Written by Bluzombii
Isinayaw sayaw ko muna si Prince habang naghihintay. Nag-humm din ako. Lalong lumakas ang iyak nya. Hays, ayaw nya na agad sa akin?
Nang lumabas si Aya sa banyo ay nagpapakuha agad sa kanya si Prince. Agad syang lumapit at kinuha ang bata. Naamoy ko pa ang dating bango ni Aya-ko, miss ko na sya.
Tumahan naman agad si Prince nang makalipat sa nanay nya. Ano ito, lokohan?
“Magtitimpla ako ng gatas, dyan ka lang,” sabi ni Aya na ibinaba sa kama si Prince.
“Dede,” sabi ni Prince at tahimik na naghintay sa nanay nya. Umupo ako sa upuan sa may tabi ng bintana at pinanood sila.
Ganun lang yun? Gutom lang naman pala. At gutom talaga dahil naubos agad ang gatas. Nasa gilid ng kama si Aya at hinintay ang bote, ni hindi ako tinitingnan.
Pagkatapos dumede ay bumangon at bumaba sa kama ang makulit na bata. Tumakbo palapit sa akin.
“Miii!” Sigaw nya.
Lumingon naman si Aya. “Ano?” Walang emosyong tanong nya.
“Diii?” Parang nagtatanong sabay hawak sa kamay ko.
Tinitigan nya lang ang anak namin saka nagpatuloy sa ginagawa. Iniipon nya ang mga bote sa ibabaw ng maliit na table na patungan ng mga gamit ni Prince.
Tumakbo si Prince sa isang rack doon, may kinuha at bumalik sa akin. Isang story book. Ipinatong nya yun sa upuan at nagkunwaring nagbabasa. Eh baliktad naman yung libro.
“Whdhxidkwbska kaidbd k dueowkdn jaidujd,” pagbabasa ni Prince. Natatawa ako pero napapaisip din. Matalino ang anak ko ah. Hindi pa nga marunong magsalita, gusto ng magbasa. “Hausueidj, isidhdudi, ajidjd,” itinuturo pa nya ang mga letra , at eto pa, lumilipat din ng page. Hahaha.
Sinusulyap sulyapan ko si Aya. Tahimik lang syang nagliligpit naman ng mga nakakalat na laruan sa sahig.
“Diii, miii,” narinig kong sabi ni Prince at kinalabit nya ako. “Diii, miii…”
Nagulat ako. May picture kami ni Aya-ko, itinuturo kami ni Prince sa picture, mii daw kay Aya at dii sa akin. Napangiti ako. Picture namin yun nung nagpunta ako dito.
Natouched ako na pinaprint nya yun para makita ng anak namin. Kahit galit sya sa akin, gusto pa rin nyang makilala ako ng bata. At tinuruan pa nyang tawagin akong daddy. Sarap naman.
Naluluha na naman ako nang maalala ko ang ginawa kong kasalanan sa kanya. Ang tanga ko talaga. Hays…
Ng mga sumunod na oras ay hindi pa rin ako pinansin man lang ni Aya. Nung alas kuwatro na ay umakyat ang matabang maid at ibinaba si Prince para makapaglaro sa labas. Sumama na lang ako at nakipaglaro sa kanya.
Hanggang sa maghapunan ay doon lang sa ibaba si Prince. Si Aya ang nagpakain sa kanya, maganang kumain, parang nanay nya dati. Kami lang ng mama ni Aya ang nag-uusap. Maingay si Prince, naglalaro kaya mukhang masaya sa hapag.
“Kilala ka agad ni Prince,” sabi ng ina ni Aya. Panay kasi ang sigaw ni Prince ng dii.
Ngumiti ako. “Salamat po,” sabi ko. Para yun sa pagiging open sa anak ko tungkol sa akin. Alam kong mas dapat na kay Aya ako magpasalamat, pero ni ayaw akong tingnan kaya sa mama na lang nya.
Umakyat agad ang mag-ina pagkatapos kumain.
“Ganyan sya araw araw. Yung trabaho nya, sa gabi o umaga nya ginagawa,” sabi ng mama ni Aya habang kumakain pa kami ng cake. Masarap, gustung gusto ko ng matamis.
“Maghapon na ata syang hindi nagsasalita,” sabi ko.
