Uncategorized  

Carnal: Book 2 – Chapter 15: Emotions

anino
Carnal: Book 2

Written by anino

 

“Boss, bakit niyo pinakawalan yung taong yun? chance na sana natin yun na mahanap yung bata?” tanong ni Diego sa amo niya “Tama ka, pero hindi sa ganung paraan” sagot niya sa tauhan niya. “Alam niyo naman po boss na dalubhasa ako pagdating sa pagkuha ng impormasyon” paalala niya sa boss niyo “Alam ko Diego, pero sa pinapakita ni Dave sa akin at sa walang bahala nitong ibuwis ang buhay niya para sa bata kahit ganun ka kadalubhasa sa ganung paraan hinding-hindi mo mapapakanta ang taong yun” sagot niya kay Diego. “So ano ang susunod na gagawin natin boss?” tanong niya “Punhatan natin si Lisa, sigurado akong (ngumiti siya kay Diego) kakanta siya kung saan itinago ni Dave ang bata” sabi niya sa tauhan niya. “Sige po boss, Alvin punta tayo sa lumang bahay” utos nito sa driver “Opo, boss!” sagot nung driver sa kanya.

“Putang ina Erwin, ano ang gagawin natin? pagnalaman ito ni boss patay tayong dalawa” takot na sabi ni Pablo sa kanya “Wag kana maingay dyan ikarga nalang natin si Boy sa likuran ng kotse at itapon natin” sabi ni Erwin kay Pablo na binubuhat na nila itong palabas ng bahay. “Buti nga tatlo lang tayo dito eh kung andito pa yung dalawa patay tayo, isusumbong talaga tayo nun” sabi ni Pablo sa kanya. Kinarga na nila si Boy sa likod ng kotse at nilinis narin nila ang dugo sa sahig mula kwarto pababa sa pintoan “Sino ang magtatapon sa kanya?” tanong ni Pablo “Malamang ikaw!” sabi ni Erwin sa kanya “Anong ako? putang ina pare, kasamahan mo ito” sabi ni Pablo sa kanya “Duwag ang puta! AKO NA MAGTAPON!” galit na sabi ni Erwin sa kanya na kinuha nito ang susi kay Pablo “Buksan mo nalang yung gate, putang ina ka!” galit na utos nito kay Pablo na nagmamadali itong binuksan ang gate at napahinto nalang si Pablo dahil me kotse palang nakaabang sa labas.

“Patay!” sabi ni Pablo nung pumasok yung dalawang SUV sa loob ng compound at isa-isang lumabas ang mga taong sakay nito “Saan kayo pupunta?” tanong ni Diego sa kanila “Bo..boss… ah me.. me lalakarin lang sana si.. ano… ah” nauutal na sagot ni Pablo. “Boss!” tawag nung isang tauhan ni Diego “Ano?” tanong nito “Me dugo dito” turo nito sa likuran ng kotse “Nasaan si Erwin?” tanong niya kay Pablo na lumabas ng kotse si Erwin “A..andito ako boss” sagot niya. “Ano ang nangyari dito?” tanong niya sa dalawa na di sila makapagsalita “Diego” tawag nung big boss nila na nasa loob pa ng SUV “Yes boss?” tanong ni Diego “Kunin mo si Lisa para ilipat natin sa mansion” utos nito sa tauhan niya “Masusunod po boss!” sagot ni Diego sa kanya. “Kayo, kunin niyo yung babae sa taas, kayong dalawa naman (tumitingin si Diego sa paligid) nasaan yung isang kasamahan niyo?” tanong niya sa dalawa. “Ah.. boss.. ano kasi..” sagot ni Pablo.

“BOSS!” sigaw nung isa sa bintana “Bakit?” tanong ni Diego “Dugoan po yung babae” sagot nito kay Diego “DIEGO!” sigaw nung big boss nila “Boss?” “PUNTAHAN MO SA TAAS!” sigaw nito kay Diego “Kayo bantayan niyo itong dalawa” utos ni Diego sa mga tauhan niya at tinutokan sina Erwin at Pablo ng baril at tumatakbong papasok ng bahay si Diego at umakyat ito sa taas. “Dyos ko!” lang ang nasabi ni Deigo nung makita si Lisa’ng hubo’t-hubad at puno ng dugo ang mukha nito “Ano pa ba ang hinihintay niyo, kalagan niyo yan” utos ni Diego sa tauhan niya at kinalagan nila si Lisa at kinumotan nila si Lisa bago nila ito tinayo at dinala sa banyo. “Banlawan niyo yung mukha niya bago natin ibaba yan, putang ina magwawala si boss nito” natatakot na sabi ni Diego sa kanila, tumunog yung phone ni Diego at kita nitong tinawagan siya ng big boss nila “Yes boss?” sagot niya “Bakit ang tagal niyo?” naiinip na tanong nito “Ah.. boss..ah inaayos pa po namin si Lisa” sagot nito sa amo niya “Bilisan niyo, naiinip na ako dito” sabi nito kay Diego “Opo boss” sabay baba nito ng phone “Bilisan niyo dyan!” utos niya sa dalawa na pinupunasan ang mukha ni Lisa ng basang basahan.

