Kabilang Mundo 2

Fiction-Factory
Kabilang Mundo

Written by Fiction-Factory

 

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Kuatro)

“Bakit mo ako nakikita? May third eye ka ba? at bakit hindi ka natatakot sa’kin?”

panimulang tanong ko sa kanya.

Sumandal siya sa pader.

“una, masyado kang maganda para katakutan”

sagot niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

May kalagkitan pa ang mga mata niya.

“Maglaway ka!”

ang biglang naglaro sa isip ko.

“Pangalawa, wala namang taong may third eye, pero lahat ng tao may sixth sense..”

patuloy niya habang hinihithit ang sigarilyo niya.

“talaga? Kung lahat may sixth sense, eh bakit ikaw lang ang nakakakita sa’kin?”

mabilis kong tugon.

Nagkibit-balikat siya at mukhang enjoy na enjoy sa paninigarilyo.

“hindi naman talaga kita totaly nakikita, nabi-visualized ko lang ang figure mo dahil nga mas malakas ang sixth sense ko kesa sa ibang tao”

Nagpukol siya ng tingin sa akin kasabay ng paghawi niya ng kanyang buhok sa noo. Mahabang buhok para sa lalaki ngunit maikli kung para sa babae.

“hindi kita maintindihan…”

Kumunot ang magkabilang kilay ko.

“tignan mo yung taong ‘yon”

mula sa bintana ng banyo, tinuro niya ang isang lalaking naglalakad sa kalsada sa labas ng puneralya na tinignan namin pareho.

“hihinto yan sa paglalakad at iuunat niya ang dalawang kamay niya.”

patuloy niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang iniunat nga ng lalaki ang mga kamay niya.

Tumpak na tumpak ang hula niya.

“paano mong-”

hindi pa ako natatapos magsalita ay sumabat na siya.

“hindi ‘yon prediction, ganyan lang talaga umandar ang sixth sense ng tao, ang tinatawag nilang ‘sense of sensibility’.

Hindi ito ikatlong mata na kayang makita ang kabilang mundo.

Isa itong psyche na kayang tukuyin at mabasa ang emosyon ng isang tao,

tulad ng pagbasa ko sa emosyon ng lalaking ‘yon.

Nakikita kita ngayon hindi dahil sa nerves ng aking mga mata, kundi dahil sa sixth sense (psyche) ko na sumasalamin sa aking mga mata. Hindi ito science, ito’y isang versa ng Deja Vu”

Itinuon ko ang buong atensyon ko sa pakikinig sa sinasabi niya.

“mali ka kung inaakala mong sa puso nanggagaling ang emosyon ng tao, dahil ang emosyon ay may sariling anyo, at ‘yon ang tinatawag mong kaluluwa.”

dagdag pa niya.

ngayon ko lang nalaman ang bagay na ito, ibang-iba sa mga napapanood kong pelikula o nababasa sa libro.

“kaya mo ‘ko nakikita ngayon dahil nababasa mo ang emosyon ko?”

tanong ko.

“gano’n na nga! dahil ngayon, isa ka na lamang purong emosyon (kaluluwa)”

tinitignan ko ang sarili kong mga kamay, sinasalat-salat ang mga braso ko at pinipisil-pisil.

“eh ano ‘tong nakikita ko ngayon sa sarili ko? parang normal lang na katawan ang nasasalat ko at nahahawakan?

at bakit nakatapak parin ako sa lupa?”

huminga siya ng malalim.

“‘yan ay dahil malakas ang espiritu mo.

Kapag namatay ang isang tao, hihiwalay ang emosyon (kaluluawa) niya sa kanyang katawan, at maiiwan naman ang five senses niya sa kanyang puso pati ang pag-iisip niya sa kanyang utak, ngunit may mga tao na sadyang malalakas ang espiritu kung kaya’t nakakaya ng kaluluwa (emosyon) niyang dalhin lahat ito.

Tulad mo.”

paliwanag niya.

Naguguluhan parin ako.

Binubuo ko sa isip ko ang kanyang sinasabi ngunit kay hirap pagtugma-tugmain.

“Ano bang kinamatay mo?”

tanong niya habang dinidikdik ng paa niya ang upos ng kanyang sigarilyo.

“baka hindi ka maniwala……”

mahina kong sabi at muli kaming nagtinginan.