“Si Prince lang ang kinakausap nya.” Sabi ng matanda. “Kung kakausapin mo sya mamaya, magdala ka ng cake o ice cream, baka sakaling makipag-usap sya. Mauna na ako sa iyo.” Nakangiti nyang sabi saka tumayo na.
“Sabihin nyo lang po sir kung aakyat na kayo, ihahanda ko yung dadalhin nyo,” nakangiting sabi ng bagong maid.
“Hindi ba yun bawal sa kanya?” Tanong ko.
“Hindi po sir, basta hindi marami,” sagot ng maid. “Mga oily foods po at maalat ang bawal talaga kay miss Ariza.”
“Sana sir, ligawan nyo uli si miss Ariza, para bumait na uli,” sabi ng payat na maid. “Si Teng lang ang nakakaakyat dun, saka nakakatakot siya kapag nagagalit, naninigaw, nakakagulat, nakakasugat kung tumingin sa sobrang talim.”
Nagulat ako. Ang dating hindi makabasag pinggan at malambing na si Aya-ko, kinatatakutan na nila ngayon. Napailing na lang ako. Anlaki talaga ng kasalanan ko.
Kabado akong umakyat sa third floor dala ang cake. Ube flavor yun, ang sabi ng maid ay paborito ni Aya. Nakahanda naman ako kung sakaling ibato nya ito sa akin.
Nanonood pa sya ng TV nang umakyat ako. Kalong nya si Prince na natutulog na. Hindi muna ako nagpakita sa kanya. Tiningnan ko muna sya mula sa may likuran. Nang magcommercial ang pinapanood nyang movie ay tumayo sya karga si Prince at dinala sa kuwarto.
Dun ako lumapit at inilapag sa mesita ang cake. Saka sumilip sa kuwarto. Inaayos nya ang pagkakahiga ni Prince, kinumutan.
“Anong kailangan mo?” Tanong nya nang makita ako. Matalim ang tingin nya sa akin.
“Pwedeng maggoodnight kiss?” Tanong ko. Lalong sumama ang tingin nya, “Kay Prince.”
Lumayo sya sa kama na parang binibigyan nya ako ng way, nakakunot noo pa rin, kakatakot talaga. Napasulyap ako sa bandang dibdib nya. Alam ko, kahit makapal ang suot nyang sweat shirt ay wala syang bra. Hays, kung anu ano pa ang naiisip ko. Bakit ba kung anu anong naiisip ko sa kanya? Kainis!
Lumapit ako sa kama, sya naman ay lumabas na sa kwarto. Ang tagal kong tinitigan ang anak namin habang natutulog. Hinawakan ko ang maliit na kamay ni Prince, doon ako kukuha ng lakas ng loob.
“Anak, tulungan mo naman si daddy ha. Hays, yang mommy mo, ibang iba na at kasalanan ko naman yun kaya tatanggapin ko. Tulungan mo akong ibalik sya sa dati ha, baby Prince, please. Mahal ko kayong dalawa,” parang baliw na sabi ko.
Hinalikan ko ang kamay nya at lumabas na. Kailangang simulan ko nang suyuin si Aya.
Mula pinto hanggang sa makarating ako sa upuan ay nakatingin ako kay Aya. Umupo ako sa pang-isahang upuan na malapit sa kanya. Nasa mahabang upuan kasi sya. Hindi nya binawasan yung cake. At hindi pa rin ako sinusulyapan man lang.
“Salamat,” sabi ko. “Ipinakilala mo pa rin ako kay Prince bilang ama nya.”
“Bakit naman hindi? Eh ikaw naman talaga ang tatay nya?” Mataray nyang sabi, tiningnan ako at inirapan. “Alangan namang sabihin kong ang tatay nya eh yung driver… o yung boy ng kapitbahay.” Hays, tingnan mo, pilosopo pa sya. Pero ang cute umirap, at kahit seryoso nyang sinabi yun, gusto kong matawa. Nakakatakot nga lang.
“Tama ka naman, pero para sa taong galit, mahirap sabihin yun sa kanya,” sabi ko.
“Buti alam mo!” Sagot nya. Nakatingin lang sa TV. “Mahirap talaga.”
“Sorry,” sambit ko, galing sa puso yun.
“Anong magagawa ng sorry mo?” Tumingin sya sa akin. Galit.
“Alam kong wala pero sorry pa rin,” sabi ko.
Tumahimik na lang ako nang hindi sya sumagot. Ang mga mata ko ay nakatutok sa tv pero ang isip ko ay nasa kanya.
Nang magcommercial ay kinausap ko uli sya. “Miss na kita.”
Tiningnan nya uli ako ng masama saka tumingin uli sa TV.
“Mahal na mahal pa rin kita Aya-ko,” sabi ko uli. Hindi pa rin nya ako pinansin. Hanggang sa matapos ang palabas ay hindi na nya ako sinulyapan man lang.
“Goodnight!” Sabi ko bago sya pumasok sa kuwarto nila. Walang sagot.
Bumaba na rin ako nang tuluyan na nyang maisara ang pinto. Kailangan ko syang dahan dahanin. Baka lalong magalit kung bibiglain ko o pipilitin.
Kinabukasan ay inaabangan ko silang lumabas sa kwarto. 6:00 am pa lang at hindi ko alam kung anong oras sila lalabas. Ang aga ko ata.
Maya maya ay may nagpupukpok na sa pinto. Napangiti ako. Si kalokalike, gising na.
“Miii,” naririnig kong sigaw nya.
“Wait baby, wala pa si ate Teng,” sagot ng nanay nya.
“Miii,” pangungulit ng bata, sumuot na sa likod ng kurtina at nakita ako, kinawayan ko naman. Gusto ko syang mayakap. Pati ang mommy nya. “Diii!” At pinukpok nang pinukpok ng laruan nya ang pintong salamin.
Mayamaya ay binuksan na ni Aya ang pinto. At patakbong lumabas ang makulit na bata.
“Diii,” tili nya na lumapit sa akin. Parang isang taon kaming hindi nagkita at sobrang excited nya.
Tiningnan ako ni Aya, umirap. “Dyan ka muna Prince ha at may ginagawa ako,” sabi nya na kay Prince nakatingin.
Tuwang tuwa naman ang anak ko na pangiti ngiti. “Diii,” sabi nya na dala dala na naman ang storybook.
“Sige anak, read ka lang dyan.” Sabi ko. Naisipan ko syang ivideo habang seryoso syang nagbabasa. Nakakatawa talaga ang anak ko sa ginagawa nya. Pero bakit ganun? Naluluha ako.
Nang umakyat si Teng ay sumama agad si Prince. Kagaya kahapon ay pinaglaro sandali sa garden at pinakain ni Aya nang 6:30 na.
“Ako na ang magbubuhat sa kanya paakyat,” sabi ko kay Aya nang kargahin nya si Prince.
Binilisan ko talaga ang pagkain para makasabay sa kanila. Ibinigay naman nya sa akin ang bata na hindi man lang ako tinitingnan. Sinadya kong ilapat ang mga kamay ko sa may dibdib nya. Inirapan nya ako.
“Sorry, namiss ng mga kamay ko sina b1 at b2,” sabi ko.
“Bastos! Eh kung putulin ko yang kamay mo,” sabi nya. Saka umuna na sa hagdan.
Trip kong asarin sya, kinakausap nya kasi ako para sagutin ang pang-iinis ko sa kanya.
“Wow Prince, ang sexy ni mommy o,” bulong ko kay Prince pero sinadya kong lakasan para marinig ng nanay nya.
Tumango tango naman ang bata na akala mo nakakaintindi.
“Miss na yan ni Daddy,” sabi ko pa.
No reaction. Dinedma lang ako.
“Gusto mo bang magkaroon uli ng kapatid?” Tanong ko kay Prince. Pero syempre joke lang yun. Hindi ko naman magagawa yun kay Aya. Ayaw kong malagay na naman sa alanganin ang buhay nya.
Pagkapasok sa kuwarto ay agad ginawa ni Aya ang mga dapat gawin kay Prince, toothbrush, ligo, diaper at bihis.
“Laro ka muna anak, may gagawin si mommy,” sabi ni Aya. Tumakbo naman agad si Prince sa box nya ng laruan, pumili doon at ibinigay sa akin.
“Alam kong nahirapan ka nung pinagbuntis at pinanganak mo si Prince. Sorry, wala ako sa tabi mo.” Sabi ko.
“Wala ng magagawa yang sorry mo,” sagot nya. Nasa may table sya sa tabi ng bintana nagdadrawing. Inirapan nya ako.
“Alam ko, sorry pa rin,” sabi ko. Tinitigan ko sya habang nakatungo sya. “Mahal kita Aya-ko. Kayo ni Prince. Sobrang mahal ko kayo.”