Matapos nilang linisin ang dugo at bihisan si Lisa binaba na nila ito at kita sa condition ni Lisa ang tinding hirap nitong dinanas sa kamay ng tatlo, nagulat ang boss nila nung makita si Lisa nung nilabas ito nina Diego. “DIEGO!” tawag niya sa tauhan niya “Boss?” nagmamadaling lumapit ito sa amo niya “ANO ANG GINAWA NILA KAY LISA? DALHIN ANG DALAWANG YAN SA MANSION!” galit na utos nito kay Diego “Masusunod po boss, kayo ipasok niyo yan sa kotse” utos niya sa mga tauhan niya na tinutulak pasakay sina Erwin at Pablo sa kabilang SUV. “Sonny, tingnan mo yung trunk kung bakit me dugo yan” utos ni Diego sa tauhan niya na nung binuksan ito napaatras ito sa nakita niya “Boss, si Boy! patay na!” sabi nito kay Diego “Putang ina!” sabi ni Diego na kita nito ang hubong katawan ni Boy sa loob ng trunk. Pumunta siya sa big boss nila at binalita niya ito “Sunogin mo yung kotse kasama ang bangkay ni Boy!” utos nito sa kanya “Masusunod po boss” “DIEGO! AYAW KO NG ME SABIT!” galit na sabi nito kay Diego. “Walang problema boss” sagot nito sa amo niya.

Umalis na sila na si Diego ang nagmaneho sa kotse kung saan nakatago ang bangkay ni Boy at dinala nila ito sa liblib na lugar at binuhosan nila ito ng gasolina at sinunog ito. Hinintay muna nila Diego para makasiguro silang walang makakita nito at pagkatapos umalis na sila pauwi sa mansion. “Dalhin ang dalawang yan sa likod!” utos ni Diego sa mga tauhan nila “Diego, tawagin mo yung mga maid at linisan si Lisa, aakayat lang ako sa taas para tingnan si Gina” utos nito “Opo boss” sagot nito. Pag-akyat niya sa taas nakita niya si Gina na nanonood ng tv sa kwarto niya “Kumusta kana?” nakangiting tanong nito kay Gina “Oh, nakauwi kana pala?” tanong nito “Oo, di ba sabi ko sayo sandali lang ako” sagot niya na natutuwa si Gina “Ano ba yang pinapanood mo?” tanong niya kay Gina na napatigil nalang ito dahil balita pala ang pinapanood nito. Nagmamadali niyang nilipat yung channel dahil baka ipalabas yung nangyari kina Dave sa balita “Bakit mo nilipat?” tanong ni Gina sa kanya “Gusto ko kasing manood ng telenserye” sabi nito kay Gina na umupo ito sa tabi niya.

“Kumusta nga pala ang lakad mo?” tanong ni Gina sa kanya na sinuklayan niya ang buhok ni Gina “Me konting progress ang business ko, sooner or later matatapos na ito” sagot niya kay Gina na di siya nito tiningnan “Mabuti” sagot ni Gina. “Boss” tawag nung matanda sa kanya “Teka lang Gina ha” paalam niya at lumabas ito ng kwarto “Bakit manang?” tanong niya sa matanda “Inaasikaso na ng mga maids si..” pinigilan siyang wag sabihin ang pangalan ni Lisa ng boss niya. “Wag na wag mong banggitin ang pangalan na yan sa pamamahay na ito” utos niya sa matanda. “Sa condition nung babae parang pinahirapan nila ito at alam kong di ako doktor pero sa tingin ko ilang beses nila itong ginahasa” balita nung matanda sa kanya. Nag “Haaayyy..” lang ang boss niya at tumingin ito sa matanda “Gawin niyo ang lahat para maging maayos siya dito” utos nito sa matanda “Ikaw?” tanong nung matanda “Anong ako?” tanong niya “Kelan ka ba tayo magiging maayos?” tanong ng matanda sa kanya.

