Written by anino
Chapter III: Apparition!
Di ako makagalaw, ni di rin ako makapagsalita nung makita kong nakatingin sa akin ang babaeng nakalutang sa ibabaw ni Jessica “hoy! layoan mo siya!” sigaw ni Igme sa kanya na di siya nito pinapansin. Tinaas nung babaeng ang kamay niya at tinuro ako “Anton!” sigaw ni Igme sa akin na nanginginig na ako sa takot “ikaaaawwwww …” sabi nung babaeng na ang lamig ng boses niya “tulongan…. mo…. kami….” dugtong nito na nararamdaman ko na ang lamig ng paligid at kita kong nanginginig narin sa lamig si Jessica. “Anton..” me narinig akong tumawag sa akin “Anton…” narinig ko uli ito habang nakatutok ang attention ko sa kaluluwang nakalutang lang. “wa….. wag… po…” nauutal kong sabi doon sa multo ng biglang me kamay na sumulpot sa harapan ng mukha ko at tinulak ang mukha ko.
Napahiga ako sa sahig at napatingin sa ibabaw ng kama na kita kong nawala na yung kaluluwang nakalutang kanina “hay salamat” mahinang sabi ko ng biglang naalala ko yung kamay na tumulak sa mukha ko kanina. “ha!” nasabi ko nalang nung makita ko ang kamao ni Jessica malapit sa mukha ko “ah.. ano ito?” biglang tanong ko sa kanya “para ka kasing tangang nakatulala dyan” sabi nito sa akin. “so..sorry” sabi ko sa kanya “gago ka, susuntokin na sana kita kung di kapa nagsalita” sabi nito sa akin na tiningnan ako nito ng masama kaya nahiga uli ako sa higaan ko at tumalikod ako. “ano ba kasi ang nangyari sayo?” tanong nito sa akin “wala, matulog kana” sabi ko sa kanya “alam mong therapist ako di ba?” sabi nito na kinawayan ko lang siya at nagpapanggap akong natulog “fine! kung willing ka ng magsalita sabihin mo lang sa akin” sabi niya sa akin na di na ako sumagot.
Ginising ako ni Igme kinabukasan at pinaalam sa akin na nauna ng bumaba si Jessica “sorry kagabi ha” sabi ni Igme sa akin “ok lang yun” sagot ko na nagkakamot ako ng ulo “maligo kana, nangangamoy kana” natatawa ito “wala bang gumagamit sa banyo?” tanong ko “meron sa baba pero dito sa taas wala” sabi niya sa akin kaya bumangon na ako at inunat ko ang katawan ko at humikab. “Bilis na, naghahanda na ng agahan sa baba” sabi ni Igme na lumutang itong palabas ng kwarto kaya kinuha ko yung tuwalya ko sa bag at pumunta ako sa banyo sa dulo ng hallway at naligo. Pagkatapos maligo at magbihis bumaba na ako na fresh-na-fresh ang pakiramdam ko. “good morning honey” bati sa akin ni Jessica na umiinom ng kape “good morning” bati ko din sa kanya na hinalikan ko ito sa pisngi na kinurot naman ako sa hita nung naupo na ako. “Good morning sa inyo” bati ko sa kanila na napatingin ako kay Leslie na nginitian ako nito kaya nginitian ko din siya.
“So ano ang plano niyo ngayong araw na ito?” tanong ni Leslie sa amin na nagkatinginan kami ni Jessica “balak sana naming pumasyal sa buong lugar para naman maging pamilyar kami dito” sabi ko “gusto niyo samahan namin kayo ni Alan?” alok niya sa amin na natuwa kami ni Jessica “sige ba, basta lang di kami nakaabala sa inyo” sabi ni Jessica sa kanila “wala yun, off naman ako ngayon sa trabaho” sabi ni Alan sa amin “that’s good!” sabi ko na kinalabit ko si Jessica at tumingin ako sa bagong mag-asawa. “Bakit parang tahimik kayong dalawa?” tanong ni Jessica sa dalawa na nahihiya pa silang magsalita. “ano kasi.. ” “wala yun no!” sabi ko sa kanila na napatingin sina Ruben at Helen sa akin “natural sa mag-asawa lalo na’t bagong kasal kayo na mag siping” sabi ko sa kanila na namula si Helen at parang di makatingin sa amin si Ruben. “That’s a natural thing, kami nga ni Edwin halos gabi-gabi kaming nagtatalik nung bago kaming kasal” kwento ni Jessica “well, hanggang ngayon din naman, di ba honey?” nakangiti kong sabi sa kanya na umiling lang ito.