“Kailan ka aalis?” tanong ni Aya. Okay na kahit halatang gusto nya akong paalisin. At least kinakausap nya ako.
“Five days ako dito,” sagot ko.
“Himala, hindi ka busy,” sabi ni Aya.
“Oo, nagleave ako,” sagot ko.
“Ano ba talaga ang dahilan at nagpunta ka dito?” Tanong ni Aya na naiirita.
“Para tingnan ka, kumustahin,” sabi ko.
“Alam kong ang alam mo, patay na ako. Kaya nga halos tatlong taon na bago ka nagpakita.” Sabi nya. Hindi naman sya galit, gaya lang dati. Parang balewala lang.
“Mag-aasawa ka na ba? Handa nang maghanap ng iba? Yun lang naman ang pwedeng dahilan,” natumbok nya. Yun naman talaga ang dahilan. “Nagkataon lang na andito si Prince kaya ngayon kami na ang dahilan ng pagpunta mo.”
“Hindi ako mag-aasawa. Wala nga akong niligawan. Pero may nanunuyo sa akin doon, kapitbahay ko.”
“Eh di good for you. Sagutin mo na sya para sumaya ka na,” sabi nya. Hays, wala na talaga syang pakialam sa akin.
“Alam mo namang sa yo lang ako sasaya di ba?” Nakakapikon na.
“Hindi ko alam,” sagot nya.
“Alam mo na ngayon, sinabi ko na eh,” ako.
“Oo na lang!” Sabi nya. Hays! Nakakagigil na sya.
Hanggang tanghali nagtrabaho si Aya kaya mahaba ang bonding time namin ni Prince. Natulog naman ang bata bandang 9:30, pero nagising agad.
Nung lunch ay pinakain ni Aya si Prince kasabay namin. Yun ang napansin ko, kahit busy, sya ang nagpapakain sa anak namin. After lunch, balik sya sa trabaho kaya ako ang nagpatulog kay Prince nung hapon.
Kakausapin ko sana si Aya kapag tulog na si Prince, ang siste, nakatulog din ako. Sarap matulog sa kama ni Aya.
Alas tres na ako nagising. Wala si Aya sa third floor. Hindi ko naman maiwan mag-isa si Prince.
Nakatunganga ako at nakatingin lang sa kisame habang hinihintay kong magising ang bata. Iniisip ko ang mga nakaraan namin ni Aya. Malaki talaga ang kasalanan ko sa kanya na naging sanhi ng pagbabago nya. Wala na ang mga lambing, mga banat na nakakapag-init, mga kalokohan at kaharutan, mga tanong na madalas nahihirapan akong sagutin kahit alam ko naman ang sagot. Nakakapanibago. Miss ko na ang dating Aya.
Kasalanan ko talaga kaya sya nagkaganun at gagawin ko ang lahat para ibalik sya sa dati. Pakiramdam ko ay iba sya kapag sila lang ni Prince. Masayahin at makulit ang anak namin. Malamang ganun din ang nakikita nya sa nanay nya.
“Diii,” narinig kong tawag ni Prince.
“Hey, gising na pala ang baby Prince namin,” nakangiting sabi ko.
Ngumiti naman agad si Prince. “Dede.” Sabi nya na nakahiga pa rin.
“Dede?” Tanong ko. Patay!
“Dede,” sabi nya saka tumingin sa table na pinapatungan ng gamit nya sa pagdede.
Takte, baka umiyak na naman… “Teka lang baby, magtitimpla si daddy ha,” sabi ko.
Nilapitan ko ang table. May lalagyan dun na patung-patong na may lamang gatas. May mga bote din na may lamang tubig. Feeling ko naman ready na ang mga ito kaya diretso timpla na ang ginawa ko. Ganun yung nakita kong ginawa ni Aya kanina at kahapon.
Matapos ko i-shake ang gatas at ibigay kay baby Prince ay dumede agad sya at gaya ng dati, mabilis naubos.
“Ang takaw mo,” natatawang sabi ko sabay kiss sa pisngi nya.
“Miii,” sabi nya. Sabay ganun?
“Tara sa ibaba, hanapin natin ang mommy mo,” sabi ko saka sya kinarga.
“Miii,” pumalakpak pa sya habang nakangiti.
Hindi rin maalis ang ngiti ko habang pababa kami. Sarap lang ng ganitong pakiramdam. Sana patawarin na ako ni Aya-ko para mas masaya na talaga. Iuuwi ko na sila. Hays!