“Haayyy.. di ba pinag-usapan na natin ito? babalik nanaman ba tayo sa argumentong yun?” tanong niya sa matanda “Pasensya kana Rosa..” “Manang sa huling beses wag na wag niyo na akong tawagin sa pangalan na yan” na iinis na sabi nito sa matanda. “Pasensya kana.. huhu… di kasi ako sanay na tawagin kang boss..” naluluhang sabi ng matanda sa kanya. “Kung hindi kayo sanay, tawagin niyo nalang ako sa pangalan na binigay sa akin” sabi niya sa matanda sabay alis nito at bumaba ito sa hagdanan “Kung yan ang gusto mo… Amorosa” sabi ng matanda. Pumasok yung matanda sa kwarto ni Gina at nilapitan niya ito “Manang, nasaan na si Rosario?” tanong niya sa matanda na naluha nalang ito sa sitwasyon ni Gina “Nasa probinsya siya” sagot lang ng matanda sa kanya “Kelan ba kami uuwi? nangako kasi siya na uuwi na kami kay Rosario?” tanong niya sa matanda “Malapit na, malapit na tayong umuwi sa atin, Regina” sagot ng matanda sa kanya.

“Babae kamo ang pinuno ng mga dumukot sayo?” tanong ni papa sa akin “Opo pa, tingin ko yung bata ang hinahanap niya” sabi ko “Anong bata ba ang pinag-uusapan niyo?” takang tanong ni mama sa akin “Doon ka muna sa kusina Aida” sabi ni papa kay mama “Hoy, kayong mag-ama wag na wag niyo akong itatakwil, sabihin niyo nga sa akin ang totoo!” inis na sabi ni mama sa amin. “Aida please, hayaan mo muna kami ni Dave na mag-usap dito” sabi ni papa kay mama na tinaas ni mama ang isang paa niya at tinadyakan nito ang mesa na tumama ito sa kabilang upoan na nagulat kami pareho ni papa. “Kung di niyo sasabihin sa akin kung ano ang nalalaman niyo hinding-hindi na ako magluluto sa bahay na ito at kung magbalak kang magluto Rudy susunogin ko yang kusina!” galit na sabi ni mama sa amin.

Nagkatinginan kami ni papa at wala na kaming lusot dahil di talaga kami tinigilan ni mama “Haayyy… naku!” nalang ang sabi ni papa at tumayo ito at umakyat sa taas. “HOY RUDY! AKALA MO MAKAKATAKAS KA SA AKIN!” sigaw niya kay papa “DAVIDEO! PINALAMPAS KO ANG KALANDIAN MO AT DI KO NA SASABIHIN KAY CHELLO ANG GINAWA MONG KABASTOSAN PERO KUNG DI MO SASABIHIN SA AKIN ANG TUNGKOL SA BATANG SINASABI NIYO AKO NA MISMO ANG TATAWAG KAY CHELLO AT SABIHIN SA KANYA ANG TOTOO” banta ni mama sa akin. “ANO.. ANO SASABIHIN NIYO BA…” “TUMAHIMIK KA!” sigaw ni papa sa kanya na natahimik bigla si mama “Haayyy.. ito ang rason bakit ayaw ka namin isali sa ano mang sekreto namin” sabi ni papa sa kanya. “Para matahimik kana ito (inabot ni papa ang pulang folder kay mama) pero wag na wag mong ipagkakalat ang malalaman mo ngayon, alam ko ikaw Aida parang machine gun yang bibig mo” sabi ni papa kay mama.

“Ano ito?” tiningnan ni mama ang folder “Buksan mo ma, para malaman mo” sabi ko sa kanya na umupo ito sa single chair namin at binuksan niya ito. “Dyos ko!” sabi ni mama nung tiningnan niya ang mga litrato at binasa niya ang mga files sa loob nito. “Totoo ba ito?” tanong ni mama sa amin na napailing nalang kami ni papa “Akin na nga yan Aida” kinuha ni papa ang folder kay mama na parang tulalang nakatingin sa sahig si mama. “Ano ma? sasabihin mo pa ba kay Chello ang nagawa ko?” tanong ko sa kanya “Anak… di ko alam… hindi.. hinding-hindi ko sasabihin kay Chello” sabi nito sa akin na napangiti ako. Binalik sa taas ni papa ang folder at bumaba agad ito “So, nasaan na ang bata ngayon?” tanong niya sa amin “Si Dave lang ang nakakaalam nito at wag mo na siyang tanongin tungkol dyan” sabi ni papa kay mama. “Teka, alam din ni Dominic ito?” tanong ni mama sa amin “Opo ma” sagot ko “Ako ang nanay mo at di mo ako pinagkatiwalaan?” inis na tanong niya sa akin “Haayyy Aida, kakasabi ko lang kanina na parang machine gun yang bibig mo” paalala ni papa sa kanya na tiningnan niya ng masama si papa.

