Pursuit Of Happiness 1

Pursuit Of Happiness

Written by blipper

 

“Okay lang ‘yan, makakahanap kapa ng iba dyan”

Words of encouragement na narinig ko mula sa ka-sanggang dikit kong si Crissy. Kakatapos ko lang ichicka sa kanya na basted ako ng nililigawan ko. Matawa-tawa pero nakikisimpatya sa kapalpakan ko.

Mukha man akong problemado pero ang lakas makapawi ng alalahanin ng kanyang cute na ngiti. Siya si Crissy, ang halos bestfriend ko ng ituring na tropa – 22 years old at nasa tantya kong 5’6 na height at saktong pangangatawan, hindi payat pero konti nalang pede mo na masabing chubby. Sakto lang din na dibdib na sa tingin ko ay nasa C-D Cup size.

Kung alam lang sana n’ya na isa siya sa mga nangungunang dahilan bakit ko pinipilit ibaling ang atensyon ko sa ibang babae. Alam kong wala kaming pagasa dahil tropa lang ang turing nya.

Di naman talaga kami close at nagkakilala lang kami dahil sa naging relihiyoso ang aking mga lolo’t lola, hanggang sa lumaon ay naimbitahan kami nila mama at papa na dumalo ng Sunday Service. Ganun ata talaga pag tumatanda na, biglang nagkakaroon ng urgency maisecure ang “after life”.

Ako nga pala si Anton, 24 anyos at kasalukuyang nagtatrabaho bilang tech support at minsan sumasideline bilang IT din. Tamang tangkad ng 5’8 at medyo payat na pangangatawan.

Natigilan nalang ako at napatitig sa kaharap ko ng bigla nya ako hinawakan sa mukha, hindi sa malambing na paraan ngunit halos ngumuso nako dahil isang kamay lang ang gamit nya paghawak sa may chin ko at pinisa pa nya pisngi ko.

“Ang sabi ko, kung gusto mo ng kape at magtitimpla ako” aniya.

Ako: ah, hoho shifge (Oo sige)

Nasobrahan na pala ako sa pagiisip ng mga bagay bagay. Sinundan ko nalang sya ng tingin habang papunta sya sa dakong kusina ng bahay nila at naglagay ng tubig sa takure para pakuluin.

Ang ganda talaga nya at ang sexy. Di ko maiwasang maisip kung ni minsan ba nakaramdam na kaya sya ng mga makamundong bagay kagaya ng pagnanasa? Di gaya ko, lumaki siya sa relihiyosong pamilya. Sa pagkakakilala ko sa kanya, straight forward syang tao, honest at mabait, di maarte at mahilig tumawa. Dahilan bakit kami naging close ay dahil siya rin ang nagapproach nung napansin niya na hindi ako kumportable sa Church nila nung unang Sunday na dumalo ako sa kanila. Sa palagay ko ay wala syang bahid ng malisya, bagay na nakakahanga sa kanya.

Crissy: ano ba kase nakita mo don at lakas tama ka dun?

Ako: pag sinagot ko tanong mo wag ka maiinis?

Crissy: depende kung gaano nakakainis ang sagot mo e

Ako: ang laki ng ano eh hahaha

Crissy: panay ka kalokohan e kaya ka di sinasagot. che buti nga sayo nakailag yun sa masamang loob

Tawanan namin habang nagkakape. Muntik ko pa maibuga yung hinihigop kong kape dahil ako mismo natatawa sa baduy kong kasutilan. Gusto ko tukuyin kung ano yung malaki kaso bawal kase “religious” haha

Masayang nagtapos ang aking linggo, kasama pamilya at mga churchmates at si Crissy.

Magsisimula nanaman ang bagong week. Maglu-lunes nanaman at panahon para bumyahe pabalik ng Manila para sa trabaho. Makikita ko nanaman sa lunch break yung bumasted sakin. Mabigat man sa kalooban ay minarapat ko nalang harapin ang bagay bagay at tumungo narin ng byahe.

Maaliwalas naman ang start ng Monday ko, tamang troubleshoot lang ng computer ng mga nagoopisina at paminsan minsan ay sumisipat sa mga new hires kung may maisusunod akong target na maliligawan.

Dumating na oras ng lunch, nagkamali akong nagpa-late lunch at may tinapos akong problema sa remote connection ng isa sa mga supervisor dahil inabot ko lang sa cafeteria yung babaeng bumasted sakin na may kasamang lalaki na grabe makadikit. OA ang pag PDA akala mo wala sa workplace. Sino ba itong asungot nato?

Dahil sa siksikan parin ay napilitan akong pumwesto sa table sa may likod nila at sa di inaasahang pagkakataon ay narinig ko ang lakas ng pagusisa ng chismosang katropa nya

Chismosa: uyyy kayo na pala?? Kelan pa??