“Miii,” sigaw agad ni Prince nang makita ang mommy nya. Pilit bumaba at tumakbo palapit kay Aya.
“Wala kang shoes!” Si Aya na tumingin sa akin.
“Sorry, hindi ko naisip yun,” sabi ko, sabay kamot sa ulo.
Kinalong agad ni Aya si Prince na humalik halik agad sa pisngi nya.
Saka ko lang napansin ang lalaking katabi ni Aya sa upuan. Hindi naman talaga katabi, pwedeng magkasya si Prince sa gitna nila.
“Hi Prince,” bati ng lalaki sa anak ko. Nakipag-apir pa si Prince sa kanya.
“Sandali lang ha, kukunin ko lang yung shoes ni Prince,” si Aya na nagpaalam sa kausap nya at akmang tatayo.
“Ako na lang,” prisinta ko.
“Andun,” si Aya na itinuro ang shoe rack malapit sa pinto. “Salamat.” Umupo uli habang kalong pa rin si Prince.
“Halika Prince,” yaya ko kay Prince.
Buti na lang nakisama sa akin ang anak ko, sumama agad. Sinadya kong umupo sa upuan sa tabi ni Aya at isinuot ko kay Prince ang sapatos nya. Tahimik ding nakaupo lang sya pagkatapos kong isuot sa kanya yun. May dahilan para dun lang kami at hindi umalis. Tumahimik din ang dalawa.
“Ahm, sige na Yan-yan, aalis na ako. Babalik pa ako sa office,” paalam ng lalaki na sumulyap pa sa akin.
“Okay, salamat,” sagot ni Aya na tumayo na.
“Babalik na lang ako sa Wednesday,” sabi pa ng lalaki. Napaisip ako, Lunes ngayon.
“Ok,” sagot ni Aya.
Hindi na inihatid ni Aya ang lalaki. Lumingon sya sa amin ni Prince. “Halika Prince, kain tayo,” sabi nya na tumayo. Hindi naman nya kinuha si Prince kaya tumayo rin ako at sumunod sa kanya.
May nakahaing ginataang halu halo sa table, yung pinaghalu halong saging, kamote, sago, at bilog bilog na malagkit.
“Ayaw mo?” Tanong ni Aya sa akin. Nakatayo lang kasi ako pagkatapos kong paupuin si Prince sa tabi nya.
“Inaaya mo ba akong kumain?” Tanong ko.
“Ay hindi, kami lang ni Prince. Kaya nga tatlo ang mangkok eh,” sagot nya. Ang taray!
“Malay ko ba kung para yan sa bisita mo,” sabi ko na umupo na. Nasa gitna namin si Prince na patingin tingin sa amin.
Hindi na sya sumagot. Sinubuan nya si Prince habang kumakain din sya.
“Di ba bawal sa yo ang ginataan?” Tanong ko.
“Konti lang naman. Saka minsan lang,” sagot nya.
“Kadedede lang nyan,” sabi ko.
“Buti naman, umiiyak kasi yan. Dapat dedede pagkagising,” sagot ni Aya.
“Mana sa akin. Ako bago matulog, gustong dumede,” sabi ko sabay tingin sa dibdib nya.
Inirapan nya ako.
“Sarap dumede di ba Prince?” Sabi ko pa.
“Dede,” sagot ni Prince.
Hindi nagsalita si Aya pero namumula sya. Hays, ang cute nya talaga.
Pagkatapos namin kumain ay umakyat na si Aya. Iniwan nya kay Teng ang bata para maglaro sa labas.
“Pwede bang mag-usap tayo?” Tanong ko. Sinundan ko sya habang umaakyat sa hagdan.
“Anong pag-uusapan natin?” Tanong nya. Dire diretso lang. Ni hindi ako nilingon.
“Marami. Tayo, at si Prince,” sagot ko.
“Walang tayo. Ikaw, ako at si Prince,” sabi nya.
Napabuntung hininga ako.
“Ano bang pag-uusapan?” Tanong nya nang makarating kami sa third floor.
“Gusto kong gamitin ni Prince ang apelyido ko,” sabi ko.
“O, di kilalanin mo syang anak,” sagot nya. Parang wala lang. “Hindi ko naman sya ipagdadamot sa yo eh.”
“Ikaw, ayaw mo bang gamitin ang apelyido ko?” Tanong ko. Lakasan na ng loob ito.
“May apelyido na ako.” Sagot nya.
“Ayaw mo na ba talaga sa akin? Wala na ba tayong pag-asa?” Tanong ko.
“Hindi ko alam.” Sagot nya.
“Yan ka na naman sa hindi mo alam eh.” Naiinis kong sabi.
“Ano bang gusto mong sagot ko sa tanong mo? Ewan ko o ayaw ko?” Tanong nya.
“Yung totoo,” sagot ko. Gusto ko na lang sana yung hindi sya sure. Para may pag-asa pa kahit kaunti. Pero ayaw ko naman ng malabong usapan.
“Hindi ko ipagdadamot sa iyo si Prince. Kung gusto mo nang mag-asawa, mag-asawa ka para may gagamit na ng apelyido mo. Bahala ka kung anong gusto mong gawin,” sabi nya. “May pag-uusapan pa ba tayo?”
Hindi na ako sumagot. Hindi nya direktang sinabi pero yun na yon.
Ayaw na nya sa akin.
Si Prince lang ang maingay sa hapag nung hapunan. Mukhang pagod ang mama ni Aya at wala sa mood makipagkwentuhan. Ipinagpasalamat ko yun.
Kagaya kagabi, pagkatapos ng hapunan ay agad umakyat ang mag-ina. Sumunod din agad ang ina ni Aya. Naiwan pa ako para magkape. Ramdam kong nakatingin sa akin ang mga katulong kaya nakipagkuwentuhan muna ako sa kanila.
“Sir, nakita nyo po ba yung lalaki kanina?” Tanong ng payat na maid.
“Oo, sino ba yun?” Tanong ko.
“Si Sir Paul po yun. Yun ang pumalit sa posisyon ni miss Ariza sa kumpanya. Dati pang nanliligaw yun sa kanya, magkaklase daw sila nung highschool,” pagkukwento ni Teng. “Tumigil lang nung pinagkasundo na si Miss Ariza kay Sir Khaled.”
“Khaled?” Tanong ko.
“Yung dati pong fianc ni Miss Ariza. May asawa na po yun ngayon.” Sagot ni Teng.
“Eh yung Paul? Sabi ni Rico walang nakakalapit kay Aya dati.” Tanong ko.
“Naku sir, makulit yang si sir Rico. At mabait din naman sya pero hindi sila bagay. Kayo talaga ang bagay ni miss Ariza,” sagot ni Patty, ang payat na maid.
“At sasabihin mo na naman, Patty, na kayo ni Sir Paul ang bagay? Naku, naku, naku, naku,” sabi ni Teng.
Natawa ako kahit naiinis sa Paul na yun. Nakakatawa itong mga ito.
“Kaya nga Sir, bilisan nyo manligaw. Kasi si Sir Paul, matyaga talaga. Hindi sumusuko. Go lang ng go basta may pagkakataon,” sabi pa ni Patty.
“Sabagay sir, tama si Patty,” si Teng. “Matyaga po talaga si sir Paul at parang mahal nya talaga si miss Ariza. Malay nyo po sir, sya ang pumalit sa posisyon nyo bilang mahal ni miss Ariza at bilang tatay ni Prince,” hirit pa nya. Hays, mahilig manood ng teledrama ang mga ito.
“Bakit? Gusto ba sya ni Aya?” Tanong ko.
“Hindi po namin alam sir. Pero hindi yun sinusungitan ni miss Ariza. Minsan nga nagtatawanan pa sila,” kwento ni Teng . “Iyak nga si Patty lagi eh,” pang-aasar pa nya.
Inirapan ni Patty si Teng. “Hindi lang naman si sir Paul ang nanliligaw sa kanya. Si doc pa,” sabay tingin sa akin.
“Doc?” Tanong ko.
“Yung pedia po, doctor ni Prince,” sagot ni Patty. “Ang gwapo nun sir Amir,” excited sya.
“Mukhang Korean!!!” Kinikilig din si Teng.
“Oo nga, cute ngumiti,” kilig na kilig sila.
Takte naman! Kahit may anak na si Aya-ko, may nanliligaw pa rin? Eh dati, parang wala naman ah, kaya nga pinagtyagaan nya ako noon.
“Pero tumigil naman na si Doc, binasted na yun eh,” sabi ni Teng.
“Ibig sabihin, di pa binabasted si sir Paul?” Tanong ni Patty na nalungkot.
Napaisip ako. Baka kaya ayaw na sa akin ni Aya eh dahil sa lalaking yun. Baka sila na.
Inubos ko na ang kape at dali dali akong umakyat sa itaas. Wala sina Aya-ko sa sala. Bukas pa naman ang ilaw sa kuwarto nila kaya kumatok ako. Walang sumasagot. Sinubukan kong itulak, bukas kaya pumasok ako. Si Prince lang ang nandoon, dumedede.
“Diii,” sabi nya, ngumiti at nagpatuloy sa pagdede, nakabihis na sya ng pantulog.
“Antok na ba ang baby namin?” Tanong ko. Tinabihan ko sya at hinalikan sa noo.
Mayamaya ay nakita kong pipikit pikit na si Prince kaya tinapik tapik ko sa hita hanggang sa makatulog. Hays, ang laki na ng anak ko, sayang, hindi ko sya nakita noong bagong panganak pa lang sya. Gusto sanang pupugin ng halik dahil nakakagigil gaya ng nanay nya, kaso baka magising.
Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo kaya napabangon ako. Muntik nang mapasigaw si Aya nang makita nya ako, natawa ako sa reaksyon nya. Gulat na gulat.
“Ano ba kasing ginagawa mo dyan? Nakakagulat ka!” Naiinis na sabi nya. Tumalikod agad sya sa akin. “Papatayin mo ako eh!”
“Sorry, maggugoodnignt kiss lang naman ako sa inyo,” sagot ko. Napansin kong hindi sya makaharap sa akin.
“O sya, sige na!” Naiiritang sagot nya. “Bilisan mo at lumabas ka na.”
“Kikiss pa nga ako,” sabi ko.
“Bilisan mo nga at lumabas ka na,” sabi nya habang naglalagay ng tubig sa mga bote ni Prince.
“Totoo?” Tanong ko.
Narinig kong huminga sya ng malalim. Naiinis. Nakukulitan na ata sa akin.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya mula sa likuran nya.
Natigilan sya sa ginagawa.
“Sabi mo bilisan kong humalik,” sabi ko.
Inalis nya ang kamay ko sa baywang nya at bahagyang lumayo. “Kay Prince yung sinasabi ko,” sabi nya.
“Eh sa yo naman yung sinasabi ko eh,” sagot ko at nagsimula akong lumapit sa kanya.
“Tigilan mo ako Amir!” Sabi nya na urong naman nang urong, hanggang napasandal na sya sa closet.
“May tanong ako Aya, sagutin mo ng maayos,” halos bulong na yun.
“Ano?” nakakunot noong tanong nya, alam kong hindi sya komportable sa halos magkadikit na naming katawan. Ako din naman, hindi komportable. Gustong gusto ko na syang yakapin.
“Yung lalaki kanina, sya ba ang dahilan kaya ayaw mo na sa akin?” Tanong ko. Lumapit pa ako sa kanya.
Umurong pa rin sya kahit alam nyang wala na syang mauurungan. “Hindi ah.” Sagot nya.
“Eh ano pala? Sino?” Tanong ko. Hindi ako makahinga kahit ako ang nangongorner kay Aya-ko. Nakalapat na kasi ang katawan ko sa katawan nya.
“Bakit ba? Wala akong dapat ipaliwanag sa ‘yo,” galit sya.
“Mahal na mahal kita Aya-ko, sabihin mo kung anong dapat kong gawin para maibalik natin yung dati,” sabi ko saka niyakap sya ng mahigpit. “Miss na miss na kita.” Hindi ko na kayang pigilan pa.
“Wala. Wala kang dapat gawin.” Sagot nya na gustong kumawala sa pagkakayakap ko.
“Sandali lang naman Aya-ko, yakap na nga lang ipagdadamot mo pa.” Lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa kanya.
“Amir kasi,” sabi nyang nagpupumiglas. Mabagal at mahina lang naman ang paggalaw nya pero naaapektuhan ako.
*Thanks po sa mga nagbabasa. Pansin ko lang, mahilig po pala ang mga lalaki sa drama. Hehehe
Please do Comment and RATE the story to motivate the authors.
- Our Love Story (Aya) 15 – Finale - March 24, 2021
- Our Love Story (Aya) 14 - March 24, 2021
- Our Love Story (Aya) 13 - March 23, 2021