“Ang dapat nating pag-usapan ngayon anak, kung paano natin dedepensahan ang bata na di nila ito makita” sabi ni papa sa akin “Gaya na nang sinabi ko pa, hindi natin lalapitan ang bata at hayaan lang natin siya” sabi ko “Kung dinukot nila ako para lang takotin ako at magpanic para puntahan ko ang bata, hinding-hindi mangyayari yun” sabi ko sa kanya. “So wala lang tayong gagawin?” tanong ni mama sa akin “Tama!’ sagot ko na binatukan ako ni mama “Bakit?” tanong ko “Di pa kita pinatawad sa paglalandi mo” sabi nito at tumingin ito kay papa “Sino pa ba ang me alam nito?” tanong niya kay papa “Kaming tatlo lang, well kasama kana kaya apat lang tayo” sagot niya “Teka, paano nasali si Dominic dito?” tanong ni mama “Doctor si Dominic ma, siya yung naghandle dun kay..” di ko natuloy ang sinabi ko dahil tumunog ang phone ko “Si Chello” sabi ko kaya lumabas ako ng bahay para sagotin ito. “Tumahimik ka” sabi ni papa kay mama.

“Hi babe” sagot ko “Hi babe” sabi niya “Kumusta na kayo dyan?” tanong ko “Andito na kami sa villa kasama si ate Divina” “Kumusta si papa?” tanong ko “Di pa siya nagigising pero inoobserbahan pa siya ngayon” sagot niya “Ikaw kumusta kana?” tanong niya sa akin na hinipo ko ang ulo ko “Ok lang ako babe, andito parin ako kina papa” sagot ko sa kanya. “Kumusta ang mga bata?” tanong ko “Natutulog sa taas si Davideo at andito sa tabi ko si Jenny” “Hi daddy!” narinig ko ang bunso ko sa background “Sabihin mo hi baby” sabi ko kay Chello at sinabi niya ito. “Dyan muna kayo habang di pa nagigising si papa” sabi ko kay Chello “Isang linggo lang kami dito babe, since nasa mabuting condition na si papa baka sa saturday babalik na kami dyan” sabi niya sa akin “No! dyan muna kayo” sabi ko sa kanya dahil alam kong delikado pa kung babalik sila dito. “Bakit? babe, I notice something” sabi niya na kinakabahan ako.

“There’s nothing wrong, gusto ko lang mag stay muna kayo dyan” sabi ko sa kanya “We are coming home these saturday” sabi niya sa akin na di nalang ako nakipagtalo. “Sige, susundoin ko kay sa airport” sagot ko sa kanya “Nga pala babe, dala mo ba yung kotse dyan?” tanong niya “Hindi, si pinky ang dinala ko” sagot ko “Bakit? akala ko kasi yung charger ang dala mo?” takang tanong niya sa akin “Hindi, alam ko kasi yun ang unang titingnan nila kaya naisip ko si pinky nalang ang gamitin ko” sabi ko sa kanya “Nasaan ngayon ang charger?” tanong niya “Nasa mabuting kalagayan, i’m sure di nila mahahanap yun” sagot ko sa kanya “As long as walang nangyari dun” sabi nito “Anyway, na miss na kita” sabi ko sa kanya “I miss you too baby” sagot ni Chello sa akin. “Sana sumama nalang ako dyan para magkasama tayo ngayon” sabi ko sa kanya “Mmm.. oonga babe pero ok narin ito para ma miss natin ang isa’t-isa” sabi niya sa akin.

“Dave!” tinawag ako ni papa “Si papa ba yun?” tanong niya “Oo, tinawag ako” sabi ko “O sige babe, tawagan kita mamaya magpapahinga na ako” sabi niya at halata sa boses nito na pagod na pagod ito. “Mabuti pa, mag-ingat kayo dyan ha? kiss mo ako sa mga anak natin” sabi ko sa kanya “Sige, i love you!” “I love you too” sagot ko at binaba na niya ang telepono. “Bakit pa?” tanong ko nung pumasok ako sa bahay “Tingnan mo ang balita” sabi ni papa sa akin na kita namin sa tv ang sunog na kotse “Saan ba yan?” tanong ko “Di pa sinabi kung saan pero me nakita silang tao sa loob ng trunk” kwento ni papa sa akin. Tumunog ang phone ko at nung tiningnan ko ito si Alice tumawag na sinagot ko ito “Hello, wag muna ngayon” sabi ko sa kanya at binaba ko yung telepono “Sino yun anak?” tanong ni papa sa akin na nginitian ko lang siya “Haayyy Davideo” sabi nito sa akin at umalis ito.

