Kabilang Mundo 7

Fiction-Factory
Kabilang Mundo

Written by Fiction-Factory

 

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Katorse)

Malabo….

Malabong-malabo ang nakikita ko, nahihirapan kong ibuka at imulat ang mga mata ko. nanlalambot ang buo kong katawan, ni hindi ko maiangat ang aking mga kamay.

“Gising na po siya ginoong navarro”

May naririnig akong boses, parang boses ng mga lalaking nag-uusap.

Naaaninag ko ang dalawang anyo ng tao, ngunit hindi pa maklaro sa isip ko ang mga hitsura nila.

“Maita….maita….anak!”

Teka, boses ni daddy ‘yon ah! Hindi ako pwedeng magkamali, boses nga ni daddy ang naririnig ko.

Pinipilit kong iminulat-mulat ang mga mata ko para luminaw ang aking paningin.

May apoy….

May naaaninag akong apoy.

Nagliliyab at mainit na dalawang tumpok ng apoy.

Pumikit ako at sa muling pagmulat ko ay nakita ko na ng malinaw ang mukha ni daddy, katabi ang isa pang lalaki.

Umiling ako ng bahagya, nakita ko rin ang tumpok ng nagliliyab na apoy sa tabi ko, at sa di kalayuan ay isa pang tumpok ng apoy.

Ano kaya ang mga apoy na ‘yon?

Kinilabutan naman ako ng husto nang

napagtanto ko na nakahiga ako sa dayami at nang mapansin ko ang suot ko, hindi ako pwedeng magkamali, natitiyak kong wedding gown ito ni mommy.

Ngunit bakit ko ito suot ngayon?

at bakit may mga kandila at mga rosas na nakapalibot sa akin?

“maita! maita! Nabuhay ka nga anak ko! Huk! huk! huk!”

hindi ko maintindihan ang sinasabi ni daddy, at hindi ko alam kung bakit siya umiiyak.

Teka! Nasaan ako?

Malamlam kong iginala ang paningin ko sa paligid, bakit ako nandito? alam ko ang lugar na ‘to. Ito ang ilog jordan, dahil dito namin sinunog ang bangkay ni mommy.

Pilit kong binubuhay ang ala-ala ko, pilit kong iniisip kung ano ba ang huli kong ginawa at kung bakit ako napadpad dito.

“aaahhhgg”

Biglang kumirot ang ulo ko, parang may naipit na ugat sa utak ko.

Inilusot ni daddy ang kamay niya sa likod ko tapos Iniangat niya ang balikat ko atsaka niya ako niyakap ng mahigpit.

Tuloy parin siya sa pag-iyak niya.

“maita anak ko! Muli ka ngang nabuhay! Isa itong himala! Huhuhu”

paulit-ulit niyang sinasambit.

Nasasakdal pa ang kanyang tinig.

Bigla nalang umikot ang paningin ko, bigla akong nahilo.

May kamay na lumusot sa ilalim ng mga hita ko, tapos naramdaman kong biglang umangat ang buo kong katawan, natitiyak kong binuhat ako ni daddy.

“Dalhin natin siya sa ospital!”

narinig ko sakanya.

Kalong-kalong ako ni daddy atsaka siya tumayo at itinakbo niya ako.

Muling kumikipot ang paningin ko, parang nayayanig ang buong paligid dahil sa kakatakbo ni daddy.

Kasunod namin ang hindi ko nakikilalang lalaki, tama, completely stranger siya dahil ngayon ko lang siya nakita.

Nakilala ko ang loob ng sasakyan ni daddy, inihiga niya ako sa backseat.

Sumakay agad sila sa harapan, si daddy sa driver seat at ang lalaki ay sa tabi niya.

Pagkaandar ng sasakyan, nawalan ako ng malay at ulirat.

(Kapitulo Kinse)

TICTAC TICTAC TICTAC

rumerehistso sa isipan ko ang tunog ng wallclock.

Pagmulat ko nakita ko si daddy na nakadukmo sa tagiliran ko.

Hawak niya ang kamay kong may nakatusok na karayom.

Ahh nakahiga ako ngayon dito sa ospital.

Ginalaw-galaw ko ang mga daliri ko para gisingin si daddy.

“huh??!x!”

nagulat ko pa ata siya at napaharap sa akin.

“o anak, gising ka na pala!”

Isang matamis na ngiti ang nakita ko sa mukha niya.

Parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, tila ba kay tagal-tagal ko na siyang hindi nakikita.

“Dad, gutom po ako…”

malamlam at mahinang sambit ko.

Tumayo si daddy at hinalikan niya ako sa noo, kasabay ng pagdampi ng palad niya sa pisngi ko.

“Anak, hintiyan mo’ko, bibilhin ko yung paborito mong pagkain”

masiglang sabi niya.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya palabas ng pinto.

Parang ibang tao siya, parang hindi ko siya kilala na para bang ngayon ko lamang siya nakita.

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid.

Bukod sa tipikal na kwarto ng ospital ay napansin ko rin ang suot ko,

alam ko kanina suot ko ang damit pang-kasal ni mommy.

Uh marahil pinalitan na ng ospital.

Pumikit ako at pilit kong inaalala ang mga lumipas na pangyayari.

Sa pagkakatanda ko, natutulog ako nang gabing ‘yon sa kwarto ko, oo tama! sa mismong kwarto ko, tapos…….. tapos nagising na ako sa ilog jordan?! at napadpad na ako dito sa ospital??x?!

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang bumukas ang pinto.

Si daddy! bitbit ang paborito kong Mr. Crab’s beef burger in spicy corned carne sauce.

Tinulungan akong umupo ni daddy, inalalayan niya ang balikat ko, inabot sa akin ang burger atsaka siya umupo sa tapat ko.

“ano po bang nangyari dad? ba’t nasa ilog jordan tayo kanina?”

tanong ko sabay kagat sa burger.

Naging siryoso ang kanyang aura, humugot ng malalim na hininga.

“pa’no ko ba ipapaliwanag anak. uhm..”

para siyang nagaalinlangan magsalita, parang bumubuo pa ng magagandang katagang kanyang sasabihin.

“diretsahin niyo nalang po ako dad. Bakit suot ko kanina ang wedding gown ni mommy”

napatingin siya sa akin na parang may pagkagulat.

“kase anak..uhm..”

muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga.

“kase anak, iki-cremate ko na sana ang bangkay mo kanina sa ilog jordan, tulad ng ginawa natin sa bangkay ng mommy mo…”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni daddy at napatigil pa ako sa pagnguya ng burger.

“oo anak. tama ang narinig mo! Susunugin ko na sana ang katawan mo dahil patay ka na”

patuloy niya.

“patay??x?!”

kinapa-kapa ko pa ang sarili ko.

“oo anak. Dalawang araw ka ng namatay ngunit kanina, muli kang nabuhay..”

paliwanag niya.

“dalawang araw?! ako po namatay at muling nabuhay?!”

kayhirap paniwalaan ang sinasabi ni daddy, paano pa mabubuhay ang isang taong dalawang araw ng patay?

“kung namatay na po ako dad, papa’no po ako muling nabuhay?!”

halos hindi ko na malunok ang kinakain ko.

“dahil sa isang binata, si Tony Preacher”

sagot niya.

Bigla kong naalala ang estrangherong lalaking kasama niya kanina.

“siya po ba yung kasama ninyong lalaki kanina?!”

“hindi! Ang kasama ko kanina ay si Jacob.

Sa kasamaang palad, namatay na si Tony Preacher. Kung napansin mo yung apoy sa tabi mo kanina, siya ‘yon! siya na nasunog ang katawan.”

sagot ni daddy.

Naalala ko nga ang tinutukoy niyang apoy, pero bakit naman kaya siya nasunog?

“ah talaga dad! Sayang naman at hindi man lang ako nakapagpasalamat sakanya”

malungkot kong banggit pero may binubuo paring pala-isipan sa isip ko.

“o siya sige anak, magpahinga ka nalang muna, ‘wag mo munang isipin yan, ang importante ngayon ay buhay ka at kasama kita”

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

“dad, salamat.”

ang tanging naisagot ko.

(Kapitulo Disin-Sais)

Dumadampi sa pisngi ko ang ray of light sa siwang ng kurtina na nagmumula sa sikat ng araw.

Umaga na pala.

Inunat-unat ko ang aking mga kamay, sa ngayon ay medyo malakas narin ako.

Bumangon ako sa aking higaan, tinungo ko ang bintana para muling masilayan ang kagandahan ng umaga.

Paghawi ko sa kurtina, laking gulat ko nang makita ko ang isang lalaki na nakakapit sa labas ng bintana.

Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang lalaking nakasama ni daddy kaninang madaling-araw, ang tinutukoy niyang si jacob.

Binuksan ko ang sliding window.

“ginoo, anong ginagawa mo d’yan? Pwede ka naman dumaan sa pinto”

sambit ko habang papasok siya sa loob, at nang makapasok na siya, inilabas ko ang ulo ko sa bintana, tinignan ko ang labas ng bintana, paano siya nakakapit dito gayong wala naman siyang kakapitan?

“wala ng oras maita, sumama ka sa akin!”

sambit niya sabay hawak sa wrist ko.

Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

“teka! teka! Ni hindi nga kita kilala tapos ganyan nalang kung hatakin mo’ko?”

sabi ko.

“ah. pasensya na. ako lamang ang tanging nakakaalam sa nangyari sa’yo, at sa mangyayari pa sa’yo sa hinaharap.”

pagpapakilala niya.

“ano bang pinagsasabi mo? ba’t mo ‘ko kilala, at ano bang tinutukoy mong nangyari at mangyayari pa sa akin?”

nagsimula na akong malito at maguluhan.

“tsaka ko na ikukwento sa’yo, ang importante ngayon makalayo ka dito, makalayo ka sa ama mo!”

muli niyang hinawakan ang kamay ko.

“ano ba?! bitawan mo nga ako! bakit ko naman iiwan si daddy?!”

hindi na ako makapalag dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

“kung mahal mo ang ama mo, hindi mo siya idadamay, iiwan mo siya at sasama ka sa akin, dahil kung hindi…”

Natigilan siya at nagpukol ng matalim na tingin sa akin.

“kung hindi ano??x!?”

“dahil kung hindi ka sasama sa akin, tuluyan ka ng magiging bampira at ikaw mismo ang papatay sa daddy mo”

Kinikilabutan ako sa pinagsasabi ng binatang ito.

Ako magiging bampira? Nahihibang na ata ang lalaking ito!

“baliw ka ba?! Paano kita paniniwalaan n’yan?! Myth lang ang bampira ah! At wala pang nakakapagpatunay kung nag-eexist ba talaga sila”

naiirita na ako sa kanya.

“uhm. alam mo ba kung anong kinamatay mo? ba’t ‘di mo haplosin sa leeg mo ang bakat ng pangil ng bampira”

pagsalat ko sa leeg ko, may sugat nga, may dalawang parang butas akong nakapa sa leeg ko.

Ba’t ‘di ko nga ba natanong kay daddy ang kinamatay ko?

Biglang may kumatok sa pintuan.

“maita, nandito na ako”

boses ni daddy ‘yon!

Ngunit bago pa man ako malingon sa pinto ay naramdaman kong umangat ang buo kong katawan.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na naka-kalong sa balikat ni jacob, at bago ko pa makitang bumukas ang pinto ay nakatalon na si jacob sa bintana.

“Dad! Dad! Dad!”

Paulit-ulit kong sigaw.

Masyadong mabilis ang pangyayari, ni hindi ko na nagawang magpumiglas pa, ngunit ang pinagtataka ko ay kung paano nakatalon ang lalaking ito mula sa ika-limang palapag ng ospital hanggang lupa ng hindi man lang natumba.

Ang bilis niyang tumakbo, sakto ko palang nakita si daddy na dumungaw sa bintana ngunit bigla agad siyang naglaho sa paningin ko.

Napansin ko pa ang isang matulin na black BMW Twin Turbo X100 na nilampasan lang namin.

Parang gusto ko na siyang paniwalaan dahil sa nasasaksihan kong pinapakita niyang di-pangkaraniwang pagtalon at pagtakbo.

“patawarin mo’ko. kailangan kong gawin ‘to”

sabi niya habang patuloy parin siya sa pagtakbo, parang hindi man lang siya nahihirapan sa pagbuhat sa akin.

Unti-unti niya na akong nakukumbinsi at hindi na ako makapaghintay sa susunod pa niyang sasabihin.

(Kapitulo Disin-Siyete)

Nilapag niya ako sa isang upuan.

Dinala niya ako sa isang gusali. Isang abandonado at lumang gusali na malayo sa kabiyasnan.

“Bakit mo ‘ko dinala dito?”

unang tanong ko habang hinahabol-habol ang hininga ko.

Parang ako pa ang napagod sa ginawa niyang pagbuhat sa akin.

“Hindi mo naiintidihan! Hinding-hindi! Dapat nung namatay ka, hindi mo na hinangad pa na muling mabuhay pa!”

Mukhang galit ang aura na ipinapakita niya sa akin.

“ano’ng ibig mong sabihin? Bakit, alam ko bang patay na ako? at alam ko bang mabubuhay ako? Ni hindi ko nga alam ang nangyari sa akin sa dalawang araw na patay ako”

Napapaluha na ako at nagsisitayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinasabi ko.

Hindi talaga ako makapaniwalang namatay ako ng dalawang araw at heto ako ngayon, buhay na buhay.

“Alam mo maita! Alam na alam mo! Hindi mo lang maalala, ngunit darating ang araw na maaalala mo rin, sana lang ay hindi pa huli ang lahat…”

Biglang huminahon ang tinig niya at tumayo siya sa tapat ng bintana, nakatingin sa kawalan.

Huminga ng malalim.

“ako si Jacob. Ang kauna-unahang nabubuhay na werewolf”

muli siyang nagsalita.

“werewolf??x?! huh!”

kay hirap paniwalaan ang sinasabi niya.

Kanina mga bampira ang binabanggit niya, ngayon naman werewolf?

Biglang may nilalang na apat ang paa ang unti-unting lumalabas sa may likod niya na nagmula sa kawalan.

Nakakatakot at nakakasindak!

Isang mabalahibo at higanteng nasa anyo aso na may apat na mata ang umupo sa tabi niya!

Parang napapaamo sakanya.

RROOOAAARR

Napaliyad ako sa kinauupuan ko sa tindi ng tinig nito. Ano bang klaseng nilalang ito, at saan siya nagmula?

“huwag kang matakot, hindi ka niya gagalawin. Siya si Saiyha, ang ikalawa sa pito kong wolf”

sabi niya.

“wolf?! ang nilalang na ‘yan ay wolf?! at ‘di lang siya nag-iisa?!”

punong-puno ako ng pagtataka.

“oo, bahagi siya ng pagiging werewolf ko. Siguro naman maniniwala ka na? o kailangan ko pang palabasin ang natitirang anim?”

“naku ‘wag na, ‘wag na! Naniniwala na ako!”

Sa takot ko na maglabas pa siya ng anim na gano’ng uri ng nilalang.

“hindi ko alam kung sino ka at kung saan ka nanggaling, pero mukhang totoo ang sinasabi mo kaya sige, sige, pagkakatiwalaan kita. Para narin sa ama ko.”

Paliwanag ko.

Panandaliang tumahimik ang paligid, umihip lang ang hangin at muli na akong nagtanong.

“bakit ako magiging bampira?”

Naging siryoso na ang tanong ko habang ang tinatawag niyang saiyha ay muling naglakad sa likod niya at naglaho sa kawalan, para siyang nabubura sa hangin.

“dahil sa dugo ni marcus……na bumuhay sa iyo!”

sagot niya.

“marcus?! Nabanggit ni daddy na ang nagngangalang Tony Preacher ang bumuhay sa akin”

sambit ko.

“hmm..akala ko rin no’ng una ay si tony nga ang bumuhay sa’yo, pero mali ako.”

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

“bago napatay ni marcus si tony ay nagawa niyang idampi ang sugatan niyang kamay sa bibig mo, ngunit mas nauna palang nakapag-patak ng dugo si marcus sa iyo, kaysa sakanya”

paliwanag niya.

“sino ba si marcus, at si tony? atsaka bakit sa akin nangyayari ito? Isa lang naman akong ordinaryong tao!”

naging sunod-sunod na ang pagtatanong ko.

Huminga ng malalim si jacob.

“si marcus ay isang paniking bampira na ginahasa ang isang babae, at ang naging bunga ay si tony, kung kaya’t siya ang kauna-unahang human vampire.”

“alam mo jacob, hindi talaga kita makuha. Sinasabi mo na si tony ang unang human vampire dahil anak siya ng isang bat vampire? Eh ikaw, pa’no ka naging unang werewolf na may pitong wolf?”

“dahil anak ako ni William, isang wolverine”

To be continued…

Fiction-Factory

Fiction-Factory
Latest posts by Fiction-Factory (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x