Uncategorized  

Carnal: Book 2 – Chapter 13: Father And Son

anino
Carnal: Book 2

Written by anino

 

“Boss” tawag ni Diego sa amo niya na tiningnan lang siya nito “Bumalik po yung mga tao natin” balita ni Diego sa kanya “Me inutos ba akong bumalik sila dito?” tanong nito kay Diego “Wala po boss pero inusig po sila ng mga tambay doon sa lugar kaya sila umalis” sabi niya. “Hmm… ano me magandang balita man lang ba silang maibigay sa akin?” tanong niya kay Diego na naggugupit ito ng tuyong dahon sa rose garden niya. “Wala po boss” sagot ni Diego “Hmmm…” dinig ni Diego galing sa amo niya na nakuha niya ang inuutos nito “Masusunod po boss” sabi ni Diego sa kanya at umalis na ito. Pinatawag ni Diego ang tatlong taong pinadala niya para magbantay sa lugar nina Dave at dinala niya ito sa liblib na lugar kung saan pinagbabaril niya ito sa ulo “Iligpit niyo na yan” utos niya sa mga tauhan niya “Sige po boss” sagot nung isa at ginawa na nila ang inutos ni Diego sa kanila.

Pagbalik ni Diego sa mansion binalita niya sa amo niya na nagawa na niya ang inuutos nito “That’s good” sagot ng amo niya “Ano po ang susunod nating hakbang?” tanong ni Diego na me tinuro ang amo niya sa mesa. Kinuha ni Diego ang pulang folder at tiningnan niya ito at nagulat siya nung makita niya ang laman nito “A..ano ito boss?” tanong niya na tumigil sa paggugupit ang amo niya at humarap ito sa kanya. “Alam mo bang me ganyang kopya din sila, Diego” sabi nito sa kanya “Sino po boss?” takang tanong niya “Si Dave” sagot ng amo niya na bumalik ito sa ginagawa niya. “Imposible po yun boss, matapos ang insidente noon sinunog ko na ang lahat ng files na ito kasama na yung nag-uugnay niyo…” di niya ito natuloy nung tinaas ng amo niya ang kamay niya para tumigil siya. “Kung ganun, paano sila nakakuha ng kopya kung sinunog mo nga lahat?” mahinahon na tanong ng amo niya na kinakabahan na si Diego.

“Titingnan ko po boss kung paano sila nakakuha ng kopya” sagot ni Diego sa kanya “Good” sagot ng amo niya na nilagay uli ni Diego ang folder sa mesa at naglakad na ito ng biglang tinawag siya uli ng amo niya “Yes boss?” tanong niya. “Siguradohin mo lang na hindi ka papalpak” sabi nito kay Diego na pinapawisan na ang huli “Hi.. hindi po boss.. sisiguradohin ko po ngayon” pangako niya sa amo niya at umalis na ito. Lumabas si Gina at umupo ito sa silya at tiningnan ang folder sa mesa “Nagugutom ka na ba?” tanong niya kay Gina “Hindi pa, ano ito?” tanong ni Gina sa folder sa mesa “Wala yan” sabi nito na hinubad ang gloves at kinuha ang folder sa mesa. “Bakit, me litrato ko?” tanong ni Gina na nginitian siya nito at sabing “Wala nga ito, isang parte ng kahapon na dapat ng mawala” sagot niya kay Gina at hinulog niya ito sa sinunog niyang tuyong dahon at pareho nilang tiningnan itong nasusunog. “Kahapon na di na nila kailangan pang makita” sabi nung amo na niyakap siya ni Gina.

“DAVIDEO! TUMIGIL KA SA KAKATAKBO AT HUMARAP KA SA AKIN!” pagsisigaw ni mama nung hinabol ako nito ng walis, nalaman kasi niya na di ako umuwi kagabi at ngayon pinaghahampas niya ako at paikot-ikot kami ngayon kay pinky. “MA! tumigil kana!” sabi ko sa kanya na hindi parin ako tinigilan kahit na umuubo na ito “AIDA TAMA NA YAN!” sigaw ni papa sa kanya na di parin ito tumigil “Walang hiyang bata ka! matapos ang nangyari sa pamilya mo nakuha mo pang humindot ng ibang babae! DI KITA PINALAKI PARA SUNDIN MO ANG UGALI NG LOLO MO DAVIDEO!” sigaw sa akin ni mama. “Alam ko yun ma, kung ano man ang mangyari kasalanan ko na yun ako na ang haharap nun” rason ko sa kanya na di ako pinakinggan hanggang sa pinigilan na siya ni papa at kita kong naluluha na si mama.