Madilim na nung nagising ako at bumangon ako at lumabas ng kwarto, naririnig ko sa baba ang ingay ng tv kaya bumaba ako at nakita kong nanonood ng tv si Jenny kasama si tita Divina. “Tita, nasaan si mommy?” tanong ko sa kanya “Nasa taas natutulog, nagugutom ka na ba?” tanong niya sa akin “Medjo po” sagot ko “Punta ka sa kusina me niluto si manang Lita kanina” sabi nito “Sige po tita” sagot ko na kita kong nakahiga sa sofa si Jenny habang nanonood ng tv. Pagpunta ko ng kusina sakto ding pumasok si yaya Lita “Oh Dave, nagugutom ka ba” tanong nito sa akin “Opo yaya” sagot ko “Sige maupo ka dyan at ipaghahanda kita ng makakain” sabi niya na naupo ako sa silya at humihikab pa ako. Pumasok din sa loob si Edwardo na nakangiti itong tumingin sa akin “Eddie!” tawag ko sa kanya na sumaludo ito sa akin. “Buenas noches Lita (magandang gabi Lita)” bati niya kay yaya “Buenas noches Edwardo” bati din ni yaya “Cómo fue su tarde, Dave? (kumusta ang hapon mo, Dave?)”: tanong ni Edwardo sa akin na napatingin sa akin si yaya. “Ha sido genial (mabuti naman)” sagot ko na ngumiti lang si Edwardo.

Nagpaalam na ito at lumabas ng kusina “Ano yun?” tanong ni yaya sa akin “Wala yun yaya” sagot ko sa kanya pero alam ko na ang ibig sabihin ni Edwardo, siguro nakita niya kami ni Esmeralda kanina. “Hm.. heto kumain kana” hinainan ako ng pagkain ni yaya at kumain na ako “Ano kumusta na ang daddy mo?” tanong niya sa akin “Ok lang po” “Bakit di siya sumama dito?” tanong niya “Daming aasikasohin kaya pinaiwan siya ni mommy” sagot ko. “Hoy! ikaw ha!” sabi nito sa akin na napatigil ako sa pagkain “Bakit yaya?” takang tanong ko sa kanya “Anong bakit.. alam ko ang pinag-usapan niyo ni Edwardo kanina” sabi nito sa akin na muntik na akong mabulonan. “A..alam niyo po?” takang tanong ko sa kanya “Hay naku Davideo, alam ko kung ano meron kayo ni Esmeralda” sabi nito sa akin na tumayo ito at me ginawa sa lababo.

“Maliit pa kayo nakikita ko na kayong naghahalikan sa kubo” sabi nito sa akin na nabitawan ko ang kutsarang hawak ko. “Ano yun?” tanong ni yaya sa akin “Ah.. wala yaya nabitawan ko lang” sabi ko sa kanya “Naku bata ka.. sa susunod siguradohin mo lang na me dala kang proteksyon” sabi nito sa akin na nilagay sa harap ko ang hiniwa nitong prutas at umupo ito sa kabilang side ng mesa. “Wala naman kaming ginawang masama ah?” sabi ko sa kanya “Wala daw! naku bata ka mag-ingat ka lang pag ikaw nahuli ng mommy mo patay ka dun, alam mo naman ang ugali nun” babala niya sa akin na napangiti lang ako. “Salamat yaya” sabi ko sa kanya “Hmp! bata-bata mo pa pumapasok kana sa ganyang relasyon, ano yung naririnig ko na me girlfriend kana sa pilipinas?” tanong nito sa akin “Wala na po, naghiwalay na kami” sabi ko sa kanya “Dyos ko, i’m sorry” sabi niya sa akin na nginitian ko siya “Ok lang yun yaya” sagot ko sa kanya “Sige, kumain ka ng maayos dyan” sabi nito sa akin at binantayan lang akong kumakain.

Pagkatapos kong kumain lumabas muna ako at tumambay ako sa gilid ng bahay at naupo sa swing “Buenos noches, Dave” bati ni Esmeralda sa akin “Buenos noches, Esme” bati ko din sa kanya at umupo ito sa kabilang swing. Tahimik lang kaming dalawang nagsuswing at maya-maya ay tumigil siya at napatingin ito sa langit “Hay un montón de estrellas esta noche (ang daming bituin ngayong gabi)” sabi niya sa akin na napatingin din ako sa itaas “Yeah” sagot ko sa kanya. “No ves muchos se inicia en la ciudad, Dave? (nakakakita ka ba ng ganitong karaming bituin sa city, Dave?)” tanong niya sa akin “No” sagot ko. “Lo que ha sucedido anteriormente (yung nangyari kanina)” pasimula ko na humarap siya sa akin at nilagay ang daliri nito sa bibig ko “Sshhhh.. don’t say it” sabi nito sa akin na ngumiti ito sa akin at hinalikan ako sa labi. “Te amo, Dave don’t worry about it” sabi niya sa akin.