“kinagat ako ng bampira”

madiin ang pagkakasabi ko.

“huh?!x??”

Nanlaki ang mga mata niya at para siyang nabalisa.

“nasaan ang bangkay mo?”

Lumabas kami ng banyo.

Pinuntahan namin ang silid kung saan nakaratay ang bangkay ko.

Tinupi niya ang kumot hanggang dibdib ng nakahimlay kong katawan.

Sinalat-salat niya ang dalawang butas sa leeg ko.

“kagat nga ito ng bampira”

nasabi lang niya at muling ibinalik ang kumot at tinakpan niyang muli ang ulo ng bangkay ko.

“kailan ka pa namatay?”

naging siryoso ang pagtatanong niya.

“kagabi lang. Sa pagkakatanda ko, mga alas-dose na ng hating-gabi ‘yon.”

sagot ko.

Tumingin siya sa wrist watch niya na pumalo ng alas-kwatro y medya ng hapon.

“tamang-tama, may oras ka pa…”

sabi niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

Pagtataka ko.

“dahil sa loob ng sitenta’y singko oras (tatlong araw) kapag hindi ka pa nakabalik sa katawan mo, hihiwalay na ang espiritu mo sa iyong kaluluwa, at tuluyan ka ng maglalaho sa mundong ito.”

paliwanag niya.

Bigla akong natakot sa sinabi niya.

“hihiwalay ang espiritu ko sa kaluluwa ko?”

Nagtataka ako dahil sa pagkakaalam ko ay pareho lang ang espiritu at kaluluwa.

“oo, kung ang dugo ang nagbibigay buhay sa tao, ang espiritu naman ang nagbibigay buhay sa kaluluwa. Kung mapapansin mo, nakakahawak ka ng mga bagay na walang buhay, nakakaapak at nagkakalakad ka parin sa lupa, ngunit kapag humiwalay na ang espiritu sa kaluluwa mo, hindi mo na magagawa ang mga bagay na ito”

sabi niya.

Bigla kong naalala ang mga nagawa ko kanina, tama nga siya, nakakahawak nga ako ng mga bagay na walang buhay at nakayapak parin ako sa lupa.

“at tatagos na rin ako sa pader kapag nangyari ‘yon”

pagpapatuloy ko sa sinabi niya.

“oo, tama…tatagos na ang anumang bagay sa ‘yo, may buhay man o wala at lulutang kana rin sa ere”

Nag-aalala ako ng husto, hindi ko alam ang iisipin ko.

“pero ‘wag kang mag-alala, kaya kitang ibalik sa katawan mo”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Winakasan niya ang mga alalahanin ko.

“ngunit kailangan natin ang liwanag ng buwan.”

patuloy niya.

“teka, teka! paano mo gagawin ‘yon?”

pagaalangan ko.

“sa pamamagitan ng dugo ko na isasalin ko sa bangkay mo”

sagot niya.

“dugo mo? bakit, ano bang meron sa dugo mo? atsaka narinig kong sinabi ng doktor imposible ng salinan ng dugo ang katawan ko.”

wika ko.

“uhmp! Science ang gamit ng doktor, at marami pang bagay ang hindi kayang gawin ng siyensya. Wala kang ibang magagawa ngayon kundi pagkatiwalaan ako. Ako lang ang nakakausap mo, kung ayaw mong maniwala sa akin, nasa sa ‘yo na yan.”

May punto siya sa sinabi niya, kailangan ko ang tulong niya dahil siya lang ang nakakakita sa akin.

Gayunpaman, nais ko paring malaman kung sino talaga siya.

“teka, paano mo naman nalaman ang mga bagay na ito?”

muli kong tanong.

“Dahil naranasan ko na rin ang kalagayan mo ngayon. Namatay na ako dati pero heto ako ngayon, muling nabuhay”

sabi niya habang naglalakad na palabas ng silid.

“mamayang alas sais ng takip-silim, ilalabas ko ang bangkay mo dito. Maghanda ka at bantayan mong mabuti ang bangkay mo”

“teka, huling tanong nalang. Anong pangalan mo at bakit mo ako tinutulungan?”

“uhmm. Kaya kita tinutulungan dahil gusto kong mapatay ang bampirang iyon. ako si Tony Preacher”

(Kapitulo Singko)

Alas sais impunto na ngunit wala parin si Tony, kinakabahan ako ng husto sa twing maririnig ko ang tiktak ng wall clock.