“so, Lara gabi-gabi talaga kayong nagsisiping ni Edwin?” tanong niya kay Jessica na napangiti ito at sabing “yeah, pwera lang kagabi kasi pagod kami sa byahe” sagot niya “talaga? pagod ka Edwin?” tanong ni Leslie sa akin na kinurot ako sa hita ni Jessica. “Aa.. yeah pagod ako kaya yakap-yakap ko si Lara kagabi para makabawi, mamayang gabi honey, bawi ako sayo” nakangiti kong sabi sa kanya na kinurot uli ako nito sa hita. Nag-agahan na kami habang panay tingin parin sa akin si Leslie na sinasadya talaga nitong didilaan ang pandesal niya na alam kong napapansin ito ni Jessica kaya nag “ehem..” nalang ito at sabing “so, malapit na pala ang pyesta dito?” tanong niya “oo, sa susunod na linggo na” sagot ni Jake kay Jessica. “Mag-eenjoy kayo dito, di lang kasi pyesta ang mangyayari me beauty contest din” sabi ni Susan “alam niyo ba na si Charito yung favorite ng mga tao ngayon?” tanong ni Helen “oo, maganda kasi ang batang yun at sobrang talino” sabi ni Leslie.
“Ganun ba? Di ba kapangalan niya yung napatay dito noon?” tanong ko na parang natigil silang anim pati si manang Bebang napatingin din sa akin “matagal na yun!” sabi ni manang sa akin “kawawa ang nangyari sa kanya” dagdag nito. “Ano ho ba ang nangyari sa kanya bakit po siya pinatay?” tanong ni Jessica na nilipat nito ang isang page sa maliit na libro niya at naghintay ito sa isasagot ni mamang. “Wag niyo na pag-usapan yun, di maganda sa ganitong umpisa ng araw ang pag-usapan ang nangyari sa kanya” sabi ni Alan sa amin na sumang-ayon naman ang iba sa kanya “ah.. pasensya na po, na kyuryos lang kasi ako” sabi ni Jessica na hinawakan ko ang kamay niyang me hawak na pen at tumingin ito sa akin. “Honey, kailangan pala nating tawagan si Papa pagkatapos nating kumain para ipaalam sa kanya na nakarating tayo ng maayos dito” sabi ko sa kanya na nginitian ko siya at tumango lang ito.
Una kaming nagpaalam sa kanila nung matapos kaming kumain at umakyat na kami sa kwarto namin “bakit mo ako pinigilan kanina?” tanong niya sa akin “Dr Dela Rosa, undercover tayo dito hindi ito isa sa mga sessions mo” paalala ko sa kanya. “I wasn’t doing a session with them, i’m only asking them…” sabi nito sa akin “I know, kaya nga pinigilan kita kasi pansin ko parang nagtataka na sila sayo dahil tanong ka ng tanong” sabi ko sa kanya. “Paano ko ma oobserbahan ang mga tao at paano ko sila ma profile kung hindi ako magtatanong?” tanong niya sa akin “haayy. can you stop being a doctor and be a person for a while?” tanong ko sa kanya “what do you mean?” tanong niya “simple interaction lang, yun ang dapat mong gawin” sabi ko sa kanya “you mean…” “relax lang, follow the flow of the conversation” sabi ko sa kanya. “haayy.. I’m use to asking questions dahil yun ang work ko” sabi niya sa akin “lessen mo nalang, para di tayo mahalata” sabi ko sa kanya “FINE!” sagot nito.
Lumabas ako ng kwarto para makapagpalit siya ng damit “sinabi mo ba sa kanya?” tanong ni Igme sa akin “hindi, ano ka ba, hindi niya alam ang tungkol sayo” sabi ko sa kanya na napatango lang ito “oonga pala” sabi nito sa akin. “Tara, turo mo sa akin” sabi ko sa kanya na lumutang ito palabas ng bahay habang ako bumaba ng hagdanan at lumabas narin ng bahay at sinundan ko siyang lumutang papunta sa likod at nawala ito bigla sa damohan “asan kana?” mahinang tawag ko sa kanya na tinaas nito ang kamay kaya sinundan ko ito. Ito ang isa sa rason kaya ko pinigilan si Jessica kanina kasi andun si Charito yung unang biktima ng krimen, nakikinig habang nakatingin ito sa amin at kita ko sa mukha niya ang lungkot. “Dito Anton!” tawag sa akin ni Igme na sinundan ko ito at nung lumabas na kami ng damohan nakita ko sa malayo na me malaking gusali na tila kinain na ito ng panahon.