Anim na taon palang ako nung una kong nakilala si Esmeralda, magkasing edad lang kami at siya lang ang nagiging kaibigan ko dito. Paminsan-minsan nalang kasi kami pumupunta dito simula nung naupo si mommy bilang presidente ng kompanya at kung makapunta man kami dito dalawa o tatlong linggo lang kami dito at babalik na agad kami sa pilipinas. “I really miss you, Dave” sabi ni Esme sa akin na nginitian ko siya at hinawakan ko ang kamay niya “I miss you too, Esme” “Come with me” sabi nito sa akin na hinila ako nito papunta sa malaking puno kung saan kami tumatambay noon nung maliliit pa kami. Naupo kami sa malaking trunk at nagkukwentohan at minsan nakatingin sa langit “You know.. I always sit here thinking about you” kwento niya sa akin “Really?” tanong ko “Yes” sabay suntok nito sa braso ko “Ouch! why?” tanong ko sa kanya “They say you have a girlfriend already” sabi nito na kita kong nakasimangot ito “Not anymore” sagot ko sa kanya.

“Wait. what happened this afternoon..” tinakpan niya uli ang bibig ko at hinalikan ako sa labi “Lo hice porque te amo, Dave (ginawa ko yun dahil mahal kita, Dave)” sabi niya sa akin na tumingin ito sa kalawakan. “Oh Esme..” sabi ko nalang sa kanya at inakbayan siya na hiniga nito ang ulo sa braso ko. “No sé cuánto tiempo vamos a permanecer aquí, pero ya que estoy aquí voy a pasar mis días aquí con ustedes (di ko alam kung hanggang kelan kami dito pero ibibigay ko sayo ang panahon ko habang nandidito ako)” sabi ko sa kanya na hinawakan nito ang mukha ko at siniil ako ng halik. Maganda si Esmeralda, maganda din ang katawan kita mo kanina parang nauulol ako nung makita ko ang hubad niyang katawan. Me naririnig ako galing kay yaya na me nanliligaw sa kanyang anak mayaman pero di niya daw ito sinagot at ako daw talaga yung hinihintay niyang bumalik dito. Kaya siguro kanina nung makita niya ako di ito nakapagpigil at ang halik lang dati ngayon ay nakapag all-the-way na kami. “Te amo Esme” sabi ko sa kanya na tumingin ito sa akin at hinalikan ako at sabing “Te amo, mi amor Davideo” sabay ngiti nito sa akin.

Meanwhile:
“Si..sino kayo?” tanong ni Lisa sa mga maid na nagdala ng pagkain sa kanya “Wag kang mag-alala iha, ligtas ka dito” sabi nung matanda sa kanya. Nanginginig sa takot si Lisa dahil di niya kilala ang mga taong pumasok sa kwarto niya “Kumusta manang?” tanong ni Diego sa matanda “Napaligoan na siya ng mga katulong, nabihisan narin siya” sagot ng matanda “Ano ba ang ginawa sa kanya bakit parang tako na tako ang batang ito?” tanong ng matanda kay Diego “Wag niyo na pong alamin” sabi ni Diego sa kanya at pumasok ito sa kwarto. “Lisa” tawag ni Diego sa kanya na bigla itong tumayo at tumakbo sa gilid ng kwarto “Wag…wag po..huhu..” naiyak itong natatakot kay Diego “Wag kang mag-aalala Lisa ligtas ka dito” sabi ni Diego sa kanya “Diego” tawag ng matanda sa kanya na nilingon niya ito “Ako na ang bahala sa kanya, lumabas ka nalang muna” sabi ng matanda sa kanya “Sige po manang” sabi nito at lumabas ito ng kwarto.

“Halika iha, umupo ka dito” yaya nung matanda kay Lisa na umupo ito sa kama “Wag kang mag-alala umalis na siya at masisiguro ko sayong walang makakagalaw sayo dito habang nandito ako” sabi nung matanda kay Lisa na dahan-dahan na itong tumayo at tumabi sa kanya. “Kumain ka para bumalik na yung lakas mo” sabi ng matanda sa kanya na nanginginig parin si Lisa nung inabot nito ang kutsara at nagsubo ito ng pagkain. “Na..nasaan po ako?” tanong niya sa matanda “Nasa mansion ka ng amo ko” sagot ng matanda sa kanya na napansin nitong nakatayo sa labas ang amo niya “Kumain ka ha? at wag kang matakot nandito lang ako” sabi nung matanda kay Lisa at lumabas ito at sinara ang pinto “Bakit?” tanong niya kay Amorosa “Kumusta na siya?” tanong nito “Ayun, nanginginig sa takot, grabe siguro ang ginawa nung mga taong yun sa kanya” sagot ng matanda sa kanya.