“Damuho kang bata ka! pinagbabaril na nga kayo at ang mga apo ko tapos ito pa ang gagawin mo habang nasa ibang bansa ang pamilya mo? WAG KANG TUMULAD SA LOLO MO, PANGALAN NIYA LANG ANG DALA MO HINDI ANG PAGKATAO NIYA!” galit na sabi ni mama sa akin na napayuko nalang ang ulo ko at nahiya sa nagawa ko. “Tama na yan Aida, pumasok kana sa loob, sige na!” “Rudy!” “Sige na, pinapawisan kana oh, tsk! sige na pumasok kana sa loob at magpalit ka ng damit, ako na ang bahala sa kanya” sabi ni papa sa kanya na tumigil si mama at binato nito ang walis tingting sa gilid ng bakod at pumasok ito sa bahay. “Dave” tawag sa akin ni papa na pinasa sa akin ang susi ng jeep niya at siya na ang nagbukas ng gate at nilabas ko na yung jeep niya at matapos isara sumakay na siya at umalis kami.

“Alam mo na kung saan tayo pupunta” sabi ni papa sa akin na tumango lang ako at tahimik lang kaming dalawa nung nasa daan na kami patungo sa distinasyon namin. Dumaan muna kami ng tindahan at si papa na ang bumaba habang naghihintay lang ako sa jeep niya, pagbalik nito umalis na kami at niliko ko ang jeep niya at dumiretso na kami sa patutungohan namin. Linggo din noon ng umaga nung huling dumalaw kami sa puntod ni lolo David at sa ganito ding pangyayari na pinagalitan ako ni mama dahil dun sa insidenteng muntik na akong mapatay kaya dinala ako ni papa dito. Nilinis namin ang puntod ni lolo dahil napupuno na ito ng basura at damo, naupo ako sa me lapida niya habang si papa naman ay naupo sa kabila na kaharap namin ito. Di nagsalita si papa habang nakatingin lang ito sa pangalan ni lolo “Pa…” umpisa ko “Sorry po..” dagdag ko na niyuko ko ang ulo ko “Haayyy..” lang ang sinagot ni papa sa akin.

Natahimik kaming dalawa kasi alam ko na alam na niya na me nangyari sa amin kagabi ni Alice “…. naalala ko noon, sa tuwing dinadala ka ng lolo mo para mamasyal kayo kinakabahan na ako” kwento ni papa sa akin. “Ewan ko ba, me tiwala ako sa papa ko pero di parin mawala sa isip ko na baka me masamang mangyari sa inyo” dagdag nito na pinatong niya ang isang kamay niya sa balikat ko at sabi “Masamang damo kasi ang lolo mo, Dave” nakangiting sabi ni papa sa akin na napangiti narin ako. “Mahal na mahal ko ang lolo mo, kahit na ilang beses…. (napatigil si papa at kita kong naluha narin ito)…. ilang beses na namin siyang hinatid sa ospital dahil sa katigasan niya ng ulo na wag nang uminom ayaw parin tumigil…. pero… mahal na mahal ko parin yun” naiiyak na sabi ni papa sa akin. “Pa…” tawag ko sa kanya “Anak… please naman oh…huhu… wag… wag kang sumunod sa yapak ng lolo mo…” pagmamakaawa ni papa sa akin na naluha narin ako.

“Namatay si papa na wala ako sa tabi niya… nung… gabing… nakita kitang dugoan at wala ng malay.. akala ko… mawawala kana rin sa akin anak… na… wala man lang ako.. sa huling sandali mo…” naluluhang sabi ni papa sa akin. “Pa…” naluluha narin ako sa sinabi niya “Ayaw kong… ayaw kong…. unahan mo ako anak… dapat… dapat ang anak ang maglibing sa magulang niya.. tradisyon yun di ba?… hindi.. hindi ang ama ang maglilibing sa anak niya…” nilabas na ni papa ang matagal na niyang dinadala. Hinawakan niya ako sa ulo at hinawakan niya ako sa buhok “Kaya… wag na wag kang gagawa ng bagay na alam mong… ikapahamak mo ha?” sabi nito sa akin na naluha akong yumakap sa kanya sa harap ng puntod ni lolo Davideo. “Sorry pa…” naiiyak kong sabi sa kanya na hinimas niya ang likod ko at tumingin siya sa lapida ni lolo “Pa… ito na yung apo mo, nagmana talaga sayo ito, matigas din ang ulo, pumapasok sa gulo…. ” sabi ni papa.

Nagpahid na kami ng luha namin at natahimik ng sandali “… pasensya kana pa kung.. matigas minsan ang ulo ko” sabi ko sa kanya “Minsan?” biro nito na natawa kami pareho “Kaya ka nga palaging pinapagalitan ng mama mo” nakangiting sabi ni papa sa akin. “Pero anak, kahit man lang sandali isipin mo naman kami… di ba pamilya tayo?” tanong nito sa akin na napatingin ako sa kanya “Oo naman pa!” sagot ko sa kanya. “Ayaw ko man isipin pero wag kang sumunod sa yapak ng lolo mo ha?” paalala nito sa akin “Opo pa” sagot ko na tumingin si papa sa lapida ni lolo “Nawala ang lolo mo habang malayo ako sa kanya, pinadala ako sa probinsya nung na assign ako sa isang kaso” kwento ni papa. “Ano ang kaso nun pa?” tanong ko sa kanya “Ah yun yung isang pamilya na pinasok ng mga magnanakaw at napatay ang mga magulang ng mga bata” “Dyos ko, kawawa naman sila” nasabi ko “Pero ligtas ang mga bata, ewan ko lang kung nasaan na sila ngayon” sabi sa akin ni papa. “Sana nasa mabuti silang kalagayan ngayon” sabi ko “Sana nga anak” sagot niya.

Tumambay kami sa puntod ni lolo na kinukwento ni papa ang mga kalokohan na ginagawa ni lolo Dave noon, “Kaya nga naging doctor ang tito Samuel mo dahil sa tuwing nalalasing yang lolo mo maraming sugat yan pag-uwi ng bahay” kwento ni papa na natawa ako. “Ikaw pa? kaya kaba nag pulis dahil kay lolo?” tanong ko “Hindi, naging pulis ako dahil yun talaga ang gusto ko, nagpasalamat nga ang lola mo dahil ako yung taga dala ni papa sa kulongan paglasing na lasing na ito at nagwawala sa kalye” natatawang kwento ni papa. “Pero… (kita kong napangiti itong nakatingin sa lapida ni lolo) kahit ganun siya di parin niya kinalimutan ang pagiging ama’t asawa niya” sabi ni papa na tumingin ito sa akin kaya nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya. Nilagay ko ang isang kamay ko sa lapida ni lolo “Patawarin niyo po ako lo, yung pinag-usapan natin noon na kinalimutan ko… patwarin niyo po ako” sabi ko na umakbay sa akin si papa.

“Naalala mo nung nagising ka at sabi mo ang ibinilin ng lolo mo sa akin?” tanong ni papa na biglang naalala ko ito at napayuko nalang ang ulo ko “Opo, pamilya” sabi ko na hinimas ni papa ang ulo ko kaya napatingin ako sa kanya “Pamilya ang dapat mauna, anak” sabi niya sabay turo nito sa akin “Wag na wag mong kakalimutan yan” dagdag niya “Opo pa” sagot ko sa kanya “Mabuti” sabi niya. “…ano… me nangyari ba talaga?” tanong ni papa sa akin na napangiti lang ako at kita kong napailing lang ito “Pa… alam ko po ang ginagawa ko” sabi ko sa kanya “Alam ko anak, me tiwala naman ako sayo” sabi nito “Pero.. mali parin anak eh” dagdag niya na di ako sumagot dahil tama naman siya. “Ayaw kong konsintihin ka sa nagawa mo pero.. sana, yun na ang huli” payo niya sa akin “O.. opo pa..” sagot ko sa kanya. “Pinigilan ko na nga lang si Dominic kagabi dahil alam kong magsasalita yun nung nagpaalam kayo” sabi niya “Pansin ko po” sagot ko.

