Written by hardfucker69
Hi! I am Lenard Perez. I just passed the civil engineering board exam that time after finishing my engineering degree at La Salle. My mom is a bank manager while my dad passed away during my junior year in college. I have a sister named Stephanie na incomming freshman sa Ateneo that time.
Masama ang timing ng pagka pasa ko sa board exam that time. I was 22 years old when the world was on financial crisis and I need to help my mom. Di din kasi biro ang magpa aral tapos especially sa mga projects pa lang. Pa side line side line lang ako that time at nakahanap din naman ako ng trabaho that year. Di naman kalakihan ang sweldo pero ok na din. Maski papaano ay nakakatulong din naman sa gastusin.
Nang maka graduate na si Stephanie sa Ateneo (she took up Business Management) ay nag resign na ako sa trabaho ko. Parang walang nangyayari sa buhay ko. 27 years old na ako at gusto ko na din makapag pundar. Ang naipundar ko lang ay isang Hilux Revo na via car plan ng pinasukan kong engineering firm. Si Mommy naman ay may minanang commercial space sa Bataan na kanyang pinapaupahan. She opted for the optional retirement at nagbukas siya ng isang maliit na negosyo aside from her rental property. Saktong graduate na din ng college si Stephanie at may magandang trabaho na sa isang multi-national firm. She also gave ideas to mommy at paminsan minsan tumutulong siya kay Mommy.
Pauwi na ako ng bahay nang nakasalubong ko si Tito Pete. Ang kapitbahay namin na malapit din sa amin. He was also a civil engineer at nagpatulong ako sa kanya maghanap ng trabaho.
Tito Pete: Sakto! Anak ng boss ko naghahanap ng driver. Gusto mo ba?
Pinaliwanag sa akin ni Tito Pete ang sistema at trabaho ko at maganda ang sahod at benepisyo. Stay-in pa. Libre kain at tirahan.
Pumayag na ako kahit malayo sa tinapos kong kurso. Imagine. Civil Engineer ako pero pinasok ko ang pagiging driver. Though pinagtatawanan ako ng mga classmates ko from Don Bosco (High School) and La Salle (College) nang nalaman nila na pagiging driver ang pinasok kong trabaho. Ang nasa isip ko lang ay at least may trabaho ako. Kesa naman panay asa ako sa nanay ko.
The next day ay ipinakilala na ako ni Tito Pete kay Maam Donna. Napa OMG ako. Si Ms Donna Concepcion! Former BB Pilipinas International and Ms International. She used to be my crush. She was the only daughter of Juan Eduardo Concepcion, a shipping mogul.
Maganda si Maam Donna. Mas matangkad ako ng konti sa kanya. I stand 5’11” while she stands at 5’10”. She’s 27 years of age. Maganda ang korte ng kanyang katawan and she was a CPA Lawyer. Kahawig niya ang millenial mayor na si Donya Tesoro. She has her own law firm and she was the youngest among 6 siblings. Siya lang din ang independent sa kanilang magkakapatid. She was also a beauty queen being crowned as BB Pilipinas-International and Ms International 2 years ago. She also does modelling on the side.
Behind her sweet at mala anghel na personality sa TV ay super hirap pala niyang pakisamahan. Super perfectionist kasi siya. Na BINGO agad ako sa kanya during my first day.
Donna: ANO BA YAN LENARD! Aalis na ako hindi ka pa tapos maglinis ng sasakyan!
Me: Pasensya na po Maam. Bibilisan ko na po.
Agad kong binilisan ang paglilinis but she was already pissed off. Na late din siya sa appointment niya because of me. Hiyang hiya ako kay Maam Donna. Never pala siyang late.
After work ay kianusap na ako ni Nanay Emma. She was 52 years old at tatlong dekada nang nag sisilbi kila Maam Donna. She looks like Susan Roces. Byuda na siya at may dalawang anak na tapos na ng kolehiyo.
Nanay Emma: Ikaw naman kasi iho. Alam mo namang lilinisin mo ang mga sasakyan sana inagahan mo nang gising.
Me: Pasensya na po Nay. Hindi na po mauulit.
Nanay Emma: O siya kumain na tayo at nang makapag paginga na.
The next day ay bumawi ako. Maaga akong nagising at nalinis ko na din ang dalawang sasakyan ni Maam Donna. Isang Fortuner at isang Innova. Naka kain at naka ligo na din ako.
Me: Maam aalis na po ba tayo?
Donna: Ay hindi! Pumoporma lang ako sa bahay.
Barado ako kay Maam Donna that time.
Maam Donna: Lenard ha! Umagang umaga! Wag na wag mong sisirain ang araw ko!
Me: Pasensya na po kayo Maam.
Pinagbuksan ko siya pinto at sumakay siya sa kanyang Innova. Ito ang paborito niya kasi naka captain’s chair. Pareho kaming La Sallista ni Maam Donna. Same ID number kami yun nga lang magkabilang dulo ang building namin. Sa LS siya sa Velasco naman ako. Sa Law School she went to Ateneo since di offered ang law proper courses sa amin. Maganda siya pero super taray.
She have a boyfriend. Her boyfriend was Paul Ventanilla, the son of real estate mogul na si Venancio Ventanilla. He was tall, tisoy, at mala Jake Cuenca ang dating.
Stephanie: KUYA SERYOSO KA???? Boss mo si Donna Concepcion????
Me: Yup.
Stephanie: Kuya pa request naman ng selfie sa kanya.
Me: ikaw talaga. Na-bingo jna nga ako nung first day.
Stephanie: Ikaw kasi Kuya eh. Ikaw ang mag aadjust sa schedule ng boss mo. Hindi ang boss mo ang mag aadjust sa schedule mo.
Patuloy ang kwentuhan namin ni Stephanie. Kaming dalawa na lang kasi ang naka base dito sa Manila
May punto naman si Stephanie. Kakayanin ko kaya ang standards at pag-uugali ni Maam Donna?
Abangan..
- Millenial Romance Part 9 - November 29, 2022
- Millenlial Romance Part 8 - November 16, 2022
- Millenial Romance Part 7 - November 9, 2022