“Anton, wag!” sabi nito sa akin dahil nagsisimula na akong humakbang papunta dun “bakit?” tanong ko sa kanya “marami sila” sabi niya sa akin “wala akong nakikita” sabi ko sa kanya “ayaw nilang magpakita sayo, pero nakikita ko sila” sabi niya sa akin. “Ano ba ang sabi nila?” tanong ko “wag… wag… wag kang lumapit.. mapanganib… yan ang sabi nila..HAA!” bigla nalang nagulat si Igme “bakit? ano ang nangyari?” tanong ko sa kanya na bigla itong umatras kaya tiningnan ko siya “IGME?” tawag ko sa kanya “Anton…. kamatayan!” nabigla ako sa sinabi niya at napatinign sa lumang gusali. “Kamatayan?” tanong ko sa kanya na bigla akong hinila nito pabalik sa damohan “bakit? teka.. ang lamig ng kamay mo” sabi ko sa kanya na pilit akong pinapabalik nito sa bahay “teka lang.. hoy!” sabi ko sa kanya na bigla akong binitawan at humarang sa harapan ko “wag.. ayaw kong pumunta ka dun” sabi niya sa akin “ano ba ang meron dun?” tanong ko sa kanya “isa lang ang sinasabi nila.. kamatayan!” sabi niya na kinabahan ako bigla.
“Kamatayan…” sabi ko na napa-isip ako ng sandali “ano nanaman?” tanong ni Igme dahil kilala ako nito pag bigla akong tatahimik at kakamot sa baba ko “HOY! wag na wag kang pumunta dun” sabi nito sa akin “teka lang..” sabi ko sa kanya na kinuha ko yung phone na binigay ni Sir Raymund sa akin at tiningnan ang file sa folders ko. “Anton?” tanong ni Igme sa akin na nag scroll down ako sa monitor at nakita ko ang litratong kinuha ng mga pulis noon “tama!” sabi ko na napadungaw si Igme sa balikat ko at tumingin sa screen “ano ang meron?” tanong niya “kung hindi ako nagkakamali, ang lumang gusaling yan ang.. primary crime scene kung saan ginawa ang krimen” sabi ko kay Igme. “Kaya siguro sinabi nilang kamatayan” sabi niya “tama” sagot ko “kailangan kong makapunta dyan” sabi ko na bigla nalang akong napaupo sa lupa nung tinulak ako nito “punyeta!” sabi ko na nagmamadali akong tumayo “di ka pupunta dun sabi eh!” galit niyang sabi sa akin.
“Igme! alam mo kung ano ang trabaho ko at rason kung bakit tayo nandito” paalala ko sa kanya “oo alam ko, tsaka alam ko din na susundin mo ang instinct mo kaya pinipigilan na kita ngayon kasi alam kong pupunta ka dun!” sabi nito sa akin. “Haayyy…” pansin kong biglang napatingin si Igme sa damohan “si Jessica” sabi niya na napalingon ako sa damohan sa direksyon ng bahay “bakit? ano ang meron?” tanong ko “hinahanap kana niya” sabi niya kaya tinatanggal ko ang alikabok sa pwet ng shorts ko bago ako bumalik sa damohan “kailangan kong makapunta dun” sabi ko “Anton! ang tigas talaga ng ulo mo” sabi ni Igme sa akin “wala akong magagawa, kung ito ang paraan para ma solve ko ang kaso gagawin ko ito” sabi ko sa kanya “fine! pero wag muna ngayon, ako ang bahala magmamasid muna ako dun” sabi nito sa akin “yan ang gusto ko sayo eh, di ba partner tayo?” nakangiti kong tanong sa kanya “pfftt.. shut up!” naiinis niyang sabi sa akin na natawa nalang ako.
“Honey!” tawag ni Jessica sa akin nung lumabas ako galing sa likod ng bahay “hon, sorry” sabi ko “saan ka ba galing?” tanong nito sa akin na kita kong nasa likuran na niya sina Alan at Leslie “me tiningnan lang ako sa likod ng bahay” sabi ko sa kanya. “Ready na kayo?” tanong ni Alan sa amin “teka lang pare” paalam ko sa kanya “sige lang” sagot niya na hinila ko palayo si Jessica “honey” sabi nito sabay ngiti niya kina Alan at Leslie. “Sorry” sabi ko sa kanya “me bago akong developement sa kaso” balita ko sa kanya “talaga? ano naman yun?” mahinang tanong niya “nahanap ko na ang primary crime scene” sabi ko na nagulat ito “mabuti yun!” sabi niya na napatingin sa amin ang dalawa kaya nginitian namin sila. “Sabihin ko sayo mamaya kung saan tsaka kailangan ko din ireport ito kay Sir Raymund” sabi ko sa kanya “pag-uwi natin, sundin lang muna natin sila para di sila magduda sa atin” payo ni Jessica sa akin na sumang-ayon ako sa kanya “sige, padalhan ko lang ng text si sir para mamaya” sabi ko at tumango lang ito at bumalik na kami sa kanila.
“Sorry guys” paumanhin ko sa kanila “ok lang yun, so ano ready na kayo?” tanong ni Alan sa amin “yeah, we are” sagot ko na inakbayan ko si Jessica na yumakap naman ito sa bewang ko “alright, where do you want to go first?” tanong nito sa amin na napangiti nalang ako “Anton! wag!” sabi ni Igme sa akin na inignore ko lang siya. “Sumakay na kayo, ako na magmamaneho” sabi ko sa kanila na sumaka na sila pati si Jessica habang nakaupo naman sa bobong ng kotse si Igme at di ako pinapansin “bahala ka!” sabi nito sa akin na napailing nalang ako bago sumakay sa kotse at pinaandar ito. “So, where do you guys want to go first?” tanong ni Alan sa amin na nakaupo ito sa harapan “ah sakto babe, sa plaza sa bayan” suggest ni Leslie “alright, liko mo dyan sa kanan Edwin” sabi ni Alan sa akin na kinatok ko muna ang bobong na nagtaka sila sa akin bago ko pinatakbo ang kotse at niliko ito.
“So, ano ang subject na tinuturo mo, Edwin?” tanong ni Alan sa akin “ah, Agriculture” sagot ko “Ikaw naman Jessica?” “Science” sagot niya na pansin ko panay tingin sa rearview mirror ko si Leslie. “Bakit di pa kayo nagkaanak?” tanong ni Jessica sa kanila “di pa muna bumabyahe kasi ako eh walang kaagapay ang babe ko kung mabuntis ito” nakangiting sabi ni Alan na nilingon nito si Leslie na nginitian naman siya. “Kami siguro mga next two years pa, nag-iipon pa kasi kami” sabi ko sa kanila “ah.. oonga tama nga yan, mahal na din kasi ang manganak ngayon” sabi ni Alan “yung pinsan ko nga umabot sa isang daang libo nung nanganak kaya pinagpaliban muna din namin ni Leslie ang bagay na yan” kwento ni Alan sa amin na pansin kong nakikinig lang si Jessica sa kanya. Hinunto ko muna yung kotse para magbigay daan sa mamang hila-hila ang kalabaw niya at nung nakatawid na sila kinawayan at nginitian kami kaya umalis na kami papunta sa plaza.
“Nakikita mo yan, Edwin?” turo ni Alan sa kaliwa ko “oo, ano yan?” tanong ko “yan ang Pulangi River” sabi niya na napatingin ako kay Jessica “pwede dumaan muna tayo dun?” tanong ni Jessica “oo naman, kahit saan niyo gusto” sabi ni Alan sa amin na niliko ko ang kotse at pinarada ito malapit lang sa river at lumabas kaming apat. Nakita kong nakasimangot parin si Igme sa akin kaya di ko nalang ito pinansin at tumitingin-tingin ako sa paligid “ang sariwa pala ng hangin dito” sabi ni Jessica na nilanghap pa ito sabay stretch niya na bumakat ang utong nito sa fit niyang shirt kaya pareho kaming napatingin ni Alan sa dibdib niya. “Boys!” sabi ni Leslie na natawa lang kami “ang ganda!” sabi ni Igme sa akin na nasa ulo ko na habang tutok-na-tuok itong nakatingin sa dibdib ni Jessica kaya nagkukunwari akong nag stretch pra hilahin siya pababa na lumusot lang ang kamay ko sa braso niya.
