Uncategorized  

Carnal: Book 2 – Chapter 19: Betrayal

anino
Carnal: Book 2

Written by anino

 

“Boss!” tawag ni Diego sa amo niya na nagmamadali itong pumunta ng kusina “Bakit Diego?” tanong ni Amorosa sa kanya “Me masamang balita po!” sabi nito na niyaya niya itong pumunta sa sala “Bakit ba? ano ba kasi ang problema?” tanong ni Amorosa sa kanya “Tingnan niyo po” sabi ni Diego. “PUNYETA! MGA WALANG SILBI! TAWAGAN MO SI ROMEO NGAYON DIN!” galit na utos nito sa tauhan niya “Opo boss!” sagot agad ni Diego na kinuha nito ang telepono niya at tinawagan si Romeo “Boss” inabot niya ang telepono “Romeo!” sabi ni Amorosa “Good morning boss kumus..” “PUMALPAK KA NANAMAN!” sigaw ni Amorosa sa kanya “… di naman boss” sagot ni Romeo “KALAHATING MILYON ANG HININGI MO AT ITO ANG IPAPAKITA MO SA AKING RESULTA? MAGTAGO KANA ROMEO, SISINGILIN NA KITA SA MGA KAPALPAKANG BINIGAY MO SA AKIN!” galit na sabi ni Amorosa at binaba nito ang telepono “Diego, trabahoin mo na” utos niya “Masusunod boss” sagot ng bata niya.

Nagpapanic na si Romeo na naka sando at pajama lang, tinawagan niya ang tauhan niya sa presinto “Sir, good morning po!” sagot nito “Ano ba ang nangyari kagabi? akala ko ba pulido yung trabahong gagawin nila?” tanong niya “Sir, pasensya na po naalarma kasi yung suspek kaya ubos yung taong pinadala natin sa condo” sagot nito “MGA PUNYETA KAYO! ULO KO ANG NAKASALALAY DITO” galit na sabi ni Romeo sa kanya. “Sori sir” sagot ng tauhan niya “Magbantay-bantay kayo dyan, baka me kung anong aatake dyan” babala nito sa tauhan niya “Sige po boss, sabihan ko sa mga tauhan natin dito” sagot nung tinawagan niya “Sige, pupunta na ako dyan, teka me mga reportes ba na pumunta dyan?” tanong ni Romeo “Meron kanina at hinahanap ka pero sinabihan namin na wala ka at umattend ng conference” sagot nito “Mabuti, sige mag-ingat kayo dyan” paalala niya sa tauhan niya “Kayo din po sir” sagot nito at binaba na nito ang telepono.

Matapos makapagbihis hinanda niya ang armas niya pati ang reserba niya para sa ano mang mangyari pagpunta niya sa presinto “Mag aalmusal ka pa ba?” tanong ng asawa niya “Hindi na, marami pa akong aasikasohin sa presinto” sabi nito sa asawa niya at nagpaalam na ito at sumakay sa kotse niya. “Boss, nakita na po namin si Romeo’ng sakay sa kotse niya” balita ni Diego kay Amorosa “Alam mo na ang gagawin mo” sabi ni Amorosa sa kanya “Opo boss” sagot niya na binaba na niya ang phone “Alvin, sundan mo” sabi niya sa driver “Yes boss” sagot nito na sinundan nila si Romeo na lumiko sila pakaliwa sa sumunod na kanto at sa kabilang kalsada sila dumaan baka kasi makahalata si Romeo na sinusundan nila ito. “Boss, ano ang plano?” tanong ni Alvin sa kanya na me kinuha sa likuran si Diego at natawa nalang si Alvin “Galing boss, walang mintis ito pagyan ang ginamit mo” natatawang sabi ni Alvin “Sa pangatlong kanto ikanan mo” utos ni Diego “Walang problema boss” sagot ni Alvin.