Inakbayan uli ako ni papa nung tumayo na kami “Ano anak?” tanong ni papa “Anong, ano po pa?” takang tanong ko sa kanya “Katulad pa nung inexpect mo noon ang nangyari sa inyo kagabi?” pilyong tanong ni papa sa akin na natawa nalang ako. “Nakuha mo pang itanong sa akin yan pa sa harap pa ng puntod ni lolo?” natatawang sabi ko sa kanya “I’m sure ganun din ang itatanong ng lolo mo kung nabubuhay pa yun” natatawang sabi ni papa sa akin. Napangiti ako at tumingin sa lapida ni lolo “Opo… ganun na ganun po” sagot ko kay papa na ngumiti ito at nag thumb’s up sa akin “Pero di ko gusto ang ginawa mo ha” sabay bawi nito na sinuntok ako ng mahina sa balikat “Opo, sir” sagot ko sa kanya. Nag-alay kami ng dasal sa puntod ni lolo at hinintay naming maubos ang isang kandila bago kami umalis para umuwi ng bahay.

Pagdating namin ng bahay di ako kinausap ni mama kahit na nagmano na ako sa kanya di parin ako kinausap nito “Rudy, handa na yung pagkain dyan kumain kana, pati yang isa dyan” sabi nito kay papa at umalis ito ng bahay. “Haayy.. hayaan mo nalang muna ang mama mo” sabi ni papa sa akin, kumain na kami ni papa ng biglang dumating si Dominic “Kuya!” tawag nito sa akin “Oh, Dom! halika kain tayo” yaya ko sa kanya. “Hindi busog pa ako” sabi nito na nagmano ito kay papa “Napadaan ka?” tanong ni papa sa kanya “Ito palang gamot kuya” inabot sa akin ni Dom “Ano ito?” tanong ko “Bagong gamot yan na inapprove ng DFA para sa hita mo yan” sabi nito sa akin “Talaga?” “Oo, rebuld ng muscles mo yan kaya inumin mo yan twice a day” sabi ni Dominic sa akin “Salamat Dom!” sabi ko sa kanya “Wala yun, sige mauuna na ako” paalam nito “Di ka magtatagal?” tanong ni papa sa kanya “Hindi na, kailangan ako sa ospital” sabi nito at matapos magpaalam umalis na ito. “Mabuti yang kapatid mo iniisip ka” sabi ni papa sa akin “Oonga po eh” sabi ko at tiningnan ko ynug gamot na binigay ni Dominic sa akin.

Matapos kaming kumain ako na ang naghugas ng pinggan pagkatapos nun nagpaalam ako ni papa na aakyat na ako sa kwarto ko dahil inaantok pa ako na tumango naman ito kaya umakyat na ako sa taas. Nakita ko na uli ang dati kong kama at nahiga at papikit na yung mga mata ko nung tiningnan ko ang phone ko baka kasi nagmessage o tumawag si Chello sa akin at maya-maya lang ay nakatulog na ako. Maya-maya tumunog yung phone ko at antok na antok ko pa itong sinagot “..hello…” “Babe..” sabi nito sa linya kaya nagising ako “Babe… nakarating na kayo ng Barcelona?” tanong ko sa kanya “Oo, dumiresto kami dito sa ospital galing airport” sagot ni Chello “Kumusta na si papa?” tanong ko sa kanya “Stable na yung condition niya, under obsevation na siya ngayon” “Ang mga bata kumusta?” tanong ko “Nasa villa dinala ni ate Divina, pinasama ko nalang kay ate para malapagpahinga narin ng maayos” sagot nito. “Sumama ka nalang sana sa kanila para makapagpahinga ka ng maayos” sabi ko “No, i’m fine. Worried lang ako kay papa kaya dito muna ako” sagot nito.

“Babe, remember me mga doktor at nurses dyan na mag-aalaga kay papa baka ma over fatigue ka” paalala ko sa kanya “I’m ok babe I really am” sagot niya “I’m worried about you, kaya as much as you can magpahinga ka ok?” payo ko sa kanya “I will, pagbalik ni ate dito uuwi ako ng villa” sabi niya “Sige, tawagan mo nalang ako mamaya” sabi ko sa kanya “Alright, ikaw kumusta kana dyan?” tanong niya “Maayos naman ang pagdating ko dito kagabi, pinaalis ng barangay ang mga taong nakaabang sa me tulay kagabi” kwento ko sa kanya “Talaga?!” “Oo, nakatulog narin ako ng maayos habang naghihintay ng tawag mo” sabi ko sa kanya “That’s good, so ano ang plano mo today?” tanong niya sa akin “Pahinga muna ako sandali then gagawa ako ng statement para bukas sa work at tatawagan ko na din ang principal nila Dave at Jenny para makapagexcuse sila ng isang linggo sa classes nila” sabi ko sa kanya “That’s good, just update me ok baby?” “I will, get some rest” sabi ko sa kanya dahil pagod ang boses niya. “I will, take care! I love you!” “You too babe, I love you too” sagot ko na binaba na niya ang telepono at napaisip tuloy ako sa nagawa namin kagabi ni Alice. “Patawarin mo ako Chello” sabi ko sa isip ko.

Bumangon nalang ako at bumaba sa kusina para uminom ng tubig at pansin ko parang tahimik ata ang bahay, lumabas ako at kita kong wala ang jeep ni papa “Baka umalis siguro” sabi ko kaya bumalik ako sa taas para tawagan si papa. “Pa, nasaan ka?” tanong ko sa kanya “Nasa mall kami ngayon kasama ko mama mo” sagot nito “Ganun ba?” “Oo, bakit anak me kailangan ka?” tanong nito sa akin “Ah wala po, tumawag na pala si Chello kanina, nasa Barcelona na sila ngayon” kwento ko “Kumusta na si pare?” tanong niya “Mabuti-buti na po, under observation palang ngayon, yung mga bata nasa villa na ni papa nagpapahinga” kwento ko “Si Chello, kumusta na siya?” tanong nito “Stress, binabantayan niya ngayon si papa Miguel pero uuwi narin yun ng villa pagdating ni ate Divina sa ospital” kwento ko. “Mabuti naman kung ganun, ah pinapasabi pala ng mama mo na kung nagugutom ka me iniwan siyang pagkain sa mesa” sabi niya “Sabihin niyo po salamat” “Alam mo naman ang mama mo kahit galit di tumitigil ang pagiging nanay nito” sabi ni papa “Ano yun Rudy?” narinig ko sa background si mama “Wala” sagot ni papa na natawa nalang ako. “Sige pa, salamat po” “Sige anak, uuwi narin kami pagkatapos dito” sabi niya at binaba na niya ang phone.

Narnig kong me nagdoorbell sa labas kaya sumilip ako sa bintana sa kwarto ko at nakita kong nakatayo sa labas si Alice, napaisip ako ng sandali kung bubuksan ko ba siya o hindi pero panay pindot nito ng doorbell kaya bumaba nalang ako at lumabas ng bahay. Nakangiti ito nung binuksan ko ang gate “Alice” tawag ko sa kanya “Hi Dave” bati nito “Napadalaw ka?” tanong ko sa kanya “Nagluto kasi ako kanina at naparami pala ang niluto ko kaya naisipan kong dalhan kita” sabi nito na kita kong me dala itong tupperware “Ah..salamat” sabi ko sabay abot ko sa tupperware. Pansin kong tumitingin ito sa loob “Di mo man lang ba ako papapasokin?” tanong nito na napatigil nalang ako at kita kong nakangiti lang ito sa akin “Ah.. si..sige tuloy ka” yaya ko sa kanya sa loob at natutuwa pa itong pumasok sa gate at sinara ko na ito. Na pagkasara ko ng gate agad itong yumakap sa akin na muntik ko ng mabitawan yung tupperware “Na miss kita” bulong nito sa tenga ko na kinakahaban ako bigla “Di mo ba ako na miss, Dave?” tanong nito sa akin na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

Pagdating namin sa Barcelona dumiresto agad kami sa ospital kung saan naka confine si lolo Miguel, umiiyak na si mama nung kinwento ni Edwardo driver ni lolo nung araw na inatake si lolo Miguel. “Please hurry” sabi ni mommy kay Edwardo “Si, senyorita” sagot ni Edwardo kay mommy. Pagdating namin sa ospital andun na si tita Divina at kita naming nasa stabel condition na si lolo Miguel “Ate!” tawag niya kay tita “Oh God, Cherry Lou” sabi ni tita Divina na nagyakapan sila at pati kami ni Jenny niyakap din niya pati na si tiya Claudia yumakap narin sa amin. “¡Oh, dios mío Cherry Lou cómo le va? (dyos ko, kumusta kana Cherry Lou)” tanong ni tiya Claudia kay mommy “Estoy bien tía Claudia (ok lang ako tiya Claudia)” sagot ni mommy “Gracias a Dios, qué hay acerca de usted los niño y niña te sientes bien? Si está hambriento? (salamat sa dyos, kayong mga bata ok lang ba kayo? nagugutom na ba kayo?” tanong ni tiya Claudia sa amin. “No, estamos ok tía claudia (hindi po, ok lang kami tiya Claudia)” sagot ko sa kanya na kita kong umupo ito sa tabi ni mommy at nagyakapan silang dalawa.

Kapatid ni lolo Miguel si tiya Claudia, spaniards ang mama nila habang filipino naman ang papa nila lolo. Tiya ang tawag namin sa kanya dahil ayaw niyang magpatawag sa amin ng abuela (lola) kasi feeling matanda na daw siya kung ganun ang itatawag namin sa kanya. OFW si lolo Anthony noon nung nakilala niya si lola Isabela, nung una ayaw ng mga magulang ni lola Isabela si lolo dahil nagtatrabaho lang ito sa vineyard nila bilang taga harvest ng mga grapes pero nung kalaunan pinakita ni lolo Anthony sa kanila ang kabutihan niya at pagmamahal niya kay lola Isabela at nabuntis narin niya ito kaya di na sila tumutol. Dalawa lang ang naging anak nila at yun sina lolo Miguel na panganay at si lola Claudia. Sila na ang namahala sa vineyard nung pumanaw ang mga magulang ni lola Isabela at itong si lolo Miguel na gustong makasalimuha ang filipino heritage niya bumyahe ng pilipinas at doon niya nakilala si lola Maritess. Anak din ng haciendero si lola Maritess at sa ugali ni lolo Andres na walang pinipiling tao basta mahal lang anak niya kaya sila nakasal at nagsimulang magtayo ng negosyo sa pilipinas at ngayon na ang negosyong dinadala ni mommy.

“Davideo, sumama na kayo sa tita Divina niyo at umuwi kayo sa villa” utos ni mommy sa amin “I want to stay with you, mommy” sabi ni Jenny “Ningún bebe, necesita el resto vaya usted con tía Divina (wag baby, sumama kana sa tita Divina mo para makapagpahinga ka)” sabi ni tiya Claudia sa kanya na kita kong napabugnot ito dahil gusto niyang magstay dito “Baby, don’t be hard headed” sabi ni mommy sa kanya na pumayag narin ito “Babalik ako mamaya ha, Chello” sabi ni tita Divina kay mommy “Alright ate” na nagpapahid ng luha si mommy. Niyakap namin si mommy at si tiya Claudia at umalis na kami, hinatid kami ni Edwardo sa villa ni lolo Miguel at sinalubong kami ng mga tauhan ni lolo “Davideo!” tawag sa akin ni Lita na isang filipinang tinulongan ni lolo Miguel dito sa Barcelona “Yaya Lita” tawag ko sa kanya at niyakap ako nito, siya yung naging yaya ko dito nung kakapanak palang sa akin ni mommy. “Dyos ko, ok lang ba kayo?” pag-aalala nito sa amin “Ok lang po kami yaya” sagot ko sa kanya. “Baby!” tawag niya kay Jenny “Yaya” yumakap din sa kanya si Jenny.

“Gusto niyo bang kumain?” tanong niya sa amin na dinala ni Edwardo ang isang bag na dala namin sa taas “Hali kayo sa kusina pinaghahanda ko na kayo ng makakain” yaya nito sa amin “Manang Lita, aakyat lang ako sa taas” paalam ni tita Divina sa kanya “Sige po, ma’am” sagot ni yaya Lita sa kanya at sumama na kami sa kanya sa kusina. As usual mariming hinanda si yaya sa amin ni Jenny, gutom lang siguro ako dahil marami akong nakain at parang inaantok narin ako pagkatapos. “Hinanda ko narin ang panligo niyo” sabi ni yaya sa amin ni Jenny “Salamat po, yaya Lita” pasalamat ni Jenny sa kanya “Walang anuman yun baby” natutuwang sabi ni yaya sa kanya. “Dave” tawag ni Edwardo sa akin “Si?” sagot ko “Alguien ha estado preguntando si vas a visitar este año o no (me nagtatanong kung bibisita kaba ngayong taon na to o hindi)” nakangiting sabi ni Edwardo sa akin na kita ko pati si yaya Lita napangiti din. “Sino po yaya?” tanong ko sa kanya na nakangiti lang ito habang sinusuboan ng pagkain si Jenny “Edwardo?” tanong ko na kinindatan lang ako at nagpaalam na itong lalabas lang ng sandali.