Ariadne (pangalan ng bumasted sakin ../..) : Kahapon lang, nasurprise din ako kaya nasagot kong di oras eh

Chismosa: uyyy ingatan mo tong tropa ko haa wag mong sasaktan to kung hindi nako talaga bla bla bla bla

Di ko na naintindihan mga kasunod na sinabi ng echoserang chismosa na yon, ang ingay ingay nya. Kahapon lang? Putangina nya kamo, ang sweet sweet pa namin nung Friday, inihatid ko pa sya sa dorm nila pagka-out nya. Ni hindi ko nga alam na may iba palang pumoporma sa kanya. E label nalang kulang samen habang nililigawan ko sya. Tapos Sabado ng umaga through text nya lang ako binasted tapos Linggo may jowa na sya? Putangina joke ba yun? Paasa amputa.

Di pako nangangalahati sa pagkain ko ay niligpit ko na pinagkainan ko at umalis. Medyo masakit parin dahil may effort at oras parin akong nilaan don. Tangina nyo isumbong ko kayo sa management eh.

Natapos ang araw na halos wala akong gana magtrabaho. Pakiramdam ko nascam ako dun ah.

Naglakad nalang ako pauwi kesa maipit sa traffic. Medyo malayo ang dorm ko pero tamang tama lang para makapagisip ako at marelax ng konti.

Abala ako sa pagantay ng stop light para tumawid sa kabilang kalsada ng may napansin akong pamilyar sa may di kalayuan. Yung chismosang tropa ni Ariadne. Martha ba yun? Sino yung kasama nya? Papasok sila ng isang karaniwang motel. Jowa ba nya? It’s not my business and it is common occurrence naman pero it is still surprising na may jowa pala sya.

Pero teka. Parang may mali.

Hindi pwedeng jowa nya yun dahil yun yung asungot na bagong boyfriend ni Ariadne. Ano? Puta ayos to a.

Gusto ko silang sundan pero baka harangin ako. Alam ko na! Agad kong kinuha yung binili kong pagkain na nakabalot pa sa plastic ng 7eleven para kunware lumabas lang ako sandali para bumili ng pagkaen at pabalik palang ako sa room ko sa motel nato. Puta genius kahit tanga tanga.

Nagantay lang ako ng konti para tantyahin kung tapos na sila magcheck in sa frontdesk at saka masusi kong sinundan sila kung saang room sila. Confidence is the key kahit kabado. Tingin sa front desk staff eye to eye na parang paying customer lang hahaha. Di naman ako nabigo at nasilip ko muna saang room sila pumasok bago ko nagtago habang pumapasok sila. Baka makalingon tas makita ako e.

Nang makapasok na sila ay agad akong lumapit sa kwartong inupahan nila at tinignan bakasakaling naiwan nilang hindi nakalock at baka akoy makakavideo man lang haha

Sad. Nakalock.
Nagiisip ako ng kung ano pang pedeng gawin makabawi manlang kahit dun sa mokong na mangaagaw na yon.

Wala talaga. Malapit nako sumuko ng biglang —

“Hindi kasama sa usapan natin yan!!” Medyo napalakas na boses ng babae, halata ang pagkagulat sa tono nya.

“Sige na kase, para mapabilis na. Eto naman, sige na kase. Konti lang, lahatin mo na ……” sagot naman nung lalaki na unti unting humina din ang boses

“Ahhhh sir?”

Kamuntik pako napalundag sa gulat ng may sumita sakin na babaeng cleaner ng nasabing motel.

“Sir bawal po–”

“Ay sorry po hehe. Dito po kase yung room ng tropa ko nagpabili ng condom dinala ko lang.. alam nyo na, wingman eh haha”

Sabay dali dali akong umalis bago pa makahalata staffs nung motel.

Tangina di ko alam gagawin pagkauwi ko. Gusto ko sabihin kay Ariadne yung nalaman ko ngunit naisip ko wala naman akong ebidensya at lalabas lang na sinisiraan ko yung kupalugs na jowa nya.

Kumaen ako ng hapunan ng may matanggap akong mensahe sa messenger

Crissy: may chika ako sayo, naghahanap ng jowa officemate ko baka gusto mo

Ako: goodeve. oh talaga? sakto yan kailangan ko. nakita ko sa work yung bumasted sakin. kaya pala ako binasted, nakasalisi. di ko alam may iba palang pumoporma. haha

Crissy: ganun? condolence pre. sweet sweet nyo pa naman. e ano pakilala kita sa officemate ko?

Ako: teka muna. ano munang depekto ng officemate mo hahahaha di ka naman magrereto basta basta dahil alam mong akoy salaw

Crissy: depekto kagad? hahaha ang sama ng ugali mo. all in one na yon pag yon naging jowa mo

Ako: pano naging all in one? sexy, malaki, magaling magluto, magaling sa gawaing bahay?

Crissy: magaling magluto, magaling sa gawaing bahay, all in one

Ako: asan yung sexy at malaki? hahaha

Crissy: pag yun naging jowa mo, may jowa kana may mommy kapa HAHAHA

Ako: luh?

Crissy: buy 1 take 4 yon, pag naging kayo automatic may tatlo ka na kagad na anak HAHAHA

Ako: di ko alam kung nakikiramay ka o lalo moko dinedepress eh

Crissy: (thumbs up/like)

Walangya naisahan ako don ah. Okay narin natawa nalang din ako kase benta rin joke nya sakin. Siya nagjoke e.

Naalala ko nanaman yung nangyari sa motel. Inisip ko ano pede ko gawin hanggang inabot nako ng antok at nagayos na para matulog.

Kinabukasan sa trabaho.

Nagtitingin ako ng tickets na nakaassign sakin. Uy meron sa department ni Ariadne. Inopen ko yung details ng ticket at nalaman kong kay Martha na computer yung issue, di naman mataas ang priority pero inuna ko na dahil gusto ko masilayan si Ariadne.

Martha: uy IT (it tawag nila sa tech support), pacheck naman computer ko ayaw magbukas nung xXxXXx application e kailangan ko for reporting mamaya

Ako: okay.

Kilala nya akong manliligaw dati ni Ariadne. Nakakabadtrip yung ngiti nya, parang deep inside pinagtatawanan nya ako.

Tangina mo alam ko sikreto mo. Isa sa sikreto mo hahaha yung kahapon lang ang natuklasan ko e. Napangisi nalang ako habang kinocomfort ko sarili ko sa mga isipin nato.

Nirestart ko ang computer nya, eto una ko ginagawa dahil madalas eto nakakasolve ng problema haha. Nasa gitna palang ng boot up sequence ng may kumausap sa kanya mula sa isang grupohan ng department nila

“Beh tara milktea tayo sagot daw ni mayora (referring to one of big spenders or galant one in their group lol)” ani ni ateng naka cute glasses pa

“Ay sige bet ko yan!” sagot naman netong chismosang si Martha

“kuyang IT wait lang ha bili lang kame sagit sa labas. Alam mo naman yan diba di mo na need assistance ko”

Tumungo nalang ako at kunwaring nagdidiagnose na pero ang totoo inopen ko lang yung CMD tapos nagtype ng netstat para lang may lumabas na numbers hahaha

Umalis na sila at nagdiagnose na ako talaga. Umikot ako ng tingin at umasa na hindi kasama si Ariadne sa mga lumabas para mag milktea pero wala din sya kaya tinuloy ko nalang pagcheck ng problema ng computer ni Martha.

Habang nagdidiagnose ako ay naisipan ko silipin yung messages ni Martha (may sariling messaging software ang company para din sa mga files at attachments).

Sisilipin ko sana ang conversation nila ni Ariadne para malaman kung pinagtatawanan ba nila ako o ano dahil parang joke talaga pagkakabasted sakin. Di pako nakakalayo ng pagbackread ng nakita ko yung picture ng bagong boyfriend ni Ariadne na nasa recent messages din. Ulrich pala pangalan ng kupal na yon.

“Hoy mamaya pag out natin ha. Aantayin kita”
chat ni Ulrich.

Interesting. Backread pako.

“gago! hahaha”

“buko juice? yung tiglilimang piso haha”

“Pa-bj ka naman!”

“Oo na panalo kana hahaha. Hawak lang ha”

“Yung usapan natin oi”

“Oww?”

“Oi. Pssst”

*backread kaya pabaliktad ang basa haha

What? What the actual fuck? Di ako makapaniwala habang patuloy akong nagbabackread. Nagscreenshot ako ng mga chat nilang dalawa sabay salpak ng flash drive at saka ko sinave ang kopya ng mga screenshot.

Tinapos ko na magtroubleshoot at siniguradong gumagana na yung application na ayaw mag open kanina. Saktong dating nila at naconfirm ng ayos na station nya.

Nagpatuloy narin ako sa duty ko at ganadong nagtrabaho. Napapangiti ngiti pako pag naiisip ko ang mga gagawin ko.

Kaya pala ako nabasted ha.
Tangina nyo babawi ako. Pinagpustahan nyo si Ariadne ha. Ngayon, hindi lang simpleng ebidensya ang meron ako, ginamit nyo pa messaging app ng company para sa kalokohan nyo kaya mas mahihirapan kayo tumanggi pag inimbestigahan kayo ng management.

Humanda kayo.

Itutuloy.

A/N: Feedbacks, criticism and suggestions are encouraged. My apologies in advance, I am a newbie.

 

blipper
Latest posts by blipper (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories