni Ednalyn sa kanya na pati ito nagulat dahil kaharap niya ang kambal ni Gina. “Ako..ako ang tita mo… Rosario” sabi ni Rosana sa kanya na niyakap niya ito na bigla siyang tinulak ng mahina ni Ednalyn dahil sa takot “Ba.. baliw din ho ba kayo?” tanong ni Ednalyn sa kanya na naluha si Rosana. “Hindi… ang totoo niyan… anak ka ng kapatid ko” naiiyak na sabi ni Rosana sa kanya “Anak ni Gina ang batang ito?” gulat na tanong ni Alejandra sa kanila na tumango si Sonny “Oo manang, siya yung batang itinatago ni Dave noon” sabi ni Sonny.

“Teka, kailangan ko po ang tulong niyo, yung ninong at papa ko nandun pa” naiiyak na sabi ni Ednalyn sa kanila na nagmamakaawa siyang tulongan siyang iligtas ang dalawa. “Pasensya na, pero sa kondisyon at sa resources ko ngayon wala akong magagawa, wala akong maitutulong sayo” sabi ni Rosana sa kanya. “Teka” sabi bigla ni Sonny na napatingin sila sa kanya “Bakit Sonny?” tanong ni Dino sa kanya “Me naalala ako” sabi niya na me kinuha ito sa bulsa niya at pinakita niya ito “Ano yan?’ tanong ni Alejandra “Resibo” sagot ni Sonny “Paano tayo matutulongan ng resibong yan?” tanong ni Dino sa kanya “Bilin ni Dave sa akin ibigay ko daw ito sa asawa niya at alam na niya ang gagawin niya” kwento ni Sonny sa kanila. “Wala sila ninang Chello dito, nasa Barcelona” sabi ni Ednalyn sa kanila “Ay, palpak” dismayadong sabi ni Sonny sa kanya.

Narinig nilang me tumunog na phone sa loob ng sasakyan ni Dave na nagkatinginan sila “Sonny!” tawag ni Dino na agad itong lumapit sa kotse at binuksan niya ito, kinuha niya ito sa loob at sabing “HARDCORE IS CALLING”. “Hardcore?” takang tanong ni Rosana “Si ninang Chello yan! yan ang pangalan ni ninang Chello sa phone ni ninong Dave” sabi ni Ednalyn sa kanila na biglang tumigil sa pagring ang phone ni Dave at kita ni Sonny na me text messages ito. “Hoy Sonny hindi mo telepono yan!” paalala ni Alejandra sa kanya na kita nilang natuwa ito “Good news!” sabi nito sa kanila “Pauwi na sila ngayon, kakarating lang nila galing Hong Kong at… shit.. patay si Dave” sabi nito sa kanila. “Sonny, yung resibo” sabi ni Rosana “Oo, ano ang plano boss?” tanong niya “Wala tayong ibang choice” sabi ni Rosana sa kanila “Rosa, di madaling pumasok sa lugar nila Dave, nung pumunta nga ako dun sinundan ako ng mga tambay, sigurado akong di tayo makakapasok dun” sabi ni Dino sa kanya. “Me paraan ako” sabi ni Rosana na tumingin ito kay pinky “I’m sure, di nila tayo babantayan pag yan ang dala natin” sabi ni Rosana na napangiti si Sonny sa kanya.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x