“Maganda nga dito pero me madilim namang nakaraan” sabi ni Alan “babe!” tawag ni Leslie sa kanya na napatawa ng mahina si Alan “no, ok lang, sige ikwento mo” sabi ko sa kanya na kita kong napatingin ito kay Leslie. “Dito” turo ni Alan sa amin na sumunod kami sa kanya “dito sa pwestong ito nakita ng magsasaka ang katawan ni Elizabeth” kwento niya “Elizabeth Luna?” kinonfirm ko kung tama ba “oo, sayang nga eh, alam niyo ba na kaklase ni Leslie yun nung college, di ba babe nag-apply papuntang abroad yun?” tanong ni Alan sa kanya “oo, natanggap na siya sa London ilang buwan nalang aalis na pero yun di na natuloy” sabi niya. “Nursing student ka din pala?” tanong ko kay Leslie “two years lang, di ko na natapos kasi itong si Alan tinanan ako” natatawang sabi niya na natawa narin kami. “Nagtanan kayo?!” gulat na tanong ni Jessica sa kanila “oo, kaya kami napunta sa bahay ni manang Bebang kasi di na kami tinanggap ng mga magulang namin” kwento ni Leslie na kita kong nalungkot ito.
“Balik dun kay Elizabeth” sabi ko na napatingin sila sa akin “Anton, wag desperado” sabi ni Igme sa akin na napangiti lang ako “di ba kayo takot sa multo?” tanong ni Alan sa amin na nagkatinginan kami ni Jessica “hindi!” sagot ko “kung ganun, tara sunod kayo sa akin” sabi niya “babe! ano ka ba?” sabi ni Leslie sa kanya “sandali lang naman” sabi ni Alan na sumunod lang kami sa kanya. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya na humawak na sa kamay ko si Jessica “ok ka lang hon?” tanong ko sa kanya na tumango lang ito “malapit na tayo” sabi ni Alan sa amin na hila-hila nito si Leslie at makalipas ang ilang miunuto nasa harapan na kami sa isang malaking gusali. “Anton!” tawag sa akin ni Igme na natatakot itong lumapit sa amin “ano ang lugar na ito?” tanong ko na me nakita akong mga ulong dumudungaw sa bukas na bintana nito. “Balita kasi noon, dito daw pinatay si Charito” kwento ni Alan sa amin na nagkatinginan kami ni Jessica.
“Bakit mo nasabi na dito siya pinatay?” tanong ni Jessica “di ba sa ilog natagpoan ang katawan niya?” dagdag niya “na ikwento lang din sa akin nung maliit pa ako” sabi ni Alan “babe, alis na tayo dito tumatayo na ang balahibo ko eh” sabi ni Leslie sa kanya. Humarap sa amin si Alan at sabi “gusto niyong pumasok?” tanong niya na nagalit sa kanya si Leslie “BWISIT KA!” sabi ni Leslie sabay alis ntio “Leslie” tawag ni Jessica sa kanya na sinundan niya ito. Nakangiti lang si Alan habang nakatingin ito sa akin “di ba sabi mo di ka takot sa multo?” tanong ni Alan sa akin na ngitian ko din ito “oo, game ako” sabi ko sa kanya “ANTON!” tawag sa akin ni Igme na di ko ito pinansin at sumunod ako sa kanya papasok sa loob. Umakyat kami sa taas na kita ko ang mga kaluluwang naninirahan dito at lahat sila sumunod sa amin paakyat sa fourth floor at tumayo kami malapit sa bintana na kita namin ang daan at ang mismong Pulangi River.
“Hmp! tama ka nga di ka nga takot” sabi niya sa akin “sabi ko sayo eh” sagot ko “alam mo ba na maraming tao ang namatay sa gusaling ito?” sabi niya “talaga? bakit sila namatay?” tanong ko “kita mo yung itim sa pader? nasunog kasi ito at ang kwento-kwento sinadya daw sunogin ito” kwento niya. Nagulat ako sa sinabi niya “talaga?! tapos?” tanong ko “yun ang kwent-kwento” na sumandal ito sa gilid ng bintana “alam mo din ba na dito din daw pinatay ang pangalawang biktima?” sabi niya na napaisip tuloy ako sa taong ito “paano mo nalaman yan?” tanong ko sa kanya na tumawa lang ito at sabing “tara alam kong galit na galit na si Leslie sa akin” sabi nito na nauna pa itong bumaba sa hagdanan at kita kong nakatingin sa akin ang lahat ng kaluluwang nakatira sa gusaling ito “tulongan mo kami…” sabi nilang lahat sa akin na iningnore ko lang ito at bumaba sa hagdanan.
Bumalik na kami at kita naming nasa loob na sila ng kotse “sorry” sabi ni Alan kay Leslie na inisnaban siya nito “hon” tawag ko kay Jessica “ok lang ako hon” sagot niya kaya pinaandar ko na yung kotse at umalis na kami. Tahimik lang kami nung nasa daan na kami papunta sa plaza at pagdating namin dun pinarada ko sa parking lot at lumabas na kami “nagugutom ako” sabi ni Leslie sa amin “me Jollibee sa kabilang kanto mauna na kayo dun daanan ko lang muna si Father Isidro” sabi ni Alan sa amin “sige pare” sabi ko sa kanya na naghiwalay kami at tinungo namin ang Jollibee habang naglakad naman ito patungo sa simbahan. “Anton” tawag pansin sa akin ni Igme sabay turo nito kay Alan na nung nilingon ko ito nakita kong papasok na ito sa simbahan “bakit?” tanong ko sa kanya “di mo ba nakikita?” tanong niya sa akin “ang alen?” tanong ko “tsk! yung…” “honey!” tawag sa akin ni Jessica na pareho kaming napalingon sa kanya “come on!” tawag nito sa akin “mamaya na” sabi ko kay Igme at sumunod ako kay Jessica papasok sa loob ng Jollibee store.
Matapos kaming umorder naupo na kami malapit sa pintoan para makita kami agad ni Alan pero lumipas nalang ang kalahating oras di pa ito dumating kaya nagpasya kaming umorder nalang ng isa pang value meal para sa kanya. “Baka nandun pa siya sa simbahan” sabi ko nung pansin kong naiinip na si Leslie nung nasa kotse na kami “puntahan nalang kaya natin?” suggest ni Jessica kaya lumabas kami ng kotse at naglakad papuntang simbahan. “Mauna na kayo sasara ko lang ito” sabi ko sa kanila na nagsimula na silang maglakad kaya kinuha ko itong pagkakataon para makapag send ng text kay Sir Raymund. “Anton” pangungulit sa akin ni Igme habang nirereplayan ko ang text ng direktor namin sa NBI “teka lang” sabi ko sa kanya na kanina pa tawag ng tawag sa pangalan ko “yan, ok na” sabi ko na kita kong nakatingin lang ito sa simbahan.
“Hoy!” tawag ko sa kanya na di ito lumingon “Igme, kanina ang kulit-kulit mo tapos ngayon..” lumapit ako sa kanya para kausapin ito sa pakay niya ng biglang napahinto nalang ako nung makita ko itong tulala habang nakatingin sa simbahan. “Hoy! IGME!” sigaw ko sa kanya na bigla itong natauhan at tumingin ito sa akin “Anton, kayo nalang” sabi nito sa akin na bigla itong lumutang at pumasok sa loob ng kotse. “Ano ba ang problema mo?” tanong ko sa kanya na timuro ito sa labas at paglingon ko me mga matandang ale palang nakatingin sa akin “ah hehehe… magandang tanghali po” napahiya kong bati sa kanila na umiling lang ito at narinig ko ang isang ale na tinawag akong “buang (baliw)” kaya napailing narin ako at hinayaan siyang magkulong sa kotse at naglakad na ako patungo sa simbahan habang tumitingin-tingin din ako sa paligid at namangha sa kagandahan nito.
Pumasok na ako sa loob at nakita ko silang me kausap na pari malapit sa altar “honey” tawag sa akin ni Jessica na kinawayan ko sila at ngumiti narin ako “Edwin, ito nga pala si Father Isidro, Father ito po si Edwin asawa ni Lara at mga bagong borders ni manang Bebang” pakilala ni Alan sa amin “magandang tanghali po, Father” bati ko sa kanya na nagkamayan kami. “So ano ang masasabi niyo sa probinsya namin?” tanong ni Father Isidro sa amin “second day palang namin po Father ngayon lang po kami nakapasyal” sagot ni Jessica sa kanya “ganun ba?” “opo” sagot ko. “Mga bagong teachers po sila Father na na assign dito sa lugar natin” kwento ni Leslie “well, kailangan nga namin ng mga bagong teachers dito para sa mga kabataan na nais matuto” sabi ni Father sa amin na napangiti kami ni Jessica. “Pasok ang cover namin” sabi ko sa sarili ko at naramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa bulsa “pasensya na po, baka si papa na ito” paumanhin ko sa kanila at nagpaalam akong lalabas muna.
Iniwan ko sila sa loob habang lumabas ako ng simbahan at tiningnan ang text message na natanggap ko “Good work Agent Marasigan, we will send our agents to sweep the area and find any evidence” sabi sa text ni Sir Raymund. “Sir, I would like to join the operation if you don’t mind” reply ko sa text niya na naghintay ako ng ilang minuto bago ako nakatanggap ng reply niya “I’m sorry Marasigan, its best that you leave this to our agents, we don’t want anyone to see you and blow your cover” paliwanag ni Sir sa akin. “That’s alright Sir, tama din po kayo, need update regarding with the sweep” reply ko “will do Agent Marasigan and please inform our doctor that we will be sending forensic reports and photo for analysis ” reply ni Sir Raymund “10-4, sir” reply ko at pinasok ko uli sa bulsa ko ang phone ko at papasok na sana ako sa loob ng simbahan nang makita ko silang malapit na sa pintoan at palabas ng simbahan.
“Honey” tawag ni Jessica sa akin “si papa nagtext” sabi ko sa kanya “ano ang sabi niya?” tanong niya “nangungumusta lang” sagot ko sa kanya “pansin ko Ed ah, papa’s boy ka ba?” biro ni Alan sa akin na natawa lang si Jessica “babe!” sabi ni Leslie sa kanya na natawa narin sila. “Ok lang ang maging papa’s boy” sabi ni Father Isidro “mas mabuti nga yan dahil pinapakita ni Edwin na me magandang relasyon sila ng papa niya” dagdag niya na napangiti naman ako na natawa naman si Jessica. “Lara, di ka ba naiilang sa relasyon nilang mag-ama?” tanong ni Leslie sa kanya “hahaha hindi no! mas ok nga yan eh kasi pag-inaaway ako nito me kakampi ako malibang pa sa mama niya” natatawang sabi ni Jessica sa kanila “hahaha patay ka niyan, Edwin” sabi ni Alan sa akin na natawa sila at parang napahiya tuloy ako. Napalingon ako sa kotse at nakita kong me babaeng lumulutang sa labas nito “yung pagkain mo pala Alan nasa loob ng kotse” paalala ko sa kanya para narin makapunta ako doon.
“Oonga pala babe, binilhan na kita ng pagkain” sabi ni Leslie sa kanya “ah, salamat babe” sabi ni Alan na hinalikan niya sa pisngi si Leslie at napatingin naman ito sa akin nung dumampi ang labi ni Alan sa pisngi niya. Nakahawak ang kamay ko sa kamay ni Jessica na napansin siguro nito ang ginawa ni Leslie kaya hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko kaya napatawa nalang ako “oh sya, mauna na ako sa inyo at maghahanda pa ako para sa misa mamayang hapon” paalam ni Father Isidro sa amin at bumalik narin kami sa kotse na di parin binitawan ni Jessica ang kamay ko. “Bakit?” mahinang tanong ko sa kanya nung naglakad na kami papunta sa kotse at pinauna namin ang dalawa para makapag-usap kami “nakita ko yun” sabi niya “ang alen?” patay malisya kong tanong sa kanya “i’m a pscyhologist, body language is one of my expertise, Agent Marasigan” mahinang sabi nito sa akin na napalunok nalang ako ng laway “patay ka ngayon” sabi bigla ni Igme sa akin na nakalutang ito sa kaliwang side ko.
Itutuloy…..
Please do Comment and RATE the story to motivate the authors.
- Mine - July 4, 2022
- Harapin Ang Liwanag! Chapter XIV - November 23, 2021
- Carnal: Book 4 – Chapter 4: Bonding - November 22, 2021