“Sige, alagaan mo siya ng mabuti at ikaw na ang bahala sa kanya” sabi ni Amorosa sa kanya “Teka” sabi nung matanda “Bakit?” tanong niya “Nalaman mo ba kung nasaan ang bata?” tanong niya na tumalikod si Amorosa at di siya nito sinagot “Amorosa!” tinawag siya nito na tumigil siya at nilingon ang matanda “Kung ano man ang binabalak mo, wag mo nang ituloy, alang-alang lang kay Rosario” sabi niya kay Amorosa “Wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan, manang” sabi niya sa mantanda. “Bakit? hindi mo ba iniisip ang sinabi niya sayo noon?” tanong nito kay Amorosa “Wag… please lang manang wag…” nagpipigil ito sa galit nung lumapit sa kanya ang matanda “Kung me galit ka sa ama wag mong isali ang bata” sabi ng matanda kay Amorosa na tinaas nito ang kamay niya para samapalin ang matanda pero di niya ito tinuloy “…. wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan, ano man ang sinabi o binilin ni Rosario sa akin noon wala kana dun, at kung sa susunod na uulitin mo ito hinding-hindi na kita tatratohing tao!” banta ni Amorosa sa kanya na walang nagawa ang matanda kundi lumuha lang.

“Kahit man lang..” “Tumahimik ka!” sabi ni Amorosa sa kanya “Gawin mo nalang ang sinasabi ko sayo, hindi ko kailangan ang opinyon mo” sabi ni Amorosa sa kanya “Ah boss, pasensya na po” sabi ni Diego sa likuran niya “Ano yun Diego?” tanong niya “Nakahanda na po ang lahat” sabi nito “Ano ang.. hinanda mo?” tanong ng matanda kay Diego “Gawin mo nalang ang inuutos ko sayo” sabi ni Amorosa sa kanya at umalis na sila ni Diego. “Boss, ok lang ho ba kayo?” tanong ni Diego sa amo niya na di siya nito sinagot. Pagdating nila sa kabilang bahay nakita ni Amorosa’ng nakatali ang dalawa sa upoan at me piring ito sa mata. “Erwin.. ano ang ginawa mo kay Lisa?” tanong niya kay Erwin “Bo..boss..i..ikaw ba yan?” natatakot na tanong nito “Ako ito” sagot ni Amorosa “Boss.. maawa na po kayo.. ginagawa ko lang naman ang inuutos niyo” rason ni Erwin “Talaga? alam kong sinabi ko sayo na wala na akong pakialam sa babae pero.. hayop ka!” sabay sampal nito sa mukha ni Erwin na hinawakan agad ni Diego sa balikat si Erwin para di ito makagalaw.

“Boss..huhu.. boss sorry po!” sabi ni Erwin na tahimik lang si Pablo “Di ba bilin ko sayo na wag kang papalpak” sabi ni Amorosa sa kanya na sinampal uli niya si Erwin sa mukha. “Boss… di naman.. di na po boss.” pagmamakaawa ni Erwin sa kanya. Inutosan ni Amorosa si Diego na tanggalin ang piring ni Erwin at inaayos nito ang mata niya para mabagay ang paningin niya sa paligid “Boss…” tawag ni Erwin kay Amorosa na nakatakip ng tela ang mukha nito. “Nakikita mo ba ang katabi mo” sabi nito kay Erwin na nilingon ni Erwin si Pablo at kita nitong nakaupo itong dugoan ang mukha at nakapiring ang mga mata. “Dyos ko! bo.. boss.. please.. maawa na po kayo” sabi ni Erwin sa amo niya na inayos ni Amorosa ang gloves niya. “Pasalamat ka Erwin at nasa good mood ako ngayon” sabi ni Amorosa sa kanya na tumayo ito sa tabi ni Pablo “Haa..huhu.. salamat po boss.. salamat po” sabi ni Erwin sa kanya na bigla nalang bumunot ng baril si Amorosa at binaril sa ulo si Pablo na tumalsik ang dugo nito kay Erwin “HAAAAAA… HAAAAAA… HAAAAAAA…. ” napasigaw si Erwin sa takot.

Pinalo siya ng baril ni Diego at natahimik ito dahil nawalan ito ng malay “Boss. tutuloyan ko na ba?” tanong ni Diego sa kanya “Wag… kailanganin pa natin siya” sabi nito “Bakit pa boss? pwede naman nating gawin ang lahat ah?” tanong nito sa amo niya. “Me plano ako para sa kanya” sininyasan nito si Sonny na lumapit ito sa kanya “Siguradohin mong di makakataks ang gagong ito” utos niya kay Sonny “Makakasiguro po kayo boss” sagot nito. “Sige, kayo na ang bahala dito” sabi ni Amorosa sa kanya at lumabas na ito ng bahay kasunod si Diego. “Bakit pinapatagal pa natin ito?” tanong niya kay Amorosa “Nandito na si Gina, tapos yung nadukot natin si Dave di ka man lang gumawa ng hakbang para alamin kung nasaan ang bata..” “Sabihin mo sa akin kung ano ang punto mo Diego?” tanong nito sa tao niya “Nasa atin na ang lahat, bakit di mo pa tinuloy?” tanong niya kay Amorosa “Bakit? dahil me feelings ka parin ba sa kanya?” tanong nito na napatigil si Amorosa at sinampal si Diego “Wala kang karapatan para sabihin sa akin yun, Diego!” sabi nito sa tauhan niya at mabilis itong naglakad papasok sa mansion.