Saktong naka pula yung ilaw sa lane ni Romeo kaya huminto ang kotse niya na nasa unahan mismo ito “Timing boss” sabi ni Alvin na lumipat sa likod si Diego na pinatakbo na ni Alvin ang kotse nila nung nag berde na yung ilaw ng trapiko. Nakita nilang me kausap sa telepono si Romeo at di sila napansin nito kaya nung hininto ni Alvin ang kotse sa harapan mismo na mabilis na nilabas ni Diego ang bazokang dala nila at tinutok ito sa kotse ni Romeo. Nakita nila ang takot sa mukha ni Romeo na nagmamadali itong tanggalin ang seatbelt niya pero huli na ito dahil pinindot na ni Diego ang botton nito at lumipad na ang bala nito papunta sa kotse niya. Mabilis namang inapakan ni Alvin ang gasolinador kaya humarorot ng takbo ang kotse nila sakto din nung makita nilang pumutok ang kotse ni Romeo at narinig din nila ang sigawan ng mga tao sa paligid dahil sa takot. “YES!” sigaw ni Alvin nung papalayo na sila. “Boss, ok na po” balita ni Diego sa kanya “Magaling, bumalik kayo sa mansion” sabi nito “Boss tumawag yung isang informant natin, nahanap na nila sina Erwin at Gina” balita niya “Ganun ba? itext mo sa akin ang address at kami na ni Sonny ang lalakad” sabi nito “Masusunod po boss” sagot nito.

“Ano ang gagawin natin Dave” tanong sa akin ni Randy “Mag-iingat lang tayo, alam kong nasa paligid lang sila” sabi ko sa kanya “Tsk! bakit pa kasi.. putang inang taong yun” pagmumura ni Randy “Pare, relax lang, kaya natin ito” sabi ko sa kanya na kumalma na ito. “Kumusta na nga pala ang mag-ina mo?” tanong ko “Ok lang sila, si Lina nasa trabaho na si Ednalyn naman pumasok na sa skwelahan” sabi nito “Mabuti naman, kaya ikaw magtrabaho ka narin” sabi ko sa kanya na napangiti ito “Tandaan mo boss mo parin ako, kaya balik ka muna sa trabaho at kalimutan na muna natin ang pangyayaring ito” nakangiti kong sabi ko sa kanya “Yes sir!” sagot nito na natawa kami pareho. Nagtatrabaho na ako at inaayos ang mga documents na dadalhin namin sa meeting mamayang tanghali, me kumatok sa pintoan ng opisina ko at pinapasok ko ito “Sir, nakahanda na po yung report” pinaalam nito sa akin “That’s good” sagot ko na umupo ito sa silya.

“Me kailangan ka pa ba, Ms. Nunez?” tanong ko sa kanya dahil nakatingin ito sa akin “Ah wa.. wala na po sir” nahihiyang sagot niya “We still have three hours before the meeting” sabi ko sa kanya “Wala lang sir” sabi nito na nakatingin parin ito sa akin “Ms. Nunez mabubura na ang mukha ko niyan sa kakatingin mo sa akin” sabi ko sa kanya habang nagtatype ako sa keyboard ko “Hehehe sorry sir” sabi nito na tumayo na ito “Ah lalabas na po ako sir” paalam nito na tumango lang ako at umalis na ito “Weird ang batang yun” sabi ko na tinuloy ko nalang ang trabaho ko. Tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito “Hello” “Dave” “Oh pa? napatawag ho kayo?” tanong ko “Anak, me masamang balita” sabi nito sa akin na napahinto ako “Ano po yun pa?” tanong ko “Yung ninong mo, wala na” “Anong, anong wala na?” takang tanong ko sa kanya “Tumawag ang ninang mo dito kanina sa bahay binalita sa amin na namatay ang ninong mo, pinasabog daw ang kotse niya” balita nito sa akin na napasandal ako sa upoan ko.