Tutal wala na ang araw, lumabas ako ng puneralya para tignan ang sitwasyon doon.

Isang maaliwalas na gabi, nakasindi ang mga ilaw sa kalsada.

Buhay na buhay ang gabi.

Namimiss ko ang mga bagay na ginagawa ko noon lalo na sa ganitong oras at sa ganitong lugar.

Namimiss ko na ang nobyo kong si Ron.

Bakit hindi man lang niya dinalaw ang bangkay ko?

Marahil hindi pa niya alam ang pagkamatay ko, siguradong masasaktan ‘yon kapag nalaman niya.

Nagdurusa ako ng husto para sa mga taong sa isang iglap lang ay iniwan ko.

Sa pagmumuni-muni ko, napansin ko ang isang babae na naglalakad sa kabilang kalsada.

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang mapatapat siya sa ilaw.

Nawala bigla ang ulo niya! Parang pugot-ulo na naglalakad.

Wala siyang ulo habang naglalakad.

Kinilabutan ako ng husto sa masamang pangitaing ito, senyales ito ng nalalapit na niyang kamatayan.

Mabilis akong tumawid ng kalsada para bantaan siya, iniilagan ko pa ang mga matutulin na sasakyan, ngunit nang makalapit na ako sa kanya bigla kong naalala na kaluluwa lang pala ako.

Biglang tumakbo at tumawid ng kalsada ang dalagang babae,

“teka miss! Hhaaaahh” sigaw ko kahit pa alam kong hindi naman niya ako naririnig.

Nakita ko kasi ang paparating na motorsiklo, matulin at wala pang head light.

Umiwas pa ako ng tingin ng biglang sumalpok ang motorsiklo sa katawan ng babae.

Tumalsik ang babae sa gitna ng kalsada, habang ang lalaking rider ay nagpagulong-gulong kasama ng motorsiklo niya, ang layo ng inabot niya dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya.

Lumapit ako sa babae na nakahilatay sa daan. Dumadanak ang dugo niya sa simento. Nagsitigil ang ibang sasakyan at nagsipulong ang mga taong nakasaksi.

May tumawag agad ng ambulansiya ngunit walang gustong gumalaw o humawak sa dalawang nakahandusay na biktima.

Mula sa kinatatayuan ko nakita ko ang lalaking nakahandusay sa tabi ng motor niya.

Lalapitan ko sana siya ngunit bigla siyang tumayo, hindi ang katawan niya kundi ang kaluluwa niya.

Hubo’t-hubad din siya tulad ko, ngunit nakatulala lang siya.

Pagtayo niya, bigla siyang tumalanga sa langit.

Parang may tinitignan siya.

Pagtingin ko sa langit, biglang kumapal ang maitim na ulap.

Parang uulan ng malakas na malakas, ngunit hindi, wala namang bumabagsak na ulan. Nasundan ng kulog at malalakas na kidlat.

Napansin ko nalang ang unti-unting paglihis ng mga ulap, parang bumuka ang langit na may dalang ray-of-light.

Hinarang ko ang kamay ko sa mga mata ko nang bigla akong masilaw sa liwanag na nagmumula sa langit.

Lumiwanag ang buong paligid na parang sikat ng araw.

Nadaig nito ang kadiliman ng gabi.

Biglang umihip ang malakas na hangin na nagpapaatras pa sa akin.

Ngunit ang mga tao dito ay parang walang kamuwang-muwang at parang walang nakikita sa nangyayari sa kabilang mundo.

“tignan mo ang kagandahan ng kamatayan”

Nagulat ako sa tinig na nagmula sa likod ko, paglingon ko, si Tony, nakatingin siya sa liwanag na parang hindi man lang nasisilaw.

Sabagay, nakaapak siya sa dalawang magkaibang mundo.

Nang mawala na ang liwanag, nakita ko ang isang nilalang na pababa sa langit, may mahahaba at malalapad siyang pakpak.

“Anghel ba siya?”

Tanong ko kay Tony.

“oo. Isang mapanganib na lalaking anghel. Tara dito!”

sagot niya at nagtago kami sa isang malaking puno, isang malapad at malaking puno ng akasya.

“bakit tayo nagtatago?”

Tanong ko kay tony.

“hmp! Wala ka sa mundo ng tao! Nasa mundo ka ng mga supernatural being.