Umakyat ito sa taas at pumasok sa kwarto niya at ni lock niya ang pinto “Hindi niyo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang taong yun” sabi niya sa sarili niya na binato niya ng vase ang salamin niya at nabasag ito. Umupo siya sa harap ng basag na salamin at me kinuha ito sa drawer niya, isang litrato ng tatlong taong nagtatawanan at nag eenjoy “Bakit.. huhu.. bakit mo inako ang lahat.. Rosario…. bakit?” naiiyak na tanong nito. “Kung nakinig ka lang sana sa akin noon siguro buhay ka pa ngayon.. kasama ko.. hinding-hindi ko mapapatawad ang taong yun habang ako ay nabubuhay” sabi nito. Binuksan niya ang isa pang drawer at kinuha niya ang baril na ginamit ni Gina noon nung nabaril niya si Rosario “Huhu.. ang baril na ito ang sisingil sa buhay ng taong mahal mo.. Rosario… patawarin mo ako kung di ko matutupad ang pangako ko sayo noon” sabi nito na kinasa nito ang baril at tinutok ito sa basag na salamin.

Tumunog ang phone ko at kita kong mag-aalas dyes na ng gabi kaya tiningnan ko ito kung sino ang nagtext at nakita ko ang pangalan ni Alice “Oh shit..” nalang ang nasabi ko at inignor ko ito. Tumunog uli ang phone ko at kita kong nagsend uli ito ng text message sa akin kaya binuksan ko nalang ito at binasa “Na miss na kita..” sabi nito sa text at dinelete ko ito at nilagay sa gilid ng unan ang phone ko. Nagsend uli siya ng text “Iniignore mo ba ako?” tanong nito na di ko ito sinagot at binalik ko ang phone sa gilid ng unan ko ng biglang sunod-sunod na itong tumunog na nung binasa ko ang una message niya “Bakit mo ako iniignore? ikaw ha nakantot mo lang ako ayaw mo na… sagotin mo ako Davideo!” sabi nito sa mga text messages niya kaya nagsend nalang ako ng reply “Di kita inignore nakatulog lang ako, pasensya na” sagot ko sa message niya at sinend ko ito.

Maya-maya nagmessage uli ito “Sinungaling” sabi niya na nagsend ako ng reply sa kanya “Natulog na talaga ako kaya ngayon lang ako nagreply” sabi ko na mabilis itong nag send ng reply sa akin “Sinungaling.. kanina pa kaya kita tinitingnan” sabi nito na nagulat ako sa reply niya at nagsend uli ito ng message “Ulol… tumingin ka sa bintana” sabi nito na nagulat ako dahil nasa labas pala ito ng bintana ko. “Ano ang ginagawa mo dito?” mahinang sabi ko sa kanya nung binuksan ko ang bintana at pumasok ito sa loob “Eh.. na bobored ako sa bahay eh umalis kasi si Rachel” sabi nito sa akin “Baka mahuli ka ni papa, teka paano ka nakapasok sa gate?” tanong ko sa kanya “Naalala mo yung inakyatan natin noon nung late ka nakauwi?” tanong niya “Oo, shit dumaan ka dun?” gulat na tanong ko sa kanya na ngumiti lang ito. “Dave… laro tayo!” sabi nito sa akin na hinihimas na nito ang dibdib ko “Ano ka ba, di pwede andyan lang sa kabilang kwarto ang parents ko” sabi ko sa kanya.

“Dave!” tawag ni mama sa akin na napatigil kaming dalawa “Ah.. po?!” sagot ko “Buksan mo ang pinto, kunin mo itong nilabhan kong damit mo” sabi ni mama sa akin “Ah.. te..teka lang ma” sagot ko sa kanya na pinapasok ko sa loob ng aparador ko si Alice. Nung masiguro kong ok na binuksan ko ang pintoan “Bakit ang tagal mong magbukas ng pinto?” tanong ni mama sa akin “Nakatulog na ako eh” rason ko nalang sa kanya “Ito pala yung damit mo, bakit bukas ang bintana mo?” tanong ni mama sa akin “Ah..mainit kasi” rason ko “Mainit? malamig ang simoy ng hangin ah’ takang sabi ni mama sa akin “Ah nasanay lang kasi ako sa condo ma na naka aircon kami” sabi ko nalang sa kanya “Tsk! buhay mayaman talaga” sabi ni mama na naglakad na ito palabas ng kwarto ko kaya nakahinga ako ng maluwang ng biglang tumigil ito at tumingin sa aparador ko “Bakit ma?” tanong ko na bigla itong naglakad papunta sa aparador ko at inabot nito ang knob “Patay!” sabi ko nalang sa sarili ko.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories