Written by Coryn
As it turns out, mukhang hindi ko muna itutuloy iyong continuation ng Inlove with the Curves sa kadahilanang kailangan kong magpractice sa pagsusulat ng istorya sa wikang tagalog. Kaya eto na muna bagong storya, at ano pa ba mas magandang setting sa isang istoryang tagalog kundi sa isang munting baryo sa probinsiya.
Kay tagal ko na din hindi umuuwi sa probinsya, may tatlo o apat na taon na din siguro. Pilit ko inaalala sino sino pa ba mga kakilala ko sa aming baryo, aking mga kababata, mga kapitbahay, maalala pa kaya nila ako? makikilala ko pa kaya sila? Ano ano na kaya mga pinagbago doon? Ibinaling ko na ang aking mga nasa isip nang makita ko ang landmark na arko papasok saming baryo, pumara na ako sa mini bus na aking sinasakyan at at ako’y maingat na bumaba. Unang dampi palang ng hangin sakin alam ko na agad na wala masyadong pinag iba sa munting baryong kinalakihan ko noong akoy bata palang. Presko padin, at dala dala nito ang maaliwalas at malamig na simoy galing sa kalapit na mga sapa. Ako nga pala si Bong, palayaw ko dito sa aking lugar na pinang galingan, just your average guy, katatapos ko lang sa aking kurso sa unibersidad at naisipan ko munang magpahinga sa amin bago umpisahang mag review para sa board exams. Napangiti ako nang makita ko ang aking mga kamag anak na palabas na ng arko para salubungin ako, inumpisahan ko na ding maglakad papunta samin.
Maaga nag-uumpisa ang mga aktibidad sa probinsiya, kaya may halo akong inis nang ako’y magising ng madaling araw sa mga tilaok ng mga manok ng uncle ko. Bumangon ako at tinignan ang oras sa aking celphone at mag a alas singko palang pala ng umaga. Hindi nadin ako makakatulog neto kaya naisip ko nalang mag jogging. Nagsuot na akong jersey shorts at pumunta sa lababo para maghilamos. Medyo madilim pa nang ako’y lumabas, gising nadin sina auntie at uncle at nagkakape na sila. Nagpaalam muna akong mag jojogging lang saglit at titignan ko kung ano na mga nagbago saming baryo. Inumpisahan ko na mag jog, wala padin nga talaga nagbago maliban sa mga estado ng mga bahay, malapit samin, may mga lumuma, meron din namang na renovate na. Sa di kalayuan napansin ko ang malaking bahay na wala naman dati doon, pinaalala ko saking sarili na tanungin sina auntie kung kanino iyon pag-uwi. Maya maya pa ay may nakita akong palabas sa malaking bahay. Hindi ko lubos akalaing mapapatigil ako sa aking pag jojogging upang pagmasdan ang dilag na ngayon ay palabas na sa kanilang gate. Naka pang jogging attire din to, kumpleto’s rekados, running shoes, boxer bra, leggings, mahabang buhok na medyo wavy, may pag ka singkit ang mga mata, pero bukod sa lahat ng to, mas lalo ako nabighani sa kanyang katawan, thicc na thicc kumbaga. Nasa tamang lugar lahat ng kurbada sa katawan niya. Hindi ko namalayang tumitilaok na din pala ang aking alaga at saka lang ako naalis sa pagkakatigil nang kinausap niya ako saglit. “Manong(Kuya) Manong, yang alaga niyo po, mukhang manunuklaw na” ika ng magandang dilag habang nakangiti bago niya sinimulang mag jogging palayo. Namula ako bigla, at sinundan siya ng tingin, nag init ang aking mukha sa hiya, pero mas nangibabaw ang pagnanais na malaman ang kanyang pangalan. Di nag tagal ay nakauwi na rin ako, dali daliang nag shower pagkatapos magpunas ng pawis. Determinadong alamin kung sino iyong magandang dalaga na iyon kaninang madaling araw.
“Auntie, kanino po ba iyong malaking bahay sa tabi nina uncle Rod, wala pa po iyon noong huli akong andito ah” aking bungad na tanong habang paumpisa na kaming mag umagahan nina auntie, nauna na natapos ang aking uncle at maaga umalis upang magpastol. “Ahhhh, nadaanan mo pala iyong bahay na iyon, hindi ko rin sila masyado pa nakikilala pero ang may ari diyan ay isang seaman na patay na ang asawa, may nag iisa silang anak na babae, paminsan minsan din umuuwi dito tulad mo, nag aaral pa ata, magkalapit lang kayo siguro ng edad, nakita mo siya ano? naku naku ikaw, chix iyon” palokong sagot ni auntie sakin. “Alam niyo po ba pangalan niya ta?” pasunong kong tanong, “ay hindi nak eh, parang high class masyado kasi, d maabot, or baka nahihiya lang din sila makipagkilala ta bago lang din pa sila” pagkasabi neto ay saka na din nagligpit si auntie ng mga pinag kainan. Naisip kong pumunta saking mga pinsan muna para mawala saking isip ang babaeng nakita ko kaninang madaling araw.