Di ako nakapagsalita sa narinig ko “Dave… Dave.. anak nandyan ka pa ba?” tanong ni papa “Ah.. oo, nandito pa ako, kelan ho ba ito nangyari?” tanong ko sa kanya “Kaninang umaga anak nung papasaok na siya sa trabaho” sabi niya sa akin “Shit” napamura nalang ako “Anak, kinakabahan na ako, di kaya konektado ang ninong mo sa insidente dun sa condo kagabi?” tanong ni papa sa akin “Your guess is good as mine pa, pero wag muna nating pangunahan ng hinala si ninong” sabi ko sa kanya “Di kasi anak, naalala ko lang kasi ang sinabi mo sa akin dati tungkol dun sa tauhan niyang nakita mo sa condo niyo” sabi niya which is sakto naman na maghinala kami dahil dun. “Anak postpone mo nalang muna ang meeting niyo at umuwi ka nalang dito, kinakabahan talaga ako eh” sabi ni papa sa akin “Secure ako dito pa me mga securities kami dito” pasiguro ko sa kanya. “Di ako mapakali pag di ka nakauwi dito” sabi niya “Pa, aatakihin nanaman kayo ng nerbyos niyan relax lang kayo” paalala ko sa kanya.

“Basta anak umuwi ka ng maaga dito para sa ikakatahimik ng loob ko” sabi nito sa akin “Oo pa, pagkatapos ng meeting namin uuwi agad ako dyan” sabi ko sa kanya “Salamat anak” sabi nito na binaba na niya ang telepono. “Tsk, ninong” nag-alay ako ng dasal para sa kanya ng naputol nalang ito dahil kumatok sa pintoan si Rose “Sir, tumawag yung Caltex team na move yung meeting ng mas maaga” balita nito sa akin “Ganun ba? anong oras?” tanong ko “Alas onse po” sabi nito na tumingin ako sa oras alas dyes y medya na “Sobrang late naman ng notice nila” sabi ko “Aalis kasi sila mamayang hapon papunta sa main office nila kaya inurong nila yung oras ng meeting” balita nito sa akin “Haayy… sige inform mo si Esmeralda na aalis na kami ngayon” sabi ko sa kanya “Sige sir, inform ko siya ngayon po” sabi nito at lumabas na ito ng office ko. Tinuloy ko ang dasal ko kanina at pagkatapos kinuha ko ang mga documents at ibang files na ipepresent namin sa meeting at lumabas na ako ng office ko at nakita kong naghihnintay na sa lobby namin dito sa third floor si Esmeralda. “Hi sir” nakangiting bati nito sa akin.

Bumaba na kami sa parking lot at pansin kong natutuwa ito dahil sinama ko siya sa meeting “First time ko kasing makipag meet ng clients sir” sabi nito sa akin na natatawa lang ako sa kanya “Ano po ang sasakyan natin sir?” tanong niya sa akin. Dinala ko siya kung saan ko pinarada si pinky at kita kong napahinto ito at tumingin ito sa akin “Oo, yan ang sasakyan natin at seryoso ako” sabi ko sa kanya na di ito makapaniwala sa nakita niya “Sir, sigurado ho ba kayo?” tanong niya sa akin na nagulat pa ito nung nilabas ko ang susi at pinindot ang alarm “Seryoso ka nga!” sabi nito na natawa lang ako “Halika na, baka ma late pa tayo” yaya ko sa kanya na sumakay na ito at napatingin sa dashboard at sa likod “Sir” sabi nito “Wag ka nalang maingay Esmeralda, mag seatbelt kana para makaalis na tayo” sabi ko sa kanya na pinaandar ko na si pinky at umalis na kami. Sumaludo pa sa akin yung guard bago kami lumabas ng parking lot at nagwave lang si Esmeralda sa kanya na di parin ito makapaniwala sa kotseng minamaneho ko.

Na late kami ng twenty minutes dahil na traffic kami pero natawagan na namin ang mga client namin at na intindihan naman nila dahil biglaan nilang nilipat ang oras ng meeting namin. Pagdating namin dun naghihintay na sila sa amin at nagpaumanhin ako sa tardiness ko at pinatawad naman nila ako, nagsimula na ang meeting namin na pinaliwanag ko sa kanila ang problemang nakita namin sa finances nila at mga descripancy sa mga reports na pinadala nila. Nakinig lang kami ni Esmeralda habang pinag-uusapan nilang ang report na pinresenta namin sa kanila na kita kong panay subo ng pagkain ito, kinalabit ko siya “Nagugutom ka ba?” tanong ko sa kanya na ngumiti ito habang ngumunguya siya. “Ah David, can you please check our last quarter finances I mean baka nandun lang yung problema kaya di niyo ma balance ang account namin” sabi nung head nila “We can certainly do that and as long as you can inform us a head of time about the meeting (tumawa sila) there won’t be any problem” sabi ko sa kanila.

“It’s a deal then” sagot niya na nagkamayan kami at nung tumayo na kami para magpaalam na kami biglang natamaan ng bag ni Esemeralda yung tasang me lamang kape nung head ng Caltex account na natapon ito sa hita niya. “Oh my God, i’m so, so, sorry sir!” sabi nito na biglang napatayo si Robert “Its ok, hehehe its nothing” sabi nito kay Esmeralda na pansin kong kanina pa nakatingin sa kanya simula nung dumating kami. “Watier, can you please give us some napkins” sabi ko sa waiter na kumuha ito ng maraming napkins at pinunasan ni Robert ang harapan niya “I’m really sorry sir” paulit-ulit na sabi ni Esmeralda sa kanya. “Really its ok, I have a spare pants in my office” sabi nito kay Esmeralda na nagkatinginan kami ng secretary niya at kita kong parang nahiya ito at umiwas ito ng tingin sa akin. “Talaga tong si Rob di parin nagbago” sabi ko sa sarili ko dahil pangatlong sekretarya na niya ito sa loob ng isang taon at tila pabata ng pabata ang mga sekretarya nito.

Nagpaalam na sila sa amin dahil magpapalit pa siya ng pantalon bago sila bumyahe papunta sa main office nila “Sir, pasensya na po” sabi sa akin ni Esmeralda nung nasa daan na kami “Ok lang yun di naman mainit yung kape niya” sabi ko. “Siguro di na nila tayo kukunin sa susunod ng quarter” napahiyang sabi ni Esmeralda sa akin “Ano ka ba? ilang taon na ako sa kompanya kahit nagkamali-mali minsan ang report na binibigay natin sa kanila di parin sila tumigil sa pagkuha sa service natin” sabi ko sa kanya “Eh.. natapunan ko ng kape yung boss nila eh” sabi nito “Hahaha buti nga sa kanya eh” natatawa kong sabi sa kanya “HA?! bakit po?” “Alam mo bang pangatlong sekretarya na niya yung kasama niya kanina, besides kanina pa nakatingin sayo yun mahilig kasi yun sa bata…. well alam muna” sabi ko sa kanya na napatingin nalang ito sa akin “Ikaw sir, mahilig din ba kayo sa bata?” biglang tanong nito sa akin na natawa nalang ako “I love my wife and I have a daughter so that’s NO” natatawang sagot ko sa kanya.

Napansin kong parang nag-iisip ito at siguro iniisip parin niya ang nangyari kanina kaya niliko ko si pinky sa isang parking lot at pinarada ko ito sa harap ng ice cream shop “Sir, ano ang ginagawa natin dito?” takang tanong niya sa akin “Halika” yaya ko sa kanya na sumunod ito sa akin at pumasok kami sa loob. Matapos maka order naupo kami sa booth malapit sa pinto at naghintay sa order namin “Sir, ano ho ba ang ginagawa natin dito?” tanong niya “Obvious ba? kakain tayo ng ice cream” nakangiti kong sabi sa kanya. Dumating yung order namin at na una akong kumain sa kanya “Sige na, kain na” sabi ko sa kanya na nagdadalawang isip pa itong kakain o hindi “Eh sir” sabi nito na tinaas ko ang kamay ko para patahimikin siya “Kumain ka nalang, wag kana maraming satsat” sabi ko sa kanya kaya kumain nalang ito. Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya na tiningnan ako nito ng masama “Sir, nakakailang na kayo ha” sabi nito sa akin na kinawayan ko siya na lumapit sa akin at nung ginawa niya ito pinitik ko siya sa noo “Aray!” sabi nito na napaupo sa upoan niya.

“Hahaha, i’m not being weird or anything, ginagawa ko ito sa mga anak ko sa tuwing nakikita kong malungkot sila, call it comfort food” paliwanag ko sa kanya “Eh yung pitik sa noo?” tanong niya “Well, kung makulit na sila yun pinipitik ko sila sa noo” natatawang sabi ko sa kanya. “Eh di mo naman ako anak sir eh” sabi niya sa akin “I know, sa mukha mo kasi parang ka edad mo lang yung panganay ko” sabi ko sa kanya “Mukhang teenager ba sir? hahaha” natawa ito “Oo, parang nasa sixteen or seventeen ka lang” sabi ko “Magaling kasi akong mag-alaga ng kutis sir, kaya na keep ko yung youth ko kahit 24 yrs old na ako” sabi nito sa akin. “Galing ah? parang asawa kong si Chello, mahilig din yun sa mga cosmetics pero lately nung naging busy na siya hindi na ito masyado na memaintenance sa skin niya” kwento ko sa kanya “Ganun ho ba? maganda po si ma’am Chello, swerte niyo po sa kanya sir” sabi niya na napangiti lang ako.

Lumabas na kami nung matapos kaming kumain at sumakay na uli kami kay pinky pabalik sa opisina, kita kong nag-eenjoy si Esmeralda sa byahe namin na naalala ko tuloy ang bunso kong si Jenny. “Alam mo magkakasundo kayo ng bunso ko” sabi ko sa kanya na ngumiti lang ito. Pagdating namin sa office nagpaalam na itong babalik sa cubicle niya “Sige, salamat nga pala” sabi ko sa kanya “No sir, ako dapat ang magpasalamat” sabi nito sa akin na nginitian ako ng ubod na tamis bago ito umalis. “Rose, magpapaalam na ako na uuwi ako ng maaga ngayon” sabi ko sa sekretarya ko “Sir, di naman byernes ngayon ah?” sabi nito “Namatay kasi ang ninong ko kaya aalis ako ng maaga para dumalaw sa ninang ko” sabi ko nalang sa kanya “Hala! sige sir kukunin ko nalang yung message ng mga taong maghahanap sayo” sabi nito “Forward mo nalang sa e-mail ko yung mga messages para mabasa ko agad” sabi ko sa kanya “Sige sir” sagot nito at pumasok na ako sa office ko.

Nag bigay muna ako ng update report sa Caltex account bago ako umalis ng office “Rose, na send ko na yung report ng Caltex account” “Sige sir, kunin ko nalang sa PDF file kung hihingiin nila” sabi nito “Sige alis na ako, salamat ha” sabi ko sa kanya “Sige sir, ingat po” sagot nito at lumabas na ako at naghintay sa harap ng elevator. Nung bumukas ito nakita ko si Nanette sa loob “Dave, where area you going?” tanong nito sa akin na nginitian ko siya at sumakay na ako sa loob. “I’m going home” sagot ko sa kanya “Its only 2pm” sabi nito “Me nangyari kasi sa ninong ko kaya maaga akong aalis ngayon” sabi ko sa kanya “Oh, what happened?” tanong nito “Tragic incident kaninang umaga” sabi ko sa kanya “Wow, sige ingat ka” sabi nito at bumukas na yung pinto ng elevator at nauna siyang lumabas na kasunod ako.

“Hey by the way” sabi ko na lumingon ito “Yup?” “Thanks for hiring Esmeralda Nunez for me” pasalamat ko sa kanya “Who?” takang tanong nito “You know, the new accountant that you hired two weeks ago?” paalala ko sa kanya na tiningnan ako nito na parang nagulohan siya. “Dave, I only hired one and he’s a guy not a girl” sabi nito sa akin na “What, really?!” nagulat ako sa sinabi niya “Yeah and he is not an accountant he works on the fourth floor, book keeping” sabi nito sa akin na tumango lang ako at nagtaka ito sa inasal ko kaya napatingin ako sa elevator kaya tumakbo uli ako papasok sa loob at pinindot ang third floor. “Wala siyang hinary na babae, paano ito nangyari?” takang tanong ko sa sarili ko na nung bumukas ang pinto nagulat ang mga nasa reception “Sir, akala ho namin uuwi na kayo?” tanong ng isang receptionist sa akin “Me naiwan lang ako sa office ko” sabi ko nalang sa kanya at pumasok ako sa loob.

Dumiretso ako sa cubicle niya na napatingin sa akin ang mga emplyeado ko at pagdating ko dun nagulat nalang ako dahil bakante ang cubicle na inassign para kay Esmeralda. “Marvin” tawag ko sa isa kong accountant “Sir Dave, bakit po?” tanong nito “Nakita mo ba si Esmeralda?” tanong ko sa kanya “Esme..ralda? sino po yun sir?” tanong niya na nagulat ako dahil di niya ito kilala. “Di ba me bagong hired na accountant na nagtatrabaho sa cubicle na ito?” tanong ko sa kanya na tiningnan ako nito na parang nagtataka ito “Sir… tinatakot mo naman ako eh” sabi nito sa akin “Imposible” sabi ko “Jean” tawag ko “Sir? bakit po sir Dave?” tanong nito “Nakita mo ba si Esmeralda?” tanong ko sa kanya na nagkatinginan sila ni Marvin “Sir, sino ho siya?” tanong niya “Yung nagtatrabaho dito, kasama ko pa nga siya kanina sa meeting namin sa Caltex account” sabi ko na napatayo na din yung ibang accountants at tumingin sila sa akin “Sir, wala namang nagtatrabaho dyan eh simula nung nag quit si Gerome” sabi ni Fred na katabi lang din sa cubicle na tinatayoan ko.

Napakamot ako sa ulo at umalis ako “Si Rose” sabi ko kaya pinuntahan ko si Rose na kita kong busy ito sa trabaho niya “Rose” tawag ko sa kanya “Sir?! akala ko ba umalis na kayo?” gulat na tanong nito sa akin “Bakit wala si Esmeralda sa cubicle niya?” tanong ko “Di ba kasama mo siya kanina lang?” tanong nito “Oo, pinuntahan ko sa cubicle niya wala siya dun ang nakapagtataka wala ni isa sa mga kasamahan niya ang nakakakilala sa kanya” sabi ko “Imposible naman po yun sir” sabi niya “Di ba nakakausap mo siya?” sabi ko “Sa tuwing pumupunta lang siya dito sa office mo, pero maliban dun wala na talaga” sabi nito sa akin na pareho kaming nagtaka. “Nakausap ko si Nanette kanina at sabi niyang isa lang daw ang na hired niya at ang nakapagtataka lalaki ang tinaggap niya at nasa book keeping ito sa fourth floor hindi dito sa atin” kwento ko sa kanya “Hala sir, baka multo si Esmeralda” sabi nito sa akin “Imposible naman yun, napitik ko pa ang noo nun kanina, si Robert na alam mong womanizer panay na tingin sa kanya, imposible atang multo siya” sabi ko kay Rose,

“Sa tuwing pumupunta lang siya dito sa office mo siya nakakausap ko po, di ko nga nakikitang kumakain sa lunch room yun eh o sa malaking cafeteria sa ground floor” sabi nito sa akin na napaisip tuloy ako sa misteryosong pagkawala bigla ni Esmeralda. Bumaba na uli ako at sumakay sa kotse na di parin maalis sa isipan ko kung sino ba talaga si Esmeralda tumunog ang phone ko at nakita kong tumawag si papa. “Hello pa” sagot ko “Anak, asan kana?” tanong nito “Pauwi na ako pa” paalam ko sa kanya “Mabuti naman, sige hintayin kita para sabay na tayong pumunta sa ninang mo” sabi nito sa akin “Sige pa, kita tayo mamaya” sabi ko at binaba na nito ang telepono at umalis na ako. Nasa traffic light na ako nung tumawag uli sa akin si papa “Pa, napatawag ka?” tanong ko “Anak, mag-ingat ka” sabi nito “Bakit po?” “Binalita sa akin ng mga tambay me nakaparadang kotse daw sa kabilang side ng tulay” balita niya “Ok pa, ihahanda ko yung armas ko” sabi ko sa kanya “Wag anak baka makita ka pa ng mga pulis, tumambay kamuna sa puntod ng lolo mo at tatawagan kita kung ok na” sabi nito “Sige pa” sagot ko at binaba ko na ang telepono.

“Boss, ito na po yung address na tinext ni Diego sa atin” sabi ni Sonny sa kanya na binuksan ng konte ni Amorosa ang bintana niya at tumingin ito sa apartment “Sige, iparada mo sa kabilang kalye ang kotse para hindi nila ito makita” utos niya “Sige boss” sabi ni Sonny at pinarada niya ang SUV sa sumunod na kanto at naghanda na sila ni Amorosa para puntahan ang apartment. “Wala pa ba sila Dino?” tanong ni Amorosa “Parating na po boss” sagot nito “Hintayin natin sila bago tayo pumunta dun” sabi ni Amorosa sa kanya. Maya-maya lang ay tumunog ang phone ni Sonny “Boss, andito na sila” balita nito na nakita nilang pumarada sa likuran nila ang isang itim na L300 at lumabas ang anim na lalakeng me dalang mahahabang armas. Lumabas narin si Amorosa at isa-isang bumati sa kanya ang mga tauhan niya. “Boss, ano po ang iuutos niyo?” tanong ni Dino sa kanya.

Tiningnan ni Amorosa ang mga tauhan niya “Don-Don, Arman, Lito, Ricky pumwesto kayo sa likod ayaw kong makatakas sila, kami na ang bahala sa harapan” utos ni Amorosa sa kanila na kumilos agad sila. Lumakad na sila papunta sa apartment at kita nilang nakasara ang mga blinds nito “Boss, ako na po ang mauna” pakiusap ni Dino sa kanya na nasa likuran nila si Amorosa “Dino, libre” sabi ni Sonny sa kanya na pumwesto ito sa me bintana at sumilip ito sa loob “Walang tao” balita niya na lumakad sila palapit sa pintoan “Boss, tatadyakan ko na ba?” paalam niya sa boss niya “Teka muna” sabi ni Amorosa sa kanila dahil me nakita itong laroan ng bata sa gilid ng pintoan “Bakit po boss?” tanong ni Dino “Boss, me nakita akong tao sa loob” sabi ni Sonny “Parang me mali ata” sabi ni Amorosa sa kanila na biglang lumapit ito sa pintoan “Boss, teka lang po!” pag-aalala ni Dino na hinawakan nito ang kamay ni Amorosa “Bitawan mo ako Dino” sabi nito na bumitaw agad si Dino sa kanya.

“Saan ba tayo pupunta? akala ko ba babalik tayo sa mansion?” tanong ni Alvin kay Diego “Me dadaanan lang tayo” sabi ni Diego sa kanya na kinuha nito ang telepono at me tinawagan ito “Hello, oo, parating na ako dyan” sabi nito sa kausap niya sa telepono at binaba na niya ito. “Sino ba yung kausap mo?” tanong ni Alvin sa kanya “Basta lang, sige iliko mo yung kotse sa susunod na kanto” sabi ni Diego sa kanya at makalipas ang ilang minutos nakarating na sila sa tinurong address ni Diego sa kanya. “Bakit ba tayo nandito?” tanong ni Alvin sa kanya “Dito ka lang, ako na ang lalabas” sabi ni Diego sa kanya at lumabas na ito ng kotse at tumawid sa kalye na palingon-lingon pa ito na parang sinisigurong walang nakasunod sa kanila. Kinuha nito ang telepono niya at me tinawagan ito “Andito na ako sa labas, buksan mo ang pinto” sabi nito at binaba na niya ang telepono.

Balik kay Amorosa, pinindot na niya ang doorbell at narinig nilang tumunog ito sa loob “Teka lang!” dinig nilang sagot sa loob ng bahay at narinig nilang binuksan nito ang lock ng pinto at bumukas ito “Sino sila?” tanong nung matanda kay Amorosa na nagulat siya nung makita ang matanda. “Ano po ang kailangan niyo?” tanong nung matanda sa kanya “Ma? sino po yan?” tanong nung babaeng lumapit sa pinto at kita ni Amorosa’ng buntis ito pati sina Dino nagulohan din “Boss” tawag niya kay Amorosa na tinago sa likuran nila ang mga armas nila. “Pasensya na po kayo, maling bahay po pala ang napuntahan ko” sabi ni Amorosa sa kanila at nagmamadali silang umalis “Tawagan mo ang mga tauhan natin sa likod, me traydor sa grupo natin” galit na sabi ni Amorosa kay Dino. Nagmamdali silang bumalik sa kotse at hinintay ang apat na nasa likod ng bahay “Boss, ano po ang ibig sabihin nito?” tanong ni Dino sa kanya “Si Diego” sabi ni Amorosa na nakita nitong bumalik na ang apat. Tinawagan niya si Diego na naka off ang telepono nito “Sa mansion tayo, kakausapin ko ang taong yun” galit na sabi ni Amorosa at sumakay na sila sa sasakyan nila at nagmamadaling bumalik sa mansion.

Bumukas ang pintoan sa harap ni Diego at nakita nito ang taong nagbukas “Ano ang kailangan mo?” tanong nung matanda sa kanya na nakita niya ang taong kausap niya kanina “Believe din ako sa tapang mo” sabi ni Diego sa kanya na napangiti ito sa sinabi niya. “Kailangan eh” sagot nung kausap niya na pinapasok na siya ng matanda sa loob “Buti nakatakas kayo, nag-aalala tuloy ako sa inyo” sabi ni Diego sa kanya “Ok lang kami dito, mabuting tao ang kumupkop sa amin” sagot nung kausap niya “Yung babae?” tanong ni Diego “Nasa loob ng kwarto nagpapahinga” sagot niya “Mabuti” sagot ni Diego na nagngitian silang dalawa at nagyakapan ito. “Masaya akong ligtas ka, Erwin” sabi ni Diego sa kanya “Pasensya kana kung nasaktan kita nung pinalo ko ang ulo mo ng baril ko” paumanhin ni Diego kay Erwin. “Wala yun, alam kong ginagawa mo lang ang tungkolin mo” nakangiting sabi ni Erwin sa kanya “Mabuti naman kung ganun” sagot ni Diego “Sino ka ba?” tanong ni Alejandra kay Diego “Ako nga pala si Delfin, kapatid ni Erwin” sagot niya.

Lumabas sa sala si Gina na suot parin nito ang maikling shorts at naka sando parin ito “Sino ang bisita nati…” di niya ito natuloy nung makita niya si Diego “Hello” bati ni Gina sa kanya na nginitian siya ni Diego “Kumusta ang tulog mo, Gina?” tanong niya “Masarap” sagot niya na lumapit siya kay Diego at niyakap niya ito “Salamat nga pala sa susing binigay mo sa akin” sabi ni Gina “Susi?” takang tanong ni Erwin “Oo, binigyan ko siya ng duplicate para makalabas siya sa kwarto niya at para narin makatakas ka” sagot ni Diego (Delfin) “Galing ah?” natutuwang sabi ni Erwin “Salamat tol” sabi niya sa kapatid niya. “Di ba sabi ko sayo ako ang bahala sayo” sabi nito kay Erwin. “Manang, pwede bang iwan niyo muna kami” sabi ni Gina kay Alejandra na umiling lang ito at kinuha ang bag niya at nagpaalam na ito at lumabas ng bahay. “Halika pasok tayo sa kwarto” yaya ni Gina kay Diego na nginitian lang siya ni Erwin “Masarap yan tol” sabi ni Erwin sa kanya “Talaga? wow, mag eenjoy ako nito” sabi ni Diego na pumasok silang tatlo sa loob ng kwarto at nagsara ng pinto.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x