Hindi nakikita ng anghel na yan ang mga tao. Ang tanging nakikita lang niya ay mga maligno, enkanto, diablo at lahat ng uri ng supernatural na nilalang! Lalu na ang mga kaluluwang tulad mo. Baka kunin niya ang espiritu mo!”

natakot ako bigla sa sagot niya.

Ngunit iba ang pagkakakilala ko sa mga anghel.

Sumilip ako dahil gusto kong masaksihan ang mangyayari.

Paglapag ng Anghel sa lupa, tumiklop ang mga pakpak niya sa likod niya.

Ang gaganda ng mga pakpak niya, nagniningning sa kaputian, at ang suot niya’y parang full metal armor na katulad ng mga baluting kalasag sa panahon ng ancient war.

Nakakatakot siya, para siyang higante, sa tingin ko nasa 9 feet siya o pataas.

Lumapit siya sa kaluluwa ng lalaki, ipinasok niya ang kamay niya sa dibdib ng kaluluwa, sa may parteng puso niya.

At nang hugutin niya ito, may kinuha siyang parang bola ng liwanag.

Kulay pula ang liwanag nito.

“‘yun ang ‘spirit of life'”

sabi ni tony, napatingin ako sa kanya, nagtataka ako dahil hindi naman siya nanonood pero parang alam niya ang nangyayari do’n.

“ganyan din ang mangyayari sa’yo pagkalipas ng tatlong araw. Bababa ulit si Gabriel para kunin na ang espiritu mo, at kapag hindi ka pa nagtago, baka kunin ka na niya ngayon”

patuloy niya.

Nakakapangilabot ang sinasabi niya.

Muli akong sumilip para tignan pa ang mga nangyayari, laking gulat ko nang makita ko ang Anghel na nakatayo sa harap ko.

Napatingin ako sa mukha niya.

Ang mga mata niya’y nakatingin sa akin.

Parang mga mata ng tigre, matatalim at nakakatakot, at ‘yon lamang ang tanging meron siya sa mukha niya.

Wala siyang ilong at wala din siyang bibig, tanging mga mata lang at ang balat niya ay kulay pilak, kakulay ng baluti niya, makinang at makinis.

“Gusto mo na bang sumama?”

Dumadagundong ang tinig na narinig ko.

Narinig ko mula sa Anghel.

Pino at buong-buo.

Paano siya nagsalita gayong wala naman siyang bibig.

Takot na takot ako na baka dukutin niya ang kaluluwa ko.

“kinakausap ka niya gamit ang emosyon”

Biglang nagsalita si tony mula sa likod ko.

Nakita ko ang mga eyeballs ng anghel na gumalaw at nagpukol ng tingin kay tony.

“kumusta ka Tony Preacher?”

Tanong ng anghel.

“kanina ayos pero ngayon hind- aaahhhrrrggg”

Nakita ko si tony na parang namimilipit sa sakit at halos hindi na makapagsalita.

“anong nangyayari sa’yo tony?”

pagaalala ko pero tuloy lang siya sa pangingisay.

Muli kong tinignan ang anghel.

“hindi. Hindi ako sasama sa’yo”

Mariin kong pagbigkas.

Hinihintay ko ang susunod na gagawin ng Anghel ngunit wala na akong narinig pa sa kanya.

Umatras lang siya at biglang bumuka ang mga pakpak niya.

Muli nanamang nagliwanag ang langit at muli ko nanamang tinakpan ang aking mga mata.

Humampas ang matinding hangin sa tindi ng paspas ng mga pakpak niya.

“teka! Ba’t naramdaman ko ang hangin?”

Sa isip ko.

Lumipad siya na parang agila papunta sa liwanag at ilang saglit lang ay nawala agad ang liwanag, parang hinigop lang nito ang Anghel.

“tony! tony! Ayos ka lang ba?”

Tanong ko kay tony ng makita kong kumakalma na siya.

“aahh…ayos na ‘ko maita. Ayoko talaga kay Gabriel”

sabi niya sa akin.

“manood ka, may darating pa na mas nakakasindak!”

patuloy niya habang inuunat ang kasu-kasuhan.

“kung si Gabriel ang sumundo sa ‘spirit of life’, siya naman ang kukuha sa ‘soul of death’.”

To be continued…

Fiction-Factory

Fiction-Factory
Latest posts by Fiction-Factory (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x