“Hoy Bong, kamusta ka na? tagal mong hindi umuwi ah?” bungad na pangangamusta sakin ng aking malapit na pinsan na si Yaya, “umuwi ka din pala, sawang sawa ka na ba sa manila?” Napakamot akong ulo, okay nga lang ba ako? napatawa na lang ako at sabay sabing okay lang naman ako, pero halata na nasa ibang lugar ang isip ko. Nagkwentuhan pa kami ni Yaya at hindi katagalan, binanggit ko na nga ang nasa isip ko. Tinanong ko sa kanya kung sino iyong babaeng nakatira sa malaking bahay sa tabi nina Uncle Rod. “Yiiiiie” mapang asar na banat ni Yaya sakin pagkatapos marinig ang aking tanong. “Nakita mo na pala si Bea, ganda niya no? nakakatibo, grabe, naku insan, mukhang inlab na inlab ka agad ah, ganda ng katawan niya no? hindi mo masasabing mataba sa sobrang sexy” Napangiti nalang ako sa mga sinabi ni Yaya kasi ganun na ganun nga ang aking sasambiting pag lalarawan kay Bea. “Mabait naman siya Bong, hindi siya snob, kahit nga mga manyakis na mga tambay kina aleng Bebang, nginingitian niya kapag napapadaan, pero hindi niya pinapansin mga patotsada ng mga to” nakangiting sambit ni Yaya. “Baka nga kapag nagkasalubong kayo, siya pa mauunang mag hi sayo” dagdag neto. Oo nga, hindi siya nag alinlangang kausapin ako kanina kahit nang gagalaiti sa galit si Junjun kaninang madaling araw. Dinala ako ni Yaya sa iba naming mga pinsan at hindi ko na namalayang gabi na pala, nagpaalam na ako para umuwi kina Yaya. Habang naglalakad ako pauwi, naalala ko noong bata ako, may secret hideout ako sa sapa, medyo may kalayuan pero napaka tahimik dto, hindi rin natatakpan ng mga puno mga pampang neto kaya kapag kabilogan ng buwan, napakaliwanag sa paligid. Ganun padin kaya doon sa taguan ko ngayon? Nagtext ako kay auntie na huwag na ako antayin at marahil, gagabihin na talaga ako paguwi. Binulsa ko na ang akin celphone at tinahak ang daan papunta saking munting sanktuwaryo noong ako’y bata pa.
11 pm na ng gabi, medyo malapit na ako sa lugar na ilang beses ko nang pinagtaguan noong ako’y bata pa. Napakatahimik ng paligid, kung gaano kaaga magising ang mga taga baryo, ganun naman sila kaaga matulog. Tanging mga tunog lang ng mga kuliglig sa paligid ang aking mga naririnig. Wala na ang takot ko na noo’y bata ako ay pumipigil sakin pumunta dito ng gabi. Kung gaano siya kaganda sa umaga, mas lalong mas maganda pala ito sa gabi, ang linaw padin ng tubig, wala masyadong nagbago, “ayos, hindi nagalaw” kako saking sarili. Bigla ako napatigil saking paglakad nang bigla akong makarinig ng tila ba’y may naglalakad sa tubig. Dahan dahan ako pumaabante, medyo tumatayo ang aking mga balahibo dahil na rin sa usap usapang mga sirena sa mga sapa dito, paano nga ba kung sila’y totoo pala? Nagtapang nalang ako at unti unting naglakad sa likod ng isang malaking bato, if tama pagkaka alala ko, may malalim na parte ng sapa sa harap ng batong ngayon ay aking pinag tataguan. Dahan dahan akong sumilip, hindi na sagabal ang dilim dahil nakapag adjust na din ang aking mga mata, at dahil kabilugan naman ng buwan, kitang kita ko kung ano ngayon ang nagtatampisaw sa aking paboritong taguan noong bata pa ako.
Hindi ano ang aking nakita kundi sino, biglang bilis ang pagpitik ng aking puso sa kadahilanan na ring si Bea nga ang nakikita ko ngayon. Nakasando lang siya, at maikling shorts, inisip ko kung papaano siya nakarating dito, pero nawala na iyon bigla sa aking isipan nang masilayan ko ang kanyang mga bakat na utong, tayong tayo sila, napalunok ako, gabi nga naman, malamig na panigurado ang tubig pero hindi ito alintana ng dalagang patuloy ang paglangoy sa sobrang linis na tubig ng sapa. Gusto kong gumalaw pero napako ako sa kinakatayuan ko, patuloy ko siyang pinagmasdan. Ang bilis ng oras, hindi ko na namalayang mag a alas dose na pala, umahon na din si Bea at palakad na siya papunta sa mga damit niya nang bigla siyang nadulas, rinig ko ang pag ungol niya sa sakit, mukhang na sprain ang dalaga. Agad agad akong tumakbo para tulongan siya, hindi ko na din inisip na baka isipin niyang masama akong tao, nang tinulongan ko siya makaupo, akma na sana siya sisigaw sa takot pero tinakpan ko ang kanyang bunganga. “Kalma, napadaan lang ako, hindi ako masamang tao” sambit ko habang dahan dahang inalis ko ang aking kamay sa kanyang bibig, halata parin sa mukha niya ang takot at sakit, “Si..sino ka po? Bakit ka andito?” nanginginig na tanong ng dalaga, hindi ko muna ito pinansin at tinignan ang kanyang paa, medyo lumulubo na nga ito. “Kaya mo ba tumayo?” inalalayan ko siya paitaas pero di talaga niya kaya, masyadong atang masakit, “buhatin na kita” kako, sabay piggy back sa kanya, ramdam na ramdam ko ang lambot ng kanyang katawan, hindi ko na rin inisip na mabasa ang aking mga damit, dinaanan ko mga damit niya sa tabing sapa at tinahak ko na ang daan papunta sa kanila.
Medyo nasanay na si Bea siguro sa sakit ng kanyang paa habang buhat ko siya dahil tahimik lang siya noong binuhat ko siya hanggang ngayon pero nakaramdam akong tapik sabay nagtanong siya ng “Stalker po ba kita? alam niyo po ba kung asan ang bahay ko?” patawa niyang tanong, tignan mo nga naman tong dalagang to, sobrang palakaibigan, sobrang bait. Wala na din siguro ang takot niya nang mapansin niyang pamilyar na daan nadin ang aking tinatahak at medyo malapit na sa kanila. “Hindi ah, Kakauwi ko lang kahapon dito sa baryo, paano ako magiging stalker mo?” kako, naalala siguro neto ang nangyare kaninang umaga dahil bigla siyang tumawa ulit, “ikaw iyong manong na nag jojogging kaninag madaling araw na bakat ang junjun!” sambit niya. Kung nakikita lang sana niya mukha ko, sasabihin niyang para na akong kamatis sa sobrang pula. Hindi nalang ako umimik. “Ako nga pala si Bea manong, ano po pangalan niyo?” “Bong”, hindi na ako nagsalita pa kasi hindi ko rin naman alam sasabihin at sa totoo lang, medyo nahihiya padin talaga ako. “Ilang taon ka na kuya?” sunod niyang tanong, naku, hindi ata talaga ako neto titigilan sa small talks. “22” kuripot ko uling sagot. “Magkalapit lang pala tayo ng edad eh, 20 palang ako!” sambit niya. Aaminin ko medyo mabigat siya pero worth it naman dahil sa loob loob ko, atleast mas lalo ko pa siya makikilala. Ilang minuto pa at nakarating na kami sa kanila. Binaba ko muna siya pero paika ika tong binuksan ang kandado ng gate nila. “kaya mo ba?” nag aalala kong tanong, medyo nadistract ako sa mga utong niyang nakatayo padin at bakat na bakat sa sando niya, napansin niya ata ang tingin ko at bigla siyang namula at nagtakip. “If okay lang po sa inyo kuya, pwede bang samahan niyo nalang ako saglit? pahiraman nalang po kita ng damit, mag isa lang po kasi ako eh” sagot neto saking tanong habang tinitignan ang mga basa kong damit. Tinignan ko ang aking celphone, 1 Am na, hahanapin ako panigurado samin pag hindi nila ako naabutang andun kaya nagtxt ulit ako kay auntie na hindi ako umuwi. Tumango nalang ako at saka binuhat ulit si Bea papasok sa kanilang bahay. Ambilis ng pitik ng puso ko sa mga pangyayare at unang araw ko palang to sa probinsya. Napa “Hay naku” na lang ako sa isip ko. Ano kaya magandang explanation kina Auntie pag tumawag ito mamayang madaling araw? Hindi ko na ito inisip nang pumasok na kami sa bahay nila Bea.
Itutuloy….
- Script Series: Karinderya Villalba Bonus Act - October 14, 2023
- Innocent Student By Day, Ls Writer By Night. - June 2, 2023
- “Single” Mom Supremacy - September 16, 2022