Pagkatapos naming kumain umakyat na kami sa taas at pinapaligoan na ni yaya Lita si Jenny habang ako naman sa kwarto ko “Sino kaya ang tinutukoy nila” tanong ko sa isip ko kaya kibit balikat nalang akong naghubad ng damit para maligo. Nakaboxer shorts lang ako nung marinig kong parang me tumatakbo sa labas ng hallway papunta sa kwarto ko at sa gulat ko nabitawan ko ang tuwalyang hawak ko nung bumukas bigla ang pintoan ng kwarto ko. Kita kong hingal na hingal itong nakatingin sa akin at tila kanina pa ito tumaktabo papunta dito “Davideo…” sabi niya na kita kong nanlaki ang mga mata nito at di ata pinansin na naka boxer shorts nalang ako “…..Es..Esmeralda…” tawag ko sa kanya na tumakbo ito palapit sa akin at biglang tumalon itong yumakap sa akin. Buti nalang nakabalanse ako kung hindi bumagsak kaming dalawa sa kama ko “……” di ako nakapagsalita pero narinig kong umiiyak ito “….gracias a dios, estás bien, estaba un poco preocupado acerca de usted (salamat sa dyos at ok ka, nag-aalala ako sayo)” sabi nito sa akin na napangiti nalang ako nung tiningnan niya “Oh Esme..” sabi ko sa kanya na bigla nalang akong tinulak at tumalkod ito sa akin.

“Oh, dios, esto es tan vergonzoso ¿por qué se está desnudo, idiota (dyos ko nakakahiya, bakit ka nakahubad, gago ka!)” sabi nito bigla sa akin na napadampot ako sa tuwalya ko at tinakpan ko ang katawan ko. “.. ikaw kaya tong biglang pumasok sa kwarto ko” tinagalog ko siya dahil alam kong nakakaintidi din ito ng tagalog kasi tinuroan ito ni yaya Lita “…eh… ” lang ang sinabi nito at lumabas ito ng kwarto kaya napakamot nalang ako sa ulo ko at biglang dumungaw sa pintoan si Edwardo “Dave, usted tiene un visitante (me bisita ka)” sabi nito sa akin na napangiti nalang ako sa kanya at natatawa narin ito. Pagkatapos kong maligo bumaba na ako sa sala at nakita ko si Esmeraldang naghihintay sa akin at nung makita ako tumayo ito at parang nahiya pa itong di makatingin sa akin “Di ko kasalanan yun” sabi ko sa kanya na kita kong nagblush ito “Davideo.. yung….” nahihirapan itong magtalog “Ok lang yun” sabi ko sa kanya na lumapit ako sa kanya na bigla uli ako nitong niyakap “I miss you” sabi nito sa akin na napayakap narin ako sa kanya “Di…mo ba ako… na.miss?” tanong niya na napatingin ako at ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

Meanwhile: “Erwin, tingnan mo sa taas kung ano na ang ginawa ni Boy dun kay Lisa” utos ni Pablo sa kanya “Hayaan mo nalang muna yung dalawa, matagal-tagal naring di nakatikim ng babae si Boy” sabi ni Erwin sa kanya. “Gago ka! di mo ba naaalala kung ano ang dahilan kaya nakulong ang taong yun?” paalala ni Pablo kay Erwin na nagmamadali itong tumayo at naglakad papunta sa taas. Pagbukas ng pinto ni Erwin nagulat nalang itong nakabulagta sa gilid ng kama si Boy at parang nawalan itong na malay “BOY!” sigaw ni Erwin at nagmamadali niya itong nilapitan at kita niya ang mukha ni LIsa na puno ito ng dugo. “Shit, hoy Boy..BOY ANONG NANGYARI” ginigising niya si Boy “PABLO! PABLO!” tawag niya sa kasamahan niya na nagmamdali itong umakyat sa taas at nagulat din ito nung makita ang sitwasyon sa kwarto. “ANONG NANGYARI?!” tanong nito kay Erwin “Di ko alam, tulongan mo ako” tinulongan nilang itayo si Boy at doon nakita nilang tumutulo ang dugo nito sa gitna ng hita nito. “Anong nangyari.. hoy gago!” pilit nilang ginising si Boy pero di na ito magising.

“Ano ang ginawa mo sa kanya? LISA! ANO ANG GINAWA MO SA KANYA!” galit na tanong ni Erwin kay Lisa na nakangiti lang ang babae at natatawa ito ng mahina “Shit man!” napamura si Pablo nung makita nito ang kalagayan ni Boy “Bakit? ano ang nangyari sayo?” tanong ni Erwin sa kanya “Putang ina… putol!” sabi ni Pablo na nanlaki ang mga mata ni Erwin nung makita ang titi ni Boy “Putang ina…” napamura din ito. “Ha..ha..ha… na…nararapat..lang..sa kanya yun..” mahinang sabi ni Lisa sa kanila “Ha…ha…ha..” natatawa si Lisa sa ginawa niya. “Dalhin nati sa ospital yan” sabi ni Erwin kay Pablo “Putang ina pare, patay na ito” sabi ni Pablo kay Erwin na nakita nila ang parte ng titi ni Boy na kinagat ni Lisa sa sahig. “GAGO KA KASI SABI KONG WAG MONG IWAN” galit na sabi ni Pablo kay Erwin “WAG KA NANG MARAMI PANG SATSAT TULONGAN MO NALANG AKONG LINISIN ITO” galit na sabi ni Erwin kay Pablo. Sasampalin sana ni Erwin si Lisa ng tiningnan siya nito ng masama at sabing “Sige… gawin mo yan…” pananakot ni Lisa sa kanya na di na tinuloy ni Erwin at tinulongan nalang niya si Pablo na ligipitin ang katawan ni Boy.

Samantala: “Boss, pinapatawag niyo daw po ako?” tanong ni Diego sa kanya “Oo, ihanda mo yung kotse aalis tayo” sabi nung amo niya “Sige po boss” sagot ni Diego at umalis na ito “Aalis ka?” tanong ni Gina sa kanya “Oo, sandali lang ako” nakangiting sabi nito kay Gina “Iiwan mo nanaman ako dito?” sabi ni Gina “Sandali lang naman ako, me dadalawin lang akong tao” sabi niya “Di ba ako pwedeng sumama sayo?” tanong ni Gina “Hindi sa ngayon, sa susunod isasama kita, promise!” pangako nito kay Gina na napangiti ang ito. Bumalik si Diego at pinaalam sa amo na nakahanda na ang sasakyan “Aalis na ako ha, Gina” paalam niya kay Gina “Sige, basta balik ka agad ha?” sabi niya “Oo” nakangiting sagot nito kay Gina at iniwan na niya ito sa kwarto niya at ni lock ang pinto. “Aalis ka nanaman ba?” tanong nung matandang katulong niya sa kanya “Oo, baka gagabihin ako kaya ikaw na ang bahala kay Gina” sabi niya sa matanda “Paano kung hahanapin ka niya?” tanong nung matanda “Tawagan mo ako para ako na ang kakausap sa kanya” sagot nito.

“Hanggang kelan mo ba ito gagawin? akala ko ba huli na yung nangyari noon?” sabi nung matanda sa kanya na nilingon niya ito “Hangga’t di ko pa nailibing sa hukay ang taong yun di ko sila titigilan” sagot niya sa matanda “Rosa…” “Manang” putol niya sa matanda na nilapitan niya ito at tiningnan sa mata “Wag na wag niyo na po akong tawagin sa pangalan kong yun” sabi niya sa matanda na napailing lang ito at sabing “Ikaw ang nakakaalam sa buhay mo, ikaw ang masusunod, sana man lang sa huling sandali pagbigyan mo ang hiling kong tumahimik na tayo” sabi nung matanda sa kanya. Tumalikod na ito at naglakad papunta sa hagdanan “Darating tayo dyan manang, kung nailibing ko na sa hukay si Dave, kasama ang batang yun” sabi niya sa matanda na napaluha nalang ang matanda habang nakatingin sa kanyang bumababa sa hagdanan. Pagdating niya sa labas “Boss” tawag sa kanya ni Diego “Luluwas tayo ng maynila Diego, dadalawin natin siya” sabi nito sa tauhan niya “Masusunod po boss” sagot ni Diego na sumakay ito sa harap ng kotse katabi ang driver. “Boss, ok lang ho ba kayo?” tanong ni Diego sa kanya na ngumiti lang ito “Tayo na” sabi ni Diego sa driver at umalis na sila.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
1
0
Would love your thoughts, please comment.x